Share

Tagong Bilyonaryo
Tagong Bilyonaryo
Author: Rever

Kabanata 0001

“Takbo, Rome! Tumakbo ka at huwag kang lilingon pa!”

“Honk!!!!!!”

Biglang nanlaki at nagliwanag ang mga mata ni Rome sa takot habang nagigising ito mula sa mahimbing niyang pagtulog. Tumulo ang malalaking butil ng pawis sa kaniyang balat.

Hinabol niya ang kaniyang hininga habang malakas na kumakabog ang kaniyang dibdib.

Naramdaman niya ang panginginig ng kaniyang mga kamay habang nagsususpetsa siyang tumitingin sa kaniyang harapan bago niya ipangsuklay ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok at dahan dahang ipanghawak sa kaniyang mukha para tuluyang magising.

“Hindi ako makapaniwalang nananaginip nanaman ako ng ganito,” bulong ni Rome.

Habang nakakaramdam ng trauma sa kaniyang panaginip, tumayo siya sa kama bago siya maglakad papunta sa electric fan na nakalagay sa sulok ng maliit niyang kuwarto para inspeksyunin ito.

“Nasira ito sa gitna ng napakainit na panahon, yung totoo?” Bulong ni Rome habang nafufrustrate siyang nakatitig sa electric fan.

Nang biglang makuha ang kaniyang atensyon ng isang malakas na ingay papunta sa kaniyang pinto, alerting nakinig ang kaniyang mga tainga sa mga boses na nageecho papasok sa kaniyang kuwarto.

“Hoy!! Tanda. Nasaan na ang pera ko!”

“Mr. Orlando, pero wala pa po ang deadline ng loan ko sa inyo.”

“Manahimik ka! Maganda ang takbo ng tindahan mo kaya bakit hindi ako puwedeng maningil sa iyo!!”

“Pero… pero wala po akong pera ngayon. Naipambili ko na po ito ng mga paninda. Sa asingko na lang po ng susunod na buwan ako magbabayad gaya ng ating napagusapan.”

“Haha! Ang lakas na rin ng loob ng mga taong kagaya mo! Kukuhin ko ang lahat ng gusto ko rito bilang pambayad sa utang mo kung hindi ka magbabayad ngayong araw.”

“Hindi niyo po puwedeng gawin iyan, illegal po iyan!”

“Umalis ka sa daraanan ko!”

“Ah!”

Sa tindi ng galit na kaniyang naramdaman, naglakad palabas ng kaniyang kuwarto si Rome.

Nang pumasok siya sa kuwarto, napatigil at napatitig siya ng buong galit sa mga taong nasa loob nito.

“Dad!” Sigaw ni Rome habang nakatingin siya pababa sa isang lalaking may kulay niyebeng buhok bago niya tingnan ang matanda nitong mukha at ang matubig nitong mga mata.

“Bumalik ka sa kwarto mo Rome. Ayaw kitang mapasok ulit sa gulo nang dahil sa akin. Ako na ang bahalang umayos dito.” Iyak ni Mr. Miller.

Naglakad palapit si Mr. Orlando sa matanda bago ito magsquat sa harapan ng ama ni Rome. Dito na niya hinawakan ang magkabilang pisngi ni Mr. Miller bago niya ito pisilin nang husto.

“Paano mo ihahandle ang bagay na ito, tanda?” Bastos na tanong ni Mr. Orlando.

Sapat na ang pakikinig sa nanginginig na boses ng kaniyang ama at sa pagkaarogante ng tono ni Mr. Orlando para manginig sa galit si Rome na nagpakabog nang husto sa kaniyang dibdib.

“Bibigyan ko kayo ng isang minuto para umalis sa tindahan namin!” Sigaw ni Rome.

Pagkatapos ng isang saglit, nabalot ng ingay ang tindahan habang sumasabog sa katatawa si Mr. Orlando at ang kaniyang mga tauhan.

“Grabe, napakabastos pala ng bibig ng isang ito!” Nanglalait na sinabi ni Mr. Orlando na tumatayo nang diretso sa kaniyang puwesto.

Dito na niya tinitigan ang isa sa kaniyang mga tauhan bago niya ito kindatan. Agad namang naglakad ang lalaking iyon papunta kay Rome.

“Huwag po, huwag niyo pong idamay ang anak ko!” Sigaw ni Mr. Miller.

“Manahimik ka, Tanda!” Nakangising sigaw ni Mr. Orlando.

Nanatili naman sa kaniyang puwesto si Rome nang lumapit ang lalaking iyon sa kaniya.

“Hindi mo dapat binastos ng ganoon ang boss ko.” Gigil na sinabi ng lalaki habang malakas nitong tinatapik ang balikat ni Rome.

Dito na hinawakan ni Rome ang wrist ng lalaki bago niya ito alisin sa kaniyang balikat.

Habang ginagawa ng lalaking iyon ang lahat para maalis ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni Rome, mas hinigpitan pa ni Rome ang kaniyang pagkakahawak hanggang sa magtunugan ang mga buto sa kamay ng lalaki.

“Argh! Hayop…!” Sigaw ng lalaki.

Hindi niya mabanggit nang buo ang kaniyang sasabihin matapos walang awalng atakihin ni Rome ang kanyiang kneecap na tumama sa lalamunan ng kaniyang kasama na nagtanggal sa malay nito.

“Sino ang susunod!” Nanlalamig na sinabi ni Rome habang nanlalamig na tumitingin ang madilim niyang mga mata sa natitirang pitong mga maskuladong lalaki.

Kinindat naman ni Mr. Orlando ang kaniyang mata bago magsisugod ang mga natitirang lalaki kay Rome habang makikita ang pamatay nitong mga itsura sa kanilang mukha.

Umatras si Rome para gumawa ng distansya sa mga lalaki bago siya nanlalamig na ngumiti habang inaatake niya ang mga ito nang sabay sabay.

Mabilis na nagpalit ng direksyon ang mga mata ni Mr. Orlando habang pinapanood niya ang paisa isang pagbagsak ng kaniyang mga tauhan.

Ngumisi si Rome nang makita niya ang pagsugod ng natitirang tauhan ni Mr. Orlando sa kaniya. At pagkatapos ay agad naman siyang bumungisngis habang hinohook kick niya ang lalaking ito sa kaniyang mukha na nagpatalsik dito ng limang hakbang palayo kay Rome bago ito tumama sa sahig.

“Saan ka pupunta?” Naghahamong sigaw ni Rome habang tinititigan niya si Mr. Orlando na tumatakbo paalis ng tindahan.

Agad namang sumabog sa katatawa si Rome habang pinapanood niya ang pagkapatid ni Mr. Orlando sa isang bato na nagpadapa rito sa lupa.

“Hoy, isama mo ang mga mangmang na ito paalis. Huwag kang magiwan ng kalat sa tindahan namin!” Sigaw ni Rome.

“Babalikan kita! At sa sandaling gawin ko ito, maiintindihan mo kung sino sa ating ang huling hahalaklak!” Sigaw ni Mr. Orlando habang pinapagpag nito ang dumi sa kaniyang katawan.

Nagpatuloy sa pagtawa si Rome hanggang sa tumama ang kaniyang mga mata sa galit na tingin in Mr Miller, dito na biglang humina nang humina ang kaniyang boses hanggang sa tuluyan na siyang natahimik.

“Sakit sa ulo ka talagang bata ka!” Sigaw ni Mr. Miller na palapit kay Rome.

Dito na niya piningot ang tainga ng kaniyang anak bago niya ito hatakin hanggang sa mamula ito.

“Ah, ah! Pa, niligtas lang naman kita kaya bakit mo ako pinaparusahan.” Isip batang iyak ni Rome.

“Dahil hindi lang nagpapautang si Mr. Orlando, miyembro rin ito ng isang sindikato. Walang kasing sama ang boss nito. Kailangan na nating umalis ngayundin.” Takot na sinabi ni Mr. Miller.

“Pero bakit?”

“Papatayin ka niya. Hindi kita mapoprotektahan dahil masyado akong mahirap. At dahil dito, wala ka ring ni isang kusing na matatanggap!”

“Hoy! Hindi naman po ito patas sa inyo. Ginawa niyo naman po ang lahat para sa pamilya natin.”

“Pero hindi pa rin ito sapat. Mula noong makita kita noong gabing iyon na nakahiga sa dugo, wala pa ako masyadong nagawa para sa iyo, at ngayon ay nanganib pa ang buhay mo nang dahil sa akin, kaya ito lang ang bagay na magagawa ko para sa iyo.”

“Dad…”

Alam ko kung ano ang inyong sasabihin at alam ko na ayaw mong masaktan ang damdamin ko. Pero alam ko rin na wala akong kakayahan na protektahan ka kaya dadalhin kita sa isang ligtas na lugar para hindi ka nila mahanap.”

“Puwede ba akong magsalita tungkol dito?”

“Hindi! Kaya dalian mo nang magimpake ng mga gamit.”

Tumitig si Rome sa kaniyang ama, nanginig ang kaniyang mga kamay at nabalot ng takot ang kaniyang mga mata ng isang sandali bago siya tumakbo papunta sa likod ng tindahan kung saan matatagpuan ang kaniyang kuwarto.

Pagkatapos ng ilang segundo, bumalik siya dala ang sira sirang bag na nakasabit sa kaniyang balikat para puntahan si Mr. Miller.

“Ano ito?” Bulong ni Rome habang tinititigan niya ang papel na hawak ng kaniyang ama.

“Ito ang ticket mo papunta sa isang mayamang pamilya.” Bulong ni Mr. Miller.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status