Share

Kabanata 0003

Nakatanggap ang bawat miyembro ng pamilya Barlow ng isang emergency text mula kay Madam Rosey kaya agad nilang napuno ang sala ng kanilyang tahanan pagkalipas lamang ng kalahating oras.

Paisa isa nilang tiningnan ang papel at si Mr. Barlow ang huling humawak nito.

Dito na natahimik ang buong sala habang naghihintay ang lahat sa sasabihin nito.

Sa kanilang tahanan, dalawa lamang ang indibidwal na may kapangyarihang magdikta sa kanilang pamilya, at ito ay sina Madam Rosey at ang kaniyang asawa na si Mr. Barlow.

Walang tigil na naglaban laban ang ibang mga miyembro para sa kapangyarihan at mahahalata na si Catherine at ang kaniyang mga magulang ang kasalukuyang nasa ilalim ng mga ito.

Inayos ni Mr. Barlow ang kaniyang lalamunan bago maging seryoso ng mga mukha ng lahat maliban kay Rome. Tinitigan niya nang husto si Mr. Miller pero hindi ito nagpakita ng anumang emosyon sa kaniyang mukha.

“Pirma ito ng ama ko at tunay din ang selyo ng pamilya Barlow sa papel na ito. Nagawa nitong ipangako na ipapakasal niya ang huli niyang apo sa apo ni Mr. Miller sa sandaling ipagdiwang niya ang ika 18 niyang kaarawan.”

“Pero…” Bulong ng ama ni Catherine.

“Pinirmahan ang kontratang ito ng aking ama at ni Mr. Miller kaya dapat lang na isakatuparan ko ito. Ipapakasal si Catherine kay Rome sa loob ng apat na linggo, at pinal na ang aking desisyon tungkol dito. Mula sa araw na ito, ituturing na ng lahat si Rome Miller bilang manugang ng ating pamilya.”

Nang marinig niya ang mga sinabi ng kaniyang biyenan, naiyak nang malakas sa sobrang disyama ang ina ni Catherine habang umaapaw ang luha sa kaniyang mga mata.

“Kontrolin mo ang sarili mo! Ang lakas naman ng loob mong kumilos nang ganiyan sa harapan ng aking ama!” Galit na sinabi ng ama ni Catherine.

Nanigas ang mukha ni Mr. Barlow at isinara nito nang husto ang kaniyang kamao habang nakatitig sa kaniyang anak.

Nang bigla siyang tumayo para sabihing, “Ayusin mo ang asawa mo dahil ito na ang huling beses na bibigyan niya ng kahihiyan ang pamilyang ito nang dahil sa kaniyang paguugali!”

Naaawa namang tiningnan ni Catherine ang kaniyang ama habang puno ng kahihiyan itong yumuyuko sa harapan ng kaniyang ama. At pagkatapos, tumingin naman siya sa nagdadalamhating mukha ng nasasaktan niyang ina.

Pagkatapos niyang maghintay nang buong pasensya sa pagalis ng kaniyang asawa, ito na ang oras para magsalita si Madam Rosey kaya nanatiling tahimik ang lahat. Kalmado niyang tiningnan ang sala hanggang sa tumama ang kaniyang paningin kay Rome. Hindi ito nagpakita ng kahit na kaunting respeto sa tono ng kaniyang boses nang magtanong ito ng, “Anong klase ng kalidad ang dala mo sa pamilya Barlow?”

Magsasalita na sana si Rome nang biglang lumuhod si Mr. Miller bago nito iyuko ang kaniyang ulo hanggang sa tumama ito sa sahig. Umiiyak nitong sinabi na, “Kasalanan ko ang lahat ng ito! Hindi ko siya nabigyan ng magandang buhay. Kaya huwag niyo po sana siyang sisihin sa mga pagkukulang ko sa kaniya.”

Maririnig ang mahinang pagtawa sa loob ng kuwarto.

Nang mapatingin si Rome sa kaniyang kanan, nakita niya ang isang dalaga na may dark violet na buhok na nagpipigil sa kaniyang pagtawa.

Noong mga snadaling iyon, wala na siyang ibang gusto kundi hatakin ang kaniyang ama palabas sa tahanan ng pamilyang ito. Pero alam niya na hindi ito ang gusto ni Mr. Miller kaya agad niyang pinigilan ang kaniyang galit habang pinapanatili niyang kalmado ang kaniyang sarili.

“Nakakairita ka! Hindi mo nagawang suportahan ang anak mo kaya napagpasyahan mo na gawin siyang pabigat sa aming pamilya. Manloloko kang matanda ka.” Direktang sinabi ni Madam Rosey habang tumatayo ito sa kaniyang puwesto.

“Humihingi po ako ng tawad sa inyo,” bulong ni Mr. Miller.

“Nakakadiri ang kawalan mo ng kahihiyan. Tumayo ka. Ayaw kong may kumalat na balita tungkol sa pangaapi ko sa isang mahirap.”

“Salamat po.”

Naramdaman ni Rome na para siyang isang talunan habang pinapanood niyang tumayo si Mr. Miller bago ito umupo sa couch.

Nang tumama ang paningin ni Madam Rosey sa kaniya, tiningnan niya si Rome ng isang sandali bago nito determinadong sabihin na, “Ayaw ko ng mga walang kuwentang tao, kaya gawin mong kapakipakinabang ang sarili mo rito. Oh, at Catherine, siya ang mapapangasawa mo kaya problema mo na siya. Siguruhin mo na hindi siya papasok sa kahit na anong gulo.”

Nanatiling tahimim ang sala habang umaalis si Madam Rosey sa kuwarto.

Unti unting humina ang tunog ng yapak sa hall. At nang mawala ito, agad na umingay ang buong kuwarto.

“Honey, hindi maaaring magpakasal ang anak natin sa isang talunan. Siya ang nagiisa nating anak kaya hindi natin siya dapat ibigay sa kung sino sino, lalo na sa mga importanteng sandali na kagaya nito.” Iyak ng ina ni Catherine sa kaniyang asawa.

Dito na hinawakan ng ama ni Catherine ang kaniyang asawa sa kaniyang bisig bago ito bumulong ng, “Huwag kang magalala. Kakausapin ko si papa. Sisiguruhin ko rin na sasangayon ito na hindi magandang desisyon ang pagbibigay sa kaniyang apo sa isang walang kuwentang lalaki na kagaya nito.”

Umangat naman ang mga labi ng ina ni Catherine na gumawa ng isang ngiti, dito na nilapitan ni Chloe si Catherine. Agad na nagdilim ang kaniyang mukha nang makita niyang papalapit ang kaniyang pinsan ngayong alam niya na hindi maganda ang sasabihin nito sa kaniya.

“Kung ganoon, isang underdog para maging asawa. Masyado itong ironic! Gaya ng kasabihan, ‘like mother like dauther”. Mahinang pangungutya ni Chloe pero siniguro niyang maririnig ni Catherine ang mga salitang ito.

Pero nakatitig si Rome sa kaniya kaya kahit na hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito, sapat na ang malungkot na mukha ni Catherine para malaman na pinagsasalitaan ito ng masama ni Chloe.

“Tapos na ang trabaho ko rito.” Sabi ni Mr. Miller. Ito ang mga salitang nagalis ng atensyon ni Rome sa dalawang magpinsan na nagbalik sa kaniyang mga mata sa kaniyang ama.

“Nagbibiro ka ba? Hindi ako magpapaiwan dito.” Bulong ni Rome habang nagpapakita siya ng pagkaseryoso sa kaniyang mukha.

“Huwag nang matigas ang ulo mo, anak. Lubog ako sa utang kaya hindi kita maaalagaan. Pinagbantaan na rin ni Mr. Orlando ang buhay mo.” Nagmamatigas na sinabi ni Mr. Miller.

“Dad.”

“Ang pagiging manugang ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa ang nagiisang paraan para mabuhay ka. Ituring mo na ito bilang suwerte at huwag mo nang pairalin ang pride mo.”

Nang makapagbuntong hininga si Mr. Miller, agad itong tumayo para maglakad palabas ng kuwarto na nagiwan sa nakatinging si Rome sa kaniya.

“Hoy, ikaw! Halika na.” Tawag ni Catherine habang galit nitong tinitingnan si Rome.

Isang segundo muna ang inabot bago magising ang diwa ni Rome at mapagtanto na kinakausap siya ni Catherine.

Nang mapansin niya na nandidiri siyang tinitingnan ng lahat, tahimik siyang tumayo para sundan si Catherine.

Nang makarating sila sa isang malaki at eleganteng kuwarto, isinara ni Rome ang pinto sa kaniyang likuran ngayong siya ang huling pumasok bago niya tingnan ang nanlalamig na itsura ni Catherine.

“Gaano kalaking pera ang kailangan mo para sabihin sa lolo ko na nagsinungaling ang iyong ama at peke ang marriage contract natin?” Direktang tanong ni Catherine.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status