Share

Kabanata 0006

Nang muling magkamalay si Rome, hinayaan niya munang nakapikit ng ilang minuto ang kaniyang mga mata habang hinihintay niyang mawala ang sakit niyang kaniyang ulo bago niya imulat ang mga ito.

“Nasaan ako?” Bulong ni Rome habang nakatingin siya sa paligid ng kuwarto, dito na tumama ang kanyiang paningin sa matandnag lalaki na may kulay abong buhok at kulay puting goatee.

Kalmado itong ngumiti kay Rome bago nito sabihing, “Nasa bahay kita. Ako nga pala si Mr. Ford.”

“Mr… Fo-rd. A…”

“Okay na ang lahat bata. Huwag kang matakot sa akin.”

Nabalot ng pagtataka ang itsura ni Rome habang nagiisip niyang tinititigan si Mr. Ford, ‘Huwag kang katakutan? Inutusan mo ang mga tauhan mo na bugbugin ako! Hindi pa ako mangmang!’

Isang sandaling inalis ni Mr. Ford ang kaniyang tingin kay Rome para magfocus sa picture frame. Dito na niya inalis ang picture sa dresser na kaniyang ipinakita kay Rome.

“Kilala mo ba ang tao sa litratong ito?” Tanong ni Mr. Ford.

“Bakit mayroon kang picture ko noong bata pa ako?” bulong ni Rome habang nakakaramdam siya ng goosebumps sa kaniyang balat.

“Anak ko!”

“Ang ano mo?”

Nang maisip niya na wala na sa sarili si Mr. Ford, nagsimula nang magisip si Rome ng paraan para makatakas sa lugar na iyon.

“Hindi mo ba naaalala ang ama mo?” Tanong ni Mr. Ford habang naiiyak itong ngumingiti nang mataas.

“Mayroon akong ama at hindi ikaw iyon. Ngayong tapos na ang ating usapan, mauuna na po ako.” Sagot ni Rome habang itinatapon niya ang kumot sa kaniyang tabi.

“Paano mo nagawang maalala ang pangalan mo pero hindi ang pangalan ko?”

“Dahil sa walang kuwentang bangungot na dumadalaw sa akin gabi gabi mula pagkabata hanggang ngayon.”

“Anong bangungot?”

“Malabo ang lahat sa panaginip na iyon maliban na lang sa boses ng taong sumisigaw dito na para bang kumakausap sa akin. Walang tigil silang sumigaw ng, ‘Takbo, Rome! Tumakbo ka at huwag kang lilingon! Kaya napagdesisyunan ko na tawaging Rome ang sarili ko.”

Umiyak nang malakas ang nanonood na si Mr. Ford, nakaramdam naman ng awkwardness si Rome nang makita niyang umiyak ang isang matanda. Hindi niya alam kung icocomfort niya ba ito o gagamitin niya itong pagkakataon para tumakas. Ngayong wala siyang lakas ng loob para gawin ang mga bagay na iyon, nanatili lang siyang nakaupo sa kaniyang kama para hintaying matapos sa pagiyak si Mr. Ford.

“Ako iyon! Ako ang sumisigaw sa iyo na tumakbo ka, Rome. Noong gabing iyon, sumugod ang aking mga kalaban sa lugar na ito para patayin ang ina mo.” Sabi ni Mr. Ford habang nakasara ang kaniyang mga kamao.

Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Rome sa hindi maipaliwanag na rason nang marinig niya ang mga salitang iyon at kahit na wala siyang alaala kay Mr. Ford at sa mansyong ito, naramdaman niya pa rin na pamilyar ang mga ito sa kaniya.

“Pasensya ka na ngayong patay na ang asawa mo.” Bulong ni Rome.

“Hindi ko lang siya asawa. Siya ang ina mo. Lumaban kami nang buong lakas noong gabing iyon pero napagpasyahan namin na patakasin ka ngayong alam namin na manganganib ang buhay mo sa sandaling manatili ka pa rito noon.” Sabi ni Mr. Ford habang tinititigan niya si Rome.

Alam niya na nagdududa pa rin si Rome sa kaniyang mga sinasabi pero alam ni Mr. Ford na nakita na niya ang matagal na niyang nawawalang anak.

“Ang ama na sinasabi mong tatay mo, siya ba ang tunay na ama mo?” Tanong ni Mr. Ford.

“Hindi, nakita niya ako pagkatapos akong mabangga at takbuhan ng isang sasakyan, iniwan niya ako roon para mamatay.” Sabi ni Rome nang mapagtanto niya na baka anak nga talaga siya ni Mr. Ford.

“Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nabigo ako bilang ama mo. Sinubukan kitang hanapin nang mawasak ko ang mga taong pumatay sa ina mo, pero hindi kita mahanap. Anak, hayaan mong bumawi ako sa iyo!”

“DNA test,”

“Huh?”

“Gusto kong magpaDNA test para mawala ang mga pagdududa ko ngayong nawala ang mga alaala ko sa mga bagay na sinabi mo.”

Bahagyang natigilan si Mr. Ford bago siya sumabog sa katatawa.

“Sige, tatawagan ko si Dr. Lincoln ngayundin!” Sigaw ni Mr. Ford.

Dito na niya tinapik ang balikat ni Rome bago siya tumakbo palabas ng kuwarto.

“Kakaiba rin ang matandang ito. Sinubukan niya akong patayin kanina at ngayon naman ay sinabi niya na ako ang nawawala niyang anak!” Bulong ng tumatayong si Rome mula sa kaniyang kama.

Habang nakakaramdam ng pagkacurious naglakad siya sa paligid ng kuwarto para maghalughog sa mga drawer at cabinet nito nang makita niya ang isang picture frame na nakatago sa isa sa mga drawer ng dresser sa kwarto.

“Sino siya?” Bulong ni Rome habang tinititigan niya ang babae sa litrato.

Nang bigla niyang mabitawan ang picture frame na siyang nabasag sa tiles.

Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Rome habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.

Nang makabalik si Mr. Ford sa kuwarto, nakita niyang nakaupo sa isang tabi ang umiiyak na si Rome. Dito na inalis ni Rome ang kaniyang tingin sa picture para tingnan si Mr. Ford.

“Namatay si Mom. Nakita ko ang lahat noong gabing iyon. Nakahiga siya sa sarili niyang dugo. Bakit kailangan ko pang maalala ito? Ayaw ko siyang maalalang ganoon!” Bulong ni Rome na yumayakap nang husto sa kaniyang sarili.

Pagkatapos ng isang sandalo, nagpunta si Dr. Lincoln sa mansyon para icheck si Rome.

“Nagkaroon siya ng Dissociative amnesia. Hinarang ng utak ni Rome ang alaala ng pagkamatay ng kaniyang ina kaya hindi niya maalala ang ilang bahagi ng kaniyang pagkatao.” Sabi ni Dr. Lincoln habang nakatingin ito kay Mr. Ford.

“Grabe ang pinagdaanan mo, anak. Hindi ako naging mabuting ama sa iyo.” Sabi ni Mr. Ford habang muli itong lumuluha.

‘Bakit ba ang hilig niyang umiyak? Napakaweird ng isang ito. Hindi ko naman siyang naalalang ganiyan noong maliit pa ako.’ Isip ni Rome habang umiikot ang kaniyang paningin sa kuwarto.

Nang makuha ni Dr. Lincoln ang sample ng mga laway nina Mr. Ford at Rome, umalis na ito sa kuwarto na nagiwan sa magama roon.

“Nakabalik na rin ang anak ko sa wakas! Mayroon na akong tagapagmana. Oras na para magretiro ako.” Sabi ni Mr. Rome.

“Ano?” Tanong ni Rome.

“Well, hindi mo naman aasahan ang isang matandang katulad ko na magpatuloy sa pagpapatakbo ng mga kumpanya sa ganitong edad. Gusto kong makuha mo ang puwestong para sa iyo para mapamahalaan ang mga negosyo nating may bilyon bilyong halaga.”

“A…”

“Alam ko na marami ka pang dapat na habulin. Pero isa kang fast learner. Hindi ako makapaniwala na alam mo pa rin ang mga move na tinuro ko sa iyo. Mana ka talaga sa ama mo.”

Pagkatapos ng isang awkward na katahimikan, tuminign si Rome kay Mr. Ford bago siya magpakita ng hindi magandang ngiti.

“Sige, pero sa isang kondisyon.” Banggit ni Rome.

“Kahit na ano. Sabihin mo kung ano iyon.” Sagot ni Mr. Ford.

“Huwag mong isapubliko ang pagkakakilanlan ko.”

“Pero bakit? Matagal ko nang hinintay ang araw na ito. Kaya bakit ayaw mong sabihin sa mundo na anak kita?”

Nanatili ang tusong ngiti sa mga labi ni Rome habang nakatitig siya sa kaniyang ama. Dito na nyia sinabing, “May mga bagay pa akong dapat ayusin.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status