Share

Kabanata 0002

“Anong ibig nitong sabihin?” Tanong ni Rome na natigilan sa mga sinabi ng kaniyang ama.

“Tama na ang satsat, halika na. Magigising na ang mga binugbog mong lalaki!” Bulong ni Miller.

Hindi naman gumalaw ng kahit na kaunti si Rome habang nagugulat niyang tinititigan ang kaniyang ama. Dito na dahan dahang naglakad papunta sa kaniya si Mr. Miller para agresibo siyang dalhin palabas ng pinto.

“Hoy! Bakit habang patanda ka ng patanda ay mas pabayolente ka ng pabayolente.” Bulong ni Rome habang itinatayo niya ang kaniyang sarili.

“Manahimik ka na riyan at maglakad!” Sabi ni Mr. Miller habang puwersahan nitong itinutulak si Rome ngayong ayaw nitong humakbang ng kahit na isa.

Awkward na napatingin ang mga tao na kanilang nadadaanan habang nagpapatuloy si Mr. Miller sa pagtulak kay Rome mula sa likuran.

“Sige na! Huwag mo na akong itulak! Maglalakad na ako. Pero kailangan mo munang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta.” Bulong ni Rome habang kwestiyonable itong nakatitig sa kaniyang ama.

“Wala ka nang ibang dapat malaman maliban sa pagdala ko sa iyo sa pinakaligtas na lugar para sa iyo ngayon. Kaya mangako ka sa akin na hindi ka gagawa ng kahit na anong gulo roon habang nagpapakumbaba sa kanila.” Sabi ni Mr. Miller.

“Ah, mukhang hindi na ito maganda.”

“Rome! Hindi ito ang tamang oras para magbiro. Mangako ka sa akin!”

“Ah. Sige, kung anuman ang sinabi ninyo.”

Pagkatapos ng isang sandali, sumakay sina Mr. Miller at Rome sa isang taxi.

Hindi nagsalita ng kahit na ano ang dalawa habang nasa biyahe.

Nang huminto ang taxi sa harap ng marangyang bakuran, bumaba sina Rome at Mr. Miller para lumapit sa gate. Dito na pinindot ni Mr. Miller ang doorbell habang naghihintay sa harapan.

Pagkalipas ng ilang minuto, isang bantay ang lumabas sa gate para maglakad papunta sa dalawa. Dito na niya tiningnan si Mr. Miller bago niya tingnan si Rome.

“Wala akong perang maibibigay sa inyo kaya umalis na kayo!” Bastos nitong sinabi habang naiinis niyang tinitingnan ang dalawa nang may pandidiri sa kaniyang mukha.

Kung may isang bagay man na hindi makokontrol ni Rome, ito ang kaniyang galit. Pero nang isara niya ang kaniyang mga kamao, agad na hinatak ni Mr. Miller ang kaniyang mga kamay habang kalmado nitong sinasabi na, “Pagpasensyahan niyo na po ang hindi natin pagkakaintindihan, hindi po kami mga pulubi. Gusto po naming makipagusap kay Madam Rosey.”

Agad na umangat ang mga labi ng bantay na para bang nangungutya ito bago siya sumabog sa katatawan. Tumawa siya nang malakas habang tumutulo ang luha sa dulo ng kaniyang mga mata.

“Hindi mga pulubi. Hindi ninyo ako maloloko. Marami na akong nakita na katulad ninyo, at palagi nilang sinasabi na hindi sila mga pulubi. Pero sa huli ay puwersahan ko pa rin silang kinakaladkad mula sa paningin ni Madam Rosey ngayong mga pulubi pala talaga ang mga ito.” Naghahamong sinabi ng bantay habang pinipigilan ang kaniyang sarili na tumawa.

Mas humigpit ang mga kamao ni Rome habang nanlalamig niyang tinitingnan ang nangungutyang mukha ng bantay.

Huminga siya nang malalim bago niya kalmadong sabihin na, “Hindi kami naghahanap ng gulo ng tatay ko. Gusto lang namin makipagusap kay Madam Rosey.”

Isang simangot ang nagpakita sa mukha ng bantay habang galit nitong tinititigan si Rome.

Dito na niya itinaas ang hawak niyang batuta para ipanghampas kay Rome paro agad na sumugod si Mr. Miller sa harap para salagin ang paghampas ng guwardiya gamit ang kaniyang braso.

Magpapakain na sana si Rome sa kaniyang galit nang makita niya ang paglapit ng isang napakagandang babae sa kanila.

Agad nitong nakuha ang kaniyang atensyon. Dahan dahang bumaba ang kaniyang galit habang tinititigan niya ang makinis nitong balat, payat nitong mga kilay, kulay velvet nitong mga pilik mata at itim nitong buhok.

“Hindi ka binabayaran ng lola ko para manakit ng matatanda.” Mahinahong sinabi ng babae habang papalapit siya kay Rome, Mr. Miller at sa bantay.

“Ms. Catherine,” Takot na sinabi ng guwardya habang bumabagsak ang hawak nitong batuta sa sahig.

Sa sobrang inis, napairap na lang si Catherine habang naglalakad siya papunta sa tabi ng guwardya. Huminto siya nang makalapit siya kay Mr. Miller.

“Hello, ako nga pala si Catherine. Ang pinakabatang apo sa tahanan ng mga balow. Taos puso akong humihingi ng tawad sa ginawa ng guwardya namin. Ibigay po ninyo sa akin ang inyong account number para mabigyan ko po kayo ng danyos.” Buong galang na sinabi ni Catherine.

Pero malakas na iniling ni Mr. Miller ang kaniyang ulo habang hinahawakan nito ang kamay ni Catherine habang sinasabi na, “Hindi ko kailangan ng pera.”

“Kung ganoon, ano po ang gusto ninyo?” Nagugulat na tanong ni Catherine.

Agad na pinakawalan ni Mr. Miller ang kamay ni Catherine bago niya hawakan at hatakin sa braso si Rome.

Dito na siya tumingin muli sa nagtatakang asul na mga mata ni Catherine bago niya mahinahong sabihin na, “Dala ko ang sulat na mayroong tatak ng pamilya Barlow, oras na para matanggap ito ni Madam Rosey.”

“Kung ganoon, sumunod ka sa akin.” Mahinang sinabi ni Catherine.

Agad na napahakbang sa isang tabi ang guardiya habang naglalakad sina Rome at Mr. Miller papasok ng tahanan, nakasunod sa kanila si Catherine na nagdala sa kanila papasok sa bahay.

“Siguradong hindi matutuwa ang matanda rito. Pero ano nga ba ang pakialam ko kung si Ms. Catherine na mismo ang nagdala ng mga pulubing ito papasok.” Bulong ng guwardya bago niya pulutin ang batuta sa sahig.

Nang makapasok sila sa sala, nagalok si Catherine ng upuan kina Rome at Mr. Miller.

At nang tumalikod siya para umalis, isang matandang babae ang naglakad papasok sa kuwarto nang may simagot sa kaniyang mukha.

“Catherine, bakit nakaupo ang dalawang pulubi na ito sa mamahalin kong couch.” Direktang sinabi ng matandang babae habang naiinis niyang tinititigan sina Mr. Miller at Rome.

At nang makita niya ang galit na itsura ng kaniang lola, agad na nakaramdam ng takot si Catherine ngayong alam niya na masesermonan nanaman siya.

Sa tatlo niyang mga uncle at sa kaniyang ama, alam ni Catherine na ang kaniyang ama ang pinakamalayo sa loob ng kaniyang lola at alam ito ng bawat isang miyembro ng kanilang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit siya madalas na nasesermonan nito.

Pero muling bumagsak ang kaniyang dibdib ngayong nadismaya nanaman niya ang kaniyang lola ngayong ginagawa niya ang lahat para mapatunayan sa kaniyang lolo at lola na karapat dapat siyang maging tagapagmana ng kanilang pamilya.

Mabilis na umangat ang kumalmang galit ni Rome sa kaniyang dibdib. Pero pinigilan niya ito habang nananatiling kalmado sa kaniyang kinauupuan ngayong nagawa na niyang mangako sa kaniyang ama.

“Ipagpaumanhin niyo po ang hindi maganda naming presensya sa inyong mga mata, Madam Rosey. Pero mukhang dapat na ikasal ang dalawang ito ayon sa papel na hawak ko ngayon.” Direkta at seryosong sinabi ni Mr. Miller.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status