Home / Romance / [Tagalog] The Mafia's Angel / Chapter One: Sweet Meets Spicy

Share

[Tagalog] The Mafia's Angel
[Tagalog] The Mafia's Angel
Author: Alex Dane Lee

Chapter One: Sweet Meets Spicy

Author: Alex Dane Lee
last update Last Updated: 2023-11-14 19:38:35

Nginitian ni Clarisse ang isang customer pagkatapos ibigay sa kanya ang sukli para sa binili nitong item.

"Salamat po sa pagpunta sa Everyday Convenience store, balik po kayo ulit!" ang nakangiting sabi niya sa papalabas na customer.

Matapos noon ay pumunta si Clarisse sa isang shelf na puno ng pastries. Inisa-isa niyang tinignan ang expiration date, at inalis ang mga expired na tinapay. Inilagay niya iyon sa isang plastic bag. 

Biglang napatayo si Clarisse nang marinig niyang bumukas ang pinto, at babatiin na niya sana ang pumasok na customer...

"Welcome sa Everyday Convenience St----!" Hindi na natapos ni Clarisse kanyang sasabihin nang biglang may mag-collapse na lalaki na kanyang harapan.

Noong una ay hindi siya nakagalaw sa labis na pagkabigla, ngunit agad din siyang nakabawi matapos ang ilang segundo. Mabilis niyang pinuntahan ang lalaki upang tulungan ito.

"Sir, okay ka lang ba?" tanong niya sa lalaki. 

Tumango lang ang lalaki bilang sagot, habang nakapikit ang mga mata nito. 

Tinitigan ni Clarisse ang estranghero. Walsng kulay ang mukha nito at punong-puno ito ng malamig na pawis. Bukod pa doon ay nanginginig din ang katawan nito.

Sinubukan niyang maghanap ng kahit anong identification mula sa lalaki na maaring makapagbigay ng impormasyon tungkol sa health condition nito. Napansin niya na may suot na bracelet ng lalaki, at nakahinga siya ng maluwang nang makita niya ang mahalagang impormasyon tungkol sa lalaki.

Nalaman niyang may kondisyon ang lalaki na tinatawag na hypoglycemia. Nabasa rin niya ang ilang pangalan ng gamot, ang kanyang mga allergy, at ang kanyang emergency contacts. Dahil fan siya ng mga medikal na drama sa telebisyon, alam niya ang tungkol sa first aid para sa hypoglycemia. Mabilis siyang pumunta sa pinakamalapit na istante ng kendi, kumuha ng isang malaking piraso ng kendi, binuksan iyon, at isinubo sa bibig ng estranghero.

Pagkatapos noon ay tumawag na siya ng ambulansya.

Matapos makipag-usap ni Clarisse sa emergency operator, mabilis niyang tinawagan ang emergency contact na nakaukit sa bracelet ng lalaki. Nakausap niya ang isang lalaki na may malalim at nakakatakot na boses, at ibinigay niya rito ang address ng convenience store.

Matapos niyang magawa ang mga kinakailangang gawin, ibinalik niyang muli ang kanyang atensyon sa estranghero. Nakahinga siya ng maluwag nang mapansin niya na bumabalik ang kulay ng mukha nito. Tumigil na rin ang panginginig nito.

Mabuti at nakatulong ng kaunti ang pgkain nito ng kendi. Kailangan na lamang niyang hintayin ang pagdating ng ambulansiya...

Iminulat ng lalaki ang mga mata nito, at may ibinulong ito sa kanya.

"T-Thank you..." pabulong na sabi ng lalaki sa kanya. 

"Huwag po kayong mag-alala, sir. Parating na po ang ambulansya. At tinawagan ko na ang emergency contact ninyo." sinikap ni Clarisse na pakalmahin ang estranghero.

May sasabihin pa sana ang lalaki pero hindi na niya naituloy iyon dahil dumating na ang ambulansya, pinuntahan na sila ng paramedics, tinignan ng saglit ang lalaki, at pagkatapos noon ay inilagay na siya sa stretcher. Tamang-tama naman na dumating na rin ang emergency contract ng estranghero.

Nakahinga ng maluwag si Clarisse habang tinatanaw ang papaalis na ambulansya. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ay nagpasya na siyang bumalik sa trabaho...

===================================

Lumips ang ilang araw.

It was a normal working day for Clarisse. Sa ngayon nga ay abala si Clarisse sa pagtatrabaho sa loob ng convenience store.

"Excuse me, Miss. Ikaw ba si Clarisse Marshall?

Napalingon si Clarisse sa kanyang likuran nang may biglang tumawag sa kanyang pangalan. Nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng sunglasses. Nakatawag din sa kanyang pansin ang malaking dragon tattoo sa buong kaliwang braso nito.

Medyo intimidating ang presensiya ng lalaking ito, pero pinilit niya pa rin na harapin ang lalaki.

"Ako nga po, sir. Ano po ang kailangan ninyo?" ang magalang na tanong ni Clarisse sa lalaki.

"Iniimbita ka ng aking Boss para sa isang dinner meeting ngayong gabi. Inaasahan ni Boss ang iyong presensiya." ang imporma sa kanya ng lalaki. 

"Huh? Sino po ang nag-iimbita sa akin? At sino po ang inyong Boss? At bakit po ako iniimbita?" ang nagtatakang tanong ni Clarisse sa lalaki. 

"Hayaan mong ipaliwanag ko sa'yo ang lahat. Ako nga pala si Johnny Croone, si Mr. Michele Montserrat ay ang aking Boss. Iniimbita ka ng boss ko para sa isang espesyal na dinner dahil gusto niyang personal na magpasalamat sa'yo sa pagliligtas sa kanyang buhay ilang araw na ang nakakaraan." ang paliwanag ni Mr. John Croone.

Naalala ni Clarisse ang nangyari ilang araw na ang nakakalipas.

"Ay, oo nga pala! Naaalala ko siya. Kumusta na pala ang kalagayan niya?" ang tanong ni Clarisse.

"Salamat sa tulong mo, mas maayos na siya ngayon. Kung hindi mo siya tinulungan, baka kung ano na ang nangyari sa kanya." ang tugon ni Johnny. 

"Mabuti naman po kung ganoon. Masaya ako at kahit papaano ay nakatulong ako." ang tumatangong tugon ni Clarisse. 

"Sana ay tanggapin mo ang imbitasyon ng Boss ko." ang muling singit ni Johnny.

"Naku, hindi naman na kailangan ng special dinner. Okay na sa akin yung simpleng pasasalamat niya." ang magalang na pagtanggi ni Clarisse sa imbitasyon. 

"Pasensiya na pero hindi tumatanggap ng pagtanggi ang aking Boss. Hindi titigil ang Boss ko hangga't hindi ninyo tinatanggap ang kanyang imbitasyon." ang patuloy na giit ni Johnny Croone.

"Pero---!" hindi na naituloy ni Clarisse ang kanyang sasabihin nang muling magsalita si Johnny Croone.

"Nakalimutan ko rin palang sabihin na nag-donate ang aking Boss ng malaking pera sa Sunshine Orphanage, kung saan kayo lumaki. Iyon din ang isang paraan niya upang magpasalamat sa'yo." ang pagbibigay ng impormasyon ni Johnny Croone. 

Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa labis na pagkagulat matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Johnny.

Paanong nalaman ng lalaki ang Sunshine Orphanage? At paano nito nalaman na doon siya galing?

"Teka, paano niya nalaman ang Sunshine Orphanage? At paano niya nalaman ang aking nakaraan?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Clarisse. 

"Kung gusto mong malaman ang mga sagot sa mga tanong mo, tanggapin mo ang imbitasyon ng Boss ko." ang misteryosong sagot ni Johnny. 

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Clarisse habang sinusubukan niyang timbangin ang sitwasyon. She's having second thoughts because she is meeting with a total stranger.

Pero gusto din niyang personal na pasalamatan ang lalaki dahil sa pagbibigay nito ng malaking donasyon sa bahay-ampunan na kinalakihan niya.

"Sige, pumapayag na ako." sa wakas ay nakapagdesisyon na si Clarisse.

"Mabuti naman kung ganoon. May susundo po sa inyo ng alas-nuwebe ng gabi, at ihahatid kayo papunta sa aming Boss. Huwag po kayong mag-alala sa inyong seguridad. Maipapangako po namin na magiging safe kayo." ang paninigurado ni Johnny.

Pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyang nang umalis si Johnny.

Napaisip si Clarisse kung anong klaseng tao si Michele Montserrat. Gusto niyang malaman ang tunay na katauhan ng lalaki.

And well, malalaman din niya mamaya ang mga gusto niyang malaman... 

=============================

Kinagabihan.

Sa ngayon nga ay kausap ni Clarisse ang driver na susundo at maghahatid sa kanya sa dinner meeting nila ni Michele Montserrat.

"Magandang gabi, Miss Clarisse Marshall. Ako si Thomas, at ako ang magiging personal chauffer mo ngayong gabi. Gaya ng bilin ni Master Michele Montserrat, sisiguraduhin po namin ang inyong seguridad." ang magalang na pakilala ng lalaki.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala. Saan po. tayo pupunta?" ang curious na tanong ni Clarisse. 

"Pribadong lugar po ang ating pupuntahan at hindi ko po puwedeng sabihin ang eksaktong lugar para sa privacy at seguridad. Ngunit masisiguro ko sa iyo na ito ay isang ligtas na lugar." ang pninigurado ng driver.

"Sige po, naiintindihan ko." ang tango ni Clarisse. 

Makalipas pa ang ilang sandali ay tinatahak na nila ang daan papunta sa kanilang destinasyon. 

Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto ang limousine sa tapat ng isang mataas na business building. Lumabas si Clarisse mula sa limousine, at tumitig sa matayog na gusali. 

Sinalubong siya ng dalawang matangkad na lalaki na nakasuot ng sunglasses at black suits.

"Welcome to Athena Palace, Miss Clarisse Marshall."

"S-Salamat." ang kinakabahang sagot ni Clarisse. 

"Please follow us. This way, please." inalalayan siya ng dalawang bodyguard. 

Tahimik na sumunod si sa dalawang lalaki. Naglakad sila ng kaunti sa lobby, at nang makarating sila mg elevator ay muli siya g kinausap ng isa sa mga lalaki.

"Pumasok na po kayo, Miss Marshall." ang imporma nito. 

Pumasok si Clarisse sa isang kulay gintong elevator. Lihim siyang humanga sa interior design ng elevator. Matapos noon ay sumunod naman sa kanya ang dalawang lalaki.

Hindi napigilan ni Clarissa ang mamangha  nang makarating sila sa penthouse kung saan naghihintay sa kanya si Michele Montserrat.

Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang panaginip.

Lahat ng mga nakikita niya sa paligid ay hindi makikita sa mga normal na building. Lahat ng bagay dito ay kumikislap sa sobrang ganda! 

Related chapters

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Two: The Invitation

    Pakiramdam ni Clarisse ay pumasok siya sa isa sa mga pahina ng isang Architecture's Digest Magazine! Hindi niya maiwasang mabighani sa lahat ng nakikita niya sa loob!Ang mga disenyo ng penthouse ay sumisigaw ng karangyaan at kagandahan.Habang abala si Clarisse sa pagtingin sa buong lugar ay bigla naman siyang nakarinig ng boses ng isang lalaki."I hope you like what you see." Muntik nang atakihin sa puso si Clarisse dahil sa gulat nang marinig niya ang boses ng lalaki.Humarap siya at nakita niya ang lalaking tinulungan niya ilang araw na ang nakakaraan.Pinilit niyang tingnan ang lalaki ng diretso sa mata. Agad niyang tinitigan ang mukha ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan.Ito si Michele Montserrat, ang lalaking tinulungan niya ilang araw na ang nakakaraan at ang lalaking nag-imbita sa kanya para sa isang special dinner.Nakasuot ito ng suit, at bumagay iyon dahil maganda ang height ng lalaki. Parang model ng formal clothing brand ang lalaki at puwede maging artista dahil sa

    Last Updated : 2023-11-14
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Three: Romance in the Air

    Pagkaraan ng ilang oras, nagpasya sina Michele at Clarisse na bumalik sa beach house upang magpahinga ng kaunti bago sila bumalik sa siyudad at ihatid si Clarisse sa kanyang tinutuluyan.Binati sila ni Celia, ang mayordoma at caretaker sa beach house. "Sir, bigla pong dumating ang inyong mga magulang. Halos kararating din lang po nila." ang imporma agad ng matandang babae sa kanila.Hindi alam ni Clarisse kung bakit siya tinignan ni Michele. Pagkatapos noon ay muli nitong itinuon ang atensiyon sa matandang babae."Nasaan sila ngayon?" "Nasa sala sila ngayon at nagpapahinga." ang sagot ng caretaker. "Let's go, Clarisse. Let me introduce you to my parents." ang biglang imporma Michele.Bago pa nakapagprotesta si Clarisse ay hinawakan na ni Michele ang kamay niya, at sabay silang naglakad papunta ng salas. "Michele, my son!" nakangiting tumayo ang ina ni Michele, at pagkatapos noon ay dumiretso ito sa anak na lalaki at niyakap ito ng mahigpit "Good evening. Dad... Mom. I want you to

    Last Updated : 2023-11-14
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Four: Getting To Know Michele Montserrat

    Biglang napatili si Clarisse nang makarinig siya ng isang putok ng baril at ang bala ay tumagos sa glass window ng convenience store. Agad naman siyang niyakap ni Michele upang protektahan siya. Sa sobrang bilis ay nakaramdam siya ng panginginig ng katawan dahil sa takot. "Are you okay, Clarissa? Are you hurt somewhere?" tanong niya, habang nag-aalalang tinitigan si Clarisse. "Nanginginig ako at kinakabahan pero ayos lang ako." ang tugon ni Clarisse. "No, I don't think so. Kailangan nating pumunta ng ospital upang matignan ka----!" Michele stops at mid-sentence when Clarisse interrupted her. "Huminahon ka, Michele! Walang nangyari sa akin at okay lang ako. Huwag kang mag-alala..." ang pagpapakalma ni Clarisse kay Michele. Mariin na ipinikit ni Michele ang kanyang mga mata at pagkatapos noon ay huminga siya ng malalim, as he tries to calm himself down. After a few minutes, he was able to recover. "Okay ka na ba?" ang muling tanong ni Clarisse. "Yes, I've calmed down a bit. P

    Last Updated : 2023-11-14
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Five: The Godfather

    5"I can't believe I'm telling you this, but it all boils down to my father's greed and obsession with power. At kailangan mo na ring malaman ang sikreto ng aming pamilya, Clarisse... Well, here it goes-- ang aking ama ay lider ng isang organized mafia crime group, at ito ay tinatawag na "La Famiglia." nagsimulang magkwento si Michele. "Hindi ko akalain na talagang may mafia pala sa totoong buhay. Akala ko ay sa mga pelikula lang nangyayari iyon..." iyon na lamang ang nasabi ni Clarisse."Ang grupo na iyon ay nagpapatakbo ng maraming negosyo. But their main business is manufacturing and selling firearms." ang pagpapatuloy ni Michele."Kasama ka rin ba sa pagpapatakbo ng negosyo, Michele?" ang biglang naitanong ni Clarisse."Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi?" ang balik-tanong ni Michele. Tumingin si Clarissa kay Michele ng diretso sa kanyang mga mata. Deep inside her heart, naniniwala siya sa lalaking ito dahil buong tapang nitong pinagtapat sa kanya ang sikreto ng kanilang

    Last Updated : 2023-11-14
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Six: Ang Paparating Na Pagsubok

    Minamaneho ni Celeste ang kanyang Mercedes Benz habang papunta siya sa condominium unit ni Michele sa gitna ng Metropolitan City. Tapos na siya sa kanyang shopping spree for the day, at kalahati ng mga damit na binili niya ay para sa kanyang magiging asawa. She is very excited to see him again after her three-month European tour.Isa pang dahilan kung bakit niya gustong makipagkita at makausap si Michele ay kailangan na nilang pag-usapan ang ilang detalye ng kanilang nalalapit na engagement at kasal. Pagkatapos niyang iparada ang kanyang sasakyan sa VIP area ng condominium building, sumakay si Celeste sa elevator, habang hawak-hawak niya ang mga paper bags na puno ng mga ipinamili niya para kay Michele.Pinindot niya ang "P" button na siyang Penthouse na tinutuluyan ni Michele. Nang makarating siya sa Penthouse, mabilis niyang pinindot ang ilang numero na siyang passcode ng pinto ni Michele. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga numerong iyon dahil iyon ang araw ng birthday ni Mic

    Last Updated : 2024-02-13
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Seven: Ang Espesyal Na Bisita

    "Puwede ko bang malaman ang tungkol sa iyong mga magulang? Ikuwento mo naman sa akin ang tungkol sa kabataan mo, at iba pang mga bagay tungkol sa pamilya mo..." ang interesadong tanong ni Clarissa."Marami akong puwedeng ikuwento sa'yo, Clarissa. Hindi normal ang lumaki sa Isang pamilya na nabibilang sa mafia, at gumagawa ng mga ilegal na bagay. Pero ginampaban ng aking ama ang kanyang pagiging tatay. Lumalabas kami every weekends. Binibigay niya ang lahat ng gusto ko..." ang pagsasalaysay ni Michele."Napakaganda naman ng mga memories mo sa tatay mo noong bata ka." ang turan ni Clarissa."I think so, too. You see, I had a simple, normal and loving family, but everything has changed when my father joined a Mafia organized group, and when he finally became the head of "La Famiglia" which is infamously known as ang "Godfather." ipinagpatuloy ni Michele ang pagsasalaysay ng background ng kanyang pamilya. "Nasubukan mo na bang kausapin ang iyong ama at ina?"Tumango si Michele bago siya

    Last Updated : 2024-02-13
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Eight: Ang Palaban Na Si Celeste

    Makalipas ang ilang oras.Naglalakad ngayon si Clarissa papasok ng Angels Home Orphanage. Matapos ang limang araw na pagtatarabaho ay makasama niya muli ang mga bata sa orphanage. Makakalaro niya muli ang mga bata and she will spend longer time with them..."Wow, may bago na akong laruan! Maraming salamat po!"Agad na napalingon sa kanyang kaliwa si Clarissa, at nakita niya ang napakagandang babae na nagbibigay ng mga regalo sa mga bata...Bigla siyang na-curious sa babae. Sino kaya siya? Gusto niya sanang magpasalamat dahil sa kabutihan na ginagawa niya para sa mga bata...Naputol sa pag-iisip si Clarissa nang bigla siyang kausapin ni Sister Grace."Bakit nakatayo ka lang dito, iha? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Sabik na sabik ka nang makita ng mga bata." ang nakangiting bati sa kanya ng matandang madre."Kadarating ko lang po, Sister Grace. Gusto ko pong itanong kung sino ang ating bisita ngayon?" ang curious na tanong ni Clarissa."Ah, siya si Miss Celeste Vitale. Nakipagusap si

    Last Updated : 2024-02-15
  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Nine: Sa Ayaw At Sa Gusto Mo

    Lumipas ang ilang araw. Si Clarissa ay kasalukuyang nasa break, at kasama niyang nagmemeryenda ang kanyang katrabaho na si Angel.Makalipas ang ilang minuto ng pagmemeryenda at kuwentuhan, kailangan na nilang bumalik ng convenience store dahil tapos na ang 15-minute break nila.Nagboluntaryo si Clarissa na ilagay ang kanilang mga basura sa basurahan. Nang magtatapon na sana siya ng basura, bigla siyang may nakita sa loob. Napakunot-noo niya nang makitang isang kahon na walang takip, at may mga iba't-ibang kulay ng wire, at countdown timer sa loob...At hindi siya inosente para hindi malaman kung ano iyon."Angel, tumakbo ka palayo dito! Bilisan mo!" ang mabilis na utos niya sa kaibigan.Nagsimulang namang tumakbo palayo si Angel, at ganoon din ang ginawa ni Clarissa, mabilis na sumabog ang improvised bomb sa loob ng basurahan... ==============================Sa isang ospital..."Huwag na kayong mag-alala at maliit lang na sugat ang natamo ninyo." ang paliwanag ng mabait na doktor,

    Last Updated : 2024-02-15

Latest chapter

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Thirty - Two: The Intense Competition

    Dahil sa three-pointer shot ni Kent, tumaas muli ang score ng school nila, nanalo ang basketball team nila sa Basketball Competition.Hindi niya talaga maipaliwanag kung bakit, ngunit hindi maalis ni Michaela ang kanyang tingin kay Kent Cervantes. Minsan ay madalas silang magkasama sa iisang klase pero hindi naman sila nagpapansinan at nagkakausap. Itinuturing ni Michaela si Kent bilang kanyang karibal, lalo na pagdating sa academic rankings ng kanilang paaralan. Si Kent ay iskolar, at isang atleta at the same time.Magkakompetensiya sila sa lahat ng bagay. Si Kent ay kilala bilang Isang "Golden Boy" at bukod pa doon ay maraming kababaihan ang nababaliw sa lalaki dahil sa kaguwapuhan, talino at sa galing nito sa basketball.Hindi ang mahigpit na kalaban ni Michaela sa kanilang eskuwelahan...Natigil sa malalim na pag-iisip si Michaela nang marinig niyang sinisigaw ng lahat ang pangalan ni Kent. Nakita ni Michaela na pinagkakaguluhan si Kent ng maraming tao pagkatapos ng basketball g

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Thirty-One: The Beauty and The Golden Boy

    Maingat na tiningnan ni Michaela ang laman ng kanyang bag. Sinigurado niyang wala siyang nakalimutan. Today is the day that she has been waiting for...Siya ang napili ng kanilang Propesor at ng kanyang mga kaklase na maging kinatawan ng kanilang klase para sa History Quiz Olympiad kung saan makakalaban niya ang iba pang mga estudyante mula sa iba't ibang seksyon. Nag-aral siya sa loob ng isang buwan, at determinado siyang manalo sa competition...Nang matiyak ni Michaela na nasa loob ng bag niya ang lahat ng gamit niya, binigyan niya ng huling tingin ang sarili sa salamin. Pagkatapos noon ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto niya at bumaba. Agad siyang nagtungo sa dining room kung saan naghihintay sa kanya ang kanyang mga magulang, para sabay silang mag-almusal. At gaya ng lagi niyang ginagawa bago umalis papuntang paaralan, nagpaalam siyang halik at yakap sa kanyang ama at ina...Pagkatapos magpaalam, mabilis siyang tumakbo patungo sa kanilang garahe at agad na sumakay sa kanilan

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Thirty: Her Knight And Shining Armour

    30MafiaSa wakas ay natapos na rin ang Championship game sa pagitan ng Waldorf High at St.Charles High School. Halos wala nang tao sa basketball court, maliban sa ilang miyembro ng basketball team. Nalungkot si Michaela dahil hindi nakuha ng kanilang paaralan ang Championship title. Ang kanilang karibal, ang St. Charles High, ay nanalo sa bandang huli.Nababalot siya sa sobrang emosyon ngayon. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Ito ang araw na ipagtatapat niya ang tunay na nararamdaman sa isang taong matagal na niyang minamahal ng lihim. "Goodluck sa confession mo ngayon, Michaela. Don't you dare chicken out on a last minute, okay?"Natigilan si Michaela mula sa kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Sarah sa kanyang likuran. Matagal na niyang matalik na kaibigan si Sarah. Nagsimula silang maging matalik na magkaibigan sa kanilang freshman year, hanggang sa kanilang kasalukuyang sophomore year... "Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon, Sarah." pag-amin ni Michaela. "Kay

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Twenty-Nine: A Teenage Life

    29MafiaSa apartment ni Drew. "Sigurado ka bang ayos ka lang, Drew? Sa tingin mo ba mas mabuting magpatingin sa doktor?" ang nag-aalalang tanong ni Erika kay Drew. "Erika, huwag ka nang mag-alala. Ayos lang ako." ang tugon ni Drew kay Erika.Habang patuloy pa rin sa pagsasalita si Erika ay lumilipad naman ang isip ni Drew...Napakabilis lang ng lahat ng pangyayari, at nagpapasalamat siya dahil walang nangyari sa kanya. Para itong deja vu, tulad ng nangyari sa kanya ilang taon na ang nakakaraan...At dahil sa nangyari ay may na-realize si Drew."Erika." "Yes, Drew?" ang tugon ni Erika."I'm leaving as soon as possible. I don't want to get involved with any musical plays and stage plays from now on." ang pinal na desisyon ni Drew.Mabilis na napatayo si Erika, at halatang nagulat ito sa anunsyo ni Drew. "Teka, sigurado ka na ba talaga sa desiyon mo?"Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ni Drew matapos niyang marinig ang kaibigan."Oo, buo na ang desisyon ko." ang determin

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Twenty-Eight: Isang Malaking Aksidente

    Kinabukasan. May dalawang linggo na lamang ang lahat bago ang Gala Night ng kanilang musical play.Muling nagpatawag ng meeting si Director Alford...Halata na rin sa lahat ang nararamdaman nilang pressure at kaba dahil sa paparating na "Big Night.""Malapit na tayo sa dulo ng karera, at kailangan pa nating mag-practice mabuti. Pero may maganda akong balita sa inyo..." ang nakangiting pahayag ng director, habang inilalabas nito ang isang malaking poster. Iyon ang kanilang promotional poster para sa kanilang upcoming na musical play...Napangiti at napahalakhak ang lahat ng cast dahil sa sobrang excitement."Nagsimula na rin ang bentahan ng tickets, kaya naman dapat ay mas lalo pa nating pagbutihin ang ating rehearsals, maliwanag ba?" ang tanong ng matandang director sa lahat."Yes, Sir!" ang sabay-sabay na sagot ng lahat.Nagsimula nang mag-practice ang lahat, habang inoobserbahan silang lahat ni Director Alford...===============================Busy ang lahat ng cast and crew haba

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Twenty-Seven: Ang Mga Hindi-Inaasahang Mga Bisita

    27MafiaHabang lumalalim ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Celine. Nagpasya siyang bumangon, lumabas sa kanyang silid at nagpasyang magpainit ng gatas para makapagpahinga siya at makatulog.At at the same time, nakita din ni Celine si Nick na umiinom ng tubig sa kusina.Nagkukwentuhan silang dalawang habang nagpapaantok."Ano kaya ang mangyayari sa musical play natin sa finale night, Celine?" ang biglang naitanong ni Nick kay Celine."Sana ay maging successful ang finale night ng musical play natin, Nick. Pero siyempre malulungkot din ako kasi tapos na ang play natin." ang sagot ni Celine."Pareho din tayo ng iniisip. Marami na rin tayong pinagsamahan..." ang tugon naman ni Nick."Pero maging friends pa rin tayo, hind ba?" muling nagsalita si Celine."Oo naman! Walang magbabago..." ang tumatangong tugon ni Nick.Nagpatuloy sina Nick at Celine sa pagkuwentuhan...============================Kinabukasan.Naghahanda na si Nick sa kanyang biyahe pabalik ng Maynila.Makalipas pa ang i

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Twenty-Six: An Unexpected Sleepover

    Sa wakas ay narating nina Celine at Nick ang maliit na bayan ng Walnut Creek. Sinalubong sila ng ihip ng hanging taglamig, na para bang sila ay tinatanggap. "So, saan ka pupunta ngayon?" biglang tanong ni Nick kay Celine. "Pupunta ako sa farm ng magulang ko, which is called the Montecarlo farm. How about you? Saan ka pupunta?" ang balik-tanong ni Celine. "Oh, pupunta ako sa lugar ng lolo't lola ko." ang Nakangiting sagot ni Nick."Hope we'll have fun on our own vacations." iyon na lamang ang nasabi ni Celine, as she is ready to say goodbye."Magkita tayo sa rehearsals pagkatapos ng bakasyon." ang nakangiting sagot naman ni Nick.Maghihiwalay na sana sila nang marinig ni Celine na may tumatawag sa kanya."Celine!" Napangiti si Celine nang makita si Sally, at ang kanyang kapatid na si Simon, na parehong lumabas sa pick-up truck. Excited na tumakbo si Sally papunta kay Celine. "Sally! Simon! Mabuti naman at nasundo niyo ako! Kumusta na kayo? Matagal din tayong hindi nagkita,ha!" ang

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Twenty-Five: A Winter Surprise!

    "Good morning, everyone! I'm so sorry for being late!" biglang pumasok si Nate, habang naghahabol ito ng hininga. "You're not that late, Nate. We're still doing warm ups." ang sagot sa kanya ng matandang direktor. "Salamat, sir." Nakahinga ng maluwag si Nate. Then afterwards, he walk towards his cast mates to join them. "Wala pa si Celine?" tanong ni Nate sa lahat, habang mukhang nag-aalala. "Oo. Baka nag-overslept siya?" ang biglang naisip ni Gale.Nagsalubong ang mga kilay ni Nate nang makita ni si Gale na nakatingin sa kanya, na para itong may gustong sabihin. Wala siyang ideya kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanya... Mabilis naumipas ang 20 minutes, pero wala pa rin si Celine."---We're going to discuss the list of songs for our musical play. Next week, may pianist na pupunta dito para magsimula na tayo sa vocal rehearsals niyo." ang biglang imporma ng matandang director.Habang may sinasabi pa si Mr. Alford ay bigla namang dumating si Celine..."I'm so sorry for being l

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Twenty-Four: Isang Napakagandang Gabi

    "Sir, puwede bang bigyan ninyo pa kami ng palugit?" ang pakiusap ni Nick sa guard."Nasa loob pa po kasi ang kaibgan namin. Hinihintay na lang namin siya na lumabas." ang dagdag ni Justin."Sige, bibigyan ko pa kayo ng limang minuto. Pagkatapos noon ay tuluyan na naming ila-lock ang mga pintuan." pinagbigyan sila muli ng security guard.Nagpasalamat sina Gale, Nick at Justin, at ipinagpatuloy nila ang paghihintay kay Celine.===========================Samantala.Napapikit ng mariin si Celine, habang hinihintay ang susunod na mga mangyayari..."----Don't panic. I promise I won't hurt you..." narinig niya ang isang pamilyar na boses sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata ni Celine, matapos niyang marinig ang boses na iyon.Dahan-dahang umikot si Celine para tingnan kung sino ang nakatayo sa likod niya. "Nate!" bulalas niya, habang nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti si Nate sa kanya bilang ganti."Pasensiya ka na kung natakot talaga kita, Celine. I was thinking that this is my last ch

DMCA.com Protection Status