"TIGIL TIGILAN mo ako sa mga pagpapaawa mo sa akin, Theo! Alam naman natin na ni katiting diyan sa mga pinapakita mo ay hindi naman totoo," sabi ni Amanda sa matigas na tono. At sa isang iglap, mas naging seryoso ang ekspresyon sa mga mata ni Theo. Napabuga ito ng hangin bago sumagot. "Sige, tutal naman mukhang nakapagdesiyon ka na, ipapaalala ko lang lahat sa 'yo dahil mukhang nakalimutan mo na naman, Amanda. Kung gugustuhin mong makipagkalas sa akin, kakalimutan ko na ang tungkol sa kaso ng kapatid mo pati ang pagtulong ko sa pamilya mo," anito. Sa sobrang inis ni Amanda sa sinabi nito, umigkas ang kamay niya at akmang sasampalin na ito pero naging mabilis ang pagpigil sa kaniya ni Theo. Nahawakan agad siya nito sa pulsuhan. Nagpupupumiglas pa si Amanda kaya napilitan si Theo na itulak ito sa kama at umibabaw dito para hindi ito makalayo sa kaniya. Hinalikan niya si Amanda ng mabilis at mukhang nanghina naman ito. Nang bumitaw siya sa halik ay tinitigan niya si Amanda sa mga ma
ALAS DIEZ na ng gabi nang pumunta sa ospital si Theo. Pinuntahan niya si Sofia na hanggang sa oras na iyon ay umiiyak at pilit na pinapatahan ng ina niyang si Esmeralda. Kanina pa ito hindi kumaklma kahit anong sabihin ni Esmeralda. Hindi talaga ito nakikinig.Maayos naman na ang lagay ni Sofia. Nasalinan na rin siya ng dugo dahil madaming dugo rin ang nawala sa kaniya. Nang nakapasok si Theo ay nadatnan niya doon si Esmeralda. Sinulyapan niya si Secrety Belle at inutusan agad. "Ikaw na muna ang bahala sa ina ni Sofia. Kailangan naming mag usap," aniya dito.Tumango naman agad si Secretary Belle. Makailang segundo lang ay nakaalis na si Esmeralda at ang naiwan na lang sa silid ay sina Theo at Sofia.Hilam ang mga mata ni Sofia mula sa pag iyak. Sinulyapan niya agad si Theo at parang paiyak na naman."T-Theo... maniwala ka sa 'kin. Wala akong alam sa sinasabi ng iba sa akin. Kumuha lang ako ng litrato sa garden ng bahay na iyon dahil madaming alaala doon noong bata pa ako..." sabi ni
"ANO NA NAMAN bang kadramahan 'to, Theo? Anak naman, 'wag kang masyadong magpapaalipin sa sarili mong emosyon! Wala kang mapapala riyan," naiiling na wika ni Therese kay Theo bago napahalakhak. "At 'wag ka ring masyadong napapalapit kay Amanda. Alam kong malaking tulong siya sa paglago ng kompaniya pero, dapat may limitasyon pa rin."Ngumisi si Theo nang mapakla. "Huli ka na, mom..."Kumunot ang noo ni Therese at bahagyang sumeryoso ang ekspresyon sa mukha. "Ano? Anong ibig mong sabihin?""Gusto ko na si Amanda! In fact, gustong gusto ko na siya! Mas lalo ko lang narealize iyon nang makita ko siyang umalis bitbit ang mga gamit niya."Nanlisik ang mga mata ni Therese. "Theo naman! Ano bang pinagsasabi mo?!"Umiling lang si Theo at hindi na nag aksaya pang sumagot pa. Umigting lang ang panga niya bago napagpasyahang iwan ang ina noon na nanggagalaiti pa rin sa galit.NANG SUMUNOD na araw ay maagang dumating si Theo sa opisina niya. Nadatnan niya doon ang isang empleyado na para bang may
MULA SA SALAMIN ay nakatanaw si Theo sa ibaba. Nasa opisina siya ngayon pero hindi siya makapag focus sa mga trabaho. Lumilipad lang ang isip niya kay Amanda. At isa pa, parang bigla niya itong hinahanap. Bigla na lang niya itong... namiss.Parang may sariling isip ang kaniyang kamay at bigla na lang kinuha ang phone niya sa bulsa. Ilang saglit lang ay idinial niya ang numero ni Amanda. Pero sobra ang pagkadismaya niya nang binababaan lang siya ni Amanda!Napatawa na lang ng mapakla si Theo habang napapailing. May naramdaman siyang lungkot sa loob niya lalo dahil do'n. Kaya naman nang natapos ang trabaho niya sa araw na iyon, pinuntahan niya si Amanda. Pero kumunot ang noo ni Theo nang nakita ang babaeng sumakay sa isang sasakyan na may pamilyar na plate number."Hindi pwede 'to. Hindi ako papayag..." pabulong na usal ni Theo nang mapagtanto kung sino ang may ari ng sasakyan kung saan sumakay si Amanda.Walang iba kundi si Harold na naman!Nakaramdam ng galit si Theo dahil do'n. Naii
MALALIM NA ANG gabi nang ihatid ni Harold si Amanda sa labas ng bahay ng ina niya. Nagpumilit pa noong unang ihatid ni Harold si Amanda pero si Amanda na mismo ang tumanggi dahil nahiya na rin siya. Nang tuluyan nang makalabas si Amanda sa kabahayan ay napasinghap siya sa gulat nang biglang may yumakap sa kaniya bigla sa likuran!Nang makita ni Amanda kung sino ang biglang yumakap sa kaniya ay nanlaki na lang ang mga mata niya. Si Theo lang naman iyon at mukhang walang planong pakawalan siya kung hindi pa siya nagpumiglas."Amanda..." naiusal ni Theo bago muling hilahin papalapit sa kaniya si Amanda. At hindi na nag atubili pa si Amanda na ayain nang umuwi pa si Theo dahil nasa gilid lang naman si Harold! At nakita silang dalawa sa ganoong pwesto!"U-Umuwi na lang tayo, Theo, ano ba..." Halos magngitngit ang ngipin ni Amanda sa galit.Doon palang siya pinakawalan ni Theo. Nang tumingin si Amanda kay Harold ay awkward lang siyang ngumiti. "Alis na kami," paalam niya kay Harold.Tuman
SABI INIS NI Amanda ay pilit niya pa ring binuksan ang pintuan ng kotse. Pero pinigilan siya ni Theo."Ano bang gusto mong gawin ko, Amanda? Gagawin ko ang lahat para hindi ka mahirapan sa poder ko! Kung gusto mo ng driver para ipagdrive ka kung saan ka pumunta, pwede naman. Ikaw lang ang nagpupumilit na magcommute minsan. At tungkol sa bahay niyo noon... naparenovate ko na 'yon! Pwede nang bisitanin anytime ng pamilya mo kaya wala ka nang dapat ipagalala pa," mahabang sabi pa ni Theo.Umiling si Amanda. "Ayoko, ayoko! Kahit ano pa 'yan, ayoko! Ano man ang maging suhol mo sa akin, hindi na mababago ang desisyon ko, Theo. Sa papel na lang tayo mag asawa! Pero kapag pumayag ka sa divorce at naprocess na, saka lang magiging formal lahat! Pero ano pa ba ang pinagkaiba no'n? Wala na tayo!"Napabuga ng hininga si Theo at napapikit nang mariin. Nang nagtama ang mga mata nila ay tila nanghihinang sumulyap ito kay Amanda. "Kahit ano ba talaga ang gawin ko... ang kaya kong ibigay sa 'yo, hindi
"HELLO PO, MA'AM Amanda! Si Ser Theo po ba ang hinahanap niyo? Naku, buti na lang po bumalik na kayo!" salubong agad ng katulong kay Amanda pagkatapak na pagkatapak niya sa mansion.Bahagyang napangiwi si Amanda sa katulong. Dahil wala pa naman sa isip niya ang bumalik dito. Makikipaghiwalay na nga siya kay Theo, eh. Pero hindi naman niya kailangang iexplain pa iyon sa katulong dahil iba naman ang pakay niya ngayon."Oo, si Theo ang hanap ko," simpleng sabi na lang ni Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Nasa taas po siya. Pwede niyo po siyang puntahan ngayon. Ah, magdadagdag na lang kami ng para sa dinner ngayon para sa inyo, Ma'am. Dito naman kayo kakain, 'di ba?" tanong ng katulong."Hindi na kailangan pero kayo ang bahala."Tumango lang ang katulong. Umakyat na rin sa taas si Amanda habang karga pa rin ang asong si Shishi. Nang narating ang pintuan ng kwarto ay agad siyang kumatok."Come in," ani Theo mula sa loob ng kwarto.Binuksan ni Amanda ang pintuan at bumungad sa kaniya
AGAD NAPAYUKO si Amanda at parang hindi alam bigla kung ano ang isasagot. Pero wala naman nang silbi kung magsisinungaling pa siya. Nakarating na mismo sa ama niya ang balita.Unti unti siyang napatango. "O-Opo," maikling sagot niya.Ilang sandali silang tahimik. Ang buong akala ni Amanda ay makakarinig siya ng panenermon pero wala siyang narinig. Nang nagtaas siya ng tingin ay doon niya lang nakita na tila para bang naaawa ang ekspresyon ng ama niya."Kahit ano pa 'yang desisyon mo, hindi ka namin huhusgahan, anak. Narito lang kami para sa 'yo. Ako, ang mama mo... pati Kuya Armando mo. Dahil alam naman namin kung ano ang hirap mo at lahat ng sakripisyong dinanas mo para sa amin..."Parang maiiyak bigla si Amanda sa narinig sa ama. Namasa ang kaniyang mga mata at nakangiti na sinalubong ang mga tingin nito. Ito talaga ang pinaka maituturing niyang kayamanan. Ang kaniyang pamilya. Kailan man ay hindi niya ito ipagpapalit sa kabila ng lahat ng pagdadaanan niya sa buhay.Makalipas ang il
SIRANG SIRA NA ang reputasyon ni Loreign. Ang mga dating humahanga sa kaniya noon dahil sa pagmomodelo niya, tumalikod na sa kaniya sa isang iglap. Hindi rin nakatulong na nadadamay siya at nasasabihan ng masasakit na mga salita dahil sa pagkakaugnay niya kay Gerald at pinakasalan nitong babae. Tinawag siyang kabit, social climber, gold digger, home wrecker at kung anu ano pa.At ang masakit pa doon, ni walang nagawa si Gerald para pigilan man lang iyon kahit may kakayahan siya. Mas naconvinced tuloy si Amanda na mabuti na lang, hindi ipinagsisikan ang sarili rito. Siya ang klase ng lalaking walang bayag at hindi siya kayang ipaglaban.Iyon ang nasa isip ni Amanda nang mga sumunod na araw. Hindi siya matahimik lalo pa at alam niyang maapektuhan ng sobra si Loreign dito kapag nagising na siya."Ayos ka lang, Amanda?"Agad napatingin si Amanda kay Sylvia na may nag aalalang ekspresyon sa mukha. Pilit na pinigil naman ni Amanda ang emosyon niya pero dahil kinikimkim niya iyon, parang sas
"BAKA NAIISIP mo lang na ako, siya dahil may resemblance pa rin kami kahit papaano. Paano na lang kung nasa kama kayo, baka habang nasa ibabaw mo siya, pangalan ko ang tinatawag mo--"Sinampal ni Amanda si Theo bigla. Hindi na niya nakayanan pa ang kabastusan ng bibig nito. "Gago ka!" sigaw ni Amanda dito pero parang mas nag apoy lamang ng galit ang mga mata ni Theo."Hindi kita binigyan ng permiso ko para magustuhan siya!" asik naman pabalik ni Theo na bahagyang ikinamaang ni Amanda.Hindi niya maatim kung gaano kakitid ang utak ni Theo! Matalino naman itong tao pero bakit ganito ito mag isip ngayon? Anong nangyari sa kaniya? Malala na siya noon pa man pero bakit parang mas malala siya ngayon?Napailing si Amanda, hindi makapaniwala sa asal ni Theo. "Ano ba, Theo? Paikot ikot na lang ba tayo? Hindi na ba matatapos ito? Gustong gusto mo akong angkinin sa maling paraan! Kahit pa wala na tayong relasyon! Nasisiraan ka na ba ng bait?""Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Amanda. W
NAKAKAGALIT na ang unang madatnan pa talaga niya pagpuntang ospital ay ang dalawang magkalapit at magkahugpong ang mga labi...Mabigat sa dibdib. Inaamin ni Theo iyon sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao niya at nakaigting ang panga. At ang mas nakakadagdag ng bigat sa dibdib niya ay ang katotohanang hindi man lang itinulak ni Amanda ang lalaki...Para bang nakatagpo sila ng comfort sa bawat isa't isa sa kabila ng lugar na kinatatayuan nila ngayon. At parehas na silang walang sabit. Single si Amanda pati na rin si Harold. At ano ang susunod? Maghihintay ng tamang panahon at magsisimula na rin sila ng sariling pamilya? Makakalimutan ni Amanda si Theo maging ang lahat ng sakit na naramdaman nito sa kaniya noong kasal pa lamang sila. Paano na siya? Saan siya pupulutin kapag si Harold na ang nagmamay ari sa puso ni Amanda?Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Theo. Pakiramdam niya ay magkakasugat na siya dahil bumabaon na ang sariling kuko niya sa balat. Pero wala na siya
GABI NA pero hindi magawang iwan ni Amanda si Loreign. Pinagmamasdan niya lang ito kahit na tulog na tulog pa rin ang kaibigan niya. Bumisita rin kinagabihan si Sylvia. Nalaman nito ang nangyari at may dala pang soup para sana kay Loreign pero nadismaya siya at nalungkot dahil hindi naman niya alam na walang malay ang kaibigan ni Amanda. Anak na rin naman ang turing ni Sylvia kay Loreign kaya hindi niya ring maiwasang maglabas ng hinanakit."Ang sasama ng mga may gawa nito kay Loreign! Bakit kailangang humantong sa ganito?" humihikbing tanong ni Sylvia habang dumadaloy ang luha sa pisngi.Tahimik lang din napaluha si Amanda dahil sa naging reaksyon ni Sylvia. Kalaunan ay parehas na silang kumalma. Hinarap ni Sylvia si Amanda."Wala ka pang pahinga, Amanda," puna ni Sylvia kay Amanda. "Hindi ka man lang nakapagpalit ng damit at ligo man lang. Ikaw na ang nagbantay sa kaniya pagkatakbo dito sa ospital. Pwede namang ako na muna dito. Sasabihan na lang kita agad kung may balita na kay Lo
TIGALGAL si Amanda matapos ibalita ng dontor ang sitwasyon ni Loreign. Hindi niya maapuhap ang tamang salita. Ang kaibigan niya... comatose. Tapos ang bata sa sinapupunan niya... wala na.Ang sakit! At kapag magising na si Loreign, hindi na siya magiging kagaya pa ng dati. Ano ba itong pagsubok na dumating sa buhay nilang mag ina? Ang saklap ng kinahinatnat nila pareho."Pwede mo na siyang dalawin mamaya sa ICU. Ililipat na siya doon," dagdag pa ng doktor nang hindi na nagsalita pa si Amanda."S-Salamat po, dok," ani Amanda nang makabawi at bahagya pang nautal dahil sa bikig sa lalamunan niya.Nang sa wakas ay iniwanan na siya ng doktor, bumalong masaganang luha mula sa mga mata niya. Ang sakit sa dibdib lahat ng mga nangyari. Si Loreign... ang dami niyang plano para sa kanila ng anak niya. Ang tanging gusto lang nito ay tahimik na buhay para sa anak. Plinano na niya lahat. Mamumuhay sila ng magiging anak niya ng matiwasay at payapa at magtatayo ng simpleng flower shop para may mapagk
HINDI NA NAKATIIS pa si Amanda. Talagang sumama siya kay Loreign para ihatid ito at masigurong ayos lang siya. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, Amanda. Pakiramdam ko, hindi ito totoo," hindi maiwasang sabihin ni Loreign. Bakas na bakas sa tono nito ang kaba. "At... feeling ko rin may mali. Ilang araw na pero parang walang nangyayari. Hindi ko maiwasang mag overthink na baka... baka may plinaplano sila sa akin at sa anak--""Shh. 'Wag mo ngang isipin iyan! Maingat tayo sa naging hakbang natin. Kaya walang mangyayari, okay?" ani Amanda sa kaibigan."O-Okay," sagot ni Loreign pero halatang hindi pa rin kumbinsido at mukhang kinakabahan. Naiintindihan naman ito ni Amanda. Talagang hindi na nito maiwasan pang mag isip ng kung anu ano dahil hindi na lang ang ang sarili nito ang kailangan na isaalang alang.Nang sa wakas ay oras na para magkahiwalay na talaga sila nang tuluyan, hindi na nila mapigilan pa ang mapaluha. Nagyakapan sila sa isa't isa."Magiging maayos din ang lahat, oka
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi