MULA SA SALAMIN ay nakatanaw si Theo sa ibaba. Nasa opisina siya ngayon pero hindi siya makapag focus sa mga trabaho. Lumilipad lang ang isip niya kay Amanda. At isa pa, parang bigla niya itong hinahanap. Bigla na lang niya itong... namiss.Parang may sariling isip ang kaniyang kamay at bigla na lang kinuha ang phone niya sa bulsa. Ilang saglit lang ay idinial niya ang numero ni Amanda. Pero sobra ang pagkadismaya niya nang binababaan lang siya ni Amanda!Napatawa na lang ng mapakla si Theo habang napapailing. May naramdaman siyang lungkot sa loob niya lalo dahil do'n. Kaya naman nang natapos ang trabaho niya sa araw na iyon, pinuntahan niya si Amanda. Pero kumunot ang noo ni Theo nang nakita ang babaeng sumakay sa isang sasakyan na may pamilyar na plate number."Hindi pwede 'to. Hindi ako papayag..." pabulong na usal ni Theo nang mapagtanto kung sino ang may ari ng sasakyan kung saan sumakay si Amanda.Walang iba kundi si Harold na naman!Nakaramdam ng galit si Theo dahil do'n. Naii
MALALIM NA ANG gabi nang ihatid ni Harold si Amanda sa labas ng bahay ng ina niya. Nagpumilit pa noong unang ihatid ni Harold si Amanda pero si Amanda na mismo ang tumanggi dahil nahiya na rin siya. Nang tuluyan nang makalabas si Amanda sa kabahayan ay napasinghap siya sa gulat nang biglang may yumakap sa kaniya bigla sa likuran!Nang makita ni Amanda kung sino ang biglang yumakap sa kaniya ay nanlaki na lang ang mga mata niya. Si Theo lang naman iyon at mukhang walang planong pakawalan siya kung hindi pa siya nagpumiglas."Amanda..." naiusal ni Theo bago muling hilahin papalapit sa kaniya si Amanda. At hindi na nag atubili pa si Amanda na ayain nang umuwi pa si Theo dahil nasa gilid lang naman si Harold! At nakita silang dalawa sa ganoong pwesto!"U-Umuwi na lang tayo, Theo, ano ba..." Halos magngitngit ang ngipin ni Amanda sa galit.Doon palang siya pinakawalan ni Theo. Nang tumingin si Amanda kay Harold ay awkward lang siyang ngumiti. "Alis na kami," paalam niya kay Harold.Tuman
SABI INIS NI Amanda ay pilit niya pa ring binuksan ang pintuan ng kotse. Pero pinigilan siya ni Theo."Ano bang gusto mong gawin ko, Amanda? Gagawin ko ang lahat para hindi ka mahirapan sa poder ko! Kung gusto mo ng driver para ipagdrive ka kung saan ka pumunta, pwede naman. Ikaw lang ang nagpupumilit na magcommute minsan. At tungkol sa bahay niyo noon... naparenovate ko na 'yon! Pwede nang bisitanin anytime ng pamilya mo kaya wala ka nang dapat ipagalala pa," mahabang sabi pa ni Theo.Umiling si Amanda. "Ayoko, ayoko! Kahit ano pa 'yan, ayoko! Ano man ang maging suhol mo sa akin, hindi na mababago ang desisyon ko, Theo. Sa papel na lang tayo mag asawa! Pero kapag pumayag ka sa divorce at naprocess na, saka lang magiging formal lahat! Pero ano pa ba ang pinagkaiba no'n? Wala na tayo!"Napabuga ng hininga si Theo at napapikit nang mariin. Nang nagtama ang mga mata nila ay tila nanghihinang sumulyap ito kay Amanda. "Kahit ano ba talaga ang gawin ko... ang kaya kong ibigay sa 'yo, hindi
"HELLO PO, MA'AM Amanda! Si Ser Theo po ba ang hinahanap niyo? Naku, buti na lang po bumalik na kayo!" salubong agad ng katulong kay Amanda pagkatapak na pagkatapak niya sa mansion.Bahagyang napangiwi si Amanda sa katulong. Dahil wala pa naman sa isip niya ang bumalik dito. Makikipaghiwalay na nga siya kay Theo, eh. Pero hindi naman niya kailangang iexplain pa iyon sa katulong dahil iba naman ang pakay niya ngayon."Oo, si Theo ang hanap ko," simpleng sabi na lang ni Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Nasa taas po siya. Pwede niyo po siyang puntahan ngayon. Ah, magdadagdag na lang kami ng para sa dinner ngayon para sa inyo, Ma'am. Dito naman kayo kakain, 'di ba?" tanong ng katulong."Hindi na kailangan pero kayo ang bahala."Tumango lang ang katulong. Umakyat na rin sa taas si Amanda habang karga pa rin ang asong si Shishi. Nang narating ang pintuan ng kwarto ay agad siyang kumatok."Come in," ani Theo mula sa loob ng kwarto.Binuksan ni Amanda ang pintuan at bumungad sa kaniya
AGAD NAPAYUKO si Amanda at parang hindi alam bigla kung ano ang isasagot. Pero wala naman nang silbi kung magsisinungaling pa siya. Nakarating na mismo sa ama niya ang balita.Unti unti siyang napatango. "O-Opo," maikling sagot niya.Ilang sandali silang tahimik. Ang buong akala ni Amanda ay makakarinig siya ng panenermon pero wala siyang narinig. Nang nagtaas siya ng tingin ay doon niya lang nakita na tila para bang naaawa ang ekspresyon ng ama niya."Kahit ano pa 'yang desisyon mo, hindi ka namin huhusgahan, anak. Narito lang kami para sa 'yo. Ako, ang mama mo... pati Kuya Armando mo. Dahil alam naman namin kung ano ang hirap mo at lahat ng sakripisyong dinanas mo para sa amin..."Parang maiiyak bigla si Amanda sa narinig sa ama. Namasa ang kaniyang mga mata at nakangiti na sinalubong ang mga tingin nito. Ito talaga ang pinaka maituturing niyang kayamanan. Ang kaniyang pamilya. Kailan man ay hindi niya ito ipagpapalit sa kabila ng lahat ng pagdadaanan niya sa buhay.Makalipas ang il
HINDI NA nag aksaya pa ng oras si Theo. Mabilis niyang ipinasok sa kotse si Shishi at nanakbong pumasok sa loob ng bahay nang narinig ang sigaw ni Sylvia na inatake sa puso ang ama ni Amanda.Natagpuan niya sa loob sina Amanda at Sylvia na umiiyak. Kaagad siyang dumalo papalapit sa kanila. Si Amanda ay sinusubukang i-CPR ang ama niya pero halatang wala na sa hulog ang isipan dahil sa sobrang taranta. "Ako na," aniya kay Amanda. Hinayaan lang siya ni Amanda dahil alam naman nitong nag aral din ito noon ng patungkol sa medisina kaya mas may alam ito. Sinubukan ni Theo na gawin ang ginagawa ni Amanda kanina nang mas kalmado ng ilang beses. At ilang saglit lang, nagmulat ng mata ang ama ni Amanda at hinihingal.Naiyak na lang sa tuwa si Amanda. "Pa! Papa ko!" bulalas na lang niya.Nakahinga rin naman ng maluwag si Theo matapos no'n. Nang kumalma siya ay kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa at may tinawagan from hospital. "Paki-prepare ang examination room. May dadalhing pasyente n
DAHAN DAHANG tunungo si Amanda sa gawi ni Theo at naupo sa hita nito. Nanginginig siya nang naramdaman ang kay Theo pagkaupong pagkaupo niya pa lang.Nang inilapit ni Theo ang mukha kay Amanda ay naramdaman niya ang pagkahiya nito. Kung hindi niya lang ito asawa, iisipin niya agad na virgin ito."Natatakot ka ba sa 'kin?" tanong agad ni Theo, hindi na nagpaligoy ligoy pa.Kaagad namang umiling si Amanda para tumanggi. "H-Hindi!" mabilis na sagot pa nito.Tila mas umitim ang mga mata ni Theo habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Amanda. Kalaunan, hindi na kinaya ni Amanda ang intensidad ng tingin ni Theo sa kaniya at ibinaon na ang sariling mukha sa malapad na balikat ng lakaki.Mas lalo namang ginanahan si Theo dahil sa pagpapaubaya ni Amanda. Hinawi niya ang buhok ni Amanda na nakatabing sa mukha nito. Parang may gusto na namang kumawala sa loob ni Theo. Pagdating talaga kay Amanda, nawawalan siya ng kontrol sa sarili.Marahang hinaplos ni Theo ang gilid ng mukha ni Amanda. Nap
NANG NAKAALIS na si Theo ay gumising na rin kapagkuwan si Sylvia. Nahalata niya ang tila balisang ekspresyon ni Amanda pero hindi na lang siya nagtangkang nagtanong pa dahil baka mas lalong mastress lang ito.Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay bumuti na rin ang sitwasyon ng ama ni Theo. Inadvise na ito ng doktor na anytime ay pwede na itong madischarge.At mukhang naging senyales iyon para kay Amanda dahil nakatanggap siyang muli ng isa pang good news. Sa hindi inaasahan, tinawagan siya ni Mrs. Madriaga. Ang tagal na rin ng huli nilang pag uusap at pagkikita. Kaya nagtatakha siya kung bakit napatawag ito ngayon sa kaniya."Hello, Amanda! Kumusta ka?" masayang bati ni Mrs. Madriaga sa kabilang linya."Uhm... ayos lang po. Napatawag po kayo?""Wala, excited lang akong sabihin ang magandang balita sa 'yo!" excited na sabi pa nito."Ano po 'yon?""'Yung kaibigan kasi ng asawa ko... hindi inexpect na ikaw pala 'yung paboritong estudyante noon ni Klarisse Virtucio! Willing daw siyang
INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
MALALIM NA ANG gabi nang makauwi si Theo sa mansion nilang pamilya. Umuulan ng mga panahon na iyon kaya sinalubong siya ng isa sa mga katiwala sa bahay para payungan siya.Pagod siya ulit ng araw na iyon. Naghalo halo na dahil bukod sa trabaho, hindi na rin gumaganda ang sitwasyon ng lola niya. Hindi siya makapagconcentrate sa kaisipan na baka... ayaw isipin ni Theo ang mga negatibong bagay na pilit umuukilkil sa utak niya.At isa pa, nabobother din si Theo dahil tinatawag siya sa ibang pangalan ng lola niya. Tinatawag siya sa pangalan ng ama niyang matagal ng hindi nagpapakita. Napakuyom si Theo dahil do'n. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa kabila ng pang iiwan sa kanila ng ama niya, ito pa rin ang hinahanap ng lola niya, kahit dala pa iyon ng katandaan niya o sa dinaramdam.Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng paningin niya si Amanda. Sinalubong din siya ng isa sa mga kasambahay."Good evening po, Ser. Si Ma'am Amanda po ba ang hanap niyo?" tanong nito."Oo. Nasaan siya?""N
"MA'AM, LUMALAMIG na po ang gatas niyo. Gusto niyo po bang palitan ko?"Napukaw ang atensyon ni Amanda sa biglang nagsalitang kasambahay. Napabalik tuloy sa kasalukuyan si Amanda. Masyado siyang nahulog sa pag iisip kanina.Agad niyang tinanguan ang kasambahay. "Sige po. Maraming salamat," aniya dito. "Walang anuman po." Umalis na ang kasambahay kalaunan. Habang naghihintay si Amanda ay sakto namang lumapit ang isa ulit sa mga kasambahay. Takhang binalingan niya ito."Ma'am Amanda, pasensya na po sa disturbo. May naghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng kasambahay na siyang naging rason ng pagkakakunot ng noo ni Amanda."Sino daw?" balik tanong niya."Si Ms. Ynah Olarte po," sagot nito.Bahagyang natigilan si Amanda. Kani kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya ang bagong babae na nalilink kay Theo. Tapos ngayon malalaman niya na nandito ito ngayon at hinahanap siya? Talaga naman...Napabuntong hininga si Amanda at tumango. "Ako ng bahala," aniya sa kasambahay."Sige po, Ma'am."Ila
NATAHIMIK SI Theo matapos ng lahat ng mga sinabi ni Amanda. Gustong gusto niyang patulan ito ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang maayos naman kahit papaano ang gusot nila ngayon.Pilit na prinoseso lahat ni Theo ang mga sinabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay nagjojoke lang ito. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong iwan kasama ang anak nila! Hindi niya makakaya iyon!Hindi naramdaman iyon ni Theo dahil sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Amanda, ramdam niya na gusto nito iyon. Parang hindi naman ito napipilitan. At kahit papaano, nagkaroon ng pag asa doon si Theo na makukumpleto na rin sa wakas ang pamilya nila. Magiging buo sila at hindi maghihiwalay.Pero ang marinig ang pagkadisgusto ni Amanda sa mga nangyari sa kanilang dalawa ay para bang punyal na tumarak sa dibdib ni Theo. Hindi siya makapaniwala."Kung gano'n... lahat ng mga maiinit na tagpong pinagsaluhan natin... pagpapanggap lang sa iyo, huh?" mapait na wika ni Theo at napayuko habang nakaigting ang p
"PARANG KASING may gusto siya sa iyo. Ang alam ko, wala siyang asawa at mayroon siyang anak. Alam naman niya sigurong may asawa ka na, pero parang sa nakikita ko kanina, umaasa siya sa iyo," wika ni Theo sa seryosong tono.Kumunot ang noo ni Amanda. "Bakit ba lahat na lang binibigyan mo ng ibang meaning? Magkaibigan lang kami!"Umigting ang panga ni Theo. Ang buong akala ni Amanda ay talagang ipaglalaban pa nito ang pinaniwalaan. Pero nagulat siya dahil tumango ito agad at kalaunan ay kumalma na ang ekspresyon sa mukha. "Kung... iyan ang sabi mo, sige. Naniniwala ako sa iyo..." tila ba nanghihinang sabi ni Theo.Hindi makapaniwala si Amanda. Pero kalaunan ay nagpasalamat na lang siya na naging ganoon ang reaksyon ni Theo. Hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag pa dahil wala naman siyang masamang ginagawa.Sa hotel ni Amanda sila dumiretso. Nang nakapasok ay napalinga linga si Theo at pinagmasdan ang paligid. Mukhang maayos naman ang lugar. Malaki at hindi na masama. "Shower lan
KINABUKASAN, SI Theo mismo ang naghatid kay Amanda papuntang airport. Nang nasa trabaho na siya, nagreview siya ng mga ilang documents. Kalaunan ay binalitaan na rin siya ni Secretary Belle."Sir, cancelled po ang meeting niyo with Takahashi Group," ani Secretary Belle.Tumango si Theo sa ibinalita ni Secretary Belle bago napasandal sa upuan. Pormal na pormal ang ekspresyon niya sa mukha. Agaw pansin ang cufflinks na suot niya ngayon. Iyon ang cufflinks na bigay sa kaniya ni Amanda. Mas lalong lumakas ang dating niya dahil do'n.Inilipat ni Theo ang pahina ng dokumento na binabasa niya. "Sa hapon? Anong schedule ko?" tanong niya sa sekretarya.Kaagad umiling si Secretary Belle. "Wala pa naman po as of now," sagot nito."Good. Pacheck ako ng earliest flight papuntang Davao kung gano'n," ani Theo at ibinababa ang fountain pen na ginagamit niyang pagsign sa ilang mga dokumento."P-Po?" Hindi lubos maisip ni Secretary Belle kung bakit biglaan naman yata. Wala siyang maisip na ibang rason.
"MAAYOS LANG ako dito. Ang mabuti pa ay bumalik ka na lang sa mag ina mo at alagaan sila. Baka mahawa ka pa sa 'kin tapos ay maipasa mo rin sa kanila," saad ng lola ni Theo kalaunan."Hindi naman, La. Hindi ako mahahawa sa inyo," ani Theo.Habang pinagmamasdan ng matanda si Theo, natanto nito kung gaano ito kasaya ngayon. May kislap sa mga mata nito habang nagsasalita. Halatang masaya ito ngayon sa nangyayari sa buhay. At dahil iyon sa pamilya ng bubuoin nito kasama si Amanda. Maging tuloy siya ay hindi maiwasang maging excited sa nalalapit na pagdating ng magiging apo niya sa tuhod.Pagkababa ni Theo ay nadatnan niya ang inang busy sa pag uutos ng mga maids para maihanda ang mga pagkain. Nagkasalubong silang dalawa."Theo, dito ka na kumain. Nagpahanda na ako ng dinner," sabi ni Therese sa anak.Mabilis na umiling si Theo. "Hindi na kailangan, Mom. Kailangan kong umuwi agad para macheck ko muna si Amanda. Hindi maganda ang appetite niya ngayon kaya dapat mabantayan..." sagot niya.Hi
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya