NANG NAKAALIS na si Theo ay gumising na rin kapagkuwan si Sylvia. Nahalata niya ang tila balisang ekspresyon ni Amanda pero hindi na lang siya nagtangkang nagtanong pa dahil baka mas lalong mastress lang ito.Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay bumuti na rin ang sitwasyon ng ama ni Theo. Inadvise na ito ng doktor na anytime ay pwede na itong madischarge.At mukhang naging senyales iyon para kay Amanda dahil nakatanggap siyang muli ng isa pang good news. Sa hindi inaasahan, tinawagan siya ni Mrs. Madriaga. Ang tagal na rin ng huli nilang pag uusap at pagkikita. Kaya nagtatakha siya kung bakit napatawag ito ngayon sa kaniya."Hello, Amanda! Kumusta ka?" masayang bati ni Mrs. Madriaga sa kabilang linya."Uhm... ayos lang po. Napatawag po kayo?""Wala, excited lang akong sabihin ang magandang balita sa 'yo!" excited na sabi pa nito."Ano po 'yon?""'Yung kaibigan kasi ng asawa ko... hindi inexpect na ikaw pala 'yung paboritong estudyante noon ni Klarisse Virtucio! Willing daw siyang
"MARAMI NANG napagdaanan sa buhay si Loreign. Hindi siya pinalad pagdating sa pamilya at naging masaklap ang bawat araw na nagdaan sa kaniya mula pa noon. Kaya 'wag mo na siyang hayaan pang makatikim ng hirap sa piling mo," pagpapatuloy pa ni Amanda. "Ayokong may mangyaring masama sa iyo pero paano na lang ang babaeng papakasalan mo? Iyong Gianna... halatang may kaya sa buhay. Paano na lang kung hindi nila palagpasin ang kaibigan ko? May magagawa ka pa ba do'n, huh?""Hindi ko hahayaang saktan ni Gianna o ng pamilya niya si Loreign," determinadong wika naman ni Gerald."At paano ka naman nakakasigurado diyan, aber? Ni hindi mo nga macontact ang kaibigan ko ngayon!"Napabuga ng hangin si Gerald. Gets naman niya kung bakit ganito ang inaakto ni Amanda ngayon. At hindi niya rin ito masisisi. "Kumalma ka--""Paano ako kakalma kung alam kong may posibilidad na mas masaktan pa ang kaibigan ko? Maghanap ka na lang ng ibang paglalaruan mo, 'wag na ang kaibigan ko! Kapag nasaktan siya, wala si
SA ISIP ni Amanda ay ayaw niyang sumunod kay Theo sa gusto nitong pumasok siya sa loob ng kotse nito. Pero naalala niya bigla na may kailangan siya dito kaya kahit ngayon lang ay magpapanggap siyang muli. Nilakasan niya ang loob at sumunod sa loob ng kotse.Natagpuan pa niya doon si Shishi na tila naghihintay sa kaniya. Kumakawag ang buntot nang sa wakas ay nakita na si Amanda. Kinarga niya si Shishi at umupo sa passenger seat."Tungkol sa napag usapan natin kagabi..." pagbubukas ni Amanda sa usapin nila tungkol kay Loreign."Bakit?""Wala akong maibibigay na kapalit sa 'yo para sa pagtulong mo sa akin sa paghahanap kay Loreign," walang paligoy ligoy na sabi ni Amanda.Umiling si Theo. "Alam mo naman na kung anong pwede mong ibigay sa akin bilang kapalit, eh. Hindi ko kailangan ng pera."Na gets naman agad ni Amanda kung ano ang gusto ni Theo. Oo nga pala. Bakit naman niya kinalimutan na katawan niya ang gusto ni Theo? Napangiti na lang siya ng mapakla.Namula tuloy siya sa inis na na
"ANONG NANGYARI sa kaniya? Sabihin mo sa akin kung nasaan siya ngayon at pupuntahan ko siya," nasabi na lang ni Amanda at bahagyang nanginginig na sa pag aalala sa kaibigan niya. Pero parang nabunutan naman siya kahit papaano ng tinik dahil sa wakas ay nakita na ito."'Wag ka nang masyadong mag alala. At diyan ka lang. Susunduin kita," ani Theo.Wala na ngang nagawa pa si Amanda kundi ang hintayin si Theo. Habang naghihintay ay dumako bigla ang isip niya sa naging panaginip. Si Loreign... duguan at tila ba nagsasabing mawawala na ito.Mas lalo lamang siyang naging anxious sa naisip. Mabuti na lang ay naputol ang negatibong pag iisip niyang iyon nang dumating na rin sa wakas si Theo.Pormal ang suot ni Theo. Halatang may importanteng event na pupupuntahan. Dahil ngayon dapat ang engagement ni Gerald ay doon dapat pupunta si Theo. Pero of course, kaya niyang bitawan iyon para kay Amanda.On the way sa ospital ay hindi na talaga mapakali si Amanda. Pilit siyang pinapakalma ni Theo pero p
MALALIM NA ang gabi nang naisipang bumalik ni Gerald sa kwarto ni Loreign. Akmang papasok na siya sa loob nang masilayan ang postura ni Loreign mula sa salamin. Napapikit na lang siya ng mariin dahil halatang wala sa sarili ang babae.Halatang kaiiyak nito at bahagyang magulo ang buhok pero wala itong pakialam. Sa pagkakakilala ni Gerald kay Loreign, gusto nitong laging maganda siya at maayos tingnan dahil na rin sa trabaho nito bilang modelo. Pero ang babaeng nakikita niya ngayon ay tila ibang personalidad. May natuyo pang luha sa pisngi nito at nanginginig, halatang takot na takot.Napakuyom na lang ng kamao si Gerald. Hindi na kinaya pang makita ng ganoon katagal si Loreign. Umalis na siya doon at lumabas para makahinga kahit papaano. Sakto namang nakasalubong niya doon si Theo. Parehas silang naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon. Mayamaya pa ay nagsimula na silang mag usap."Ang dami biglang nangyari sa buhay ko..." nasabi bigla ni Gerald. "Hindi ko inaakalang aabot lahat sa
SOBRANG IKINAHIHIYA ni Amanda ang sarili. Dahil mismong katawan na niya ang tila nagpapaubaya sa gustong gawin ni Theo sa kaniya.Dahan dahan na hinaplos ni Theo ang pisngi ni Amanda. "Bakit? Ayaw mo ba talaga, Amanda? Hmm?" tila nang uuyam pa na tanong nito pero bakas na bakas sa boses na buhay na buhay na rin ang init sa katawan.Nanginig si Amanda dahil sa kaisipang mismong katawan na niya ang nagkakanulo sa kaniya. Para bang hinihingal siya bigla dahil na rin sa init ng katawan niya. At naiinis rin siya dahil may pangangailangan din naman ang katawan niya at alam niya sa sariling si Theo lang ang makakapagbigay no'n."H-Hindi..." nanginginig ang boses na sagot ni Amanda at umiwas ng tingin kay Theo.Hinaplos haplos naman ng magaan ni Theo ang pisngi ni Amanda at pinagmasdan niya ang ganda ng mukha nito. Hindi makapaniwala si Theo na ganito kaganda si Amanda... at hindi niya inaakalang mas nagagandahan pa siya rito habang tumititig siya ng malalim sa kaniya.Maya maya lang ay dumuk
TILA NAKAHINGA ng malalim si Amanda matapos sabihin iyon. Hinang hina siyang napahiga muli at napatingin sa cute na asong bigla na lang humiga sa tabi niya. Si Shishi...Sobrang cute talaga nito. Kung nasa ibang sitwasyon lang sila, baka matagal na itong inampon ni Amanda. Hindi tuloy maiwasan ni Amanda nang kumawag kawag ang buntot ni Shishi habang nakatingin sa kaniya. Para bang excited si Shishi."Ang cute mo naman..." hindi na napigilan pang komento ni Amanda habang nakatitig sa aso na may namuong ngiti sa labi.Napansin iyon ni Theo at biglang dahan dahan na kinarga ang aso sa bisig niya. "Gusto mo na bang maging mommy niya?" alok na naman nito sa kaniya.Nabura ang ngiti ni Amanda at agad umiwas ng tingin. Hindi naman natinag si Theo doon at talagang dumukwang pa para ilapit ang aso sa kaniya. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang aso na dilaan siya sa pisngi. Gusto niyang humalakhak sa galak dahil sa ginawa ng aso pero nadistract siya sa lapit ni Theo ngayon sa kaniya. Amoy na amo
SA ISANG HOTEL na alam na alam ni Amanda niya kikitain si Mrs. Fabregas kasama ang investor. Nahiya siya bigla dahil naunahan pa talaga si ni Mes. Fabregas. Parang wala lang naman iyon sa ginang at bumeso agad sa kaniya nang nakita siya."Amanda, you're here!" tuwang tuwa na sabi ng ginang."Pasensya na po kung nahuli ako," nahihiyang saad ni Amanda.Umiling si Mrs. Fabregas. "Sakto lang sa oras, ano ka ba? Anyway, tulungan mo akong mag order. Halika dito...""Po?" Naupo na si Amanda at lumapit kay Mrs. Fabregas."Mag oorder na tayo ng pagkain. Sa tingin mo ano kaya ang magugustuhan ng investor dito?" Nagtingin tingin si Mrs. Fabregas sa menu."Itong pasta na lang po siguro. Mukhang iyan din naman ang best seller nila dito," sagot ni Amanda.Tumango tango naman si Mrs. Fabregas. "Oo nga, mukhang masarap naman iyan. Sige. Ito na lang at magdadagdag na lang ako ng iba pang food just in case hindi magustuhan ng VIP." Nagkibit balikat ito bago hinarap ang waiter na naghihintay pala sa gil
BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k
UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.
MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na
"TEKA LANG! MASYADONG mabilis. Pwede bang makausap ko si Theo?" ani Loreign sa mga bodyguards na sumundo sa kaniya.Umiling sila. Sumagot ang kalbong may malaking katawan. "Pasensya na, Miss Loreign. Hindi po pwede. Mahigpit na utos ni Sir Theo na dapat isang oras lang ang pagdalaw niyo kay Ma'am Amanda," pormal na wika nito.Napailing si Loreign. "Hindi! Baka naman... baka magagawan ng paraan ito? Hindi tama itong ginagawa ni Theo! Kailangan ko talaga siyang makausap!" pamimilit pa niya."Pasensya na, Ma'am pero sumusunod lang kami sa utos. Kailangan niyo na pong umalis," sagot pa ng isa.Umiling iling si Loreign, ayaw pa ring umalis. Pero nang bumaling siya kay Amanda ay halos napaiyak na lang siya. Sumenyas si Amanda na magiging okay lang siya dito. Napailing siya lalo pero tumango si Amanda na makakaya niya ito. Kaya wala ring nagawa si Loreign. Kahit gustuhin niyang magstay pa ng mas matagal ay hindi na talaga pwede dahil talagang bantay sarado sila ng mga bodyguards. Wala naman
"S-SALAMAT!" NAIIYAK na lang na sabi ni Loreign kay Gerald matapos ang sinabi nitong tutulong ito sa kaniya. Malaking bagay na iyon sa kaniya. At least, kahit papaano, may taong willing na harapin si Theo para makita na niya si Amanda.Nag usap pa sila saglit doon. Ramdam na ramdam ni Gerald ang pagiging distant sa kaniya ni Loreign. Pero wala naman na siyang magagawa. May kasalanan pa rin siya kung bakit ganito siya ngayon sa kaniya.Nang umalis na si Loreign, napabuntong hininga na lang si Gerald. Para bang may kulang na naman sa dibdib niya. May puwang na hindi kailanman basta basta mapupunan ng kung sino man. Tanging si Loreign lang ang may kakayahang bumuo no'n.Ngayon, ramdam na ramdam ni Gerald na mag isa na naman siya..."ISANG ORAS LANG Ang pwede kong ibigay ko sa iyo para makita siya," malamig na sabi ni Theo kay Loreign.Tumango na lang si Loreign at tinanggap iyon. Alam naman niyang hindi magiging madali ito. Kaya kahit papaano ay nagpapasalamat siya kay Gerald dahil tinul
KAHIT ANONG pamimilit ni Theo, hindi pa rin bumigay si Amanda. Ayaw niyang magpaapekto sa mga yakap at halik ni Theo. May kung anong paninikip sa dibdib na naramdaman si Theo pero hindi na niya gaanong pinagtuonan pa iyon ng pansin. Sa kabilang banda naman, sobrang nag aalala na si Loreign sa nangyayari kay Amanda. Ilang araw na niya itong hindi nakikita! Hindi rin nakatulong ang ibinalita ni Sylvia sa kaniya habang umiiyak. "Mahihirapan tayong makita si Amanda! Ikinukulong siya ni Theo at trinatrato na parang isang preso! Marami siyang bantay na nagkalat sa mansion!" sabi ni Sylvia at naiiyak na lang. Kinalma ni Loreign si Sylvia. "Magiging maayos po ang lahat. Magagawan natin ng paraan ito," pagpapalubag loob niya sa ginang. Tumango lang naman si Sylvia. Napabuntong hininga na lang si Loreign. Napaisip siya ng paraan kung paano makikita si Amanda at matulungan ito. Alam niyang magiging mahirap dahil makapangyarihan si Theo at mayaman. Pero kailangang may gawin siya! Dahil noong s
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban
HABANG TINITITIGAN ni Theo ang kaniyang mag ina, para bang may kapayapaan at kakuntentuhan siyang naramdaman sa puso niya. Hindi niya maiexplain ang ganitong pakiramdam! Para bang may init na bumalot sa kaniyang puso.At sa puntong ito, may napagtanto si Theo. Si Amanda lang ang babaeng nakikita niyang kasama hanggang sa siya tumanda...Mahimbing ang naging tulog ni Baby Alex matapos itong mapaburp ni Theo. Magaan ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na halatang busog na busog sa gatas ng ina. Kalaunan ay ibinaba na ni Theo si Baby Alex sa kaniyang crib at napabaling kay Amanda na halatang kakagising lang din. Nakatulog ito kanina habang pinapadede si Baby Alex.Masuyong ngiti ang siyang iginawad ni Theo kay Amanda. "Oh, gising ka na pala! Nagugutom ka na ba? Nagpaluto na pala ako sa baba ng makakain mo mayamaya lang. Sinabihan ko silang dapat ang lutuhin nila ay ang makakatulong sa iyong makapagbawi ng lakas mo," ani Theo.Hindi sumagot si Amanda at inayos ang sa