Share

CHAPTER 100: The Unstoppable Husband

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2024-09-07 07:54:42

MALALIM NA ang gabi nang naisipang bumalik ni Gerald sa kwarto ni Loreign. Akmang papasok na siya sa loob nang masilayan ang postura ni Loreign mula sa salamin. Napapikit na lang siya ng mariin dahil halatang wala sa sarili ang babae.

Halatang kaiiyak nito at bahagyang magulo ang buhok pero wala itong pakialam. Sa pagkakakilala ni Gerald kay Loreign, gusto nitong laging maganda siya at maayos tingnan dahil na rin sa trabaho nito bilang modelo. Pero ang babaeng nakikita niya ngayon ay tila ibang personalidad. May natuyo pang luha sa pisngi nito at nanginginig, halatang takot na takot.

Napakuyom na lang ng kamao si Gerald. Hindi na kinaya pang makita ng ganoon katagal si Loreign. Umalis na siya doon at lumabas para makahinga kahit papaano.

Sakto namang nakasalubong niya doon si Theo. Parehas silang naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon. Mayamaya pa ay nagsimula na silang mag usap.

"Ang dami biglang nangyari sa buhay ko..." nasabi bigla ni Gerald. "Hindi ko inaakalang aabot lahat sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Grace
ang tafal nman ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 101: The Relief

    SOBRANG IKINAHIHIYA ni Amanda ang sarili. Dahil mismong katawan na niya ang tila nagpapaubaya sa gustong gawin ni Theo sa kaniya.Dahan dahan na hinaplos ni Theo ang pisngi ni Amanda. "Bakit? Ayaw mo ba talaga, Amanda? Hmm?" tila nang uuyam pa na tanong nito pero bakas na bakas sa boses na buhay na buhay na rin ang init sa katawan.Nanginig si Amanda dahil sa kaisipang mismong katawan na niya ang nagkakanulo sa kaniya. Para bang hinihingal siya bigla dahil na rin sa init ng katawan niya. At naiinis rin siya dahil may pangangailangan din naman ang katawan niya at alam niya sa sariling si Theo lang ang makakapagbigay no'n."H-Hindi..." nanginginig ang boses na sagot ni Amanda at umiwas ng tingin kay Theo.Hinaplos haplos naman ng magaan ni Theo ang pisngi ni Amanda at pinagmasdan niya ang ganda ng mukha nito. Hindi makapaniwala si Theo na ganito kaganda si Amanda... at hindi niya inaakalang mas nagagandahan pa siya rito habang tumititig siya ng malalim sa kaniya.Maya maya lang ay dumuk

    Last Updated : 2024-09-08
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 102: The Unknown Heartbeat

    TILA NAKAHINGA ng malalim si Amanda matapos sabihin iyon. Hinang hina siyang napahiga muli at napatingin sa cute na asong bigla na lang humiga sa tabi niya. Si Shishi...Sobrang cute talaga nito. Kung nasa ibang sitwasyon lang sila, baka matagal na itong inampon ni Amanda. Hindi tuloy maiwasan ni Amanda nang kumawag kawag ang buntot ni Shishi habang nakatingin sa kaniya. Para bang excited si Shishi."Ang cute mo naman..." hindi na napigilan pang komento ni Amanda habang nakatitig sa aso na may namuong ngiti sa labi.Napansin iyon ni Theo at biglang dahan dahan na kinarga ang aso sa bisig niya. "Gusto mo na bang maging mommy niya?" alok na naman nito sa kaniya.Nabura ang ngiti ni Amanda at agad umiwas ng tingin. Hindi naman natinag si Theo doon at talagang dumukwang pa para ilapit ang aso sa kaniya. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang aso na dilaan siya sa pisngi. Gusto niyang humalakhak sa galak dahil sa ginawa ng aso pero nadistract siya sa lapit ni Theo ngayon sa kaniya. Amoy na amo

    Last Updated : 2024-09-09
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 103: The Investor

    SA ISANG HOTEL na alam na alam ni Amanda niya kikitain si Mrs. Fabregas kasama ang investor. Nahiya siya bigla dahil naunahan pa talaga si ni Mes. Fabregas. Parang wala lang naman iyon sa ginang at bumeso agad sa kaniya nang nakita siya."Amanda, you're here!" tuwang tuwa na sabi ng ginang."Pasensya na po kung nahuli ako," nahihiyang saad ni Amanda.Umiling si Mrs. Fabregas. "Sakto lang sa oras, ano ka ba? Anyway, tulungan mo akong mag order. Halika dito...""Po?" Naupo na si Amanda at lumapit kay Mrs. Fabregas."Mag oorder na tayo ng pagkain. Sa tingin mo ano kaya ang magugustuhan ng investor dito?" Nagtingin tingin si Mrs. Fabregas sa menu."Itong pasta na lang po siguro. Mukhang iyan din naman ang best seller nila dito," sagot ni Amanda.Tumango tango naman si Mrs. Fabregas. "Oo nga, mukhang masarap naman iyan. Sige. Ito na lang at magdadagdag na lang ako ng iba pang food just in case hindi magustuhan ng VIP." Nagkibit balikat ito bago hinarap ang waiter na naghihintay pala sa gil

    Last Updated : 2024-09-10
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 104: The Memory

    "AMANDA, KUNG ano ang akin ay sa iyo rin. Mag asawa tayo," malumanay na wika ni Theo. "Kaya itong investment? Wala lang ito sa akin. Kaya tanggapin mo na ang tulong na 'to dahil gusto kong mapagaan man lang ang dinadala mo," dagdag pa niya."Matatanggap ko kung ibang tao pero kapag ikaw? 'Wag na lang, Theo. Sa iyo na 'yang peea mo!" ani Amanda na halos humahangos na."Hindi ko kasi matanggap, Amanda..." halos pabulong na wika ni Theo, nagsusumamong sumulyap kay Amanda."Ano bang sinasabi mo?" Kumunot ang noo ni Amanda."Hindi ko matanggap na kung... paano kung lalaki nga ang investor? Mag aayos ka para sa kaniya? Magpapaganda ka at magdadamit ng kagaya ng suot mo ngayon? Hindi pwede! Dapat sa akin ka lang ganiyan, Amanda! Sa akin lang..." tila naghihinang sabi pa nito. "Dahil tangina... mamamatay ako sa selos, Amanda. Hindi ako matatahimik sa kaisipang may ibang lalaking makakakita kung gaano ka kaganda at kapresentable ngayon."Napailing na lang si Amanda at napatawa ng mapakla. "Nab

    Last Updated : 2024-09-11
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 105: The Father's Plea

    BUMALIK NA RIN kalaunan si Theo sa mansion. Tila tamad na tamad siya habang papasok sa bahay at hindi man lang tinapunan ng pansin ang isa sa kasambahay na sumalubong sa kaniya pagkabalik niya.Kaagad dumiretso si Theo sa kaniyang study at para bang pagod na pagod sa buong araw. Naupo siya sa swivel chair at napatingin sa malaking bintana. Umaagos ang patak ng ulan na siyang tila mas lalong nagpabigat ng loob niya.Ayaw man niyang aminin sa sarili pero parang... namiss niya bigla si Amanda at hinahanap hanap niya bigla ang presensya nito.Hindi tuloy maiwasang mapangiti ng mapakla ni Theo nang dumaan bigla sa isip niya kung gaano ka clingy noon sa kaniya si Amanda. Parang gustong gusto nito noon na kasama siya. Pero nawala na ang amor sa mga mata nito matapos ng lahat ng nangyari sa pagitan nila at mas lalong lumala nang nagkaroon na rin sila ng problema sa pamilya.Nawala bigla sa iniisip niya si Theo nang biglang narinig niyang magring ang kaniyang phone. Dali dali niyang kinuha iyo

    Last Updated : 2024-09-12
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 106: The Excited Husband

    UMALIS DIN naman kaagad ang ama ni Sofia nang wala siyang makuhang sagot kay Theo. Malamig lang ang ekspresyon ni Theo na tumingin sa lalaki, tila nawalan na siya ng awa dito kahit bumalik pa ito kanina sa pagluhod.Nang nakabalik sa loob ay isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Theo habang nakasandal sa malambot na sofa.Habang nakaupo doon ay kinuha niya ang dalawang litrato sa table at tinitigan iyon. Litraro iyon ni Sofia nang hindi pa siya nagkasakit noon at sa isa naman ay noong may sakit na siya. Sobrang laki ng pagbabago nito. Nabawasan din ang timbang at wala nang kabuhay buhay sa isang litrato dahil sa komplikasyon ng sakit niya.Napabuga ulit siya ng malalim na hininga bago dumako ang tingin niya sa viniyl sa gilid. Sa hindi malamang dahilan, pinatugtog iyon ni Theo para magrelax naman siya kahit papaano sa lamyos ng musika. At mabuti na lang nang umalingawngaw ang tunog niyon ay gumaan din ang loob niya. Masarap sa pakiramdam pakinggan ang nililikha n

    Last Updated : 2024-09-14
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 107: The Scheduled Wedding Photo

    PARANG SOBRANG tagal ng biyahe nang pabalik sila sa mansion. Hindi alam ni Amanda kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ngayong kasama na naman niya si Theo.Mahina na lang ang buhos ng ulan. Pero malamig pa rin sa paligid. Ngunit hindi no'n natalo ang tila malaking tipak ng yelo sa pagitan nila Amanda at Theo."Mabuti na lang at hindi na gaanong malakas ang ulan. Pwede na tayong lumabas at maglakad papasok sa loob," sabi ni Theo.Napatingin naman si Amanda sa kaniya bago dumako ang tingin kay Shishi. "Malamig na sa labas. Paano siya?" tanong niya."Aakapin ko siya para hindi siya malalamigan. 'Wag ka lang magseselos sa kaniya..." malokong sabi ni Theo at may munting ngisi sa labi.Naparolyo ng mga mata si Amanda. "Hindi ako magseselos! Ang kapal naman ng mukha mo para isipin 'yan!" asik niya dito.Imbes na mainis si Theo, napahalakhak pa siya sa naging reaksyon ni Amanda. Nagbibiro lang naman kasi talaga siya.Binalingan ni Theo si Shishi at hinaplos ang ulo nito ng marahan nang lu

    Last Updated : 2024-09-15
  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 108: The Call From His Mom

    NABIGLA SI Amanda sa sumunod na ginawa ni Theo. Binuhat siya nito at inilapag sa kama. Mabilis din itong umibabaw sa kaniya na para bang wala itong planong pakawalan siya. Nang tinangkang magpumiglas ni Amanda at umalis sa ilalim ni Theo ay niyukumos lang siya ng mapagparusang halik nito.Hindi sinuklian ni Amanda ang halik nito hanggang sa napansin nga iyon ni Theo. Ipinagsalikop ni Theo ang mga palad nila at tinitigan si Amanda sa mga mata nang maghiwalay na ang kanilang labi.Hindi na napigilan pa ni Theo. Pinaulanan niya ng magaang halik ang mukha ni Theo pero napabuntong hininga siya nang makitang tila naluluha ang mga mata ni Amanda."Alam kong hindi na kailangan pang magpakuha ulit tayo ng litrato. Pero... panagarap mo iyon noon 'di ba? At tsaka gusto kitang mapasaya," malumanay na wika pa ni Theo. "Ano ba ang dapat kong gawin, hmm? Sabihin mo sa 'kin, Amanda..." dagdag pa nito.Napatitig tuloy si Amanda kay Theo. Walang tapon talaga sa mukha ng lalaki. Sobrang gwapo kaya hindi

    Last Updated : 2024-09-16

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 222: The Bullies

    BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 221: The Job Application

    UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 220: The Lamshade

    MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 219: The Cousin

    PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 218: The Pain

    "TEKA LANG! MASYADONG mabilis. Pwede bang makausap ko si Theo?" ani Loreign sa mga bodyguards na sumundo sa kaniya.Umiling sila. Sumagot ang kalbong may malaking katawan. "Pasensya na, Miss Loreign. Hindi po pwede. Mahigpit na utos ni Sir Theo na dapat isang oras lang ang pagdalaw niyo kay Ma'am Amanda," pormal na wika nito.Napailing si Loreign. "Hindi! Baka naman... baka magagawan ng paraan ito? Hindi tama itong ginagawa ni Theo! Kailangan ko talaga siyang makausap!" pamimilit pa niya."Pasensya na, Ma'am pero sumusunod lang kami sa utos. Kailangan niyo na pong umalis," sagot pa ng isa.Umiling iling si Loreign, ayaw pa ring umalis. Pero nang bumaling siya kay Amanda ay halos napaiyak na lang siya. Sumenyas si Amanda na magiging okay lang siya dito. Napailing siya lalo pero tumango si Amanda na makakaya niya ito. Kaya wala ring nagawa si Loreign. Kahit gustuhin niyang magstay pa ng mas matagal ay hindi na talaga pwede dahil talagang bantay sarado sila ng mga bodyguards. Wala naman

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 217: The One Hour

    "S-SALAMAT!" NAIIYAK na lang na sabi ni Loreign kay Gerald matapos ang sinabi nitong tutulong ito sa kaniya. Malaking bagay na iyon sa kaniya. At least, kahit papaano, may taong willing na harapin si Theo para makita na niya si Amanda.Nag usap pa sila saglit doon. Ramdam na ramdam ni Gerald ang pagiging distant sa kaniya ni Loreign. Pero wala naman na siyang magagawa. May kasalanan pa rin siya kung bakit ganito siya ngayon sa kaniya.Nang umalis na si Loreign, napabuntong hininga na lang si Gerald. Para bang may kulang na naman sa dibdib niya. May puwang na hindi kailanman basta basta mapupunan ng kung sino man. Tanging si Loreign lang ang may kakayahang bumuo no'n.Ngayon, ramdam na ramdam ni Gerald na mag isa na naman siya..."ISANG ORAS LANG Ang pwede kong ibigay ko sa iyo para makita siya," malamig na sabi ni Theo kay Loreign.Tumango na lang si Loreign at tinanggap iyon. Alam naman niyang hindi magiging madali ito. Kaya kahit papaano ay nagpapasalamat siya kay Gerald dahil tinul

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 216: The Help

    KAHIT ANONG pamimilit ni Theo, hindi pa rin bumigay si Amanda. Ayaw niyang magpaapekto sa mga yakap at halik ni Theo. May kung anong paninikip sa dibdib na naramdaman si Theo pero hindi na niya gaanong pinagtuonan pa iyon ng pansin. Sa kabilang banda naman, sobrang nag aalala na si Loreign sa nangyayari kay Amanda. Ilang araw na niya itong hindi nakikita! Hindi rin nakatulong ang ibinalita ni Sylvia sa kaniya habang umiiyak. "Mahihirapan tayong makita si Amanda! Ikinukulong siya ni Theo at trinatrato na parang isang preso! Marami siyang bantay na nagkalat sa mansion!" sabi ni Sylvia at naiiyak na lang. Kinalma ni Loreign si Sylvia. "Magiging maayos po ang lahat. Magagawan natin ng paraan ito," pagpapalubag loob niya sa ginang. Tumango lang naman si Sylvia. Napabuntong hininga na lang si Loreign. Napaisip siya ng paraan kung paano makikita si Amanda at matulungan ito. Alam niyang magiging mahirap dahil makapangyarihan si Theo at mayaman. Pero kailangang may gawin siya! Dahil noong s

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 215: The Hugs And Kisses

    HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 214: The Postpartum

    HABANG TINITITIGAN ni Theo ang kaniyang mag ina, para bang may kapayapaan at kakuntentuhan siyang naramdaman sa puso niya. Hindi niya maiexplain ang ganitong pakiramdam! Para bang may init na bumalot sa kaniyang puso.At sa puntong ito, may napagtanto si Theo. Si Amanda lang ang babaeng nakikita niyang kasama hanggang sa siya tumanda...Mahimbing ang naging tulog ni Baby Alex matapos itong mapaburp ni Theo. Magaan ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na halatang busog na busog sa gatas ng ina. Kalaunan ay ibinaba na ni Theo si Baby Alex sa kaniyang crib at napabaling kay Amanda na halatang kakagising lang din. Nakatulog ito kanina habang pinapadede si Baby Alex.Masuyong ngiti ang siyang iginawad ni Theo kay Amanda. "Oh, gising ka na pala! Nagugutom ka na ba? Nagpaluto na pala ako sa baba ng makakain mo mayamaya lang. Sinabihan ko silang dapat ang lutuhin nila ay ang makakatulong sa iyong makapagbawi ng lakas mo," ani Theo.Hindi sumagot si Amanda at inayos ang sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status