HINDI NA nag aksaya pa ng oras si Theo. Mabilis niyang ipinasok sa kotse si Shishi at nanakbong pumasok sa loob ng bahay nang narinig ang sigaw ni Sylvia na inatake sa puso ang ama ni Amanda.Natagpuan niya sa loob sina Amanda at Sylvia na umiiyak. Kaagad siyang dumalo papalapit sa kanila. Si Amanda ay sinusubukang i-CPR ang ama niya pero halatang wala na sa hulog ang isipan dahil sa sobrang taranta. "Ako na," aniya kay Amanda. Hinayaan lang siya ni Amanda dahil alam naman nitong nag aral din ito noon ng patungkol sa medisina kaya mas may alam ito. Sinubukan ni Theo na gawin ang ginagawa ni Amanda kanina nang mas kalmado ng ilang beses. At ilang saglit lang, nagmulat ng mata ang ama ni Amanda at hinihingal.Naiyak na lang sa tuwa si Amanda. "Pa! Papa ko!" bulalas na lang niya.Nakahinga rin naman ng maluwag si Theo matapos no'n. Nang kumalma siya ay kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa at may tinawagan from hospital. "Paki-prepare ang examination room. May dadalhing pasyente n
DAHAN DAHANG tunungo si Amanda sa gawi ni Theo at naupo sa hita nito. Nanginginig siya nang naramdaman ang kay Theo pagkaupong pagkaupo niya pa lang.Nang inilapit ni Theo ang mukha kay Amanda ay naramdaman niya ang pagkahiya nito. Kung hindi niya lang ito asawa, iisipin niya agad na virgin ito."Natatakot ka ba sa 'kin?" tanong agad ni Theo, hindi na nagpaligoy ligoy pa.Kaagad namang umiling si Amanda para tumanggi. "H-Hindi!" mabilis na sagot pa nito.Tila mas umitim ang mga mata ni Theo habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Amanda. Kalaunan, hindi na kinaya ni Amanda ang intensidad ng tingin ni Theo sa kaniya at ibinaon na ang sariling mukha sa malapad na balikat ng lakaki.Mas lalo namang ginanahan si Theo dahil sa pagpapaubaya ni Amanda. Hinawi niya ang buhok ni Amanda na nakatabing sa mukha nito. Parang may gusto na namang kumawala sa loob ni Theo. Pagdating talaga kay Amanda, nawawalan siya ng kontrol sa sarili.Marahang hinaplos ni Theo ang gilid ng mukha ni Amanda. Nap
NANG NAKAALIS na si Theo ay gumising na rin kapagkuwan si Sylvia. Nahalata niya ang tila balisang ekspresyon ni Amanda pero hindi na lang siya nagtangkang nagtanong pa dahil baka mas lalong mastress lang ito.Dalawang araw ang lumipas at sa wakas ay bumuti na rin ang sitwasyon ng ama ni Theo. Inadvise na ito ng doktor na anytime ay pwede na itong madischarge.At mukhang naging senyales iyon para kay Amanda dahil nakatanggap siyang muli ng isa pang good news. Sa hindi inaasahan, tinawagan siya ni Mrs. Madriaga. Ang tagal na rin ng huli nilang pag uusap at pagkikita. Kaya nagtatakha siya kung bakit napatawag ito ngayon sa kaniya."Hello, Amanda! Kumusta ka?" masayang bati ni Mrs. Madriaga sa kabilang linya."Uhm... ayos lang po. Napatawag po kayo?""Wala, excited lang akong sabihin ang magandang balita sa 'yo!" excited na sabi pa nito."Ano po 'yon?""'Yung kaibigan kasi ng asawa ko... hindi inexpect na ikaw pala 'yung paboritong estudyante noon ni Klarisse Virtucio! Willing daw siyang
"MARAMI NANG napagdaanan sa buhay si Loreign. Hindi siya pinalad pagdating sa pamilya at naging masaklap ang bawat araw na nagdaan sa kaniya mula pa noon. Kaya 'wag mo na siyang hayaan pang makatikim ng hirap sa piling mo," pagpapatuloy pa ni Amanda. "Ayokong may mangyaring masama sa iyo pero paano na lang ang babaeng papakasalan mo? Iyong Gianna... halatang may kaya sa buhay. Paano na lang kung hindi nila palagpasin ang kaibigan ko? May magagawa ka pa ba do'n, huh?""Hindi ko hahayaang saktan ni Gianna o ng pamilya niya si Loreign," determinadong wika naman ni Gerald."At paano ka naman nakakasigurado diyan, aber? Ni hindi mo nga macontact ang kaibigan ko ngayon!"Napabuga ng hangin si Gerald. Gets naman niya kung bakit ganito ang inaakto ni Amanda ngayon. At hindi niya rin ito masisisi. "Kumalma ka--""Paano ako kakalma kung alam kong may posibilidad na mas masaktan pa ang kaibigan ko? Maghanap ka na lang ng ibang paglalaruan mo, 'wag na ang kaibigan ko! Kapag nasaktan siya, wala si
SA ISIP ni Amanda ay ayaw niyang sumunod kay Theo sa gusto nitong pumasok siya sa loob ng kotse nito. Pero naalala niya bigla na may kailangan siya dito kaya kahit ngayon lang ay magpapanggap siyang muli. Nilakasan niya ang loob at sumunod sa loob ng kotse.Natagpuan pa niya doon si Shishi na tila naghihintay sa kaniya. Kumakawag ang buntot nang sa wakas ay nakita na si Amanda. Kinarga niya si Shishi at umupo sa passenger seat."Tungkol sa napag usapan natin kagabi..." pagbubukas ni Amanda sa usapin nila tungkol kay Loreign."Bakit?""Wala akong maibibigay na kapalit sa 'yo para sa pagtulong mo sa akin sa paghahanap kay Loreign," walang paligoy ligoy na sabi ni Amanda.Umiling si Theo. "Alam mo naman na kung anong pwede mong ibigay sa akin bilang kapalit, eh. Hindi ko kailangan ng pera."Na gets naman agad ni Amanda kung ano ang gusto ni Theo. Oo nga pala. Bakit naman niya kinalimutan na katawan niya ang gusto ni Theo? Napangiti na lang siya ng mapakla.Namula tuloy siya sa inis na na
"ANONG NANGYARI sa kaniya? Sabihin mo sa akin kung nasaan siya ngayon at pupuntahan ko siya," nasabi na lang ni Amanda at bahagyang nanginginig na sa pag aalala sa kaibigan niya. Pero parang nabunutan naman siya kahit papaano ng tinik dahil sa wakas ay nakita na ito."'Wag ka nang masyadong mag alala. At diyan ka lang. Susunduin kita," ani Theo.Wala na ngang nagawa pa si Amanda kundi ang hintayin si Theo. Habang naghihintay ay dumako bigla ang isip niya sa naging panaginip. Si Loreign... duguan at tila ba nagsasabing mawawala na ito.Mas lalo lamang siyang naging anxious sa naisip. Mabuti na lang ay naputol ang negatibong pag iisip niyang iyon nang dumating na rin sa wakas si Theo.Pormal ang suot ni Theo. Halatang may importanteng event na pupupuntahan. Dahil ngayon dapat ang engagement ni Gerald ay doon dapat pupunta si Theo. Pero of course, kaya niyang bitawan iyon para kay Amanda.On the way sa ospital ay hindi na talaga mapakali si Amanda. Pilit siyang pinapakalma ni Theo pero p
MALALIM NA ang gabi nang naisipang bumalik ni Gerald sa kwarto ni Loreign. Akmang papasok na siya sa loob nang masilayan ang postura ni Loreign mula sa salamin. Napapikit na lang siya ng mariin dahil halatang wala sa sarili ang babae.Halatang kaiiyak nito at bahagyang magulo ang buhok pero wala itong pakialam. Sa pagkakakilala ni Gerald kay Loreign, gusto nitong laging maganda siya at maayos tingnan dahil na rin sa trabaho nito bilang modelo. Pero ang babaeng nakikita niya ngayon ay tila ibang personalidad. May natuyo pang luha sa pisngi nito at nanginginig, halatang takot na takot.Napakuyom na lang ng kamao si Gerald. Hindi na kinaya pang makita ng ganoon katagal si Loreign. Umalis na siya doon at lumabas para makahinga kahit papaano. Sakto namang nakasalubong niya doon si Theo. Parehas silang naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon. Mayamaya pa ay nagsimula na silang mag usap."Ang dami biglang nangyari sa buhay ko..." nasabi bigla ni Gerald. "Hindi ko inaakalang aabot lahat sa
SOBRANG IKINAHIHIYA ni Amanda ang sarili. Dahil mismong katawan na niya ang tila nagpapaubaya sa gustong gawin ni Theo sa kaniya.Dahan dahan na hinaplos ni Theo ang pisngi ni Amanda. "Bakit? Ayaw mo ba talaga, Amanda? Hmm?" tila nang uuyam pa na tanong nito pero bakas na bakas sa boses na buhay na buhay na rin ang init sa katawan.Nanginig si Amanda dahil sa kaisipang mismong katawan na niya ang nagkakanulo sa kaniya. Para bang hinihingal siya bigla dahil na rin sa init ng katawan niya. At naiinis rin siya dahil may pangangailangan din naman ang katawan niya at alam niya sa sariling si Theo lang ang makakapagbigay no'n."H-Hindi..." nanginginig ang boses na sagot ni Amanda at umiwas ng tingin kay Theo.Hinaplos haplos naman ng magaan ni Theo ang pisngi ni Amanda at pinagmasdan niya ang ganda ng mukha nito. Hindi makapaniwala si Theo na ganito kaganda si Amanda... at hindi niya inaakalang mas nagagandahan pa siya rito habang tumititig siya ng malalim sa kaniya.Maya maya lang ay dumuk
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo.Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito.Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya.Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.Pa
NAPAISIP SI Amanda. Minsan gumagamit si Theo ng proteksyon sa tuwing nagsisiping sila pero minsan ay hindi ito gumagamit. Kaya hindi na rin kataka takha kung bakit nabuntis si Amanda.Lumalim ang gabi at balisa si Amanda. Yakap niya ang sarili habang nasa may bintana. Nakatanaw lang siya sa labas. May kaunti siyang takot na nararamdaman dahil sa kondisyon niya ngayon. Isa siyang first time mom kaya marami siyang inaalala. Makakaya ba niya? Magiging mabuti ba siyang ina sa magiging anak niya?Napabuntong hininga na lang si Amanda. Hindi pa rin bumabalik si Theo. Kailangan niyang makausap ang lalaki ngayon para masabi ang kondisyon niya. Kahit naman hindi maganda ang relasyon nilang mag asawa ay labas pa rin naman ang anak nila sa hindi nila pagkakaunawaan. Ang dapat na gawin nila ngayon ay maging mabuting magulang sa magiging anak nila.Makaraan ang ilang minuto, hindi na nakatiis pa si Amanda. Kinuha niya ang phone at idinial ang numero ni Theo. Mabuti na lang at sumagot naman ito aga
NATAHIMIK NAMAN si Mrs. Madriaga dahil doon. May punto naman kasi si Amanda sa sinabi niya kaya medyo naging awkward ang pagitan nila. Pero kalaunan ay nakabawi na si Mrs. Madriaga at nagpatuloy sa sinasabi."Pwede kong sabihan ang parents ni Carmella sa behavior ng anak nila. Pero tungkol kay Theo, hindi ko na alam. Halata namang may nararamdaman pa siya sa iyo pero bakit nag eentertain pa siya ibang babae?" naiiling na wika ni Mrs. Madriaga.Bahagyang nailing na lang si Amanda at natawa. May nararamdaman sa kaniya si Theo? Parang ang laking joke naman no'n. Pero mas pinili na lang niyang manahimik at pakinggan ang mga rant ni Mrs. Madriaga."Mga lalaki nga naman! Kung hindi nila makuha ang init na gusto nila sa bahay, sa iba nila kinuha. Maaaring nasaktan siya sa naging kinahinatnan ng marriage niyo noon, pero hindi naman sapat na gawin niya iyong rason para gumawa ng ganitong eksena!" himutok ng ginang.Umiling si Amanda. "Hayaan niyo na lang po," kalmado niyang wika."Hindi ko ala
SUMAPIT NA ANG gabi ng linggo kung kailan gaganapin ang intimate party na sinabi ni Theo kay Amanda. Talagang pinaghandaan nila lahat lalo na si Amanda dahil ayaw naman niyang mapahiya.Madaming mga dumalo na mga board members at mga iba pang matataas na personalidad sa business na kakilala ni Theo. Pero nag imbita din naman si Amanda ng kakilala kagaya na lamang ni Mrs. Madriaga na dala rin si Jude, ang halos kaedaran na kaibigan ng ginang. Nakilala na noon ito ni Amanda sa isang event at hindi naman niya inexpect na makikita niya ulit ang lalaki ngayon.Nagkausap sila saglit at napangiti na lang si Jude habang hawak ang champagne nito. Gandang ganda si Jude kay Amanda pero nanghihinayang nga lang siya dahil hindi na niya ito pwedeng pormahan pa."Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo dito. Pero alam mo, mas hindi ko inaasahan na ikakasal ka ulit tapos sa iisa lalaki rin," ani Jude at napakamot sa likod ng ulo. "Sayang dahil wala na akong pag asa."Napailing na lang si Amanda. "H
PINILIT NA lang ni Amanda na ioccupy ang sarili sa ibang bagay para hindi siya nadidistract sa mga kumakalat na mga articles ni Theo at mga kasama nitong iba't ibang babae. Nagluto na lang siya ng makakain. Sakto namang nadaanan siya ng isa sa mga kasambahay."Aba, madame! Mukhang masarap iyan, ah? Ano pong iluluto niyo?" tanong ng kasambahay.Ngumiti si Amanda. "Ah, simpleng pasta lang naman ito," sagot niya.Akmang sasagot muli ang kasambahay pero nakarinig sila pareho ng ugong ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan sila pareho."Mukhang nakabalik na po si Sir!" ani ng kasambahay.Napatango na lang si Amanda dahil narinig na nila ang pagtigil ng sasakyan sa may bandang garahe ng kabahayan. Kalaunan ay pumasok na nga si Theo. Ang buong akala ni Amanda ay hindi siya papansinin ni Theo kagaya ng mga nagdaang araw. Pero nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya na may seryosong seryosong ekspresyon."Nakita mo ba lahat ng mga kumakalat tungkol sa 'kin?" bungad na tanong agad ni Theo kay Ama