HINDI MAPAKALI SI Amanda. Ang hirap ng ganito. Ayaw niyang malingat sa takot na baka may mangyaring masama kay Loreign. Lumalalim na ang gabi pero nakatanaw pa rin sa labas ng bintana si Amanda. Sa ibaba ay nakita niya si Harold na napatingala sa kaniya. Pilit na ngumiti ni Amanda kahit pa mabigat talaga ang loob niya ngayon. Ngumiti rin pabalik si Harold bago tuluyang naglakad papasok sa entrance ng hospital.Makaraan ng ilang minuto ay nakarinig ng katok si Amanda sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa so Harold. Hindi maiwasang mapatitig ng matagal ni Amanda kay Harold. Ito ang lalaking kayang gawin ang lahat para sa kaniya... kaya siyang ipaglaban at mahalin ng tapat. Pero hindi makakaya ni Amanda na madamay ito sa gulo sa buhay niya. Hindi niya kailanman maaatim na baka isang araw, kailangan na igive up lahat ni Harold ang lahat ng meron siya para sa kaniya. Ayaw ni Amanda iyon at hindi pa naman siya gano'n kaselfish para hayaang mangyari iyon.Hindi makakaya ng konsensya niyang d
LAHAT NG MGA nakarinig ay nagulat sa hinayag ni Amanda. Naghalo ang singhap at bulungan sa paligid. Lahat ay hindi makapaniwala sa rebelasyon na sinabi ni Amanda.Matalim naman ang tingin sa kaniya ng matanda na pinaka head ng pamilya. Napangisi si Amanda sa reaksyon nito."Bago ako nagpunta dito, sinigurado kong kakalat ang tungkol dito. Kaya wala na kayong magagawa pa dahil kahit ultimong kasuluksulukan ng syudad, malalaman na anak ni Gerald ang dinadalang bata noon ni Loreign na ngayon ay nasawi!" dagdag pa ni Loreign. "Sa tingin mo, ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag malaman ng mga tao na ang tinitingala nilang pamilya ay may ganitong baho?"Natawa ng sarkastiko ang matanda. "Talaga lang, ah? Hindi ka ba natatakot na mahila ulit sa kahihiyan ang pangalan ng kaibigan mong iyan? Madadamay at madadamay pa rin siya!""Oh, salamat sa inyo at wasak na ang reputasyon ng kaibigan ko! Dahil sa inyo pinagpyestahan siya ng mga tao at naging usapan dahil sa mga karanasan niya sa buhay n
NASA LOOB na ng kotse sina Amanda at Theo. Tahimik lang noong una at parehas na may malalim na iniisip. Pero kalaunan ay nagsalita na rin si Theo at bahagya pang umuklo upang makita ang ekspresyon ni Amanda. Napabuntong hininga siya."Tungkol sa nangyari kanina... nagsisisi ka na bang sumugod doon at harapin sila?" hindi mapigilang itanong ni Theo dahil halatang parang nagbabalik pa ang isip ni Amanda sa nangyari kanina.Napabuntong hininga si Amanda bago sumagot. "Hindi... hindi ko iyon pinagsisihan," mahinang sagot niya."Kung ganoon, bakit hindi ka nakatingin ng deretso sa akin ngayon?" tanong pa ni Theo.Kumunot ang noo ni Amanda at tiningnan na rin ng deretso sa wakas si Theo. Nang magtama ang mga mata nila ay halos mapasinghap si Amanda sa nakitang tila kay bigat ng emosyon ng lalaki. Hindi siya mapakali bigla. Hindi tuloy siya nakapagsalita lalo pa nang itaas ni Theo ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya ng magaan."A-Ano ba?" naiilang na sabi ni Amanda at sinubukang umiwa
HUMALIK PABALIK SI Amanda, hindi dahil iyon ang ginusto niya, kundi dahil pakiramdam niya ay obligado siyang gawin iyon dahil pinili siyang balikan si Theo. Napakuyom siya ng kamao at pinigilan ang sensasyon na naramdaman niya sa gitna ng kaniyang hita. Humigpit naman ang hawak ni Theo sa likod ng ulo niya hanggang sa napasabunot na siya sa kaniyang buhok na tila ba nagsisimula nang manggigil.Hanggang sa hindi na kinaya ni Amanda na magpanggap na okay lang ang ginagawa sa kaniya ni Theo na paghalik. Kaagad na siyang napahiwalay. "W-Wag, Theo..." pabulong na sabi niya.Napabuga ng marahas na buntong hininga si Theo. Halatang frustrated na sa pagkakabitin. "Fine. May kailangan lang akong balikan sa office ko. Pwede kang magstay sa lounge habang hinihintay ako," ani Theo.Hindi nakapagsalita si Amanda. Pakiramdam niya ay nanghihina siya mula sa halikan nila kanina. Sobrang intense no'n na pakiramdam niya ay nakamarka pa rin ang labi ni Theo sa labi niya. Mabuti na lang talaga at napigil
NAGSTAY SI AMANDA. Kahit anong sigaw ng utak niyang hindi dapat, natagpuan na lang niya ang sariling nadadarang sa mga init ng haplos at halik ni Theo sa kaniya. Napahiga siyang muli at umibabaw si Theo sa kaniya habang pinapaulanan ng halik ang kaniyang mukha pababa sa leeg. Pilit na pinigil ni Amanda ang mga ungol na gustong umalpas sa labi niya habang hinuhubaran siya ni Theo. Hulog na hulog na siya sa sensasyon na hatid ng labi ni Theo. Hanggang sa isang iglap, wala ng saplot si Amanda. Ibinuka ni Theo ang kaniyang mga hita at naging konektado ang kanilang mga kaselanan. Gumalaw si Theo at ibinaon ang pagkalalaki habang nakasubsob ang mukha sa leeg ni Amanda at pinapaulanan siya ng halik doon. Noong una ay mabagal lamang ang galaw ni Theo na para bang ninanamnam nito ang init ng loob ni Amanda, pero kalaunan ay bumilis iyon at hindi na siya nakapagpigil pa. Naputol na ang pisi ng pasensya niya kanina pa. Kumawala ang ungol sa labi ni Theo nang maramdaman ang sarap habang gumaga
PAKIRAMDAM NI Amanda ay nanlamig siya lalo sa isiniwalat ni Theo. Ang dami na nilang pinagdaanang dalawa. Panahon na ba talaga para magsimula sila ng pamilya? Makakaya ba nila? Pero... naisip ni Amanda, wala na talaga siyang kawala kay Theo. Pinili niyang balikan ito kapalit ng tulong niya. Kaya... tama lang ba na ibigay rin ang gusto nito?Napabuntong hininga si Amanda at hindi nakasagot agad. Naisip niya ang sitwasyon nila ngayon. Ang dami pang kailangan na ayusin. Pakiramdam ni Amanda ay hindi pa ngayon ang panahon na magkaroon sila ng sarili nilang baby."Hindi pa nagigising si Loreign. At ang negosyo namin... hindi pa fully established. Sa tingin ko, hindi pa ngayon ang takdang panahon para diyan, Theo. Siguro mas mabuting sa susunod na taon na lang kapag... trenta ka na," ani Amanda.Gusto niyang kaltukan ang sarili dahil sa sinabi. Talagang kinokonsidera niya ang pagsisimula ng pamilya kasama si Theo, huh?Sa likod ng isip ni Amanda, hindi lang naman ang tungkol kay Loreign at
"B-BAKIT MO NAMAN ginawa iyan?" tanong ni Loreign habang naluluha. Alam na alam ni Loreign kung gaano kagusto ni Amanda na makawala na kay Theo. Pero bakit naman ganitong binalikan na naman niya ito? Bakit babalik na naman siya sa dati? "Ginawa mo ba iyan para sa 'k-kin? A-Amanda, bakit ka naman nagsakripisyo para sa 'kin? H-Hindi ako worth it! Nahihibang ka na!" dagdag pa ni Loreign.Umiling agad si Amanda. "Papaanong hindi worth it? At hindi... hindi pa ako nahihibang. Nasa matinong pag iisip pa ako."Sunod sunod ang pagpatak ng luha ni Loreign at hindi pa rin kumbinsido. Umiling siya sa naging desisyon ni Amanda. Hindi pa rin siya makapaniwala. Napansin iyon ni Amanda kaya naisip niyang pagaanin ang loob nito. "'Wag mo na lang isipin 'yan. Ang importante ay nagising ka na. Hindi mo alam kung gaano ako nabaliw sa pag aalala para sa 'yo," ani Amanda.Yumakap si Amanda kay Loreign. Nagyakapan silang dalawa habang parehas na naluluha.BINISITA NG DOKTOR si Loreign para macheck kung ay
ISANG LINGGO ANG nakalipas nang nadischarged si Loreign, dinala siya ni Amanda sa sementeryo para dalawin nila ang anak nito.Maaga pa kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin na yumayakap sa kanila. Lumuhod sa lupa si Loreign at hinawakan ang malamig na lapida ng nasawing anak. Hindi na niya inalintana pa ang duming kumapit sa kaniyang bistida dahil sa pagkakaluhod. Isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi ni Loreign. "Hello, anak. Ako 'to... si Mommy mo. Gusto ko lang magsorry sa iyo kasi... naging mahina si m-mommy. Hindi kita naprotektahan. Ni hindi mo man lang nasilayan ang ganda ng mundo. Sana... n-naging matatag ako. Edi sana... hindi nangyari ito sa iyo. S-Sorry, baby ko..."Napaiwas ng tingin si Amanda habang nag iinit ang sulok ng kaniyang mga mata. Nasasaktan siya para kina Loreign at ang anak nito. Naaawa na rin siya sa kaibigan. Dahil kung masakit na para kay Amanda, paniguradong tripleng sakit ang nararamdaman nito bilang isang
SINUBUKANG LUMAPIT ni Amanda kay Theo at muling nakiusap. "P-Please naman, Theo! Makinig ka sa 'kin! Kailangan ko ang tulong mo! Tumawag si Atty. Hernaez tungkol sa kaso--"Hindi na makumpleto pa ni Amanda ang dapat na sasabihin dahil bahagya siyang itinulak ni Theo. Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nakakaintindi, Amanda? Ang sabi ko, pag usapan na lang natin ang tungkol diyan pagbalik ko! Hindi ko rin naman maasikaso iyan ngayon!""P-Pero, ang kapatid ko! Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya! Baka mas lalong humaba ang panahon na pagkakakulong niya. Kung malaman ito ni Papa, h-hindi niya kakayanin! Please, maawa ka naman! Gagawin ko ang lahat! K-Kung gusto mong hindi na kita kailanman ididvorce, s-sige! Sige, gagawin ko! Basta tulungan mo lang kami!" sabi pa ni Amanda bago abutin ang kamay ni Theo at hinawakan iyon habang nagmamakaawa ang tingin na ipinukol niya dito.Napatingin si Theo sa kamay niyang hawak ni Amanda at napaigting na lang ng panga. "Ganito na lang ba talaga, Amand
BASA ANG MGA matang nagising si Amanda mula sa magandang panaginip na iyon. Natulala pa siya ng ilang minuto bago siya tuluyang napabangon nang katukin siya ng isa sa mga kasambahay at may inabot na telepono."Ma'am, may tawag ka po," ani ng kasambahay.Tumango si Amanda at tinanggap ang telepono. Nang sagutin niya iyon ay napakunot lang ang noo niya. Paano ba naman kasi ay medyo choppy ang nagsasalita at hindi maintindihan ang sinasabi nito. Dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan bigla kaya hindi na gaanong napagtuonan ng pansin ni Amanda ang tawag. Namatay na lang ang tawag na hindi man lang alam ni Amanda kung para saan ang tawag.Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan malakas ang buhos ng ulan. Sinamahan pa iyon ng panaka nakang pagkulog at kidlat."Grabe na talaga ang pagbabago ng klima ngayon! Summer na summer pero umuulan! May kasama pang kulog at kidlat! Ayos lang po ba kayo, Ma'am? Hindi naman kayo takot?" may pag aalalang tanong ng kasambahay kay Amanda.Mabilis
ISANG LINGGO lang naman ang inabot ng business trip ni Theo sa abroad. Bumalik din siya agad. Ang kaso nga lang sa pagbabalik niya, walang nagbago sa pagitan nila ni Amanda. Naging malamig pa rin sila sa isa't isa.Nafrufrustrate na si Theo sa totoo lang. Pero mukhang wala pa rin talagang plano si Amanda na bawiin lahat ng mga desisyon nito. Sa sitwasyon nilang iyon, hindi maiwasan ni Loreign ang mas maguilty lalo. Inopen up niya iyon nang magkita sila ni Amanda sa isang coffee shop."Ayos pa ba kayo ni Theo?" tanong ni Loreign sa malungkot na tono.Umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Amanda at tumango. "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" balik tanong nito.Hindi nakasagot agad si Loreign. Dahil hindi naman siya tanga para hindi mahalata na peke ang ngiting namuo sa labi ni Amanda, eh. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Bakas ang tila ba kapaguran sa ekspresyon nito."Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harapan ko, eh. Kasalanan ko 'to! Okay ka na, eh
NAGING TULIRO si Theo sa mga sumunod na araw. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na wala na ang Lola niya. Kailanman ay hindi ito pumasok sa isipan niya. Pero... kahit anong pikit niya sa mga mata, nakikita niya ang tila ba natutulog lang na lola niya sa isipan... pero wala ng buhay.Bumagsak ang timbang niya sa nagdaang araw. Inasikaso niya ang ilang mga papeles ng lola niya at ang lamay nito. Kinailangan niyang pakiharapan ang mga bisitang pumupunta. Pagod na pagod ang katawan ni Theo pero kailangan niya iyon para makatulog siya agad. Ang kaso nga lang, hindi na siya nakakain ng maayos dahil masyado na niyang pinagkabusyhan lahat. Dumagsa ulit ang mga bisita, kabilang na doon si Harold na hindi rin inexpect ni Theo. Pero dahil sa dami ng mga iniisip, hindi na niya gaanong pinagtuonan ng pansin iyon. Saka na lang niya naalala nang kinausap siya ng ina niya."Bakit mo hinayaang bumisita ang bastardong iyon dito? Theo nama
INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
MALALIM NA ANG gabi nang makauwi si Theo sa mansion nilang pamilya. Umuulan ng mga panahon na iyon kaya sinalubong siya ng isa sa mga katiwala sa bahay para payungan siya.Pagod siya ulit ng araw na iyon. Naghalo halo na dahil bukod sa trabaho, hindi na rin gumaganda ang sitwasyon ng lola niya. Hindi siya makapagconcentrate sa kaisipan na baka... ayaw isipin ni Theo ang mga negatibong bagay na pilit umuukilkil sa utak niya.At isa pa, nabobother din si Theo dahil tinatawag siya sa ibang pangalan ng lola niya. Tinatawag siya sa pangalan ng ama niyang matagal ng hindi nagpapakita. Napakuyom si Theo dahil do'n. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa kabila ng pang iiwan sa kanila ng ama niya, ito pa rin ang hinahanap ng lola niya, kahit dala pa iyon ng katandaan niya o sa dinaramdam.Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng paningin niya si Amanda. Sinalubong din siya ng isa sa mga kasambahay."Good evening po, Ser. Si Ma'am Amanda po ba ang hanap niyo?" tanong nito."Oo. Nasaan siya?""N
"MA'AM, LUMALAMIG na po ang gatas niyo. Gusto niyo po bang palitan ko?"Napukaw ang atensyon ni Amanda sa biglang nagsalitang kasambahay. Napabalik tuloy sa kasalukuyan si Amanda. Masyado siyang nahulog sa pag iisip kanina.Agad niyang tinanguan ang kasambahay. "Sige po. Maraming salamat," aniya dito. "Walang anuman po." Umalis na ang kasambahay kalaunan. Habang naghihintay si Amanda ay sakto namang lumapit ang isa ulit sa mga kasambahay. Takhang binalingan niya ito."Ma'am Amanda, pasensya na po sa disturbo. May naghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng kasambahay na siyang naging rason ng pagkakakunot ng noo ni Amanda."Sino daw?" balik tanong niya."Si Ms. Ynah Olarte po," sagot nito.Bahagyang natigilan si Amanda. Kani kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya ang bagong babae na nalilink kay Theo. Tapos ngayon malalaman niya na nandito ito ngayon at hinahanap siya? Talaga naman...Napabuntong hininga si Amanda at tumango. "Ako ng bahala," aniya sa kasambahay."Sige po, Ma'am."Ila
NATAHIMIK SI Theo matapos ng lahat ng mga sinabi ni Amanda. Gustong gusto niyang patulan ito ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang maayos naman kahit papaano ang gusot nila ngayon.Pilit na prinoseso lahat ni Theo ang mga sinabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay nagjojoke lang ito. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong iwan kasama ang anak nila! Hindi niya makakaya iyon!Hindi naramdaman iyon ni Theo dahil sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Amanda, ramdam niya na gusto nito iyon. Parang hindi naman ito napipilitan. At kahit papaano, nagkaroon ng pag asa doon si Theo na makukumpleto na rin sa wakas ang pamilya nila. Magiging buo sila at hindi maghihiwalay.Pero ang marinig ang pagkadisgusto ni Amanda sa mga nangyari sa kanilang dalawa ay para bang punyal na tumarak sa dibdib ni Theo. Hindi siya makapaniwala."Kung gano'n... lahat ng mga maiinit na tagpong pinagsaluhan natin... pagpapanggap lang sa iyo, huh?" mapait na wika ni Theo at napayuko habang nakaigting ang p
"PARANG KASING may gusto siya sa iyo. Ang alam ko, wala siyang asawa at mayroon siyang anak. Alam naman niya sigurong may asawa ka na, pero parang sa nakikita ko kanina, umaasa siya sa iyo," wika ni Theo sa seryosong tono.Kumunot ang noo ni Amanda. "Bakit ba lahat na lang binibigyan mo ng ibang meaning? Magkaibigan lang kami!"Umigting ang panga ni Theo. Ang buong akala ni Amanda ay talagang ipaglalaban pa nito ang pinaniwalaan. Pero nagulat siya dahil tumango ito agad at kalaunan ay kumalma na ang ekspresyon sa mukha. "Kung... iyan ang sabi mo, sige. Naniniwala ako sa iyo..." tila ba nanghihinang sabi ni Theo.Hindi makapaniwala si Amanda. Pero kalaunan ay nagpasalamat na lang siya na naging ganoon ang reaksyon ni Theo. Hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag pa dahil wala naman siyang masamang ginagawa.Sa hotel ni Amanda sila dumiretso. Nang nakapasok ay napalinga linga si Theo at pinagmasdan ang paligid. Mukhang maayos naman ang lugar. Malaki at hindi na masama. "Shower lan