Naramdaman ni Luke ang bigat ng sitwasyon at ang pagkabahala ni Belle. Lumapit siya at niyakap ito, ngunit tila may pader pa rin sa pagitan nila. “Ana... Hindi ko na kayang makita kang nasasaktan. Pero bakit hindi mo masabi ang lahat? Sabihin mo na kung anong bumabagabag sa'yo.”Patawad, Luke, ang sigaw ni Belle sa kanyang isipan. Patawad sa lahat ng kasinungalingan. Pero hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang sirain ang lahat ng ito, hindi pa ngayon. Kailangan kong makuha ang katarungan ni Ana. Hindi ko siya pwedeng ipagkanulo.Nagpatuloy siya sa pagpapanggap, hindi lang kay Luke, kundi pati na rin sa sarili. Isang mabigat na sakripisyo ang ginagawa niya, at sa bawat hakbang na patungo sa pagpapatuloy ng kanyang mga plano, nadarama niyang ang bawat sandali ay naging mahirap. Kailangan ko munang itago ang lahat para kay Ana... iniisip ni Belle habang patuloy ang pag-aalala sa mga susunod na hakbang.“Luke... sorry... bigyan mo ako ng oras, sasabihin ko balang araw,” ang tanging sa
Sa kabila ng dilim ng nakaraan at kawalan ng kanyang mga alaala, natagpuan ni Sara ang bagong tahanan sa piling nina Glenda at Romero. Hindi niya alam kung sino siya noon, ngunit sa pagmamahal at pag-aaruga ng mag-asawa, natutunan niyang muling bumuo ng panibagong buhay. Sa loob ng maliit ngunit masayang tahanan, tinanggap siya nang walang pag-aalinlangan.Sa bawat umaga, tinutulungan niya si Mama Glenda sa tindahan ng isda at gulay sa palengke. Hindi ito marangyang buhay, pero dito niya nararamdaman ang tunay na kahulugan ng pamilya. Isang araw, habang abala siya sa pagsasalansan ng mga isda, biglang pumasok sa tindahan ang isang matangkad, matipuno, at mayabang na lalaki.Naka-suot ito ng mamahaling polo, itim na pantalon, at suot-suot ang isang relo na siguradong hindi kayang bilhin ng kahit sino sa palengke. Matalas ang titig nito at tila ba may hinahanap na mali sa paligid. Nagtawanan ang ilang tindera sa tabi, may ibinubulong tungkol sa kanya."Uy, si Sir Adrian yan! Isa sa mga
Nagulat si Sara. "Ano? Ano'ng sinabi mo?""Huwag kang masyadong masurpresa. Minsan lang akong nagpapasalamat," sagot ni Adrian, pero halata ang bahagyang inis na hindi niya kayang aminin na mali siya noong una.Napangiti si Sara. "O, eh di buti naman! Mukhang may konti ka pang kabaitan, Sir Suplado."Napakunot-noo si Adrian. "Sir Suplado?""Ano pa ba? Ang sungit mo kasi. Pero sige na nga, dahil binayaran mo nang maayos ang isda ko, baka naman may konti kang kagandahang-loob," pang-aasar ni Sara.Napangisi si Adrian, saka tumingin kay Sara nang matagal. "Ikaw, ah. Mukhang hindi ka takot sa akin.""Hindi ako madaling matakot, Sir," sagot ni Sara nang may kumpiyansa.Napailing si Adrian. "Sige. Magkikita pa tayo ulit, Sara.""Hmmph! Akala mo naman magkikita pa tayo ulit," saad ni Sara habang nagkikibit-balikat.Ngunit kahit anong sabihin niya, hindi niya maiwasang sundan ng tingin ang papalayong anyo ni Adrian. Ang lalaki talagang ‘yon! Nakakainis! Pero bakit parang may kakaiba siyang na
Mas naging tahimik, mas malalim ang iniisip. Hindi niya masisisi si Ana—kung talagang muntik na itong mapatay, natural lang na magduda ito sa paligid."Kung sino man ang gumawa nun, siguradong may galit siya sa’yo, Ana. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino siya," seryosong sagot ni Luke habang hinahaplos ang buhok ng babaeng akala niya'y kanyang asawa. "Gusto kong protektahan ka, mahal. Hindi na ako magpapatawad kung may sumubok pang saktan ka ulit."Napahigpit ang hawak ni Belle sa kumot. Mahal? Sa loob ng maraming araw na magkasama sila, alam niyang unti-unting nahuhulog din siya kay Luke, ngunit hindi ito dapat mangyari. Hindi ito tama."Paano kung matagal nang nasa paligid natin ang taong iyon?" mahina niyang tanong."Kaya hindi kita iiwan, Ana. Hinding-hindi," sagot ni Luke, halatang may bahid ng pag-aalala sa tinig nito. "Sa tingin ko, hindi random attack ang nangyari sa’yo. Sinusubukan kang patayin. At gusto kong malaman kung sino ang may kagagawan nito."Na
Ang kanyang mga balakang ay nagsimulang umindayog nang dahan-dahan sa kanyang kamay. Lumapit siya nang mas malapit sa kanyang clit, gumuhit ng mas malalaking bilog dito, ngayon ay dahan-dahang umiikot sa sensitibong bahagi na iyon."Ohh Luke.Hmm gusto ko 'yan." Ungol niya. "Oh yes aking mahal" Tapos inuulit ang lahat. At muli. At muli. Ngayon, siya ay talagang isang maluhong gulo, sumasalampak sa kanya habang kumikilos laban sa kanyang ari. Sinimulan niyang gumalaw nang mas mabilis sa kanyang paikot-ikot na galaw, at ang kanyang mga balakang ay desperadong nagsimulang umalog. Ang tono ng kanyang mga ungol ay tumaas nang napakatamis bilang tugon, ang kanyang ereksyon ay masakit na sumisikip sa loob ng kanyang masikip na pantalon. Ang kanyang katawan ay kumikilos noon; ang tiyan ay nag-spasm; ang mukha ay mariing pinagdikit sa mga unan habang ang isang sigaw ng kasiyahan ay pilit na umaakyat mula sa kanyang lalamunan. Pinagdikit niya ang dalawang daliri sa kanyang basang, malam
Maagang bumangon si Sara kinabukasan at bumalik sa kanilang pwesto sa tindahan. Kinuha niya ang yelo at maingat na nilagay sa loob ng styro box kung saan nakalagay ang sariwang isda. Habang abala siya sa pagsasaayos ng paninda, lumapit si Glenda at umupo sa tabi niya."Ano na, anak? Napag-isipan mo na ba ang alok ni Adrian?" tanong ni Glenda habang pinupunasan ang kanyang kamay sa apron.Napairap si Sara. "Naku, Mama! Wala akong balak makipagtrabaho sa supladong ‘yon! Feeling close masyado, e ni hindi ko nga siya kilala!"Ngumiti si Glenda at umiling. "Hay, naku. Minsan, ‘yang pagiging mataray mo, baka ‘yan pa ang ikapahamak mo. Anak, negosyo ang pinag-uusapan dito. Hindi mo kailangang gustuhin si Adrian bilang tao, pero kung makakatulong ‘yon sa negosyo natin, bakit hindi mo subukan?"Napangiwi si Sara. "Tsk! Mama naman! Hindi naman tayo naghihirap para humingi ng tulong sa lalaking ‘yon.""Hindi ito tungkol sa paghihirap o yaman, anak. Oportunidad ‘to para mas lumawak ang negosyo na
Pero bakit kahit anong pilit niyang huwag pansinin, hindi mawala ang ngiti nito sa kanyang isipan?Gabi.Nakaupo si Sara sa beranda ng bahay nina Glenda at Romero, nakatitig sa mga bituin. Tahimik siyang nag-iisip nang biglang sumulpot si Glenda, may dalang tasa ng mainit na gatas."Anak, parang ang lalim ng iniisip mo ah," bati nito.Napatingin si Sara sa kanya. "Mama, sa tingin mo… paano kung bigla kong maalala ang nakaraan ko? Paano kung may pamilya na pala ako at hindi ko lang natatandaan?"Napangiti si Glenda at naupo sa tabi niya. "Alam mo, anak, kahit anong mangyari, isa lang ang sigurado ko—kung sino ka ngayon, ‘yan ang mas mahalaga. Ang puso mo, ang mga desisyong ginagawa mo sa kasalukuyan, ‘yan ang tunay mong pagkatao. Hindi lang ang nakaraan mo ang bumubuo sa ‘yo."Tahimik na napaisip si Sara."Ano naman ang nagpasimula ng pag-iisip mong ‘yan?" tanong ni Glenda, may matalinhagang ngiti.Nag-iwas siya ng tingin. "W-wala naman… May mga bagay lang akong hindi maintindihan.""A
Maagang nagising si Belle na mahigpit na yakap ni Luke. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg, at nang igalaw niya ang kanyang katawan, mas hinigpitan pa ni Luke ang yakap."Five more minutes, Ana…" bulong ni Luke sa paos ngunit malambing na boses.Napangiti si Belle. Kung hindi lang delikado ang sitwasyon nila, baka bumigay na siya sa matamis na ilusyon na sila talaga ni Luke."Hindi tayo makakapagluto ng breakfast niyan," malambing niyang sagot.Bumuntong-hininga si Luke bago bumangon at hinalikan siya sa noo. "Fine. Pero pagkatapos ng breakfast, akin ka ulit," anito, sabay kindat.Natawa si Belle habang umiiling. "Baliw ka talaga."Sa KusinaHabang abala si Belle sa pagpiprito ng bacon, lumapit si Luke mula sa likuran at niyakap siya."Hmm… ang bango mo kaysa sa bacon," bulong ni Luke sa kanyang tainga."Loko ka, baka matalsikan ka ng mantika," natatawang sagot ni Belle."Okay lang, basta ikaw ang gagamot," sagot ni Luke bago niya idinampi ang labi sa pisngi n
Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Sa di kalayuan, rinig pa rin ang masayang hiyawan ng mga bisita sa party ni Anabella, pero sa loob ng hardin kung saan sila nakatayo ni Luke, parang ibang mundo ang bumalot sa kanila—isang mundo ng pagdududa, sakit, at isang lihim na pilit niyang pinanghahawakan.Naramdaman ni Belle ang malamig na simoy ng hangin, pero ang mas matindi niyang nararamdaman ay ang nagbabagang titig ni Luke na parang pilit siyang binabasa.“Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kayang pagtiwalaan?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang tanong na iyon.Hindi ba niya talaga kayang pagtiwalaan si Luke?O takot lang siyang mawala ang lahat sa oras na malaman nito ang totoo?Pinilit niyang ngumiti, kahit ramdam niya ang pagkaputla ng kanyang mga labi. “Luke… hindi sa wala akong tiwala sa’yo.”“Kung gano’n, ano?” May bahagyang pait sa boses nito.Nag-aalangan siyang tumingin sa kanya. “Mahalaga ka sa akin. Mahal kita.”Nakita niyang nagbago ang ekspresyon
Sa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Sara, si Vanessa naman ay gising na gising hindi lang dahil sa pait ng pagkatalo kundi dahil sa ideyang unti-unti nang nabubuo sa kanyang isipan.Kasama niya si Paul sa isang pribadong lounge ng resort, malayo sa iba pang mga bisita. Sa harapan nila, may bote ng mamahaling alak at isang tray ng magagarang pagkain, pero hindi iyon ang pakay nila.Paul: "Vanessa, kung gusto mong bumalik sa buhay ni Adrian, kailangan mong maging matalino. Hindi pwedeng bara-bara lang."Vanessa: "Anong plano mo?"Paul: "Hindi sapat ang kagandahan mo para bumalik siya sa’yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na ikaw ang mas bagay sa kanya mas classy, mas ka-level niya, at higit sa lahat, ikaw ang babaeng hindi niya kayang bitawan."Napakagat-labi si Vanessa. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Paul.Paul: "Swerte ka, Vanessa. May isang malaking event sa resort na ito bukas—isang grandeng charity gala. At alam mo kung sino ang guest of honor?"Vanessa: "Sino?"Pa
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a
Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu