Home / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 31

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 31

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-01-03 17:42:36
Naramdaman ni Belle ang sinseridad sa tinig ni Luke, ngunit hindi niya maiwasang isipin: Paano kung si Luke mismo ang dahilan ng lahat ng ito? Paano kung siya ang dahilan ng pagkamatay ni Ana? Hindi niya magawang itapon ang pagdududang iyon, kahit gaano pa siya kamahal ni Luke.

Samantala, sa kabilang bahagi ng mansyon, si Sheila ay nakatayo sa harap ng salamin, hawak ang isang basong alak. Ang mga mata niya ay puno ng galit habang iniisip ang pagiging malapit nina Luke at Belle. "Akin si Luke," bulong niya, mahina ngunit puno ng poot. "Hindi ko hahayaang ang babaeng iyon ang makuha ang lahat ng dapat ay sa akin."

Napansin niya ang marka ng hickey sa leeg ni Belle noong selebrasyon ng binyag, at halos masira niya ang baso sa sobrang higpit ng pagkakahawak. "Kahit kailan, hindi ka na dapat bumalik, Ana. Ang kapal ng mukha mo para angkinin ang lahat ng meron ako. Pero hindi na magtatagal. Sisiguraduhin kong mawawala ka na nang tuluyan."

Kinuha niya ang telepono at muling tinawagan ang kan
MIKS DELOSO

Mahal kong mga mambabasa, Lubos ang aking pasasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa aking mga akda. Bilang isang manunulat, malaking tulong ang inyong mga likes, comments, at gems upang maibahagi ko pa ang aking mga kwento sa inyo. Sana po ay mapagbigyan ninyo ako ng inyong suporta. Maraming salamat po!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 32

    Nang maramdaman ni Luke ang kanyang presensya, yumakap ito sa kanya mula sa likuran. "Ang lamig ng kamay mo, mahal," sabi ni Luke, puno ng pag-aalala. "May iniisip ka ba?" Pinilit ngumiti si Belle. "Hindi naman. Siguro napagod lang ako sa lahat ng nangyari sa binyag kanina. Nakakabahala ang mga taong gustong manakit sa atin." "Ana, huwag kang mag-alala," sabi ni Luke habang hinahaplos ang kanyang buhok. "Ipinapangako ko sa'yo, hahanapin ko ang mga nasa likod nito. Hindi kita pababayaan. Ikaw at si Anabella ang buhay ko." Habang nakikinig si Belle sa mga salita ni Luke, ramdam niya ang sinseridad nito. Ngunit hindi niya mapigilan ang isipin ang banta ni Sheila. Alam niyang hindi magtatapos doon ang laban. Samantala, si Sheila ay tahimik na nagmamasid mula sa kanyang kwarto. Sa kanyang mga kamay ay hawak ang litrato ni Luke, na may nakaukit na mga salitang "Para sa'yo, mahal." Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa obsesyon at galit. "Akala mo makakaligtas ka, Ana?" bulong

    Last Updated : 2025-01-03
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 33

    Pagkatapos ibalik ang painting upang muling maitago ang pader ng kanyang mga sikreto, si Sheila ay umupo sa gilid ng kama. Hawak niya ang isa pang litrato ni Luke—ang larawan ng lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niyang buhay. Dahan-dahang hinaplos niya ito, ang kanyang mga mata ay tila nawawala sa kawalan habang ang kanyang isipan ay puno ng madilim na plano. “Hindi mo siya kailangang mahalin, Luke. Dahil ako lang ang nararapat sa’yo,” mahina niyang bulong, puno ng kasiguruhan. Sa bawat salita, mas lalong lumalalim ang kanyang obsesyon, ang damdaming unti-unti nang nagiging lason sa kanyang pagkatao. Pumikit siya, pinipilit damhin ang mga ilusyon sa kanyang isipan. Nakikita niya ang sarili niya kasama si Luke—masaya, magkasama, malaya sa anumang balakid. Ngunit sa kanyang pantasya, si Belle ay wala na. Hindi siya bahagi ng larawang iyon, at ang bawat pagtatangka ni Sheila upang gawin itong totoo ay nagdadala sa kanya sa madilim na landas. Tumayo siya mula sa kama at m

    Last Updated : 2025-01-04
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 34

    Habang tahimik na nakaupo si Belle sa gilid ng kama, nagulat siya nang biglang niyakap siya ni Luke mula sa likod. Naramdaman niya ang init ng katawan nito at ang pag-aalalang bumalot sa kanya. “Bakit gising ka pa?” tanong ni Luke sa malambing na boses, habang hinahalikan ang kanyang ulo. Umiling si Belle at pilit na ngumiti. “Umiyak kasi si Anabella,” sagot niya nang mahina. “Pinatahan ko muna siya bago bumalik dito.” Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito, at lalong bumigat ang nararamdaman niya. Mahal na mahal siya ni Luke bilang si Ana, ngunit hindi nito alam ang katotohanang pilit niyang ikinukubli. Bukod pa roon, walang kaalam-alam si Luke sa tunay na anyo ni Sheila—isang taong handang gawin ang lahat para mapatay siya at hindi niya alam kung ano ang dahilan.“Salamat, hon,” mahinang sagot ni Belle habang pilit na itinatago ang kanyang kaba. “Alam kong hindi magiging madali, pero nagpapasalamat ako kasi nandiyan ka.” Hinaplos ni Luke ang kanyang pisngi. “Lagi a

    Last Updated : 2025-01-05
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 35

    Habang ang litrato ni Ana ay patuloy na pinagtutukso ng mga matutulis na sugat mula sa cutter, ang mga mata ni Sheila ay naglalaman ng galit na halos magliyab. Ang hangin sa kanyang kwarto ay tila malamig, ngunit ang kanyang dibdib ay puno ng init ng matinding galit at poot. Ang mga plano na tinatayang magtatagumpay ay hindi pa rin natutupad, at sa bawat sandali ng kabiguan, ang kanyang obsession kay Luke ay lalong lumalalim.Tinutok ni Sheila ang kanyang mga mata sa litrato na niyayakap ng kanyang mga galit na kamay. "Hindi ko kayang maghintay pa," bulong niya sa sarili habang ang mga ulap ng poot ay patuloy na bumabalot sa kanyang isipan. "Dapat mawala ka, Ana. Hindi ka kayang patagilid, hindi ako hihinto." Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang mga tauhan na kanyang tinuturing na kasangkapan sa kanyang mga madilim na plano. Ang kanyang mga galit na salita ay umabot sa kabilang linya na may kasamang matinding inis."Pare-pareho kayong mga inutil!" sigaw ni Sheila. "Puro

    Last Updated : 2025-01-05
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 36

    Habang binabaybay ni Sheila ang pasilyo patungo sa kanyang silid, ang bawat hakbang ay tila nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Ang galit na nararamdaman niya ay hindi na maitatago—ito ay nagiging apoy na nagpapainit sa kanyang obsesyon. Sa kanyang isipan, malinaw ang layunin: si Ana ay kailangang mawala, at kailangang mapunta sa kanya si Luke. Pagpasok niya sa kanyang kwarto, mabilis niyang ini-lock ang pinto. Hinugot niya mula sa ilalim ng kama ang isang kahon na puno ng mga litrato nina Ana, Luke, at Anabella. Isa-isa niyang inilabas ang mga ito, at itinapon ang mga larawang may mukha ni Ana. Kinuha niya ang gunting at walang pakundangang pinagpuputol ang mga ito, habang ang mga labi niya ay bumubulong ng mga salitang hindi maintindihan."Hindi na magtatagal," sabi niya sa sarili habang ang kanyang mga mata ay naglalagablab sa galit. "Hindi na magtatagal, Ana. Mawawala ka na rin sa wakas."Muli niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Kumilos na k

    Last Updated : 2025-01-06
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 37

    Araw ng Linggo, isang tahimik at maaraw na umaga sa mansyon ng Villa, nang biglang dumating ang mag-asawang sina Belinda at Romeo Diosdado, ang mga nag-ampon kay Ana. Nang marinig nila mula kay Luke na buhay si Ana, halos hindi sila makapaniwala. Ang balitang iyon ang nagbigay ng lakas kay Romeo para agad gumaling mula sa kanyang sakit sa puso, na dati’y akala nila’y dulot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Ana. Pagpasok pa lamang nila sa mansyon, agad na napatigil si Belle sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mag-asawa. Ngunit alam niyang kailangang ituloy ang pagpapanggap bilang si Ana. Kahit paano, kailangang maitaguyod ang pekeng katauhan na nilikha niya para sa kanyang misyon.“Ma, Pa, buti nakarating kayo,” masayang bati ni Belle, pilit na pinipigilan ang pag-aalinlangan sa kanyang puso. Lumapit siya sa kanila at yumakap, tila tunay na anak na nasabik sa muling pagkikita.“Anakâ€Ķ” nanginginig ang tinig ni Belinda habang ang mga luha’y sunod-sunod na pumat

    Last Updated : 2025-01-07
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 38

    “Hindi ko pa tiyak ang lahat ng detalye, pero sigurado akong mas magiging mapanganib ito kaysa dati. Kailangan nating makahanap ng ebidensya laban sa kanya bago pa huli ang lahat.”Tumango si Belle, ang determinasyon sa kanyang puso ay muling nag-alab. Alam niyang hindi siya maaaring magpatalo. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya hindi lang para kay Ana, kundi para rin sa mga taong mahal niya.Samantala, sa madilim na kwarto ni Sheila, tanging ang ilaw ng isang lampshade ang nagbibigay liwanag. Nakatitig siya sa kanyang repleksyon sa salamin, ang mga mata’y nag-aalab sa galit. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, ngunit bawat paghinga ay tila lalong nagpapakulo ng kanyang damdamin. “Lahat ng plano ko, sinisira ng babaeng ‘yan,” bulong niya habang pinipigilan ang nanginginig na mga kamay. Napalakas ang boses niya habang tumataas ang emosyon. “Bakit malapusa ang buhay ng babaeng ito? Lahat na lang umaayon sa kanya. Ako dapat ang kasama ni Luke! Bakit dumating ka ulit sa buhay namin?!”

    Last Updated : 2025-01-07
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 39

    Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang saya at pagmamahal na matagal nilang hinintay mula nang mabawi nila ang kanilang “anak” at ang apo. “Baby Anabella, halika dito!” tawag ni Romeo habang iniikot ang bata sa ere, dahilan upang humalakhak si Anabella. Napakalambing ng boses nito, na parang binawi ang mga taon ng lungkot at sakit na pinagdaanan nila bilang magulang.Nakangiting pinapanood ni Belle ang eksena mula sa gilid, hawak-hawak ang isang tasa ng kape. Sa kabila ng lahat, nararamdaman niyang kahit papaano, nagagawa niyang gawing buo muli ang pamilyang nawala sa trahedya. Ngunit alam niyang pansamantala lamang ang kapayapang ito; malayo pa ang laban laban kay Sheila.Lumapit si Belinda sa kanya habang buhat-buhat si Anabella. “Anak, kami na ang bahala kay baby Anabella,” sabi ni Belinda, bakas ang excitement sa kanyang mukha. “Mag-date muna kayo ni Luke. Matagal na rin kayong hindi nagkakaroon ng oras para sa isa’t isa, hindi ba?” “Ma, nakakahiya naman. Baka mapagod kayo kay An

    Last Updated : 2025-01-07

Latest chapter

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema langâ€Ķ Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 177

    Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato — litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 176

    Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutan—dahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung sa’yo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 175

    Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mata’y malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: “Mom & Dad.”"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""We’ve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 179

    Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.“Bakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?” tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahat—ang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 177

    Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nila—si Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mata’y naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron sa’yo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa," mahinahong sagot niya."‘Hindi mo alam?’" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 174

    Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 176

    “Dahilâ€Ķ minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ayâ€Ķ tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status