Home / YA/TEEN / TORD 1: I Love You, Best Friend / REVISED - BEGINNING CHAPTER

Share

TORD 1: I Love You, Best Friend
TORD 1: I Love You, Best Friend
Author: MICS ARTEMIA

REVISED - BEGINNING CHAPTER

Author: MICS ARTEMIA
last update Huling Na-update: 2021-03-31 09:40:34

 "Shantaaaaaaaalllllll!!!!!!"

  "Putcha!"

  Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko nang marinig ang kalabog ng katawan nya sa sahig. Dali-dali akong gumapang sa gilid ng kama nya at sinilip sya, pabangon na sya at nang tuluyan na syang maka-upo ay mas lalong lumakas ang tawa ko nang makita ang hitsura nya.

  Sabog ang kulay uling nyang buhok at nagkalat ang mga hibla nito sa mukha nya, may dumikit pa sa pisngi nya dahil sa panis na laway na syang mas ikinatawa ko. Hanggang sa ibaba siguro ng bahay nila ay maririnig ang pagtawa ko habang nakahawak ako sa tiyan ko at tuluyang napahiga sa kama nya.

  Dahil sa sobrang pagtawa ko ay hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya at hindi ko na sya nagawang ilagan pa nang simulan nya akong dambahin at takpan ng unan sa mukha habang sinasabing papatayin nya ako. Tumawa lang ako habang pilit na nilalabanan ang kamay nya na matakpan ng tuluyan ng unan ang mukha ko.

  "Hahaha! Ano? Papatayin mo ako? Hindi mo ako agad mapapatay, masamang damo tayo, remember?" I said while smirking.

  Kumunot ang mga noo nya bago binitawan ang unan at ibinato yon sa mukha ko. Tumayo sya at masama ang tingin nang humarap sya sa akin habang sinusuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri nya.

  "Sira ulo ka talaga, 'no? Ang galing mong mang-istorbo, ang aga-aga pa."

  Sa sinabi nya ay tumaas ang kilay ko at bumangon saka binunot ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong high waist shorts at ipinakita sa kanya ang oras.

  "Anong maaga, diyan? Alas onse y medya na po, señorita Tala."

  Masamang tingin ang ipinukol nya sa akin. "Sabi ng huwag mo akong tatawagin na Tala eh. Si lola Cariña lang ang tatawag sa akin nyan."

  "Tsk. Anong si lola Cariña lang? Neknek mo, Shantalla Carin Alvuero. Ayaw mo lang kasi parang matanda, pero maganda naman ang Tala. Bituin ang ibig sabihin non."

  "Basta, ayoko. Tumayo ka na nga diyan nang makapagligpit na ako. Dali!"

  Akmang hihilain nya ako paalis sa kama nya kaya mabilis na lumundag ako at pinanood sya nang sinimulan nyang ayusin ang pinaghigaan nya habang nakakunot ang noo. Pigil ko ang pagtawa ko dahil alam kong hindi naman ang pag-gising ko sa kanya ang dahilan ng pagkunot ng noo nya.

  I called her by her nickname, Tala, at ayaw na ayaw nyang tinatawag sya sa pangalan nyang iyon dahil parang pang matanda raw. Well, si lola Cariña kasi ay gusto syang pangalanang Sinagtala noon kung hindi lang umayaw si tita Lucil dahil nga nasa Z generation na kami at ganon pa ang magiging pangalan nya.

  Pero dahil mahal din naman ni tita Lucil ang mama nya, ang pangalan na imbes na Shantall lang ay dinagdagan ng Tala kaya naging Shantalla at isununod ang pangalan nya na Carin mula sa pangalan ni lola Cariña.

  Nagpipigil ang tawang pinanood ko sya hanggang sa matapos sya at lampasan ako saka dumiretso sa pintuan ng kwarto nya para lumabas. Alam kong sa banyo ang diretso nya para maghilamos kaya naman lumabas na rin ako sa kwarto nya at bumaba sa kusina ng bahay nila dahil alam konh dito rin sya didiretso mamaya.

  Si lola Cariña ang inabutan kong naka-upo na sa harap ng hapag kainan habang si tita Lucil naman ay naghahanda pa ng pagkain. Ngumiti ako saka nagpresinta na tulungan na sya na hindi naman nya tinanggihan.

  Dahil sa matagal na rin naman kaming magkaibigan ni Shantall ay sanay na sila sa akin at ganun din ang pamilya ko kay Shantall. Masyado kaming feel at home sa bahay ng isa't-isa at walanghiya pa, pero ako talaga madalas ang makikain sa kanila.

  Madalas nga ang tanong nya sa akin ay, "Wala ka bang sariling bahay at dito ka sa amin nakikikain? Marami din namang pagkain sa inyo ah."

  At ang madalas kong sagot ay, "Meron, pero wala lang. Gusto ko lang talaga dito makigulo sa inyo at ubusin ang mga pagkain ninyo."

  Sa mga ganoong pagkakataon, natatawa na lang ang mga magulang namin sa amin at hinahayaan na kami. Sanay na sanay na sila sa pagpipilosopohan at mga kalokohan namin ni Shantall, madalas kasi ay para kaming mga naka-takas sa mental hospital at di mo maintindihan kung paano ba kami mag-isip. Ginagawa namin madalas ang ano mang mapagtripan naming gawin.

  Malakas din kaming magmura, animo'y hindi mga babae na syang madalas punahin sa amin ng mga magulang namin. Medyo magaslaw kasi pag kumilos kaming dalawa at hindi ganoon kalambot para sa isang babae, nakikipag-away din kami sa mga lalaki at hindi nagpapatalo.

  "Nasaan na ba si Shantall?" tanong ni tita na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Tanghali na eh. Nagising mo na ba sya, Kyline?"

  I smirked. "Tita naman, parang hindi mo pa kami kilala. Malamang opo at nagising ko na. Naghihilamos na nga lang—"

  Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita si lola Cariña at itinuro si Shantall na pababa na sa hagdan. Lumingon ako sa gawi nya at halos mahulog ko na ang hawak kong baso nang makita sya. Mabilis kong pinakalma ang sarili ko lalo na ang puso ko nang maramdaman ko na naman ang bagay na iyon.

  Shantall's face was illuminated by the sunlight coming from the window as she descended on the stairs while brushing her hair through her fingers. Ang morena nyang kutis ay nabibigyang pansin na talaga namang hinahangaan ng marami dahil nga sa kutis Pilipina sya, maging ang mahaba nyang buhok na kasing-itim ng uling.

  I mentally scolded myself. Masyado na naman syang maganda sa paningin ko gayong kakatapos lang naman nyang maghilamos at nakasuot lang ng pajamas.

  Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

  Umiling ako at iniiwas na lamang ang tingin ko sa kanya saka nagpatuloy sa ginagawa ko. Nang marating na nya ang kusina, hindi pa man sya nakaka-upo ay sermon na agad mula kay lola Cariña ang inabot nya na syempre ay mula pa sa values nila noong 1950's.

  Muli akong natawa nang makita ang pag-ngiwi nya sa bawat salita mula kay lola Cariña dahil hindi sya makahirit, lalo na at nandito si tita Lucil. Kinuha ko ang isa pang bowl ng Nilagang Baboy at inilapag yon sa mesa nila na hindi naman kalakihan bago naupo sa tabi nya.

  "Yung nahulog ka na nga sa kama kaninang nagising ka tapos napagalitan ka pa. Saklap naman ata ng araw mo?" biro ko sa kanya.

  Impit na sigaw ang pinakawalan ko nang bigla na lang nyang kurutin ang hita ko sa ilalim ng mesa kaya hindi nakikita nina tita at lola Cariña.

  "Manahimik ka kung ayaw mong mapaaga ang pagkikita ninyo ni Satanas." she whispered.

  Kinagat ko ang labi ko dahil naiiyak na ako sa kurot nya, matapos ang ilang segundo ay binitawan nya na rin ang hita ko at kitang-kita ko ang pulang marka na naiwan doon. I mumbled a curse.

  Inilapag ni tita ang huling bowl ng Nilaga bago kami nagsimulang kumain. At dahil nga walanghiya ako, sige lang ako sa pagkain lalo na at masarap magluto ng Nilaga si tita Lucil. Pumangalawa pa nga ako na syang naging dahilan para samaan na naman ako ng tingin ni Shantall. Halos ako lang din kasi ang naka-ubos sa ulam na pinagsasaluhan naming dalawa.

  "Gago talaga." bulong nya bago uminom ng tubig habang ako ay puno pa ng pagkain ang bibig.

  Tapos ng kumain si lola Cariña dahil hindi naman sya pwedeng kumain ng maraming kanin, si tita naman ay patapos pa lang din. Humarap sa amin si lola at tinanong kami para sa plano namin ngayong araw. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.

  "Mamimili na po sana kami ng mga gamit sa school. Kaso dahil hindi na naman agad nagising si Shantall, hahapunin na naman kami." sagot ko.

  And because it's lola Cariña, "Bakit ba naman kasi hindi ka agad nagising, Tala? Alam mo naman palang aalis kayo, hindi ka agad magising. Naku, kayo talagang mga kabataan ngayon, oh. Noong kapanahunan namin, hindi pwede ang ganyan. Kung anong oras ang pinag-usapan ay iyon ang oras na darating ka. Masyado naming pinapahalagahan ang mga salita noon at pangako, samantalang kayo ngayon ay parang wala na lang—"

  Sa buong oras na nagsesermon si lola ay natatawa na lang kaming pareho ni tita Lucil sa kalagayan ng anak nya na hindi na naman naka-imik. Si Shantall naman ay napapakamot na lang sa ulo at walang nagawa kundi ang hintayin matapos si lola sa sermon session nya.

  Nang paakyat na kami sa hagdan ay pabiro nyang sinuntok ang braso ko.

  "Sira ulo ka talaga kahit kailan. Ayan tuloy, nasermonan pa ako." reklamo nya habang paakyat kaming dalawa sa kwarto nya.

  "Kasalanan ko ba kung totoo yung sinabi ko? Tsk. Puyat-puyat pa kasi kaka-chat sa crush mong di ka naman crinushback."

  Huminto sya para harapin ako. "Hoy, malapit na akong i-crushback. Ikaw ba? Kailan ba malalaman ni Nampong mo na asawa mo aya?"

  My brows creased. "Nampong? Sinong Nampong?"

  "Nampong. Yung sinasabi mong asawa mo sa BTS."

  Nang makuha ko ang ibig nyang sabihin ay pabiro ko syang itinulak. "Gago, anong Nampong? Walang Nampong sa BTS. Namjoon, hindi Nampong. NAM-JOON."

  She scoffed. "Basta, ewan. Paki-ko ba sa BTS mo na yan."

  Umakyat na syang muli habang ako naman ay sumunod. Bilang magkaibigan ay hindi naman mawawala ang mga pagkakaiba naming dalawa na syang madalas maging dahilan kung bakit kami nag-aaway kung minsan.

  Isa na sa mga pagkakaiba namin ay ang music taste namin. Ako ay mahilig sa Kpop at Western Music, habang sya naman ay OPM ang madalas pakinggan at kakaunti lang din ang Foreign Artist na gusto nya. Sa tuwing nagfa-fan girl nga ako ay umiiling na lang sya at iniisip na nababaliw na naman ako.

  Pumasok kami sa kwarto nya at agad akong naupo sa kama nya saka sya tiningnan habang nagsimula syang kalikutin na naman ang cellphone nya.

  "So, anong oras mo balak na umalis? Mamaya gabihin na naman tayo, siguradong maraming namimili ng gamit ngayon dahil apat na araw na lang at pasukan na." I said.

  Without looking at me, she replied, "Mamaya mga three pm."

  "Tsk. Gagabihin nga talaga tayo nyan. Bat di pa tayo gumayak ngayon?"

  Ini-angat nya ang tingin nya at tiningnan ako na para bang nasisiraan na ako ng bait. "Sira ka ba? Ang init kaya."

  "Eh kaysa naman gabihin tayo." sagot ko. "Saka may aircon naman sa National Book Store, ah? Kaya di mainit. Sige na, gayak na tayo, para maaga rin tayong maka-uwi. Parang tanga eh, tapos ang haba-haba ng pila sa sakayan, para pa tayong mga sardinas kung ipagsiksikan ng caller."

  Pinaikot nya ang mga mata nya at inis na sumang-ayon na lang sa akin. Bumungisngis ako dahil alam kong hindi naman nya ako matitiis at ayaw nya rin kapag ginagabi kami dahil masyadong siksikan sa sakayan ng jeep.

  Masigla akong tumayo sa kama nya at nagpaalam na uuwi na rin para maligo at magbihis. Ilang bahay lang naman ang pagitan ng layo ng bahay namin sa isa't-isa kaya hindi ganoon kalayo ang lalakarin ko.

  Pagbaba ko sa sala ay nanonood si lola Cariña ng pabirito nyang afternoon show na Eat Bulaga habang si tita Lucil naman ay nakaharap sa computer at inaasikaso ang trabaho nya.

  Teacher kasi sya at malapit na ang pasukan kaya malamang ay tambak na sya sa gawain lalo na at high school teacher sya. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at sinabi ang lakad namin ni Shantall ngayon na tinanguan lang nila.

  Nang makalabas ako sa bahay nila ay bigla na lamang nagdilim ang paningin ko dahilan para mapahawak ako sa gate nila bilang suporta para hindi ako tumumba. Napapikit ako ng mariin nang may marinig na kung anong masakit sa tenga habang ang ulo ko ay parang hindi ko na maramdaman at blanco na.

  It lasted for a few seconds bago bumalik ang lahat sa normal. Kumurap ako ng ilang beses at umiling bago dahan-dahang naglakad pauwi. Simula noong nakaraang taon ay nagsimula na akong makaramdam ng mga ganoong bagay saka matinding pananakit ng ulo kahit wala namang posibleng dahilan para sumakit ng matindi ang ulo ko. Minsan nga ay dumudugo rin ang ilong ko nang biglaan.

  Hinahayaan ko na lamang at hindi sinasabi sa kanila dahil iniisip ko na baka minsan, stress lang ako o hindi kaya ay dahil sa pabago-bagong panahon.

  I sighed and resumed walking, looking forward for our agenda today that will surely be another bonding for us. Not knowing that sooner, our friendship will start to turn into turmoil.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
kurniamamang
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 2

    "Ito na kaya lahat ng gagamitin natin?" As usual sa wala na sa mood na si Shantall ay binigyan nya ako ng walang ganang tingin at pina-ikot ang mga mata nya. Napabuga na lamang ako ng hangin at sinundan sya nang maglakad sya para pumila na sa counter na may pinaka-maiksing pila. Hindi namin inaasahan na kahit hindi kami nagpunta sa alanganing araw at alanganing oras ay marami pa rin ang makakasabay namin ng mga mamimili. Sa sobrang dami ng tao, ang aircon ay wala na ring silbi at pinagpapawisan pa rin kami kahit nasa loob pa kami ng mall. Pabagsak nyang inilapag ang tray kung nasaan ang mga pinamili nyang gamit. Bahagya pa ngang napa-atras yung nauuna sa kanya sa pila dahil doon, saka nya kinuha ang panyo nya para punasan ang pawis nya. "Ah, bakit ba kasi ang hilig ng mga Pilipino sa sex at hindi pa marunong gumamit ng condom o pill. Ayan tuloy, patuloy na dumadami ang populasyon ng mundo, patuloy na dumadami ang salot sa mundo." Pinigilan ko

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 3

    "Ah, finally! Lunch!" Pabagsak kaming naupo ni Shantall seats na napili namin dito sa canteen. Lunch break na at hapong-hapo na kami sa maghapon dahil sa dami ng ginagawa. Dalawang buwan na mula nang magsimula ang klase, at ngayon ay paparating na naman ang first semester exams. Naghahabulan na naman ang mga estudyante para sa mga requirements na kailangan nilang ipasa, mabuti na lang at hindi kami isa don ni Shantall pero pagod pa rin kami dahil goal namin ang makakuha ng With High Honor title. "Shantall!" Sabay kaming lumingon nang marinig namin na may tumawag sa kanya. Nandilim ang paningin ko nang makita na naman sina Lyka at ang mga kasama nya— ang mga barkada nya. Siguradong narito na naman sila para isama si Shantall sa kalokohan nila na hindi ko papayagan. Nang magsimula ang klase, sila ang naging mga bagong kaibigan ni Shantall. Likas sa kaibigan ko ang pagiging pala-kaibigan kaya naman naging madali sa kanila na lapitan ito at isama sa mga k

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 4

    Hindi ko na muling naka-usap pa si Shantall matapos ang nangyari kaninang lunch. Kahit na magkaklase kami ay hindi naman sya tumabi sa akin na syang nakagawian na namin sa tuwing nasa iisang klase lang kami, katabi nya sa buong klase ang dalawa sa grupo nina Lyka na kaklase din namin. Buong klase, hati ang atensyon ko sa kanya at sa discussion. Imbes kasi na makinig ay dinadaldal sya nung dalawang babae na mula kina Lyka, hindi ko naman sila magawang suwayin dahil malayo ang upuan nila mula sa kinauupuan ko, isa pa ay siguradong mapapagalitan ako ng teacher namin kung tatayo ako at pupuntahan ko sya gayong nasa kalagitnaan kami ng discussion. Nang uwian na ay hindi ko rin sya naabutan dahil nauna silang lumabas habang ako ay kinausap pa ng teacher namin para sa class project na ibinigay. Bilang class president ay obligasyon kong pangunahan ang lahat at unahin ang responsibilidad ko sa klase kaysa kay Shantall kaya naman wala akong magawa kung hindi ang maupo sa harap

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 5

    "Promise, tayo lang ang mag best friend hanggang sa last day of Earth." "Sure ka? Baka makahanap ka ng ibang kaibigan." "Hindi kaya." "Sus, ikaw pa, alam ko namang sa ating dalawa, ikaw ang pala-kaibigan. Malabong wala kang mahanap na bagong kaibigan." Bumuntong hininga si Shantall nang sabihin ko iyon at umupo sa tabi ko. Malungkot ang mukha ko dahil sa alam kong malabong magkatotoo ang sinabi nya na k abaqqqbhindi sya magkakaroon ng ibang kaibigan. Siguro, ako ay oo, w* q? Yyy pa a kpaqlnga lang na element , . B b n n am a m m hhhhhbbb . mv mr n ny . . m m m vmkami ay maragmi na ang lumalapit sa kanya, paano pa kaya kung nasa high school na kami. "Magkakaroon ako ng ibang kaibigan pero ikaw ang nag-iisang the best. Okay?" Huminga ako ng malalim at tumango, "Oo na, sige na nga." Tumawa ito at itinaas ang pulusuhan nya kung saan naka-suot ang bracelet na ginawa naming dalawa last year. May pattern ba ang beads non ayon sa pabor

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 6

    Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos ni Shantall. Whenever I try to reach out to her, agad syang iiwas na para bang may nakakahawang sakit ako. Nasasaktan ako but I couldn't do anything about it, idagdag pa na kasama na nya palagi ngayon sina Lyka. I wanted to shout at them at sabihing maglayo silang dalawa sa tuwing nakikita ko silang kasama. I know that Lyka is provoking me to do something, something that even I couldn't figure out what pero alam kong nagtatagumpay ang babaeng ito sa balak nya. Day by day na nakikita ko silang magkasama at halatang-halata ang pagpapa-inggit sakin ni Lyka dahil sya ang kasama ni Shantall imbes na ako ay nagpupuyos ako. Gusto ko syang sakalin at kung pwede lang sana ay ibaon sya ng buhay. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita mo sya. "Kyline, calm down." Bumuga ako ng hangin nang marinig ang boses ni Joshua. Sa nakaraang mga araw din ay sya ang naging kasa-kasama ko, it's odd ngu

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 7

    Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Sinubukan kong gumalaw ngunit agad na sumigid ang sakit sa buong katawan ko na syang ikina-ungol ko dahil hindi ko rin magawang magsalita. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari. Narinig ko ang mga mabibilis na yapak mula sa di kalayuan hanggang sa narinig kong parang may humawi ng kurtina at bumungad sa akin si Joshua na nag-aalala. Agad itong umupo sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko habang ang isa nyang kasama na sa tingin ko ay ang school nurse at chineck ako. "Miss Del Rosario, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo." Nang marinig ko ang boses nya ay doon ko nakumpirma na ang school nurse nga ito at nasa school clinic ako. Dahan-dahan akong humugot ng malalim na hininga saka sinabi sa kanya na masakit ang buong katawan ko at kumikirot ang ulo ko, though napakahina ng boses ko dahil nga hirap din akong mag

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 8

    Kyline Grace Del Rosario's Nang muli akong magising ay nasa kwarto ko na ako, naka-uwi na kami sa bahay. Hindi gaya nang una akong magising ay hindi ako agad tumayo, nanatili lang akong nakahiga habang pilit na inaalala kung paano ako naka-uwi gayong ang huling pagkakaalala ko ay nakatulog akong muli sa school clinic. Bumaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas yon at pumasok si papa. Agad syang naupo sa gilid ng kama ko nang makitang gising na ako at kinamusta ang pakiramdam ko. I told him I'm okay than earlier. "Maganda kung ganoon. Inuwi ka na namin para mas makapag-pahinga ka ng maayos. Pupunta dito mamaya si Joshua pagkatapos ng klase," "Anong oras na po ba?" tanong ko. "Maga-alas singko na, baka mga six daw nandito na sya kasi may mga aasikasuhin pa sya." "Yung booth na pinaghahandaan namin," Tumango si papa, "Nasabi nya nga. Sya na daw ang bahala don, may kinuha syang notebook sa bag mo kanina, sabi nya hiramin daw nya

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 9

    "I'm straight, while you're not." What the hell? Paulit-ulit na naglalaro ang sinabing iyon sa isipan ko. She's straight, while I'm not. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nya ako iniwasan ang para hindi na mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And who the hell told her that? Si Lyka? Sumusobra na talaga ang isang iyon. Binuksan ko muli ang email application ko at binasa ang email na sinend nya. Kaya nya ako dito pinadalhan ng mensahe dahil blocked ang lahat ng accounts ko sa kanya, maging ang phone number ko ay naka-block sa device nya.From: shantallalvr@g***l.comTo: kylinedlrsr@g***l.comKyline, First of all, I'm sorry. Alam kong nasasaktan ka sa mga pang-iiwas at pangbabalewala na ginagawa ko sayo. I know it's not right, but I have to do it. Please, huwag ka ng mag-effort na kausapin pa ako uli. We're better this way, Kyline. Habang lumilipas ang panahon ay maraming nagbabago at kasama na doon ang pagkakaibigan

    Huling Na-update : 2021-03-31

Pinakabagong kabanata

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 47

    Shantalla Carin Alvuero Mabilis kong sinundan si Kyline nang makita kong nagpunta sya sa direksyon ng cr. Hindi ako nagpahalata sa kanya at pasimpleng sumunod. Nang madako ang tingin ko sa teacher ko ay pasimple nya akong pinaningkitan ng mata dahil sa ginagawa ko ngunit hindi ko sya pinansin. Hindi na baleng mapagalitan ako mamaya. At least, wala na akong aalalahanin na grades na maaring maapektuhan dito sa ginagawa ko o na baka ma-guidance ako. I am now graduated from high school. Nang makarating na sya sa comfort room ay hinayaan ko muna syang magtagal ng kaunti sa loob bago ako sumunod. Nang makapasok ako ay matiim syang nakatingin sa tissue na may bahid ng dugo at alam kong galing iyon sa ilong nya dahil namumula din ito. Tahimik akong napasinghap dahil alam kong napansin nya rin na hindi na katulad ng natural na dugo ang dugong naroon. Hindi kagaya ng ibang dugo na malapot at mapula, ang sa kanya ay malabo at animo'y

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 47

    CHAPTER 47 "Ate, kapalan mo ng kaunti, ah? Dapat maganda ako sa graduation ni Shantall. Magpapa-picture pa kami nyan eh. Ayoko namang pangit at maputla ako sa picture namin ngayong graduation nya." Ngumiti si ate at tahimik na sinunod ang hiling ko. Muli nyang binuksan ang liquid foundation at sinimulang kapalan ang layer sa mukha ko habang ako naman ay tahimik lang na pinanood sya sa ginagawa nya. Kung hindi ako nagkasakit, siguradong ganito rin ang eksena namin. Iyon nga lang ay siguradong ganado sya dahil excited sya sa nalalapit kong graduation, hindi katulad nito na kitang-kita ko ang pagpipigil nya ng luha. Maging ang ibang kasama ko dito sa bahay, ramdam ko ang pagpipigil nila ng mga emosyon nila sa bawat araw na lumilipas. Hindi man nila ipakita sa akin, alam kong gaya ko ay nahihirapan din sila, nasasaktan. Simula nang ma-discharge ako sa ospital at maka-uwi dito sa bahay ay dumoble pa lalo ang pag-a

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 45

    It has been days since I woke up. Ngayon ay mag-isa na naman ako dahil naging busy na naman sila sa kaniya-kaniya nilang buhay. Si mama ay sa business nya, patuloy itong lumalago at mas dumarami ang inoorder nya sa suplier dahil palaging mabilis maubos ang mga paninda. Kumuha na rin sya ng panibagong makakatulong sa kanya dahil hindi na talaga nya kaya ng mag-isa lang. Minsan ay tumutulong din sa kanya sina Shantall at Joshua. Ang mga ate at kuya ko naman ay patuloy sa paghahanap buhay para patuloy rin na makatulong sa pagtustos sa pagpapagamot ko. Ganun din si papa na ilang taon na lang ay magreretiro na. Kahit naman hindi na sya mag trabaho ay may sapat na ipon na sila ni mama para mabuhay na lang sa business. Sina Joshua at Shantall naman ay busy na sa nalalapit nilang gradution. Joshua will graduate high school as a valedictorian habang si Shantall ay with high honors. Masaya ako na hindi lang sila basta gagraduate ng high school,

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 44

    Nahihirapan man, sa wakas ay nagawa ko ng buksan ang mga mata ko at igalaw ng kaunti ang mga daliri ko. Dahan-dahan sa una, hanggang sa maigalaw ko na rin ang dalawang kamay ko. Kaya naman ngayon, ang kaninang matiwasay na kwarto ay nagulo dahil abala silang lahat na tumawag ng doctor. At nang pumasok na si Dr. Jimenez ay saka lang sila nanahimik at hinintay ang sasabihin nya. Kumunot ang noo ko nang ipabuka nya ang bibig ko, saka ko lang nalaman na may tubo pala rito at halos masuka ako nang alisin nya. Pagkatapos ay ginawa nya ang usual routine nya kasama ang nurse, checking my vital signs and all that. "Maayos naman na po ang kalagayan nya sa ngayon, though we have to monitor her for the next 48 hours." rinig kong sabi nya kina mama. I am thankful na ngayon ay hindi nya na ako tinanong kung maayos lang ba ako o hindi. Unlike before na nagtatanong sya at napapaisip ako, doctor naman sya, dapat alam nya kung maayos ba ako o hindi.

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 43

    Kyline Grace Del Rosario's Point of View The event was fun and worth a try. I enjoyed every minute I spent para makipagkuwentuhan sa mga kagaya ko na cancer survivors, and their stories were really inspiring. And though I got inspired to fight and to live, hindi ko pa rin maiwasan na isipin ay anytime mawawala ako dahil mas lalong lumalala ang pakiramdam ko bawat araw. Kagaya na lamang ngayon, kahit wala naman akong gaanong ginawa, nakipag-usap lang ako at nakipagtawanan, kumain ng kaunti. Pero ang nararamdaman ko ay parang tumakbo ako sa track and field buong maghapon at naubos ang buong lakas ko. Pakiramdam ko, sa isang pitik lang ay tutumba na ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko dito sa ospital na naging bahay ko na ay gusto ko na agad mahiga at matulog, pero pinagpaghilamos pa ako nina mama kaya wala akong choice. Nang mahubad ko na lahat ang damit ko ay si

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 42

    Shantalla Carin Alvuero's Point of View It has been a year and half since everything between me and my best friend settled. Naging maayos na ang set up naming dalawa, cool na rin ako sa nararamdaman nya sa akin na hindi naman dapat. Hindi na namin madalas pagtuonan ng pansin yon pero alam kong naroon pa rin naman. Hindi namin madalas pansinin ang negativity dahil alam naming hindi maganda yon lalo na sa sitwasyon ngayon. Sa mga buwan na lumipas, malaki ang ipinagbago ni Kyline. Namayat na sya, mas lalong namutla, at naglagas na rin ang buhok nya kaya naman naisipan nyang pagupitan na lang yon. Over the past months, mas lalo lang lumala ang cancer ni Kyline. Hindi umeepekto ang gamot sa kanya, umepekto man, mabagal ang progress nito at mababa ang chance na magapi ang cancer cells sa katawan nya dahil ayon kay Dr. Jimenez ay kumakalat na yon sa katawan nya at mabilis ang pagkalat nito.

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 41

    After one year and a half... Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at pinuna kung gaano kalaki ang ipinagbago ko sa loob ng isang taon. Mas lalo akong namutla ngayon at hindi nakatulong ang maputi kong balat na itago yon, dumami rin ang mga pulang marka sa katawan ko o yung mga parang pasa, lalo na sa braso ko. Wala na rin ang medyo matambok kong pisngi na dati ay gustong-gustong kinukurot ng mga kakilala ko dahil daw ang cute at mapula-pula, malaki rin kasi ang ipinayat ko. Parang lumaki rin ang mata ko na dati ay medyo singkit, and the hospital gown I am wearing looks to big for me. Sa loob ng isang taon na pakikipaglaban ko sa cancer sa pamamagitan ng chemotheraphy ay hindi naging madali ang bawat araw ko, lalo na kapag nararamdaman ko ang mga epekto nito sa akin. May mga oras na halos mabasag na ang voice box ko sa lakas ng sigaw ko dahil sa sakit, at habang namimilipit ako ay ramdam ko rin a

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 40

    Have you been left by someone so dear to you because of a mistake? And when you are more than willing to make that mistake right, that someone so dear to you didn't give you a chance to? It feels like shit, right? You feel like a part of you went missing when you lost your special someone because of one damn mistake. And on a late night, when everyone is asleep, you are curled in a corner, with tears falling from your eyes from your silent cries, wishing that you could bring back time and make everything right. But then, not every little thing you wish comes true, because it's life. So, you'll end up with those silent cries every night, blaming yourself, full of what-ifs, wishing things that only deaf ears could hear. And I am thankful that in my case, Shantall gave me a chance. If she didn't, then I don't know what I'd do once she declares that our friendship is over. That is the last thing I wanted to happen, and I w

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 39

    There's nothing wrong if I like her. "... puso mo yan eh, alam ko namang hindi mo ginusto at sinubukan mong pigilan, pero sabi nga nila, wala kang laban kapag puso mo na ang kalaban mo. And besides, Joshua told me na hindi ka naman umaasa na masusuklian ko yang feelings mo. So, I think everything is fine? We can do something about it, say compromise." Compromise. I take a deep breath and moved, pero hindi ko tinanggal ang kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ko dahil siguradong makikita nya ang mga pasa rito. People seeing my skin with marks is the least thing I wanted to happen, kahit pa sya na best friend ko, ayokong makita nya. "Pwede naman." I said. "But hear me out first, will you?" When she nodded, I motioned her to sit on the chair beside my bed, kung saan madalas umupo si Joshua kung hindi sya sa gilid ng kama ko naka-upo. Once she's

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status