Share

REVISED - CHAPTER 4

Author: MICS ARTEMIA
last update Huling Na-update: 2021-03-31 09:42:30

Hindi ko na muling naka-usap pa si Shantall matapos ang nangyari kaninang lunch. Kahit na magkaklase kami ay hindi naman sya tumabi sa akin na syang nakagawian na namin sa tuwing nasa iisang klase lang kami, katabi nya sa buong klase ang dalawa sa grupo nina Lyka na kaklase din namin.

Buong klase, hati ang atensyon ko sa kanya at sa discussion. Imbes kasi na makinig ay dinadaldal sya nung dalawang babae na mula kina Lyka, hindi ko naman sila magawang suwayin dahil malayo ang upuan nila mula sa kinauupuan ko, isa pa ay siguradong mapapagalitan ako ng teacher namin kung tatayo ako at pupuntahan ko sya gayong nasa kalagitnaan kami ng discussion.

Nang uwian na ay hindi ko rin sya naabutan dahil nauna silang lumabas habang ako ay kinausap pa ng teacher namin para sa class project na ibinigay. Bilang class president ay obligasyon kong pangunahan ang lahat at unahin ang responsibilidad ko sa klase kaysa kay Shantall kaya naman wala akong magawa kung hindi ang maupo sa harapan ng teacher's table habang ibinigay nya ang iba pang instructions para sa project na gagawin namin.

"Kyline, nakikinig ka ba?"

"P-po?"

Napakurap ako nang pitikin nya ang daliri nya sa harapan ko. Bumuntong hininga sya at tumngin sa akin ng may pag-aalala.

"Okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansin sa klase na hindi makapag-focus ng maayos. May problema ba?"

I forced a smile and nodded, "Okay lang po, ma'am, may bigla lang pumasok sa isip ko. Sorry. Tuloy na po kayo."

She doesn't seem convinced, pero nagpatuloy din naman sya.

The project was about for the upcoming intrams. Napagpasyahan ng school admins na lahat ng klase sa bawat strand ay pagsasama-samahin para gumawa ng kaniya-kaniyang booth. Three booths for each strand, at kumpleto sa senior high school strand ang school namin.

Anim na strand ang mayroon ang senior high school; GAS, HUMSS, STEM, ABM, TVL, at ang Sports strand. Ang para sa sports ay hindi na sasali sa mga booth dahil karamihan sa kanila ay representative sa Sports Fest, habang ang TVL isang booth lang ang kakailanganin dahil kakaunti lang din naman sila.

GAS, HUMSS, STEM, at ABM ngayon ang magkakaroon ng tigta-tatlong booth at kailangan kong makipag-coordinate sa iba't-ibang class presidents ng HUMSS classes para mapag-usapan ang mga booth na gagawin. Teachers na mismo ang nag-arrange para sa first meeting namin na mamaya ng hapon para makapaghanda kami agad.

Ibig sabihin lamang din non ay mas lalo ko ng hindi ko makaka-usap si Shantall tungkol sa nangyari kanina sa lunch. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay pinapatagal ang tampuhan namin o kaya ang hindi pagkakaintindihan, pero wala akong magawa dahil nagde-demand na ngayon ng oras ang responsibilidad ko bilang presidente ng klase.

Palihim akong bumuntong hininga at tumango sa teacher ko, "Sige po, ma'am. Noted. Didiretso po ako sa City Library pagkatapos na pagkatapos ng huling klase."

Ngumiti ang teacher ko at tumango.

"Good. Aasahan kita na i-lead ang lahat, Kyline. Alam kong isa ka sa mga running for valedictorian sa batch ninyo kaya alam kong kaya mo, huwag mo akong bibiguin."

And in an instance, naramdaman ko agad ang burden ng isang estudyante at teenager na binagsakan ng samut-saring responsibilidad. Ito ang mahirap kapag matalino ka at honor student, akala ng lahat ay madali lang pero hindi nila alam na nahihirapan ka rin sa time management at responsibility management. Mabuti na nga lang at wala akong maraming responsibilidad sa bahay na kailangan ding alalahanin kaya kahit papaano ay masuwerte pa rin ako. Nag-iisang anak lang din naman ako.

"Yes, ma'am. I'll do my best para hindi kayo biguin." sabi ko at nagpaalam na.

Lumabas ako ng classroom at wala ng estudyante sa hallway dahil nagsisimula na ang sunod na klase. Excuse lang ang lahat ng class president ngayon dahil nga kinausap kami ng mga adviser namin para ipaalam ang tungkol sa intrams na apat na linggo pa naman ang layo.

Bumuntong hininga ako. Siguradong kakainin na nito ang oras ko, isama mo pa ang ibang activities at requirements sa iba't-ibang subject dahil pagkatapos ng intrams ay first semester exam naman.

"Hays, buhay nga naman ng estudyante." bulong ko.

Napagpasiyahan kong dumiretso na lang sa library since isang oras pa naman bago ang sunod na klase ko. Tig-iisa't-kalahating oras ang mayroon kami bawat klase at ginugol ko na ang kalahating oras sa pakikinig sa instructions ni Ma'am Diaz kanina.

Sa library, kahit na hindi na ako mag-iwan ng ID at mag log sa logbook ay ayos lang dahil kilala naman na ako ng librarian namin, pero dahil yun ang protocol ay ginagawa ko pa rin. Dahil araw-araw akong nandito ay parang nireserve na ni Mrs. Pagdilao ang table kung saan ako palaging pumupuwesto. Paano ba naman kasi ay sa tuwing nagpupunta ako dito, walang naka-upo sa puwestong yon.

Inilapag ko ang bag ko at naupo, as usual ay dapat maingat at tahimik mong hihilain ang upuan dahil ang tunog nito ay maaring maka-istorbo sa iba. Nang maka-upo na at komportable na sa posisyon ko ay kinuha ko sa bag ang cellphone ko at binuksan ang data nito para sana makapag-search ng mga ideya ng booth na tugma sa strand namin nang mag-pop ang isang notification.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Shantall at ang icon ng F******k. Nagtatakang pinindot ko yon at agad naman akong dinala nito sa isang status update na kaka-post isang minuto pa lang ang nakakaraan.

Si Shantall ang nagpost at kasama nya sina Lyka, iilang picture ito na kuha sa may isa pang gate ng school na matagal ng hindi ginagamit. Sa pagkaka-alam ko ay ito ang gate na ginagamit bilang entrance at exit noong bagong gawa pa lamang ang school. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang caption,

"It's not that bad to try something new."

Nanlisik ang mga mata ko at kaagad na umakyat ang dugo sa ulo ko nang mabasa ang mga comment mula sa mga kapwa bulakbol na estudyante nina Lyka. Hindi sya pumasok sa sunod na klase!

Dali-dali kong binuksan ang messenger application ko at nagpadala ng message sa kanya, pero dahil hindi na sya online ay hindi nya agad mababasa yon. Sunod ko namang pinuntahan ang contacts at hinagilap ang pangalan nya saka mabilis na i-dinial yon.

Marahas akong bumuga ng hangin nang patayan nya ako ng call. Sunod-sunod na akong nagpadala ng message sa kanya at wala syang sinasagot ni isa. Nagsimula akong mainis ng todo hanggang sa napagpasyahan kong puntahan si tita sa room nya since dito rin naman sya nagtuturo.

Nagsisimula ng maimpluwensyahan si Shantall ng mga taong walang magawang matino sa buhay nila at dapat itong putulin agad. I wouldn't let anyone ruin her.

Over my dead body.

Sa mga sumunod na klase ay hati pa rin ang atensyon ko sa discussion at kay Shantall. Nagtagumpay naman akong masabi kay tita Shantell ang ginagawa nya dahil na rin sa teacher sya, tinanong nya ang teacher namin sa General Math at sinabi nitong hindi nga pumasok si Shantall. Bakas ang galit sa mukha ni tita kanina.

Nang matapos ang huling klase ay agad akong dumiretso sa city library, as my adviser instructed me to do. May iilan ng nauna sa akin nang makarating ako doon at masigasig nila akong binati na sinuklian ko lang na matipid na ngiti. Hanggang ngayon ay lumilipad pa rin kasi ang utak ko sa kung nasaan si Shantall.

But when our meeting started, kinailangan ko ng iwaksi ang lahat ng alalahanin sa utak ko at nag-focus sa agenda namin. Nakapag-text na rin naman ako kay mama ng mas maaga pa kaya hindi na sya mag-aalala.

Ang teacher chairman ng HUMSS strand ang syang nag-assist sa amin sa meeting. May pa-sandwich pa nga kaya hindi kami gutom dahil pwede kaming kumuha pa kung naubos na namin ang isa.

We have agreed na magkakaroon ng ten participants sa booth preparations, ang sampung estudyante na yon ay magmumula sa iba't-ibang section, 2 students per section. Iba rin ang mag-aasikaso sa mismong araw ng intrams, walong katao per booth naman ang napagkasunduan namin para sa booth operator. Sa props at decoration ay maniningil kami para doon sa mga HUMSS student na natira at hindi napili para makilahok para sa preparation at operation.

Mayroon na agad nakaatas na booth sa amin; confession, photography, at art booth. Ako ang naatasan para sa pangunahan ang confession booth at kami na ang bahala sa gimic na gagawin namin.

I raised my hand when an idea popped in my mind. Agad na tumango sa direksyon ko ang teacher. I stood and voiced out my idea.

"Ma'am, ang sabi nyo po ay anim na tao lang ang mag-ooperate ng booth. Pero ang idea ko po sa confession booth ay pwedeng may mag-confess anonymously, as usual. But to add a twist, pwede po naming gawan ng tula ang mga magco-confess. Kaya kakailanganin po namin ang mga student na magaling sa paggawa ng tula at baka sumobra pa po kami sa walo."

Napatango-tango ang ibang class president na kasama ko. At dahil sa city library ito ay may ibang tao rin kaming kasama, pati ang mga taong yon ay napatango at tumingin sa akin ng may paghanga sa mga mata nila.

Thankfully, Mrs. Ocampo considered my suggestion and told us na maari kaming magdagdag pa sa walong booth operator, basta hindi kami tataas sa fifteen katao. She gave us a date kung kailan kami pwedeng magsimula sa pagpa-plano bago at nagdagdag ng iba pang dapat naming i-consider sa paghahanda bago idineclare na tapos na ang meeting namin.

Isa-isang nagsitayuan ang mga kasamahan ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa bag at siniguradong wala akong nakalimutan saka isnukbit ito sa balikat ko, sakto namang may lumapit sa akin si Joshua. Sya ang partner ko para sa confession booth.

"Hi," malumanay na bati nito.

I offered him a small smile and greeted back with a, "Hello,"

Nagsimula akong maglakad palabas ng library na sinabayan nya at nagsimula nang isang may kabuluhang pag-uusap. Section A sya habang ako naman ay nasa Section B, meaning mas mataas ang average nya sa akin noong junior high, considered din na mas matalino sya sa estadong yon.

"Ang ganda nung suggestion mo para sa booth natin. Pangungunahan ko ang paggawa ng tula na yan," sabi nya habang tumatawa.

"Marunong kang sumulat ng tula?" I asked in astonishment.

Hindi kasi halata sa kanya. Ni pagiging matalino nga ay wala sa hitsura nya, yung pormahan nya kasi ay parang isang bulakbol na estudyante at feeling bad boy.

Tumawa ito ng marahan, "Oo naman. Hindi lang halata pero mahilig ako sa mga tula."

"Oh." I nodded. "Pareho pala tayo kung ganon."

"Mahilig ka rin sa mga tula?"

Muli ay tumango ako at nagpatuloy kami sa pag-uusap. Hanggang sa sakayan ay magkasabay kami at hindi ko inaasahan na nasa iisang barangay lang pala kami, hindi ko naman kasi sya madalas makita kahit pa mahilig akong lumabas lalo na tuwing gumagala kami ni Shantall. Iyon pala ay bagong lipat pa lang sila at ilang phase din ang layo ng bahay nya sa amin. Sa may bandang dulo pala sila.

Dahil nasa iisang barangay lang naman pala kami ay napagpasiyahan namin na sabay ng umuwi araw-araw para mas madagdagan namin ang oras na mapag-usapan ang tungkol sa booth. Napagkasunduan din namin na mag set ng meeting tuwing Sabado sa may milktea shop na nasa loob lang din ng barangay. Wala namang problema sa akin yon, madali lang din naman kausapin si Shantall. Alam kong maiintindihan nya na may makakasabay kami sa pag-uwi dahil sa intrams. Isa pa ay balak ko syang atasan bilang isa sa operators ng booths.

Nang makababa kami sa jeep ay inalalayan nya pa ako sa pagtawid dahil high way ang katapat ng entrance ng barangay namin. Tinawanan ko na lang sya dahil para naman akong hindi sanay tumawid dito gayong dito ako ipinanganak at lumaki.

Mauuna naming marating ang bahay namin bago ang sa kanila dahil nga nasa bandang dulo pa ang bahay nila. Dapat pala ay sasakay sya ng tricycle pero dahil kasabay nya ako ay naglakad na lang din sya.

We were just a few blocks away from our house at dahil naengganyo ako sa pakikipag-usap sa kanya ay hindi ko namalayan na nakalampas na pala kami sa bahay nina Shantall, hindi ko rin alam na inaabangan pala nya akong dumaan. Kung hindi lang nya ako tinawag ay hindi ko malalaman.

I faced her with a smile pero nabura ang ngiting iyon nang makita ang madilim nyang mukha. Akamang magtatanong ako kung anong nangyari nang may ibato syang bagay sa akin. Maliit lang yon pero masakit dahil sa beads nito. Kumunot ang noo ko nang makitang ang friendship bracelet namin ito na ginawa pa namin noong mga bata pa kami.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.

She scoffed. "Matalino ka nga, tanga ka naman. Hindi mo ba nakikita? Yung friendship bracelet natin."

Binigyan nyang diin ang salitang 'friendship' at 'natin' na mas lalo kong ipinagtaka. Ano ba ang problema ng isang 'to at parang binagsakan sya ng langit at lupa sa aura nya.

"Alam kong friendship bracelet natin ito, pero bakit parang binabalik mo ata sakin?"

"Tanggalin mo yung 'ata' dahil talagang ibinabalik ko na sayo yan." matigas nyang sabi.

"Bakit? Shantall, ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko.

Sa pagkakaalam ko ay malayo pa naman ang buwanang dalaw nya para topakin ng ganito. At talagang hinagilap nya pa ang friendship bracelet namin gayong itinago na namin ito as a remembrance nang mag-high school kami at dahil ayaw naming masira ito. Ngayon, ano naman ang ipinuputok ng butsi nya?

"Problema ko?" nanlilisik ang mga matang tiningnan nya ako at may halong pagkamuhi na hindi ko alam kung saan nanggagaling. "Eh, ikaw eh. Masyado kang pabida, akala mo kung sino ka. Alam mo, tama nga sina Lyka. Habang tumatagal, ginagamit mo ang pagkakaibigan natin para kontrolin ako at pasunurin sa mga gusto mo. Ayaw mo akong makipag-kaibigan sa iba dahil selfish ka at gusto mo, ikaw lang ang kaibigan ko."

"Well, Kyline, hindi habang buhay ay ikaw lang ang magiging kaibigan ko dahil lumalaki ang mundong ginagalawa ko. At higit sa lahat, hindi ako katulad mo na loser at pakunwaring maintindihing tao, yun pala ay control freak. Mas gugustuhin ko na siguro na umiwas sayo kaysa pilitin mo akong kontrolin at blackmailin gamit ang pagkakaibigan natin kapag hindi ko sinunod ang gusto mo."

At pagkatapos nyang sabihin ang mga linyang yon ay tinalikuran na nya ako at naglakad palayo. Samantalang ako ay naiwang nagtataka dahil hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa isip nya sumang-ayon kina Lyka na sinusubukan ko syang kontrolin.

Kaugnay na kabanata

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 5

    "Promise, tayo lang ang mag best friend hanggang sa last day of Earth." "Sure ka? Baka makahanap ka ng ibang kaibigan." "Hindi kaya." "Sus, ikaw pa, alam ko namang sa ating dalawa, ikaw ang pala-kaibigan. Malabong wala kang mahanap na bagong kaibigan." Bumuntong hininga si Shantall nang sabihin ko iyon at umupo sa tabi ko. Malungkot ang mukha ko dahil sa alam kong malabong magkatotoo ang sinabi nya na k abaqqqbhindi sya magkakaroon ng ibang kaibigan. Siguro, ako ay oo, w* q? Yyy pa a kpaqlnga lang na element , . B b n n am a m m hhhhhbbb . mv mr n ny . . m m m vmkami ay maragmi na ang lumalapit sa kanya, paano pa kaya kung nasa high school na kami. "Magkakaroon ako ng ibang kaibigan pero ikaw ang nag-iisang the best. Okay?" Huminga ako ng malalim at tumango, "Oo na, sige na nga." Tumawa ito at itinaas ang pulusuhan nya kung saan naka-suot ang bracelet na ginawa naming dalawa last year. May pattern ba ang beads non ayon sa pabor

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 6

    Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos ni Shantall. Whenever I try to reach out to her, agad syang iiwas na para bang may nakakahawang sakit ako. Nasasaktan ako but I couldn't do anything about it, idagdag pa na kasama na nya palagi ngayon sina Lyka. I wanted to shout at them at sabihing maglayo silang dalawa sa tuwing nakikita ko silang kasama. I know that Lyka is provoking me to do something, something that even I couldn't figure out what pero alam kong nagtatagumpay ang babaeng ito sa balak nya. Day by day na nakikita ko silang magkasama at halatang-halata ang pagpapa-inggit sakin ni Lyka dahil sya ang kasama ni Shantall imbes na ako ay nagpupuyos ako. Gusto ko syang sakalin at kung pwede lang sana ay ibaon sya ng buhay. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita mo sya. "Kyline, calm down." Bumuga ako ng hangin nang marinig ang boses ni Joshua. Sa nakaraang mga araw din ay sya ang naging kasa-kasama ko, it's odd ngu

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 7

    Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Sinubukan kong gumalaw ngunit agad na sumigid ang sakit sa buong katawan ko na syang ikina-ungol ko dahil hindi ko rin magawang magsalita. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari. Narinig ko ang mga mabibilis na yapak mula sa di kalayuan hanggang sa narinig kong parang may humawi ng kurtina at bumungad sa akin si Joshua na nag-aalala. Agad itong umupo sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko habang ang isa nyang kasama na sa tingin ko ay ang school nurse at chineck ako. "Miss Del Rosario, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo." Nang marinig ko ang boses nya ay doon ko nakumpirma na ang school nurse nga ito at nasa school clinic ako. Dahan-dahan akong humugot ng malalim na hininga saka sinabi sa kanya na masakit ang buong katawan ko at kumikirot ang ulo ko, though napakahina ng boses ko dahil nga hirap din akong mag

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 8

    Kyline Grace Del Rosario's Nang muli akong magising ay nasa kwarto ko na ako, naka-uwi na kami sa bahay. Hindi gaya nang una akong magising ay hindi ako agad tumayo, nanatili lang akong nakahiga habang pilit na inaalala kung paano ako naka-uwi gayong ang huling pagkakaalala ko ay nakatulog akong muli sa school clinic. Bumaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas yon at pumasok si papa. Agad syang naupo sa gilid ng kama ko nang makitang gising na ako at kinamusta ang pakiramdam ko. I told him I'm okay than earlier. "Maganda kung ganoon. Inuwi ka na namin para mas makapag-pahinga ka ng maayos. Pupunta dito mamaya si Joshua pagkatapos ng klase," "Anong oras na po ba?" tanong ko. "Maga-alas singko na, baka mga six daw nandito na sya kasi may mga aasikasuhin pa sya." "Yung booth na pinaghahandaan namin," Tumango si papa, "Nasabi nya nga. Sya na daw ang bahala don, may kinuha syang notebook sa bag mo kanina, sabi nya hiramin daw nya

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 9

    "I'm straight, while you're not." What the hell? Paulit-ulit na naglalaro ang sinabing iyon sa isipan ko. She's straight, while I'm not. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nya ako iniwasan ang para hindi na mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And who the hell told her that? Si Lyka? Sumusobra na talaga ang isang iyon. Binuksan ko muli ang email application ko at binasa ang email na sinend nya. Kaya nya ako dito pinadalhan ng mensahe dahil blocked ang lahat ng accounts ko sa kanya, maging ang phone number ko ay naka-block sa device nya.From: shantallalvr@g***l.comTo: kylinedlrsr@g***l.comKyline, First of all, I'm sorry. Alam kong nasasaktan ka sa mga pang-iiwas at pangbabalewala na ginagawa ko sayo. I know it's not right, but I have to do it. Please, huwag ka ng mag-effort na kausapin pa ako uli. We're better this way, Kyline. Habang lumilipas ang panahon ay maraming nagbabago at kasama na doon ang pagkakaibigan

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 10

    She kissed me, Shantall kissed me. Tulala ako habang naka-upo sa stone bench ng park. Matapos akong halikan ni Shantall ay umalis na ito at naiwan akong nakatulala dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. I touched my lips, my heart was beating fast inside my chest, pakiramdam ko, ano mang oras ay lalabas na ito mula sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. My hands were slightly trembling, my brain is a whirpool of thoughts at nahihilo ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pain reliever na ininom ko, kung pagod ba ang katawan ko o dahil hinalikan ako ni Shantall. Sinubukan kong tumayo ngunit napa-upo lang ako ulit, hindi magawang suportahan ng binti ko ang katawan ko. Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko para i-text si Joshua, sana lang ay gising pa sya. Wala akong ibang choice kung hindi ang humingi ng tulong sa kanya dahil pakiramdam ko ay kahit magtagal ako ng ilang oras dito, hindi ako kakalma. Bakit ba

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 11

    Joshua Gyen Mercado's Muli kong natagpuan ang sarili ko sa park kung saan ko pinuntahan si Kyline kanina. Bumuntong hininga ako nang maalala kung ano ang hitsura nya nang madatnan ko sya. She was so pale and trembling in cold, nahihirapan itong huminga, mabuti na lang at napakalma ko rin sya kinalaunan. Gusto ko syang sermonan dahil talagang tumakas pa sya kahit alam nyang kailangan pa nyang magpahinga. She did that just to see Shantall, her so called best friend na pinabayaan lang sya nang pinagtutulungan sya nina Lyka. Her so called best friend na nanguna pang husgahan sya just because there is a possibiliy that she could be a lesbian or bisexual. Pinagmasdan ko si Shantall na tahimik lang na nakatayo habang prente na akong naka-upo sa stone bench at hinihintay na lang syang simulan ang pag-uusap namin. Alam kong involve si Kyline dito, of course, hindi naman ako kakausapin ng ganito ni Shantall kung hindi tungkol kay Kyline. Naningkit ang mga mata ko nang makitang

    Huling Na-update : 2021-04-06
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 12

    Kyline Grace Del Rosario's Two days later, mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa sa mga nakaraang araw. Hindi na rin gaanong kumikirot ang braso ko pero kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat dahil nasasaktan pa rin ito sa tuwing nabibigla. Pinatuloy na ako nina mama at papa na huwag pumasok hanggang weekend, kaya naman sa Lunes na ang pasok ko. Natuyo na rin ang ibang galos ko at nawawala na ang iba. Ngayon ay Sabado at hinihintay ko si Joshua sa bahay para mapag-usapan na naman namin ang mga plano para sa booth. Sa ilang araw na hindi ako pumapasok ay sya ring araw-araw nyang pagpunta dito sa bahay para i-update ako sa mga bagay sa school. Ma-effort rin sya na pinupuntahan pa isa-isa ang mga teacher ko para ipanghingi ako ng home modules at makahabol sa lessons namin. Dahil may kahinaan rin ako sa Math at doon sya magaling ay sya ang tumutulong sa akin na intindihin ang lessons. Simula rin nang gabing puntahan nya ako sa park nang halikan ako ni Shantall, h

    Huling Na-update : 2021-04-07

Pinakabagong kabanata

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 47

    Shantalla Carin Alvuero Mabilis kong sinundan si Kyline nang makita kong nagpunta sya sa direksyon ng cr. Hindi ako nagpahalata sa kanya at pasimpleng sumunod. Nang madako ang tingin ko sa teacher ko ay pasimple nya akong pinaningkitan ng mata dahil sa ginagawa ko ngunit hindi ko sya pinansin. Hindi na baleng mapagalitan ako mamaya. At least, wala na akong aalalahanin na grades na maaring maapektuhan dito sa ginagawa ko o na baka ma-guidance ako. I am now graduated from high school. Nang makarating na sya sa comfort room ay hinayaan ko muna syang magtagal ng kaunti sa loob bago ako sumunod. Nang makapasok ako ay matiim syang nakatingin sa tissue na may bahid ng dugo at alam kong galing iyon sa ilong nya dahil namumula din ito. Tahimik akong napasinghap dahil alam kong napansin nya rin na hindi na katulad ng natural na dugo ang dugong naroon. Hindi kagaya ng ibang dugo na malapot at mapula, ang sa kanya ay malabo at animo'y

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 47

    CHAPTER 47 "Ate, kapalan mo ng kaunti, ah? Dapat maganda ako sa graduation ni Shantall. Magpapa-picture pa kami nyan eh. Ayoko namang pangit at maputla ako sa picture namin ngayong graduation nya." Ngumiti si ate at tahimik na sinunod ang hiling ko. Muli nyang binuksan ang liquid foundation at sinimulang kapalan ang layer sa mukha ko habang ako naman ay tahimik lang na pinanood sya sa ginagawa nya. Kung hindi ako nagkasakit, siguradong ganito rin ang eksena namin. Iyon nga lang ay siguradong ganado sya dahil excited sya sa nalalapit kong graduation, hindi katulad nito na kitang-kita ko ang pagpipigil nya ng luha. Maging ang ibang kasama ko dito sa bahay, ramdam ko ang pagpipigil nila ng mga emosyon nila sa bawat araw na lumilipas. Hindi man nila ipakita sa akin, alam kong gaya ko ay nahihirapan din sila, nasasaktan. Simula nang ma-discharge ako sa ospital at maka-uwi dito sa bahay ay dumoble pa lalo ang pag-a

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 45

    It has been days since I woke up. Ngayon ay mag-isa na naman ako dahil naging busy na naman sila sa kaniya-kaniya nilang buhay. Si mama ay sa business nya, patuloy itong lumalago at mas dumarami ang inoorder nya sa suplier dahil palaging mabilis maubos ang mga paninda. Kumuha na rin sya ng panibagong makakatulong sa kanya dahil hindi na talaga nya kaya ng mag-isa lang. Minsan ay tumutulong din sa kanya sina Shantall at Joshua. Ang mga ate at kuya ko naman ay patuloy sa paghahanap buhay para patuloy rin na makatulong sa pagtustos sa pagpapagamot ko. Ganun din si papa na ilang taon na lang ay magreretiro na. Kahit naman hindi na sya mag trabaho ay may sapat na ipon na sila ni mama para mabuhay na lang sa business. Sina Joshua at Shantall naman ay busy na sa nalalapit nilang gradution. Joshua will graduate high school as a valedictorian habang si Shantall ay with high honors. Masaya ako na hindi lang sila basta gagraduate ng high school,

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 44

    Nahihirapan man, sa wakas ay nagawa ko ng buksan ang mga mata ko at igalaw ng kaunti ang mga daliri ko. Dahan-dahan sa una, hanggang sa maigalaw ko na rin ang dalawang kamay ko. Kaya naman ngayon, ang kaninang matiwasay na kwarto ay nagulo dahil abala silang lahat na tumawag ng doctor. At nang pumasok na si Dr. Jimenez ay saka lang sila nanahimik at hinintay ang sasabihin nya. Kumunot ang noo ko nang ipabuka nya ang bibig ko, saka ko lang nalaman na may tubo pala rito at halos masuka ako nang alisin nya. Pagkatapos ay ginawa nya ang usual routine nya kasama ang nurse, checking my vital signs and all that. "Maayos naman na po ang kalagayan nya sa ngayon, though we have to monitor her for the next 48 hours." rinig kong sabi nya kina mama. I am thankful na ngayon ay hindi nya na ako tinanong kung maayos lang ba ako o hindi. Unlike before na nagtatanong sya at napapaisip ako, doctor naman sya, dapat alam nya kung maayos ba ako o hindi.

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 43

    Kyline Grace Del Rosario's Point of View The event was fun and worth a try. I enjoyed every minute I spent para makipagkuwentuhan sa mga kagaya ko na cancer survivors, and their stories were really inspiring. And though I got inspired to fight and to live, hindi ko pa rin maiwasan na isipin ay anytime mawawala ako dahil mas lalong lumalala ang pakiramdam ko bawat araw. Kagaya na lamang ngayon, kahit wala naman akong gaanong ginawa, nakipag-usap lang ako at nakipagtawanan, kumain ng kaunti. Pero ang nararamdaman ko ay parang tumakbo ako sa track and field buong maghapon at naubos ang buong lakas ko. Pakiramdam ko, sa isang pitik lang ay tutumba na ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko dito sa ospital na naging bahay ko na ay gusto ko na agad mahiga at matulog, pero pinagpaghilamos pa ako nina mama kaya wala akong choice. Nang mahubad ko na lahat ang damit ko ay si

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 42

    Shantalla Carin Alvuero's Point of View It has been a year and half since everything between me and my best friend settled. Naging maayos na ang set up naming dalawa, cool na rin ako sa nararamdaman nya sa akin na hindi naman dapat. Hindi na namin madalas pagtuonan ng pansin yon pero alam kong naroon pa rin naman. Hindi namin madalas pansinin ang negativity dahil alam naming hindi maganda yon lalo na sa sitwasyon ngayon. Sa mga buwan na lumipas, malaki ang ipinagbago ni Kyline. Namayat na sya, mas lalong namutla, at naglagas na rin ang buhok nya kaya naman naisipan nyang pagupitan na lang yon. Over the past months, mas lalo lang lumala ang cancer ni Kyline. Hindi umeepekto ang gamot sa kanya, umepekto man, mabagal ang progress nito at mababa ang chance na magapi ang cancer cells sa katawan nya dahil ayon kay Dr. Jimenez ay kumakalat na yon sa katawan nya at mabilis ang pagkalat nito.

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 41

    After one year and a half... Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at pinuna kung gaano kalaki ang ipinagbago ko sa loob ng isang taon. Mas lalo akong namutla ngayon at hindi nakatulong ang maputi kong balat na itago yon, dumami rin ang mga pulang marka sa katawan ko o yung mga parang pasa, lalo na sa braso ko. Wala na rin ang medyo matambok kong pisngi na dati ay gustong-gustong kinukurot ng mga kakilala ko dahil daw ang cute at mapula-pula, malaki rin kasi ang ipinayat ko. Parang lumaki rin ang mata ko na dati ay medyo singkit, and the hospital gown I am wearing looks to big for me. Sa loob ng isang taon na pakikipaglaban ko sa cancer sa pamamagitan ng chemotheraphy ay hindi naging madali ang bawat araw ko, lalo na kapag nararamdaman ko ang mga epekto nito sa akin. May mga oras na halos mabasag na ang voice box ko sa lakas ng sigaw ko dahil sa sakit, at habang namimilipit ako ay ramdam ko rin a

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 40

    Have you been left by someone so dear to you because of a mistake? And when you are more than willing to make that mistake right, that someone so dear to you didn't give you a chance to? It feels like shit, right? You feel like a part of you went missing when you lost your special someone because of one damn mistake. And on a late night, when everyone is asleep, you are curled in a corner, with tears falling from your eyes from your silent cries, wishing that you could bring back time and make everything right. But then, not every little thing you wish comes true, because it's life. So, you'll end up with those silent cries every night, blaming yourself, full of what-ifs, wishing things that only deaf ears could hear. And I am thankful that in my case, Shantall gave me a chance. If she didn't, then I don't know what I'd do once she declares that our friendship is over. That is the last thing I wanted to happen, and I w

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 39

    There's nothing wrong if I like her. "... puso mo yan eh, alam ko namang hindi mo ginusto at sinubukan mong pigilan, pero sabi nga nila, wala kang laban kapag puso mo na ang kalaban mo. And besides, Joshua told me na hindi ka naman umaasa na masusuklian ko yang feelings mo. So, I think everything is fine? We can do something about it, say compromise." Compromise. I take a deep breath and moved, pero hindi ko tinanggal ang kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ko dahil siguradong makikita nya ang mga pasa rito. People seeing my skin with marks is the least thing I wanted to happen, kahit pa sya na best friend ko, ayokong makita nya. "Pwede naman." I said. "But hear me out first, will you?" When she nodded, I motioned her to sit on the chair beside my bed, kung saan madalas umupo si Joshua kung hindi sya sa gilid ng kama ko naka-upo. Once she's

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status