Share

REVISED - CHAPTER 3

Penulis: MICS ARTEMIA
last update Terakhir Diperbarui: 2021-03-31 09:41:49

"Ah, finally! Lunch!"

Pabagsak kaming naupo ni Shantall seats na napili namin dito sa canteen. Lunch break na at hapong-hapo na kami sa maghapon dahil sa dami ng ginagawa. Dalawang buwan na mula nang magsimula ang klase, at ngayon ay paparating na naman ang first semester exams.

Naghahabulan na naman ang mga estudyante para sa mga requirements na kailangan nilang ipasa, mabuti na lang at hindi kami isa don ni Shantall pero pagod pa rin kami dahil goal namin ang makakuha ng With High Honor title.

"Shantall!"

Sabay kaming lumingon nang marinig namin na may tumawag sa kanya. Nandilim ang paningin ko nang makita na naman sina Lyka at ang mga kasama nya— ang mga barkada nya. Siguradong narito na naman sila para isama si Shantall sa kalokohan nila na hindi ko papayagan. Nang magsimula ang klase, sila ang naging mga bagong kaibigan ni Shantall. Likas sa kaibigan ko ang pagiging pala-kaibigan kaya naman naging madali sa kanila na lapitan ito at isama sa mga kalokohan nila.

"Ano na naman ang gusto ng mga yan?" inis na tanong ko. "Isasama ka na naman ba nila sa mga kabulastugan nila?"

Tiningnan ako ni Shantall at umiling. "Huwag ka ngang ganyan. Nakikipag-kaibigan lang naman sila. Isa pa, masarap silang kasama."

"At saang parte sila masarap kasama? Yung nagbubulakbol sila? Naninigarilyo sa likod ng school at yung iba ay gumagamit pa?" I scoffed.

"Bakit ba kasi dun sa negative side ka nila nagfo-focus? Mabait naman sila eh."

Hindi ko nagustuhan ang pagtatanggol nya sa mga ito. Palibhasang hindi nya alam na kaya lang naman mabait sa kanya sina Lyka ay dahil gusto ng mga ito na mapasama sya sa grupo nila.

Simula rin nang makilala nya ang mga yan, napadalas na ang hindi namin pagkakaintindihan at pagsasagutan. Nasusulsulan kasi sya ng kung ano-ano, hindi naman lingid sa kaalaman ko na gusto nila kaming sirain at paglayuin dahil ako ang nagiging hadlang para hindi nila tuluyang maisama si Shantall sa mga kalokohan nila.

Wala akong imik nang makalapit sila sa amin at batiin si Shantall. Sandali nila akong sinulyapan at nagkatinginan sila pero hindi nila ako binati at si Shantall lang ang kinausap, animo ay wala ako rito na mas lalo kong ikinainis.

"Pwede ba kaming sumabay kumain sayo?" tanong ni Gelay, isa sa mga kaibigan nila.

Tiningnan muna ako ng kaibigan ko bago sya sumagot.

"Ahm, pwede naman kaso dalawa lang ang upuan dito sa table eh. Kasama ko din si Kyline,"

Doon pa lang nila ako tuluyang binigyan ng pansin at kunwari ay nagulat pa na nandito pala ako. I scoffed because of that. Makakatikim talaga sakin ang mga ito.

"Oh, Kyline, nandiyan ka pala." bati sa akin ni Lyka.

I smirked, "Kanina pa naman ako nandito. Ikaw lang talaga yung parang tanga na hindi ako napansin. Nahawaan na yata ng labo ng utak mo yang mata mo."

Pasimple akong sinipa ni Shantall dahil sa sinabi ko pero hindi ko sya pinansin. Sina Lyka naman ay halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko at nagsimula ng umasim ang mukha nya. Ang kaibigan ko ang gumawa ng paraan para hindi na kami mas lalo pang magka-initan.

"Ah, haha, siguro sa susunod na lang ako sasabay sa inyo." sabi nya sa mga ito.

Lyka shook her head, "Ito namang si Shantall, ngayon lang naman eh. Tara na,"

"Kaya nga,"

"Sige na, Shantall, ngayon lang."

"Oo nga, samahan mo na kami. Tara na."

Tumingin sa akin si Shantall na humihingi ng permiso, doon pa lang ay alam kong balak na nyang sumama sa kanila. Hindi ako sumagot ngunit tumayo ako at tinanong sya.

"Oorder na ako ng pagkain natin, anong gusto mo? Sagot ko na,"

Binigyan ako ng nakakamatay na tingin ni Lyka sa sinabi ko pero hindi ko sya pinansin. Shantall's lips formed a thin line, alam kong naiintindihan na nya kung ano ang ginagawa ko.

"Chicken Fillet na lang." mahinang sabi nito.

And that was the cue for them to understand na hindi sila sasamahan ni Shantall. I smirked and faced them, lahat sila ay walang imik maliban kay Lyka na masama na ang mukha nya ngayon.

"Well, you heard her, ladies and gentlemen. Hindi sya sasama sa inyo dahil ako ang kasabay nyang kumain."

Pagkatapos non ay iniwan ko na sila at pumila sa canteen's counter para sa order namin. Habang nasa pila ay pasimple ko silang sinusulyapan at nakitang pinipilit pa rin nila si Shantall na sumabay sa kanila.

Lumawak ang ngisi sa labi ko nang makitang umiling si Shantall. Bakas ang pagkadismaya sa mga mukha nila nang pilit silang tumango at sa wakas ay iniwan na ang table namin.

"Finally," I mumbled.

Nang makabalik ako sa table namin at ihain ang pagkaing inorder ko ay walang imik si Shantall. Hanggang sa magsimula na kaming kumain, tahimik pa rin sya which is unusual for her. Nagsimula na akong mabahala kaya naman binasag ko na ang katahimikan sa pagitan namin.

"Shantall?" I called her.

She hummed as a response, but did not look at me.

"Anong nangyari sayo? Para kang binagsakan ng langit at lupa, hindi ka lang naman nakasama sa kanila. Hindi naman siguro sila mamamatay kung hindi ka nila nakasabay kumain, 'no?"

It was supposed to be a joke, and I wasn't expecting for her to put her spoon and fork down. Nang tumingin sya sa akin ay bakas ang pagkainis sa mga mata nya.

"Kyline, hindi maganda yung ginawa mo." inis na sabi nya.

My brows creased. "What?"

"Yung ginawa mo. Bakit? Gusto lang naman nila na makasabay akong kumain at palagi naman tayong sabay kumain at magkasama, kaya bakit hindi mo pa ako pinayagan?"

"Sandali, galit ka dahil hindi ka nakasama sa kanila?" bakas ang pagtataka sa tono ko.

"Oo."

Napapantastikuhang umiling ako at ibinaba rin ang kubyertos ko.

"Aba, edi kung gusto mo palang sumama sa kanila, sana sumama ka na lang kahit hindi ako pumayag." pangangatuwiran ko.

Umismid ito at mapaklang tumawa, "And then, what? Mamaya ay hindi mo ako papansinin dahil galit ka? Tsk. Alam ko na yang ugali mong yan, Kyline."

"Bakit parang ang sama naman yata ng ugali ko sa tono mo?" tanong ko nang may panghahamon.

"At bakit, hindi ba?"

Natawa ako ng mapakla, "Wow. Dati-rati, ako yung pinakamabait na taong kilala mo. Tapos ngayon, dahil lang kina Lyka, masama na ugali ko?"

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!"

Napalakas ang boses nya kaya naman may iilang napatingin sa direksyon namin. Ipinikit nya ang mga mata nya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili nya. Nang magmulat sya uli ay binigyan nya ako ng tingin na tila ba pagod sya.

Akmang magsasalita sya nang unahan ko sya.

"Shantall, ayoko lang naman na sumama ka sa kanila. Para namang hindi mo alam kung anong klaseng estudyante sina Lyka, ah. Wala silang maidudulot na mabuti sayo."

Muli syang huminga ng malalim, halatang nagpipigil ng inis, bago sumagot.

"Kyline, hayaan mo akong makipag-kaibigan sa iba. Sana, huwag kang maging selfish at gusto mong ikaw lang ang kaibigan ko. And just because you are my best friend, doesn't mean you have the right to control kung sino ang mga kakaibiganin ko sa hindi."

Pagkatapos non ay tumayo na sya at naglakad palabas ng canteen. Napatingin ako sa palayo nyang pigura at napabuga na lang ng hangin. Mukhang hindi nya nga nakuha ang gusto kong sabihin.

Bab terkait

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 4

    Hindi ko na muling naka-usap pa si Shantall matapos ang nangyari kaninang lunch. Kahit na magkaklase kami ay hindi naman sya tumabi sa akin na syang nakagawian na namin sa tuwing nasa iisang klase lang kami, katabi nya sa buong klase ang dalawa sa grupo nina Lyka na kaklase din namin. Buong klase, hati ang atensyon ko sa kanya at sa discussion. Imbes kasi na makinig ay dinadaldal sya nung dalawang babae na mula kina Lyka, hindi ko naman sila magawang suwayin dahil malayo ang upuan nila mula sa kinauupuan ko, isa pa ay siguradong mapapagalitan ako ng teacher namin kung tatayo ako at pupuntahan ko sya gayong nasa kalagitnaan kami ng discussion. Nang uwian na ay hindi ko rin sya naabutan dahil nauna silang lumabas habang ako ay kinausap pa ng teacher namin para sa class project na ibinigay. Bilang class president ay obligasyon kong pangunahan ang lahat at unahin ang responsibilidad ko sa klase kaysa kay Shantall kaya naman wala akong magawa kung hindi ang maupo sa harap

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 5

    "Promise, tayo lang ang mag best friend hanggang sa last day of Earth." "Sure ka? Baka makahanap ka ng ibang kaibigan." "Hindi kaya." "Sus, ikaw pa, alam ko namang sa ating dalawa, ikaw ang pala-kaibigan. Malabong wala kang mahanap na bagong kaibigan." Bumuntong hininga si Shantall nang sabihin ko iyon at umupo sa tabi ko. Malungkot ang mukha ko dahil sa alam kong malabong magkatotoo ang sinabi nya na k abaqqqbhindi sya magkakaroon ng ibang kaibigan. Siguro, ako ay oo, w* q? Yyy pa a kpaqlnga lang na element , . B b n n am a m m hhhhhbbb . mv mr n ny . . m m m vmkami ay maragmi na ang lumalapit sa kanya, paano pa kaya kung nasa high school na kami. "Magkakaroon ako ng ibang kaibigan pero ikaw ang nag-iisang the best. Okay?" Huminga ako ng malalim at tumango, "Oo na, sige na nga." Tumawa ito at itinaas ang pulusuhan nya kung saan naka-suot ang bracelet na ginawa naming dalawa last year. May pattern ba ang beads non ayon sa pabor

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 6

    Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos ni Shantall. Whenever I try to reach out to her, agad syang iiwas na para bang may nakakahawang sakit ako. Nasasaktan ako but I couldn't do anything about it, idagdag pa na kasama na nya palagi ngayon sina Lyka. I wanted to shout at them at sabihing maglayo silang dalawa sa tuwing nakikita ko silang kasama. I know that Lyka is provoking me to do something, something that even I couldn't figure out what pero alam kong nagtatagumpay ang babaeng ito sa balak nya. Day by day na nakikita ko silang magkasama at halatang-halata ang pagpapa-inggit sakin ni Lyka dahil sya ang kasama ni Shantall imbes na ako ay nagpupuyos ako. Gusto ko syang sakalin at kung pwede lang sana ay ibaon sya ng buhay. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita mo sya. "Kyline, calm down." Bumuga ako ng hangin nang marinig ang boses ni Joshua. Sa nakaraang mga araw din ay sya ang naging kasa-kasama ko, it's odd ngu

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 7

    Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Sinubukan kong gumalaw ngunit agad na sumigid ang sakit sa buong katawan ko na syang ikina-ungol ko dahil hindi ko rin magawang magsalita. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari. Narinig ko ang mga mabibilis na yapak mula sa di kalayuan hanggang sa narinig kong parang may humawi ng kurtina at bumungad sa akin si Joshua na nag-aalala. Agad itong umupo sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko habang ang isa nyang kasama na sa tingin ko ay ang school nurse at chineck ako. "Miss Del Rosario, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo." Nang marinig ko ang boses nya ay doon ko nakumpirma na ang school nurse nga ito at nasa school clinic ako. Dahan-dahan akong humugot ng malalim na hininga saka sinabi sa kanya na masakit ang buong katawan ko at kumikirot ang ulo ko, though napakahina ng boses ko dahil nga hirap din akong mag

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 8

    Kyline Grace Del Rosario's Nang muli akong magising ay nasa kwarto ko na ako, naka-uwi na kami sa bahay. Hindi gaya nang una akong magising ay hindi ako agad tumayo, nanatili lang akong nakahiga habang pilit na inaalala kung paano ako naka-uwi gayong ang huling pagkakaalala ko ay nakatulog akong muli sa school clinic. Bumaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas yon at pumasok si papa. Agad syang naupo sa gilid ng kama ko nang makitang gising na ako at kinamusta ang pakiramdam ko. I told him I'm okay than earlier. "Maganda kung ganoon. Inuwi ka na namin para mas makapag-pahinga ka ng maayos. Pupunta dito mamaya si Joshua pagkatapos ng klase," "Anong oras na po ba?" tanong ko. "Maga-alas singko na, baka mga six daw nandito na sya kasi may mga aasikasuhin pa sya." "Yung booth na pinaghahandaan namin," Tumango si papa, "Nasabi nya nga. Sya na daw ang bahala don, may kinuha syang notebook sa bag mo kanina, sabi nya hiramin daw nya

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 9

    "I'm straight, while you're not." What the hell? Paulit-ulit na naglalaro ang sinabing iyon sa isipan ko. She's straight, while I'm not. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nya ako iniwasan ang para hindi na mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. And who the hell told her that? Si Lyka? Sumusobra na talaga ang isang iyon. Binuksan ko muli ang email application ko at binasa ang email na sinend nya. Kaya nya ako dito pinadalhan ng mensahe dahil blocked ang lahat ng accounts ko sa kanya, maging ang phone number ko ay naka-block sa device nya.From: shantallalvr@g***l.comTo: kylinedlrsr@g***l.comKyline, First of all, I'm sorry. Alam kong nasasaktan ka sa mga pang-iiwas at pangbabalewala na ginagawa ko sayo. I know it's not right, but I have to do it. Please, huwag ka ng mag-effort na kausapin pa ako uli. We're better this way, Kyline. Habang lumilipas ang panahon ay maraming nagbabago at kasama na doon ang pagkakaibigan

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 10

    She kissed me, Shantall kissed me. Tulala ako habang naka-upo sa stone bench ng park. Matapos akong halikan ni Shantall ay umalis na ito at naiwan akong nakatulala dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. I touched my lips, my heart was beating fast inside my chest, pakiramdam ko, ano mang oras ay lalabas na ito mula sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. My hands were slightly trembling, my brain is a whirpool of thoughts at nahihilo ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pain reliever na ininom ko, kung pagod ba ang katawan ko o dahil hinalikan ako ni Shantall. Sinubukan kong tumayo ngunit napa-upo lang ako ulit, hindi magawang suportahan ng binti ko ang katawan ko. Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko para i-text si Joshua, sana lang ay gising pa sya. Wala akong ibang choice kung hindi ang humingi ng tulong sa kanya dahil pakiramdam ko ay kahit magtagal ako ng ilang oras dito, hindi ako kakalma. Bakit ba

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-31
  • TORD 1: I Love You, Best Friend   REVISED - CHAPTER 11

    Joshua Gyen Mercado's Muli kong natagpuan ang sarili ko sa park kung saan ko pinuntahan si Kyline kanina. Bumuntong hininga ako nang maalala kung ano ang hitsura nya nang madatnan ko sya. She was so pale and trembling in cold, nahihirapan itong huminga, mabuti na lang at napakalma ko rin sya kinalaunan. Gusto ko syang sermonan dahil talagang tumakas pa sya kahit alam nyang kailangan pa nyang magpahinga. She did that just to see Shantall, her so called best friend na pinabayaan lang sya nang pinagtutulungan sya nina Lyka. Her so called best friend na nanguna pang husgahan sya just because there is a possibiliy that she could be a lesbian or bisexual. Pinagmasdan ko si Shantall na tahimik lang na nakatayo habang prente na akong naka-upo sa stone bench at hinihintay na lang syang simulan ang pag-uusap namin. Alam kong involve si Kyline dito, of course, hindi naman ako kakausapin ng ganito ni Shantall kung hindi tungkol kay Kyline. Naningkit ang mga mata ko nang makitang

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-06

Bab terbaru

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 47

    Shantalla Carin Alvuero Mabilis kong sinundan si Kyline nang makita kong nagpunta sya sa direksyon ng cr. Hindi ako nagpahalata sa kanya at pasimpleng sumunod. Nang madako ang tingin ko sa teacher ko ay pasimple nya akong pinaningkitan ng mata dahil sa ginagawa ko ngunit hindi ko sya pinansin. Hindi na baleng mapagalitan ako mamaya. At least, wala na akong aalalahanin na grades na maaring maapektuhan dito sa ginagawa ko o na baka ma-guidance ako. I am now graduated from high school. Nang makarating na sya sa comfort room ay hinayaan ko muna syang magtagal ng kaunti sa loob bago ako sumunod. Nang makapasok ako ay matiim syang nakatingin sa tissue na may bahid ng dugo at alam kong galing iyon sa ilong nya dahil namumula din ito. Tahimik akong napasinghap dahil alam kong napansin nya rin na hindi na katulad ng natural na dugo ang dugong naroon. Hindi kagaya ng ibang dugo na malapot at mapula, ang sa kanya ay malabo at animo'y

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 47

    CHAPTER 47 "Ate, kapalan mo ng kaunti, ah? Dapat maganda ako sa graduation ni Shantall. Magpapa-picture pa kami nyan eh. Ayoko namang pangit at maputla ako sa picture namin ngayong graduation nya." Ngumiti si ate at tahimik na sinunod ang hiling ko. Muli nyang binuksan ang liquid foundation at sinimulang kapalan ang layer sa mukha ko habang ako naman ay tahimik lang na pinanood sya sa ginagawa nya. Kung hindi ako nagkasakit, siguradong ganito rin ang eksena namin. Iyon nga lang ay siguradong ganado sya dahil excited sya sa nalalapit kong graduation, hindi katulad nito na kitang-kita ko ang pagpipigil nya ng luha. Maging ang ibang kasama ko dito sa bahay, ramdam ko ang pagpipigil nila ng mga emosyon nila sa bawat araw na lumilipas. Hindi man nila ipakita sa akin, alam kong gaya ko ay nahihirapan din sila, nasasaktan. Simula nang ma-discharge ako sa ospital at maka-uwi dito sa bahay ay dumoble pa lalo ang pag-a

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 45

    It has been days since I woke up. Ngayon ay mag-isa na naman ako dahil naging busy na naman sila sa kaniya-kaniya nilang buhay. Si mama ay sa business nya, patuloy itong lumalago at mas dumarami ang inoorder nya sa suplier dahil palaging mabilis maubos ang mga paninda. Kumuha na rin sya ng panibagong makakatulong sa kanya dahil hindi na talaga nya kaya ng mag-isa lang. Minsan ay tumutulong din sa kanya sina Shantall at Joshua. Ang mga ate at kuya ko naman ay patuloy sa paghahanap buhay para patuloy rin na makatulong sa pagtustos sa pagpapagamot ko. Ganun din si papa na ilang taon na lang ay magreretiro na. Kahit naman hindi na sya mag trabaho ay may sapat na ipon na sila ni mama para mabuhay na lang sa business. Sina Joshua at Shantall naman ay busy na sa nalalapit nilang gradution. Joshua will graduate high school as a valedictorian habang si Shantall ay with high honors. Masaya ako na hindi lang sila basta gagraduate ng high school,

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 44

    Nahihirapan man, sa wakas ay nagawa ko ng buksan ang mga mata ko at igalaw ng kaunti ang mga daliri ko. Dahan-dahan sa una, hanggang sa maigalaw ko na rin ang dalawang kamay ko. Kaya naman ngayon, ang kaninang matiwasay na kwarto ay nagulo dahil abala silang lahat na tumawag ng doctor. At nang pumasok na si Dr. Jimenez ay saka lang sila nanahimik at hinintay ang sasabihin nya. Kumunot ang noo ko nang ipabuka nya ang bibig ko, saka ko lang nalaman na may tubo pala rito at halos masuka ako nang alisin nya. Pagkatapos ay ginawa nya ang usual routine nya kasama ang nurse, checking my vital signs and all that. "Maayos naman na po ang kalagayan nya sa ngayon, though we have to monitor her for the next 48 hours." rinig kong sabi nya kina mama. I am thankful na ngayon ay hindi nya na ako tinanong kung maayos lang ba ako o hindi. Unlike before na nagtatanong sya at napapaisip ako, doctor naman sya, dapat alam nya kung maayos ba ako o hindi.

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 43

    Kyline Grace Del Rosario's Point of View The event was fun and worth a try. I enjoyed every minute I spent para makipagkuwentuhan sa mga kagaya ko na cancer survivors, and their stories were really inspiring. And though I got inspired to fight and to live, hindi ko pa rin maiwasan na isipin ay anytime mawawala ako dahil mas lalong lumalala ang pakiramdam ko bawat araw. Kagaya na lamang ngayon, kahit wala naman akong gaanong ginawa, nakipag-usap lang ako at nakipagtawanan, kumain ng kaunti. Pero ang nararamdaman ko ay parang tumakbo ako sa track and field buong maghapon at naubos ang buong lakas ko. Pakiramdam ko, sa isang pitik lang ay tutumba na ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko dito sa ospital na naging bahay ko na ay gusto ko na agad mahiga at matulog, pero pinagpaghilamos pa ako nina mama kaya wala akong choice. Nang mahubad ko na lahat ang damit ko ay si

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 42

    Shantalla Carin Alvuero's Point of View It has been a year and half since everything between me and my best friend settled. Naging maayos na ang set up naming dalawa, cool na rin ako sa nararamdaman nya sa akin na hindi naman dapat. Hindi na namin madalas pagtuonan ng pansin yon pero alam kong naroon pa rin naman. Hindi namin madalas pansinin ang negativity dahil alam naming hindi maganda yon lalo na sa sitwasyon ngayon. Sa mga buwan na lumipas, malaki ang ipinagbago ni Kyline. Namayat na sya, mas lalong namutla, at naglagas na rin ang buhok nya kaya naman naisipan nyang pagupitan na lang yon. Over the past months, mas lalo lang lumala ang cancer ni Kyline. Hindi umeepekto ang gamot sa kanya, umepekto man, mabagal ang progress nito at mababa ang chance na magapi ang cancer cells sa katawan nya dahil ayon kay Dr. Jimenez ay kumakalat na yon sa katawan nya at mabilis ang pagkalat nito.

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 41

    After one year and a half... Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at pinuna kung gaano kalaki ang ipinagbago ko sa loob ng isang taon. Mas lalo akong namutla ngayon at hindi nakatulong ang maputi kong balat na itago yon, dumami rin ang mga pulang marka sa katawan ko o yung mga parang pasa, lalo na sa braso ko. Wala na rin ang medyo matambok kong pisngi na dati ay gustong-gustong kinukurot ng mga kakilala ko dahil daw ang cute at mapula-pula, malaki rin kasi ang ipinayat ko. Parang lumaki rin ang mata ko na dati ay medyo singkit, and the hospital gown I am wearing looks to big for me. Sa loob ng isang taon na pakikipaglaban ko sa cancer sa pamamagitan ng chemotheraphy ay hindi naging madali ang bawat araw ko, lalo na kapag nararamdaman ko ang mga epekto nito sa akin. May mga oras na halos mabasag na ang voice box ko sa lakas ng sigaw ko dahil sa sakit, at habang namimilipit ako ay ramdam ko rin a

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 40

    Have you been left by someone so dear to you because of a mistake? And when you are more than willing to make that mistake right, that someone so dear to you didn't give you a chance to? It feels like shit, right? You feel like a part of you went missing when you lost your special someone because of one damn mistake. And on a late night, when everyone is asleep, you are curled in a corner, with tears falling from your eyes from your silent cries, wishing that you could bring back time and make everything right. But then, not every little thing you wish comes true, because it's life. So, you'll end up with those silent cries every night, blaming yourself, full of what-ifs, wishing things that only deaf ears could hear. And I am thankful that in my case, Shantall gave me a chance. If she didn't, then I don't know what I'd do once she declares that our friendship is over. That is the last thing I wanted to happen, and I w

  • TORD 1: I Love You, Best Friend   CHAPTER 39

    There's nothing wrong if I like her. "... puso mo yan eh, alam ko namang hindi mo ginusto at sinubukan mong pigilan, pero sabi nga nila, wala kang laban kapag puso mo na ang kalaban mo. And besides, Joshua told me na hindi ka naman umaasa na masusuklian ko yang feelings mo. So, I think everything is fine? We can do something about it, say compromise." Compromise. I take a deep breath and moved, pero hindi ko tinanggal ang kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ko dahil siguradong makikita nya ang mga pasa rito. People seeing my skin with marks is the least thing I wanted to happen, kahit pa sya na best friend ko, ayokong makita nya. "Pwede naman." I said. "But hear me out first, will you?" When she nodded, I motioned her to sit on the chair beside my bed, kung saan madalas umupo si Joshua kung hindi sya sa gilid ng kama ko naka-upo. Once she's

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status