AgrianthroposTheoI can’t believe what I heard from Ernest. Bakit ba masyadong nagmamadali? Hindi kaya ay sinusubukan lamang ako? I need to think hard about who I'm going to kill. It is not an easy path, but I must realize that this is my new life and that I must prepare myself to kill someone again.“Ernest.”“Yes, Sir Theo?” Napatingin pa ito sa akin habang inaayos ang mga gamot sa lalagyan.“Did Atty. Hart give you the name?”Lumapit si Ernest sa akin at tumingin ng diretso bago magsabi, “Ang sabi niya ay ikaw na ang bahala kung sino ang papatayin mo. Idinagdag din niya na kung may kailangan ka gamit ay magsabi lamang upang maipadala sa isla.”“Okay, you may leave me alone,” pagtataboy ko sabi kay Ernest.Pinag-iisipan ko maigi kung si Royce o si Belfort ang uunahin. Pareho malaki ang atraso ng dalawa sa akin, ang una ay ang ginawa panloloko ni Royce kay Maymay. Si Belfort naman ay hindi puwedeng palampasin ang ginawang paggulpi sa nakakaawang si Nitoy na kamuntik na nitong ikamat
AgrianthroposTheoKinabukasan ay laman ng mga balita ang tungkol kay Royce. Wala sa plano na mapagbintangan ang babaeng kasama nito na pumatay sa kanya.“Pasensiya siya. Maling tao ang sinamahan niya,” I said. I turned off the TV and looked at Ernest sitting the other side of the couch, “Any news from Atty. Hart?”“Ang sabi ni boss ay maganda ang naisip at paraan ng pagpatay, pero…”“What?” naiintriga ko tanong.“Ni-report ng kasama niyong henchman na kamuntikan na kayong pumalpak. Kaya sabi ni boss ay sabihin ko raw sa inyo ito, bawal ang tanga sa grupo,” nakakunot noo si Ernest habang sinasabi ito.Parang naririnig ko tuloy ang boses ni attorney kaya ganoon na lamang ang pagkainis ko. Hangga ngayon nga ay masakit ang likuran ko kaya nagpa x-ray ako kanina at hinihintay lamang ang resulta.“Pakisabi kay attorney na salamat sa payo.” Hindi pa rin naaalis ang inis na nararamdaman.“May idinagdag din na pasabi.”“Ano?!”“Dahil sa nangyari kagabi ay kailangan palitan ang training niyo.”
AgrianthroposTheoIlang buwan na rin ang nakakalipas at palaisipan pa rin sa mga balita ang pagkawala ni Cong. Abuente, kasama ang driver nito. Can’t blame them dahil nasa pusod na ng dagat ang mga ito at sigurado ako hindi mapakali sa paghahanap sa kanyang ama si Gerson. Yes, kasama ang bangkay ng driver na ipinalubog sa dagat upang walang mahita ang sino man mag-imbestiga sa pangyayari. Malinis ang pagkakagawa at siniguro ko na walang ebidensiya mahahanap sa kung sino ang may pakana.Tapos na rin ang bahay na ipinagawa ko na umabot ng 20 million pesos kasama ang mga furniture sa loob at labas. Ito ang sabi ni Ernest sa akin bago siya bumalik sa dating trabaho. May mga ipinadalang mga bago tauhan si attorney na mag-aasikaso sa bahay at iba pa kailangan ko. Nagtataka lamang ako na walang binabawas si attorney sa mga pumapasok na pera sa account ko. I didn't ask since I was sure that Atty. Hart knew what he was doing.The construction of Maymay and Ramon's mausoleums has also been com
TheoAgrianthroposNapatingin ako sa gawi ni Ivan at halata sa kanyang mukha ang pagkaputla. Marahil ay hindi niya inasahan na ipapanood ko sa kanya ang ginagawang pagsakal kay Nadine.“I don't give a damn chance to those who betray me,” nakangisi ko sabi sabay bitaw sa kadenang ginamit sa pagsakal kay Nadine. Nakatingin pa rin ako kay Ivan na walang imik sa tabi ng pintuan, “Take her out of my sight.”Tumalima si Ivan mula sa kinatatayuan at nilapitan ang nakahandusay na katawan ni Nadine. Napatingin pa ito sa akin na halatang naguguluhan, “A-ano po ba gagawin?”Damn! Napakatanga naman ng pinadalang tauhan sa akin, “Ilibing mo o itapon sa dagat para kainin ng mga pating!” Marahil napansin nito ang pagkairita ko kaya kumilos kaagad upang buhatin ang bangkay at lumabas ng silid.Nagtungo ako sa terrace at naupo sa couch na nasa gilid upang pagmasdan ang dagat. I can’t believe that Nadine can betray me. Could it be a karma dahil sa mga niloko ko mga babae noon?Isinandal ko ang aking li
Theo AgrianthroposThe next day, Samara called for a meeting. Inayos ang isang silid sa bahay upang maging temporary office. Samara explained every detail about the Frouch Family, kung paano nagsimula at nagsumikap si Hendric Frouch na aking lolo sa tuhod.“Kailangan ko ba talaga malaman ang lahat ng ‘yan?” I asked impatiently.“Of course, this will pass from generation to generation. Kailangan ito para magkaroon ng pagpapahalaga sa mga ginawa ni Hendric Frouch,” tugon ni Samara na nakataas ang kaliwang kilay.Hindi na ako kumibo at hinayaan na lang siyang magsalita nang magsalita. Natigil lamang ito nang may tumawag sa telepono at sinagot ang tawag. Nakamasid lamang ako sa kanya at wala pa rin kibo sa kinauupuan. I like to intimidate her ever since I was a child. Hindi siya nagagalit sa akin kahit hagisan ko pa siya ng mga nahuhuli ko palaka at ipis. But grandpa warned me na hindi na ako bata at magiging asawa na niya ang babaeng ito.“Sorry, it was an urgent call,” wika ni Samara n
TheoGermanyMahigit isang taon na rin ang nakakaraan mula nang dumating kami ni Felix sa Germany. Everything went smooth according to plan maliban na lamang ang tungkol kay Czarina. Wala itong alam sa tunay ko pagkatao at nagkataong nagtatrabaho siya sa jewelry store namin as a supervisor. But I'll tell her who I truly am tomorrow. Balak ko siyang sopresahin at yayain magpakasal. I know she is an ambitious woman who wants to be wealthy; she is also intelligent and gorgeous.I'm still in bed waiting for her to join me while drinking whisky. Nang bumukas ang pintuan ng banyo ay lumabas siya mula rito na nakatapis lamang ng puting tuwalya at nakalugay ang mahabang basang buhok. Her blonde hair makes her look sexier and more beautiful. Inilapag ko kaagad sa side table ang kopitang hawak.“Bereit?” tanong nito sa akin.Kanina pa ako handa para sa kanya kaya hinatak ko kaagad pagkalapit niya, “I’m always ready for you!”Inihiga ko kaagad siya sa kama at inalis ang tuwalyang nakatapis. Hind
Theo2021- AgrianthroposNagtungo kaagad ako sa aking bahay sa isla at kamuntik pa ako maligaw dahil pinaiba ang disenyo nito. Tanging ang museleo nila Maymay at Ramon lamang ang hindi pinakialaman.“Ivan!!!” hiyaw na tawag ko dahil kanina pa ako naiirita.Mabilis na lumapit sa akin si Ivan at nakayuko ang ulo na nagtanong, “Bakit po, sir?”“Anong ginawa niyo sa bahay ko?!”“S-si Master Frouch po ang nag-utos na baguhin ang bahay,” tarantang sagot nito. Alam ko wala na ako magagawa pa dahil sa kagustuhan ni lolo. “Alam mo ba kung nasaan si Samara?”“A-ah.”Alam ko alam ni Ivan kung nasaan si Samara dahil sa reaksiyon nito. Binunot ko ang baril na nakasukbit sa pantalon at tinutok sa kanya. “Sasabihin mo ba kung nasaan siya o babaunan ko ng bala ang ulo mo?”Nanginig si Ivan sa sobrang takot at itinuro ang isang pintuan na nasa second floor. Walang ikalawang palapag dati ang bahay na ito ngunit pinalagyan marahil ni lolo nang muli ipagawa.“Open that goddamn door to me,” utos ko.Pinau
TheoAgrianthroposNagkaharap kami ni Atty. Hart at nagkasundong sasamahan niya ako sa Africa upang makuha ang nararapat na para sa akin. Dahil hawak niya ang lahat ng ebidensiyang magpapatunay ng totoong pagkatao ko.Ikinuha si Samara ng isang personal psychiatrist upang mabilis na mapagaling ito. Paminsan-minsan ay nakikilala niya kami ni Felix at nakakausap siya ng matino. Sinabi rin niya ang dahilan ng pagkukulong nito sa silid ay dahil ito ang hinabilin sa kanya sakaling may mangyaring masama kay lolo. Marahil ay gusto ni lolo na protektahan si Samara kahit wala na ito.Nang dumating ang araw ng pagpunta sa Africa ay pinaghandaan naming mabuti ito. Kasama ang isang team ng assassins sa pamumuno ni Isauis at mga personal bodyguards ni atty. Si Felix ay hindi umaalis sa aking tabi at inaayos ang bullet vest na suot.AfricaLulan kami ng private plane ni Atty. Hart na lumapag sa airport ng Nigeria. Sinundo kami ng mga tauhan ni lolo at inihatid sa masasakyang mga yate papunta sa isa
Hestia Metro Manila“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Lucy.Kakatapos ko lamang na ayusin ang mga gamit sa tatlong may kalakihang bag, “Oo, ito na lang nakikita ko paraan para makatulong kay Tita Cess.”Tinulungan ako ni Lucy na ibaba ang mga dalang gamit at pagdating sa sala ay may kumatok sa pintuan.“Sino ‘yan?” tanong ni Lucy na lumapit sa pinto.“Ako ‘to, si Cess!” boses ni Tita Cess ang narinig namin.Binuksan kaagad ni Lucy ang pintuan upang makapasok si tita, “Sobrang aga niyo naman Tita Cess, madalang araw pa lang.”“Sinadya ko talaga na maaga makapunta rito dahil nag-aalala ako na hindi madatnan si Hestia,” tugon ni tita.“Maupo po kayo, tita. Tama lang naman ang oras ng pagpunta niyo at huwag niyo ng pansinin si Lucy,” wika ko. Nais ko talagang makasama si Tita Cess bago sumama kay Mr. Batobalani.Nag-usap kami ni tita tungkol sa perang kakailanganin ni Cara upang maituloy na ang kanyang operasyon at gamutan. Nang makuha ang detalya ng bank account ni ti
Theo Metro ManilaDahil walang magawa sa hapon kaya nagpasya ako mag-swimming. Tumalon ako sa swimming pool upang lumangoy papunta sa kabila at pabalik. Nang pag-ahon ko ay nasa harapan ko na si Samara at hindi maipinta ang mukha, “What?”“You need to see this,” tugon nito na hawak ang isang envelope.Lumapit ako sa sunlounger upang kunin ang tuwalya at ibinalot sa aking baywang bago muling harapin ito, “What is that?”Iniabot sa akin ni Samara ang envelope at binuksan ito. Laking gulat na lamang nang mabasa ang unang pahina ng papel na nakapaloob dito.“Kahit ako ay nagulat,” wika ni Samara sabay upo sa kabilang sunlounger, “Sino nga ba ang mag-aakalang siya ang nag-iisang anak ni Raul.”Sa pagbanggit ni Samara sa pangalan ni Raul ay muling nabuhay ang galit sa aking puso. Alam ko matagal ng patay ang lalaki at ako mismo ang kumitil sa buhay nito. Naupo ako kasabay ng paglukot sa papel at envelope, napapikit ang mga mata dahil hindi makapaniwala sa nalaman.“Anong balak mo ngayon? W
TheoMetro Manila “Theo?!” gulat na salubong sa aking ni Betchay. Hindi nito inasahan na magkikita kami muli.“Ako nga,” nakangiti ko tugon sabay abot ng kaniyang mga kamay.Mangiyak-iyak itong pinagpipisil ang aking mga palad dahil sa magkakahalong emosyong nararamdaman, “Akala ko ay hindi na tayo magkikita.”“Hindi puwedeng mangyari ‘yon. Si Nitoy nga pala?”“Mamayang hapon pa darating ‘yon dahil inutusan ko siya magtungo sa supplier upang kunin ang mga orders ko pampaganda,” nakangiting wika ni Betchay, “Halika sa opisina ko at para makapagkuwentuhan tayo ng masinsinan.”Hawak ni Betchay ang kaliwang kamay ko at hinayaan siyang dalhin ako sa sinabing lugar.“Stay outside,” utos ko kay Felix.“Puwede naman siyang pumasok sa opisina,” wika ni Betchay.“Ayos lang siya maghintay sa labas,” tugon ko at isinara ang pintuan ng opisina ni Betchay. “Umaasenso ka, ang laki ng salon na ito.”“Jusko! Kung alam mo lang,” sambit ni Betchay na itinirik pa ang mga mata, “Maupo ka nga muna.”Naupo
HestiaMetro manila“Tita, ano po ba ang dahilan ng pagparito niyo?” tanong ko nang mapansin kalmado na si Tita Cess.Magkatabi kami sa mahabang upuan ni tita at bumaling ito ng tingin sa akin, “A-ang pinsan mo.”“Ano po ang nangyari kay Cara?” nagtataka ko tanong. Lumapit naman sa amin si Lucy upang makiusyoso.“Dinugo na naman siya at sinugod ko ulit sa hospital,” naiiyak na tugon ni Tita Cess.Hinawakan ko ang isang kamay ni Tita Cess upang damayan ito, “Ano po ang sabi ng doctor?”“May tumubong myoma sa pinsan mo at kailangan maoperahan siya. Wala akong pagkukuhanan ng pera kaya nagtungo rito dahil nagbabakasakali matulungan mo ako,” paliwanag ni tita.“Aba! Ang hirap ng ganiyan at baka hindi na kayo magkaapo,” sabat ni Lucy sa usapan.Umiling si Tita Cess, “Wala kaso sa akin kahit hindi na ako magkaapo kay Cara. Ang mahalaga sa akin ay ang gumaling siya.”“Ano po ba ang sabi ni Jason?” tanong ko.“Wala, hindi na nagpakita pa ang lalaking ‘yon simula nang lumabas si Cara sa hospit
HestiaMetro Manila“Ayos ka lang?’ tanong ni Lucy sa akin nang magkita kami sa labas ng building.Umiling ako dahil hangga ngayon ay iniisip ko pa rin ang naging interview ko kanina. Pakiramdam ko ay hindi ko nasagot ng maayos ang mga tanong. Isa pa bumabagabag sa akin ay ang tungkol sa hindi ko pagpasok sa isang unibersidad. Marahil kung buhay lang si papa ay nakapag-aral sana ako sa isang magandang paaralan tulad dati.“Hoy!” tawag pansin sa akin ni Lucy, “Huwag mo ng isipin ‘yon, baka hindi para dito ang kagandahan natin.”Ngumiti ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Lucy, “Uwi na tayo?”“Mamaya na, pahinga muna tayo at mag-picture taking,” tugon ni Lucy na kinuha sa bulsa ang cellphone upang mag-selfie, “Lapit ka pa sa akin.”May katagalan na rin kami sa harapan ng building at dinig ko nagbubulungan ang mga nakasabay namin sa interview. Nagtataka ang mga ito na wala pa natatawag ni isa sa amin para sa final interview. Ang karamihan sa kanila ay mukhang may kaya sa buhay dahil sa
TheoMakatiInilapag ni Wilson na siyang Executive Assistant ko sa Frouch INC. ang mga files ng mga applikanteng nagsumite ng kanilang mga portfolio.Habang tinitignan isa-isa ang mga files ay napapakunot ang aking noo, “Is this all?”Umayos ng tindig si Wilson bago sumagot, “Yes, sir. It seems that you are dissatisfied with the selections.”Inilapag ko sa mesa ang mga hawak na papel at sumandal sa swivel chair. Tumingin ako kay Wilson mula ulo hangga paa, “Are you the one who selected them?”“No, sir. It was the HR department,” mabilis na tugon ni Wilson.“Leave me,” wika ko sabay senyas sa kanya na umalis sa harapan ko.Pagkaalis ni Wilson ay muli ko tinignan ang mga files at para ba ‘di mapakali. Bumaling ako ng tingin kay Felix na nagbabasa ng magazine sa gilid ng opisina, “Ehem…”Napatingin sa akin si Felix at tumayo upang lumapit, “You need something?”“Yes,” tugon ko sabay tayo, “let’s go back to the mansion.”Lumabas na kami ng opisina at naglakad sa hallway. Habang naglalakad
HestiaManilaPalabas kami ni Lucy sa training center nang bigla na lamang sumulpot si Jason sa harapan namin.“Kailangan natin mag-usap, Hestia,” wika nito.Aaktong hahawakan niya ako sa braso ngunit maagap akong nakaiwas at nakalayo ng bahagya, “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa!”“Hoy, lalaki! Ang kapal ng mukha mo guluhin pa ang kaibigan ko matapos ng ginawa mo sa kanya,” ani Lucy.Parang bingi naman si Jason na hindi pinansin si Lucy at humakbang pa palapit sa akin.“Kuya guard! May nanggugulo rito!” tawag ni Lucy sa guwardiyang nakabantay sa gate.Nataranta naman si Jason kaya nagpasyang umalis.“Oh, ano ka ngayon? Ang angas mo kanina, guwardiya lang pala ang katapat mo!” pahabol ni Lucy.Hindi namin namalayan na nakalapit sa amin ang guwardiya, “Anong problema mga miss?”“Pasensiya na po,” nahihiya ko tugon.“Ayos na, kuya. Umalis ang ‘yong peste,” sambit ni Lucy.Napapakamot na lamang ang guwardiya na bumalik sa tabi ng gate. Nagpasya na kami ni Lucy na maglakad patungo sa
TheoManilaPagdating ko sa sala ay naroon na sila Felix at ang ibang tauhan. Ngunit hindi ko inasahan na makita si Samara na nakaayos. “Going somewhere?” tanong ko sa kanya.“Of course, I’m going with you,” wika nito na nakataas ang kaliwang kilay.Nag-aalala ako sa kanya dahil sa pinagdaanan nito sa pagkawala ni lolo, “Makakabuting magpahinga ka na lamang dito at hintayin kami.”“No, matagal ako naghintay para sa araw na ito. Ang makita ang pagbagsak ni Pia, kaya sasama ako!” pagmamatigas nito.Tumingin ako kay Felix na sumang-ayon sa kagustuhan ng ina. Sumakay na ako sa sasakyan na katabi si Samara, “May balita na ba sa mga footages na pinadala ni Keros?”“Wala pa, pero nakita na ang sasakyan ni Dimitri ngunit sunog na ito at gumagawa ng paraan ang ibang tauhan upang makakuha ng ebidensiya sa kung sino ang gumawa nito,” sagot ni Samara na halata ang tensiyon sa boses.“Hindi bale, gumagawa na rin ng paraan ang organisasyon para makita ang labi ni lolo,” tugon ko. “Maiba ako, nakuha
HestiaManilaNapakabilis ng mga pangyayari at hindi ko maintindihan ang sarili na sumama na lamang sa lalaking ‘di kakilala. Puno ng kaba ang dibdib ko sa mga ikinilos nito at tila ba matagal ko na siyang kakilala. Ang nakakapagtaka ay para bang may katulad ang kanyang asul na mga mata. Ang pagkiskis ng aming mga noo ay lalong nakapagpatindi ng aking kaba.Nang maihatid na ko sa apartment ay inakalang bababa ito ng sasakyan. Nais ko sana silang imbitahan na mag-kape man lang bilang pasasalamat sa paghatid sa akin. Ngunit hindi ito bumama at kahit isa sa kanyang mga kasama ay walang bumama ng sasakyan. Nang makapasok na ako sa pintuan at saka ko pa lamang narinig ang mga sasakyan na umalis.“Kanino mga sasakyan ‘yon?” tanong ni Lucy na pababa ng hagdanan na marahil naistorbo ang gising,“Wala,” tipid ko sagot.“Anong wala? Hinihatid ka ng mayamang tao, ‘no?” pag-uusisa nito.“Isang customer ‘yon sa club na nagmalasakit na ihatid ako,” sabi ko. Nagtungo ako sa maliit na kusinang dinudu