UMIGTING ang pangang nakipagsukatan ng tingin si Vladimir kay Gabriel. Nakapaglakad na ito gaya sa impormasyong nakalap niya. Ngunit, hindi na gaya noon ang pagtitig nito sa kanya nang masama. Tila, may nag-iba na rito.“Magandang gabi señorito Gabriel, may naghahanap sayo kanina at nagpapasabing tawagan mo na lang daw siya pabalik. Siya raw po si Victoria,” paliwanag ni Cherry.Naintrigang dumekwatro ng upo si Vladimir. Sumulyap sa kanya ang kapatid bago ito humakbang paalis.He smirked,He don't want to stay long. Hindi dahil, ayaw niyang tumira kasama ang kapatid pero ayaw niya lang maalala ang presensya ng babaeng naging dahilan kung bakit gusto niyang magpakalayo. Si Carmela, matagal man itong nawala ngunit, hindi niya maalis pa rin sa puso, ang mangulila.“Forgive me, Mela, please help me to find Almira,” naisatinig ng kaniyang isipan.Tangan ang kopitang may laman ng alak nang madatnan siya ni Bartolome sa sala. Nakabalik ito mula sa Maynila at mukhang kakarating lang nito.Bar
“Almira,” nabosesan niyang sambit ni Vladimir nang iangat niya ang mukha at tingnan ang kaharap.Nanubig ang matang nagtama ang kanilang mga mata.“Almira,” muling sambit ng binata at niisang hakbang si Almira upang ikulong sa bisig nito.Hindi makaimik at tanging pagbagsak lamang ng luha ang nagawa ni Almira. Naipikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang yakapin siya ni Vladimir.“It’s you. God! Ikaw nga, Almira. Kaytagal na kitang hinanap. Babe, I really missed you,” nabasag ang tinig na sambit ni Vladimir.“Vlad,” gumaralgal ang tinig na sabi ni Almira. “Vlad, let me go. Wala ng tayo, Vladimir.”Lumuwag ang pagyakap ng binata, gumuhit sa mukha nito ang pait at pilit na ngiti.“I’m sorry Almira. Forgive me, nabigla lang ako ng makita kita. Hindi ko inaasahan na matatagpuan kita rito.”Nawala ang ngiti sa labi ni Almira ng makita ang hawak ni Vladimir. Bulaklak iyon, isang kumpon ng white rose. Kagat ang labi upang pigilan ang sariling hindi maluha. Ngunit, bumuo na naman ng luha a
NAPANGITI si Almira at natuwa sa batang karga niya. Napakaganda ng ngiti nito at tinutunaw nito ang kalungkutan niyang nadarama. Ngunit, ganun na lamang ang takot niya ng unti-unti itong nawala sa bisig niya. Napaiyak siya at humagulhol. Hanggang sa nagising siya mula sa pagkakatulog.“Almira, Diyos ko salamat at nagising ka na anak,” naisambit ng kanyang ina. Mugto ang mga mata nito ng matitigan ng dalaga.“Nay? Umiyak ka ba?” Usisa niya at akmang babangon ay mabilis siyang pinigilan ni Gabriel na naroon nakatayo sa kanyang tabi.“Don’t move, Almira. Makakasama sayo ang kumilos kaagad,” puno ng pag-aalalang anito.“Ayos lang ako Gabriel, salamat sa pag-aalala.”Napatitig si Almira sa binata ng hawakan nito ang kaniyang kamay at pisilin ito. Nanubig din ang matang tinitigan ng inay niya si Almira bagay na ipinagtaka ng dalaga.“Nay? May problema ba?”“Anak, kasi—” gumargal ang tinig ng inay niya at tuluyan itong humagulhol. “Ang anak mo. . .wala na siya,” nahirapan nitong sabi.Natigi
SA mga araw na lumipas ay naging mahirap para kay Almira na harapin ang bukas. Hindi niya maalis sa sarili ang pagiging isang ina. Sa mga sandaling ito ay inaaliw niya ang sarili sa pagiging personal nurse ni Gabriel. Hindi siya nagmukmok dahil kapag ginawa niya iyon tiyak na ikakabaliw niya.“Ang señorito mo?” usisa ni Madam Kate ng pumasok ito sa kuwarto ng binata.“Nasa loob po, naliligo.”Napakagat-labi ang ginang, ngumiti ito at saka kinuha mula sa kaniya ang hinawakan.“Almira, hayaan mo na iyan. Si Aling Lordes na ang gagawa niyan. Ang pagiging taga-alaga na lang ni Gabriel ang gagawin mo,” saway sa kanya ni Madam Kate nang hawakan niya ang unan para ayusin ito.“Wala naman po akong gagawin bukod sa pagpapaalala lang kay Gab—kay Señorito Gabriel sa iinumin niyang gamot,” kaagad niyang sabi at muntik niyang sambitin ang ngalan ng binata sa gusto niyang itawag dito.Ngumiti ang ginang sabay tap nito sa balikat ng dalaga.“You don’t have to. Sige na, ihanda mo na ang susuotin ng se
NAKATUTOK sa harap ng computer monitor si Almira nang biglang lumabas ang isang mensahe galing sa kanyang email account. Bahagyang kumunot-noo niya ng mabuksan ito dahil na rin naka-spam message at mula iyon sa isang anonymous account. Nang mabasa niya ang mensahe ay tumambad sa kanya ang ilang kuha ng larawan niya, may nakaupo at nakangiti habang kausap niya sa larawang iyon si Mylene, kaibigan niya. Pagkatapos niyang basahin ang naka-subject ay napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig. Bumundol ang matinding kaba sa dibdib niya at nanginginig ang kaniyang kamay habang tumipa para ibuhos sa taong iyon ang kanyang nadaramang galit at inis. Dali-dali niyang ini-report ang account na iyon at binura ang mensahe nito bago pa man bumalik sina Vlad at ang mga kaibigan niya na nasa labas at masayang nagku-kuwentuhan.Nasa kuwarto siya sa mga sandaling iyon kung kaya't mabilis niyang pinatay ang kanyang laptop ‘tsaka lumabas ng kanyang silid. Paglabas niya ay nadatnan niya ang kanyang noby
KUNOT-NOO, ng matanggap ni Vladimir, ang ipinadalang mensahe sa kanya ni Almira, kakatapos niya pa lang maglinis ng kaniyang katawan kaya lumabas siya ng banyo.His topless, basa pa ang kaniyang buhok kaya tumutulo mula roon ang iilang butil ng tubig. Sa mga sandaling ito ay nasa isang birthday party si Almira, kasama nito sina Bartolome, at Mylene.Habang abala siya sa pagtitipa mula sa kanyang cellphone ay bumukas ang pintuan ng kuwarto niya bagay na ikinaangat niya ng mukha at kunot-noo ng makita niyang si Bridgette, ang pumasok. Suot nito ang kulay pulang roba, manipis at panigurado niyang kunting galaw lamang nito ay mababaklas ang tali ng suot nito.Sinasamantalahan nito ang kahinaan niya bilang isang lalaki ngunit, hindi siya gagawa ng ikakasira ng pangako niya sa nobya.He clenched his jaw, “What do you think you're doing, Bridgette?” Anas niya ngunit, may kakapalan ng mukha ang babae at nagpatuloy lamang sa paglapit sa kinaroroonan niya.“Why? Don't you like what I'm wearin
NAGISING kinabukasan si Almira, na walang saplot sa kaniyang katawan at parang minartilyo rin ang kaniyang ulo dahil, sa sobrang sakit nito. Lalo niyang ikinatakot ay dahil pati maselang bahagi ng kaniyang katawan ay masakit din. Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Pinagsamantalahan siya ng isang estranghero, na nawala naman na parang bula pagkagising niya kinabukasan.Ramdam niya ang mainit na paglandas ng kaniyang mga luha at napahagulgol na lamang. Diring-diri siya sa sariling masagi sa kaniyang isipan ang ilang eksenang naalala niya. Ang mainit na tagpo't pag-angkin sa kanya ng lalaking hindi niya kilala. Ibinalot niya kaagad sa hubad niyang katawan ang puting kumot. Nahirapan man siya ngunit, kinakailangan niyang makauwi sa kanyang apartment.PAULIT-ulit niyang sinasabon ang kaniyang katawan habang diring-diri sa sariling pinagmamasdan ang kaniyang sarili. Muli ay napahikbi siya at nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at ikinulong
ISANG buwan ang matuling lumipas mula nang mangyari sa buhay ni Almira, ang isang gabing insidente na pinipilit niya ng burahin sa kaniyang isipan. Pinipilit niya rin maging komportable muli sa tuwing kasama si Vladimir, dahil, mas pinili niyang ipadama rito ang tunay niyang nararamdaman. She act like she’s okay. She loved Vladimir, at hindi niya kakayaning iiwan siya nito.Kakagising pa lamang niya ng bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at iniluwa mula doon si Mylene, nakangiti ito at masiglang-masigla ang mukha ng tumitig sa kaniya.Bahagya niyang kinusot-kusot ang kaniyang mga mata saka sumilay sa labi ang ngiting tipid. Sa kabila ng nangyari sa kanya ay hindi siya iniwan ni Mylene, sinamahan siya nito at pinapalakas ang kaniyang kalooban kahit sa mga araw na pasuko na siya. Mahina siya at ang kahinaan niya ay si Vladimir, mahal na mahal niya ito na kahit kinakain na siya ng kanyang konsensya ay nagawa niyang maglihim. Natatakot siya na baka iwan siya ni Vladimir, oras na mala
SA mga araw na lumipas ay naging mahirap para kay Almira na harapin ang bukas. Hindi niya maalis sa sarili ang pagiging isang ina. Sa mga sandaling ito ay inaaliw niya ang sarili sa pagiging personal nurse ni Gabriel. Hindi siya nagmukmok dahil kapag ginawa niya iyon tiyak na ikakabaliw niya.“Ang señorito mo?” usisa ni Madam Kate ng pumasok ito sa kuwarto ng binata.“Nasa loob po, naliligo.”Napakagat-labi ang ginang, ngumiti ito at saka kinuha mula sa kaniya ang hinawakan.“Almira, hayaan mo na iyan. Si Aling Lordes na ang gagawa niyan. Ang pagiging taga-alaga na lang ni Gabriel ang gagawin mo,” saway sa kanya ni Madam Kate nang hawakan niya ang unan para ayusin ito.“Wala naman po akong gagawin bukod sa pagpapaalala lang kay Gab—kay Señorito Gabriel sa iinumin niyang gamot,” kaagad niyang sabi at muntik niyang sambitin ang ngalan ng binata sa gusto niyang itawag dito.Ngumiti ang ginang sabay tap nito sa balikat ng dalaga.“You don’t have to. Sige na, ihanda mo na ang susuotin ng se
NAPANGITI si Almira at natuwa sa batang karga niya. Napakaganda ng ngiti nito at tinutunaw nito ang kalungkutan niyang nadarama. Ngunit, ganun na lamang ang takot niya ng unti-unti itong nawala sa bisig niya. Napaiyak siya at humagulhol. Hanggang sa nagising siya mula sa pagkakatulog.“Almira, Diyos ko salamat at nagising ka na anak,” naisambit ng kanyang ina. Mugto ang mga mata nito ng matitigan ng dalaga.“Nay? Umiyak ka ba?” Usisa niya at akmang babangon ay mabilis siyang pinigilan ni Gabriel na naroon nakatayo sa kanyang tabi.“Don’t move, Almira. Makakasama sayo ang kumilos kaagad,” puno ng pag-aalalang anito.“Ayos lang ako Gabriel, salamat sa pag-aalala.”Napatitig si Almira sa binata ng hawakan nito ang kaniyang kamay at pisilin ito. Nanubig din ang matang tinitigan ng inay niya si Almira bagay na ipinagtaka ng dalaga.“Nay? May problema ba?”“Anak, kasi—” gumargal ang tinig ng inay niya at tuluyan itong humagulhol. “Ang anak mo. . .wala na siya,” nahirapan nitong sabi.Natigi
“Almira,” nabosesan niyang sambit ni Vladimir nang iangat niya ang mukha at tingnan ang kaharap.Nanubig ang matang nagtama ang kanilang mga mata.“Almira,” muling sambit ng binata at niisang hakbang si Almira upang ikulong sa bisig nito.Hindi makaimik at tanging pagbagsak lamang ng luha ang nagawa ni Almira. Naipikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang yakapin siya ni Vladimir.“It’s you. God! Ikaw nga, Almira. Kaytagal na kitang hinanap. Babe, I really missed you,” nabasag ang tinig na sambit ni Vladimir.“Vlad,” gumaralgal ang tinig na sabi ni Almira. “Vlad, let me go. Wala ng tayo, Vladimir.”Lumuwag ang pagyakap ng binata, gumuhit sa mukha nito ang pait at pilit na ngiti.“I’m sorry Almira. Forgive me, nabigla lang ako ng makita kita. Hindi ko inaasahan na matatagpuan kita rito.”Nawala ang ngiti sa labi ni Almira ng makita ang hawak ni Vladimir. Bulaklak iyon, isang kumpon ng white rose. Kagat ang labi upang pigilan ang sariling hindi maluha. Ngunit, bumuo na naman ng luha a
UMIGTING ang pangang nakipagsukatan ng tingin si Vladimir kay Gabriel. Nakapaglakad na ito gaya sa impormasyong nakalap niya. Ngunit, hindi na gaya noon ang pagtitig nito sa kanya nang masama. Tila, may nag-iba na rito.“Magandang gabi señorito Gabriel, may naghahanap sayo kanina at nagpapasabing tawagan mo na lang daw siya pabalik. Siya raw po si Victoria,” paliwanag ni Cherry.Naintrigang dumekwatro ng upo si Vladimir. Sumulyap sa kanya ang kapatid bago ito humakbang paalis.He smirked,He don't want to stay long. Hindi dahil, ayaw niyang tumira kasama ang kapatid pero ayaw niya lang maalala ang presensya ng babaeng naging dahilan kung bakit gusto niyang magpakalayo. Si Carmela, matagal man itong nawala ngunit, hindi niya maalis pa rin sa puso, ang mangulila.“Forgive me, Mela, please help me to find Almira,” naisatinig ng kaniyang isipan.Tangan ang kopitang may laman ng alak nang madatnan siya ni Bartolome sa sala. Nakabalik ito mula sa Maynila at mukhang kakarating lang nito.Bar
NANG sumunod na araw ay ipinagpatuloy ni Almira ang paninilbihan kay Gabriel. Pansin niya pagbabago sa binata, mula sa pagiging masungit ay lagi na itong nakangiti sa tuwing kasama siya. May improvement na rin sa pagsusumikap nitong ginagawa para makapaglakad muli.Kaagad niyang kinuha mula sa bag ang malinis na bimpo. Nang tumigil mula sa pag-e-enerhisyo ang binata ay kaagad niyang iniabot dito ang hawak.“Trapuhin mo ang pawis mo, masama sa katawan ang matuyuan ng pawis,” utos niya rito.Ngumiting tipid si Gabriel at saka humakbang palapit sa kanya, “Bakit hindi ikaw ang gumawa? Masakit ang mga muscles ko, parang ang hirap ikilos,” kunwari nito.Nataranta si Almira at wala nang nagawa pa kundi ang gawin ang sinabi nito. Dahil sa may katangkaran ang binata ay hirap siyang abutin ang noo nito bagay na ikinaatras niya nang iyuko ni Gabriel ang ulo at pumantay sa kanya.“Ayos na ba?” Nakakalokong ngiting tanong sa kanya ni Gabriel.Naiwas niya ang paningin at tinuyo ang pawis nito gamit
TAHIMIK lang bumyahe pauwing Tierra Fuego sina Kate, Bartolome at Vladimir. Paglipas ng isang linggo ay naka-recover ang binata mula sa natamo nitong aksidente. Sa makalawa ang death anniversary ng kanilang kanilang papa kung kaya ay napa-desisyon ni Kate na isama pauwin ang dalawang binata. Binalingan niya ng tingin si Vladimir na noon ay nakapikit lamang ang mga mata at mukhang nakatulog ito. Si Bartolome naman ay pansin niya ang lungkot sa mga mata nito. She heaved a sighed, nabalitaan niyang nagalit ang babaeng pinopormahan nito dahil hindi niya inaming siya ang boss nito. Naawa man siya ngunit, ayos din iyon upang bigyan ng leksyon ang pilyong anak.“Jeez! Why she can't forgive me? Ginawa ko lang naman iyon para makasama siya?” she heard Bartolome's mumbled.“Give her time, son. It's your fault, you lied to her,” Bumuntonghininga si Bartolome at sinubukan muli nitong tawagan ang numerong nakarehistro sa kanyang cellphone pero out of reach na ito. Napasandal na lamang ito sa
NAGPAKAWALA nang malalim na buntonghininga si Pacita. Sinilip ang dalagang mahimbing mula sa pagkakatulog. Pansin niya rin ang pagbabago sa hubog ng katawan ni Almira, kahit suot man nito ang malaking damit ay hindi maikubli ang pag-umbok na ng tiyan nito.Marahan siyang tumabi sa dalaga, maingat na hinaplos ang buhok nito at saka hinagkan sa ulo.Kumawala ang iilang butil ng luha sa kaniyang mga mata, habang nanginig ang labing pigil ang paghikbi nang nakatitig dito. Nakikita niya kasi ang sarili sa dalaga, ang pinagdaraanan nito. Napatakip siya sa ng bibig. Kaagad na pinahiran ang luhang namilibis sa pagbagsak at kasabay niyon ay ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. Isang mapait na nakaraan.TATLONG buwan nang manilbihan si Pacita sa mga Natividad. Isa sa anak ni Don Faustino ang naging amo niya. Si Enricko Natividad, ang ikalawa sa magkakapatid na Natividad. Kilala ito bilang alkalde sa bayan ng Sta. Fe. Bukod sa pagiging arogante ng binata ay malimit lamang ang kinakausap nito.
NAGMULAT ng mata si Vladimir, unang bumungad sa kanya ang puting pintura ng kisame. Bahagyang umawang ang bibig niyang may nakalagay na tubo. Iginala niya rin ang mga mata sa paligid ngunit hindi niya maikilos ang katawan. Mabigat, at may ilang parte ng katawan niya ang masakit.“Almira. . .” naisambit niya at hindi na muling nadugtungan pa.Nagising nga siya ngunit si Almira pa rin ang sinasambit ng kaniyang puso at bibig.Eksenang ikinasaya ni Kate, ang mommy ni Gabriel. Naiiyak nitong niyakap ang binata.“I’m glad that you're awake, Vladimir. God, I am so worried about you.”Hinayaan ni Vladimir na yakapin siya ng ginang. Hindi niya inaasahan ang pagpunta nito. Bahagyang inilayo ni Kate ang sarili sa kanya at ubod-tamis siya nitong ningitian.“Gabriel will be happy if he knew that you're getting fine. Mukha lang siyang galit but he is concerned,” Kate said.“Almira,” tanging nailabas ng bibig ni Vladimir.Kunot-noo ay napatanong ang ginang, “Who’s Almira, Vladimir?” anito at hindi
NAKAHILATA sa hospital bed si Vladimir, nang mapuntahan ni Briggete. Kabakasan ng sobrang pag-alala ang mukha nito dahil sa natamo ng binata. Itinabi niya ang kanyang clutche pati ang dala niyang bulaklak at prutas. Naupo siya sa bakanteng upuan. Hinawakan niya ang kamay ni Vladimir, at saka dinala niya ito sa bibig para halikan.She teary eyed and kissed Vladimir's cheeks, “Gumising ka na, hindi ka dapat nakahilata riyan Vladimir, I’m so worried about you.” Hinaplos niya ang mukha ng binata saka ito nagpatuloy, “Kasalanan ni Almira, kung bakit nangyari sayo ’to. Siya lang ang dapat sisihin Vladimir, she leaves you, samantalang nag-aagaw buhay ka!” paninisi niya kay Almira.Minasahe niya ang kamay ng binata pati ang mga daliri nito.“Kung sana, ako na lang ang minahal mo, hindi ’to mangyayari sayo Vlad. But, I am willing to wait until you love me back.”He stood up, inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata mula sa napaka-himbing nitong pagkakatulog. Inilapit niya ang labi upang ha