Home / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 28

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 28

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-02-20 23:31:09

Pero imbes na isda, putik at buhangin lang ang lumipad pataas.

Natawa nang malakas si Klarise. "Yan ba ang sinasabi mong magaling kang manghuli?"

"Minsan lang ako pumalpak!" sagot ni Louie, tila naiinis pero kita sa mukha niya ang pilit na pinipigilang tawa.

Nagpatuloy silang maghanap hanggang sa makahanap si Klarise ng isang malaking alimango.

"Louie! Ang laki nito! Tulong!" sigaw niya habang pilit na pinipigilan ang alimangong makawala sa kanyang mga kamay.

"Ingat ka, baka makagat ka niyan!" mabilis na lumapit si Louie at tinulungan siyang mahuli ito.

Sa loob ng isang oras, nakahuli sila ng dalawang isda at ilang alimango. Ginamit nila ang lumang tuyong kahoy para lutuin ito.

Habang kumakain sila, panandalian nilang nakalimutan ang takot at gutom.

"Alam mo, Louie, kahit ganito ang sitwasyon natin, parang mas nakakagaan kapag kasama kita," seryosong sabi ni Klarise.

Napangiti si Louie. "Mahal, wala ka nang ibang choice kundi ako lang ang kasama mo. Gusto mo man o hindi."

Natawa si Kl
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 29

    Nagsimula nang bumigat ang mga mata ni Klarise nang may narinig silang kaluskos mula sa dilim…Hindi sila nag-iisa.Sa madilim at masukal na kampo ng mga rebelde, pinipigilan nina Chloe at Mark ang kanilang kaba habang nagbubulungan."Hindi tayo pwedeng maghintay lang dito. Kailangan nating makatakas," mahina ngunit matigas na bulong ni Chloe sa asawa.Napatingin si Mark sa paligid—ang mga bihag ay pagod, gutom, at takot. Ang ibang kababaihan ay umiiyak nang tahimik, habang ang ibang lalaki naman ay halatang wala nang lakas para lumaban. Sa isang sulok, nakabantay ang tatlong armadong rebelde, hawak-hawak ang kanilang baril."Paano tayo makakatakas kung kahit gumalaw lang tayo, tinututukan na tayo ng baril?" sagot ni Mark.Bago pa man makasagot si Chloe, isang sigaw ang pumuno sa kampo."Tumigil kayo sa kaiiyak! Kung gusto niyong mabuhay, manahimik kayo!" sigaw ng isa sa mga rebelde, sabay sipa sa isang lalaking bihag na humahagulgol.Lalong nanlamig ang pakiramdam ni Chloe. Kailangan

    Last Updated : 2025-02-20
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 30

    Habang nagugutom at nanghihina si Klarise, hindi mapakali si Louie. Alam niyang kailangang makahanap agad ng pagkain para sa asawa. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon—bilang isang bihasang surgeon, mas abala siya sa mga high-class na operasyon kaysa sa paghuli ng hayop sa kagubatan. Pero sa pagkakataong ito, wala siyang ibang pagpipilian."Klarise, maghintay ka lang dito," mahinang sabi ni Louie habang inaalalayan ang asawa upang umupo sa ilalim ng isang punong may malalapad na dahon. "Gagawa ako ng paraan para may makain tayo.""Louie… mag-ingat ka," mahina niyang tugon, ramdam ang pagod sa bawat salita.Tumango si Louie at mabilis na gumalaw. Habang naglalakad siya palayo kay Klarise, napansin niyang may mga maliliit na bakas ng paa sa putik—mga yapak ng mga hayop. Napangiti siya nang mapansin ang ilang wild chickens na palakad-lakad sa kakahuyan."Mukhang swerte tayo ngayon," bulong niya sa sarili.Mabilis siyang naghanap ng matitibay na sanga at vines para gawing bitag. Sinubu

    Last Updated : 2025-02-22
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 31

    Napatitig si Klarise sa kanya. Hindi siya sigurado kung saan nanggagaling ang determinasyon ni Louie, pero kahit papaano, nadadala siya nito.Matapos ang ilang minutong katahimikan, tumigil ang ulan, at nagkaroon ng pagkakataon si Louie na muling maghanap ng tuyong panggatong.Habang abala siya sa pagkolekta ng kahoy, napansin niyang tahimik na nakaupo si Klarise sa ilalim ng isang puno, mahigpit na nakayakap sa sarili."Klarise?" lumapit siya rito, punong-puno ng pag-aalala."Louie, hindi ko na kaya… ang lamig…" mahinang tugon nito.Agad siyang umupo sa tabi nito, hinubad ang kanyang jacket at isinuklob sa balikat ng asawa."Dito ka lang, ipikit mo ang mga mata mo. Sisiguraduhin kong makakakain tayo ngayong gabi."Gamit ang dalawang bato, sinubukan niyang lumikha ng apoy. Ngunit sa bawat pagsubok niyang sindihan ito, lagi na lang itong namamatay."Tangina naman!" Napalayo siya sa frustration.Natawa si Klarise kahit mahina. "Tingnan mo ‘yang mukha mo. Para kang bata na hindi nakuha a

    Last Updated : 2025-02-22
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 1

    Sa mundo ng mga mayayaman, hindi damdamin kundi pangalan at kapangyarihan ang nasusunod. Ngunit paano kung isang araw, matali ka sa isang sumpaang kailanman ay hindi mo ginusto....Forbes Park Mansion, Manila"Klarise, anak! Bumangon ka na! Malalate tayo sa binyag!" sigaw ni Pilita Olive habang kumakatok sa napakalaking kwarto ng anak.Nasa loob ng isang engrandeng silid si Klarise, napapalibutan ng mga mamahaling chandelier at custom-made European furniture. Ang mga kurtina ay mula sa Italy, ang carpet ay handwoven mula sa Persia. Ngunit kahit gaano ka-ganda ng paligid niya, isa lang ang gusto niya ngayon—ang matulog!Dumating siya kagabi mula Paris sakay ng kanilang private jet, pagod sa rehearsals at performances bilang isang kilalang ballerina. Halos hindi pa siya nakakapagpahinga, tapos ngayon, gigisingin siya para sa isang binyag?"Mom, I swear to God, if this is not important—" ungol niya habang pilit tinatakpan ng unan ang kanyang mukha."Binyag ‘to ng anak ng pinsan mo, kaya

    Last Updated : 2025-02-10
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 2

    The Wedding Venue: The Grand Versailles Garden, ManilaKung may isang lugar sa bansa na masasabing epitome ng kayamanan, ito na ‘yon. Ang venue ay isang napakalawak na hardin na tila hinango sa Versailles ng France. Mamahaling puting rosas ang bumabalot sa bawat sulok. May classical musicians na tumutugtog ng soft symphony, at ang buong set-up ay napaka-elegante na parang isang royal wedding.Ang hindi alam nina Klarise at Louie, ito nga ang kanilang kasal.Sa isang pribadong kwarto malapit sa altar, nakaabang si Klarise, hindi makapaniwala sa nakikita niya."Mom, bakit ganito ang set-up?! Akala ko binyag ‘to!"Napaigtad si Pilita ngunit ngumiti nang pilit. "Well… surprise?""Ano?!" Nanlaki ang mga mata ni Klarise. "Tell me this is a joke!" Hindi ito totoo. Hindi puwedeng totoo! Mabilis siyang umatras, handang tumakbo palayo, pero bago pa siya makalabas ng venue, biglang may humarang sa kanya na mga bodyguard ng pamilya! "Let go of me!" Pilit niyang pinigilan ang dalawang lalaki

    Last Updated : 2025-02-10
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 3

    Pero para kay Klarise, wala siyang pinagkaiba sa isang bangungot na nagkatawang-tao. "Dapat ikaw ang sumuko muna, hindi ako!" mariin niyang sagot, pilit pinipigil ang galit. Napailing siya. "Oh, so ganito na lang? Pataasan tayo ng pride?" "Exactly! Kung sino ang unang sumuko, talo!" "Alam mo, nakakabaliw ka." "Salamat! At kung susuko ka na, mas lalo akong matutuwa!" Biglang umubo ang pari sa harapan namin, halatang naguguluhan. "Tuloy pa ba ang kasal?" Saglit na napalingon sa paligid si Klarise. Ang buong cathedral ay tahimik, puno ng tensyon. Ang mga bisita ay hindi kumikibo, hinihintay ang susunod na mangyayari. Ilang dekada nang pinlano ng mga pamilya namin ang kasal na ito, at ngayon, lahat sila'y nakatingin sa kanilang dalawa, parang nanonood ng isang scandalous live show. Pero bago pa kami makasagot ni Louie— "Tuloy po, Father, ang kasal nila." Sabay pang nagsalita ang mga magulang nila. "ANO?!" sabay nilang sigaw ni Louie. Napanganga si Klarise na hindi makapaniwala. "Mommy

    Last Updated : 2025-02-10
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 4

    Ang mga mata ni Klarise ay hindi pa rin mapakali, hindi alam kung paano haharapin ang mundo pagkatapos ng araw na ito. Ang kanyang mga magulang, pati na rin ang mga magulang ni Louie, ay puno ng kaligayahan, ngunit siya? Parang isang pagkatalo. Parang ang lahat ng pangarap na inaasam niya ay unti-unting naglalaho sa ilalim ng bigat ng imposisyon ng kanyang pamilya."Louie," bulong niya, pilit na iniiwasan ang mga matang nakakakita ng lahat ng nangyayari. "Kailangan nating mag-usap."Napatingin si Louie sa kanya, ang mga mata'y puno ng sama ng loob at takot. "Hindi ba’t wala na tayong magagawa?" tanong niya, may kabigatan sa boses. "Ang lahat ng ito, kahit gusto ko, hindi ko na kayang baguhin."Si Klarise ay napahigpit ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay. “I know... Pero Louie, hindi ko ito ginusto. Wala akong kalayaan. Ang lahat ng ito... pati ikaw... I’m sorry. Ngayon pa lang tayo nagkita at hindi kita kilala. Pwede ba nating tapusin ito na parang walang nangyari?”"Sa totoo lang,

    Last Updated : 2025-02-10
  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 5

    Pilit na hinawakan ni Pilita ang kanyang kamay. "Anak, alam kong mahirap intindihin sa ngayon, pero—""Pero ano?" Napabuntong-hininga si Klarise, iniwas ang kamay. "Akala ko, nandito ako para sa binyag, pero hindi! Isa pala akong tupa na dinala sa altar nang walang kaalam-alam!""Kung gusto mong magreklamo, Klarise, bakit hindi ka na lang umalis?" sarkastikong sabat ni Louie habang nakapamulsa at nakatingin sa kanya. "Oh, tama. Hindi mo kaya, ‘di ba? Dahil kahit ano'ng gawin mo, wala ka nang choice."Tiningnan siya ni Klarise nang masama. "Kung wala akong choice, gano'n ka rin! Kaya huwag kang magpanggap na parang ikaw ang pinakamalaking biktima rito!"Napangisi si Louie, pero halatang pilit. "Oh, hindi ako nagpapanggap. Alam kong pareho tayong kawawa rito, pero at least, hindi ako umiiyak na parang bata."Napairap si Klarise at umismid. "Kapag dumating ang araw na gusto mo nang lumabas sa impyernong ‘to, huwag kang hihingi ng tulong sa akin, Louie.""Same goes for you, wifey," aniya,

    Last Updated : 2025-02-10

Latest chapter

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 31

    Napatitig si Klarise sa kanya. Hindi siya sigurado kung saan nanggagaling ang determinasyon ni Louie, pero kahit papaano, nadadala siya nito.Matapos ang ilang minutong katahimikan, tumigil ang ulan, at nagkaroon ng pagkakataon si Louie na muling maghanap ng tuyong panggatong.Habang abala siya sa pagkolekta ng kahoy, napansin niyang tahimik na nakaupo si Klarise sa ilalim ng isang puno, mahigpit na nakayakap sa sarili."Klarise?" lumapit siya rito, punong-puno ng pag-aalala."Louie, hindi ko na kaya… ang lamig…" mahinang tugon nito.Agad siyang umupo sa tabi nito, hinubad ang kanyang jacket at isinuklob sa balikat ng asawa."Dito ka lang, ipikit mo ang mga mata mo. Sisiguraduhin kong makakakain tayo ngayong gabi."Gamit ang dalawang bato, sinubukan niyang lumikha ng apoy. Ngunit sa bawat pagsubok niyang sindihan ito, lagi na lang itong namamatay."Tangina naman!" Napalayo siya sa frustration.Natawa si Klarise kahit mahina. "Tingnan mo ‘yang mukha mo. Para kang bata na hindi nakuha a

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 30

    Habang nagugutom at nanghihina si Klarise, hindi mapakali si Louie. Alam niyang kailangang makahanap agad ng pagkain para sa asawa. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon—bilang isang bihasang surgeon, mas abala siya sa mga high-class na operasyon kaysa sa paghuli ng hayop sa kagubatan. Pero sa pagkakataong ito, wala siyang ibang pagpipilian."Klarise, maghintay ka lang dito," mahinang sabi ni Louie habang inaalalayan ang asawa upang umupo sa ilalim ng isang punong may malalapad na dahon. "Gagawa ako ng paraan para may makain tayo.""Louie… mag-ingat ka," mahina niyang tugon, ramdam ang pagod sa bawat salita.Tumango si Louie at mabilis na gumalaw. Habang naglalakad siya palayo kay Klarise, napansin niyang may mga maliliit na bakas ng paa sa putik—mga yapak ng mga hayop. Napangiti siya nang mapansin ang ilang wild chickens na palakad-lakad sa kakahuyan."Mukhang swerte tayo ngayon," bulong niya sa sarili.Mabilis siyang naghanap ng matitibay na sanga at vines para gawing bitag. Sinubu

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 29

    Nagsimula nang bumigat ang mga mata ni Klarise nang may narinig silang kaluskos mula sa dilim…Hindi sila nag-iisa.Sa madilim at masukal na kampo ng mga rebelde, pinipigilan nina Chloe at Mark ang kanilang kaba habang nagbubulungan."Hindi tayo pwedeng maghintay lang dito. Kailangan nating makatakas," mahina ngunit matigas na bulong ni Chloe sa asawa.Napatingin si Mark sa paligid—ang mga bihag ay pagod, gutom, at takot. Ang ibang kababaihan ay umiiyak nang tahimik, habang ang ibang lalaki naman ay halatang wala nang lakas para lumaban. Sa isang sulok, nakabantay ang tatlong armadong rebelde, hawak-hawak ang kanilang baril."Paano tayo makakatakas kung kahit gumalaw lang tayo, tinututukan na tayo ng baril?" sagot ni Mark.Bago pa man makasagot si Chloe, isang sigaw ang pumuno sa kampo."Tumigil kayo sa kaiiyak! Kung gusto niyong mabuhay, manahimik kayo!" sigaw ng isa sa mga rebelde, sabay sipa sa isang lalaking bihag na humahagulgol.Lalong nanlamig ang pakiramdam ni Chloe. Kailangan

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 28

    Pero imbes na isda, putik at buhangin lang ang lumipad pataas.Natawa nang malakas si Klarise. "Yan ba ang sinasabi mong magaling kang manghuli?""Minsan lang ako pumalpak!" sagot ni Louie, tila naiinis pero kita sa mukha niya ang pilit na pinipigilang tawa.Nagpatuloy silang maghanap hanggang sa makahanap si Klarise ng isang malaking alimango."Louie! Ang laki nito! Tulong!" sigaw niya habang pilit na pinipigilan ang alimangong makawala sa kanyang mga kamay."Ingat ka, baka makagat ka niyan!" mabilis na lumapit si Louie at tinulungan siyang mahuli ito.Sa loob ng isang oras, nakahuli sila ng dalawang isda at ilang alimango. Ginamit nila ang lumang tuyong kahoy para lutuin ito.Habang kumakain sila, panandalian nilang nakalimutan ang takot at gutom."Alam mo, Louie, kahit ganito ang sitwasyon natin, parang mas nakakagaan kapag kasama kita," seryosong sabi ni Klarise.Napangiti si Louie. "Mahal, wala ka nang ibang choice kundi ako lang ang kasama mo. Gusto mo man o hindi."Natawa si Kl

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 27

    At doon, sa hindi kalayuan, nakita nila ang isang sirang kubo—tila isang lumang hideout ng mga mangingisda."Louie! Kubo!" bulalas ni Klarise, agad tumakbo papunta roon.Sa loob ng kubo, may ilang lumang gamit—isang sirang lambat, ilang lumang bote, at isang balde na may bahagyang tubig-ulan sa loob."Sa wakas! May tubig!" masayang sabi ni Klarise, agad uminom.Pinanood siya ni Louie, napabuntong-hininga. "Mabuti na lang may nahanap tayong silungan. At least, may panibagong pag-asa tayong makaligtas."Habang nagpapahinga sila sa loob ng kubo, napatingin si Klarise sa labas—sa malawak na dagat na ngayon ay tila tahimik at mapayapa."Sa tingin mo, hinahanap na kaya tayo?" mahina niyang tanong.Louie tiningnan siya ng diretso sa mata. "Siyempre. Hindi tayo pababayaan ng mga pamilya natin."Ngunit sa kabila ng kanilang paniniwala, hindi pa rin nila alam kung kailan sila matutunton—o kung matutunton pa nga ba sila.Samantala, sa resort, lalong tumindi ang tensyon nang muling lumabas sa tel

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 26

    Klarise: “Sigurado ka bang dito tayo dadaan?” tanong niya habang binabaybay nila ang gilid ng kakahuyan.Louie: “Oo, kailangan nating humanap ng mataas na lugar. Kapag nasa mataas tayo, mas madali tayong makikita ng rescue team.”Napahinto si Klarise at hinawakan ang braso ni Louie. “Pero paano kung makita tayo ng mga rebelde bago pa dumating ang rescue?”Napatingin si Louie sa kanya. Alam niyang valid ang takot ng asawa niya. Kahit siya, hindi rin sigurado kung ligtas ang plano nila. Pero kailangan nilang subukan.Louie: “Klarise, hindi tayo pwedeng manatili lang dito. Bawat minuto na lumilipas, lumiliit ang tsansa nating makaligtas.”Nagkibit-balikat si Klarise at bumuntong-hininga. “Fine. Pero kapag napatay tayo, isusumpa kita sa kabilang buhay.”Ngunit bago pa man tuluyang humupa ang kaba sa kanilang mga dibdib, may narinig silang malalakas na yabag sa hindi kalayuan.“Klarise, may paparating!” Mahinang bulong ni Louie, agad na hinawakan ang kamay ng kanyang asawa at hinila ito pa

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 25

    Tila bumagsak ang buong mundo sa pamilya Olive at Ray nang lumabas ang news flash. Sa screen, kita ang isang madilim at abandonadong warehouse kung saan nakagapos ang mga biktima—kasama sina Chloe, Mark, at ang iba pang turista na nadamay sa trahedya.Sa gitna ng screen, may isang lalaking naka-maskara at suot ang itim na fatigue uniform. Hawak nito ang isang baril habang itinapat sa camera ang isang hostage.“Sa lahat ng pamilya ng mga biktima, hinihingi namin ang halagang lima-limang milyon bawat isa. Kung hindi ninyo kayang ibigay sa loob ng 48 oras, may babagsak na ulo. Walang pulis, walang media, kung hindi… may dugong dadanak.”Sa puntong iyon, isang lalaki ang kinaladkad ng mga rebelde at itinulak sa harap ng camera.“Tulong! Maawa kayo!” sigaw ng lalaki, nanginginig sa takot.Bago pa matapos ang broadcast, isang putok ng baril ang umalingawngaw—at bumagsak ang katawan ng lalaking iyon sa harap mismo ng camera.Nag-panic ang buong pamilya. Halos mahimatay si Georgina habang pin

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 24

    "Louie… sa tingin mo, may nag-aalala na sa atin?" mahina niyang tanong. "Sigurado 'yun. Baka nagpa-panic na ang pamilya natin," sagot ni Louie. "Pero knowing them, baka hindi lang rescue team ang ipadala nila—baka buong military pa." Napatawa ng mahina si Klarise. "Grabe, ano? Akala natin, honeymoon lang ito. Pero nauwi sa survival." Napangiti si Louie. "At akala natin, maghihiwalay tayo nang walang kahit anong attachment."Nagtagpo ang mga mata nila. May hindi inaasahang tensyon sa pagitan nila—hindi inis, hindi galit, kundi isang bagay na matagal nilang tinatanggihan. Pero bago pa man may mangyari, biglang humangin nang malakas, dahilan para mapabalikwas si Klarise. "Ugh! Ang lamig!" Napailing si Louie. "Halika nga rito." Hindi na nagdalawang isip si Klarise nang maramdaman niyang hinila siya ni Louie palapit sa kanya. Ni hindi siya tumutol nang bumalot ang mainit na katawan nito sa kanya, ni hindi siya nakapagreklamo nang mas humigpit ang yakap nito. Sa unang pagkakataon, natagpua

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 23

    Sa kabila ng sitwasyong kinasasadlakan nila, may isang bagay na malinaw kay Klarise—Si Louie ang nag-iisang taong kasama niya sa panganib na ito.At kahit asar na asar siya dito noong una… ngayon, pakiramdam niya, ito lang ang taong kaya niyang sandalan.“Louie…” mahina niyang tawag.“Hmm?”“Salamat.”"Kailangan nating makahanap ng masisilungan," sabi ni Louie, pilit na pinapakalma ang sarili.Pero iba ang epekto nito kay Klarise."Ano?! Anong ibig mong sabihin?! Ibig sabihin maghihintay lang tayo dito habang baka bumalik sila?! O baka may ibang panganib sa islang ‘to?!" histerikal na sagot niya."Klarise, makinig ka!" Napahawak si Louie sa magkabilang balikat niya at marahang niyugyog ito. "Alam kong takot ka, pero hindi tayo makakatulong sa isa’t isa kung magpapanic tayo."Tiningnan siya ni Klarise, kita sa mga mata nito ang takot at pag-aalinlangan."Gusto mo bang mahuli tayo?! Hindi, ‘di ba? Kaya sumunod ka na lang sa akin."Sa wakas, tumango na lang si Klarise.Dahan-dahan silan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status