Share

THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)
THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)
Author: twtl_trtd

SIMULA

Author: twtl_trtd
last update Last Updated: 2021-03-11 00:54:48

   Mary Joy hurried her way over the open monitor. Noong makitang naghahanap pa ng kagrupo ang laro, huminga siya nang maluwag. She took a sip from her orange juice and smiled faintly, hindi masarap ang inuming naka-stock sa fridge ngayon. Ibang iba noong unang beses siyang tumapak sa bahay ng mga Chua. She grinned. Inasahan niya na ito.

She was her mom's hidden pearl since childhood. Hindi niya ito laging nakikita pero panay ang tawag nito—as if the calls can compensate all the things she should've given her when she wasn't there. Noong una ay nagtataka siya. Ngayong lumipas na ang tatlong buwan at lumamig na ang noong una'y mainit na pagtanggap, nawala ring parang bula ang babae.

Steven Chua is a reckless playboy. Kung siya ang nasa katayuan ng ama niya, pipiliin niya iyong mga babaeng may ‘class’ at ‘edukada’. Hindi gaya ng ina niya. She shook her head in pity.

Nabuntis mula sa klasikong konsepto ng ‘one-night-stand’ ang kaniyang ina. Noon ay kasado pa ang lalaki. Ang asawa nito'y hindi mahina gaya ng inaasahan. Kilala si Mrs. Chua bilang bayolente at maparaan. Kahit pinayagan niya ang asawa na mambabae, hindi kasama roon ang kalayaang mambuntis ng kung sino-sino. If Mrs. Chua caught a wind of Mary Joy's birth, she would've flipped heaven and hell in rage.

Ito ang rason kaya itinago siya ng kaniyang ina. Malas na ngang maituturing na hindi siya lalaki gaya ng gusto nito. Ang pamilya ay kadugo pa rin. Steven won't dismiss his daughter. Lalo pa't wala silang naging anak ni Mrs. Chua noong nabubuhay pa ito.

Kahit noong hindi pa namatay sa sakit na breast cancer si Mrs. Chua, makapal na ang mukha ng ina niya para gumawa ng paraan upang paulit-ulit silang magkatagpo ni Steven. ‘Coincidence’. Umiling si Mary Joy. Hindi rin sinasadyang sa tuwing magkikita sila, laging nakaayos na tila ikakasal ang ina niya't umaarteng mahinhin. She snorted in contempt. Paanong nagustuhan ni Mrs. Chua ang ama niya? Mukhang mahina ang utak nito.

After the long wait, nagbunga rin ang matagal nang inaasam ni Heaven Agustin. Naikasal siya kay Steven Chua isang buwan lang matapos mamatay ang orihinal nitong asawa. Dahil iyon sa paglabas ng DNA test ni Mary Joy.

Then the two lived happily ever after.

Ngayon ay sumusubok magkaanak sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang ina. Dalangin nila'y maging lalaki ang susunod. Habang iniisip na baka sa kaniya maiiwan ang lahat ng ari-arian ng mga Chua, sigurado siyang nanginginig sa disgusto ang kaniyang ina.

Kung hanggang ngayon hindi pa rin alam no'ng Steven Chua ang totoong ugali ng kaniyang ina, iisipin niyang bagay na bagay nga talaga sila.

Ang totoong nakakaawa ay ang kaniyang Alo Fita. Ang lola sa pamilya ng kaniyang ina na siyang nag-alaga sa kaniya nang walang intensyong gamitin siya.

Pumanaw ito tatlong buwan na ang nakakaraan.

Mary Joy's sinuses burned. Malakas ang ginawa niyang pagbagsak sa basong hawak. Dahilan para matapon ang laman nito sa mesa. Hindi ito pinansin ni Mary Joy at ngumiti nang makitang nakahanap na siya ng makakalaro.

“Miss Joy, panahon na ng 'yong hapunan,” pahayag ng isang malamyang tinig. Kumurap si Mary Joy ng ilang ulit bago sumagot, “Tumawag ba si Mama?”

Nanahimik ng ilang minuto ang AI niyang si Zail. Tila hindi nito alam kung paano sumagot. Mary Joy grinned. “'Wag mo ng sagutin.”

“Miss Joy, oras na para kayo ay kumain,” pag-uulit nito. Ngayon ay may kaunting pag-uutos sa tono nito.

“I'll come down after a few rounds,” sagot ni Mary Joy saka isinuot ang earpiece.

Swerte ngang maituturing na nabuhay siya sa high-tech na panahon ng 2458. Ngayon, mas madali ang buhay. Mas pinagaling din ang mga gamot. Ang iniinom niyang gamot ay napakaepektibo. Dalawang araw na siyang walang tulog. Kaninang umaga't tanghali ay hindi rin siya kumain pero ngayon, wala siyang maramdaman.

Nakapatay ang ilaw, hindi kita ang magulong gamit sa kuwarto ni Mary Joy. Hindi niya pansin na lalo pang umiitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Ang magulo niyang buhok ay ilang araw ng hindi nasusuklayan. But then...

Who cares?

Ayos ang lahat basta siya'y nakakapaglaro.

It's not like her mom wants her to go to school. May mga taong pumupunta tuwing umaga rito upang turuan siya. None of them seems to like her. Sa tuwing umaarte ang mga ito na tila diring-diri sa kaniya, gusto niyang matawa. The feelings are very mutual.

Ang ama niya'y wala ring ekspektasyon sa kaniya bilang siya ay babae. Sa panahon ngayon, kapag lalaki ka, pag-aagawan ka ng maraming oportunidad. Boys are easy to train and are less needy.

‘Welcome, Miss Joy!’

Bumungad ang malalaking letra sa mga mata ni Mary Joy. Ang tunog ng isang animated na babae ay pumasok sa kaniyang tainga at sinabing, “It's nothing to fear. Everything is with the Queen's grace!”

Sinundan ito ng isang malamig na tawa ng isang batang lalaki. “Welcome! It's The Villain's System!”

Ang makukulay na letra, magagandang tanawin at mahusay na pagguhit ay bumulag sa kaniya. Ngumiti siya nang payak at sinimulan ang paglalaro.

Makalipas ang tatlumpung minuto, hindi na natuwa si Mary Joy sa takbo ng kaniyang karakter.

She had been playing this for a year now. Wala pa siyang napansing hindi kanais-nais sa laro. It's pretty easy, really. Follow the system.

Napakadali ng batas na iyan sa laro. Iyon nga lang, mahihirap ang mga bagay na iniuutos nito. Ganoon pa man, hindi kayang ibaba ni Mary Joy ang mga kamay upang huminto. She's hooked into the game.

The system gave her something to do. Iyon ang kulang sa buhay niya.

Ngunit ngayon may kaharap siyang lintik na hindi mamatay-matay. Ilang beses na niya itong binaril, inuntog, sinipa't sinaksak—hindi niya ito mapahiga kahit isang segundo!

“Damn...” irit ni Mary Joy noong umigkas ang lalaking kaharap niya sa laro. Nakatakas ito sa kaniyang mga kamay. Gamuntik na niyang tawagin ang help button ng laro upang magsumite ng reklamo. Kailan pa nagkaroon ng ganitong karakter ang laro? May mga nakausap siya sa chatroom ng mga kakilala niyang manlalaro nito. Lahat sila'y matataas ang ranggo kaysa sa kaniya—ba't ni isa sa kanila'y hindi nabanggit ang ganito?

It's not like they'd get something if they lie to her. Hindi nga alam ng mga ito ang totoo niyang pangalan. Sa larong ito, siya'y si Joy.

Isa lang ang sagot. She sneered in disdain. May problema nga ang laro! Napabuga siya ng hangin sa pagkamangha. Sa panahon ngayon ay may ganito pa rin pala!

Mabilis niyang inutusan si Zail para ikonek siya sa help desk nito. Itinigil niya muna ang paghahabol sa kaniyang biktima. Hahayaan niya munang makapagtago ito.

“...een's grace! What can I do for you?” Umugong ang buhay na buhay na boses ng isang babae sa buong silid.

Isinagot ni Mary Joy ang lahat ng kaniyang hinanaing. Mayamaya pa'y hiningi nito ang kaniyang game I.D number at password nito. Hindi nagtaka si Mary Joy at sumagot ayon sa hinihingi. She's too pissed with that masked face knight. Mas malakas dapat siya kaysa rito pero sa tuwing tatamaan ito ng kaniyang espada, kung sa anong himala ay tumatagos lang ito rito.

Sumasakit ang ulo niya habang iniisip ito.

“Oh, it seems that Miss Joy has been a loyal fan for a year!” eksayted na tumili ang babae. Kung bata lang si Mary Joy, iisipin niyang totoong tao ito. Maraming sinabi ang babae patungkol sa mga posibleng nangyari sa laro kaya nangyari ang hindi inaasahan. Umiling si Mary Joy. Umasa pa siyang magiging seryoso ang mga ito sa reklamo niya! “...to compensate you, we'll give you a special gift!”

Mary Joy flinched. “Ano 'yon?” Kung skin ito, hihindian niya nang walang pag-a-alinlangan. She's not interested in that.

“...the information has been sent to the recipient's terminal. Enjoy the Queen's grace!”

Dumating ang isang mensahe sa kalagitnaan ng nakahintong laro. Nakasulat iyon sa malalaki't itim na titik.

‘You have been invited to The Villain's System!’

Sa ibaba nito ay isang button para sa ‘accept’. Halos mapatili si Mary Joy sa inis. Bakit ganoon ang nangyari? She still needed to kill that omnipotent 3d male character!

Umirap si Mary Joy sa direksyon ni Zail habang pinipindot nang paulit-ulit ang ‘accept’. Ito ba iyong ‘gift’? Kitang kita na nag-lag ang laro. Nagdidilim ang paningin ni Mary Joy. Ngayon ay kailangan niyang simulan lahat! Sana lang ay hindi nakuhanan ang ‘XP’ niya. Katumbas iyon ng kaalaman at karanasan niya sa paglalaro. Kapag inabandona mo ang isang round, nababawasan iyon bilang penalty.

Kahit kailan ay hindi siya natalo sa larong ito—kahit isang round man lang! Bago siya sumabak sa paglalaro, kinakausap niya muna ang mga nauna na sa kaniyang tumapos ng mga misyon. Lahat iyon, magaganda ang resulta. Maliban na lang ang isang ito. Okay na sana ang lahat!

Ang lalaking iyon, siya ang may kasalanan ng lahat ng ito!

Hindi napansin ni Mary Joy ang pagkislap sa kable na nasa kaniyang paanan. Nakatitig pa rin siya sa kaniyang puting monitor. Napakatagal! Marahas niyang hinila ang baso ng kaniyang inumin. Natapon nang kaunti ang laman nito sa kaniyang binti. Tuluyan siyang napasigaw.

Sumaglit ang tingin niya sa monitor—nagkulay pula ito.

Nag-update ba ang laro?

Hindi na siya nakapagtanong kay Zail dahil noong hawakan niya ang muli kompyuter, dumaan ang libo-libong hibla ng kuryente sa kaniyang katawan. Hindi sapat para makapatay ngunit kayang makapanakit. Nangisay ng ilang segundo si Mary Joy bago tumugon si Zail. Pinatay nito ang pagdaloy ng kuryente sa buong silid.

Walang nagbago sa silid ng dalaga maliban na lang sa pagpatay ng monitor nito. Ang malamyang boses ni Zail ang paulit-ulit na naririnig, nagtatanong.

Ang young miss nitong si Joy ay hindi sumagot.

“Tatawag si Zail ng ambulansya, Miss Joy.”

Lumitaw muli ang pulang monitor, may malalaking letra sa gitna nito. Kumisap ito nang ilang beses bago tuluyang dumilim.

‘Welcome to The Villain System!’

Batid ni Zail ang nangyari ngunit hindi nito iyon pinansin. Prayoridad nito ang young miss. Kahit pa may pagtataka ito, wala itong kayang sabihin—pag-aalaga ang espesyalidad niya. Hindi lahat ng bagay ay nasa kaniyang kaalaman. Kailangan niya sigurong mag-request ng update! Kahit natitigilan siya sa katotohanang mas may kakayahan siyang mag-isip sa estadong ito kaysa kay Steven Chua.

Kailangang matawagan ang kaniyang dalawang amo.

Related chapters

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 1: I

    TO DESTROY A WHITE LOTUS NAGISING si Mary Joy nang may iniindang sakit sa tiyan. Ang una niyang inisip ay ang gutom. Matagal na mula noong huli niyang maramdaman ito. Umiling siya't dahan-dahang bumangon mula sa matigas na kinahihigaan. She have to take her supplements. Hindi masaya ang pakiramdam na kumakalam ang tiyan. Ngayon naintindihan na niya kung ba't inimbento ang gamot na madalas niyang inumin ngayon. Sa bilis ng takbo ng sibilisasyon, kahihiyan kung maituturing kung wala pa ang ganoon.“Huseng!” sigaw ng isang matandang babae mula sa ibaba. “Tangina, Huseng, oo! 'Wag mo naman gayahin ang ama mo sa pagiging tamad!”Namilog ang mga mata ni Mary Joy. She stumbled towards the wall. Noong naging klaro ang kaniyang paningin, kaagad siyang namutla noong makita ang pinagtagpi-tagping kahoy sa paligid. When she caught a glance at the calendar nearby, she almost fainted.2014‘[System]: Hi! I'm your trusted AI, Si. Welcome to

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 2

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —2 “Huseng!” bati ng isang isang may kaliitang babae. Sa taas ni Huseng na 5'9, hanggang leeg niya lamang ito. Ang pamilyar nitong singkit na mga mata at maninipis na labi ay maaliwalas sa gita ng mainit na katanghalian. Humigop nang malalim si Huseng sa bitbit na sigarilyo. Ang lamig ng hanging dala nito'y bumalot sa kaniyang baga, kumalma ang dibdib niyang saglit na nagwala matapos marinig ang boses. “Huseng! Ba't ka nandito?”Kumislap ang mga mata ni Huseng. Sumandal ito sa poste't kaswal na humalukipkip. “May bagong ‘honey’ si Papa.”Kumurap nang ilang beses ang babae. Nanahimik ito ng ilang segundo bago nanginginig na nagsalita. “Alam ko.”Umangat ang kanang kilay ni Huseng. Ngumiti siya. “Kaya ba hindi ka na bumibisita sa bahay? Hiwalay na kayo ni Papa?” Humithit siya muli ng usok mula sa sigarilyo upang itago ang hindi mapigilang pagkurba ng kaniyang labi. Matagal na niya iyong hinihintay.Hindi ni

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 3

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —3 “Takbo!” Kinalampag ni Jeffrey nang malakas ang gate ng bahay, ibig sabihin ay nakuha na niya ang kailangan ngunit may sabit—may nakakita sa kaniya sa akto. Napamura si Huseng sabay karipas ng takbo.Sumabay siya kay Jeffrey na siyang nangunguna sa lahat. Itinapon nito sa kaniya ang isa sa mga dala nitong bag. “Itago mo, bilis!”“Mga magnanakaw! Tulong! Mga magnanakaw!” tili ng isang ginang sa kanilang likuran.Kung sa katanghalian naganap ang mga pangyayaring ito, baka'y kinabahan na si Mary Joy. Iyon nga lang, ang virtual world na ito'y may kaunting malasakit sa mga kontrabida.This world caters to the needs of the villain, ngunit hindi umaabot sa puntong napakadali na ng lahat. Mary Joy knew what happened to this part of the story. Nanakawan ng grupo ang pinakamaliit na bahay sa subdivision na likod ay ang kanilang squatter's area na tinutuluyan. This should've happened in the

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 4

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —4 Hindi nakapunta sa eskwela si Huseng kinaumagahan. The thrill kept Mary Joy awake until it's 3AM before she consoled herself to sleep. Hinintay niyang bumagal muna ang kaniyang pulso't makaramdam ng matinding pagod bago pumikit. Kung matutulog siya nang nag-aalala, hindi siya makakatulog nang mahimbing.Nagising siya katanghalian. Huseng's father was nowhere to be found. Dahil hating-gabi na siyang nakauwi, hindi nito naabutan ang kaniyang pagdating. Nakatulog ito sa paghihintay. Hindi nito alam kung saan niya inilalagay ang perang nakuha dahilan para mainip ito't ikalat ang kaniyang mga gamit habang naghahanap kinaumagahan. Ngayon wala ito.Maybe Roselyn took him out. Mary Joy shrugged. “Buti na rin,” bulong niya.Naligo si Huseng. Pagkatapos magbihis ay pumunta siya ng kusina upang maghanap ng makakain. He mustered everything he could use at the kitchen to prepare a tolerable meal. Habang umiinom ng tu

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 5

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —5 Inabot ng madaling araw upang matimbang ni Mary Joy nang maayos kung sino ang dapat niyang uunahin. Si Felice ba o ang bidang si Giovanni. Kung uunahin niya si Giovanni, posibleng mapabayaan ni Mary Joy nang tuluyan ang first love ni Huseng na si Felice. Kung si uunahin naman si Felice, hindi niya alam ang posibleng kapalit ng kaniyang gagawin. The game was about the protagonist and an antagonist's confrontation. Baka may mangyari kung sakaling unahin ni Huseng ang sarili niya. Gustong ibigay ni Mary Joy lahat ng gusto nito.Habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa batang dinadala ni Felice, napapahilamos na ng palad sa mukha si Mary Joy. She was never a fan of abortion. Kung may kapangyarihan lang siya, buburahin niya sa mundo ang ideyang iyon. No one is allowed to forbid an unborn child the rights to live.“Huseng!” Padabog na pumasok ng silid ang ama ni Hus

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 6

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —6 Nahirapan nang husto si Mary Joy sa pagbitbit kay Felice pauwi. Hindi nakakatulong na si Huseng na lalaki ang umaalalay rito. Halos lahat ng taong nakakasalubong niya sa daan ay may pag-aakusa ang titig sa kaniya. Mary Joy rolled her eyes. Even if this woman seduced her in real life, it is lucky enough if she would spare her a glance. Walang parte ng katawan nito ang gusto ni Mary Joy.“Hu-Huseng...kamukha mo talaga 'yong Papa mo, ano?” Felice hiccuped. Mary Joy let her slide on the door and lay on the dirty floor. “Huseng, malamig.”‘Yeah, well, lupa 'yang kinahihigaan mo...’ Mary Joy sighed. Itinayo niya muli ang babae at ipinahiga nang maayos sa nag-iisang kama ng silid.Hindi maganda ang bahay na nirentahan niya. Pagpasok ng bahay, bubungad agad ang maliit na espasyo sa gitna. Ang kusina'y nasa kanang bahagi, ang kama ay nasa kabila. Wala masiyadong palamuti ang silid. Isa laman

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 7

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —7 Ang resulta, kahit iwasan man ni Mary Joy ang maliliit na detalye sa orihinal na storya, ang kinalabasan pa rin ay pareho. Sa orihinal na Huseng, noong nakuha ni Giovanni iyong bag, nagalit si Jeffrey dahil sa kapabayaan niya. Noong binago ni Mary Joy ang oras ng gagawing pagnanakaw, walang ibang nakakita kay Giovanni nang kunin nito ang bag sa kaniya. Ngayon ang ikinagagalit ni Jeffrey ang ang akusasyong baka ibinulsa niya ang pera.‘Makapangyarihan talaga ang ginintuang kapa ng bida,’ bulong ni Mary Joy sa sarili. Hindi niya tuloy kung gagalaw pa ba siya laban dito o hindi.It's not like she wants to stay here. Oras-oras ay naaasiwa siya sa paulit-ulit na pagbanggit ni Felice sa ama ni Huseng.“'Wag mong itapon 'yan. Baka magustuhan 'yan ng Papa mo pagsundo niya sa 'tin.”‘Yeah, as if.’ Tamad na humiga sa kama si Mary Joy, tinitingnan ang tahimik na kumakaing si Felice.“Huseng, tatlong ara

    Last Updated : 2021-03-11
  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 8

    TO DESTROY A WHITE LOTUS —8 Huseng woke up the next day and the first person he sought was Felice. Magdadalawang araw na siya sa ospital ngunit kahit anino nito hindi niya mahagilap sa kahit saang sulok ng kaniyang silid.Brian told him that the woman was informed of his unfortunate fate. Anong mas importante nitong gawain at hindi siya nito mabisita?Mary Joy scoffed. Dapat ay hinayaan niya na lang sa kalsada ang babaeng iyon. Iniisip niya man ito, she knew she can never do that. Gusto niya lang maglabas ng hinanaing.Wala siyang pamalit na damit. Ang suot niya ngayon ay ipinahiram ni Brian. Maliit ito kaysa sa damit ni Huseng. Isa pa'y malagkit na ang kaniyang pakiramdam. Saglit siyang napanganga noong makitang may banyo ang kaniyang silid. Hindi niya alam kung bakit nasa pribadong kwarto siya gayong wala namang pera si Brian.Habang hinihintay si Felice, dumating si Brian na may dalang malalaking supot ng prutas. “Boss.”

    Last Updated : 2021-03-11

Latest chapter

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 35

    "Ang tangkad mo talagang lalaki, ah. Ibang iba ka kay Doc Alex!" Ihinampas ng nars ang isang kumpol ng papel sa balikat ni Sandro. "Anong kurso ba kukunin mo sa kolehiyo, ha? Sayang kagwapuhan mo kung magdodoktor ka din! Makukulong ka lang sa operating room at naka-mask!"Napakamot-ulo si Sandro. Inayos niya ang kaniyang buhok at inihapit sa kaniyang noo upang matabunan ang kaniyang mga mata. "Kumusta na si Joy? Hindi ba siya gumalaw?""'Tong si Ms. Sungit? Hindi pa! Alam mo, iniisip ko baka sinasadya niya talagang magmaldita kaya ayaw magbigay ng sign. Kahit kibot man lang ng labi, ayaw ibigay!""Ikaw Sandro, ha. Alagaan mo si Doc Alex. May umaali-aligid pa namang gwapong engineer sa kaniya." Umirap ang babae bago tumalikod. "Uunahan pa yata kaming mga resident workers dito sa ospital na umariba d'yan sa tito mo!"Kumunot ang noo ni Sandro. "Hindi 'yon. Magkaibigan lang sila. Si Kuya Alex... imposibleng maging binabae s'ya. Nagka-girlfriend na siya noon. Isa pa, kilala ko 'yang engin

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 34: IV Sandro De Castro

    Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito. Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid. “May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito. N

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 33

    Hindi nagugustuhan ni Ana ang takbo ng mga pangyayari. Wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa balak niya. Mukhang lahat ng pabor ay napupunta kay Nastya. Bagay na pinanggagalingan ng kaniyang poot.Hindi maganda ang resulta ng mga nangyari noong nakaraan. Si Ana, hindi makatulog habang iniisip kung ano ang nangyari kay Nastya at Francis. Hindi niya lubos na matanggap na ang higit niyang katunggali sa lahat ay ang kaniyang sarili.Dalawang linggo na ang nakaraan, at dalawang linggo na ring hindi makatulog nang mahimbing si Ana. Lagi siyang binabangungot. Binibisita siya sa panaginip ng mga taong inagrabyado ni Nastya noon.Si Nastya. Ito ang may dala ng lahat ng kamalasan sa kaniya! Mula noong dumating ito, akala ni Ana, may poprotekta na sa kaniya. Noon inakala niyang kaya na niya ang mag-isa pero habang paulit-ulit na nilalamangan at ginagamit ng ibang tao, halos madurog siya nang husto.Dumating si Nastya, pinaranas ng

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 32

    Nagmulat si Mary Joy at ang unang ginawa ay pakiramdaman ang emosyon ng bida. Alam niyang may wisyo na muli ito—bagay na hinihintay niya kanina pa. Gising na ang kaniyang kamalayan bago pa man magising ang bida.Ninamnam niya ang lamig ng paligid, init sa kaniyang pikuran at sakit sa pagkababae ni Ana. Hindi rin mawala-wala ang nangyari sa kaniyang alaala. Sigurado siyang kahit matapos na ang misyon niya rito, maaalala niya pa rin si Francis sa mga susunod na mundong darating.“Diyos ko...” Humikbi si Ana. Niyakap nito ang sarili, nakapamulagat na nakatitig sa hubad na si Francis sa kaniyang tabi. “May nangyari sa amin ni Francis.”Ilang segundong tumagal din ang ngiti ng babae bago nabasag ang pantasya nito. Hipokrita man si Ana ay matalino ito. Wala siyang maalala na kung anong nangyari sa kanila ni Francis kagabi. Ibig sabihin ay lumabas si Nastya at ito ang...“Nastya,” bulong ng bida sa halos hindi makilalang boses,

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 31

    Nagising si Mary Joy dahil sa maingay na pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid ni Ana. Naging matagal ang pagiging Nastya niya, higit sa mga nauna niyang paglabas kaya naging sapat ang oras niya upang makapagpahinga at kumain ng mga pagkaing gusto ni Nastya bago natulog nang maaga.Nagising siya noong dakong malapit na ang hatinggabi. Inilihis niya ang tingin mula sa alarm clock at tinitigan ang hulto ni Francis na siyang malapit sa kaniyang kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ito umimik at nanatiling tikom. Humalakhak siya.Bumuntong hininga ang lalaki. “Nastya!”“Kaya mo ba hinintay na magsalita ako para masiguradong si Nastya nga ako at hindi si Ana?” Ngumuso si Mary Joy. Huminga siya nang malalim at binuksan ang lampara sa nightstand. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Nakita sa wakas ni Mary Joy ang magulong buhok ng lalaki, walang buhay nitong mga mata at problemadong ekspresyon. Natigilan siya. “Anong problema?”U

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 30

    Bumuntong hininga si Mary Joy sa ikatlong pagpapalit ni Ana ng damit. Pare-pareho namang bestidang puti ang pinipili nito, iba-iba lang ang disenyo. Nababahala si Mary Joy sa gusto nitong gawin ngunit wala siyang kakayahan upang mapalabas si Nastya.Sa wakas ay nakuntento si Ana sa suot. Mahaba ang puting bestida na ito, umaabot sa kaniyang tuhod. Sa malayo, aakalaing isang anghel si Ana dahil bagay na bagay rito ang ganitong estilo ng pananamit.Naglagay ng kolorete sa mukha si Ana. Hindi nito sinobrahan—sapat lamang upang mapansin. Noong ngumiti ang dalaga sa salamin, napatango si Mary Joy nang wala sa sarili. May dalawang mabababaw na biloy si Ana!Bumaba si Ana ng sala, sinasalubong ng tanong ang bawat katulong na nakikita. Ang asta ay tila karapatan ng babae ang masagot ng mga ito.“Si Sir Francis? Nasa hardin, Ana. Puntahan mo ro'n.”Ngumiti muli si Ana at nagtatalong pinuntahan ang sinabi nitong lugar. Hindi

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 29

    Kung sasabihin ni Mary Joy na hindi niya inasahan ang pagiging mailap ni Francis kay Ana, nagsisinungaling siya. At hindi siya sinungaling, o hindi ganoon ang tingin niya sa sarili niya. Baka minsan na siyang naging ganoon at umaarteng hindi, ngunit sino nga ba ang mabilis umako ng mali? Kung hindi si Mary Joy, hindi rin iyon si Ana.“Ana, pasensya na pero wala talagang sinabi si Francis, e. Hindi ka naman no'n paaalisin,” pagpapakalma ni Manong Gerald sa kaniya habang nagpapakulo ito ng sabaw. “Magpaliwanag ka na lang sa kaniya pagdating niya. Isang linggo ka na rin no'n na hindi pinapansin.”‘Hindi ko kailangan ng pagpapaalala mo!’Nitong mga araw, habang hindi makatulog si Ana at hindi makakain nang maayos dahil sa kaba at pagdududa. Habang palala ito nang palala, mas lumalakas din ang boses nito sa isip ni Mary Joy. Noong una'y kinikilabutan siya tuwing naririnig ang matinis nitong boses sa isip.Alam niya ang bawat

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 28

    Sa loob ng tatlong araw, nasanay na si Mary Joy na laging si Ana ang nasusunod sa katawan. Araw-araw ang ginagawa niya lamang ay magmasid at hulaan kung sino sa mga ito ang kaniyang tagasunod. Sa puntong ito buong tiwala niyang sasabihin na wala sa bahay na ito ang taong ibinigay ng system sa kaniya. Wala sa mga ito ang kwalipikado upang maging kanang kamay ni Mary Joy.Ilang araw na rin niyang agam-agam ang posibilidad na agawin ni Nastya mula kay Ana si Francis. Alam ni Mary Joy na hindi gusto ni Francis si Nastya. Ang nararamdaman nito sa kaniya ay kuryosidad, isang naglalakad na sakuna na siyang wala sa buhay nito. Napaka-boring ng buhay ni Francis at si Nastya ang tanging panggulo rito.Hindi gusto ni Francis si Nastya. Sa ngayon. Paano bukas? Ngumiti si Mary Joy sa naisip. Gagamitin niya ang interes ng lalaki kay Nastya upang makuha ito. Ang tanging kailangan niya na lamang ngayon ay humanap ng panahon upang mapalapit dito. Up

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 27

    “Ana!”Narinig ni Mary Joy ang naiinip na pagtawag ni Francis ngunit hindi siya nagmadali gaya ng tipikal na gagawin ng bida. Mabagal siyang humakbang, ninanamnam sa alaala ang mukha ni Aling Zena noong maabutan siyang humuhugot ng alak mula sa nakasaradong lalagyan. Maalam si Nastya sa pagnanakaw, hindi rin nakatulong ang masaya nitong ekspresyon dahilan upang magsisigaw ang ginang at hampasin siya ng tambo. Kapag may nawala o nasirang gamit sa mansyon, magbabayad ang mga ito kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng matanda.“Anastasia?”Natigilan si Mary Joy dahil sa pagtawag nito roon. Sa alaala ni Nastya, walang kahit sinong tumawag sa kaniya ng ganito. Pareho din kay Ana.“Poster boy,” bati ni Nastya noong lumiko ito sa hagdanan. Nakita niya ang pamimilog ng mga mata ni Francis noong makita ang hawak niyang alak. “Ano? Maraming alak si Madame. 'Wag kang mag-alala.”“Pero kapag nalasing ka—”“Hindi ako mag

DMCA.com Protection Status