TO DESTROY A WHITE LOTUS —5
Inabot ng madaling araw upang matimbang ni Mary Joy nang maayos kung sino ang dapat niyang uunahin. Si Felice ba o ang bidang si Giovanni. Kung uunahin niya si Giovanni, posibleng mapabayaan ni Mary Joy nang tuluyan ang first love ni Huseng na si Felice. Kung si uunahin naman si Felice, hindi niya alam ang posibleng kapalit ng kaniyang gagawin. The game was about the protagonist and an antagonist's confrontation. Baka may mangyari kung sakaling unahin ni Huseng ang sarili niya. Gustong ibigay ni Mary Joy lahat ng gusto nito.Habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa batang dinadala ni Felice, napapahilamos na ng palad sa mukha si Mary Joy. She was never a fan of abortion. Kung may kapangyarihan lang siya, buburahin niya sa mundo ang ideyang iyon. No one is allowed to forbid an unborn child the rights to live.“Huseng!” Padabog na pumasok ng silid ang ama ni HusTO DESTROY A WHITE LOTUS —6 Nahirapan nang husto si Mary Joy sa pagbitbit kay Felice pauwi. Hindi nakakatulong na si Huseng na lalaki ang umaalalay rito. Halos lahat ng taong nakakasalubong niya sa daan ay may pag-aakusa ang titig sa kaniya. Mary Joy rolled her eyes. Even if this woman seduced her in real life, it is lucky enough if she would spare her a glance. Walang parte ng katawan nito ang gusto ni Mary Joy.“Hu-Huseng...kamukha mo talaga 'yong Papa mo, ano?” Felice hiccuped. Mary Joy let her slide on the door and lay on the dirty floor. “Huseng, malamig.”‘Yeah, well, lupa 'yang kinahihigaan mo...’ Mary Joy sighed. Itinayo niya muli ang babae at ipinahiga nang maayos sa nag-iisang kama ng silid.Hindi maganda ang bahay na nirentahan niya. Pagpasok ng bahay, bubungad agad ang maliit na espasyo sa gitna. Ang kusina'y nasa kanang bahagi, ang kama ay nasa kabila. Wala masiyadong palamuti ang silid. Isa laman
TO DESTROY A WHITE LOTUS —7 Ang resulta, kahit iwasan man ni Mary Joy ang maliliit na detalye sa orihinal na storya, ang kinalabasan pa rin ay pareho. Sa orihinal na Huseng, noong nakuha ni Giovanni iyong bag, nagalit si Jeffrey dahil sa kapabayaan niya. Noong binago ni Mary Joy ang oras ng gagawing pagnanakaw, walang ibang nakakita kay Giovanni nang kunin nito ang bag sa kaniya. Ngayon ang ikinagagalit ni Jeffrey ang ang akusasyong baka ibinulsa niya ang pera.‘Makapangyarihan talaga ang ginintuang kapa ng bida,’ bulong ni Mary Joy sa sarili. Hindi niya tuloy kung gagalaw pa ba siya laban dito o hindi.It's not like she wants to stay here. Oras-oras ay naaasiwa siya sa paulit-ulit na pagbanggit ni Felice sa ama ni Huseng.“'Wag mong itapon 'yan. Baka magustuhan 'yan ng Papa mo pagsundo niya sa 'tin.”‘Yeah, as if.’ Tamad na humiga sa kama si Mary Joy, tinitingnan ang tahimik na kumakaing si Felice.“Huseng, tatlong ara
TO DESTROY A WHITE LOTUS —8 Huseng woke up the next day and the first person he sought was Felice. Magdadalawang araw na siya sa ospital ngunit kahit anino nito hindi niya mahagilap sa kahit saang sulok ng kaniyang silid.Brian told him that the woman was informed of his unfortunate fate. Anong mas importante nitong gawain at hindi siya nito mabisita?Mary Joy scoffed. Dapat ay hinayaan niya na lang sa kalsada ang babaeng iyon. Iniisip niya man ito, she knew she can never do that. Gusto niya lang maglabas ng hinanaing.Wala siyang pamalit na damit. Ang suot niya ngayon ay ipinahiram ni Brian. Maliit ito kaysa sa damit ni Huseng. Isa pa'y malagkit na ang kaniyang pakiramdam. Saglit siyang napanganga noong makitang may banyo ang kaniyang silid. Hindi niya alam kung bakit nasa pribadong kwarto siya gayong wala namang pera si Brian.Habang hinihintay si Felice, dumating si Brian na may dalang malalaking supot ng prutas. “Boss.”
TO DESTROY A WHITE LOTUS —9 Naging aligaga si Felice noong sumunod na araw. Naiintindihan ni Mary Joy kung bakit ito ganoon pero hindi niya makuhang aluin ang babae at patawarin. Felice has been so good to Huseng since yesterday. Pinauulanan siya lagi nito ng papuri. Tinatrato na para bang bata o hindi kaya basong mamahalin na babasagin.Mary Joy wasn't fond of this treatment but she could surely enjoy making the woman squirm everytime she looked at her intently. Minsan iniisip niyang baka nahanap na ang konsensya nitong nawawala. Iyon nga lang habang patagal nang patagal, tila wala itong balak umamin sa kaniya o humingi man lang ng tawad.Huseng smiled wanly. Iba talaga ang mga magaganda.“Huseng, kailan mo bibisitahin si Lola Mildred?” usig ni Brian.Napansin ni Brian at Huseng kung paanong hindi makagalaw ang babae sa silya. Pati ang paghinga nito ay ayaw pakawalan.Inikot ni Mary Joy ang mga mata sa kawalan. Kung um
TO DESTROY A WHITE LOTUS —10 Hindi naging maganda ang pagsalubong na natanggap ni Huseng. Mary Joy almost wished to return to the hospital. Walang tao sa kabahayan. Saktong pag-uwi niya, wala roon ang kaniyang ama't Tita Roselyn. Binisita ng mga ito ang Lola Mildred niya.Isang mensahe ang natanggap ni Huseng habang siya ay kumakain. Tamad niya iyong binasa't mabilis na ibinura. Dahil sa nangyari sa kaniya, marami ang naging ‘concerned’ na kaklase ang tumatawag at nangungumusta. May ibang totoong nakikisimpatya ngunit karamihan ay gusto lamang makiusyoso.Isa pang mensahe ang natanggap ni Huseng. Halos sumpain ni Mary Joy si Brian sa isip habang pinagbububura ang mga mensaheng natanggap. Ito ang nagbigay ng numero niya sa kaniyang mga kaklase. Akala yata nito ay ikatutuwa niya ang atensyon.‘Alam kong ikaw 'yon.’Napahinto si Mary Joy sa pagnguya ng kaniyang hapunan. Huminga siya nang malalim at kibit-balikat na ib
TO DESTROY A WHITE LOTUS —11 Sa unang pagkakataon, hindi ininda ni Mary Joy ang titig ng mga tao. Mukhang kalat na kalat na ang balitang baka si Huseng nga ang nagnakaw sa mga alahas ng prinsipal. Hindi maintindihan ng ilan kung paanong nanakawan ni Huseng ang kwartong buong gabi ay bantay sarado ng matandang dalagang tinatawag nilang lahat na prinsipal gayong nasa ospital siya noon at nagpapagaling. Karamihan man ay hindi naniniwala, lahat gustong may masisi sa nangyaring nakawan. Mainit sa mga mata nila si Huseng kahit pa napakaimposible. Bakit magiging imposible? Sabi ni Giovanni ay grabe ang kasamaan niyang si Huseng!Iyon nga ang nangyari. Gamit ang mga salita ni Giovanni, si Huseng ang naging target.“Tsk! Sabi ko naman sa 'yo, dapat hindi ka na muna pumasok, e,” pangangaral ni Brian sa kaniya habang naglalakad sila papunta sa kanilang classroom. “Sa susunod dapat makinig ka rin sa 'kin, boss.”“Bakit?” Nilakasan n
TO DESTROY A WHITE LOTUS —12 Malamig pa ang hangin at medyo madilim pa noong nagsimulang maglakad si Huseng papunta sa eskwela. Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang nagising siya dahil sa lamig ng tubig na kaniyang ipinanligo kanina. Hindi. Ang totoo ay kahapon pa siya gising—hindi siya makatulog.Ito iyong pakiramdam na pinangakuan ka ng mga magulang mong ipapasyal kinabukasan. Puwede ring promenade niyo bukas at namomroblema ka dahil ang kapares mo ay iyong taong gusto mo.Medyo.Ngumiti nang kaunti si Huseng. Sana nga lang ay matuloy ang pangakong pagpasyal na iyon. Sana'y makarating siya sa promenade nang nasa oras. Sana matuloy ang bagay na gusto niyang mangyari sa araw na ito. Ayaw na ayaw niya sa pakiramdam na laging nadidismaya.“Boss naman, ang lamig lamig pa,” ungot ni Brian habang niyayakap ang sarili, “Kita mo anong sabi ng relo ko, boss? Alas sais. Naman, Huseng, dapat alas nueve na tayo pumasok
TO DESTROY A WHITE LOTUS —13 Tumayo si Huseng mula sa kama at nag-isip kung mas maganda bang magsuot na ng damit at kumaripas ng takbo o maligo muna saka aalis. Kung titingnan sa malayo ay pareho ang mga iyon, pero sa totoo lang ay hindi.Inabot niya ang puting tuwalya't ipinulupot iyon sa kaniyang baywang. Kalmado siya, mas kalmado kaysa sa nakasanayan. Lahat ng buto niya sa katawan ay magaan. Ngumiti siya sa kawalan at kinonsola ang sarili, mabuti na rin dahil masarap sa pakiramdam.Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang nangyari sa gate ng eskwelahan nina Huseng. Mahirap kumuha ng balita tungkol sa bidang si Giovanni dahil tila may isang batas sa eskwela na ipinagbabawal kahit banggitin man lang ang pangalang nito. Buti na lamang at nariyan si Si, inire-report lahat ng tumatakbo sa utak ng bida.Pinagbawalang pumasok muli sa eskwelahan nila ang binata. Kahit ang ibang eskwelahan ay nagdadalawang isip na siya ay ta
"Ang tangkad mo talagang lalaki, ah. Ibang iba ka kay Doc Alex!" Ihinampas ng nars ang isang kumpol ng papel sa balikat ni Sandro. "Anong kurso ba kukunin mo sa kolehiyo, ha? Sayang kagwapuhan mo kung magdodoktor ka din! Makukulong ka lang sa operating room at naka-mask!"Napakamot-ulo si Sandro. Inayos niya ang kaniyang buhok at inihapit sa kaniyang noo upang matabunan ang kaniyang mga mata. "Kumusta na si Joy? Hindi ba siya gumalaw?""'Tong si Ms. Sungit? Hindi pa! Alam mo, iniisip ko baka sinasadya niya talagang magmaldita kaya ayaw magbigay ng sign. Kahit kibot man lang ng labi, ayaw ibigay!""Ikaw Sandro, ha. Alagaan mo si Doc Alex. May umaali-aligid pa namang gwapong engineer sa kaniya." Umirap ang babae bago tumalikod. "Uunahan pa yata kaming mga resident workers dito sa ospital na umariba d'yan sa tito mo!"Kumunot ang noo ni Sandro. "Hindi 'yon. Magkaibigan lang sila. Si Kuya Alex... imposibleng maging binabae s'ya. Nagka-girlfriend na siya noon. Isa pa, kilala ko 'yang engin
Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito. Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid. “May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito. N
Hindi nagugustuhan ni Ana ang takbo ng mga pangyayari. Wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa balak niya. Mukhang lahat ng pabor ay napupunta kay Nastya. Bagay na pinanggagalingan ng kaniyang poot.Hindi maganda ang resulta ng mga nangyari noong nakaraan. Si Ana, hindi makatulog habang iniisip kung ano ang nangyari kay Nastya at Francis. Hindi niya lubos na matanggap na ang higit niyang katunggali sa lahat ay ang kaniyang sarili.Dalawang linggo na ang nakaraan, at dalawang linggo na ring hindi makatulog nang mahimbing si Ana. Lagi siyang binabangungot. Binibisita siya sa panaginip ng mga taong inagrabyado ni Nastya noon.Si Nastya. Ito ang may dala ng lahat ng kamalasan sa kaniya! Mula noong dumating ito, akala ni Ana, may poprotekta na sa kaniya. Noon inakala niyang kaya na niya ang mag-isa pero habang paulit-ulit na nilalamangan at ginagamit ng ibang tao, halos madurog siya nang husto.Dumating si Nastya, pinaranas ng
Nagmulat si Mary Joy at ang unang ginawa ay pakiramdaman ang emosyon ng bida. Alam niyang may wisyo na muli ito—bagay na hinihintay niya kanina pa. Gising na ang kaniyang kamalayan bago pa man magising ang bida.Ninamnam niya ang lamig ng paligid, init sa kaniyang pikuran at sakit sa pagkababae ni Ana. Hindi rin mawala-wala ang nangyari sa kaniyang alaala. Sigurado siyang kahit matapos na ang misyon niya rito, maaalala niya pa rin si Francis sa mga susunod na mundong darating.“Diyos ko...” Humikbi si Ana. Niyakap nito ang sarili, nakapamulagat na nakatitig sa hubad na si Francis sa kaniyang tabi. “May nangyari sa amin ni Francis.”Ilang segundong tumagal din ang ngiti ng babae bago nabasag ang pantasya nito. Hipokrita man si Ana ay matalino ito. Wala siyang maalala na kung anong nangyari sa kanila ni Francis kagabi. Ibig sabihin ay lumabas si Nastya at ito ang...“Nastya,” bulong ng bida sa halos hindi makilalang boses,
Nagising si Mary Joy dahil sa maingay na pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid ni Ana. Naging matagal ang pagiging Nastya niya, higit sa mga nauna niyang paglabas kaya naging sapat ang oras niya upang makapagpahinga at kumain ng mga pagkaing gusto ni Nastya bago natulog nang maaga.Nagising siya noong dakong malapit na ang hatinggabi. Inilihis niya ang tingin mula sa alarm clock at tinitigan ang hulto ni Francis na siyang malapit sa kaniyang kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ito umimik at nanatiling tikom. Humalakhak siya.Bumuntong hininga ang lalaki. “Nastya!”“Kaya mo ba hinintay na magsalita ako para masiguradong si Nastya nga ako at hindi si Ana?” Ngumuso si Mary Joy. Huminga siya nang malalim at binuksan ang lampara sa nightstand. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Nakita sa wakas ni Mary Joy ang magulong buhok ng lalaki, walang buhay nitong mga mata at problemadong ekspresyon. Natigilan siya. “Anong problema?”U
Bumuntong hininga si Mary Joy sa ikatlong pagpapalit ni Ana ng damit. Pare-pareho namang bestidang puti ang pinipili nito, iba-iba lang ang disenyo. Nababahala si Mary Joy sa gusto nitong gawin ngunit wala siyang kakayahan upang mapalabas si Nastya.Sa wakas ay nakuntento si Ana sa suot. Mahaba ang puting bestida na ito, umaabot sa kaniyang tuhod. Sa malayo, aakalaing isang anghel si Ana dahil bagay na bagay rito ang ganitong estilo ng pananamit.Naglagay ng kolorete sa mukha si Ana. Hindi nito sinobrahan—sapat lamang upang mapansin. Noong ngumiti ang dalaga sa salamin, napatango si Mary Joy nang wala sa sarili. May dalawang mabababaw na biloy si Ana!Bumaba si Ana ng sala, sinasalubong ng tanong ang bawat katulong na nakikita. Ang asta ay tila karapatan ng babae ang masagot ng mga ito.“Si Sir Francis? Nasa hardin, Ana. Puntahan mo ro'n.”Ngumiti muli si Ana at nagtatalong pinuntahan ang sinabi nitong lugar. Hindi
Kung sasabihin ni Mary Joy na hindi niya inasahan ang pagiging mailap ni Francis kay Ana, nagsisinungaling siya. At hindi siya sinungaling, o hindi ganoon ang tingin niya sa sarili niya. Baka minsan na siyang naging ganoon at umaarteng hindi, ngunit sino nga ba ang mabilis umako ng mali? Kung hindi si Mary Joy, hindi rin iyon si Ana.“Ana, pasensya na pero wala talagang sinabi si Francis, e. Hindi ka naman no'n paaalisin,” pagpapakalma ni Manong Gerald sa kaniya habang nagpapakulo ito ng sabaw. “Magpaliwanag ka na lang sa kaniya pagdating niya. Isang linggo ka na rin no'n na hindi pinapansin.”‘Hindi ko kailangan ng pagpapaalala mo!’Nitong mga araw, habang hindi makatulog si Ana at hindi makakain nang maayos dahil sa kaba at pagdududa. Habang palala ito nang palala, mas lumalakas din ang boses nito sa isip ni Mary Joy. Noong una'y kinikilabutan siya tuwing naririnig ang matinis nitong boses sa isip.Alam niya ang bawat
Sa loob ng tatlong araw, nasanay na si Mary Joy na laging si Ana ang nasusunod sa katawan. Araw-araw ang ginagawa niya lamang ay magmasid at hulaan kung sino sa mga ito ang kaniyang tagasunod. Sa puntong ito buong tiwala niyang sasabihin na wala sa bahay na ito ang taong ibinigay ng system sa kaniya. Wala sa mga ito ang kwalipikado upang maging kanang kamay ni Mary Joy.Ilang araw na rin niyang agam-agam ang posibilidad na agawin ni Nastya mula kay Ana si Francis. Alam ni Mary Joy na hindi gusto ni Francis si Nastya. Ang nararamdaman nito sa kaniya ay kuryosidad, isang naglalakad na sakuna na siyang wala sa buhay nito. Napaka-boring ng buhay ni Francis at si Nastya ang tanging panggulo rito.Hindi gusto ni Francis si Nastya. Sa ngayon. Paano bukas? Ngumiti si Mary Joy sa naisip. Gagamitin niya ang interes ng lalaki kay Nastya upang makuha ito. Ang tanging kailangan niya na lamang ngayon ay humanap ng panahon upang mapalapit dito. Up
“Ana!”Narinig ni Mary Joy ang naiinip na pagtawag ni Francis ngunit hindi siya nagmadali gaya ng tipikal na gagawin ng bida. Mabagal siyang humakbang, ninanamnam sa alaala ang mukha ni Aling Zena noong maabutan siyang humuhugot ng alak mula sa nakasaradong lalagyan. Maalam si Nastya sa pagnanakaw, hindi rin nakatulong ang masaya nitong ekspresyon dahilan upang magsisigaw ang ginang at hampasin siya ng tambo. Kapag may nawala o nasirang gamit sa mansyon, magbabayad ang mga ito kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng matanda.“Anastasia?”Natigilan si Mary Joy dahil sa pagtawag nito roon. Sa alaala ni Nastya, walang kahit sinong tumawag sa kaniya ng ganito. Pareho din kay Ana.“Poster boy,” bati ni Nastya noong lumiko ito sa hagdanan. Nakita niya ang pamimilog ng mga mata ni Francis noong makita ang hawak niyang alak. “Ano? Maraming alak si Madame. 'Wag kang mag-alala.”“Pero kapag nalasing ka—”“Hindi ako mag