TO DESTROY A WHITE LOTUS
NAGISING si Mary Joy nang may iniindang sakit sa tiyan. Ang una niyang inisip ay ang gutom. Matagal na mula noong huli niyang maramdaman ito. Umiling siya't dahan-dahang bumangon mula sa matigas na kinahihigaan. She have to take her supplements. Hindi masaya ang pakiramdam na kumakalam ang tiyan. Ngayon naintindihan na niya kung ba't inimbento ang gamot na madalas niyang inumin ngayon. Sa bilis ng takbo ng sibilisasyon, kahihiyan kung maituturing kung wala pa ang ganoon.“Huseng!” sigaw ng isang matandang babae mula sa ibaba. “Tangina, Huseng, oo! 'Wag mo naman gayahin ang ama mo sa pagiging tamad!”
Namilog ang mga mata ni Mary Joy. She stumbled towards the wall. Noong naging klaro ang kaniyang paningin, kaagad siyang namutla noong makita ang pinagtagpi-tagping kahoy sa paligid. When she caught a glance at the calendar nearby, she almost fainted.
2014
‘[System]: Hi! I'm your trusted AI, Si. Welcome to the Villain's System!’
Sa takot ay iniuntog ni Mary Joy ang sarili sa dingding. Marahas ang tunog na nilikha nito. Naalarma ang babae sa ibaba. “Hoy, Huseng! Anak ng puta 'to—'wag mong sirain 'tong bahay, ha? Kung magiba 'to, saan tayo pupulutin? Gagong 'to...manang-mana ka talaga sa ama mong walang kwenta!”
Mary Joy felt a sense of panic. Natauhan siya dahil sa malaswang pananalita ng babae't pati na rin sa sakit ng kaniyang ulo.
Totoo ang lahat ng ito.
‘[System]: ...you now have 2000 points as a start up gift. You can't have less than 500, or you'll be deleted from the game.’
Nahilo si Mary Joy noong marinig ang salitang ‘deleted’. “Makakabalik pa ba 'ko?”
‘[System]: Kailangang makalikom ng 100,000 na puntos upang makabalik sa realidad. Handa ka na bang marinig ang iyong unang misyon?’
Mary Joy's face turned from white to blue. She's too familiar with this game. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Doon niya unang napansin kung ano ang kakaiba sa kaniyang katawan.
She's in a man's body.
Tuluyan ng bumigay ang isip ni Mary Joy. Bumuntong hininga siya't pabagsak na humigang muli sa matigas na sahig. Kung papipiliin siya, mas gugustuhin niyang hindi na muling magising.
—————
Tatlong oras ang lumipas bago nagising si Mary Joy. Napagod nang husto ang utak niya dahilan para matulog siya nang matagal. Pagkatapos linisan ang sarili at harapin ang mukha sa salamin, napagtanto niya na pamilyar ang hitsura ng lalaki.
Jose Genero Jr. Sword Level mission. Dificulty, 60h%.
Ngayon tuluyang napamura siya. Nalaro niya na ang misyong ito. She passed. Barely.
Ini-mute ni Mary Joy ang AI sa kaniyang isip. Hindi niya na kailangang marinig kung ano ang dapat gawin. Mula noong matapos niya ang misyong ito sa totoong buhay, gabi-gabi siyang nag-iisip ng mga posibleng alternatibong ending para kay Huseng. Pakiramdam niya hindi sapat ang kaniyang ginawa.
Ngayon may pagkakataon siyang baguhin ang lahat. Bigyan ng mas magandang wakas ang lalaki. Sa totoo lang, gaya niya sa totoong buhay, kawawa ito.
Si Jose ‘Huseng’ Genero Jr. ay mahirap. Labingwalong taong gulang. Mababa ang marka sa elementarya hanggang ngayong hayskul siya. Sa totoo lang, mautak si Huseng. Ngunit ayon sa standard ng mga kontrabida sa mga storya, lahat ng katalinuhan niya, sa maling karton nakalagay. Hindi rin kahiya-hiya ang mukha ni Huseng. Ngumiti si Mary Joy sa salamin. Hindi ang ngiting nakasanayan niya ang kaniyang nakita sa harap. Hindi ito matatawag na ngiti. Ang mukha ni Huseng ay nakaayos sa angulong kahit anong gawin niya, nakakainis na ngisi pa rin ang lumalabas.
Ang mukhang ito...guwapo kung ang pamantayan mo sa salitang iyon ay iyong mukha na masasabihang maloko at pasaway.
Bagay na bagay sa kaniya ang role na kontrabida.
The slender hips and lean body are not lesser than the protagonist'. Ang lahat ng kontrabida'y nilikha para may kakompetisyon ang bida. Ibig sabihin, kadalasan sa mga bagay na mayro'n ang bida ay mayro'n din sila. Iyong motibasyon lang nila ang kakaiba. Ang bida'y gusto ang tama, ang kontrabida'y kinikilig kapag ginagawa ang masama. Napakasimple.
Sa misyong ito, maiintindihan ang buong sitwasyon gamit lamang ang iilang pangungusap.
Isang malaking bully si Huseng sa eskwela. Ang bida'y iinisin ni Huseng. Aabot sa punto ng pisikalan. Sa huli'y magkokomprontahan ang mga ito. Masisisi si Huseng sa isang nakawan. Itutulak siya ng bida rito at ito ang magiging dahilan ng pagkakabilanggo niya.
Mukhang napakadali ngunit hindi rin.
“Huseng!” tilaok ng isang impit na boses. “Honey, itong anak mo, o. Hindi na naman pumasok!”
Sumagot ang ama ni Huseng mula sa ibaba. Hindi iyon marinig ni Mary Joy nang maayos.
“Nako, honey, a! Kaya hindi tumitino itong junior mo kasi kinukunsinti mo...” reklamo ng babae, “...hayaan mo, ako didisiplina sa anak mo, okay? Pasalamat ka't dumating ako, honey! Ako aayos sa buhay n'yo!”
Ngumiwi si Mary Joy. Ibig sabihin nito, hindi pa nagkikita ang bida't si Huseng. Ito ang unang bahagi ng kwento. Kakikilala pa lang ni Huseng sa kaniyang ika-limang ‘bagong’ tita. Si Roselyn. Kahit hindi niya pa nakikita ang mukha nito, tiyak siyang ito iyon.
Sa tatlong oras na paglalaro niya sa misyong ito dati, si 'Tita Roselyn’ lang ang tumatawag sa ama ni Huseng nang ganoon. Honey.
“...e, Roselyn, hayaan mo na 'yang bata. Lalaki rin 'yan at magkakawisyo...”
Mary Joy sneered. Kung pagbabasehan ang tono't pinagsasasabi nito, masasabing isa itong mabait at mapagkunsinting ama. Mary Joy knew Huseng's background from reality and that man is neither virtuous nor complacent. Jose Sr. never cared about his son.
Kaya lamang nito kinupkop si Huseng dahil may kaalaman ito sa pandurukot.
Mary Joy flinched. Dahil nasa katawan siya ni Huseng, malamang ay napasa sa kaniya ang kakayahan nito. Every habits, and impulses.
Napahalakhak si Mary Joy nang malakas. Kaya pala hindi siya makaramdam ng kahit ano! Masiyado siyang kalmado—this is Huseng's personality. Kahit maipit ito sa gitna ng dalawang bundok, kalmado itong aalis.
Ito ang dahilan kung ba't ang dali niyang ma-frame up. Tingin ng lahat sa kaniya ay guilty. Wala siyang kibo. Ang pananahimik ay katumbas ng pagtango sa panahong ito. Hindi gaya sa riyalidad. Hindi alam ni Mary Joy kung aling henerasyon ang mas sentimental.
100,000 points. Napailing si Mary Joy. ‘Panic won't give me those pts. Might as well test the waters.’
Tinanggal ni Mary Joy ang pagka-mute ng system. Nag-ayos siya upang bumaba. Una niyang gagawin ay maglakad sa labas. Sa 3d animation niya lang nakita noon ang mundo sa taong 2014. Kuryoso siya.
“Hoy, Huseng...” Hindi nakatiis ang kaniyang ama't umakyat ito sa kaniyang silid. “Akin na. Kailangan kong bumili ng hapunan. 'Wag mo 'kong ipahiya, nandito ang Tita Roselyn mo.”
Dumukot ng iilang perang papel si Mary Joy sa bulsa ng nakasabit na pantalon. Nakuha niya ang mga kaalaman ni Huseng kaya hindi bumagal ni isang segundo ang kaniyang kilos.
“Bakit ito lang?” usig ng ama ni Huseng. “Nasa'n na 'yong iba?”
“Anong iba?” anang malalim na boses ni Huseng. Napakislot si Mary Joy. Siya si Huseng. Kailangan niyang masanay sa brusko nitong kilos, pananalita at katawan. “Hindi napupulot ang pera sa kalsada. Kung gusto mo ng marami, magtrabaho ka.”
Nalukot ang mukha ng lalaki. “Aba't mukhang matigas na talaga 'yang buto mo, ha, Huseng? Baka nakakalimutan mong nasa bahay kita?!”
Pinigilan ni Mary Joy ang sarili na sumagot. May batas sa laro na bawal siyang kumilos nang hindi iniisip ang orihinal na ugali ng kontrabida. Walang imik na bumalik siya sa kama.
Tahimik na tao si Huseng. Lalo na sa sa tatay niya. Hindi puwedeng magkamaling gumalaw si Mary Joy nang wala sa posibleng tugon ng karakter ni Huseng dahil mababawasan siya ng puntos. Mayamaya pa'y umalis din ang ama nito.Kailangan niyang isiping siya na si Huseng ngayon. Kagat-labing iminarka iyon ni Mary Joy sa isip bago hinalughog ang buong silid upang hanapin ang mga inipon ni Huseng.
Mahilig mag-ipon si Huseng kahit wala itong nais bilhin. Hindi ito nakakalma kapag iniisip na wala itong perang nalikom. Ayaw nitong magutom.
Nang mahanap ni Mary Joy ang lahat, natigilan siya. Mukhang naghahanda itong lumayas sa bahay na ito. Ang mga damit ni Huseng ay nasa bag. Ang bag na iyon ay nasa loob ng drawer niya. Ang inipon nitong pera ay may kalakihan.
Hindi ito nakasulat sa background ng laro dati. Aaminin niya, tila may wisyo ang karakter na ito. May sariling pag-iisip at nais na hindi alam ng laro.
Ngumiti si Mary Joy. Napakadaling lumayas sa bahay na ito. Handa na ang lahat sa kaniyang harapan. Iyon nga lang, hindi matatapos sa ganito ang storya.
Una sa lahat, kailangang matalo o mamatay ang bida.
Sigurado siyang matatalo ito. Kung hindi, siya ang mawawala sa unang entablado pa lamang ng laro.
TO DESTROY A WHITE LOTUS —2 “Huseng!” bati ng isang isang may kaliitang babae. Sa taas ni Huseng na 5'9, hanggang leeg niya lamang ito. Ang pamilyar nitong singkit na mga mata at maninipis na labi ay maaliwalas sa gita ng mainit na katanghalian. Humigop nang malalim si Huseng sa bitbit na sigarilyo. Ang lamig ng hanging dala nito'y bumalot sa kaniyang baga, kumalma ang dibdib niyang saglit na nagwala matapos marinig ang boses. “Huseng! Ba't ka nandito?”Kumislap ang mga mata ni Huseng. Sumandal ito sa poste't kaswal na humalukipkip. “May bagong ‘honey’ si Papa.”Kumurap nang ilang beses ang babae. Nanahimik ito ng ilang segundo bago nanginginig na nagsalita. “Alam ko.”Umangat ang kanang kilay ni Huseng. Ngumiti siya. “Kaya ba hindi ka na bumibisita sa bahay? Hiwalay na kayo ni Papa?” Humithit siya muli ng usok mula sa sigarilyo upang itago ang hindi mapigilang pagkurba ng kaniyang labi. Matagal na niya iyong hinihintay.Hindi ni
TO DESTROY A WHITE LOTUS —3 “Takbo!” Kinalampag ni Jeffrey nang malakas ang gate ng bahay, ibig sabihin ay nakuha na niya ang kailangan ngunit may sabit—may nakakita sa kaniya sa akto. Napamura si Huseng sabay karipas ng takbo.Sumabay siya kay Jeffrey na siyang nangunguna sa lahat. Itinapon nito sa kaniya ang isa sa mga dala nitong bag. “Itago mo, bilis!”“Mga magnanakaw! Tulong! Mga magnanakaw!” tili ng isang ginang sa kanilang likuran.Kung sa katanghalian naganap ang mga pangyayaring ito, baka'y kinabahan na si Mary Joy. Iyon nga lang, ang virtual world na ito'y may kaunting malasakit sa mga kontrabida.This world caters to the needs of the villain, ngunit hindi umaabot sa puntong napakadali na ng lahat. Mary Joy knew what happened to this part of the story. Nanakawan ng grupo ang pinakamaliit na bahay sa subdivision na likod ay ang kanilang squatter's area na tinutuluyan. This should've happened in the
TO DESTROY A WHITE LOTUS —4 Hindi nakapunta sa eskwela si Huseng kinaumagahan. The thrill kept Mary Joy awake until it's 3AM before she consoled herself to sleep. Hinintay niyang bumagal muna ang kaniyang pulso't makaramdam ng matinding pagod bago pumikit. Kung matutulog siya nang nag-aalala, hindi siya makakatulog nang mahimbing.Nagising siya katanghalian. Huseng's father was nowhere to be found. Dahil hating-gabi na siyang nakauwi, hindi nito naabutan ang kaniyang pagdating. Nakatulog ito sa paghihintay. Hindi nito alam kung saan niya inilalagay ang perang nakuha dahilan para mainip ito't ikalat ang kaniyang mga gamit habang naghahanap kinaumagahan. Ngayon wala ito.Maybe Roselyn took him out. Mary Joy shrugged. “Buti na rin,” bulong niya.Naligo si Huseng. Pagkatapos magbihis ay pumunta siya ng kusina upang maghanap ng makakain. He mustered everything he could use at the kitchen to prepare a tolerable meal. Habang umiinom ng tu
TO DESTROY A WHITE LOTUS —5 Inabot ng madaling araw upang matimbang ni Mary Joy nang maayos kung sino ang dapat niyang uunahin. Si Felice ba o ang bidang si Giovanni. Kung uunahin niya si Giovanni, posibleng mapabayaan ni Mary Joy nang tuluyan ang first love ni Huseng na si Felice. Kung si uunahin naman si Felice, hindi niya alam ang posibleng kapalit ng kaniyang gagawin. The game was about the protagonist and an antagonist's confrontation. Baka may mangyari kung sakaling unahin ni Huseng ang sarili niya. Gustong ibigay ni Mary Joy lahat ng gusto nito.Habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa batang dinadala ni Felice, napapahilamos na ng palad sa mukha si Mary Joy. She was never a fan of abortion. Kung may kapangyarihan lang siya, buburahin niya sa mundo ang ideyang iyon. No one is allowed to forbid an unborn child the rights to live.“Huseng!” Padabog na pumasok ng silid ang ama ni Hus
TO DESTROY A WHITE LOTUS —6 Nahirapan nang husto si Mary Joy sa pagbitbit kay Felice pauwi. Hindi nakakatulong na si Huseng na lalaki ang umaalalay rito. Halos lahat ng taong nakakasalubong niya sa daan ay may pag-aakusa ang titig sa kaniya. Mary Joy rolled her eyes. Even if this woman seduced her in real life, it is lucky enough if she would spare her a glance. Walang parte ng katawan nito ang gusto ni Mary Joy.“Hu-Huseng...kamukha mo talaga 'yong Papa mo, ano?” Felice hiccuped. Mary Joy let her slide on the door and lay on the dirty floor. “Huseng, malamig.”‘Yeah, well, lupa 'yang kinahihigaan mo...’ Mary Joy sighed. Itinayo niya muli ang babae at ipinahiga nang maayos sa nag-iisang kama ng silid.Hindi maganda ang bahay na nirentahan niya. Pagpasok ng bahay, bubungad agad ang maliit na espasyo sa gitna. Ang kusina'y nasa kanang bahagi, ang kama ay nasa kabila. Wala masiyadong palamuti ang silid. Isa laman
TO DESTROY A WHITE LOTUS —7 Ang resulta, kahit iwasan man ni Mary Joy ang maliliit na detalye sa orihinal na storya, ang kinalabasan pa rin ay pareho. Sa orihinal na Huseng, noong nakuha ni Giovanni iyong bag, nagalit si Jeffrey dahil sa kapabayaan niya. Noong binago ni Mary Joy ang oras ng gagawing pagnanakaw, walang ibang nakakita kay Giovanni nang kunin nito ang bag sa kaniya. Ngayon ang ikinagagalit ni Jeffrey ang ang akusasyong baka ibinulsa niya ang pera.‘Makapangyarihan talaga ang ginintuang kapa ng bida,’ bulong ni Mary Joy sa sarili. Hindi niya tuloy kung gagalaw pa ba siya laban dito o hindi.It's not like she wants to stay here. Oras-oras ay naaasiwa siya sa paulit-ulit na pagbanggit ni Felice sa ama ni Huseng.“'Wag mong itapon 'yan. Baka magustuhan 'yan ng Papa mo pagsundo niya sa 'tin.”‘Yeah, as if.’ Tamad na humiga sa kama si Mary Joy, tinitingnan ang tahimik na kumakaing si Felice.“Huseng, tatlong ara
TO DESTROY A WHITE LOTUS —8 Huseng woke up the next day and the first person he sought was Felice. Magdadalawang araw na siya sa ospital ngunit kahit anino nito hindi niya mahagilap sa kahit saang sulok ng kaniyang silid.Brian told him that the woman was informed of his unfortunate fate. Anong mas importante nitong gawain at hindi siya nito mabisita?Mary Joy scoffed. Dapat ay hinayaan niya na lang sa kalsada ang babaeng iyon. Iniisip niya man ito, she knew she can never do that. Gusto niya lang maglabas ng hinanaing.Wala siyang pamalit na damit. Ang suot niya ngayon ay ipinahiram ni Brian. Maliit ito kaysa sa damit ni Huseng. Isa pa'y malagkit na ang kaniyang pakiramdam. Saglit siyang napanganga noong makitang may banyo ang kaniyang silid. Hindi niya alam kung bakit nasa pribadong kwarto siya gayong wala namang pera si Brian.Habang hinihintay si Felice, dumating si Brian na may dalang malalaking supot ng prutas. “Boss.”
TO DESTROY A WHITE LOTUS —9 Naging aligaga si Felice noong sumunod na araw. Naiintindihan ni Mary Joy kung bakit ito ganoon pero hindi niya makuhang aluin ang babae at patawarin. Felice has been so good to Huseng since yesterday. Pinauulanan siya lagi nito ng papuri. Tinatrato na para bang bata o hindi kaya basong mamahalin na babasagin.Mary Joy wasn't fond of this treatment but she could surely enjoy making the woman squirm everytime she looked at her intently. Minsan iniisip niyang baka nahanap na ang konsensya nitong nawawala. Iyon nga lang habang patagal nang patagal, tila wala itong balak umamin sa kaniya o humingi man lang ng tawad.Huseng smiled wanly. Iba talaga ang mga magaganda.“Huseng, kailan mo bibisitahin si Lola Mildred?” usig ni Brian.Napansin ni Brian at Huseng kung paanong hindi makagalaw ang babae sa silya. Pati ang paghinga nito ay ayaw pakawalan.Inikot ni Mary Joy ang mga mata sa kawalan. Kung um
"Ang tangkad mo talagang lalaki, ah. Ibang iba ka kay Doc Alex!" Ihinampas ng nars ang isang kumpol ng papel sa balikat ni Sandro. "Anong kurso ba kukunin mo sa kolehiyo, ha? Sayang kagwapuhan mo kung magdodoktor ka din! Makukulong ka lang sa operating room at naka-mask!"Napakamot-ulo si Sandro. Inayos niya ang kaniyang buhok at inihapit sa kaniyang noo upang matabunan ang kaniyang mga mata. "Kumusta na si Joy? Hindi ba siya gumalaw?""'Tong si Ms. Sungit? Hindi pa! Alam mo, iniisip ko baka sinasadya niya talagang magmaldita kaya ayaw magbigay ng sign. Kahit kibot man lang ng labi, ayaw ibigay!""Ikaw Sandro, ha. Alagaan mo si Doc Alex. May umaali-aligid pa namang gwapong engineer sa kaniya." Umirap ang babae bago tumalikod. "Uunahan pa yata kaming mga resident workers dito sa ospital na umariba d'yan sa tito mo!"Kumunot ang noo ni Sandro. "Hindi 'yon. Magkaibigan lang sila. Si Kuya Alex... imposibleng maging binabae s'ya. Nagka-girlfriend na siya noon. Isa pa, kilala ko 'yang engin
Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito. Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid. “May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito. N
Hindi nagugustuhan ni Ana ang takbo ng mga pangyayari. Wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa balak niya. Mukhang lahat ng pabor ay napupunta kay Nastya. Bagay na pinanggagalingan ng kaniyang poot.Hindi maganda ang resulta ng mga nangyari noong nakaraan. Si Ana, hindi makatulog habang iniisip kung ano ang nangyari kay Nastya at Francis. Hindi niya lubos na matanggap na ang higit niyang katunggali sa lahat ay ang kaniyang sarili.Dalawang linggo na ang nakaraan, at dalawang linggo na ring hindi makatulog nang mahimbing si Ana. Lagi siyang binabangungot. Binibisita siya sa panaginip ng mga taong inagrabyado ni Nastya noon.Si Nastya. Ito ang may dala ng lahat ng kamalasan sa kaniya! Mula noong dumating ito, akala ni Ana, may poprotekta na sa kaniya. Noon inakala niyang kaya na niya ang mag-isa pero habang paulit-ulit na nilalamangan at ginagamit ng ibang tao, halos madurog siya nang husto.Dumating si Nastya, pinaranas ng
Nagmulat si Mary Joy at ang unang ginawa ay pakiramdaman ang emosyon ng bida. Alam niyang may wisyo na muli ito—bagay na hinihintay niya kanina pa. Gising na ang kaniyang kamalayan bago pa man magising ang bida.Ninamnam niya ang lamig ng paligid, init sa kaniyang pikuran at sakit sa pagkababae ni Ana. Hindi rin mawala-wala ang nangyari sa kaniyang alaala. Sigurado siyang kahit matapos na ang misyon niya rito, maaalala niya pa rin si Francis sa mga susunod na mundong darating.“Diyos ko...” Humikbi si Ana. Niyakap nito ang sarili, nakapamulagat na nakatitig sa hubad na si Francis sa kaniyang tabi. “May nangyari sa amin ni Francis.”Ilang segundong tumagal din ang ngiti ng babae bago nabasag ang pantasya nito. Hipokrita man si Ana ay matalino ito. Wala siyang maalala na kung anong nangyari sa kanila ni Francis kagabi. Ibig sabihin ay lumabas si Nastya at ito ang...“Nastya,” bulong ng bida sa halos hindi makilalang boses,
Nagising si Mary Joy dahil sa maingay na pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid ni Ana. Naging matagal ang pagiging Nastya niya, higit sa mga nauna niyang paglabas kaya naging sapat ang oras niya upang makapagpahinga at kumain ng mga pagkaing gusto ni Nastya bago natulog nang maaga.Nagising siya noong dakong malapit na ang hatinggabi. Inilihis niya ang tingin mula sa alarm clock at tinitigan ang hulto ni Francis na siyang malapit sa kaniyang kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ito umimik at nanatiling tikom. Humalakhak siya.Bumuntong hininga ang lalaki. “Nastya!”“Kaya mo ba hinintay na magsalita ako para masiguradong si Nastya nga ako at hindi si Ana?” Ngumuso si Mary Joy. Huminga siya nang malalim at binuksan ang lampara sa nightstand. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Nakita sa wakas ni Mary Joy ang magulong buhok ng lalaki, walang buhay nitong mga mata at problemadong ekspresyon. Natigilan siya. “Anong problema?”U
Bumuntong hininga si Mary Joy sa ikatlong pagpapalit ni Ana ng damit. Pare-pareho namang bestidang puti ang pinipili nito, iba-iba lang ang disenyo. Nababahala si Mary Joy sa gusto nitong gawin ngunit wala siyang kakayahan upang mapalabas si Nastya.Sa wakas ay nakuntento si Ana sa suot. Mahaba ang puting bestida na ito, umaabot sa kaniyang tuhod. Sa malayo, aakalaing isang anghel si Ana dahil bagay na bagay rito ang ganitong estilo ng pananamit.Naglagay ng kolorete sa mukha si Ana. Hindi nito sinobrahan—sapat lamang upang mapansin. Noong ngumiti ang dalaga sa salamin, napatango si Mary Joy nang wala sa sarili. May dalawang mabababaw na biloy si Ana!Bumaba si Ana ng sala, sinasalubong ng tanong ang bawat katulong na nakikita. Ang asta ay tila karapatan ng babae ang masagot ng mga ito.“Si Sir Francis? Nasa hardin, Ana. Puntahan mo ro'n.”Ngumiti muli si Ana at nagtatalong pinuntahan ang sinabi nitong lugar. Hindi
Kung sasabihin ni Mary Joy na hindi niya inasahan ang pagiging mailap ni Francis kay Ana, nagsisinungaling siya. At hindi siya sinungaling, o hindi ganoon ang tingin niya sa sarili niya. Baka minsan na siyang naging ganoon at umaarteng hindi, ngunit sino nga ba ang mabilis umako ng mali? Kung hindi si Mary Joy, hindi rin iyon si Ana.“Ana, pasensya na pero wala talagang sinabi si Francis, e. Hindi ka naman no'n paaalisin,” pagpapakalma ni Manong Gerald sa kaniya habang nagpapakulo ito ng sabaw. “Magpaliwanag ka na lang sa kaniya pagdating niya. Isang linggo ka na rin no'n na hindi pinapansin.”‘Hindi ko kailangan ng pagpapaalala mo!’Nitong mga araw, habang hindi makatulog si Ana at hindi makakain nang maayos dahil sa kaba at pagdududa. Habang palala ito nang palala, mas lumalakas din ang boses nito sa isip ni Mary Joy. Noong una'y kinikilabutan siya tuwing naririnig ang matinis nitong boses sa isip.Alam niya ang bawat
Sa loob ng tatlong araw, nasanay na si Mary Joy na laging si Ana ang nasusunod sa katawan. Araw-araw ang ginagawa niya lamang ay magmasid at hulaan kung sino sa mga ito ang kaniyang tagasunod. Sa puntong ito buong tiwala niyang sasabihin na wala sa bahay na ito ang taong ibinigay ng system sa kaniya. Wala sa mga ito ang kwalipikado upang maging kanang kamay ni Mary Joy.Ilang araw na rin niyang agam-agam ang posibilidad na agawin ni Nastya mula kay Ana si Francis. Alam ni Mary Joy na hindi gusto ni Francis si Nastya. Ang nararamdaman nito sa kaniya ay kuryosidad, isang naglalakad na sakuna na siyang wala sa buhay nito. Napaka-boring ng buhay ni Francis at si Nastya ang tanging panggulo rito.Hindi gusto ni Francis si Nastya. Sa ngayon. Paano bukas? Ngumiti si Mary Joy sa naisip. Gagamitin niya ang interes ng lalaki kay Nastya upang makuha ito. Ang tanging kailangan niya na lamang ngayon ay humanap ng panahon upang mapalapit dito. Up
“Ana!”Narinig ni Mary Joy ang naiinip na pagtawag ni Francis ngunit hindi siya nagmadali gaya ng tipikal na gagawin ng bida. Mabagal siyang humakbang, ninanamnam sa alaala ang mukha ni Aling Zena noong maabutan siyang humuhugot ng alak mula sa nakasaradong lalagyan. Maalam si Nastya sa pagnanakaw, hindi rin nakatulong ang masaya nitong ekspresyon dahilan upang magsisigaw ang ginang at hampasin siya ng tambo. Kapag may nawala o nasirang gamit sa mansyon, magbabayad ang mga ito kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng matanda.“Anastasia?”Natigilan si Mary Joy dahil sa pagtawag nito roon. Sa alaala ni Nastya, walang kahit sinong tumawag sa kaniya ng ganito. Pareho din kay Ana.“Poster boy,” bati ni Nastya noong lumiko ito sa hagdanan. Nakita niya ang pamimilog ng mga mata ni Francis noong makita ang hawak niyang alak. “Ano? Maraming alak si Madame. 'Wag kang mag-alala.”“Pero kapag nalasing ka—”“Hindi ako mag