ANGEL Ilang beses na kinurap-kurap ni Angel ang mga mata niya para kumpirmahin kung totoo ba talaga ang nakikita niya. Pasimple na rin niyang kinurot ang sarili pero nasaktan lang siya sa ginawa niya. Dahil totoo ang lahat ng nakikita niya sa paligid niya. Kasalukuyan siyang naglalakad ngayon sa red aisle sa gitna. Maraming mga bisita ang nakamasid sa kanya habang dahan-dahang siyang naglalakad patungo sa altar kung saan naghihintay ang lalaking pakakasalan niya. Ang lalaking simula pa man noon ay minahal na niya. Si Carter Sanchez Santillan. Hindi niya napigilan ang maiyak dahil sa sobrang saya niya pero sa kabila nun ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng lungkot. Lungkot dahil ito hindi niya kasama sa pinaka espesyal na araw ngayon ang mga magulang niya. Pero alam niya na palagi lang nandiyan ang mama at papa niya nakabantay sa kanya at sa pamilya niya. Pero kahit ganun, super thankful naman siya dahil kasama niya ngayon ang mommy Coleen at daddy Vince niya na siyang magha
Back to 5 Years Ago... CASEY 18th birthday ang araw ng pagiging ganap na dalaga ni Casey. Pinakamasayang araw para sa kanya. Pero pinakamasakit rin na araw dahil sa harapang pag-ayaw sa kanya ng lalaking mahal niya. Si Asher. "Asher, gusto kita. Mahal kita, sana ako na lang," tahasang pag-amin ni Casey kay Asher sa tunay na nilalaman ng puso niya habang nasa gitna sila at nagsasayaw. "I'm sorry Casey, pero may mahal na akong iba. Siya lang ang nagmamay-ari sa puso ko," deretsahang sagot ng binata sa kanya na siyang ikinadurog ng puso niya. Natapos ang selebrasyon ng 18th birthday ni Casey na umiiyak at durog na durog ang puso niya. Ano ang magagawa niya kung ayaw sa kanya ng taong mahal niya? Alangan naman na pilitin niya rin itong mahalin siya kahit alam niyang imposible. Ilang buwan na lang at matatapos na sa highschool si Casey. Kaya isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Kakausapin niya ang mga magulang niya na sa ibang bansa siya magpapatuloy sa pag-aaral niya ng
CASEY Pagpasok niya sa loob ng kanyang silid ay agad siyang naghagilap ng gamot sa kanyang drawer at agad na uminom. Mas mainam na at dahil baka lagnatin pa siya sa sobrang sakit ng gitna niya. Pumasok din siya sa loob ng banyo para mag shower at mapreskuhan ang pakiramdam niya. Matapos patuyuin ang basang buhok gamit ang hair dryer ay nagbihis na si Casey. Aalis siya ngayong umaga dahil naisipan niyang puntahan sa condo unit nito si Asher para sana kausapin tungkol sa nangyari sa kanila. At para na rin sana magpaalam sa lalaki na aalis na siya patungong ibang bansa sa susunod na linggo. Pero pagdating niya sa condo unit ng binata ay isang masakit na eksena naman ang naabutan niya ang nakita ng dalawa niyang mga mata. Nakayakap ang girlfriend nitong si Chelsea kay Asher at ganun rin ang lalaki rito. Sobrang sweet ng dalawa sa isa't-isa habang magkayakap. At ang nagpadagdag pa sa sakit niya sa puso ay ang makita ng dalawang mata niya na naghahalikan ang dalawa. Nanikip ang dibdib
CASEY Kakatapos lang maligo ni Casey at kasalukuyan siyang nagbibihis ngayon. Humarap siya sa malaking salamin at hinaplos ang kanyang tiyan. Tatlong buwan na pala ang nakalipas simula nang malaman niya na nagbunga ang isang gabi ng kapusukan niya kasama ang lalaking ama ng anak niya. Halata na ang baby bump niya. Palaki na nang palaki ang baby sa sinapupunan niya. At ilang buwan na lang ang hihintayin niya lalabas na ang baby niya. Magiging mommy na siya. Napapangiti siya habang patuloy na hinahaplos ang kanyang tiyan. Hindi na siya makapaghintay na makita at mahawakan ang anak niya. Ganito pala ang feeling ng isang ina. Sobrang sarap sa pakiramdam. Salamat sa isang gabi na nag-iwan sa kanya ng isang magandang alaala na habambuhay niyang iingatan at pakamamahalin. Hindi man siya kayang mahalin ng ama ng anak niya, ay hindi na mahalaga pa sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay ang anak niya, rito niya ibubuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal na meron siya. Hindi niya hahayaan na ma
THIRD PERSON Pagdating sa cafe ay agad na nag-order ang lalaki. Pero tubig lang ang inorder ni Casey. "Kamusta ka," basag ni Asher sa katahimikan nilang dalawa. "I'm fine," tipid niyang sagot na hindi nakatingin sa lalaki. But in her peripheral vision, kita niya ang mariing pagtitig nito sa kanya. "Casey... gusto ko lang mag-sorry sa 'yo sa nangyari sa atin noon. Pero maniwala ka, pinuntahan kita sa mansion niyo noong gabi pagkatapos may nangyari sa atin. Pero sayang at hindi na kita naabutan," wika nito na nasa tono ang panghihinayang. At kung para saan, iyon ang hindi niya alam. "Si Carter ang nagsabi sa akin na nakaalis ka na nang gabing iyon patungo sa ibang bansa. Kaya kita pinuntahan dahil gusto kitang kausapin, na wala akong balak na takasan ang ginawa ko sa 'yo. Na handa akong panindigan ka," patuloy nito sa sinasabi. "Sinabi ko sa kakambal mo na gusto kita, na liligawan kita. Pero ang sabi niya, kung talagang gusto kita, hayaan daw muna kita na makapagtapos sa pag-a
THIRD PERSON Pagdating sa hotel ay agad na dumeretso si Casey sa 3rd floor. Dito na lang ang napili niyang room na malapit sa reception kaysa roon sa presidential suite pa sa pinakataas na floor. Hindi rin naman sila mag stay rito dahil pagkatapos ay uuwe rin naman sila sa mansion. Dahan-dahan niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Tinanggal na muna niya ang suot nitong sapatos. Mamaya na lang sila tutungo sa reception hall kapag nagising na si Zoe. "Sige na Yaya Beth, mauna na ho kayo ro 'n sa baba para makakain na po kayo," aniya sa yaya ni Zoe. "Naku mam, ayos lang po ba talaga sa inyo na mauna ako roon?" paninigurado pa nito. "Yes po, Yaya. Ayos lang po talaga," aniya. Pagkaalis ni Yaya Beth ay hindi naman mapakali si Casey. Palakad-lakad siya sa labas ng kwarto habang nag-iisip. Palapit nang palapit ang landas ni Zoe sa ama nito. Gusto na niyang ipaalam ky Asher ang tungkol kay Zoe pero pinapangunahan na naman siya ng takot. T
CASEY "Ano itong ginawa mo, Asher? Limang taon? Limang taon na walang naging ama ang anak mo Asher," galit na wika ni tita Mara sa anak niya. "Sige na Vayden, iakyat mo na muna sa room ng Ate mo si baby Zoe para makatulog na ng maayos ang bata," utos ni mommy Coleen sa kapatid niyang lalaki na siyang may buhat-buhat sa anak niyang natutulog na. "Look at your daughter now, ang laki-laki na niya," may diing saad ni tita Mara at itinuro ang apo nito. Kita ang galit at inis sa mukha ng ginang at ang disappointment nito sa anak. "Mom, hindi ko alam na-..." "Paanong hindi mo alam, aber? Ikaw ang may gawa tapos ngayon sasabihin mong hindi mo alam," putol ni Tita Mara sa pagsasalita ng anak nito. "Hindi lang ako ang gumawa kay Zoe mommy. Bakit ako lang ang sinisisi nyo?" Kasalanan ni Casey at hindi niya ipinaalam sa akin ang tungkol sa bata," sagot naman ni Asher sa ina nito. Napayuko siya habang nilalaro ang mga daliri sa kamay. Napakagat labi rin siya dahil sa kahihiyan, lalo na s
CASEY Kinabukasan kakatapos lang ni Casey na maghanda ng almusal ni Zoe. Lumabas siya mula sa kusina at naglakad papunta sa sala para sana tawagin ang anak niya, nang makita niyang papasok si Asher sa malaking pinto, kaya mabilis siyang bumalik sa kusina at sumandal sa dingding para magtago. May dala-dalang bulaklak, chocolates at pink teddy bear ang lalaki. Narinig niya ang malakas na boses ni Zoe habang nasa sala ito at naglalaro. "Hello Mr. Stranger!" malakas na sigaw ng anak niya. Sumilip siya mula sa pinagtataguan at pinagmasdan ang mag-ama. At nakita niya kung paano natigilan ang lalaki dahil sa tawag dito ng kanilang anak. "Mr. Stranger?" dinig niyang sambit ni Asher at yumuko ito para magpantay sa anak. Patuloy lang niya na pinapanood ang mga ito at pinapakinggan. "Ang pogi niyo po talaga daddy. Kilala ko na po kayo. Ang sabi ni mommy kanina paggising ko. Ang Mr. Stranger daw na kausap ko kahapon at ang real daddy ko ay iisa," sambit ng anak niya na nasa tono a