Share

CHAPTER TWO

PRIMOTIVO'S POV

Maingay na musika, nagsasayawang mga tao at nag-iinum ang mga sumalubong sa akin, pagkapasok ko ng Starry hub. Kaagad naman akong umakyat sa 2nd floor ng bar kung saan naroroon ang mga gago.

"Hey, Engr!" Dinig kong pagtawag ni Gonzalo sa akin na tinanguan ko lang. At humakbang na papalapit sa kanila at umupo naman ako sa pwestong tanaw na tanaw ang dance floor sa baba.

"Akala ko hindi ka na naman sisipot, Engr.," sambit ni Atty. Philip Aragon na nakangisi sabay abot ng baso na may lamang alak. Inabot ko naman iyon at inisang lagok.

"Alam niyo naman, busy ako. Daming proyekto ang ACC, in and out of the country."

"Sus, Primo! Eh buti naman at naligaw ka ata ngayon dito," pabiro namang tugon ni Damon na ikinibit-balikat ko lang.

"Siguro may problema itong gagong ito kaya nag-make time sa barkada!" komento naman ni Apollo sabay tawa. Tss

"Huwag mo akong igaya sa'yo, dude!" At napasandig na lang ako sa couch na kinauupuan ko at nanahimik sandali, pinapakinggan ko na lang ang mga kwento ng bawat isa sa kanila.

"Ano Gonzalo? Masaya ba ang may kabit?" out of nowhere na tanong ni Apollo na ikinakunot ng noo ko pero mas pinili ko pa ring pakinggan na lang sila. Dahil malalaki na ang mga 'yan, alam na nila ang mga pinanggagawa nila sa mga buhay nila.

Narinig ko naman ang paghagalpak ng tawa ni Gonzalo, "Masaya dude, she's perfect, at magaling..." pabitin namang turan ng isa.

"sa kama?" dugtong naman ni Apollo. At sabay silang tumawa, mga gago talaga.

Napatingin naman ako sa gawi ni Damon nang bigla itong tumayo.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ko.

Napansin ko namang hindi sa akin ang pokus ng mga mata niya. Kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin, and there!

I saw a woman, sophisticated woman, naka-sunglasses ito. Like what the? sa ganitong madilim na lugar?

Hindi na nawaglit ang pokus ko sa babae at sinundan ko ito ng tingin kung saan siya pepwesto. She looks familiar, kaso hindi ko maisip kung saan ko siya nakita o kung nakilala ko na ba ito.

Busy ako kakamasid sa magandang babae nang marinig ko na lang na nagpaalam si Damon.

"I need to go," Kaya nabalik ang pansin ko sa kaniya, pero nasa pababa na ito ng hagdan.

Tinignan ko naman ang iba,

"Nakita ata ang first love, ng gago." Sabay tawa nina Apollo at Philip, tss.

Nagkibit-balikat na lamang ako at napadako ang tingin kay Zanjo na tahimik.

"Pst, problema mo Santillan?" tanong ko. Tumingin lang ito sa akin at umiling.

Tangina rin itong isang ito, eh.

"Si Pepper ba, iniisip mo?" tanong naman ni Philip kay Zanjo. Napayuko lang ang isa,

"Nalilito kasi ako, parang mahal ko pa si Betina... the feeling is still there," tugon nito.

"Gago, Zanjo! Sigurado ka ba diyan? Isipin mo munang mabuti," sambit ko.

"Hays, teka nga, wag nga sa akin ang topic, bakit 'yang si Atty. Aragon?" 

"Anong ako? Wala akong problema, I am happy with my life..." apela naman kaagad ni Philip kaya napangisi lang si Gonzalo.

"Happy your ass, dude! Ni hindi ka nga makapag-move on sa ex mo." Nakatanggap naman ng sapok si Gonzalo galing sa isa dahil sa itinuran nito, tss. Ang gugulo nila, kaya minsan gusto ko na lang mapag-isa. Bumalik naman ang tingin ko sa dance floor, at nakita ko na naman ang babaeng tinitignan ko kanina, sumasayaw ito, and she's getting the crowd's attention. Kaya pati ang mga kaibigan ko ay napatingin din sa gawi niya.

"Ohhh... Avianna Alejandro!" sambit naman ni Apollo, kaya napatingin ako sa kaniya.

So, he knows the woman,

"You know her?" shit! I sounded like I am interested with her. Napatingin naman ang mga kaibigan ko sa akin, na parang sinasabi nilang saan ba ako galing na dako ng mundo at hindi ko kilala ang babae na mukhang kilala na ng lahat.

"Hindi mo siya kilala, dude? The actress." Napakunot-noo ako, artista siya? Kaya napatingin uli ako sa gawi ng babae.

"May naisip ako!" biglang sambit ni Gonzalo kaya napatingin kami sa kaniya.

"Let's play a game,"

"Anong laro na naman 'yan, dude?" tanong ni Apollo, nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanila habang nakatanaw lang sa dance floor, still watching her -- swaying her hips in the rhythm of the music.

"Actually, it's just for Primo." Narinig ko ang pangalan ko kaya napabalik-tingin ako kay Gonzalo. At nakangising nakatingin lang din ito sa akin.

"At bakit nasali na naman ako diyan?" tugon ko na nakakunot-noo pero ngumisi lang ito.

"Di ba gusto mong makuha ang project proposal ng bago kong itatayo na hotel?" pauna nito, kaya medyo nakuha niya roon ang buong atensyon ko.

"And?"

"I will give it to you, Engr." simpleng sambit nito na ikinangisi ko lang din.

"Anong kapalit?" tanong ko, si Gonzalo pa ba? Walang kai-kaibigan sa kaniya pagdating sa negosyo. Kaya lahat ng proposal niya may kapalit, and I am willing to take it, kahit ano pa 'yan, malaking pera ang papasok sa akin kapag nakuha ko ang project proposal ni Gonzalo, kapag nagkataon.

"Kilala mo talaga ako, Engr., well, simple lang naman,"

Tinignan ko lang siya, "Drop it."

"Have sex with Avianna Alejandro, with a video of course!" parang wala lang na sambit nito sabay ngisi, seryoso? Napatingin naman ulit ako sa gawi ng babae,

A night -- just a night with her?

Tumayo ako at tinungga ang alak na nasa baso ko at tinignan si Gonzalo,

"Ready the contract," seryosong sambit ko at tinalikuran sila.

Narinig ko pa ang sinabi ni Apollo, "Potangina? Gagawin mo talaga, dude?"

At sinagot ko lang siya ng isang ngisi --

***************************************************************

AVIANNA'S POV

Napamulat ako sa tunog ng isang telephone, fvck!

Hindi ko kaagad sinagot ito, pero napalibot ako ng tingin sa paligid ko.

"Kailan pa naging black and white ang pintura ng kwarto ko?"

At doon lang nag-sink in sa akin ang mga naganap kagabi... kasama ang lalaking may mala-adonis na imahe. Kaya agad akong napatingin sa aking katawan na nababalot ng kumot.

"What the fuck! Saan napunta ang damit ko?"

Boba ka, Avianna! Malamang may naganap sa inyo ng kung sino mang gwapong lalaking iyon!

Oh my gosh! Hindi ito maaari,

Kaya agad akong tumayo, potangina ang sakit ng pekpek ko!

Mabilis kong hinanap ang mga damit ko pero hindi ko makita ang bra ko, hayop... saan na napunta yun? Nang alisin ko ang kumot na nakatabing sa kama dahil hinahanap ko nga ang aking bra ay doon ko lang din nakita ang stain, ang pulang mantsa na magpapatunay ng kabobohan kong ginawa kagabi. Pero wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari, ang dapat ko na lang gawin ngayon ay makaalis na kaagad sa lugar na ito.

Ngunit naikot ko na ang malaking kwarto na ito ay wala pa rin akong nakita, Potangina saan kaya iyon napunta, hayaan na nga! Dinampot ko na lamang ang isang jacket na naroroon sa couch at sinuot ito, tamang-tama dahil may hood ito. At marahang lumabas sa napakagandang bahay, oo maganda ang loob ng bahay, aba! pinagmasdan ko na, dahil napakaganda naman talaga ng pagkakagawa nito. Iisipin mo ding isang engineer ang may-ari dahil sa mga kasangkapang naroroon at kung gaano kapino ang pagkakadisenyo at pagkakaayos.

Bago ako tuluyang makalabas ay nahagip pa ng tingin ko ang isang napakalaking portrait ng isang babaeng naka-side view na nakatayo sa tabing dagat, it looks familiar yung scenery -- parang ako? ay ewan, makaalis na nga!

"Potangina, potangina talaga!" sambit ko habang palakad-lakad sa village, parang ang layo pa nang lalakarin ko palabas, mabuti na lamang at may hood ang jacket na suot ko, pangtago lang ng mukha ko. Pero good thing lang din sa lugar ay mukhang kaunti lang ang mga residenteng nakatira rito. Ang bad thing lang ay wala akong dalang kahit na ano, buset! Ano to maglalakad ako hanggang condominium ko? Ugh!

Nang medyo nakalayo-layo na ata ako nang nalalakad ay may natanaw naman akong isang babae, may umbok ang tyan nito -- siguro ay buntis.

Mangutang kaya ako sa kaniya? Kahit pang-pamasahe lang pauwi.

"Ah... excuse me, Miss," sambit ko sabay kalabit sa kaniya kaya medyo napaigtad ito.

"Y-yes?"

"Pwede bang mangutang? Kahit isang libo lang, promise babayaran ko!" Napakunot-noo ito, nako baka isipin niya pa na isa akong pulubi, goodness.

"Mangungutang ka?" ulit na sambit nito sabay tinignan ako mula ulo hanggang paa, at doon ko lang din napansing isang pambahay na tsinelas pala ang aking suot suot. Potangina ka talaga, Avianna! Alanganing napangiti na lang ako sa kaniya. At inalis ang hoodie sa aking ulo. Wala naman sigurong ibang makakakita sa akin kundi siya lang.

At mukhang nagulat naman ito base sa naging reaksyon niya nang makita niya kung sino ako.

"A-Avianna? Avianna Alejandro? Hindi ko alam na may artista na palang nakatira rito sa South Ridge..." tinakpan ko na kaagad ang kaniyang bibig at ngumiti ng alanganin.

"Shh, actually naligaw lang po ako kagabi. And I need to go home na, kaso wala akong dalang pera. Promise babayaran kita kaagad, ig-gcash ko na lang, please--"

Nag-isip naman ito sandali, "Bakit hindi ka na lang magpasundo?"

Tanging iling lang ang naitugon ko, at na-gets naman niya atang wala rin akong dalang cellphone. Kaya may iniabot siya sa akin, a phone.

"Ibibigay mo yan sa akin?" Nakakagalak ng damdamin, ang babait naman pala ng mga nakatira rito sa village na ito, makabili na nga rin ng lupa rito. Humagikhik naman ito.

"Silly, hindi... pinapahiram ko lang sa'yo, go call your friends, magpasundo ka na lang dito. Hindi naman ata maganda na ang isang katulad mo ay mag-commute 'di ba?" sambit nito.

Tumawa lang ako, "Sus! Ayos lang nu, hindi porket artista eh di na marunong mag-commute, pero sige na nga magpapasundo na lang ako sa driver ko." At kinuha ko na ang cellphone niya sa pagkakahawak niya at nag-dial ng number.

Mga ilang saglit pa ay dumating na rin ang sumundo sa akin, medyo nahirapan pa nga raw ito pagpasok dahil ayaw siya papasukin ng guards ng village, dahil hindi rehistrado ang plaka ng sasakyan na taga-rito ito nakatira. Mabuti na lamang at tumawag ang security sa bahay ng babaeng mabait na ito. Kaya nalamang may susunduin nga talaga ang van na nasa loob ng village.

Pasakay na ako sa van ko nang linapitan ko ulit ang babae, ngumiti ako sa kaniya ng kay tamis at totoo, walang halong kaplastikan.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko rito nang nakangiti at ngumiti rin siya.

"Denima Cris..."

"Thank you ulit, Cris. And last favor na lang din pala, secret lang natin na napadpad ako sa village niyo ha? Nice to meet you. Sana maging neighborhood tayo someday."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status