Share

CHAPTER FOUR

"Sigurado ka bang safe ang secret ko rito?" paninigurado ko kay Dra. Hope Javier, andirito kami ngayon sa isang kaibigan nyang ob-gyn, mas mabuti na kasing sigurado talagang buntis ako, bago ko kilalanin ang tatay ng magiging anak ko. 

"Oo nga, just trust me. Crush ko nga to noon nung nasa college palang kami. Kaso hindi kami talo, kabadtrip. Anyways, halika na, nasabi ko na din kasing medyo private at confidential ang dadalhin kong pasyente, today. Kaya di sya nagbukas ng clinic nya." Napatingin naman ako kay Hope.

"Thanks ha? Buti na lang andyan ka para sa akin. Kung wala di ko alam gagawin ko..." sambit ko, dumeretso na kasi kami rito sa clinic ng kaibigan nya after naming malaman ang case ko kaninang umaga.

Kailangan ko kasing makasigurado bago ako gumawa ng next step.

Pumasok na kami sa loob ng clinic, mabuti na lang din at hindi masyadong matao ang kinalalagyan nito.

"Oh my gosh! Avianna Alejandro?" gulat na sambit ni Dr. Carl Mendez, nang tanggalin ko ang hoodie sa ulo ko, at hindi naman nakalampas sa paningin ko ang paghampas ni Hope sa kanyang kaibigan.

"I told you na diba, confidential and private ang dadalhin kong pasyente sayo." Sabay irap ni Hope na inirapan din ni Dr. Mendez.

"Oh well, malay ko bang isang famous celebrity ang sinasabi mo. So? Preggy sya? My goodness, this will be a big scoop!" Napatingin naman ako kay Hope, na parang sinasabi kong sabi mo, safe ang secret ko dito. Kaya hinampas ulit sya ni Hope kaya napahiyaw ito. Hays

"Oo na, oo na! Don't worry you are safe here. Walang ibang makakaalam, except the three of us. Halika na, let me check you," sambit nya na may himig na ng professionalism.

"Positive, you are 4 weeks pregnant..." kumpirma ni Dr. Mendez, at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ano nga ba dapat ang maramdaman ko sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon?

Nakatulala lang ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Hope sa mga kamay ko. Kaya napadako ang tingin ko sa kanya.

"So, what now, Avi?" tanong nito na kahit ako di ko alam sa sarili ko kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Napatingin ako kay Dr. Mendez, 

"Do you perform --" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakatanggap na ako ng sapok galing kay Hope.

"Don't think about killing the baby, Avi!" galit na sambit nito.

"Pero, diba? dugo palang naman sya, diba Doc? Dugo palang sya, Hope... pwede pa, hindi pa naman sya nabubuo. Kasi hindi pa ako handa, hindi ko alam kung paano mag-alaga ng nabubuong tao sa loob ng tyan, magpalaki pa kaya ng bata? Hope, ano ba ang dapat kung gawin? Paano na ang career ko?" Para akong mababaliw, natatakot ako. Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang mapaluha, ang gaga mo kasi Avi. Ang rupok rupok mong gumawa ng isang bagay na hindi mo inisip ang magiging resulta.

"Basta! Wag mong idamay ang baby, hindi ako papayag, Avi. Magiging ninang ako nyan!" may diing tugon ni Hope, wala akong ibang magawa kundi ang mapaluha na lamang.

Pero tama si Hope, hindi ko dapat idamay ang bata sa kagagahan ko. I need to be responsible enough with my reckless actions. Napahawak na lamang ako sa aking tyan, hindi ko pa ramdam ang paglaki nito physically, pero ramdam ko na sya emotionally. At hindi ko din talaga kayang patayin ang munting anghel na unti-unting nabubuo sa sinapupunan ko. Hindi ko pa alam ang dapat gawin, pero isa lang ang sigurado ako, hindi ko ito ipapalaglag kahit anong mangyari.

**************************************************************************************

"What?" mahinang sambit ng nanay ko pero halata ang pagkagulat sa himig nito.

Andito ako sa mansion namin sa Cavite, na ipinatayo ng nanay ko galing sa kinikita ko sa pag-aartista. Pero hindi ako rito nakatira, ayoko kasi syang kasama kaya mas pinili kong sa isang condominium sa Metro, tumira.

Dito ko kaagad naisipang dumeretso, galing sa clinic ng Ob-gyn kanina. Gusto pa nga akong samahan ni Hope kaso mas pinili kong harapin ito mag-isa. Kailangang malaman ng nanay ko ito, first and foremost.

"Ma, buntis ako." Nakita ko ang panlilisik ng mata nito at tumayo sa pagkakaupo nya kanina.

"Bu-buntis ka? How come, Avi?" Hindi makapaniwalang tugon nito.

"Malamang nakipag-sex ako, kaya nabuo to." Nagawa ko pang maging sarkastiko sa harap ng nanay ko kaya hindi ko inasahang dadapo ang palad nya sa pisngi ko.

For the first time in forever, nasampal ako ng nanay ko, and it fuckin' hurts!

"Gaga ka talaga, Avianna! Ang bobo, bobo mo!" Nakita ko ang paghawak nito sa kanyang dibdib, hindi ko alam kong inaatake sya sa puso o kung ano. Pero matalim syang nakatingin sa akin, alam nyo yun yung mahinahon sya pero alam mong kumukulo na ang dugo nya sayo at gusto ka nyang sabunutan.

"Ilang buwan?" simpleng tanong nya lang at binigyan ko din sya ng simpleng sagot,

"Isang buwan." At napahawak ako sa sinapupunan ko.

"Pwede pa yan," sambit nito sabay kinuha ang telepono na nakapatong sa side table. Kaya napakunot noo ako, anong pwede? Hindi --

"No!" mahinang pagsambit ko kaya napatingin ito sa akin pero unti unti na akong humakbang papalayo sa kanya.

"Ipapalaglag mo yan, Avi! Hindi pwedeng mabuhay yan, masisira ang career mo, gaga ka!" Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking luha, sabay tingin sa nanay ko ng deretso.

"Hindi ko ito ipapalaglag, Ma!" matapang at may diin kong tugon.

"Avi! Mag-isip ka nga! Sigurado ako, hindi mo kilala ang tatay ng batang yan, 'di ba? Sabihin mo sa akin, sino ang demonyong nakabuntis sayo? Tell me, Avi..." tudyong sambit ng nanay ko at parang biglang tumigil ang paggalaw ng mundo ko.

Para akong nauupos na kandila dahil sa itinanong ng nanay ko sa akin.

"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Dahil yun ang totoo, ang tanging alam ko lang ay sa isang village ito nakatira. And other than that, wala na akong alam tungkol sa mala adonis na lalaking iyon.

Napasinghap ito at nakita kong nagda-dial na ulit sya sa telephone, kaya inagaw ko ito sa kanyang pagkakahawak.

"No, hindi Ma! Hindi ko ito ipapalaglag." Buo na ang desisyon ko, I will not let go of this angel in my tummy.

"Gaga ka talagang bata ka! Masisira ang career mo dahil sa batang iyan! Matutulad ka lang sa akin!" Napakunot noo ako sa sinabi nya, hindi, hinding-hindi ako matutulad sa kanya.

"Eh bakit hindi mo ako ipinalaglag noon, ha?  Kung mas mahalaga pala ang career mo kesa sa akin!" Himutok ko sa kanya.

"Dahil, apat na buwan ka na sa tyan ko nang malaman ko... and--" sambit nito pero pinutol ko na sya kaagad. Dahil ayoko nang marinig pa ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. I hate her the most! At hindi ako papayag na kamuhian din ako ng anak ko balang araw katulad ng pagkamuhi ko sa nanay ko.

"So kung mas maaga mong nalaman, ipapalaglag mo din ako. Ano pa nga bang aasahan ko sayo! I hate you," sambit ko at tinalikuran ko sya. Mabilis akong lumabas ng aming mansion, atleast kahit ano mang gawin kong susunod na hakbang tungkol sa pinagbubuntis ko ay wala na akong utang na explanation sa nanay ko, 'di ba? kasi alam nyang handa akong talikuran ang career ko, ang kasikatan ko, at lahat ng meron ako ngayon para sa baby ko.

"Avi!" Pagtawag nito at yun na lang ang tanging huling narinig kong salita mula sa kanya.

********************************************************************

(Primotivo's POV)

"Kumusta ang ACC, Primo?" tanong ng tatay ko,

"Ayos naman," simpleng sagot ko lang.

Andito ako sa mansion namin sa Cavite dahil ipinatawag kaming magkapatid na may family dinner daw kami na pinagtakhan ko at panigurado ganun din ang kapatid ko, dahil sa pagiging business minded ng magulang namin, minsan lang mangyari ang ganitong pagkakasalo-salo namin sa hapag-kainan. And to be honest, I am getting bored, now.

"Hmm, that's great," simpleng tugon nito, at hindi na ako nakatiis,

"What's the catch, Dad? Mom?" tanong ko sa nanay at tatay ko, sabay tingin din sa kapatid kong lalaki na miminsan lang din mahagilap, ngumisi lang din ito sa akin. At tama namang may nagsidatingan na bisita, kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

"Kumpadre... pasensya na kung nahuli kami. Ito kasing unica iha ko ay naghanda talaga para sa pagkikitang ito ng mga pamilya natin," bati ng isang may katandaan ng lalaki kay Dad, and he looks so much familiar to me, ah yes! Don Mauricio Benidez, ang kapatid ni Don Victoriano Benidez, ang kilalang business tycoon sa larangan ng real estate, na gusto kong maging kliyente kahit noong nag-aaral palang ako. Pero dahil sa pagkamailap nito ay never ko syang nakaharap. But now? Kaharap ko na ang kanyang kapatid kasama ang asawa't anak nito. Nakipagkamay lang ito sa amin, like how businessmen do, at umupo na din ang mga ito sa hapagkainan.

At mas lalo akong naiirita dahil sa tinging ipinupukol sa akin ng anak nitong babae. She's gorgeous but Avianna Alejandro is something more, that is incomparable to anyone.

"So, ito na ba si Leyla?" Nakangiting sambit ng aking ina, mukhang gustong-gusto nito ang babae, dahil miminsan lang ito ngumiti ng ganyan. Kahit sa mga naging nobya ko noon ay hindi ito ganyan kagiliw. Tss, and I think I get this set-up we have, now.

Arranged Marriage.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status