Share

CHAPTER ONE

AVIANNA'S POV

"Mahal? Yan ba ang sinasabi mong mahal mo ako? Ang saktan ako? Pahirapan sa bawat araw na nagdaraan? Tao rin naman ako, Peter, may damdamin at nasasaktan din." Pag-iyak ko sabay hawak sa kaniyang mga braso, kaya napatigil ito sa kaniyang paghakbang at lumingon sa akin.

"Bakit? Mahal naman kita... pero mas mahal ko lang talaga siya. At teka nga, bakit, ikaw lang ba ang nahihirapan sa relasyong ito? Di ba dapat ako ang magreklamo, dahil pinikot mo lang ako!" singhal nito kasabay nang pagwasiwas niya ng kanyang braso dahilan para mabitawan ko siya. Pero sa sobrang emosyong nararamdaman ko dahil sa isinambit nito, ay nagawa ko siyang maitulak.

"Edi lumabas din! Palabas lang ang lahat! Hindi mo talaga ako totoong mahal, napilitan ka lang talagang pakasalan ako dahil nabuntis mo ako!" sambit ko sa kaniya habang patuloy pa rin ang aking pagluha.

"Oo, Oo, Oo! Ayan narinig mo na! Palabas lang ang lahat, dahil ayaw kong masira ang pangalan ng pamilya namin dahil sa kagagahan mo!" At naitulak niya ako ng malakas na nagsanhi para matumba ako at sumalampak sa sahig, kaya naramdaman ko ang biglang pagsakit ng aking balakang kasabay nang pag-agos ng dugo—dugo mula sa aking pribadong parte. Napaiyak na lamang ako, dahil sa sakit at sa galit na aking nararamdaman ngayon. Nakahawak lang ako sa aking limang buwan ng tyan habang umiiyak na tinatanaw ang walang humpay na pag-agos ng pulang likido—ang anak ko...

Naramdaman ko ang paglapit niya sana sa akin ngunit tinapunan ko lang siya ng napakasamang tingin, "Ano? Ako pa an  gaga dahil nagpabuntis ako sayo? Hayop ka talaga, Peter! Sana –sana hindi na lang ako nagmahal ng isang katulad mo..." pahinang paglabas ng mga salita sa aking bibig kasabay nang pag tulo ng aking mga luha—

"And –cut!" sigaw ni Direk Gino. At agad naman akong inakay patayo ni Farhan, ang co-actor ko na ka-eksena ko kanina.

Ngumiti ito sa akin, "Great job, Avi. Ang galing mo, nadala ako roon ah," pagpuri nito sa akin na nginitian ko na lang din pabalik.

"Ang galing, bebe! Kaya nga paborito kitang kasama sa mga pelikula at serye eh. You are such a gem to this industry," papering sambit ni Direk na nginitian ko lang at sabay irap pagkatalikod niya. Ang plastik –lahat naman gusto niyang kasama, lols.

Kinuha na ang pekeng tyan ng buntis na ipinasuot sa akin kanina at nakapagpalit na rin ako ng damit, andito ako sa dressing room ko at nag-aayos ng mukha ko, cause i'm off to go somewhere, tapos na rin kasi ang mga tapings at photoshoot ko ngayong araw kaya mag-gagala ako.

"Saan ka na naman pupunta?" 

Napatingin ako sa repleksyon sa salamin ng taong kakapasok lang, at hindi ko ito sinagot, at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng sarili ko.

"Avi --" 

"Mom! Ano na naman ba? Alam mo namang sa Starry hub ako pupunta. Dahil doon naman ako lagi nagpupupunta kapag nabe-bweset ako sayo."

Harsh ba? Pakialam ko, at inirapan ko siya.

"Starry hub? At ano, magkakalat ka na naman doon?" malditang sambit nito at matalim na tumingin sa akin, tss.

"Magkakalat? Kasalanan ko bang madaming sumusunod na paparazzi sa akin, at gawan ako ng kung ano-anong kwento. Di ka pa nasanay, eh pinasok-pasok mo ako sa ganitong klase ng mundo," sarkastiko kong sambit sa kaniya.

Sa edad na 5 years old, mukha na ako ng mga commercial ng shampoo, baby soap, perfume, at kung anik-anik pa -- in demand kasi cute at bibo akong bata. Dagdagan pa na anak ako ni Avalon Alejandro, isang beauty queen and a fallen star dahil nabuntis na hindi alam kung sino ang nakabuntis sa kaniya. Oo, wala akong tatay -- putok sa buho. Ewan ko kung paano ako nabuo, ewan ko riyan sa malandi kong nanay. Pero maniwala kayo, alam niya 'yan -- sino bang gaga ang makikipag-sex sa hindi mo kakilala, 'di ba?

Kaya lang hindi ko na binibigyang halaga pang malaman ang bagay na iyon, dahil sa 25 years ko sa mundong ito, naka-survive naman akong walang kinikilalang ama. At ipinagpapasalamat ko na lang din sa mahadera kong nanay, na hindi ito nag-asawa o nag-boyfriend man lang. Naging focus itong magulang sa akin, aba! Sino ba ang hindi magpopokus kung lahat ng gusto niyang bagay ay nabibili niya gamit ang perang kinikita ko sa pag-aartista at pagmomodelo. In short, isa akong capital sa kaniya na dapat pangalagaan para lumago -- isang puhunan.

Humakbang siya palapit sa may likuran ko, at marahang sinusuklay ang may kahabaan kong buhok. I let her, hindi na ako umimik pa at nagpatuloy lang sa paglalagay ng maskara.

"Pero para rin naman iyon sa iyo, Avi. Gusto ko lang din matamasa mo ang hindi ko natamasa noong kabataan ko. Sana ay --"

Naputol ang pagsasalita niya nang bigla akong tumayo at kinuha ang bag ko na nakapatong sa vanity table. Palabas na sana ako ng dressing room nang lumingon pa ulit ako sa kaniya.

"Ano?, sana ay maintindihan ko, na para rin sa akin ito? Para nga ba talaga sa akin? O para sa naudlot mong pangarap nang ipagbuntis mo ako? Ginawa mo akong tagasalo ng dapat pangarap na kasikatan mo noon. Oo sa una, masaya, nakakatuwang maging sentro ng atensyon ng madla. Pero nakakasawa na, Ma, napapagod na ako kakasunod sa galaw ng kamera. Hindi naman kasi ito ang pangarap ko eh," sambit ko,

"Eh ano ang pangarap mo? Mag-aral? Maging accountant, humawak ng pera ng iba? Gano'n ba ang gusto mong trabaho, ha! Hindi ka aasenso diyan." At nagulat ako nang tinapon niya ang hawak-hawak niyang suklay kanina sa isang tabi. Yan ang nanay ko, psychotic bitch! Pero mas baliw ako sa kaniya kaya inismiran ko siya at sinagot,

"Eh kaysa naman ganito, tumatanda akong bobo. Walang alam sa totoong mundo, nabubuhay lang sa pagganap ng buhay ng karakter sa teleserye at pelikula. At ang tanging laman ng utak ay puro manuskrito ng bago kong proyekto. Whatever! Nakakasira ka ng gabi." At tumalikod na ako, hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa aking mga mata.

Ano nga ba ang ipinaglalaban ko? Wala naman. Nabu-burn out lang siguro ako sa buhay ko na umiikot lang sa kasikatan, nakakaumay -- kaya magpa-party na lang ako buong magdamag.

**************************************************************************************

Pagkapasok ko sa Starry hub, an exclusive party place rito sa Metro, maingay na musika na kaagad ang sumalubong sa akin at mga nagsasayawan, nag-iinumang magkakaibigan at nagkakasiyahang mag-jowa. Kaya dumeretso ako sa pribadong area kung saan naroroon na ang mga kaibigan ko, oh well, may mga kaibigan din naman ako, mga plastik nga lang.

What? Totoo naman, sa mundong ginagalawan ko, iilan lang ang masasabi mong totoo sayo, swerte mo kung meron, pero kung wala edi kailangan marunong ka ring makibagay dahil kung hindi, paniguradong mapag-iiwanan ka.

I need to, i have to pretend that I want to go around with them. Dahil takot akong mag-isa, i am afraid to be left alone. Para akong nalulunod sa sarili kong emosyon kapag naiiwanan ako. At ito ang naging dulot sa akin nang nasanay ako sa atensyon na ibinibigay ng tao sa paligid ko.

Napadaan naman ako sa bar counter, kung saan may magandang babaeng naroroon at lasing na ata, ewan. Tawa siya nang tawa at order nang order ng alak. Lalapitan ko sana kasi mukhang problemado kaso hindi kasi ako ganoong klaseng tao, nangingialam sa may buhay ng may buhay. Kaya dumeretso na lang ako sa kung saan ang mga kaibigan ko.

"So, where's Avi?" Rinig kong tanong ni Ciara, isang diva, artista na laging hinahalintulad sa akin. A total b-i-t-c-h! Kaso kaibigan nya rin kasi ang mga tinuturing kong kaibigan kaya sige na lang, kaysa magmokmok ako mag-isa sa isang tabi, mas pinili ko na lang makasama ang mga ito.

"What?" sambit ko at nagsilingunan naman sila sa gawi ko, nasa apat kami sa grupo.

Umupo naman ako sa pang-isahang couch na naroroon na parang pag-aari ko ang mundo, charot lang at tumingin sa kanila.

"Akala ko kasi kung napano ka na, dahil ngayon ka lang na-late sa mga ganitong night out," pabebeng sambit nito na ikinangisi ko lang at tinanggal ang suot-suot kong sunglasses, oo gabi na at madilim dito sa loob ng Starry pero naka-sunglasses ako, ganun talaga, artista tayo eh.

Inabot ko naman ang baso na sinalinan ng Jack daniels na alak ni Gwen, at inisang lagok ito, bago nagsalita.

"Akala ko nga rin nalunod ka na sa Ilog pasig... kaso naalala ko, plastik ka nga pala -- lumulutang," sarkastiko kong tugon kay Ciara na ikinasimangot nya habang ikinangisi naman ng dalawa.

Hindi naman na ito sumagot at nanahimik na lang na iniinom ang alak na nasa kanyang baso. Habang ako tamang nagmamasid lang sa paligid, nang may lumapit sa area namin isang dalaga, I think nasa 18 yrs old palang ito. May hawak-hawak siyang pentel pen at isang magazine.

Tinignan ko lang siya nang nakataas-kilay pa. Nakatayo lamang ito sa may gilid ko, so I think ako talaga ang pakay niya.

"Yes?" sambit ko na walang kangiti-ngiti, nakita ko naman ang pag-iba ng ekspresyon nito, mukhang natakot ata sa akin.

"Pwe-pwede po bang pa-autograph, Ms. Avianna? Idol na idol po kasi talaga kita," mautal-utal na pakiusap nito. Sus, iyon lang pala, maliit na bagay.

"Sure, akin na." At inabot niya naman ang magazine na ako ang nasa cover page.

"Pwede rin po bang pa-picture?" Tumango na lang ako bilang pagtugon, after nun ay umalis na rin ito. Marami pa nga sanang gustong lumapit kaso nag-tawag na ng bouncer si Hail. Which is good, dahil com'on pahinga ko ito and then lalapit-lapit sila para magpa-autograph, sa mga mall shows ko na lang at guestings sila pumunta.

Nakatingin lang si Ciara sa akin, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka na naman, tss," sambit ko kaya napaiwas naman siya ng tingin.

"Tama na nga 'yan, sayaw na lang tayo! Ang ganda ng tugtog oh. Let's go!" Pagyaya ni Gwen at tumayo na rin si Gigi, syempre magpapahuli ba ako? Kaya tumayo na rin ako at nagtungo sa dance floor.

Kembot dito, kembot doon. Alam kong nakakaagaw na kami ng atensyon, lalo na at si Avianna Alejandro ito oh, the famous actress. Pero wapakels ako, at ene-enjoy na lamang ang saliw ng tugtugin, nang biglang may humila sa aking kaliwang kamay, at wala akong ibang maggawa kundi ang magpatianod na lamang dahil sa bilis ng mga pangyayari.

The fuck? Who is this man… kissing me like it's the end of the world, at wala akong ibang maggawa kundi ang humalik na lang din with the same intensity and pressure.

Para kaming nasa isang teleserye, ako ang bidang babae at siya? Syempre siya ang bidang lalaki.

At kumapit pa talaga ako sa kaniyang leeg para mas mapadiin ang paghahalikan namin.

Siguro nga katapusan na ng mundo kasi parang gusto kong makipag-sex sa taong ito na hindi ko man lang kilala kung sino.

Alam nyo ang feeling na kahit magunaw man ang mundo bukas, okay lang! Atleast naranasan kong mapasok ng poging lalaking ito ang makipot kong kuweba.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status