"Anong kaso mo bata?" tanong ng mayor ng kulungan sa binatang si Cox.
"Balita ko Boss, pinag nakawan daw niyan ang big-time na pamilya sa labas. 10.5 Million pesos at sinabi din na ginah*sa niya yung nag iisang babaeng anak ng pamilya Taté." mahabang paliwanag ng ka-cosa nitong lalaki. El Mayor ang tawag ng mga nakakulong sa lalaking mataba at malaki ang t'yan, isa siya sa mga notorious na k*ller at hired g*n man. Malalaki at kilalang tao ang dati nitong ka-transaksyon, nang ito pa ay nakaka-laya pa. Si General na isa sa mga gumagawa ng bomba, ito ay ang tinatawag na bomb creator. Micro ang delikado sa grupo dahil kaya nito kumuha ng kahit anong information basta sa maayos na usapan. "Wa-wala akong kasalanan, inosente ako." naka yukong sagot ng binata. Sumiksik pa ito sa gilid at yumuko. Tumayo ang lalaking nag ngangalang El Mayor at kinilatis ang binata mula ulo hanggang paa ng lalaki. "Frame up?" tanong ng lalaking si El Mayor. Nag katingnan ang mga mag kaka-cosa, gumuhit ang pagtataka sa mga mata ng mga ito. "Mukhang may inosente na naman na pinakulong ang mga Taté. " umiiling at maka hulugan nitong wika. "El Mayor anong ibig ninyong sabihin?" tanong ni Micro. Umupo ang nagngangalang El Mayor at nag salita ito, "Magpakabait ka dito sa kulungan, lahat ng gagawin nila sayo na pahirap tanggapin mo yun. Doon ka tatag sa pag laya mo dito," wika nito sa bintana. "May bago tayong kasama gusto ko maging mabuti kayo sa kanya. Tulungan tayo dito sa Selda Trese, maliwanag ba?" muling pagsasalita ng lalaking may pangalan na El Mayor sa mga ka-cosa nito. Ngunit ang binata naman ay naka yuko at nanatiling naka siksik sa gilid ng maliit na Selda. Hindi man naiintindihan ng kasama niya ang dahilan bakit mabait ang kanilang amo ay wala silang magagawa kundi sumunod dito. DUMAAN ANG ISANG BUWAN NG BINATANG SI COX sa loob ng kulungan, nag lalakad ito habang hawak ang kanyang pagkain. Nang may humarang sa kanya na kapwa niya din ay inmate din. Tinabig ng leader ng mga ito na si Jaguar ang pagkain niya na naging dahilan ng pagtapon nito sa sahig. "Sa isang buwan mo dito sa kulungan bata. Balita ko protektado ka ni El Mayor ah?" mayabang na pag tatanong ng lalaki. Tinatawag itong Jaguar ng lahat ng ka-cosa nito. " Wa-wala akong alam sa tinutukoy mo.." nauutal na sagot ni Cox. Ngumisi ang lalaki at isang malakas na suntok ang binigay nito sa sikmura ng binata na kinadaing nito at kina luhod nito. Yumuko ito sa malamig na sahig at dumura pa ito ng pulang likido. Napa tayo naman ang ka-cosa ni El Mayor ng makita ang dehado ang kailangan ka cosa. "Umupo kayo.. laban niya yan kailangan niya matuto ipagtanggol ang sarili niya. Dahil walang ibang gagawa niyan para sa kanya kundi siya lang.." makahulugan na wika nito. Hindi man lang nito bigyan ng tingin o sulyap ang binata at nag patuloy ito sa pagkain ng kanyang tanghalian. Nakita ng mga kasama nilang inmate kung paano sipain at bugbugin ang bagong salta na si Cox. Kahit pa ang mga gwardya sibil ay walang ginagawa upang mapigilan ito. Lumingon ang binata sa gwardya na kumukuha ng video kung paano siya saktan ng mga tao na ito. Doon niya napag tanto na kailangan niyang lumaban na, tinanggap niya ang lahat ng sakit ng bugbog sa kanya ng mga kasamahan niya sa kulungan. Hanggang may nag salita na kina lingon ng lahat. "Tama na 'yan! Nakita niyo na hindi na niya kayo labanan pinagtutulungan niyo pa?" Nag lingunan ang lahat ng marinig ang boses ng isang babae. Nang lumingon ang lahat nakita nila na ito ang inmate sa katabing selda ng binatang si Hayes. "Diba ikaw yung naka kulong sa katabi ng Selda Trese? Ikaw yung asawa na inakusahan?!" Tanong ni Jaguar dito. "Isyu sa'yo? Get up young man!" Ma otoridad na utos ng babae at tinulungan itong tumayo kahit hirap ito. "Aba't gag* 'to ah!?" Pikon na wika ni Jaguar ngunit tanabig lang ni Hayes ang kamay ng babae. "I don't need your help!" Wika ng binata at umalis na lang ito matapos kunin ang kanyang lalagyan ng pagkain sa sahig. Napa tingin ang babae sa lalaking pa ika ika kung mag lakad palayo sa kanila, umiling ito at tiningnan ng masama si Jaguar umalis ito ng tahimik. Siya si Agatha inakusahan ng kanyang sariling asawa ng pagnanakaw at pag pat*y sa sarili nitong Biyenan, kaya ito nakulong. Nang makarating ito sa sariling selda napa hawak ito sa kanyang t'yan. "Kapit ka lang kay mommy, anak ha? Kaya ito ni mommy po-protektahan ka ni mommy kahit anong mangyari.." pag kausap nito sa kanyang anak na nasa loob ng kanyang sinapupunan. SA KABILANG BANDA nag sasaya ang pamilya Taté dahil sa wakas nasa kanila na ang pera at ari arian ng mga Ferguson. "Anak Catleyah, huwag mo na isipin ang r*pist na yun. Mabuti 'yun at mabulok siya sa kulungan!" wika ng ama ng dalagang si Catleyah. Hindi umimik ang babae, mahigpit ang hawak nito sa kanyang suot na dress at pilit hindi lumuha. Hindi man alam para saan ang luha na 'yun ngunit ang babae lang ang totoong nakaka alam ng totoong rason ng mga luha na yun. Nag sasaya ang mga tao hanggang mag tanong ang isang lalaki sa dalagang si Catleyah. "Kamusta ka naman hija? We heard and we know everything that man named Hayes Cox Ferguson's r*ped you.. are you alright hija?" nag aalala na tanong ng ka-syosyo ng ama ng babae sa negosyo. "Yes Mr. Labrador." ngumiti ang dalaga at tumango. HABANG ANG BINATA ay naka tanaw sa maliit na tv sa labas ng selda nito. Kahit bugbog sarado ang mukha nito at hindi niya ito ininda. "Siya ba bata ang sinasabi nilang ginah*sa mo?" tanong ni Tiger ang isa sa grupo na magaling kumilatis ng tao Tahimik ngunit kayang bumasa ng galaw ng mga tao sa paligid nito. Lumingon si Cox dito at tumango, "Naniniwala ako na nagsasabi ka ng totoo, tingin ko pera mo ang kinuha nila sayo. Sigurado din ako na ginamit nila ang anak niya para gawin ito sa'yo." wika ni Tiger. Naka higa na ito at tinakpan ang kanyang mata gamit ang braso nito mismo. "Mag palakas ka at mag paka bait tulad namin. Dahil kapag nangyari yun ang habang buhay mong sintensya ay iikli..." putol nito. Hindi umimik ang binata at pawang nakinig at hinintay ang muling sasabihin ng lalaki. "Dahil makaka labas ka dito sa loob ng dalawang taon o isang taon. Sigurado ako d'yan, ngunit habang nandito ka magpaka lakas ka. Handa kami tumulong sayo kapag mag kaka sama tayong lumabas." mahabang paliwanag nito. Nanlaki ang mga ng binata sa narinig hanggang napag tanto niya ang sinabi nito. "Huwag ka mag alala bata hindi ka mabubulok dito, tandaan mo ito kahit nasa kulungan ka na maaaring gawin nilang impyerno ang buhay mo dito.." wika ni Micro. "Ngunit hayaan mo sila, dahil sigurado kami na mag rereport sila sa pamilya na gumawa nito sa'yo. Hayaan mo silang saktan ka bugbugin, dahil sa oras na maka labas ka ibang tao kana." naka ngising singit ni Jaguar. "Tama sila." wika naman ni Micro at nginitian ang binata. "Matulog na tayo kailangan pa natin gumising ng maaga bukas upang mag linis ng mga selda!" utos ni El Mayor. Habang ang binata ay naka yuko habang hawak ang kwintas ng yumaong ina, nag salita ito. "Pinapangako ko, pag babayarin ko silang lahat. Pangako kahit isa wala akong palalag-pasin. Lahat sila sisirain ko at kukunin ko ang lahat ng meron sila.." pangako nito sa kwintas ng ina. Lumuha man ito ngunit kaunti lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Cox ay nakikinig ang kanyang mga ka Cosa. Ngumiti ang tinatawag nilang El Mayor. Matapos nito humiga na sa higaan niya ang binata at natulog. DUMAAN PA ANG DALAWANG BUWAN HANGGANG ANIM NA BUWAN. Tuluyan ng sinawalang bahala ng pamilya Taté ang kaso na sinampa nila, kahit na sinentasyahan ng habang buhay na pag kaka kulong si Hayes Cox. Nagkaroon ito ng pagkakataon na makalaya din. Dahil na rin sa pinabayaan na ang kaso nito, ngunit walang pakialam si Hayes dito. Gusto niyang manatili sa kulungan hangga't kusa na siyang palayain ng kulungan. Mahirap man para sa binata ang hindi lumaban sa mga nanakit sa kanya ngunit wala siyang magagawa kailangan niyang tiisin ang lahat. Habang gina-gamot nito ang pasa at sugat na tinamo mula sa pang bu-bugbog ng mga ka cosa nito. Malaki ang pinag bago sa katawan ng binata sa nagdaan na anim na buwan. Ang dating patpatin ngayon ay isang maskuladong lalaki. "Oy mga ka-cosa may libreng tattoo doon oh! Baka gusto niyo!" sigaw ng isang inmate. Dahil doon nakuha ang kanyang atensyon. "Ikaw Red gusto mo ba?" tanong ni Tiger sa binata. "Oo sana Tiger, parang gusto ko bahiran ng tinta ang balat ko." malamig nitong sagot. Nag suot ito ng kanyang damit na kulay kahel bago tumayo. "Mas mainam, tara sabay tayo sunod sunod naman yan bawat selda tatawagin." sagot ng lalaking may pangalang Tiger. HABANG ANG PAMILYANG sumira sa binatang si Cox o mas kilala bilang si Red sa kulungan ay nanatiling naka tayo. Nanatil din ang pagmama-yagpag ang pangalan sa buong Asia. Ang hindi nila alam nalalapit na ang pagbagsak ng pamilyang ito. "Cheers to success!" anunyon si Mr. Taté Ngumiti naman ang mag inang si Catleyah at Leona Taté. "I'm so proud of you anak!" bulong ng ina nito sa kanyang unica hija. "Thank you Mommy." naka ngiting pasasalamat ng dalaga. Nag patuloy ang kanilang pag sasaya habang ang taong dahilan bakit sila nasa r***k ng tugatog ay patuloy na ang babayad sa kasalanan na hindi naman nito ginawa. Ngunit sadyang walang pakialam ang babae dahil na rin nakuha niya ang lahat ng luho niya. Pera, alahas, bag, bahay at sasakyan, gamit ang perang ninakaw ng pamilya niya sa binatang si Hayes Cox. Nag lakad ang dalaga patungo sa sekretong kwarto ng pamilya at doon tumambad sa kanyang pag pasok ang mga gold bars at limpak limpak na pera. Kasama ang mga alahas at ang mga furniture na million ang halaga. Lahat ito ay nakuha ng dalaga dahil sa ginawa nilang agreement ng binata, nang mapa pilit niya itong papirmahin na kapag may nangyari sa kanila at nalaman ng mga tao ito mas lalo ang kanyang ama. Kukunin ng dalaga ang pera at lahat lahat dito, hindi pumirma ang binata ngunit dinoktor ang mga pirma nito kaya nakuha nito ang lahat lahat. Hinawakan nito ang mga ari-arian na kinuha nito ng sapilitan. "Hihintayin kitang mabulok sa bilang-guan at sana d'yan kana mamatay sa loob." bulong nito habang naka ngiti. SA KABILANG BANDA ni konting sakit ay walang pinakitang emosyon ang binata habang dumadaloy ang karayom kanyang balat. Doon na rin unti unting napansin ng mga kapwa nitong inmate na nag iba na ang lalaki. Nawala ang emosyon ang mga mata ng binata. "Okay tapos na. Huwag mo muna basain at inumin mo ito kapag bigla kang nilagnat ka." utos ng isang tattoo artist. "Salamat boss dito." walang emosyon na pasasalamat ng binatang si Cox a.k.a Red. Tumayo ito at nag lakad palapit sa kanilang tambayan bilang inmate. Sumali din ito sa mga inmate na gumagawa ng parol na gawa sa kawayan. Ito ang pangunahin nilang kabuhayan habang nasa loob, ibine-benta sa labas upang gawin nilang dagdag sa kanilang pangangailangan sa loob ng bilibid. "Uy, mga ka-cosa may nasagap akong balita na malapit na daw ikasal ang unica hija ng mga Taté sa isang mayaman na business. Kaso hindi pa opisyal itong na aanunsyo." bulong ng isa nilang ka-cosa. Habang si Red ay nanatiling walang imik, ngunit sa isip naman nito ay kailangan na niya maka labas dito para sirain ang pamilyang sumira sa buhay niya. Nang mag gabi habang ang ibang inmate ay tahimik lang upang mag pahinga na. Sa isang gilid naman ay nag babatak ng katawan ang binata. "Handa kana ba lumabas sa kulungan na ito bata?" nakapikit na tanong ni El Mayor. "Oo naman, kating kati na ako makalabas dito at balikan lahat ng may atraso sa'kin." walang emosyon na sagot nito. "Sa sunod na taon lalabas na kami, mauuna kami sa'yo. Hihintayin ka namin matapos ang isang taon pa. Huwag ka mag alala lahat ng kailangan mo naka handa sa paglabas mo." panini guro ni El Mayor sa binata. "Ako na bahala sa mga information." wika ni Micro. "Maraming salamat, naipadala ko na sa kanang kamay ko ang bilin ko na patirahin kayo sa isang bahay ko na hindi nakapangalan sa akin bilang Hayes. Doon kayo tutuloy sa loob ng isang taon hanggang maka labas ako." mahabang paliwanag ng binata sa magiging kasama niya. "Walang problema.." naka ngising wika ni Tiger. LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN nalalapit na ang paglaya ng kasamahan sa kulungan ni Hayes Cox. Naka tingin lang ang binata sa labas habang nag sasayaw ang ibang inmate dahil sa kanilang morning routine. Mag exercise sa umaga matapos kumanta ng Pambansang Awit ng bansa. Lumapit si Jaguar at kinausap ito ng masinsinan. "Magka sabay tayo binigyan ng parol, ngunit kailangan natin maging mabait at huwag pumasok sa gulo. Tama ang ginawa mo na hindi lumaban sa'kin." wika ng lalaki. Lumingon dito si Hayes at hindi umimik, "Susuportahan kita sa paghihiganti sa pamilyang yun. Ang pamilya na naging dahilan ng pagkamatay ng baby ko at asawa ko. Mag babayad sila!" galit na wika nito. Bumaba ang tingin ni Hayes sa kamao nito, doon niya nakita ang galit sa kamao ng bintana. "They killed your family?" tanong ni Hayes. Tumango ang lalaking si Jaguar at huminga ng malalim. " Dahil sa hindi nila nagustuhan ang pag sagot ng asawa ko ng isang beses itong ma late. Buntis na ang asawa ko sa unang anak sana namin, ngunit ang Leona na yun ang tumulak sa asawa ko sa hagdan kaya namatay ang anak namin at ang asawa ko. Dahil na rin sa pamumuo ng dug* sa ulo! Mga wala silang puso!" galit at mahabang kwento nito. "Kung ganun bakit ka naka kulong?" tanong ng binata dito. "Ako ang tinuro nila na pumatay sa asawa ko. Wala na ako nagawa kahit anong laban ko, natalo ako. May pera sila mayaman at makapangyarihan." wika nito at yumuko. Tumango ang binata at hinawakan ang balikat nito. "Mag kita na lang tayo sa address na sasabihin ko, kapag nakalabas na ako. Bibigyan natin ng hustisya ang mag ina mo." wika nito at umalis agad ito at iniwan ang lalaki. "Hindi ko lang ito laban, laban ito ng lahat ng taong inagrabyado ng pamilyang yun. Kahit maliit talagang dudurugin nila.." putol nitong bulong. "Kung ganun.. ako na ang mag sisilbing taga singil ng lahat ng kasalanan ng pamilya 'yun sa lahat ng ina-grabyado nila." bulong ng binata. Bumaba na ito at muling bumalik sa kanyang selda upang mag pahinga. Habang ito ay nag lalakad nakita niya ang palabas sa TV ang pamilyang sumira ng buhay niya. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa galit niya at tiningnan ang pamilyang nag nakaw ng lahat lahat sa kanya. Kahit ang kalayaan ng binata ay pinag kait ng pamilyang ito. "Babalik ako at sisingilin ko kayo ng malaki, kasama ang interest, malaking malaking interest ang sisingilin ko." bulong nito. Nakita ng binata paano ngumiti ang babaeng sa harap ng camera. Ang babaeng dahilan bakit nasira ang buhay niya, ang babaeng napaka tahimik at anghel sa harap ng maraming tao, ngunit isang mababang babae din pala. Ang taong dahilan bakit siya ngayon nasa impyerno. "Baba din kayo sa laylayan ng lipunan at sisiguraduhin kong kakain kayo ng putik at burak sa gagawin ko sainyo.." bulong nito at umalis na muli. Dumeretso ito sa kanilang selda, makalipas ang ilang minuto narinig niya ang pag iingay mg security ng bilibid. "May naka takas daw na inmate!" sigaw ng ibang inmate habang pumasok sa selda nito. Ngunit wala naman imik o kahit anong reaksyon ang binata ng marinig yun. MAKALIPAS ANG ISANG TAON.. "Hihintayin ka namin sa labas ka-cosa." wika ni El Mayor at nakipag kamayan pa ito sa binata. Tinanggap ito ng binata at sumagot. "Salamat, ingat kayo." sagot nitong paalala. Tumango ang El Mayor at umalis na agad. Bumalik ito sa pag kakaupo sa gilid at pinag siklop ang kanyang palad. "Malapit na.." bulong nito habang naka pikit ang mga mata nito. "Malapit na ako gumanti." naka ngisi nitong wika. Siya si Hayes Cox Ferguson, an ex-convict na ninakawan at inakusahan sa kasalanan naman na hindi ginawa. Biktima ng mga taong ganid sa pera at kayamanan. Mga taong hindi kaya makuntento kung anong meron sila. Biktima ng mga taong, ayaw mag palamang kahit kaunti sa ibang tao. Pinagbintangan, pinakulong at inakusahan na isang magnanakaw at r*pist. Ang taong magbibigay sa mga taong uma-grabiyado sa kanya ng pinakamasakit na paghihiganti. Ang taong handang madumihan ang kamay para lang makuha ang hustisya ng tao. Ang taong hindi naniniwala sa justice system ng kanyang bansang tinitirhan. Dahil miski ang batas na dapat ay po-protekta sa mga tao at walang laban ay siya pang kayang kayang bilhin ng salapi. Ang magbibigay sayo ng rason na hindi lahat ng bagay ay kailangan mo umasa sa kamay ng batas. Dahil kung minsan... Ang batas ng tao ang pinaka magandang ganti para sa mga hindi tao mapang api ng kapwa tao. Ito si Hayes Cox Ferguson, kilalanin natin ang binatang gaganti sa paraan na alam niya.. --------------------------------------------- A U T H O R ' S N O T E ; WARNING TRIGGERED AGAD AGAD! HINDI PO ITO USUAL NA REVENGE STORY OKAY? MAY MARARAHAS AT BR*TAL NA PARTE ANG KWENTO NA ITO. MGA SALITA NA HINDI DAPAT ILAGAY. HINDI DIN ITO PANG S*XUAL CONTENT OR SPG. ANG SPG NITO AY PURO SAKITAN AT MARAMI PANG IBA. AT UTANG NA LOOB PO BAWAL ITONG NAKAWIN. MAY KR*MEN PO ANG PAGNANAKAW, BAWAL ANG MAMIRATA NG KWENTO. SALAMAT PO!(Pwede din po kayo mag comment para po malaman ko po kung nagustuhan po ninyo ang story ko) MARAMI PONG SALAMAT! Peace out!2 years later...-HAYES COX FERGUSONNag lalakad ako patungo sa gate mismo ng bilibid habang hawak ko ang papeles na katunayan na laya na ako ngayong araw.Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at naglakad hanggang pag buksan ako ng gate ng gwardya. "Maligayang pag laya cosa Red." bati sakin ng gwardya.Nakipag fist bump lang ako dito at lumabas na ako. Pag labas ko sakto ko nakita ang mukha ng pamilyang sumira sa'kin.Tinitigan ko ito at mahigpit kong hinawakan ang aking bag. "Malapit na tayo mag kita." bulong ko at nag lakad na ako, hanggang makarating ako sa makarating ako sa sakayan ng jeep."Grabe ang gwapo ng lalaki at ang tangkad ng lalaki!" narinig kong bulong ng babaeng tingin ko ay estudyante.Nanatili akong naka tayo at naka tingin sa kabilang side ng kalsada. Pinunit ko ang papel na hawak ko hindi naman ito sobrang kailangan kaya pwede ko na itapon.Nakakita ako ng bus na patungo ang daan sa bahay ko. Tinaas ko ang kamay ko at ganun din ang mga kasama ko na nag hihintay
-CATLEYAH CHLOÉ TATÉ"Paano nangyari ito Dad?" tanong ko kay Daddy. Kakauwi lang namin galing sa H.C Hotel, lahat kami ay nagtataka paano nangyari ang lahat ng ito at sino ang may gawa nito."Wala akong idea kung sino ang may gawa nito o sino ang may galit sa pamilya natin.." sagot ni Daddy sa akin."Darling, please alamin mo naman sino ang may gawa nito. May mga tao na kumakalaban sa atin sigurado yan.." pakiusap ni Mommy kay Daddy.Niyakap ni Dad si Mom at pinagaan ang loob nito. "I will darling, gagawin ko ang lahat para malaman sino ang pumepeste sa atin." pagbibigay ng assurance ni Daddy sa amin.Tumayo ako at si Dad naman ay pinalapit ako at niyakap ako ng mahigpit. "Paano daddy kung si Hayes ang gumawa nito?" tanong ko dito na kina tingin sa akin ng Mommy ko."No, oo naka laya na ang lalaking ‘yun pero marami nag sabi na lumayo na ito sa syudad. Malamang sa kahihiyan ba naman na binigay ko sa kanya. Maalala siya bilang mag nanakaw at rap*st.." matigas na sagot ni Daddy sa akin.
Handa na ang lahat para sa araw ng ipapakilala na ang may ari ng H.C Builders.Lahat ng nabigyan ng imbitasyon ay nasa loob na ng malaking kwarto, ngunit ang pamilya Taté ay nagmamadali sa pagbibihis dahil sila na lang ang huling nakakuha ng imbitasyon.Ang nakaka insulto pa dito ay hindi sila kilala ng may ari H.C builders kahit ang totoo ay sinadya ito ng binatang si Hayes."Makilala ko lang ang sinasabi nilang CEO ng H.C Builders i will pay that human!" galit na wika ni Mrs. Taté."Mom, relax na okay ang importante makaka punta na tayo kahit late." pag papakalma ng dalaga sa kanyang ina."Yes you're right Cat, late sobrang late! Halos kabibigay lang sa atin ng imbitasyon na ito 15 minutes ago! Tapos ang sabi ng sekretarya niya? Hindi tayo kilala?" hysterical na tanong ng ginang.Napa buntong hininga na lang ang anak nito at nag salita naman ang ama ng dalaga na asawa naman ni Leona Tate. "Nandito na tayo, umayos kayo ayoko masira ngayong gabi." paalala ni Mr. Caezar Taté sa kanyang
-KINAUMAGAHAN sa mansion ng mga Taté bumulaga sa kanila ang balitang rerematahin na ang mansion kapag hindi pa sila nag bayad ng 68 Million pesos sa bangko para sa utang nito sa casino."Pa-paano mo ginawang collateral ang mansion sa utang mo sa casino at sa bangko pa talaga?!" tanong ng ginang sa kanyang asawa."Ano gusto mo mapahiya ako sa mga tao dahil wala na akong Pambayad?!" galit na tanong ni Caezar Taté sa kanyang may bahay."Dad, may pera ako sapat yun para makabayad tayo sobra pa nga!" wika ni Catleyah sa kanyang ama."Anak pera mo ‘yan pinaghirapan mo yan.." wika ng ama nito Umiling naman ang anak nitong dalaga at nag salita. "No dad, okay lang kikitain ko pa yan sa kumpanya ko." wika nito.Bumuntong ang ama nito at tumango. "Sige puma-payag na ako anak, pero ibabalik ko din ito sa'yo." sagot ng ama ng dalaga. Tumango naman ito at nginitian ang ama, hindi lingid sa kaalaman nila na may mas malaki pang kahihiyan ang bubungad sa kanila.MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO."Yaya pak
HAYES COX FERGUSON Nang mag gabi nag tungo ako kasama ang kanang kamay kong si Dalton sa mansion ng mga Taté. Tama ako na ang bahay na pagmamay-ari ko talaga sila tumira, kasama ito sa nakuha nila sa akin naikuyom ko ang kamao ko sa pagtitimpi ko ng galit. “Sir, naka kuha ako ng information na hindi lang kayo ang bisita ng mga Taté.” Basag sa katahimikan ng kanang kamay ko. “Sino pa ang kasama?” Tanong ko dito. Binaba ko muna ako ang hawak kong iPad. “Ang fiancée ng nag iisang anak ng mga kalaban ninyo.” Wika ng kanang kamay ko. Tumango naman ako bago mag salita, “Gusto ko Ikaw personally kumuha ng information ni David Von Mocorro.” Utos ko dito, Tumingin ito sa akin gamit ang rare view mirror, “May plano po kayo?” Tanong nito sa akin. “Sabi ni Sir. Tiger nagbigay siya sa inyo ng information ni Von?” Tanong nito. “Hindi ‘yun sapat, gusto ko marami yung malalim..” sagot ko at tumingin ako sa labas ng bintana. Narinig kong bumuntong hininga ito at nakita ko na pumasok kami sa
-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN napanood ko sa tv habang nag aagahan ako ang balita tungkol sa pag atras sa kasal ng pamilya Tate sa mga Macorro.“Sir?” Tawag sa akon ni Luigi ang isa ko pang tauhan. “Gumawa ka ng paraan para mag away ang pamilya na ‘yan masyadong mabilis ang pagsang-ayon ng plano sa akin..” utos ko dito.Tumango ito at nag salita, “Naka handa na po ang plan B.” Sagot nito, tumango lang ako at hindi na umimik pa.Hindi pa oras para ganun ganun kadali na lang nila malusutan ang lahat ng ito. Matapos ko mag agahan umakyat ako sa aking kwarto upang mag bihis ng aking pan-trabaho. Matapos nito lumabas na ako ng aking kwarto at nag tungo sa labas ng bahay, nakita ko pang nagdidilig ng halaman si Nanay kaya hindi ko na ito tinawag pa.Sumakay ako sa backseat ng pag buksan ako ni Luigi, pag sakay ni Luigi nag salita ako. “Tumawag na ba sayo si Dalton o si Micro man lang?” Tanong ko dito.“Sir, wala pa po silang tawag. Sasabihan ko po kayo agad kapag meron na.” Sagot nito
-CATLEYAH CHLOE TATEHanggang ngayon gulat parin ako na ang 48 billion pesos na makukuha namin ay naging 5 billion na lang dahil sa mga utang ni Daddy.At sa bahay na tinitirhan namin, “Ang laki ng 48 billion tapos 5 bilyon na lang natira?” Hindi makapaniwala na tanong ni Mommy kay Daddy.“Ang importante hindi makukuha ang mansion sa atin!” Gigil na wika ni Dad.“Pero hindi ba kayo nag tataka sino ang naka kuha ng necklace?” Tanong ko sa magulang ko.Nilingon ako ng magulang ko na may nag tatanong sa mga mata nito. “Kahit Mommy, yung nag bid kanina at nanalo, hindi sila pamilyar sa akin. Nag tanong tanong ako sabi daw ay bago sila sa city..” paliwanag ko sa kanila.“And then? I don’t get it my Daughter.” Naka salubong ang kilay ni Mommy habang tinatanong ako.“Mom, kung bago sila paano sila naka kuha ng malaking pera? Hindi sila mukhang bilyonaryo!” Sagot ko sa mommy ko.Habang si Daddy naman napahawak sa kanyang baba, “Tama si Chloe, Darling. Kung totoo na bago ang lalaki na ‘yun th
-CATLEYAH CHLOE TATENakatingin lang ako sa isang tinted glass window kung saan kausap ni Monica si Hayes habang nasa kabilang pinto ang mga ito.“Please be comfortable here Mr. Ferguson. Aayusan ka ng aming make up artist and then go na for your interview.” Narinig kong wika ni Monica.Ngunit wala parin imik si Hayes at dahil doon lumabas na si Monica at nag tungo sa kwarto kung nasaan ako.“Grabe sobrang intimidating ng lalaking ‘yun wala siyang emosyon!” Bulong nito habang umaaktong pinay-payan ang kanyang mukha.“Sabi sa’yo ang laki ng pinag iba niya noon sa ngayon..” wika ko dito at umupo ako.“Okay lang ‘yun but anyway yung mga tanong? Tulad ng request ni Tita na tanong about sa pagiging ex-convict niya.” Sunod sunod na wika nito agad ko naman tinakpan ang bibig nito.“Shut it girl! Baka marinig nila tayo.” Awat ko dito at inalis ko agad ang kamay ko.Umirap naman ang babaeng ito sa akin at nag salita, “Kahit naman marinig niya may magagawa ba siya? Totoo naman na ex-convict si
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.