-
KINAUMAGAHAN sa mansion ng mga Taté bumulaga sa kanila ang balitang rerematahin na ang mansion kapag hindi pa sila nag bayad ng 68 Million pesos sa bangko para sa utang nito sa casino."Pa-paano mo ginawang collateral ang mansion sa utang mo sa casino at sa bangko pa talaga?!" tanong ng ginang sa kanyang asawa."Ano gusto mo mapahiya ako sa mga tao dahil wala na akong Pambayad?!" galit na tanong ni Caezar Taté sa kanyang may bahay."Dad, may pera ako sapat yun para makabayad tayo sobra pa nga!" wika ni Catleyah sa kanyang ama."Anak pera mo ‘yan pinaghirapan mo yan.." wika ng ama nitoUmiling naman ang anak nitong dalaga at nag salita. "No dad, okay lang kikitain ko pa yan sa kumpanya ko." wika nito.Bumuntong ang ama nito at tumango. "Sige puma-payag na ako anak, pero ibabalik ko din ito sa'yo." sagot ng ama ng dalaga.Tumango naman ito at nginitian ang ama, hindi lingid sa kaalaman nila na may mas malaki pang kahihiyan ang bubungad sa kanila.MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO."Yaya paki bukas naman yung TV." utos ng ginang habang kumakain ito sa kanilang sala.Pababa naman ang anak nitong si Catleyah upang pumasok sa opisina nito. "Mom, alis na po ak----" naputol ang sasabihin niya ng makita niya ang mukha ni Hayes sa TV."Isa sa mga kilalang pamilya ang Ferguson Family hindi lang dahil sa mayaman sila, kundi dahil sa mga likha nilang dekalidad na building at furniture. Balitang balita na naka laya na ang batang bilyonaryo na ngayon ay CEO and President ng H.C Builders!" narinig nilang pagbabalita ng babaeng anchor."Mas mayaman sila kesa sa atin mas kilala sila kesa sa atin. Ikalawa sila sa pamilya na kilala din sa bansang ito ngunit mga walang mukha." wika ng ina ni Catleyah."Mom, wala pa tayo sa yaman ng pamilyang yan?" tanong nito sa kanyang ina.Lumingon naman ang ginang sa anak nito. "Oo anak, pero kung mayaman ito bakit hindi nito nagawang bilhin ang batas noon para pumabor sa kanya?" pagtatakda ng ginang.-CATLEYAH CHLOE TATE"Kung ganun Mommy? Sadya kayang hindi siya lumaban para lang makita sino ang tunay niyang kakampi?" tanong ko kay mommy.Bago pa ito maka sagot nag salita agad ako at umupo sa tabi nito. "Mom, remember si Dad at ang magulang ni Hayes ay dating magkaibigan noon noong nasa college pa sila? Kaya mom, noong ginawa natin ang scheme na 'yun hindi kaya?" tanong ko kay mommy.Napa tingin si mommy sa akin at nanlaki ang mata nito. "Ibig sabihin, sinadya niya ito para magantihan tayo?! " gulat na tanong ni mom sa akin.Tumango ako at nang makita ko ang oras nag mamadali akong nag paalam at umalis na ako agad dahil late na ako.-HAYES COX FERGUSONNaka cross arms lang ako habang kaharap sa aking harapan si Mr. Taté. "Bakit ka ba bumalik? Para ano hiyain ang pamilya ko?" tanong nito."Hiyain? Bakit ko naman gagawin yan? Kung tungkol sa balita yan wala akong ki----" he cut me off before i finished my words."I know ikaw ang gumawa non! Sinabi sakin ng tao ko umamin kana lang! H*yop ka! Ito lang ba kaya mo para gumanti sa'kin?!" galit na tanong nito.Natawa na lang at umiling. "Ito? Ganti na para sa'yo? Hindi pa ito ang ganting ibibigay ko at ipapataw ko sa inyo." malamig kong sagot dito na kina laki ng mata nito."Umalis ka na sa harapan bago pa kita ipa-kaladkad sa mga security ko." utos ko dito na kina gulat nito.Tumayo ako at tiningnan ito ng malamig diretso sa mata nito. "Natatakot kana sa maaaring kong gawin? How about you sold your daughter to me? Tingin ko maganda diba?" tanong ko dito at nginisian ito.."Subukan mo galawin ang anak ko, ako makakalaban mo! Ibabalik kita sa kulungan kung saan ka nababagay!" banta nito na kina tawa ko ng pagak."Go ahead sue me, i will sue you too sa kasong ano? Kasong pandarambong o pag nanakaw ng pera ng parents ko? How about that? I have a solid evidence na mag didiin sa inyong angkan na pinike ninyo ang pirma ko!" mahabang pag babanta ko dito na kina atras nito.Natawa naman ako at nag lakad ako upang lagpasan ito, nang maka lapit ako nag salita ako. "Isa pang guluhin mo ako o guluhin ako ng mag ina mo, ako magiging sanhi ng bawat kamasalan ninyo sa buhay niyo. Tandaan mo yan..." putol ko at binuksan ko ang pinto ng opisina ko."In 5 minutes pagbalik ko dapat wala ka na dito." huling sabi ko at lumabas na ako. Nag tungo ako sa kabilang kwarto at doon ako muna tumambay kahit saglit lang.Kinuha ko ang remote ng tv dito at binuksan ko yun, pinanood ko mula sa CCTV ang pag alis ni Caezar Taté. As long na gustuhin ko na agad silang pag bayarin, ngunit masyado pang maaga."Makikipag laro muna ako ng apoy. "nakangisi kong wika at umalis na ako muli at bumalik sa aking trabaho.Nang maka balik ako sa opisina ko nag umpisa na ako na ayusin ang aking trabaho, marami pa rin ang alangan sa akin dahil sa ex-convict ako. Pero wala akong pakialam, as long nagtatrabaho ako ng maayos at hindi ko sila ginagalaw."Mr. Ferguson, nag set ng lunch meeting si Miss. Catleyah Taté sa inyo. "bungad ng secretary kong si MariahNapa hawak ako sa baba ko at tiningnan ito, "Para saan? Anong dahilan?" tanong ko dito."Hindi po sinabi ang dahilan, dito daw po kayo mag kita. Ikaw lang daw po." sagot nito at nilapag sa aking harapan ang maliit na papel na siyang nag sulat sa address at pangalan.Kinuha ko ito at binasa, "Malapit lang ito dito, sige pupunta ako. Salamat!" pasasalamat ko dito.Tumango ito at umalis na, wala naman din akong meeting ngayon kaya may free time ako. Muli akong bumalik sa pag ta-trabaho hanggang mag tanghali na.Tumayo na ako upang siputin ang babaeng yun. Kinuha ko ang susi ng Lamborghini Aventador ko at lumabas na ako ng opisina ko, tinanguan ko ang sekretarya ko at sumakay na ako sa sarili kong elevator.-CATLEYAH CHLOE TATENaipag siklop ko ang kamao ko habang kabado ako na hinihintay si Hayes, ang totoo hindi ko alam bakit ako nag set ng ganitong lunch mas lalo na at malapit na akong ikasal.Hanggang sa bumukas pinto na kina tingala ko, agad nag salubong ang kilay ko. "Who are you?" tanong ko sa lalaking ito."James Micro Tan. Pinadala ako dito ni Hayes hindi daw siya makaka punta may importante siyang lakad. " pakilala nito sa akin at nilahad pa nito ang kamay niya."A-ah.. Catleyah Cholé Taté. Actually wala naman importante ang gusto kong sabihin, gusto ko lang siyang makausap ng personal." pag amin ko.Tiningnan ko na tumango lang. "Okay aalis na ako mukhang hindi nga importante. Oo nga pala pinapasabi niya na ayaw niyang nasasayang oras niya at wala ka sa listahan niya na kailangan pag laanan ng oras." mahabang wika nito na kina tulala ko."Wha-what he was just say??" tanong ko ng maka recover ako sa gulat.Napa hawak ako sa dibdib ko ng nakaramdam ako ng hiya. Doon ko napag tanto na maraming naka tingin sa akin. "Grabe, isang Taté pa naman siya tapos ganyan siya umasta? Nakakahiya!" narinig kong wika ng babae.Napa yuko ako at mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng restaurant kung saan kami dapat mag lunch meeting ni Hayes.Mabilis akong sumakay sa kotse ko at doon hindi ko mapigilan hindi pumatak ang luha ko. Ito ang unang beses na napahiya ako ng ganun.Talagang nawala ako sa katinuan, natatakot ako na gantihan ako ni Hayes alam ko na gaganti siya at natatakot ako para sa sarili ko at kila mommy and daddy.Nag drive ako pauwi sa bahay, hindi naman yun ganun kalayo dito sa restaurant na napili ko. Pagdating ko sa mansion agad akong bumaba at pumasok sa loob."Yang walang hiyang Ferguson na yan? Pinahiya at tinakot ang daddy mo! Ito ang unang beses na may nang hiya sa pamilya natin!" galit na salubong ni Mommy sa akin."Why what happened?" tanong ko sa kanila.Hangang ikwento na ni daddy ang pagkikita nila at ang mga sinabi ni Hayes sa kanya. Nakaramdam ako ng galit sa lalaking yun."Anong karapatan niya para sabihan ka at pag bantaan ka niya? Tingin niya ibebenta ko sarili ko sa kanya?!" galit at sunod sunod kong tanong."Kumalma ka anak, sa ngayon hayaan na muna natin siya, dahil kapag dumating ang araw ng aking kaarawan. Iimbitahan ko siya at doon ko siya gigisahin." wika ni Daddy at niyakap ako nito."You're right Darling , nandito ako para suportahan ka sa lahat!" wika ni mommy.Ngumiti ako at niyakap ang magulang ko. "Ako na lang daddy ang mag asikaso ng kaarawan mo malapit na yun diba?" tanong ko kay daddy.Hinawakan nito ang baba ko at tumango. "Gusto mo ba? Sige, ikaw ba ang bahala." pag papa l-ubaya nito sa akin.Niyakap ko ito at nag salita. " Ako na bahala dad, leave it to me I'm sure magugustuhan mo yun!" pag mamalaki ko.Tumawa naman silang dalawa na kina tuwa ko. Kahit pa anong gawin ni Hayes lalaban kami sa kanya, we don't want to end this battle without a fight.-HAYES COX FERGUSON"Siraulo ka talaga, nandito ka lang pala hindi ka na lang nagpakita pre." bungad sa akin ni Micro.Nilingon ko ito saglit at nakipag kamay sa may ari ng restaurant. "Maraming salamat Mr. Ferguson!" pasasalamat nitoTumango lang ako at tinalikuran ko na ito. "Masaya din makipag taguan at ipagdamot sa kanila ang mga bagay na inaasahan nila." makahulugan kong wika dito at nag lakad na ako."So, balak mo ba na mag umpisa na pahirapan sila?" tanong nito sa akin habang palabas kami ng restaurant."Sa ngayon, hindi na muna mas maganda yung pa unti unti. Kahit may plano na ako gusto ko parin dagdagan." sagot ko at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at ganun din ito."So, balitaan mo na lang ako ha? Wala sila El Mayor nasa Singapore para mag bakasyon." sagot nito na kina ngisi ko naman."Then I'm happy for them, pakisabi ingat sila. Hindi ka ba susunod?" tanong ko naman dito bago buksan ang sasakyan ko.Umiling ito at nag salita, "Hindi, dito lang ako para samahan ka sa laban mo muna. Dahil matatagalan sila doon." sagot nito.Dahil doon napa tango ako. "Okay thank you, una na ako." paalam ko. Tumango ito at kinawayan ako.Mabilis ko pinaandar ang sasakyan ko pauwi ng bahay ko, nang nasa gitna ako ng traffic binuksan ko muna ang maliit na TV ng sasakyan ko.Doon ko nakita ang pag wawala ng Fiancé ni Catleyah, ngumisi ako ng nagawa na ng maayos ni Micro ang gusto ko."How can I calm down huh?! You stup*d idi*t! Wala ng laman ang mga credit ko card ko!" sigaw nito sa kanyang Fiancé.Nasa isang exclusive bar sila at doon ito mismo nag wala, alam ko ang nangyayari na yan. Dahil ako ang may dahilan bakit siya wala ng pera ngayon.Pinadala ko sa ama niya ang bank statement ng anak niya na nag nanakaw sa kumpanya niya mismo. Ngunit bilang anonymous na tao, pinatay ko ang TV at pinaandar ko na ang sasakyan ko."Sa susunod mas malala pa ang gagawin ko, patikim pa lang ito." bulong ko.-CATLEYAH CHLOE TATE"Tama na please David! Please tama na wag ka kayo kumuha pa ng video!" sigaw ko sa mga tao na kumukuha ng video habang nag wawala si David ang Fiancé ko."Let's go na David!" utos ko dito at hinila ko ito ng buong lakas ko."Si daddy lang ang may kaya gumawa nito!" sigaw nito ng makarating kami sa labas."I said stop it David! Stop embarrassing us pwede ba kahit ngayon lang tumigil ka sa pag wawala! Hindi naman ni Tito gagawin yun kung wala kang ginawa!" singhal ko dito.Tumahimik naman ito at nag lakad kaya sinundan ko ito. "Babe!" tawag ko dito at sinundan ko ito."I'm sure alam na ni dad ang ginawa kong pag nanakaw sa kumpanya niya." wika nito na kina laki ng mata ko."What?! Magnanakaw ka sa sarili mo pang ama?" tanong ko dito.Nilingon ako nito. "What? I need money for my own needs." sagot nito.Napa nga-nga naman ako at umiling, "Uuwi na ako. " paalam ko at umalis na ako agad.Tinawag pa ako nito pero hindi ko ito nilingon, bakit ko ba pakakasalan ang taong yun? Oo nga pala sa merger ng kumpanya naming lahat.Magpapakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman gusto, na pinilit sa akin. "Ayoko!" malakas king sigaw at pumasok na ako sa sarili kong sasakyan. Pag pasok ko agad kong tinawagan si Daddy.Nasa opisina pa ito, ang aga pa pero si David na sa bar na agad, ganito naman ito lagi. "Dad, please ayoko mag pakasal kay David Von Macorro please, he's a thief sarili niyang ama at kumpanya pinagnakawan niya!" bungad ko daddy."Fine, pag usapan natin yan dito sa bahay." utos nito kaya naman binaba ko na ang tawag ko at mabilis akong umuwi-HAYES COX FERGUSON"Mr. Ferguson gusto ka imbitahan ng pamilya Taté for the dinner tomorrow sa kanilang bahay." wika ng sekretarya ko.Nandito na ako sa bahay ng tumawag ito sa akin. "Para saan? Una anak niya ngayon pamilya na niya? Isa bang senyales ng Cygnus ito?" tanong ko naman dito.Narinig kong tumawa ito bago mag salita. "Tinanong ko po Sir, ang sabi lang ay dinner lang daw at may sasabihin daw sila sa'yo." mahabang sagot nito."Okay sige sabihin mo pupunta ako. Send me the address and time." sagot ko at pag payag ko. Hindi ko alam saan bahay ba? Sa ninakaw sa akin o sa sarili nilang bahay?"Okay po Sir copy." sagot nito at binaba na ang tawag nito.Napa iling naman ako at nilingon si Nanay Andeng "Mukhang makikipag ayos na sila sa'yo." wika ni Nanay sa akin.Umiling ako at kinuha ko ang hawak nitong bowl of chips. "Isa lang ang gusto ko manang, pagbayarin nila ang lahat ng ginawa nila. Wala akong pakialam sa ibang bagay.." sagot ko at umupo na ako upang mag trabaho ulit.Tumango ito at nilapagan ako ng tubig nito. "Sana hindi ka mahulog sa babaeng naging dahilan ng pagbagsak mo." maka hulugan na wika nito at iniwan na ako.Pwede ko naman gawin lahat, handa naman ako sa gusto nilang gawin. Merger but for wedding? Pwede naman.Basta kukunin ko parin ang gusto ko, yun ang goal ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang tao ko na nag ta-trabaho sa mansion ng mga Taté."Balitaan mo ako kung anong pag uusapan ng pamilya na ‘yan ngayong gabi at bukas, bago ako dumating." bungad kong utos dito ng sagutin nito ang tawag ko."Sige po Sir, gagawin ko po. Kung hindi ako maka tawag itext ko na lang po." sagot nito."Kahit ano pa yan, mag iingat ka." bilin ko dito at binaba ko na ang tawag ko.Matagal na akong may tao sa loob ng mansion. Lahat ng dating nag trabaho doon ay umalis na. Ang isa ay bumalik dahil inutos ko sa pamamagitan ng kanang kamay ko.Para magkaroon ako ng teinga at mata sa loob ng mansion ng magulang ko. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit na nararamdaman ko.Ang laban na ito ay hindi ko lang laban, sisiguraduhin kong pag babayaran nila ang lahat ng kasalanan nila.HAYES COX FERGUSON Nang mag gabi nag tungo ako kasama ang kanang kamay kong si Dalton sa mansion ng mga Taté. Tama ako na ang bahay na pagmamay-ari ko talaga sila tumira, kasama ito sa nakuha nila sa akin naikuyom ko ang kamao ko sa pagtitimpi ko ng galit. “Sir, naka kuha ako ng information na hindi lang kayo ang bisita ng mga Taté.” Basag sa katahimikan ng kanang kamay ko. “Sino pa ang kasama?” Tanong ko dito. Binaba ko muna ako ang hawak kong iPad. “Ang fiancée ng nag iisang anak ng mga kalaban ninyo.” Wika ng kanang kamay ko. Tumango naman ako bago mag salita, “Gusto ko Ikaw personally kumuha ng information ni David Von Mocorro.” Utos ko dito, Tumingin ito sa akin gamit ang rare view mirror, “May plano po kayo?” Tanong nito sa akin. “Sabi ni Sir. Tiger nagbigay siya sa inyo ng information ni Von?” Tanong nito. “Hindi ‘yun sapat, gusto ko marami yung malalim..” sagot ko at tumingin ako sa labas ng bintana. Narinig kong bumuntong hininga ito at nakita ko na pumasok kami sa
-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN napanood ko sa tv habang nag aagahan ako ang balita tungkol sa pag atras sa kasal ng pamilya Tate sa mga Macorro.“Sir?” Tawag sa akon ni Luigi ang isa ko pang tauhan. “Gumawa ka ng paraan para mag away ang pamilya na ‘yan masyadong mabilis ang pagsang-ayon ng plano sa akin..” utos ko dito.Tumango ito at nag salita, “Naka handa na po ang plan B.” Sagot nito, tumango lang ako at hindi na umimik pa.Hindi pa oras para ganun ganun kadali na lang nila malusutan ang lahat ng ito. Matapos ko mag agahan umakyat ako sa aking kwarto upang mag bihis ng aking pan-trabaho. Matapos nito lumabas na ako ng aking kwarto at nag tungo sa labas ng bahay, nakita ko pang nagdidilig ng halaman si Nanay kaya hindi ko na ito tinawag pa.Sumakay ako sa backseat ng pag buksan ako ni Luigi, pag sakay ni Luigi nag salita ako. “Tumawag na ba sayo si Dalton o si Micro man lang?” Tanong ko dito.“Sir, wala pa po silang tawag. Sasabihan ko po kayo agad kapag meron na.” Sagot nito
-CATLEYAH CHLOE TATEHanggang ngayon gulat parin ako na ang 48 billion pesos na makukuha namin ay naging 5 billion na lang dahil sa mga utang ni Daddy.At sa bahay na tinitirhan namin, “Ang laki ng 48 billion tapos 5 bilyon na lang natira?” Hindi makapaniwala na tanong ni Mommy kay Daddy.“Ang importante hindi makukuha ang mansion sa atin!” Gigil na wika ni Dad.“Pero hindi ba kayo nag tataka sino ang naka kuha ng necklace?” Tanong ko sa magulang ko.Nilingon ako ng magulang ko na may nag tatanong sa mga mata nito. “Kahit Mommy, yung nag bid kanina at nanalo, hindi sila pamilyar sa akin. Nag tanong tanong ako sabi daw ay bago sila sa city..” paliwanag ko sa kanila.“And then? I don’t get it my Daughter.” Naka salubong ang kilay ni Mommy habang tinatanong ako.“Mom, kung bago sila paano sila naka kuha ng malaking pera? Hindi sila mukhang bilyonaryo!” Sagot ko sa mommy ko.Habang si Daddy naman napahawak sa kanyang baba, “Tama si Chloe, Darling. Kung totoo na bago ang lalaki na ‘yun th
-CATLEYAH CHLOE TATENakatingin lang ako sa isang tinted glass window kung saan kausap ni Monica si Hayes habang nasa kabilang pinto ang mga ito.“Please be comfortable here Mr. Ferguson. Aayusan ka ng aming make up artist and then go na for your interview.” Narinig kong wika ni Monica.Ngunit wala parin imik si Hayes at dahil doon lumabas na si Monica at nag tungo sa kwarto kung nasaan ako.“Grabe sobrang intimidating ng lalaking ‘yun wala siyang emosyon!” Bulong nito habang umaaktong pinay-payan ang kanyang mukha.“Sabi sa’yo ang laki ng pinag iba niya noon sa ngayon..” wika ko dito at umupo ako.“Okay lang ‘yun but anyway yung mga tanong? Tulad ng request ni Tita na tanong about sa pagiging ex-convict niya.” Sunod sunod na wika nito agad ko naman tinakpan ang bibig nito.“Shut it girl! Baka marinig nila tayo.” Awat ko dito at inalis ko agad ang kamay ko.Umirap naman ang babaeng ito sa akin at nag salita, “Kahit naman marinig niya may magagawa ba siya? Totoo naman na ex-convict si
-CATLEYAH CHLOE TATE“Ikaw gumawa niyan. Wala akong pakialam sa pera na ipapasok mo sa kumpanya ko, hindi ako gagawa ng design na copy lang naman..” sagot ni Hayes at tumalikod na lang ito agad at umalis.Ako naman ay nanatiling naka tulala lang, “Ano tini-tingin niyo d’yan?!” Nagising ako sa sigaw ni David.Agad agad kong inawat ito. “Ano ka ba nakakahiya ka! Pati mga tao at crew na wala naman ginawa sa’yo galit ka!” Singhal ko dito at tumayo na ako ng padamog.“Babe!” Tawag sa akin nito, ngunit mabilis akong nag lakad.Yumuko pa ako para makaiwas sa mga matang mapanghusga, “Ano ba!? Kanina pa kita tinatawag!” Malakas na pag hila ang nag patigil sa akin sa paglalakad.“Alam mo bakit? Dahil nakakahiya ang ginagawa mo! Lagi na lang tapos ano? Ako aayos ng gusot mo?” Pagtatanong ko dito.Ngumisi ito sa akin at nag salita. “Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa pamilya ko wala na kayo ngayon?” Tanong nito sa akin. Gusto ko umiyak pero hindi ngayon.“Bakit nakinabang ka naman diba
-HAYES COX FERGUSONDUMATING ANG ARAW NG KAARAWAN ni Caezar Tate, nag desisyon ako na pumunta na lang.Kasama ko si Luigi at Dalton, “Nag bigay ng email ang kaibigan ni Catleyah Tate na si Monica para makipag areglo.” Bulong ni Dalton sa akin.Si Dalton at Luigi ang taong nag babantay ng emails ko, kung wala si Dalton si Luigi ang gagawa salitan lang silang dalawa.“Bayaan niyo sila, saka ko na sila iintindihin. “ sagot ko habang naka tayo kaming tatlo sa loob ng elevator.Gaganapin ang kaarawan ni Caezar sa kumpanya nito lahat ng pinadalhan ng imbitasyon ay inaasahan na dadalo ngayong gabi.Kung ako ang tatanungin hindi ko ito gagawin dahil wala naman akong pakialam sa pamilyang ito. Kung hindi lang dahil sa plano ko hindi ko ito gagawin.Nang tumigil ang elevator sa pinaka huling palapag lumabas na ako pag una, agad kong nakita ang pamilya Tate sa pintuan kung saan isa isa lang sinasalubong ng may ngiti sa labi ang mga bisita.“Makaka ngiti kaya sila kapag nakita ka na nila?” Tanon
-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN habang nanonood ako ng balita dahil wala naman akong trabaho ngayon dahil weekend.Nakita kong pumasok si ang bagong katulong namin kaya agad kong tinanong ito, “Anong pangalan mo? Mukhang bata ka pa ah?” Tanong ko dito. Tumigil naman ito at yumuko sa harapan ko, “Opo Sir, kailangan po kasi ng katuwang ni inay at itay sa paghahanap buhay.” Sagot nito.“Ilan taon kana? Nakatapos ka? Tanong ko ulit dito.Lumabas naman si Nanay Andeng mula sa kusina, may dala itong kape ko at almusal ko na sandwich lang.“Ako po pala si Cristina, Sir Tina na lang po. High school lang po tinapos ko.” Sagot nito ng maka upo ito.Dahil sinenyasan ko itong umupo muna na siyang ginawa nito, “Gusto mo ba mag aral habang nag ta-trabaho ka? May alam akong school na tumatanggap ng working student.” Mungkahi ko dito matapos ay sumimsim ako ng kape.“Pero Sir, ayoko po maapektuhan ang trabaho ko,” umiiling na wika nito.“Papabawasan ko ang trabaho mo at mag hire pa si Nanay Andeng
WARNING LANG PO MAY SPG PO ITO KAYA PLEASE PO BAWAL SA BATA ITO !! READ YOUR OWN RISK PO!-CATLEYAH CHLOE FERGUSONDahil sa stress ko sa bahay at sa mga nangyayari ngayon. Inaya ko si Monica na mag bar muna kami, napili namin sa bagong tayong bar na ang pangalan ay 7's Oz Bar.Hindi ko alam bakit ganyan ang pangalan pero ang alam ko dating nakulong ang may ari nito at hindi pa ito kahit kailan nagpunta dito o nagpakita man lang.Kahit sino mahihiya mag pakita sa mga tao kapag dati silang kriminal.."Hey girl! Kanina ka pa ba?" tanong sa akin ni Monica. Oh well nauna ako sa kanya dito dahil inom na inom na ako ng alak."Not long, fifteen minutes i guess." sagot ko na kina tawa nito." Okay oorder na ako ng drinks natin! God ang daming tao!" wika nito, hindi ko na lang ito pinansin pa.Nag order pa ako ng isa pang baso ng hard drinks nila hanggang, nag bulungan ang mga tao sa paligid ko. " Hindi ba siya si Hayes Ferguson? Siya yung ex-convict diba?" narinig kong tanong ng babae sa tab
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.