-
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN napanood ko sa tv habang nag aagahan ako ang balita tungkol sa pag atras sa kasal ng pamilya Tate sa mga Macorro.“Sir?” Tawag sa akon ni Luigi ang isa ko pang tauhan.“Gumawa ka ng paraan para mag away ang pamilya na ‘yan masyadong mabilis ang pagsang-ayon ng plano sa akin..” utos ko dito.Tumango ito at nag salita, “Naka handa na po ang plan B.” Sagot nito, tumango lang ako at hindi na umimik pa.Hindi pa oras para ganun ganun kadali na lang nila malusutan ang lahat ng ito. Matapos ko mag agahan umakyat ako sa aking kwarto upang mag bihis ng aking pan-trabaho.Matapos nito lumabas na ako ng aking kwarto at nag tungo sa labas ng bahay, nakita ko pang nagdidilig ng halaman si Nanay kaya hindi ko na ito tinawag pa.Sumakay ako sa backseat ng pag buksan ako ni Luigi, pag sakay ni Luigi nag salita ako. “Tumawag na ba sayo si Dalton o si Micro man lang?” Tanong ko dito.“Sir, wala pa po silang tawag. Sasabihan ko po kayo agad kapag meron na.” Sagot nito, tumango na lang ako at hindi na muling umimik pa.Tahimik lang ako hanggang makarating kami sa aking kumpanya, “Ibaba mo na ako sa harapan ng kumpanya, tapos sumunod kana bago yun bumili ka ng pagkain mi Mariah panigurado hindi pa kumain ang sekretarya ko. Sa atin din.” Mahigpit kong bilin kay Luigi.“Okay sir,” sagot nito at ng tumigil ito sa harapan ng kumpanya.Sumenyas ako na huwag na itong bumaba, binuksan ko ang pinto at bumaba na ako habang hawak ko ang briefcase ko.Napa lingon ako sa babaeng naka tayo sa tabi ng gwardya ng aking kumpanya. Walang iba kundi si Catleyah.Lumapit muna ako at ng makita ako ng tauhan ko yumuko ito, “Sir. Nag pumulit siyang pumasok sabi ko hindi pwede kung walang appointment.” Pambungad nitong sumbong sa akin.“Bumalik kana sa trabaho mo, ako na bahala dito.” Utos ko dito.Yumuko ito at iniwan na kami ng anak ni Tate. “Anong kailangan mo Miss. Tate?”malamig kong tanong dito.“Pwede ba tayo mag usap sa opisina mo?” Tanong nito pabalik sa akin.“Make sure na may kwenta ang sasabihin mo, marami pa akong trabaho..” tiningnan ko ito ng malamig bago ako nag lakad.“Thank you!” Sagot nito at sumunod na ito sa akin.Sinenyahan ko ang tauhan ko na kasama ko ang babae sa likod ko. Nang maka tapat kami sa elevator nag salita ito. “Anong floor ang opisina mo? Hindi ako sasabay sayo dahil VIP yan..” tanong nito na kina salubong ng kilay ko.“No need, ayoko sa lahat nagsasayang ng oras sumabay kana ng matapos na ang pakay mo.” Sagot ko dito.Pumasok na ako ng bumukas ito nang humarap ako nakita ko itong may gulat sa kanyang mukha. “Make it fast Miss. Tate!” Pag didiin ko na utos ko dito.“So-sorry!”nauutal nitong sagot at pumasok agad.Pinindot ako ang 22nd floor o numero at umayos ako ng tayo, “Hayes..” tawag nito sa pangalan ko.“We’re not close nor friends to call me by my first name. Call me Mr. Ferguson.” Malamig kong paalala dito.Humarap naman ito sakin na bahagyang kina bigla ko din. “Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sayo, pero pwede ba na kalimutan na lang natin ‘yun? We can start it over right?” Tanong nito at lumapit pa ito sa akin.“Hindi naman imposible ‘yun diba? Saka mukha naman naka move on kana. Naka laya kana ‘yun naman ang importante diba?” Dagdag nito.Imbes na sumagot ako tiningnan ko lang ito hanggang tumunog ang elevator, hindi bago sakin na ganun ka bilis dahil express elevator ito.“May opisina Miss. Tate,” simpleng paalala ko at nauna na akong lumabas.Sumunod ito sa akin at ako naman ay nag lakad hanggang makita ko si Mariah na nagkakape. “Good morning, Boss nasa opisina na po ninyo ang pure black and no sugar niyong coffee.” Bungad ng sekretarya ko.“Thank you, wait for Luigi he have a breakfast for you. Eat first and we will go out later!” Naglalakad kong paliwanag dito.Sumaludo pa ito at ngumiti sa akin. Hinayaan ko na lang at pumasok na ako sa aking opisina, tinted ito at sound proof. “Have a sit Miss Tate.” Aya ko dito at tinuro ko ang upuan sa harap ng table ko.-CATLEYAH CHLOE TATENilibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko nakita ang ganda ng kanyang opisina, “Tell me, ano ba talaga ang pinunta mo dito?” Napa lingon ako ng marinig ko ang baritong boses ni Hayes.Huminga ako ng malalim at umayos ng upo, “De-deretsuhin na kita Mr. Ferguson. About sa offer mo,” putol ko.Nakita ko itong sumandal sa kanyang upuan at tiningnan ako ng taimtim. Pakiramdam ko hinuhukay niya ang pagkatao ko gamit ang mga tingin na ‘yan.“Pumapayag kana? Be my wife and i will pay the debt your father,” tanong at sagot nito sa akin.Napa lunok ako at umiling, “ Hindi kami pumapayag, ayaw din ni Daddy na ako ang maging kabayaran ng pag tulong mo..” sagot ko dito at paliwanag.“Then leave my office or better say my company.” Malamig na sagot nito at pagpapaalis sa akin.Nanlaki ang mata ko at tiningnan ito, iniisip ko pwede niya akong pilitin sa gusto niya Takutin man lang o ano, but ito ang ginawa niya.“Do you really think? Na mag mamakaawa ako at pipilitin ka sa gusto ko mangyari?” Tanong nito at tumayo sa harapan ko.“Think again Miss. Tate. Gasgas na ang istilo mo, lahat ng ginawa ninyo ng pamilya mo hindi ko ‘yun nakakalimutan. Mas lalo ang ginawa mo..” bulong nito sa mukha ko.“Yung sagot ko sa sinabi mo kanina? Na kalimutan na ang lahat? Pwede naman, pero hindi ko gagawin..” dagdag nito at lumayo na sakin.“Umalis kana, bago pa ako mag tawag ng security.” Malamig na utos nito sa akin.Tumayo na ako at tiningnan muli ito habang nag ta-trabaho. “Hayes. Sana mahanap mo ang pagpapatawad sa puso mo..” wika ko bago umalis.Nakita kong tumigil ito sa pag tipa, kaya naman napa ngisi ako ng makita ang reaksyon nito. Ibig sabihin kaya ko siya paikutin muli tulad noon.Nag lakad na ako palabas at sumakay ako sa bukas na elevator may lumabas din doon na lalaki na siyang driver ni Hayes kanina.Ngumisi ako at pag pasok ko sa loob ng elevator. “Sisiguraduhin ko na mahuhulog ka ulit sakin..” bulong ko.-HAYES COX FERGUSON“Sir, hindi sa nangingialam ako. Anong kailangan ni Miss. Tate dito?” Tanong ni Luigi sa akin. Nilapag nito ang pagkain na pinabili ko.“Sinusubukan ako nito, iniisip niya siguro na may gusto ako sa kanya. Gusto ko isipin niya ang bagay na ‘yun.” Sagot ko at kumain ako ng salmon sushi na dala nito.“Ibang klase, kinuha na nila ang lahat sayo noon pati ba naman ngayon?” Tanong nito.“Hindi sila makukuntento hanggang hindi nila makukuha ang gusto nila, ganun kapag masyado kang gahaman.” Kahulugan kong sagot dito.Umiling lang ito na parang hindi pa rin ito makapaniwala, kahit sino ganun ang magiging reaksyon mas lalo kung babae pa ang makaka isip na gumawa ng ganito.MAKALIPAS ANG ISANG ORAS halos tanghalian na rin inaya ko ang secretary ko na kumain kami sa labas, i know she’s pregnant and she’s craving for japanese food.“Luigi. Puntahan mo si Mariah tell her na kakain tayong tatlo sa labas. “ utos ko kay Luigi at tumayo na ako upang isuot ang coat ko ulit.“Okay sir,” sagot nito at nauna na itong lumabas. Paglingon ko sa bintana, nakita ko na nag liwanag ang mukha ng secretary ko.Nangako naman ako sa asawa ni Mariah na kahit secretary ko lang ito, hindi ko ito pababayaan mas lalo at first baby nila ang pinagbubuntis.Maselan, kinuha ko ang wallet ko at cellphone bago ako lumabas. Paglabas ko nakangiting mukha ng sekretarya ko ang nakita ko.“Sir, out na rin ang husband ko nag aaya siya, pwede po sumama na lang siya?” Tanong nito sa akin.Tiningnan ko ito muna saka nag isip, nang maka pag isip ako kumuha ako ng pera sa wallet ko. “Mag date muna kayong dalawa kumain kayo ng maayos. Ito ang pera ayoko maka gambala sa inyo porket ako ang boss mo.” Paliwanag ko at inabot ang five thousand pesos sa kanya.Napa nganga ito, “kainin mo lahat ng gusto mo, if kulang yan tawagan mo ako agad ako na bahala mag settle,” sagot ko at iniwan ko itong naka nganga. Tinapik ko si Luigi at umalis na kami ng sabay.Ito ang pumindot ng open button sa elevator para makapasok na kaming dalawa ng maayos, nang makapasok ako agad itong sumunod.“Matutuwa na naman ang buntis, tuwang tuwa din siya ng ikaw ang gumastos sa kasal niya.” Wika ni Luigi.“Matagal na sa akin si Mariah, kaya naman sinusuklian ko lang ang pagiging loyal niya sa akin at sa magulang ko.” Sagot ko dito.Ngumiti naman ito at tumango, tahimik na ako muli hanggang makarating kami sa ground parking. Pag labas ko saktong nasa harapan na rin pala ang sasakyan ko.“Sir, deretso ba tayo sa location ng subastahan?” Tanong ni Luigi sa akin.Tumango ako ng hindi umimik pumasok na rin ito ng makapasok ako, mabilis naman nito minaneho ang sasakyan patungo sa location.“Drive-thru tayo,” utos ko dito, dahil tanghali na at nagugutom na rin ako.Hindi naman malayo ang pag gaganapan ng subustahan dito, tumigil ang sasakyan sa isang fast food restaurant kung saan may malaking letter M na nakapaskil. Hinayaan ko na si Luigi na mag sabi ng order nito.Dahil pareho ko naman na gusto ang pinili nito, matapos namin kumain at nang makarating kami nauna na akong bumaba dahil kailangan pa nito ipark ang sasakyan.Nakita ko si Micro at Tiger na nakasandal sa mga kanya kanya nitong motor. Kumaway ako at agad nag lakad ang dalawa palapit sa akin.“Sir. Sila po ba ang mga kasama ninyo sa kulungan noon?” Tanong ni Luigi sa akin.Tumango ako nag pamulsa, “Oo sila din ang tumulong sakin sa lahat ng information na kailangan ko.” Sagot ko dito.Tumango ito ng marahan, nang makalapit sa amin ang dalawa agad nag salita ako, “Luigi, Tiger and Micro guys Luigi..” pakilala ko sa bawat isa sa kanila.Nakipag kamay agad si Micro. “Nice to meet you pare, “ naka ngiti nitong wika ganun din si Tiger.Matapos nilang mag kamayan ay pumasok na kami sa loob. “In 30 minutes mag uumpisa na ang bidding.” Wika ni Tiger.Tumango ako at hindi na umimik pa, hanggang makapasok kami sa loob. Nakita ko ang mga mayayaman na tao at mga negosyante tao dito.“Sa taas kayo ni Luigi pu-pwesto para walang maka kita sainyo, kami na ang bahala sa pag bid.” Bulong ni Tiger sa amin.Tumango ako at hindi na lang din umimik, tinanguan ko si Luigi at humiwalay na agad kami sa dalawang kasama ko.Agad kong pinakita ng palihim ang inabot sa akin ni Micro na invitation card na maliit lang, pinakita ko ito sa guard na humarang sa amin at agad kaming pinapasok.“Mula dito makikita at mapapanood natin paano mag bid ang dalawang yan..” wika ko at prente lang akong umupo.“Hindi lang ba Sir Hayes ang necklace at earring ang habol ninyong item na kailangan niyong makuha ngayon?” Tanong ni Luigi sa akin.Tumango ako bago mag salita. “Oo may isa pa,” sagot ko dito tumango naman ito at na nood na lang sa baba.Nakita ko na nag datingan na ang mga tao kaya naman hindi nag tagal nag umpisa na rin ang subastahan. Unang pina subasta ang mahahaling portrait ng isang frances na babae, hanggang sa mga coins na.Nang hindi nagtagal nilabas na ang pinaka main event ng auction na ito, ang Personalized Blue Sapphire Necklace and Earrings na pagmamay ari ng aking ina.Worth of 880 million dollars ang halaga nito kung philippine peso ito nasa 48 billion pesos mahigit. Ganun ka mahal ni Daddy si Mommy, nakaya nitong gumastos ng napakalaki.“This item is worth 880 million dollars. This is the Blue Sapphire Necklace and earrings.. we will start the bid on 2 billion dollars!” Announcement ng lalaki.Nakita kong nabuwal sa pag kakatayo si Luigi sa narinig niyang presyo, “Totoo ba ito? 48 billion peso?” Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin habang nakatingin sa cellphone nito. I think inalam nito ang convert ng item.Tumango ako, nakita ko na walang nag taas ng kamay nila kaya naman nag taas si Tiger “ 48 billion pesos! I want that!” Malakas na anunsyo nito.Nakita ko ang gulat sa mukha ni Leona at Ang ka darating lang na si Catleyah. Ngumisi ako at hinintay na wala ng mag bid hanggang. “Sold for number 7!” Anunsyo nito.“Sa oras na makuha nila ang alahas hindi nila ibibigay ang pera. Dahil binayaran ko ang utang ng kumpanya nito,” wika ko na kina lingon bigla ni Luigi.“Ibig sabihin dinaya mo lang sila?” Tanong sa akin nito.Tumango ako at nag salita. “Don’t worry may makukuha parin silang pakunswelo de-bobo lang,” sagot ko.Pinag siklop ko ang kamay ko at agad inasikaso ng mga tao ng subastahan si Tiger, tulad ng usapan ibibigay nila ang necklace sa kasama ko matapos aalis na ito.“Paano kung magalit ang mga Tate?” Tanong ni Luigi.“Magagalit sila, may malalaman ba sila? Wala kahit isa. Takot lang nila gawin yan kung ayaw nila na isumbong ko sila na ilegal ang ginagawa nilang subatashan.” Sagot ko kay Luigi.Umiling na lang ito, “Ibang klase talaga ang mga bilyonaryo..” wika na lang nito.Kung tutuusin smooth exit na ng mga Tate ang ginawa kong ito, dahil kahit hindi nila makuha ang 48 billion pesos makakakuha sila ng halos 5 billion from me.Hindi pa sila pwede mag hirap ngayon, kailangan pa nilang labanan ako bago sila mag hirap. Kung wala silang pera mas mabilis sa akin ang lumaban.Kukunin ko parin ang lahat ng meron sila at kinuha nila sa akin, lahat yun kukunin ko. Hindi lang ako ang kalaban nila kundi marami kami.Handa sila silang lumabas sa oras na mabuko na ang totoong pakay ko bakit ako bumalik.Paghihiganti sa paraan ko at paraan naming lahat na tinapakan at inapi ng pamilya Tate. Yun ang tunay na layunin ko sa pag babalik ko wala akong pakialam sa masasagasaan ko ang pinaka importante sa akin ang mission ko.Ang pabagsakin ang pamilyang sumira sa buhay ko at sa mga taong inapo nila. Umiling ako at inalis ang lahat ng panget na naiisip ko kailangan ko mag focus sa main goal ko.Mahirap ito pero kakayanin ko ito. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit ko, hindi ko mapigilan hindi magalit kung pwede ko lang tapusin na ngayon pa lang una pa lang ginawa ko na pero hindi na muna.Bumuntong hininga ako at umiling para mawala ang nasa isip ko at mag focus ako sa nangyayayri ngayon.-CATLEYAH CHLOE TATEHanggang ngayon gulat parin ako na ang 48 billion pesos na makukuha namin ay naging 5 billion na lang dahil sa mga utang ni Daddy.At sa bahay na tinitirhan namin, “Ang laki ng 48 billion tapos 5 bilyon na lang natira?” Hindi makapaniwala na tanong ni Mommy kay Daddy.“Ang importante hindi makukuha ang mansion sa atin!” Gigil na wika ni Dad.“Pero hindi ba kayo nag tataka sino ang naka kuha ng necklace?” Tanong ko sa magulang ko.Nilingon ako ng magulang ko na may nag tatanong sa mga mata nito. “Kahit Mommy, yung nag bid kanina at nanalo, hindi sila pamilyar sa akin. Nag tanong tanong ako sabi daw ay bago sila sa city..” paliwanag ko sa kanila.“And then? I don’t get it my Daughter.” Naka salubong ang kilay ni Mommy habang tinatanong ako.“Mom, kung bago sila paano sila naka kuha ng malaking pera? Hindi sila mukhang bilyonaryo!” Sagot ko sa mommy ko.Habang si Daddy naman napahawak sa kanyang baba, “Tama si Chloe, Darling. Kung totoo na bago ang lalaki na ‘yun th
-CATLEYAH CHLOE TATENakatingin lang ako sa isang tinted glass window kung saan kausap ni Monica si Hayes habang nasa kabilang pinto ang mga ito.“Please be comfortable here Mr. Ferguson. Aayusan ka ng aming make up artist and then go na for your interview.” Narinig kong wika ni Monica.Ngunit wala parin imik si Hayes at dahil doon lumabas na si Monica at nag tungo sa kwarto kung nasaan ako.“Grabe sobrang intimidating ng lalaking ‘yun wala siyang emosyon!” Bulong nito habang umaaktong pinay-payan ang kanyang mukha.“Sabi sa’yo ang laki ng pinag iba niya noon sa ngayon..” wika ko dito at umupo ako.“Okay lang ‘yun but anyway yung mga tanong? Tulad ng request ni Tita na tanong about sa pagiging ex-convict niya.” Sunod sunod na wika nito agad ko naman tinakpan ang bibig nito.“Shut it girl! Baka marinig nila tayo.” Awat ko dito at inalis ko agad ang kamay ko.Umirap naman ang babaeng ito sa akin at nag salita, “Kahit naman marinig niya may magagawa ba siya? Totoo naman na ex-convict si
-CATLEYAH CHLOE TATE“Ikaw gumawa niyan. Wala akong pakialam sa pera na ipapasok mo sa kumpanya ko, hindi ako gagawa ng design na copy lang naman..” sagot ni Hayes at tumalikod na lang ito agad at umalis.Ako naman ay nanatiling naka tulala lang, “Ano tini-tingin niyo d’yan?!” Nagising ako sa sigaw ni David.Agad agad kong inawat ito. “Ano ka ba nakakahiya ka! Pati mga tao at crew na wala naman ginawa sa’yo galit ka!” Singhal ko dito at tumayo na ako ng padamog.“Babe!” Tawag sa akin nito, ngunit mabilis akong nag lakad.Yumuko pa ako para makaiwas sa mga matang mapanghusga, “Ano ba!? Kanina pa kita tinatawag!” Malakas na pag hila ang nag patigil sa akin sa paglalakad.“Alam mo bakit? Dahil nakakahiya ang ginagawa mo! Lagi na lang tapos ano? Ako aayos ng gusot mo?” Pagtatanong ko dito.Ngumisi ito sa akin at nag salita. “Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa pamilya ko wala na kayo ngayon?” Tanong nito sa akin. Gusto ko umiyak pero hindi ngayon.“Bakit nakinabang ka naman diba
-HAYES COX FERGUSONDUMATING ANG ARAW NG KAARAWAN ni Caezar Tate, nag desisyon ako na pumunta na lang.Kasama ko si Luigi at Dalton, “Nag bigay ng email ang kaibigan ni Catleyah Tate na si Monica para makipag areglo.” Bulong ni Dalton sa akin.Si Dalton at Luigi ang taong nag babantay ng emails ko, kung wala si Dalton si Luigi ang gagawa salitan lang silang dalawa.“Bayaan niyo sila, saka ko na sila iintindihin. “ sagot ko habang naka tayo kaming tatlo sa loob ng elevator.Gaganapin ang kaarawan ni Caezar sa kumpanya nito lahat ng pinadalhan ng imbitasyon ay inaasahan na dadalo ngayong gabi.Kung ako ang tatanungin hindi ko ito gagawin dahil wala naman akong pakialam sa pamilyang ito. Kung hindi lang dahil sa plano ko hindi ko ito gagawin.Nang tumigil ang elevator sa pinaka huling palapag lumabas na ako pag una, agad kong nakita ang pamilya Tate sa pintuan kung saan isa isa lang sinasalubong ng may ngiti sa labi ang mga bisita.“Makaka ngiti kaya sila kapag nakita ka na nila?” Tanon
-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN habang nanonood ako ng balita dahil wala naman akong trabaho ngayon dahil weekend.Nakita kong pumasok si ang bagong katulong namin kaya agad kong tinanong ito, “Anong pangalan mo? Mukhang bata ka pa ah?” Tanong ko dito. Tumigil naman ito at yumuko sa harapan ko, “Opo Sir, kailangan po kasi ng katuwang ni inay at itay sa paghahanap buhay.” Sagot nito.“Ilan taon kana? Nakatapos ka? Tanong ko ulit dito.Lumabas naman si Nanay Andeng mula sa kusina, may dala itong kape ko at almusal ko na sandwich lang.“Ako po pala si Cristina, Sir Tina na lang po. High school lang po tinapos ko.” Sagot nito ng maka upo ito.Dahil sinenyasan ko itong umupo muna na siyang ginawa nito, “Gusto mo ba mag aral habang nag ta-trabaho ka? May alam akong school na tumatanggap ng working student.” Mungkahi ko dito matapos ay sumimsim ako ng kape.“Pero Sir, ayoko po maapektuhan ang trabaho ko,” umiiling na wika nito.“Papabawasan ko ang trabaho mo at mag hire pa si Nanay Andeng
WARNING LANG PO MAY SPG PO ITO KAYA PLEASE PO BAWAL SA BATA ITO !! READ YOUR OWN RISK PO!-CATLEYAH CHLOE FERGUSONDahil sa stress ko sa bahay at sa mga nangyayari ngayon. Inaya ko si Monica na mag bar muna kami, napili namin sa bagong tayong bar na ang pangalan ay 7's Oz Bar.Hindi ko alam bakit ganyan ang pangalan pero ang alam ko dating nakulong ang may ari nito at hindi pa ito kahit kailan nagpunta dito o nagpakita man lang.Kahit sino mahihiya mag pakita sa mga tao kapag dati silang kriminal.."Hey girl! Kanina ka pa ba?" tanong sa akin ni Monica. Oh well nauna ako sa kanya dito dahil inom na inom na ako ng alak."Not long, fifteen minutes i guess." sagot ko na kina tawa nito." Okay oorder na ako ng drinks natin! God ang daming tao!" wika nito, hindi ko na lang ito pinansin pa.Nag order pa ako ng isa pang baso ng hard drinks nila hanggang, nag bulungan ang mga tao sa paligid ko. " Hindi ba siya si Hayes Ferguson? Siya yung ex-convict diba?" narinig kong tanong ng babae sa tab
-CATLEYAH CHLOÉ TATÉNagulat ako sa binalita ni Daddy about sa Lady ship Enterprise, dahil umatras ang pinaka malaki nilang investor for no reasons.Kahit sila hindi alam kung sino ito, kaya naman sabi ni Daddy sa kanila na kasuhan nila ito para mapalabas ang may ari ng kumpanya nag invest sa kanila ng halos milyon na halaga ng pera."Sino ba ang sinasabi na investor nila Tito Miro? Dad." tanong ko kay daddy na ngayon ay sumisimsim ng kape na si Mommy ang nag timpla."Yun ang hindi nila alam dahil tauhan nito ang humaharap sa kanila sa maka lipas na tatlong taon. Kaya sabi ko sana hindi siya agad agad nag desisyon kung hindi naman niya ito pa nakikita ng personal." mahabang paliwanag ni Daddy.Pabuka na ang bibig ko ng mag salita si Mommy. "Darling, anak.. lumabas na ang resulta ng imbestigasyon.." naka ngiting wika ni Mommy.Kahit gusto ko tumayo hindi ko magawa i feel sore down there in my private part. After that time hindi ko nakita si Hayes.Hindi man lang ako nito inayusan man
-CATLEYAH CHLOE TATE"Anong sabi mo Girl?!" gulat na tanong ni Monica sa akin.Tumango ako. "Tama ka ng narinig, may nangyari na sa amin ni Hayes.." pag uulit ko. Naikwento ko sa kanya ang nangyari noong nakaraang gabi."Girl sigurado ka?" naka ngiwi nitong tanong, tila hindi maimpinta ang mukha nito.Inirapan ko ito bago ako sumagot. "Oo naman! Hindi naman ako ganun ka-lasing ng gabing 'yun! I saw him!" diin kong sagot dito halos mabasag na ang baso na pinag lalagyan ng kape ko.Nandito kasi kami ngayon sa opisina ko dahil need ko mag trabaho kahit linggo pa. "Hindi eh! Girl noong gabi na sinasabi mo may nangyari sa inyo ni Hayes? Nakita ko si Hayes sa bar na nakikipag usap sa mga kasama ata nito.." wika nito na kina lingon ko dito."Oo siya yun, nag lakad ako papunta sa gawi nila dahil nga andun malapit yung comfort room.." dagdag pa nito sa kwento nito."Kaya imposible na si Hayes ang naka talik mo ng gabing sinasabi mo. Whole night andun si Hayes hindi siya umalis!" kwento pa nit
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.