-CATLEYAH CHLOÉ TATÉNagulat ako sa binalita ni Daddy about sa Lady ship Enterprise, dahil umatras ang pinaka malaki nilang investor for no reasons.Kahit sila hindi alam kung sino ito, kaya naman sabi ni Daddy sa kanila na kasuhan nila ito para mapalabas ang may ari ng kumpanya nag invest sa kanila ng halos milyon na halaga ng pera."Sino ba ang sinasabi na investor nila Tito Miro? Dad." tanong ko kay daddy na ngayon ay sumisimsim ng kape na si Mommy ang nag timpla."Yun ang hindi nila alam dahil tauhan nito ang humaharap sa kanila sa maka lipas na tatlong taon. Kaya sabi ko sana hindi siya agad agad nag desisyon kung hindi naman niya ito pa nakikita ng personal." mahabang paliwanag ni Daddy.Pabuka na ang bibig ko ng mag salita si Mommy. "Darling, anak.. lumabas na ang resulta ng imbestigasyon.." naka ngiting wika ni Mommy.Kahit gusto ko tumayo hindi ko magawa i feel sore down there in my private part. After that time hindi ko nakita si Hayes.Hindi man lang ako nito inayusan man
-CATLEYAH CHLOE TATE"Anong sabi mo Girl?!" gulat na tanong ni Monica sa akin.Tumango ako. "Tama ka ng narinig, may nangyari na sa amin ni Hayes.." pag uulit ko. Naikwento ko sa kanya ang nangyari noong nakaraang gabi."Girl sigurado ka?" naka ngiwi nitong tanong, tila hindi maimpinta ang mukha nito.Inirapan ko ito bago ako sumagot. "Oo naman! Hindi naman ako ganun ka-lasing ng gabing 'yun! I saw him!" diin kong sagot dito halos mabasag na ang baso na pinag lalagyan ng kape ko.Nandito kasi kami ngayon sa opisina ko dahil need ko mag trabaho kahit linggo pa. "Hindi eh! Girl noong gabi na sinasabi mo may nangyari sa inyo ni Hayes? Nakita ko si Hayes sa bar na nakikipag usap sa mga kasama ata nito.." wika nito na kina lingon ko dito."Oo siya yun, nag lakad ako papunta sa gawi nila dahil nga andun malapit yung comfort room.." dagdag pa nito sa kwento nito."Kaya imposible na si Hayes ang naka talik mo ng gabing sinasabi mo. Whole night andun si Hayes hindi siya umalis!" kwento pa nit
WARNING! SUPER MATURED CONTENT!NO DETAILED S*X BUT HAVE SOME S*EXUAL CONTENT. PLEASE BE AWARE AND DON'T READ THIS PART IF YOU ARE UNDER 18 Y/OLD. IF YOU ARE ADULT PLEASE BE RESPONSIBLE AND DON'T SHARE THIS SCENE TO ANYONE WHO SAT BESIDE YOU, INCLUDING KIDS. THANK YOU!!- CATLEYAH CHLOÉ TATÉKINAUMAGAHAN NAG LABAS NG STATEMENT SI Mommy tungkol sa pag dawit sa kanya. Inakusahan si Mommy na binayaran ang pulis para lang mapawalang sala si Mommy.Kahit totoo 'yun, hindi naman kami pwede umamin na lang masisira kami mas lalo ang iningatan na pangalan ni Daddy.Marami na kaming pinatumba na pangalan tapos ito lang masisira na kami? Hindi ito pwede! Kung kamusta na si David hindi ko alam, ang alam ko umuwi ito sa Australia para mag bakasyon muna o pumunta sa kanyang ina.Naka upo ako sa aking opisina habang nag iisip kung anong gagawin ko ngayon, hanggang pumasok si Monica na humahangos."You can't believe who is here!" wika nito na kina salubong ko ng kilay."Who?" tanong ko dito.Pasag
WARNING! SUPER MATURED CONTENT!-HAYES COX FERGUSON Hindi lust ang nararamdaman ko kundi galit, kung ito ang paraan para masira ko ang babaeng ito gagawin ko.Bumaba ang halik ko sa leeg nito at mapag parusa ko itong kinagat na kina daing nito, wala akong pakialam sa nararamdaman niya ang gusto ko lang ang tanging mahalaga sakin.Lahat ng galit na naipon sa maraming taon nandito parin. Hinawakan ko ang suit nitong damit sinira ko ito na naging dahilan para tumambad sa akin ang dalawang bundok nito.I suck her n*pples and bite it, she moans loudly. "I want you Hayes inside me.. please ." pakiusap nito.Tumigil ako sa ginagawa ko sa dibdib nito at binuhat ito patungo sa bathroom sa aking sala. Binaba ko ito at saktong naka tingin ito sa'kin. "You will regret this.." wika ko at hinubad ko ang damit ko sa harapan nito na kina gulat niya sa damit ng latay sa katawan ko."Eyes on me.." utos ko dito na kina tinagala nito sa akin."Paano ka nagkaroon ng gan----" i cut her off while using my
-CATLEYAH CHLOE TATEHindi ko alam kung napansin ba kami ni Hayes dito sa Blue Hauntz Restaurant habang nag uusap kami tungkol sa kasal.Nakita ko ang babae na kausap nito na may inabot itong tingin ko ay isang invitation card. “Cat?” Tawag ni Mom sa akin na naging dahilan para alisin ko ang tingin ko sa kabilang table.“Why mommy?” Tanong ko sa mommy ko, agad nito pinakita sa akin nito ang magiging disenyo ng cake namin ni David.Huminga ako ng malalim at nag salita, “ Okay na ako d’yan Mommy, cake lang naman yan.” Sagot ko na kona bigla nilang lahat. Umirap naman ako at nag salita muli. “Alam naman nating lahat na ang kasal na ito ay merger lang.. so, huwag na kayo mag expect na special sakin ito.” Wika ko na kina suway ni dad sakin.“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi biro ang kasa—” pinutol ko ito ng mag salita ako.“Oo hindi biro, totoo yan dad pero bakit niyo ginagawa sa amin? Excuse me..” paalam ko at tumayo na ako upang pumunta ng women’s comfort room.Pumasok na ako sa loob na
-HAYES COX FERGUSON“Good day sir! Maraming salamat po sa mga pinadala po ninyong binhi, pera at grocery kila Nanay at Tatay!” Pasasalamat ni Tina sa akin.Ngumiti ako at kinuha ang kape na ito ang nag handa, “I hope nakatulong sa kanila ang pinadala ko.” Sagot ko dito.Tumango ito ng marami bago sumagot. “Opo, malaking tulong po ito para po makakain sila ng maayos pati ang mga kapatid ko!” Sagot nito.“Nag aaral din ba sila?” Tanong ko dito. “By the way, from now on? You can call me Kuya Hayes.” Wika ko, kahit papaano gusto ko mag karoon ng nakababatang kapatid.Hindi naman by blood at least meron. “Opo. Isa pong grade 2 at isang grade 5. Po? Pero amo ko po kayo.” Sagot nito.Umiling ako at nag salita. “Wala akong nakaka batang kapatid mag isa lang ako, gusto ko naman may tumatawag sa akin na ‘Kuya’ kahit hindi ko kadugo.” Sagot ko dito.“Tell your Nanay and Tatay i will give them an allowance for your younger siblings. Kahit ako na mag paaral sa kanila hanggang colleges.” Wika ko d
-CATLEYAH CHLOE TATEKINAUMAGAHAN NAKITA NAMIN SA BALITA ANG NANGYARI kagabi sa isang bakery shop. Habang sinusubo ko ang pagkain ko doon ko nakita paano, bigyan ni Hayes ng malakas na suntok ang lalaki.“Grabe siya manuntok ha? Para sa dating patpatin?” Wika ni Monica habang umuupo ito sa hapag kainan.Nag aagahan kaming tatlo nila Bonnie at Monica dito sa penthouse ko. “Ang laki ng pinag bago niya, nakita ko siya dati sa news hindi naman siya ganyan ka gwapo.” Sagot ni Bonnie“Correct girl, imagine sa dalawang taon niya mahigit sa kulungan? Pag labas ganyan na siya ka gwapo?” Segunda ni Monica kay BonnieNakita ko si Hayes na nilapitan si Raphael Labrador at may kung anong binulong si Hayes kay Rapha. Nakita ko pa na nanlaki ang mata ni Rapha at tinapik ito ni Hayes sa balikat bago tuluyang umalis.“May part sa akin na natatakot ako kay Hayes..” seryosong wika ko at nilingon ko sila na sakto din na nakatingin sa akin.“Why?” Tanong ni Bonnie.“Kasi parang ibang iba na siya sa dati?
-HAYES COX FERGUSONDUMATING NA ANG ARAW NG party at ako ay naka ready na rin para sunduin si Sandra sa condo nito. Naka ngisi lang si Dalton sa akin na kina iling ko.“Remove that awful smile on your face, Dalton that won’t gonna happen!” Asik ko dito at iniwan ko na ito para pumunta sa unit ni Sandra.I heard him loud laugh behind me, napa iling na lang ako dahil sa mga pinagsasabi nito kanina. Well iniisip nito na pwede ako magka gusto kay Sandra. Actually ayoko mag ka gusto sa kahit sino.Mas lalo na isa akong ex-convict hindi ko pa napapatunayan na inosente ako. Oo na bigyan ako ng tsansa na makalaya pero hindi ibig sabihin malaya na talaga ako sa kamay ng batas.Pumasok ako sa elevator at pinindot ang number 3 dahil dito ang floor ng unit ni Sandra. Ang alam ko sa cruise na ako ipapakilala ni Sandra sa magulang niya.Hindi nag tagal nakarating na ako at agad akong lumabas at nag tungo sa room 306. Nang nasa tapat na ako ay kumatok na ako. Hindi nag tagal bumukas ito at bumunga
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.