—CATLEYAH CHLOE TATE“Ibang klase din itong celebration na ito ng mga Gilliam, napaka grabo. In a short period time nagawa nilang gawin ito?” Wika ni Bonnie.Nasa cafe kami ngayon kasama si Monica, dahil wala naman pasok sa opisina. “The news about the CEO of H.C Builders and Gilliam Cruises is all over the news. Marami nag sasabi na baka matagal na silang nag kikita.”wika ni Monica.“Diba ito yung babae na laging naka tambay sa library din? Kasama yung kaibigan niya? Siya yun diba?” Tanong ni Bonnie sa akin.Tumango naman ako, “Kaya pala namumukhaan ko siya hindi ko lang matandaan.” Sagot ko at sinubo ko pa ang red velvet cake na inorder ko.“Akalain mo yun? Bagay sila,” wika ni Monica bago pa ako maka pag salita nag salita ito. “Look girls! Binigyan ni Hayes ng worth million na diamond and white gold bracelet si Sandra as a birthday gift!” Wika nito at pinakita sa amin ang nakuhang litrato ng media.Totoo nga ang sinabi ni Monica, mahal ang ganitong klase at mukhang dalawa pa ito,
-DAVID VON MOCORRO“Anong sinabi mo? Na saan na sila ngayon?!” Tanong ko sa inutusan ko para dispatyahin ang bwisit na mag ina na yun.“Eh boss kailangan niyo po buksan ang tv dahil may mag ina daw na tumalon sa tulay..” sagot ng kanang kamay ko.Binaba ko ang tawag nito at binuksan ko ang tv sa aking opisina. Sakto ito na nasa news at doon ko nakita ang babaeng naka tayo na may hawak na sanggol.Nakita ko pa lang ang damit napa ngisi na ako agad. “Good, akala ko patatagalin mo pa ang paghihirap mo sa kamay ko..” bulong ko hanggang tumalon ang babae kasama ang anak nito.Well anak ko din ‘yun, tama kayo asawa ko ang babaeng yun kasal kami pero tinago ko ito pati mag ina ay tinago ko. Bakit? Una tapos na akong kunin ang lahat ng pera ni Jinal ang asawa ko, o sabihin na natin dati kong asawa wala din akong pakialam sa bata hindi ko kinikilala na anak ko ang batang ‘yun.Dahil panira lang ang katulad niya sa mga gusto ko, pinatay ko ang tv at kinuha ko ang cellphone ko upang padalhan ng
- CATLEYAH CHLOÉ TATÉ" Alam mo na ba ang balita?" humahangos na wika ni Bonnie.Tinaasan ko ng kilay ito bago ako sumagot. "Anong balita?" takang tanong ko kay Bonnie"Hay naku! Nasa news!" diin nitong sagot at ito na nag bukas ng tv.Actually, wala ako sa mood dahil sa nangyari kagabi sa amin ni Hayes. Tuluyan na itong lalayo sa akin kasi kung hindi totoong madadamay siya.Pag bukas nito ng tv doon ko nakita ang mga tao na nag kaka gulo sa harapan ng kumpanya ni Hayes. "Anong nangyayari?" tanong ko at tumayo na ako."Oh well, yung Fiancee mo na may saltik sumugod daw sa kumpanya ni Hayes hindi alam kung anong rason. Base sa sabi ng guard doon. Si David daw ang unang nanapak at gumanti si Hayes.." kwento ni Bonnie sa akin umiling pa ito.Napa hinga naman ako ng maluwag, "Hayaan mo silang umayos niyan, nakakapagod ayusin ang mga ginawa ni David." walang gana kong sagot at bumalik ako sa pag kaka-upo.Saktong bumukas naman ang pinto at pumasok si Mommy at Daddy. "Anak ano ba pinag gag
-CATLEYAH CHLOÉ TATÉBUKAS NA ANG KASAL AT gusto ko umatras o tumakbo man lang. Pero mapapahiya ang pamilya ko. Mas lalo darating ang buong Elite Group sa aking kasal.Napa buntong hininga ako habang kasama ko ang mga kaibigan ko na kumakain sa labas. “Para naman sa ikakasal ikaw yung hindi masaya?” Tanong ni Bonnie sa akin.“Hindi talaga ako masaya! Sino ang magiging masaya kung ikakasal ka sa hindi mo naman mahal?” Tanong ko sa kanila na kina gulat nila.Umiling na lang ako at nag salita muli, “Sorry hindi ko sinasadya.” Pag hingi ko ng paumanhin sa dalawa.“Girl, pwede ka naman umatras ipaliwanag mo sa kanila.” Suhistsyon ni Bonnie“Bonnie, alam mo mahirap gawin yan mas lalo na at ang buong elite family pupunta sa kasal.” Sagot ni Monica kay Bonnie.Umirap naman si Bonnie at nag salita.”Akala mo naman anak ng presidente ang ikakasal o miyembro ng royal family ang elite group!” Gigil nitong sagot na kina iling ko.-HAYES COX FERGUSONNgumisi ako habang kaharap si David Mocorro. “M
-HAYES COX FERGUSONPinagmamasdan ko ang mag iinang Tate na lumabas ng beach kung saan naganap ang kasal. Habang si David naman pinag sisira ang mga gamit at dekorasyon.Naikuyom ko ang kamao ko sa inis, masyadong maaga ang pag labas ng video hindi dapat ngayon agad.“Mom, dad! Please tell me this is not true?” Nagsusumamo na tanong ni David sa kanyang magulang.Hindi ko na sila hinintay pang sumagot, umalis na ako at agad kong dinukot ang cellphone ko. Agad kong hinanap ang number ni Micro, siya ang naka toka dito sa video na ito.Nang makita ko agad kong tinawagan ito at agad naman din itong sumagot. “Anong——” naputol ako ng salubungin nito ang salita ko.“Pare, aksidente! Kumuha ako ng kape muna pag balik ko hindi ko napansin na napindot ko. Kamusta na d’yan?” Paliwanag nito.Pasagot na ako ng may humila sa balikat ko paharap sa likuran ko at bago ko makita kung sino ito. Isang malakas na suntok ang bumulaga sa akin na kina bagsak ko.“May deal na tayo! Alam ko ikaw ang dahilan ng
-HAYES COX FERGUSONNANG MAG GABI NAPAG DESISYONAN NAMING tatlo na mag tungo na sa seafood restaurant malapit sa beach.Nag lalakad ako kasama ang dalawa na nasa unahan ko lang. "Sir, naka kuha ng information si Micro tungkol sa Black Diamond Elite.." pag imporma sa akin ni Dalton."Mabuti kung ganun, kaya kailangan na natin bumalik mamayang madaling araw." sagot ko habang nag lalakad."Kabilang ang mga Tate at Mocorro sa elite family na kasali sa Black Diamond. Sana mag salita si Catleyah tungkol doon." wika ni Luigi."Pero balita ko hindi pwede sa kanila 'yun? Kung mag salita man lang siya sigurado na pipilitin ka niya Boss na sumali, at sigurado din na may tyansa na siyang mag pakasal sa miyembro ng elite.." wika ni Dalton Ngumisi ako at nag salita. "Let me handle that, boys.." tapik ko sa balikat ng dalawa at nauna na akong pumasok sa loob ng restaurant.Agad kong nakita si Miss. Tate dahil kumaway pa ito. Ngumiti naman sa amin ang babaeng waiter at hinayaan na kami pumasok.Nan
A/N; lumabas na kung sino si Agatha! Sana basahin niyo din po ang kwento niya kapag lumabas na, LADYANGEE po name ng susulat sa kwento ni Agatha. if may tanong kaso punta lang ako sa profile ko sa GN? Nandun po ang soc med account name ko. SALAMAT PO🥰--------CATLEYAH CHLOÉ TATÉNgayong nandito ako sa bahay ni Tito Alejandro para makipag usap dahil sa gusto ko na ito ang makipag usap kay Hayes.“Inaanak ko! Naparito ka?” Tanong ni Tito o sabihin na lang natin na Ninong..Tumayo ako at sinalubong ito ng yakap. “ Ninong. May pakiusap po sana ako para lalong hindi malagay sa kahihiyan ang Elite Group..” diretso kong sagot matapos ko kumalas sa yakapan.“Oh? Really have a sit. Tell me baka magawan natin ng paraan.” Sagot ni ninong Alejandro.Ngumiti ako at agad kong umupo ng maayos, ang asawa ni Ninong ay matagal na rin patay dahil sa pinatay ito ng asawa ni Troy ang anak ng Ninong ko, Agatha ang pangalan ng asawa ni Troy yun ang unang wife ni Troy. Ang alam ko may relasyon sila ni Fa
-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN HABANG PAPASOK AKO sa akin kumpanya upang magtrabaho kahit half day.May humarang sa akin na dalawang lalaki. “Anong kailangan niyo?” Tanong ko sa dalawang lalaki.“Mr. Ferguson..” tawag ni Mr. Tate sa akin na naging dahilan para lumingon ako sa likod ko.“What do you want? Matapos ni Mr. Dawson ikaw naman?” Tanong ko dito na kina sama ng mukha nito.“Talagang wala ka talagang respeto sa kahit kanino ano? Ganyan ba ang nagagawa ng kulungan?” Tanong nito na kina ngisi ko.“Oh really? Paulit ulit na lang ang sinasabi niyo tungkol sa pagiging ex-convict ko wala na bang bago?” Sarkastiko kong tanong dito.Imbes na sumagot ito ay tumikhim ito at nag salita. “Gusto ko lang sabihin na pumapayag na ako sa gusto ng anak ko na magpakasal sayo ang unica hija ko. Kapag hindi ka pumayag sisiguraduhin ko na ipakukulong kita ulit!” Banta nito na kina salubong ng kilay ko.Muli itong nag salita, “Pumayag ka, kapalit nun ang pag laya mo.” Wika nito.Napa ngisi ako at
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.