-
CATLEYAH CHLOÉ TATÉ"Paano nangyari ito Dad?" tanong ko kay Daddy. Kakauwi lang namin galing sa H.C Hotel, lahat kami ay nagtataka paano nangyari ang lahat ng ito at sino ang may gawa nito."Wala akong idea kung sino ang may gawa nito o sino ang may galit sa pamilya natin.." sagot ni Daddy sa akin."Darling, please alamin mo naman sino ang may gawa nito. May mga tao na kumakalaban sa atin sigurado yan.." pakiusap ni Mommy kay Daddy.Niyakap ni Dad si Mom at pinagaan ang loob nito. "I will darling, gagawin ko ang lahat para malaman sino ang pumepeste sa atin." pagbibigay ng assurance ni Daddy sa amin.Tumayo ako at si Dad naman ay pinalapit ako at niyakap ako ng mahigpit. "Paano daddy kung si Hayes ang gumawa nito?" tanong ko dito na kina tingin sa akin ng Mommy ko."No, oo naka laya na ang lalaking ‘yun pero marami nag sabi na lumayo na ito sa syudad. Malamang sa kahihiyan ba naman na binigay ko sa kanya. Maalala siya bilang mag nanakaw at rap*st.." matigas na sagot ni Daddy sa akin.Tumango na lang at matapos yun ay nag paalam na ako na aakyat na ako, naiwan sila Mom and Dad sa sala sa baba dahil may pag uusapan pa sila.Pag pasok ko ng kwarto lumapit ako sa kama ko ng may makita akong papel na naka tiklop. "Ano 'to?" tanong ko at kinuha ko ito.Naupo muna ako sa gilid ng kama ko at binuksan ko ang papel na ito. Nabasa ko ang sulat na tingin ko ay isang hand written." Soon you will be choosing over pay your sin by death or going to jail.."From: REDMalakas kong basa dito na kina tayo ng balahibo ko sa aking katawan. Agad akong tumakbo pababa sa sala.Ngunit ng nasa gitna na ako ng hagdan napa tigil ako ng makita ko si Mommy and Daddy na tila tulala sa hawak nilang papel."Mom? Dad?" tawag ko sa mga ito."Anak may nag padala ng sulat na ito dito sa amin.." umiiyak at natatakot na wika ng mommy ko. Mabilis akong bumaba at niyakap ito ng mahigpit."Pwede ko ba makita mommy?" tanong ko at agad nitong binigay sa akin.Doon ko nabasa ang naka sulat. Pareho lang din ang naka sulat katulad sa akin."Mom, Daddy nakatanggap din ako, ito po." wika ko at pinakita sa kanila ang nakasulat.Nakita kong nag hold back ng galit si Daddy sa pamamagitan ng pag tiim ng bagang nito at pag kuyom ng kamao. "Kung sino man ito hindi siya mag tatagumpay na sirain ang pamilya natin!" gigil na gagad ni Daddy.Tumango ako at niyakap kami ni Mommy ni daddy. Kung sino man ito hindi siya mananalo sa amin.Sisiguraduhin ko yan..-HAYES COX FERGUSONHawak ko ang papeles na kailangan ko pirmahan para sa darating na pag labas ko sa bilang CEO and President H.C builders. Simula ng makulong ako naging forbidden ang information ng kumpanya ko.Gusto panatiliin ang ganun imahe kaya naisip ko na isang masquerade ball ang gagawin, ayoko pa lumabas ngayon. Hindi pa oras gusto ko muna sila pag laruan sa mga kamay ko.Kapag nasa sakin na lahat ng meron sila saka ako mag papakita. "Handa kana ba sa gagawin party?" tanong sa akin ng kanang kamay kong si Dalton."Wala akong dapat pag handaan dahil hindi naman makikita ang mukha ko ng mga bisita." malamig kong sagot dito.“Ngunit Sir, mas maganda kung nagpapakita na kayo. Upang malaman nilang dumating na ang bagyo na sisira sa kanila..” maka hulugan nitong wika..Napa tingin ako dito at bigla ako napa isip sa sinabi nito. “Pag iisipan ko, kamusta na ang inutos ko?” Sagot at pagtatanong ko rito..Tumawa lang ito at tumango. "Naibigay ko na ang imbitasyon sa mga pamilya na gusto mong nandun. Ngunit napansin ko na wala para sa pamilyang Taté?" tanong na pag tataka nito sa akin.Binaba ko ang hawak kong papeles at itinabi ko ito bago sumagot. "Sila ang tipo ng pamilya na, kapag hindi pinag bigyan para silang mga bata kung mag amok.." maka hulugan kong sagot kasabay ng pag sulyap ko kay Dalton.Ngumisi ito at tumango. "Kung ganun hihintayin natin na sila mismo ang humingi ng imbatasyon sa atin?" tanong nito."Exactly. Yun ang gusto ko na gawin nila, dahil gusto ko maranasan nila paano mag salita ng 'please' bago nila makuha ang gusto nila.." sagot ko.Sumandal muna ako at tiningnan ito. "Tama ka d'yan, ngunit paano kung biglang malaman nila kung sino ka paano mo lulusutan ang patungkol sa iyong naging kaso noon?" may concern sa pag tatanong nito."Bago yan mangyari kailangan ko muna mapatunayan na lahat ng nangyari noon ay set up lang. Kaya kailangan ko makipag laro ng apoy sa nag iisang anak ng mga Taté." sagot ko kasabay ng pag kuyom sa kamao ko."Baka naman ang ending ay mag ka gusto ka sa kanya? Sir, maganda yun." pagdududa nito."Hindi muna ako mag sasalita ng tapos. Pero watch and learn.." malamig kong sagot na kina ngisi nito.Mas maganda na ang hindi mag salita agad, pero kung sakali man sisiguraduhin kong wawasakin ko muna ang buhay nila ng paunti unti. Hanggang sa huli na nila malaman kung sino ba talaga ang sumisira sa kanila."Pero kapag lumabas ako sa party sigurado ako na kikilos sila, kaya kailangan ko malaman ng mas maaga ano ba talaga nangyari noon.." wika ko na kina gulat ni Dalton."Sir, kapag ginawa mo yan sigurado yan ibabalik ka nila sa kulungan.." wika nito na kina ngisi ko.Hindi ako umimik pa dahil kahit mangyari ang bagay na ‘yun sisiguraduhin ko na ako pa rin ang panalo sa huli.LUMIPAS ANG KALAHATING ARAW nandito ako ngayon sa ikatlong hotel na pagmamay-ari ko, kung saan gusto ko maganap ang aking Welcome back party.Habang nasa elevator kasama ko ang aking sekretarya ko na si Mariah at kanang kamay ko. "Mr. Ferguson. Nag sabi po ang security guard ng hotel sa entrance na nasa building daw po ang anak ni Mr. Taté na si Catleyah ang Fiancé nito " wika ng secretary ko.Tumango ako bago mag salita, " Then hayaan niyo na sila." sagot ko. Tumango ito at hindi na muli pang nag salita.Pag labas namin ng elevator saktong may lumabas sa kabila ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Malapit na rin kami mag kita at sisiguraduhin ko tata-tak ako sa mga tao.Aalisin ko ang sentro ng atensyon sa pamilya ng mga Taté. Sisiguraduhin ko na sila mismo lalapit sa akin.Pag dating ko mismo sa pag darausan ng okasyon nakita ko kung gaano ito kaganda. "Napaka ganda naman, ito na ba ang final look para sa gaganaping masquerade ball?" tanong ni Dalton kay Mariah."Opo, nang itawag ko po ito kahapon sa kanila inayos po agad nila kagabe pa lang. Para sa pag bisita ni Mr. Ferguson ngayon ay ma impressed si Mr. Ferguson." naka ngiting sagot ng aking sekretarya.Tiningnan ko ito at nag salita. "Good job i like it.." sagot ko at papuri ko. Yumuko ito bilang paggalang.Inutusan ko silang iwan muna nila ako at naglibot libot muna ako sa buong paligid hanggang labas. Ni isa habang nasa loob ako ng kulungan walang dumalaw sa'kin.Dahil ayoko maka kita ng tao na taga labas, kahit naging mabilis ang proseso ng pag usad ng kaso. Nang dumating ang araw na hindi na pumunta ang pamilyang Taté sa mga hearing doon nagsimula na magkaroon ng pag asa na makaka labas pa ako.Dahil walang hatol sa pag daan ng panahon at taon napawalang bisa ang kaso ko. Hindi ko alam kung nakarating sa pamilya na 'yun ang balita.Ngunit sabi ko hindi pa ako handang lumabas, binayaran ni Dalton ang piskal para payagan ang kulungan na ihold pa ako ng ilang taon sa kulungan.Oo hindi pa ako handa at mahina pa ako ng mga panahon na ‘yun. Sa lumipas na taon inutusan ko ang mga tao ko sa pamamagitan nila El Mayor at ng grupo niya na kumalap ng information ako na ang bahala sa presyo pag labas ko.Ngunit binibigyan sila ng kanang kamay ko ng pera sapat para hinihiling nila, gamit ang mga sulat sa akin kaya ako nagawang makipag communicate sa labas.Habang nag lalakad ako may naka banggaan akong lalaki. "Hey moron! Tumingin ka naman sa daan!" sigaw nito. Nilingon ko ito at pinaka titigan ng malamig."Ano mayabang kana? " tanong nito na kina iling ko. Siya ang Fiancé ni Catleyah."If i where you luluhod ako sa aking harapan at hihingi ng tawad!" sigaw nito.Natawa naman ako ng pagak at saktong dumating ang babaeng dahilan ng pagka sira ng buhay ko. Wala akong paki alam kung mag kita na kami.Hindi ako ang dapat matakot kundi sila. "Baby what's happening here?" malambing na tanong nito."Baby, yang lalaki na yan binangga ako!" panunumbong nito na kina lingon sa'kin ng babae.Pag lingon nito gumuhit ang taka, takot at pagka lito sa mukha nito. "Hindi ako kasing baba mo para lumuhod sa harap mo. Kung ako sayo aayusin ko ang ugali ko bago ako mag salita. " malamig kong sagot at akmang tatalikod na ako ng tawagin ako ni Catleyah."Hayes, pa-paano ka nakalaya?!" tanong nito.Nilingon ko ito at tiningnan ng malamig, imbes na sagutin ko ito ay tumalikod na ako at hindi na nag salita.Ngumisi ako habang pabalik sa aking opisina rito, "Ito na ang umpisa ng hindi mo pag tulog ng mahimbing sa gabi.." bulong ko at pumasok na ako sa pribadong elevator na para lang sa akin at sa mga empleyado ng hotel.Isa akong may ari ng mga 5 star hotel isa din akong architect pero ang kadalasan kong disenyo ay siyang nagiging building ko lang na pag ma-may ari.H.C builders means Hayes Cox Builder at initial din ng Mom and Dad ko. Kung saan mga magagaling at dekalidad na arkitekto ang mga nag ta-trabaho at gumagawa ng bahay at marami pang iba.Yun ang dahilan bakit H.C Builders at H.C hotel ang tawag.May firm ako yun ang H.C builders. "Mariah may meeting pa ba ako? "tanong ko sa aking sekretarya.Nakita ko muna itong tumingin sa iPad nito bago sumagot. "Sir. Wala na po kahit isa, cleared na po ang schedule niyo for today.." sagot nito."Okay you may go home now.." utos ko dito. Tumango ito at umalis na rin agad."Dalton, iwan mo na ako may pupuntahan ako muna. " utos ko kay Dalton.Yumuko ito bago nag salita. "Mag ingat po kayo my lord!" paalala nito sa akin.Tumango lang ako at nag pasalamat, nauna akong lumabas ng opisina ko sa hotel na ito at sumakay ng private elevator patungo sa ground floor dahil nandoon ang aking mga collection ng mga sports car.Habang nasa elevator, naalala ko ang nangyari kanina sigurado ako na ipag sasabi niya ito sa kanyang magulang.Sigurado din ako na hahanap sila ng information tungkol sa akin. Tama si Tiger aalaminin nila kung nag paka layo-layo na ako, ngunit ang totoo plano lahat ito ng grupo namin.Ang Cosa Trese. Ang ipalabas na nag paka layo-layo ako upang hindi na sila mag hinala pa. Ngunit walang sekreto ang hindi na bubunyag.Kinuha ko ang cellphone ko ng maka labas ako ng elevator at ang tungo ako sa itim na Lamborghini monster ko.Tinawagan ko si Micro at agad itong sumagot. Yow! What's up! Anong atin?" tanong nito bungad sa akin."Hype beast Club, tonight 7pm call the others.." sagot ko at binaba agad ang tawag ko.Sumakay ako sa kotse ko at mabilis itong minaneho patungo sa Hype beast Club. That's club is belong to me too..-CATLEYAH CHLOÉ TATÉ"Ano ba ito Caezar? May gaganapin na masquerade ball party sa sabado at hindi tayo imbitado? " tanong ni Mommy kay Daddy."Relax, Darling Leona gagawan na ng paraan ng secretary ko para maka kuha tayo ng invitation." sagot ni Daddy.Napa hawak ako sa sentido ko habang nakikinig sa kanila. One of the biggest construction firm ng Asia ay mag kakaroon ng party. Simula pa 5 years ago hindi ito nag karoon ng kahit anong party.Matunog sila pero pribado ang information nito, kahit ang may ari ay walang nakaka kilala dito. "God! Isa siya sa mga sikat na kumpanya sa Asia tapos tayo lang wala doon? Ano na lang sasabihin ng amiga ko?!" hysterical na tanong ni Mommy.Napa buntong hininga na lang at umiling. "Ginagawan na ng paraan okay? Bukas pa naman ng 4pm ang start ng party so may oras ka pa para mag ayos.." sagot ni Daddy kay Mom.Inirapan ni Mom si Dad bago balingan ni Mommy. "Sweetie, Cat? What's wrong?" malambing na tanong ni Mommy sa akin.Umupo pa ito sa tabi ko kaya agad akong sumagot. "Nakita ko si Hayes kanina mom, dad. Siya yun hindi siya nag salita pero alam ko ang hitsura niya mom. Siya yun lumaki lang ang katawan niya." kwento ko na kina laki ng mga mata ng magulang ko."Huh? Ibig sabihin nandito lang din siya sa city?!" gulat na tanong ni Mommy.Tumango ako na kina imik ni Daddy. "Kung ganun nag sinungaling si Po1 Jim!" galit na wika ni Daddy.Napa iling ako at tiningnan sila. "Sigurado ako na gaganti siya sa atin. " wika ko sa kanila.Narinig ko ang pag singhap ni Mom ng hangin. "How? Wala siyang makukuhang evidence!" tanong ni mom.Agad nag salubong ang kilay ko ng maalala ko ang suot nito. "Mom, daddy. Yung suot niya kanina para siyang mayaman. Diba inubos na natin ang pera niya paano siya naka bili ng suit na ganun ka mahal at halatang pasadya pa?" tanong ko.Napansin ko yun dahil halatang mahal ang kanyang suot. Pati ang suot nitong Rolex watch napaka mahal ng ganung klase."Ngunit paano mangyayari yun kung wala na siyang pera?" tanong ni Daddy.Yun din ang tanong ko. Dahil lahat ng ari-arian niya at pera niya ay kinuha ko na kaya paano pa siya magiging mayaman kung wala na siyang kahit piso?"Hindi ko alam daddy, basta ang alam ko at maniwala kayo o hindi bumalik na siya!" wika ko at padamog akong tumayo. Umakyat ako sa taas at iniwan sila.-HAYES COX FERGUSONNANG MAG GABI DOON KO NAKITA MULA SA ITAAS ang mga tao sa ibaba na nag sasaya sa pag mamay-ari kong club. Nakita ko din ang mga kaibigan ni Catleyah at ang Fiancé nito.Ngunit ang hinihintay ko ay wala pa. Sinabi sa akin ni Tiger na lagi silang nandito sa club ko gabi gabi."Drink?" alok sa akin ni Micro at ibabot sa akin ang hawak nitong whiskey.Kinuha ko ito at inamoy ko muna. "Sigurado ako na mag tataka na ang pamilyang ‘yun paano ako nakakuha ng pera. Kaya mo ba harangan yun? Name your price.." tanong ko kay Micro."No need bata, ang importante magawa mo ang pag hihiganti mo." wika ni El Mayor. Agad kong kinamayan ito pati si General at Tiger."I know.." sagot ko. Sasagot na sana ito ng makarinig kami ng away sa baba ng kina lingon ko."Ang yabang mo ah?!" sigaw ng lalaki na hindi ko naman alam kung sino.Bumaba na ako sumunod naman ang kasama ko. "Anong nangyayari dito?" tanong ko.Yumuko naman ang babaeng server ko. "Boss, sinabi ko po na hindi po pwede ang pag table ng babae dito. Bigla po niya akong hinawakan sa pang upo ko at nagalit po siya ng sampalin ko siya." mahabang sumbong at paliwanag ng tauhan ko.Nilingon ko ang lalaki at malamig ko itong tiningnan. "Ano ikaw ba ang amo niyan? Kapag mag tayo ka ng club we expected na may babae kaming makakasama sa table!" sigaw nito na tanong sa akin.Humarap ako ng maayos habang ang mga kasama ko ay umatras na. "Pakipot pa basur-----" hindi ko na pinatapos ito ng salubungin ko ng malakas na suntok ang bibig nito na bagsak nito.Malakas na tili ang narinig ko pero wala akong pakialam at hinablot ko ang kwelyo nito at bumulong. "Wala akong pakialam sa pera mo na mas maliit pa sa bay*g mo! Ang akin kapag hindi mo nirerespeto ang tauhan ko na nag ta-trabaho ng maayos at marangal makaka tikim sa'kin!" putol ko."Uulitin ko. Hindi sa'yo nag ta-trabaho ang mga tao ko hindi ikaw nagpapasahod kaya ‘wag kang mag demand ng kahit ano, dahil baka hindi ka na sikatan ng araw sa akin.." bulong ko at binitawan ko ito na kina handusay nito sa malamig sa semento."Alisin niyo ang grupong ito at simula ngayon banned na sila dito. Ayoko ng basura sa pagmamay-ari ko!" Malakas na utos ko at tumalikod na ako.Umalis na ako at ganun din ang mga kasama ko, ngayon ilalagay ko sila sa dapat nila kalagyan. Damay damay na ito paliliitin ko ang mundo nila at mga taong nakapaligid sa kanila.marami pong salamat sa pag babasa ng stories ko po sana suportahan niyo din po ito. thank you po!
Handa na ang lahat para sa araw ng ipapakilala na ang may ari ng H.C Builders.Lahat ng nabigyan ng imbitasyon ay nasa loob na ng malaking kwarto, ngunit ang pamilya Taté ay nagmamadali sa pagbibihis dahil sila na lang ang huling nakakuha ng imbitasyon.Ang nakaka insulto pa dito ay hindi sila kilala ng may ari H.C builders kahit ang totoo ay sinadya ito ng binatang si Hayes."Makilala ko lang ang sinasabi nilang CEO ng H.C Builders i will pay that human!" galit na wika ni Mrs. Taté."Mom, relax na okay ang importante makaka punta na tayo kahit late." pag papakalma ng dalaga sa kanyang ina."Yes you're right Cat, late sobrang late! Halos kabibigay lang sa atin ng imbitasyon na ito 15 minutes ago! Tapos ang sabi ng sekretarya niya? Hindi tayo kilala?" hysterical na tanong ng ginang.Napa buntong hininga na lang ang anak nito at nag salita naman ang ama ng dalaga na asawa naman ni Leona Tate. "Nandito na tayo, umayos kayo ayoko masira ngayong gabi." paalala ni Mr. Caezar Taté sa kanyang
-KINAUMAGAHAN sa mansion ng mga Taté bumulaga sa kanila ang balitang rerematahin na ang mansion kapag hindi pa sila nag bayad ng 68 Million pesos sa bangko para sa utang nito sa casino."Pa-paano mo ginawang collateral ang mansion sa utang mo sa casino at sa bangko pa talaga?!" tanong ng ginang sa kanyang asawa."Ano gusto mo mapahiya ako sa mga tao dahil wala na akong Pambayad?!" galit na tanong ni Caezar Taté sa kanyang may bahay."Dad, may pera ako sapat yun para makabayad tayo sobra pa nga!" wika ni Catleyah sa kanyang ama."Anak pera mo ‘yan pinaghirapan mo yan.." wika ng ama nito Umiling naman ang anak nitong dalaga at nag salita. "No dad, okay lang kikitain ko pa yan sa kumpanya ko." wika nito.Bumuntong ang ama nito at tumango. "Sige puma-payag na ako anak, pero ibabalik ko din ito sa'yo." sagot ng ama ng dalaga. Tumango naman ito at nginitian ang ama, hindi lingid sa kaalaman nila na may mas malaki pang kahihiyan ang bubungad sa kanila.MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO."Yaya pak
HAYES COX FERGUSON Nang mag gabi nag tungo ako kasama ang kanang kamay kong si Dalton sa mansion ng mga Taté. Tama ako na ang bahay na pagmamay-ari ko talaga sila tumira, kasama ito sa nakuha nila sa akin naikuyom ko ang kamao ko sa pagtitimpi ko ng galit. “Sir, naka kuha ako ng information na hindi lang kayo ang bisita ng mga Taté.” Basag sa katahimikan ng kanang kamay ko. “Sino pa ang kasama?” Tanong ko dito. Binaba ko muna ako ang hawak kong iPad. “Ang fiancée ng nag iisang anak ng mga kalaban ninyo.” Wika ng kanang kamay ko. Tumango naman ako bago mag salita, “Gusto ko Ikaw personally kumuha ng information ni David Von Mocorro.” Utos ko dito, Tumingin ito sa akin gamit ang rare view mirror, “May plano po kayo?” Tanong nito sa akin. “Sabi ni Sir. Tiger nagbigay siya sa inyo ng information ni Von?” Tanong nito. “Hindi ‘yun sapat, gusto ko marami yung malalim..” sagot ko at tumingin ako sa labas ng bintana. Narinig kong bumuntong hininga ito at nakita ko na pumasok kami sa
-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN napanood ko sa tv habang nag aagahan ako ang balita tungkol sa pag atras sa kasal ng pamilya Tate sa mga Macorro.“Sir?” Tawag sa akon ni Luigi ang isa ko pang tauhan. “Gumawa ka ng paraan para mag away ang pamilya na ‘yan masyadong mabilis ang pagsang-ayon ng plano sa akin..” utos ko dito.Tumango ito at nag salita, “Naka handa na po ang plan B.” Sagot nito, tumango lang ako at hindi na umimik pa.Hindi pa oras para ganun ganun kadali na lang nila malusutan ang lahat ng ito. Matapos ko mag agahan umakyat ako sa aking kwarto upang mag bihis ng aking pan-trabaho. Matapos nito lumabas na ako ng aking kwarto at nag tungo sa labas ng bahay, nakita ko pang nagdidilig ng halaman si Nanay kaya hindi ko na ito tinawag pa.Sumakay ako sa backseat ng pag buksan ako ni Luigi, pag sakay ni Luigi nag salita ako. “Tumawag na ba sayo si Dalton o si Micro man lang?” Tanong ko dito.“Sir, wala pa po silang tawag. Sasabihan ko po kayo agad kapag meron na.” Sagot nito
-CATLEYAH CHLOE TATEHanggang ngayon gulat parin ako na ang 48 billion pesos na makukuha namin ay naging 5 billion na lang dahil sa mga utang ni Daddy.At sa bahay na tinitirhan namin, “Ang laki ng 48 billion tapos 5 bilyon na lang natira?” Hindi makapaniwala na tanong ni Mommy kay Daddy.“Ang importante hindi makukuha ang mansion sa atin!” Gigil na wika ni Dad.“Pero hindi ba kayo nag tataka sino ang naka kuha ng necklace?” Tanong ko sa magulang ko.Nilingon ako ng magulang ko na may nag tatanong sa mga mata nito. “Kahit Mommy, yung nag bid kanina at nanalo, hindi sila pamilyar sa akin. Nag tanong tanong ako sabi daw ay bago sila sa city..” paliwanag ko sa kanila.“And then? I don’t get it my Daughter.” Naka salubong ang kilay ni Mommy habang tinatanong ako.“Mom, kung bago sila paano sila naka kuha ng malaking pera? Hindi sila mukhang bilyonaryo!” Sagot ko sa mommy ko.Habang si Daddy naman napahawak sa kanyang baba, “Tama si Chloe, Darling. Kung totoo na bago ang lalaki na ‘yun th
-CATLEYAH CHLOE TATENakatingin lang ako sa isang tinted glass window kung saan kausap ni Monica si Hayes habang nasa kabilang pinto ang mga ito.“Please be comfortable here Mr. Ferguson. Aayusan ka ng aming make up artist and then go na for your interview.” Narinig kong wika ni Monica.Ngunit wala parin imik si Hayes at dahil doon lumabas na si Monica at nag tungo sa kwarto kung nasaan ako.“Grabe sobrang intimidating ng lalaking ‘yun wala siyang emosyon!” Bulong nito habang umaaktong pinay-payan ang kanyang mukha.“Sabi sa’yo ang laki ng pinag iba niya noon sa ngayon..” wika ko dito at umupo ako.“Okay lang ‘yun but anyway yung mga tanong? Tulad ng request ni Tita na tanong about sa pagiging ex-convict niya.” Sunod sunod na wika nito agad ko naman tinakpan ang bibig nito.“Shut it girl! Baka marinig nila tayo.” Awat ko dito at inalis ko agad ang kamay ko.Umirap naman ang babaeng ito sa akin at nag salita, “Kahit naman marinig niya may magagawa ba siya? Totoo naman na ex-convict si
-CATLEYAH CHLOE TATE“Ikaw gumawa niyan. Wala akong pakialam sa pera na ipapasok mo sa kumpanya ko, hindi ako gagawa ng design na copy lang naman..” sagot ni Hayes at tumalikod na lang ito agad at umalis.Ako naman ay nanatiling naka tulala lang, “Ano tini-tingin niyo d’yan?!” Nagising ako sa sigaw ni David.Agad agad kong inawat ito. “Ano ka ba nakakahiya ka! Pati mga tao at crew na wala naman ginawa sa’yo galit ka!” Singhal ko dito at tumayo na ako ng padamog.“Babe!” Tawag sa akin nito, ngunit mabilis akong nag lakad.Yumuko pa ako para makaiwas sa mga matang mapanghusga, “Ano ba!? Kanina pa kita tinatawag!” Malakas na pag hila ang nag patigil sa akin sa paglalakad.“Alam mo bakit? Dahil nakakahiya ang ginagawa mo! Lagi na lang tapos ano? Ako aayos ng gusot mo?” Pagtatanong ko dito.Ngumisi ito sa akin at nag salita. “Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa pamilya ko wala na kayo ngayon?” Tanong nito sa akin. Gusto ko umiyak pero hindi ngayon.“Bakit nakinabang ka naman diba
-HAYES COX FERGUSONDUMATING ANG ARAW NG KAARAWAN ni Caezar Tate, nag desisyon ako na pumunta na lang.Kasama ko si Luigi at Dalton, “Nag bigay ng email ang kaibigan ni Catleyah Tate na si Monica para makipag areglo.” Bulong ni Dalton sa akin.Si Dalton at Luigi ang taong nag babantay ng emails ko, kung wala si Dalton si Luigi ang gagawa salitan lang silang dalawa.“Bayaan niyo sila, saka ko na sila iintindihin. “ sagot ko habang naka tayo kaming tatlo sa loob ng elevator.Gaganapin ang kaarawan ni Caezar sa kumpanya nito lahat ng pinadalhan ng imbitasyon ay inaasahan na dadalo ngayong gabi.Kung ako ang tatanungin hindi ko ito gagawin dahil wala naman akong pakialam sa pamilyang ito. Kung hindi lang dahil sa plano ko hindi ko ito gagawin.Nang tumigil ang elevator sa pinaka huling palapag lumabas na ako pag una, agad kong nakita ang pamilya Tate sa pintuan kung saan isa isa lang sinasalubong ng may ngiti sa labi ang mga bisita.“Makaka ngiti kaya sila kapag nakita ka na nila?” Tanon
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.