Share

KABANATA 2

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2022-05-26 00:02:17

Hindi siya mapakali kinagabihan dahil hindi pa rin sinasagot ni Dino ang mga tawag at text niya. Sa katunayan ay mukhang pinatay pa nga nito ang phone dahil hindi na niya ito makontak.

Mag-aalas nuebe na ng gabi at siya pa ring mag-isa sa bahay dahil ang mga magulang nila ay siguradong nasa biyahe pa pauwi galing ng Maynila.

Malapit ang mga ito sa Tita Ellen niya dahil ito ang tumulong sa kanila no'ng mga panahong biglang nawalan ng trabaho ang ama. Ang tita niya ang nagpaaral sa kanilang magkakapatid kaya't malaki ang utang na loob nila rito. Mas lalo pa ngayon na sa mga ito tumutuloy ang kapatid niyang si Joshua.

Nasusunod ang luho ng kapatid niya kahit hindi sila mayaman dahil mahal na mahal ito ng mga magulang niya. Hindi iilang beses niyang napagsasabihan ang kapatid niya na iyon dahil umaabuso na ito kadalasan.

Mas lalo siyang hindi matahimik dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Kanina pa niya matamang pinag-iisipan ang napagdesisyunan niya nang gabing iyon. Bumangon siya galing sa pagkakahiga nang makabuo na ng pinal na desisyon.

Pupuntahan niya si Dino sa inuupahan nito. Ang pinsan nitong lalaki ang kasama nito roon dahil ang mga magulang at mga kapatid ng nobyo ay nasa probinsiya. Alam niyang umuuwi tuwing Sabado ang pinsan nitong estudyante sa kanila at Lunes na ng umaga bumabalik. Tiyak niyang nasa inuupahang bahay ng mga ito si Dino at nag-iisa.

Kinakabahan man sa naisip ay nilakasan niya ang loob. Nagbihis siya para mapuntahan na ito. Sinuklay niya ang nakalugay na buhok at naglagay ng pulbo at manipis na lipstick sa mga labi. Nang masiyahan sa mukha ay dumiretso na siya ng labas.

Kanina pa siya nakababa ng sasakyan at nakatayo sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Dino. Kumakabog talaga ang dibdib niya. Alam niya sa sarili na hindi pa siya handa sa gagawin niya pero gusto niyang alisin ang pagtatampo ng nobyo. Damang-dama niya kasi ang malalim na hinanakit nito dahil buong gabi siya nitong natikis na hindi man lang kausapin.

Bumuntunghininga uli siya saka dahan-dahang lumapit sa pinto ng bahay na inuupahan nito. Kapag ikinasal na sila ay doon pa rin sila tutuloy ng lalaki. Okay lang naman sa kanya iyon dahil alam niyang hindi pa nila kaya ang humanap ng malilipatan dahil lahat ng ipon nila ay magagamit sa kasal.

Nanginginig pa ang mga kamay niya habang isinuksok ang susi sa door knob. Binigyan siya ng susi ni Dino dahil lagi naman siyang bumibisita roon. Nang mabuksan iyon ay tahimik na pumasok na siya sa loob.

Wala ito sa maliit na sala ng bahay at masyadong tahimik sa kusina. Sa tingin niya ay nasa kwarto ang lalaki at nagpapahinga na. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi pa siya kailanman pumasok sa kwarto nito dahil umiiwas siyang matukso silang dalawa. Hanggang silip lang talaga ang nagawa niya roon.

Halos ayaw humakbang ng mga paa niya para puntahan ito sa kwarto. Hindi pa man ay parang gusto na niyang umatras.

Handa ka na ba talagang ibigay ang sarili mo? Alanganing tanong niya sa sarili.

Ipinilig niya ang ulo para alisin ang mga agam-agam. Nasa harap na siya ng pinto ng kwarto nito at akmang bubuksan na iyon nang biglang matigilan.

"Dino... Ohhh! S-sige pahh! Ahhh!"

Napaatras siya sa narinig. Sunod-sunod na ungol ang umaalingawngaw sa tenga niya.

"M-malapit na ako! Heto naaa..."

Napasinghap siya at mabilis na itinakip ang isang kamay sa bibig nang marinig ang boses ni Dino. Hinding-hindi siya nagkakamali dahil kilalang-kilala niya ang boses ng nobyo. Hindi na niya namalayan ang biglang pag-agos ng malalaking butil ng luha mula sa mga mata habang nananatiling nakatakip ang kamay sa bibig.

"Dinooohhh! P-pleasseee..."

Napapikit siya nang mariin nang makilala rin ang boses ng babaeng sinisigaw ang pangalan ng nobyo na halatang parehong nasa isang mainit na sitwasyon.

Ayaw tumigil ng mga luha niya sa pagtulo. Kahit para na siyang mamamatay sa natuklasan ay gusto pa rin niyang maniguro.

Unti-unti niyang itinaas ang isang kamay para hawakan ang seradura ng pinto. Napalunok pa siyang nang pihitin niya iyon. Ayaw man niyang makita ang nangyayari sa loob ay gusto niyang makita ng dalawang mata ang kataksilan ng mga taong malapit sa kanya.

Iniawang niya ang pinto. Nakita nga niya ang hubad na si Dino na nakapatong sa isang babae. Parang dudugo ang mga tenga niya sa maiinit na ungol ng dalawa habang bumibilis ang galaw ni Dino sa ibabaw ng babae.

Pinipigilan niya ang sariling mapahikbi nang malakas. Kusang kumilos ang mga paa niya para pumasok pa sa loob.

Gusto niyang makita ang mukha ng mga taksil!

Tumigil siya sa gilid ng kama habang tigmak ng luha ang mga mata. Napatingin sa gawi niya ang babae. Saka niya nakumpirma na tama nga ang hinala niya.

Ang babaeng nakahiga ngayon sa kama at nagpakasasa sa kaligayahan kasama ng mapapangasawa niya ay walang iba kundi si Mhariel!

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang makita siya. Mabilis na naitulak nito si Dino na umuulos pa rin sa ibabaw nito.

"D-don't stop me, Mhariel! Malapit na ako!" Reklamo ng lalaki na hinihingal pa.

"Dino! N-nandito si Yazmin!" Malakas na itinulak uli ni Mhariel ang nobyo niya.

Nakatayo lang siya na parang estatwa at nakatitig sa dalawa. Himalang biglang tumigil ang mga luha niya sa pag-agos.

Nakita niya ang takot at kaba sa mukha ni Dino nang lumingon ito sa kinatatayuan niya.

"Y-yaz?"

Mabilis na umalis ito sa ibabaw ni Mhariel at nakalimutan yata na hubo't-hubad ito nang tumayo para lapitan siya. Agad na iniiwas niya ang mga mata sa kahubdan nito. Never pa talaga niyang nakita ang hubad na katawan ng nobyo niya.

Mabuti pa nga si Mhariel at parang pinagsawaan na ang katawan ng mapapangasawa niya.

Sana! Mapapangasawa niya sana! Dahil pagkatapos ng nasaksihan niya ay wala na siyang planong ituloy ang kasal nila.

Mabilis na tumalikod siya bago pa siya mahawakan ni Dino. Nandidiri siya sa lalaki at ayaw niyang mahawakan siya nito.

"Yaz, let me explain. Please..."

Nakalabas na agad siya ng kwarto at patakbong tinungo ang pinto para lumabas na rin ng bahay. Hahabulin pa sana siya ni Dino sa labas pero naalala nitong wala itong suot na kahit ano'ng saplot sa katawan kaya't nanatili na lang ito sa bukana ng pinto habang tinatawag ang pangalan niya.

"Yaz!"

Hindi na niya nilingon pa ang lalaki. Umalis na agad siya sa lugar na iyon at pumara ng masasakyan. Umuwi siya diretso ng bahay nila at nagkulong ng kwarto. Pinatay niya agad ang phone para huwag siyang matawagan ni Dino.

Nakatulalang nakatitig lang siya sa kisame habang paulit-ulit na nakikita ang eksenang nasaksihan kanina. Parang biglang natuyo ang mga luha niya at naging lutang ang utak. Napadako ang tingin niya sa damit pangkasal niya na naka-hanger.

Bigla siyang tumayo at agad na inalis sa hanger ang puting damit. Doon biglang bumuhos ang lahat ng galit niya. Hinila niya ang mga manggas no'n hanggang sa tuluyang mapunit. Pasigaw na pinaghihila niya ang buong damit hanggang sa magkagutay-gutay iyon. Hindi pa siya nasiyahan talaga at kumuha pa siya ng gunting para pira-pirasuhin ang damit.

Nang tuluyang masira iyon at naging maraming piraso sa sahig ay nahahapong napaupo na rin siya sa sahig. Saka lang bumalik ang mga luha niya. Bigla ay humagulgol na siya ng iyak. Mabuti na lang at hindi pa rin umuwi ang mga magulang niya.

Wala siyang pakialam kung malakas na malakas na ang pag-iyak niya na parang kinakatay na hayop. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. Para siyang mamamatay sa sobrang sakit sa puso kaya ayaw niyang kimkimin iyon. Halos isang oras din siyang umiyak nang malakas.

"Y-yaz..."

Natigil lang siya nang marinig ang boses ni Dino sa labas ng pinto ng kwarto niya.

"Yazmin, anak?" Boses ng ina niya.

Hindi niya namalayang nakauwi na pala ang mga magulang. Kaya pala nakapasok si Dino ng bahay nila. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi nang patuloy siyang tawagin ng mga ito sa labas ng kwarto niya.

"Yazmin, please mag-usap tayo," nagsusumamo ang boses ni Dino.

Hindi siya kumibo. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.

"Yazmin, buksan mo ang pinto!" Matigas na utos ng ama niya.

Kahit natatakot siya sa ama niya minsan ay hindi siya natinag ngayon. Mas grabe ang sakit na nararamdaman niya para makaramdam pa ng ibang emosyon.

"Ano ba kasing nangyari, Dino?" Narinig pa niyang tanong ng ina niya sa nobyo.

"Kami na lang po muna ang mag-usap ni Yazmin, Tita. Saka ko na po ipapaliwanag kapag naayos na namin ang lahat."

"Yazmin!" Sigaw na ng ama niya.

Walang emosyon na napatitig lang siya sa nakasarang pinto ng kwarto niya. Nang ayaw pa ring tumigil ang mga ito ay saka siya nagsalita.

"Saka na tayo mag-usap, Dino. Hayaan mo na muna ako ngayong gabi." Kalmado na ang boses niya nang magsalita.

Natahimik ang lahat sa labas. Maya-maya ay nagsalita ito.

"Okay, Yaz. Mag-usap tayo bukas. Magpahinga ka na muna riyan. Aayusin natin ito." Nagkapag-asa ang boses na sabi ni Dino.

Napatawa siya nang pagak sa narinig.

Aayusin?

Napatingin siya sa nagkalat na mga piraso ng damit pangkasal niya sa sahig.

Maaayos lang tayo, Dino, kapag mabubuo mong muli ang damit na iyan." Tahimik na usal ng isip niya.

Hindi na niya sinagot ang lalaki. Tumayo lang siya mula sa pagkakasalampak sa sahig para lumipat sa kama niya. Blangko ang ekspresyon na humiga siya at nagkumot ng sarili.

"Yaz, I love you," mahinang sambit ni Dino pero narinig niya pa rin.

"Pasensiya ka na sa anak ko, Dino. Kakausapin ko iyan mamaya para makahingi ng tawad sa'yo," sabi pa ng ama niya sa lalaki.

"Salamat, Tito. Hayaan ninyo na lang po siyang matulog muna ngayon. Kami na lang ho ang mag-uusap bukas," maamong-maamo ang boses ni Dino na para bang wala itong kasalanan.

"Naku! Malilintikan talaga sa akin iyan!" Parang galit pang sabi ng Papa niya.

Wala siyang narinig na sagot mula kay Dino. Hindi man lang nito itinama ang galit ng ama niya sa kanya. Para pa ngang hinayaan lang nitong isipin ng mga magulang niya na siya ang may kasalanan.

Tinakpan niya ng kumot ang mukha. Ayaw na muna niyang mag-isip pa. Mabuti na lang at umalis na nga ang mga ito at hinayaan na lang siyang mapag-isa.

Comments (9)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ang kapal ng Mukha nyo Dino at Mhariel ..Hindi nyo man lang naisip Ang mararamdaman ni Yazmin ..Sobrang sakit para sa kanya na Ang ituring nyang kaibigan Ang syang aahas sa magiging Asawa nya.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Jasmin Zapatero
nice story,
goodnovel comment avatar
Jollybeth Gonzales
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 3

    Hindi nangyari ang pag-uusap sana nila ni Dino dahil nag-file agad siya ng leave sa trabaho ng tatlong araw. Mabuti nga at na-approve agad iyon kaya't lumuwas na lang siya bigla ng Maynila.Ang paalam niya sa mga magulang ay may seminar siyang dadaluhan sa Maynila nang biglaan kaya't hindi na nagtanong ang mga ito nang magpaalam siya. Si Dino naman ay panay pa rin ang tawag sa kanya pero hindi niya sinasagot.Hindi siya agad nito mapupuntahan dahil nga nasa trabaho ito. Sinamantala niya naman iyon dahil ayaw niyang makaharap pa ang lalaki.Si Sheena ang pinuntahan niya sa Maynila. Kaklase niya at kaibigan ito mula pa elementarya. Nagkahiwalay lang sila nang makapagtrabaho ito sa Maynila no'ng nakaraang taon lang. Matagal na siyang inaaya ng kaibigan na lumuwas ng Maynila para maipasyal siya at maigala sa gabi. Sa katunayan ay kinulit na naman siya nito no'ng isang linggo lang na bisitahin ito sa Maynila para maranasan niya naman daw ang magka-night life kahit isang beses lang bago si

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 4

    Hapon pa lang kinabukasan ay abala na si Sheena sa pag-aayos sa kanya. Pagkatapos niyang maligong muli ay pinatuyo nito ang buhok niya gamit ang blower. Inayos nito ang buhok niya at hinayaang nakalugay lang iyon. May inilagay itong kulay na tinanggihan niya kaso ang sabi ay mawawala rin naman daw iyon. Kailangan daw kasi na palitan muna nila ang kulay ng itim niyang buhok para maiba naman.Hindi na siya umimik at hinayaan na lang ang kaibigan sa ginagawa. Nilagyan siya nito ng kolorete sa mukha. Kakapalan daw nito konti para huwag mabura agad. Pumayag na lang din siya. Nasiyahan naman siya sa pagmi-makeup nito sa kanya kahit makapal nga iyon. Nagmukha tuloy siyang ibang tao nang matitigan ang sarili sa salamin.Bandang alas singko ng hapon siya natapos ayusan ni Sheena. Pinasuot na nito sa kanya ang damit na susuotin niya mamaya. Tama nga siya. Masyadong maikli at daring ang damit na iyon. Kitang-kita ang cleavage niya. Gusto niya tuloy magsuot ng blazer para matakpan iyon."Ano ka b

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 5

    "Sean!" Narinig pa niya ang malakas na tawag ni Miguel sa lalaking kararating lang. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha.Simple lang ang suot ng lalaki. Nakasuot ito ng white polo shirt at naka-maong na pantalon. Kahit nakatalikod ito at wala namang kakaiba sa damit nito ay malakas na agad ang dating ng lalaki. Narinig niyang binanggit ng mga lalaki kanina ang pangalan nito.Siya na ba iyong ka-blind date niya? Blind date pa nga bang matatawag iyon?Hindi man lang niya naalalang itanong kay Sheena ang pangalan ng lalaking ka-date niya sa gabing iyon. Mas lalong naging maingay sa bandang iyon habang binabati ang lalaki na tinatawag ng mga ito na "Sean". Sa tingin niya ay magkakabarkada ang mga ito.Curious na curious na siyang makita ang mukha ng lalaki at akmang haharap na sana ito sa gawi niya nang biglang naharangan iyon ng isang babaeng lumapit sa grupo. Mas lalong hindi na niya makita ang mukha nito nang sumunod pa ang dalawang babae sa paglapit sa kinatatay

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 6

    Mabilis na ibinaba niya ang baso sa bar counter at saka tumayo para magpaalam na sana nang bigla siyang napaupo uli.Bigla yata siyang nakadama ng pagkahilo sa pagtayo niyang iyon. Agad na inalalayan siya nito na makaupo nang maayos."Are you okay?" Nawala na ang ngiti nito nang itanong iyon.Ipinilig niya ang ulo. Bumuti-buti na uli ang pakiramdam niya pero parang may kakaiba siyang nararamdaman. Bumuntunghininga siya uli."I-I'm fine.""Give me a glass of water." Utos nito sa bartender saka ibinigay sa kanya ang baso ng tubig para ipainom.Agad na tinanggap niya iyon at inubos lahat. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya."Naparami ka na ba agad ng inom?" Worried na tanong nito."H-hindi pa naman." Baka epekto lang iyon nang pagpapalipas niya ng gutom, naisip niya.Magpapaalam na sana siya rito nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang si Mhariel uli ang tumatawag. Inis na kinansel niya ang tawag pero parang ayaw nitong tumigil."Who's that? A jealo

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 7

    Lumapit ito at kinuha ang kamay niya habang nakatayo sa harap niya."Please undress me." Nakakakilabot ang boses nito habang sinasabi iyon.Dama niya ang pagtindig ng mga balahibo sa katawan at dumako na rin ang mga mata niya sa bumubukol na parte sa gitna ng mga hita ng lalaki. Wala sa sariling hinawakan niya iyon at dinama na para bang may sariling isip ang kamay niya." Ahhh, shittt..." Mahinang ungol nito habang napapatingala pa.Nagkalakas loob naman siya dahil sa reaksiyon nito. Dalawang kamay na niya ang dumadama sa bahaging iyon. Parang nanginginig pa ang mga kamay niya nang tanggalin ang pagkakabutones ng slacks na suot nito.Napatingin siya rito nang ibababa na niya ang zipper. Nagkatitigan sila at kitang-kita ang pag-aalab sa mga mata nila. Nang tuluyang bumagsak ang pantalon nito sa sahig ay bigla siya nitong pinahiga sa kama habang nakadagan sa kanya."I want to take our time, babe, but let's try it some other time because right now, I just want to devour your body," mar

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 8

    Mabilis na bumaba siya ng taxi nang makabayad na. Malalaki ang mga hakbang niya papasok sa condo building. Pagkalabas ng elevator ay halos takbuhin niya ang condo unit ni Sheena. Bigla rin namang natigilan nang may mga lalaking papalabas ng unit nito at bitbit ang iba't-ibang gamit ni Sheena palabas ng condo.Napatingin siya sa matandang lalaki na nag-uutos sa mga may karga ng mga appliances ng babae. Naalala niya ang mukha nito. Ito ang mayamang boyfriend ni Sheena. Ipinakita kasi nito ang mga pictures sa kanya.Naglakas-loob na siyang lumapit dito."S-si Sheena ho?"Napatingin agad ito sa kanya."Maniningil ka rin ba ng utang sa babaeng iyon? Huwag ka nang umasa dahil lumayas na ang walanghiyang babaeng iyon!" Ibinaling na uli nito ang tingin sa mga kargador pagkasabi no'n."K-kaibigan ho ako ni Sheena."Dati. Kaibigan dati. Gusto niya sanang idugtong.Marahas na huminga ang matanda saka hinarap uli siya."Gaya nang sabi ko, lumayas na ang haliparot na iyon. Aba! Nag-iwan pa ng mala

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 9

    Inubos niya ang lakas para maitulak ang lalaki. Nagpatulak naman ito sa kanya bago pa lumalim ang paraan ng pagkakahalik nito sa mga labi niya."How dare you!" Isang malakas na sampal ang isinagot niya sa kapangahasan nito.Hindi man lang ito natinag sa sampal niyang iyon. Imbes ay parang nanunukso pa ang titig na ibinigay nito sa kanya."You sang a different tune that night. Have you forgotten already how compatible we were in bed?"Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito kahit nagsimula na ring uminit ang mukha niya."That was a mistake!"He chuckled na para bang nakakatawa ang sinabi niya. Hindi na siya nagsalita pang muli at mabilis na binuksan niya ang pinto ng kotse nito para makalabas. Mabuti na lang at hinayaan na siya ng lalaki.Nagmamadaling bumalik siya sa bahay ng Tita niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ni Carrie sa biglang paghila sa kanya ng fiance nito. Mabuti na rin at nasa loob ang lahat ng mga bisita at walang ibang tao sa labas nang basta na lang siyang hilain

    Last Updated : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 10

    Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata nang marinig ang matigas na boses na iyon. Nakita niyang napigilan pala ni Sean ang kamay ng pinsan niya bago pa iyon dumapo sa mukha niya."Isa ka pa! Manloloko! Andaling bilugin ng ulo mo. Akala mo ba inosente itong pinsan kong ito, ha? Mang-aagaw ito at malandi!" Nagwawalang sabi ni Carrie na pilit binabawi ang kamay nitong hawak ng lalaki.Hindi iyon binibitiwan ni Sean. Bumaling ito sa kapatid niyang nakatulala rin sa pangyayari."Mr. de Lara, please take her away from here," utos nito sa kapatid niya kasabay ng paggalaw ng leeg nito na nagtuturo sa labas.Tiningnan siya saglit ng lalaki para ipaalam sa kapatid niya na siya ang tinutukoy nitong dalhin palayo sa lugar na iyon.Napakurap-kurap lang ang kapatid niyang nakatingin sa boss nito."Mr. de Lara!" Medyo napalakas na ang boses ng lalaki para pukawin ang diwa ng kapatid niya lalo pa't pilit pa rin siyang inaabot ni Carrie.Dalawang kamay na nito ang itinataas sa ere at parang gustong

    Last Updated : 2022-05-26

Latest chapter

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 104 OUR KIND OF HAPPINESS

    Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 103 HOME SWEET HOME

    Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 102 THE SHOCKING TRUTH

    "Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 101 A BABY

    Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 100 MINDA'S POV

    Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 99 LATONIA'S POV

    Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 98 PATRICK'S POV

    Napapayuko siya sa babaeng abalang-abala sa pagpapaligaya sa galit na galit niyang alaga.Umaalalay ang dalawang kamay niya habang nagtaas-baba ang ulo nito dahil sa paglabas-pasok ng subo nito sa kahabaan niya."Ahhh! Suck it! Hmmmph! Ahhrghh!" Mariin ang pagkakakagat niya ng labi dahil sa mainit na bunganga nito na sumusubo sa tigas na tigas niyang sandata.Tumutulong din sa pagdiin-diin ang mga kamay niya sa ulo nito. Naroong sinasabunutan din niya ito kapag pakiramdam niya ay halos isubo na nito ang kabuuan ng ari niya Biglang umalis ito sa pagkakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Nanunuksong nilalamas nito ang malulusog nitong dibdib na walang suot na bra.Sexy masyado ang suot nito. Halatang walang bra ito nang dumating kanina dahil bumabakat ang tigas na tigas nitong nipples.Iyon ang nagugustuhan niya rito dati pa. Lagi siyang tinitigasan kapag nakakasama niya ito. Sadya yatang pinapakitaan siya ng motibo ng babae dahil alam nitong patay na patay siya rito.Hindi niya akalain

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 97 A DREAM AND A MEMORY

    Ang lakas ng iyak ng sanggol. Ang tunog ng iyak nito ang nagpagising ng diwa niya. Pinipilit niyang ibuka ang mabibigat na mga talukap."The baby's alive!" Sigaw ng isang babae.Sa narinig ay nagkaro'n siya ng lakas na imulat ang mga mata kahit kalahati man lang. Kahit hindi man naibuka nang todo ang mga mata ay nakita niya naman ang isang babae na nakaputi na may hawak ng sanggol na umiiyak.Napangiti siya. Ang baby ko.... Naisip niya.Sinubukan niyang itaas ang isang kamay pero masyadong mabigat din pala iyon para igalaw.Dumako ang mga mata niya sa munting binti ng sanggol. Bago siya mawalan uli ng malay ay nakita niya kahit malabo, ang imahe ng kulay brown na nasa may talampakan ng baby.Napangiti siyang muli nang bumalik sa pagkakapikit. Biglang napadilat ang mga mata niya. Agad na bumalikwas siya ng bangon kahit nakayakap pa rin sa kanya si Sean.Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng asawa. Hubad na hubad pa rin ito pero dumiretso siya sa may talampakan nito.Iyon nga! Nakita

  • THE REBOUND BRIDE   KABANATA 96 THE WITNESS

    Sinundo siya ni Patrick sa harap ng isang convenience store. Ang sabi nito ay makikipagkita ang babaeng nanganak din sa St. Therese Clinic nang araw na dinala siya roon.Habang nakaupo sa kotse ng lalaki ay conscious na conscious naman siya habang inaayos ang panyo sa leeg niya.Gusto niyang mainis kay Sean pero napapangiti naman siya kapag naaalala ang sinabi nito.You're still mine...Parang kanina pa iyon paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya. Isang himala rin na kahit iniwan niya itong kasama ni Latonia ay wala man lang siyang nadamang pangamba.Siguradong-sigurado siya na hindi nito papatulan ang mga panunukso ng ex nito.Bunga lang ba talaga ng pagbubuntis niya ang mga kung ano-anong pagdududa meron siya sa asawa dati? Siguro rin ay dahil sa insecurities niya sa katawan niya no'ng mga panahong iyon kaya pakiramdam niya ay posibleng titingin sa iba si Sean.Dinagdagan pa ng panunulsol ng isang dummy account. Pagkapanganak niya ay nag-deactivate na siya ng account. Ayaw na n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status