"Sean!" Narinig pa niya ang malakas na tawag ni Miguel sa lalaking kararating lang. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha.
Simple lang ang suot ng lalaki. Nakasuot ito ng white polo shirt at naka-maong na pantalon. Kahit nakatalikod ito at wala namang kakaiba sa damit nito ay malakas na agad ang dating ng lalaki. Narinig niyang binanggit ng mga lalaki kanina ang pangalan nito.Siya na ba iyong ka-blind date niya? Blind date pa nga bang matatawag iyon?Hindi man lang niya naalalang itanong kay Sheena ang pangalan ng lalaking ka-date niya sa gabing iyon.Mas lalong naging maingay sa bandang iyon habang binabati ang lalaki na tinatawag ng mga ito na "Sean". Sa tingin niya ay magkakabarkada ang mga ito.Curious na curious na siyang makita ang mukha ng lalaki at akmang haharap na sana ito sa gawi niya nang biglang naharangan iyon ng isang babaeng lumapit sa grupo. Mas lalong hindi na niya makita ang mukha nito nang sumunod pa ang dalawang babae sa paglapit sa kinatatayuan nito.Inalis na lang niya ang mga mata roon saka bumaling sa babaeng katabi na inalok siya ng makakain na nasa mesa. Kumakalam na nga ang sikmura niya dahil hindi siya kumain kanina.Doon na ba mangyayari iyong sinasabing date nila? O dadalhin siya ng lalaki sa isang restaurant na sila lang?Hindi pa sana siya kakain muna dahil baka nga kakain sila sa restaurant. Baka ando'n lang sila saglit para magpakita sa party ng kakilala nito at saka sila aalis.Napatingin uli siya sa mga pagkaing nasa mesa sa harap niya.Halos ang lahat ng iyon ay parang mga pulutan lang. Tumunog uli ang tiyan niya kaya't kumuha na rin siya at kumain. Baka naman kasi hihimatayin siya sa gutom kapag hindi niya lalagyan ng pagkain ang tiyan. Hindi pa naman siya sanay na nalilipasan ng gutom.Ngumiti at nagpasalamat siya sa babaeng nag-alok ng pagkain sa kanya. Doon na nga natuon ang atensiyon niya. Tumatanggi lang siya nang abutan siya ng babae ng isang bote ng beer."Hindi ako umiinom," tanggi niya.Panay pa rin ang kain niya. Mas mabuti na iyon kesa naman hintayin pa niyang pakainin siya ng date niya. Ang hapdi na kaya ng sikmura niya.Isusubo na niya sana uli ang isang hiwa ng manok sa bibig nang maisipang tingnan na ang grupo ng mga lalaking pinuntahan nila kanina ni Miguel. Baka kasi makita niya na rin sa wakas ang mukha ng "Sean" na iyon.Natigil sa ere ang manok na isusubo na niya sana nang makasalubong ng tingin ang lalaki na nakaupo paharap sa kanya. Pangiti-ngiti lang ito habang masayang nagkukwentuhan ang mga barkada nito sa tabi pero sa kanya naman nakatingin.Natulala siya sa mukha nito. Kung may hitsura si Miguel ay mas lamang ang kagwapuhan ng lalaking hindi maalis-alis ang titig sa mukha niya. Malalantik ang mga pilikmata nito na parang sa isang babae, matangos ang ilong at wavy ang buhok na papahaba na.At ang mga labi...Saka lang siya nahimasmasan nang ang mga labi nito ay biglang ngumuso sa kanya na para bang pinapaliparan siya ng halik sa hangin kasabay ng pagkindat nito. Uminit agad ang mga pisngi niya saka iniiwas ang mga mata sa lalaki.Imbes na isubo ang manok na hawak ay patay-maling ibinaba niya iyon saka parang natatarantang naghanap ng maiinom. Sakto namang inabutan siya uli ng babae ng beer kaya't agad na tinanggap niya na iyon. Para kasi siyang mabibilaukan bigla.Kahit mapait ang lasa ng iniinom ay nangangalahati na ang laman ng bote nang ibaba niya iyon sa mesa.Actually, nakainom na siya dati pero hanggang tikim lang kasi ayaw niya talaga ang lasa ng beer. Pinagbigyan niya lang si Mhariel nang minsang sumama siyang lumabas kasama ang mga barkada nito.Biglang nag-iba ang timpla ng mood niya nang maalala ang babae.Hindi mawala-wala ang pait ng lasa ng beer sa lalamunan niya kaya't lumingon-lingon siya para maghanap ng tubig. Muli ay nagtama na naman ang mga mata nila ng lalaki.Hindi ba nito inaalis ang tingin sa kanya mula pa kanina?Hindi niya hinayaang tumagal uli ang tingin niya rito dahil naaasiwa na siya. Nakita niya nga ang maraming bote ng mineral water kaso nasa tabi ito ng inuupuan ng lalaki. Umayos siya ng upo saka humarap na lang sa ibang direksiyon.Saka niya naalala ang pinadalang tubig ni Sheena. Agad na kinuha niya ang maliit na bote sa loob ng bag. Binuksan niya iyon saka nilagok ang buong laman ng isang tunggaan lang.Iniiwasan na niyang mapatingin sa umpok ng mga lalaki. Nagmumukha na siyang tanga yata. May balak pa ba itong ituloy ang date nila? Ito nga ba talaga ang ka-date niya o baka nag-aassume lang siya?Tatawagan na sana niya si Sheena para sabihin na aalis na lang siya nang biglang may tumayo sa harap niya. Wala sa loob na naibalik niya ang phone sa bag at dahan-dahang iniangat ang tingin. Hindi pa man niya nakikita ang mukha ng lalaking nakatayo sa harap niya ay alam na niya kung sino iyon dahil sa suot nito."Hi!" Nakangiting bati nito nang dumako na sa mukha nito ang mga mata niya.Napalunok pa muna siya bago sumagot."H-hi," kiming sagot niya."Hi, Sean!" Malanding bati ng babaeng katabi niya. Masyado itong naging malikot nang makita ang lalaki sa harap nila."Hi, Trish!" Malandi rin ang tono ng pagsagot nito sa babae."You might want to sit beside me," alok ng babae.Beside her? Napatingin siya sa inuupuan nila. Pangdalawang tao lang iyon. Pinapaalis ba siya ng babae nang pasimple para makatabi nito ang lalaki?"Ahm, you can sit here." Tumayo na siya agad para ibigay sa lalaki ang espasyong katabi ng babae.Lumaki naman ang awang ng ngiti ng babae na napatingin sa kanya na parang nagpapasalamat sa ginawa niya."Yeah, next time, Trish." Walang ano mang tanggi nito sa babae.Natigil siya sa pag-alis nang bumaling uli ito sa kanya."Masyadong maingay dito. I can take you somewhere na malayo sa speakers para hindi natin kailangang magsigawan habang nag-uusap," nakangiting sabi nito sa kanya na kailangan pang ilapit sa tenga niya ang bibig nito dahil nga sa ingay na nagmumula sa speakers sa tabi nila.Muntik na naman siyang mapatulala sa lalaki dahil mas lumalakas ang appeal nito kapag ngumingiti. Lagi na'y parang nanunudyo pa ang mga tingin nito. Saka dama niya ang init ng hininga nito sa balat niya habang nagsasalita ito. Muntik pa nga siyang mapakislot.Nag-aalangan pa siya at gusto niya muna sanang maniguro na ito nga ang ka-date niya sa gabing iyon dahil baka naman kasi ibang lalaki."Why? Are you here with someone?" Inilapit pa nito uli ang bibig sa tenga niya para marinig niya dahil mas lumakas ang tugtog sa background.Luminga-linga rin ito agad pagkatanong no'n sa kanya.Tinanong siya nito kung may kasama siya. Ibig sabihin nga no'n ay hindi ito ang ka-date niya."Let's move somewhere because it's very noisy here." Iginiya na agad siya nito palayo roon bago pa siya makasagot.Sumunod na lang din siya dahil masakit na nga sa tenga ang malakas na speakers na nakapwesto malapit sa kinaroroonan niya kanina.Lumipat sila sa may dulo ng floor na iyon kung saan may isang mini bar na pinasadya yata para lang sa party na iyon. Walang ibang tao roon so pakiramdam niya ay exclusive lang ang lugar na iyon sa kung sino man ang host ng party.May isang bartender doon na nilapagan agad sila ng maiinom. Hinintay niyang makaupo muna sila bago nagsalita."I'm not sure if tama ang napuntahan ko but I was supposed to be meeting someone for a blind date.""Blind date?" Kita niya ang pagkasorpresa sa mukha nito. Maya-maya ay napangiti ito hanggang sa marahang napatawa.Napakunot-noo naman siya kung bakit natatawa ito sa sinabi niya."Uso pa ba iyan ngayon?" Nakangiting tanong nito na kinuha ang isang wine glass na may laman saka inalok sa kanya.Tinanggap niya ang inabot nito kahit wala siyang planong inumin iyon. Kumuha na rin ang lalaki ng maiinom nito saka tinungga iyon nang diretso."I'm not sure if one of my friends is here for a blind date," dugtong pa nito nang maibaba ang baso at nang hindi siya sumagot.So nagkamali nga yata talaga siya ng punta!Mabilis na ibinaba niya ang baso sa bar counter at saka tumayo para magpaalam na sana nang bigla siyang napaupo uli.Bigla yata siyang nakadama ng pagkahilo sa pagtayo niyang iyon. Agad na inalalayan siya nito na makaupo nang maayos."Are you okay?" Nawala na ang ngiti nito nang itanong iyon.Ipinilig niya ang ulo. Bumuti-buti na uli ang pakiramdam niya pero parang may kakaiba siyang nararamdaman. Bumuntunghininga siya uli."I-I'm fine.""Give me a glass of water." Utos nito sa bartender saka ibinigay sa kanya ang baso ng tubig para ipainom.Agad na tinanggap niya iyon at inubos lahat. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya."Naparami ka na ba agad ng inom?" Worried na tanong nito."H-hindi pa naman." Baka epekto lang iyon nang pagpapalipas niya ng gutom, naisip niya.Magpapaalam na sana siya rito nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang si Mhariel uli ang tumatawag. Inis na kinansel niya ang tawag pero parang ayaw nitong tumigil."Who's that? A jealo
Lumapit ito at kinuha ang kamay niya habang nakatayo sa harap niya."Please undress me." Nakakakilabot ang boses nito habang sinasabi iyon.Dama niya ang pagtindig ng mga balahibo sa katawan at dumako na rin ang mga mata niya sa bumubukol na parte sa gitna ng mga hita ng lalaki. Wala sa sariling hinawakan niya iyon at dinama na para bang may sariling isip ang kamay niya." Ahhh, shittt..." Mahinang ungol nito habang napapatingala pa.Nagkalakas loob naman siya dahil sa reaksiyon nito. Dalawang kamay na niya ang dumadama sa bahaging iyon. Parang nanginginig pa ang mga kamay niya nang tanggalin ang pagkakabutones ng slacks na suot nito.Napatingin siya rito nang ibababa na niya ang zipper. Nagkatitigan sila at kitang-kita ang pag-aalab sa mga mata nila. Nang tuluyang bumagsak ang pantalon nito sa sahig ay bigla siya nitong pinahiga sa kama habang nakadagan sa kanya."I want to take our time, babe, but let's try it some other time because right now, I just want to devour your body," mar
Mabilis na bumaba siya ng taxi nang makabayad na. Malalaki ang mga hakbang niya papasok sa condo building. Pagkalabas ng elevator ay halos takbuhin niya ang condo unit ni Sheena. Bigla rin namang natigilan nang may mga lalaking papalabas ng unit nito at bitbit ang iba't-ibang gamit ni Sheena palabas ng condo.Napatingin siya sa matandang lalaki na nag-uutos sa mga may karga ng mga appliances ng babae. Naalala niya ang mukha nito. Ito ang mayamang boyfriend ni Sheena. Ipinakita kasi nito ang mga pictures sa kanya.Naglakas-loob na siyang lumapit dito."S-si Sheena ho?"Napatingin agad ito sa kanya."Maniningil ka rin ba ng utang sa babaeng iyon? Huwag ka nang umasa dahil lumayas na ang walanghiyang babaeng iyon!" Ibinaling na uli nito ang tingin sa mga kargador pagkasabi no'n."K-kaibigan ho ako ni Sheena."Dati. Kaibigan dati. Gusto niya sanang idugtong.Marahas na huminga ang matanda saka hinarap uli siya."Gaya nang sabi ko, lumayas na ang haliparot na iyon. Aba! Nag-iwan pa ng mala
Inubos niya ang lakas para maitulak ang lalaki. Nagpatulak naman ito sa kanya bago pa lumalim ang paraan ng pagkakahalik nito sa mga labi niya."How dare you!" Isang malakas na sampal ang isinagot niya sa kapangahasan nito.Hindi man lang ito natinag sa sampal niyang iyon. Imbes ay parang nanunukso pa ang titig na ibinigay nito sa kanya."You sang a different tune that night. Have you forgotten already how compatible we were in bed?"Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito kahit nagsimula na ring uminit ang mukha niya."That was a mistake!"He chuckled na para bang nakakatawa ang sinabi niya. Hindi na siya nagsalita pang muli at mabilis na binuksan niya ang pinto ng kotse nito para makalabas. Mabuti na lang at hinayaan na siya ng lalaki.Nagmamadaling bumalik siya sa bahay ng Tita niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ni Carrie sa biglang paghila sa kanya ng fiance nito. Mabuti na rin at nasa loob ang lahat ng mga bisita at walang ibang tao sa labas nang basta na lang siyang hilain
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata nang marinig ang matigas na boses na iyon. Nakita niyang napigilan pala ni Sean ang kamay ng pinsan niya bago pa iyon dumapo sa mukha niya."Isa ka pa! Manloloko! Andaling bilugin ng ulo mo. Akala mo ba inosente itong pinsan kong ito, ha? Mang-aagaw ito at malandi!" Nagwawalang sabi ni Carrie na pilit binabawi ang kamay nitong hawak ng lalaki.Hindi iyon binibitiwan ni Sean. Bumaling ito sa kapatid niyang nakatulala rin sa pangyayari."Mr. de Lara, please take her away from here," utos nito sa kapatid niya kasabay ng paggalaw ng leeg nito na nagtuturo sa labas.Tiningnan siya saglit ng lalaki para ipaalam sa kapatid niya na siya ang tinutukoy nitong dalhin palayo sa lugar na iyon.Napakurap-kurap lang ang kapatid niyang nakatingin sa boss nito."Mr. de Lara!" Medyo napalakas na ang boses ng lalaki para pukawin ang diwa ng kapatid niya lalo pa't pilit pa rin siyang inaabot ni Carrie.Dalawang kamay na nito ang itinataas sa ere at parang gustong
Nang mapahupa na niya ang pagwawala ni Carrie sa tulong ng mga magulang nito ay mabilis na nilapitan niya si Joshua."Where did you take her?" Ang tinutukoy niya ay ang babaeng pinagdiskitahan ni Carrie pagkatapos niyang ianunsiyo na walang kasalang magaganap.Nakatanga lang si Joshua sa kanya na parang lutang."Mr. De Lara!" Gusto na niyang mainis dito.Napatingin pa siya sa mga bisitang isa-isa nang umalis sa bahay ng babaeng pakakasalan niya sana. Ang iba sa mga iyon ay tinatapunan siya ng masamang tingin but he doesn't care at all."S-she's actually my sister, S-sean. I mean, S-sir."Siya naman ang napatitig sa mukha ng empleyado ng kompanya nila. Kapatid nito ang babaeng iyon?Napakunot-noo siya. Alam niyang malaki ang sweldong natatanggap ni Mr. De Lara bilang accountant ni Mr. Rado na isa sa mga kasosyo niya sa kompanya.Paanong nagawang ibenta ng kapatid ni Mr. De Lara ang pagkababae nito gayong maganda naman ang trabaho ng lalaki?Sumagi kasi sa isip niya na baka nga dala n
Pinatayan na siya ng phone ni Yazmin. Gusto niyang sanayin ang sarili na tawagin ito sa totoo nitong pangalan dahil desidido siyang mapapayag ito sa alok niya.Dumiretso siya sa library pagkarating ng bahay. Agad na kinuha niya ang isang bote ng alak at nagsalin sa baso bago umupo sa harap ng mesa sa loob ng library. Doon siya madalas tumatambay kapag may mga tinatapos siyang trabaho pagkatapos ng office hours. Hindi niya ugaling mag-overtime sa opisina dahil ang library sa bahay niya ang nagiging parang opisina niya kapag nando'n siya.Pabagsak na umupo siya at tinungga ang alak nang diretso habang binubuklat ang folder na kinuha sa drawer.Binasa niya uli ang nakasulat doon. Iyon ang kopya niya sa last will and testament ng amang namatay last year.Gusto niyang patawarin ito sa lahat ng mga kasalanan nito no'ng ito'y nabubuhay pa pero hindi niya makapa sa puso ang pagpapatawad na iyon. Saksi siya sa pasakit na pinagdaanan ng Mama niya hanggang sa namatay ito dahil sa matinding depre
Maaga siyang bumiyahe pauwi sa kanila. Hindi rin naman kasi siya nakatulog nang maayos. Hindi niya alam kung nakauwi na ang mga magulang niya o ando'n pa rin ang mga ito sa bahay ng Tita Ellen niya. Buong gabi yata niyang pilit isinasaulo ang paliwanag na gagawin sa mga ito pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari.Alangan namang sabihin niyang nakilala niya ang lalaki sa bar at may nangyari sa kanila nang gabi ring iyon?Bahala na...Nakatayo siya sa labas ng kahoy na tarangkahan nila at nagdadalawang-isip pa rin na pumasok. Mag-aalas diyes pa lang ng umaga nang dumating siya. Pumikit pa siya bago niya binuksan ang tarangkahan nila.Napatingin siya sa mga damit na nasa labas ng bahay nila.Mga gamit at damit niya ang mga iyon!Basta na lang nakakalat ang mga iyon sa lupa katabi ng isang malaking maleta na walang laman. Mas lalo siyang nabahala sa nakita. Alam niyang magagalit talaga ang mga magulang niya sa kanya kahit hindi pa
Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n
Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo
"Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag
Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti
Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang
Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan
Napapayuko siya sa babaeng abalang-abala sa pagpapaligaya sa galit na galit niyang alaga.Umaalalay ang dalawang kamay niya habang nagtaas-baba ang ulo nito dahil sa paglabas-pasok ng subo nito sa kahabaan niya."Ahhh! Suck it! Hmmmph! Ahhrghh!" Mariin ang pagkakakagat niya ng labi dahil sa mainit na bunganga nito na sumusubo sa tigas na tigas niyang sandata.Tumutulong din sa pagdiin-diin ang mga kamay niya sa ulo nito. Naroong sinasabunutan din niya ito kapag pakiramdam niya ay halos isubo na nito ang kabuuan ng ari niya Biglang umalis ito sa pagkakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Nanunuksong nilalamas nito ang malulusog nitong dibdib na walang suot na bra.Sexy masyado ang suot nito. Halatang walang bra ito nang dumating kanina dahil bumabakat ang tigas na tigas nitong nipples.Iyon ang nagugustuhan niya rito dati pa. Lagi siyang tinitigasan kapag nakakasama niya ito. Sadya yatang pinapakitaan siya ng motibo ng babae dahil alam nitong patay na patay siya rito.Hindi niya akalain
Ang lakas ng iyak ng sanggol. Ang tunog ng iyak nito ang nagpagising ng diwa niya. Pinipilit niyang ibuka ang mabibigat na mga talukap."The baby's alive!" Sigaw ng isang babae.Sa narinig ay nagkaro'n siya ng lakas na imulat ang mga mata kahit kalahati man lang. Kahit hindi man naibuka nang todo ang mga mata ay nakita niya naman ang isang babae na nakaputi na may hawak ng sanggol na umiiyak.Napangiti siya. Ang baby ko.... Naisip niya.Sinubukan niyang itaas ang isang kamay pero masyadong mabigat din pala iyon para igalaw.Dumako ang mga mata niya sa munting binti ng sanggol. Bago siya mawalan uli ng malay ay nakita niya kahit malabo, ang imahe ng kulay brown na nasa may talampakan ng baby.Napangiti siyang muli nang bumalik sa pagkakapikit. Biglang napadilat ang mga mata niya. Agad na bumalikwas siya ng bangon kahit nakayakap pa rin sa kanya si Sean.Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng asawa. Hubad na hubad pa rin ito pero dumiretso siya sa may talampakan nito.Iyon nga! Nakita
Sinundo siya ni Patrick sa harap ng isang convenience store. Ang sabi nito ay makikipagkita ang babaeng nanganak din sa St. Therese Clinic nang araw na dinala siya roon.Habang nakaupo sa kotse ng lalaki ay conscious na conscious naman siya habang inaayos ang panyo sa leeg niya.Gusto niyang mainis kay Sean pero napapangiti naman siya kapag naaalala ang sinabi nito.You're still mine...Parang kanina pa iyon paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya. Isang himala rin na kahit iniwan niya itong kasama ni Latonia ay wala man lang siyang nadamang pangamba.Siguradong-sigurado siya na hindi nito papatulan ang mga panunukso ng ex nito.Bunga lang ba talaga ng pagbubuntis niya ang mga kung ano-anong pagdududa meron siya sa asawa dati? Siguro rin ay dahil sa insecurities niya sa katawan niya no'ng mga panahong iyon kaya pakiramdam niya ay posibleng titingin sa iba si Sean.Dinagdagan pa ng panunulsol ng isang dummy account. Pagkapanganak niya ay nag-deactivate na siya ng account. Ayaw na n