Share

THE REBOUND BRIDE
THE REBOUND BRIDE
Author: Jewiljen

KABANATA 1

Author: Jewiljen
last update Huling Na-update: 2022-02-12 19:17:33

Natigilan siya nang tumigil ang traysikel na sinasakyan nila ng boyfriend niyang si Dino sa isang motel. Napapitlag pa siya nang hawakan nito ang braso niya para alalayan siyang bumaba ng sasakyan. Nahihiyang iniiwas niya ang tingin sa driver na alam niyang nag-iisip na nang hindi maganda sa kanilang dalawa ng boyfriend niya.

Walang imik na bumaba nga siya ng traysikel. Inabot ni Dino ang bayad sa matandang driver. Hinintay niya munang umalis ang sasakyan bago nagsalita.

"B-bakit na naman tayo nandito?" Malumanay na tanong niya sa lalaki.

Sa loob ng anim na taon nilang relasyon ay hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang inaya nito sa lugar na iyon na lagi niya namang tinatanggihan.

"Pagbigyan mo na ako, Yaz. Sa susunod na buwan na rin naman ang kasal natin, di ba?" Nakikiusap na sabi ni Dino.

"Kaya nga. Isang buwan na lang ang hihintayin natin para magawa natin ang gusto mo nang legal na. Nahintay mo nga ang anim na taon. Ano na lang iyang isang buwan?"

Hindi ito umimik. Nakita pa niya ang pagtatagis ng mga bagang nito na tumingin na sa ibang direksiyon.

"Lagi mo na lang ba akong ipapahiya nang ganito? Sa anim na taon na naging tayo, eh, parang wala ka pa ring tiwala sa akin." May halong tampo at galit ang tono ng boses ng lalaki.

May konting guilt siyang nararamdaman. Hindi nga naman madali ang pagtitimpi nito bilang isang lalaki. Lumaki siya sa napaka-conservative na mga magulang. Nadala niya ang pagiging conservative ng mga ito kaya't kahit mahal na mahal niya ang boyfriend ay hindi niya magawang isuko ang sarili sa lalaki.

"Din..." Hahawakan niya sana ang mukha ng boyfriend pero umiwas ito.

Pinara nito ang traysikel na dumaan.

"Hindi na kita maihahatid sa inyo at may pupuntahan lang ako." Kunot na kunot ang noo nito na hindi man lang tumingin sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Basta! Sige na. Sumakay ka na." Parang wala na nga ito sa mood.

Atubiling sumakay siya sa naghihintay na traysikel. Nahihiyang umupo nga siya sa harap. Tumingin siya uli kay Dino na pumara ng isa pang traysikel. Diretsong sumakay na ito at hindi na siya kinausap.

Sinabi niya kung saan siya bababa nang tanungin siya ng driver.

Hindi siya mapakali nang paandarin na ng driver ang sasakyan. Ang isip niya ay nananatili kay Dino. Muntik pa nga siyang bumaba kanina at pagbigyan ang lalaki. Tutal ay magiging asawa niya na nga naman ito sa susunod na buwan. Kung hindi pa ito sumakay agad ng ibang traysikel ay baka nga napagbigyan na niya ang nobyo.

Inaya rin siya nito no'ng nakaraang buwan at doon niya unang napansin ang pagbabago ng reaksiyon nito nang tanggihan niya. Dati kasi ay nauunawaan nito ang dahilan niya kung bakit ayaw niya munang may mangyari sa kanila.

Pangarap niya kasing ibigay ang sarili sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Iyon kasi ang itinatak ng ina sa utak niya mula pa pagkabata. Ang sabi nito ay ang dangal niya ang pinakamagandang maireregalo niya sa mapapangasawa niya.

Akala niya ay simpleng pamamasyal lang ang gagawin nila ni Dino nang ayain siya nito nang araw na iyon. Linggo kasi at wala siyang trabaho. Isa siyang office clerk sa isang maliit na kompanya. Hindi niya naman akalain na kukulitin na naman pala siya nito sa bagay na iyon.

Mabilis na nagbayad siya sa driver at bumaba agad nang tumigil sila sa tapat ng bahay nila. Wala ang mga magulang niya dahil lumuwas ng Maynila ang mga ito para pumunta sa bahay ng Tita Ellen niya na kapatid ng ama niya. Kadarating lang kasi ng asawa ng tita niya galing abroad kaya't may pagsasalong gaganapin sa bahay ng mga ito.

Hindi nga siya nakasabay dahil may lakad sila ni Dino. Isa pa ay hindi na siya gaano'ng napapasyal sa bahay ng mga ito mula nang nagkalamat ang relasyon nila ng pinsang si Carrie.

Nahuli kasi nito ang boyfriend nito dati na nilalandi siya nang palihim. Sinumbong na niya ito sa pinsan niya no'ng unang beses pa lang na sumubok na humarot si Troy sa kanya pero hindi siya pinaniwalaan ni Carrie.

Bagkus ay ito pa ang nagalit kaya't nagsimula nang nag-iba ang trato nito sa kanya hanggang sa ito na nga mismo ang nakahuli sa boyfriend nito. Nabasa nito ang mga mensaheng pinadala ng lalaki sa kanya na hindi niya naman sinasagot.

Imbes na kay Troy magalit ay siya ang kinumpronta ng pinsan niya at tinawag pa siyang malandi.

Doon siya nag-aral ng High School kaya't sa bahay ng Tita Ellen niya siya nakatira noon. Kaya nga no'ng magkolehiyo na siya ay napagdesisyunan niyang umuwi sa kanila para do'n na lang mag-aral. Ang tita niya pa rin naman ang tumutulong sa pag-aaral niya hanggang sa nakatapos siya.

Mula kasi nang maaksidente ang ama at hindi na pwedeng magtrabaho ay tumutulong na lang ito sa ina niya na nagtitinda sa palengke. Hindi kaya ng mga ito na suportahan ang pag-aaral nilang magkapatid kaya't ang Tita Ellen niya ang nag-alok ng tulong dahil nakakaalwan naman ito sa buhay.

Magmula nang umalis siya sa bahay ng mga ito ay mabibilang na lang ang mga panahong sumasama siya sa pamilya niya kapag bumibisita sa bahay ng Tita Ellen niya. Hindi pa rin kasi sila nag-uusap talaga ni Carrie hanggang ngayon.

Si Joshua naman, ang nakababata niyang kapatid ay sa Maynila nagtatrabaho ngayon. Sa Tita Ellen niya kasalukuyang tumutuloy ang kapatid. Malaki ang utang na loob nila sa tita nila at hindi niya naman iyon kinakalimutan.

Agad na dumiretso siya ng kwarto niya at nagkulong. Kinuha niya ang phone nang makaupo sa kama. Walang text galing kay Dino. Madalas kasi ay tumatawag ito o kaya'y nagti-text para siguraduhing nakauwi siya nang maayos kapag hindi siya naihahatid sa kanila.

Tinawagan niya ang nobyo pero puro ring lang ang naririnig niya. Limang beses niyang sinubukang tawagan ang lalaki pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.

Sa tingin niya ay labis talaga ang pagtatampo nito kaya't hinayaan niya na lang muna. Alam niyang maya-maya lang ay mawawala na rin ang tampo nito sa kanya. Hindi siya matitiis ng nobyo.

Pabuntunghiningang itinabi niya na lang din muna ang phone. Napatingin siya sa harap. Bigla ay napangiti siya nang makita ang naka-hanger na damit pangkasal. Tumayo siya at nilapitan iyon.

Simple lang ang tabas ng damit. Kasama niya si Dino nang ipasukat ang damit na iyon. Puting-puti ang damit na susuotin niya sa kasal nila sa susunod na buwan. Tiyak niyang taas-noong maglalakad siya sa aisle ng simbahan habang suot ang damit na iyon dahil alam nilang pareho na bagay na bagay sa kanya ang puting traje de boda.

Ikakasal siya na isa pa ring birhen.

Hindi siya kailanman nagpadala sa tukso. Tanging halik lang ang hinayaan niyang mamagitan sa kanila ng lalaki. Kapag nagsisimula na kasing maglikot ang mga kamay nito ay pinipigilan niya kaagad. Mahirap na at baka makalimot silang pareho.

Maingat na hinaplos niya ang damit. Hindi pa niya nakita ang sariling suot iyon. Mahigpit kasi siyang pinagbabawalan ng ina niya.

Paano niya pala malalaman na kasya ang damit kung hindi niya susukatin? Saka na lang ba nila puproblemahin iyon sa araw ng kasal mismo?

Parang may nag-udyok sa kanya nang dahan-dahan niyang tanggalin ang damit sa pagkakasabit sa hanger. Maingat na inilagay niya ang damit sa ibabaw ng kama habang hindi inaalis ang tingin doon.

Hinubad niya ang mga suot at iniwan lang ang panloob. Hindi niya mapigilan ang matinding excitement nang isuot ang damit pangkasal. Tama nga lang pala talaga ang sukat no'n sa kanya.

Agad na lumapit siya sa malaking salamin sa kabinet at tiningnan ang sarili. Napangiti siya. Bagay na bagay nga sa kanya ang damit. Kahit wala siyang suot na makeup ay magandang-maganda siya sa suot niyang iyon.

Hindi kasi nakakasawang tingnan ang ganda niya. Mahaba ang tuwid niyang buhok at morena ang kutis niya. Si Dino ay kabaliktaran ng kulay niya. Ang nobyo niya ang heartthrob ng school nila dati. Magkaklase sila no'ng elementary at naging sila nang mag-College na.

"Yazmin! Umakyat na ako. Kanina pa kasi kita hini-"

Natigilan ang kararating lang na si Mhariel nang buksan ang pinto ng kwarto niya.

"Hala! Bakit mo suot ang damit pangkasal mo?" Nagulat na tanong nito nang makitang suot niya ang traje de boda niya.

Si Mhariel ay kababata niya at kaklase rin no'ng elementary. Hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral dahil napabarkada. Sa ngayon ay tumutulong-tulong na lang ito sa pagbabantay sa tindahan ng mga magulang.

"Maganda ba?" Nakangiting tanong niya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Alam niya kasing hindi rin naman ito naniniwala sa mga pamahiin.

Nawala na ang pagkabigla sa mukha ng kaibigan at lumapit sa kanya habang sinusuri ang suot niya.

"Bakit naman balot na balot ang bridal gown mo? Sana magpakita ka man lang ng balat kahit iyong balikat lang. Kung ako ang ikakasal, magsusuot talaga ako ng sexy na gown." Lumayo na ito sa kanya at walang anumang humiga sa kama niya.

Feel at home ito lagi sa kanila dahil madalas itong ando'n sa bahay nila. May ibang mga barkada pa rin ito at likas talagang pilya. Nakasanayan na ng pamilya niya ang ugali ng kaibigan niyang ito.

Sinipat niya uli ang sarili sa salamin.

"Okay lang. Nagustuhan din naman ito ni Dino no'ng tingnan niya ang design."

"Hmm... Alalahanin mong habulin ng mga babae si Dino. Baka naman mas magiging losyang ka pa kapag kasal na kayo?" Parang walang ano man ang boses ni Mhariel habang prenteng nakahiga pa rin sa kama niya.

Nakita niyang lumilis pa ang maikling skirt na suot nito sa ayos nitong iyon. Naka-hanging blouse rin ang babae at mas lalong na-expose ang makinis na tiyan nito na may hikaw sa pusod.

Hindi niya rin alam kung paanong naging malapit sila sa isa't-isa gayong magkaiba sila sa lahat ng bagay. Maganda rin ang kaibigan niya kaya't ligawin. Nakakailang palit na rin ito ng boyfriends.

Biglang tumunog ang phone ng babae nang magsasalita na sana siya. Nakita niya ang pangingislap ng mga mata nito nang tingnan ang screen ng phone. Excited na bumangon ito at nakaupo na lang sa kama niya.

"Hi! Napatawag ka? Akala ko magkasama kayo? Ahm, okay. Wala naman akong ginagawa. Bakit? Nasaan ka ba? Sige pupunta na ako riyan." Hindi maikakaila ang excitement nito habang kausap ang nasa kabilang linya.

"Alis muna ako, Yaz." Agad na paalam nito sa kanya.

Pumunta pa ito sa drawer niya at nakialam sa makeup niya roon at naglagay ng lipstick. Sinuklay pa ng kaibigan ang kulot nitong buhok.

"Bagong boyfriend uli?" Nanunuksong tanong niya habang inoobserbahan ang kaibigan.

Pamisteryosong ngumiti lang ito.

"Kailan mo naman ipapakilala?" Dagdag tanong pa niya bago lumabas ng kwarto ang babae.

Lumingon ito sa kanya.

"Kapag napikot ko na!" Humagikgik pa ito nang sagutin siya saka nagmamadali nang lumabas ng kwarto niya.

Napapailing na lang siya habang napapangiti na rin. Kabi-break lang kasi nito sa dalawang buwang boyfriend nito at wala pang isang linggo ay may bago na naman.

Umupo siya sa kama habang suot pa rin ang pangkasal saka kinuha ang phone. Sinubukan niya uling tawagan ang nobyo pero busy ang phone ng lalaki.

Napakunot-noo siya. Kausap siguro nito ang boss nito.

Isa itong engineer sa isang malaking kompanya. Kakasimula pa lang nito kaya't hindi pa talaga nito nabili ang mga gusto nitong bilhin gaya ng kotse. Mas inuna kasi nilang pag-ipunan ang kasal nila. Malaki ang ambisyon ng nobyo niya.

Malungkot na ibinaba niya ang phone nang busy pa rin ang linya ng nobyo.

Nagi-guilty siya at tinanggihan niya uli ito. Baka konting-konti na lang at pagbibigyan na niya ang lalaki sa kahilingan nito.

Tutal magiging Mrs. Yazmin Ibarra na siya sa susunod na buwan. Ayaw niyang may tampuhan sila bago ang kasal nila.

Ano naman kung ibibigay niya ng advanced ang regalo niya rito bilang bride nito?

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Dolores Rogelio Sanchez
maganda...
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Hay Naku Yazmin kung mahal ka ni Dino talaga makakapaghintay sya dahil Isang Buwan nlang nman at ikakasal na kyo..Kaso parang may iba syang balak at nagmamadali syang makuha ka agad Yazmin.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Jewiljen
anong code po?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 2

    Hindi siya mapakali kinagabihan dahil hindi pa rin sinasagot ni Dino ang mga tawag at text niya. Sa katunayan ay mukhang pinatay pa nga nito ang phone dahil hindi na niya ito makontak.Mag-aalas nuebe na ng gabi at siya pa ring mag-isa sa bahay dahil ang mga magulang nila ay siguradong nasa biyahe pa pauwi galing ng Maynila. Malapit ang mga ito sa Tita Ellen niya dahil ito ang tumulong sa kanila no'ng mga panahong biglang nawalan ng trabaho ang ama. Ang tita niya ang nagpaaral sa kanilang magkakapatid kaya't malaki ang utang na loob nila rito. Mas lalo pa ngayon na sa mga ito tumutuloy ang kapatid niyang si Joshua.Nasusunod ang luho ng kapatid niya kahit hindi sila mayaman dahil mahal na mahal ito ng mga magulang niya. Hindi iilang beses niyang napagsasabihan ang kapatid niya na iyon dahil umaabuso na ito kadalasan.Mas lalo siyang hindi matahimik dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Kanina pa niya matamang pinag-iisipan ang napagdesisyunan niya nang gabing iyon. Bumangon siya ga

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 3

    Hindi nangyari ang pag-uusap sana nila ni Dino dahil nag-file agad siya ng leave sa trabaho ng tatlong araw. Mabuti nga at na-approve agad iyon kaya't lumuwas na lang siya bigla ng Maynila.Ang paalam niya sa mga magulang ay may seminar siyang dadaluhan sa Maynila nang biglaan kaya't hindi na nagtanong ang mga ito nang magpaalam siya. Si Dino naman ay panay pa rin ang tawag sa kanya pero hindi niya sinasagot.Hindi siya agad nito mapupuntahan dahil nga nasa trabaho ito. Sinamantala niya naman iyon dahil ayaw niyang makaharap pa ang lalaki.Si Sheena ang pinuntahan niya sa Maynila. Kaklase niya at kaibigan ito mula pa elementarya. Nagkahiwalay lang sila nang makapagtrabaho ito sa Maynila no'ng nakaraang taon lang. Matagal na siyang inaaya ng kaibigan na lumuwas ng Maynila para maipasyal siya at maigala sa gabi. Sa katunayan ay kinulit na naman siya nito no'ng isang linggo lang na bisitahin ito sa Maynila para maranasan niya naman daw ang magka-night life kahit isang beses lang bago si

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 4

    Hapon pa lang kinabukasan ay abala na si Sheena sa pag-aayos sa kanya. Pagkatapos niyang maligong muli ay pinatuyo nito ang buhok niya gamit ang blower. Inayos nito ang buhok niya at hinayaang nakalugay lang iyon. May inilagay itong kulay na tinanggihan niya kaso ang sabi ay mawawala rin naman daw iyon. Kailangan daw kasi na palitan muna nila ang kulay ng itim niyang buhok para maiba naman.Hindi na siya umimik at hinayaan na lang ang kaibigan sa ginagawa. Nilagyan siya nito ng kolorete sa mukha. Kakapalan daw nito konti para huwag mabura agad. Pumayag na lang din siya. Nasiyahan naman siya sa pagmi-makeup nito sa kanya kahit makapal nga iyon. Nagmukha tuloy siyang ibang tao nang matitigan ang sarili sa salamin.Bandang alas singko ng hapon siya natapos ayusan ni Sheena. Pinasuot na nito sa kanya ang damit na susuotin niya mamaya. Tama nga siya. Masyadong maikli at daring ang damit na iyon. Kitang-kita ang cleavage niya. Gusto niya tuloy magsuot ng blazer para matakpan iyon."Ano ka b

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 5

    "Sean!" Narinig pa niya ang malakas na tawag ni Miguel sa lalaking kararating lang. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha.Simple lang ang suot ng lalaki. Nakasuot ito ng white polo shirt at naka-maong na pantalon. Kahit nakatalikod ito at wala namang kakaiba sa damit nito ay malakas na agad ang dating ng lalaki. Narinig niyang binanggit ng mga lalaki kanina ang pangalan nito.Siya na ba iyong ka-blind date niya? Blind date pa nga bang matatawag iyon?Hindi man lang niya naalalang itanong kay Sheena ang pangalan ng lalaking ka-date niya sa gabing iyon. Mas lalong naging maingay sa bandang iyon habang binabati ang lalaki na tinatawag ng mga ito na "Sean". Sa tingin niya ay magkakabarkada ang mga ito.Curious na curious na siyang makita ang mukha ng lalaki at akmang haharap na sana ito sa gawi niya nang biglang naharangan iyon ng isang babaeng lumapit sa grupo. Mas lalong hindi na niya makita ang mukha nito nang sumunod pa ang dalawang babae sa paglapit sa kinatatay

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 6

    Mabilis na ibinaba niya ang baso sa bar counter at saka tumayo para magpaalam na sana nang bigla siyang napaupo uli.Bigla yata siyang nakadama ng pagkahilo sa pagtayo niyang iyon. Agad na inalalayan siya nito na makaupo nang maayos."Are you okay?" Nawala na ang ngiti nito nang itanong iyon.Ipinilig niya ang ulo. Bumuti-buti na uli ang pakiramdam niya pero parang may kakaiba siyang nararamdaman. Bumuntunghininga siya uli."I-I'm fine.""Give me a glass of water." Utos nito sa bartender saka ibinigay sa kanya ang baso ng tubig para ipainom.Agad na tinanggap niya iyon at inubos lahat. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya."Naparami ka na ba agad ng inom?" Worried na tanong nito."H-hindi pa naman." Baka epekto lang iyon nang pagpapalipas niya ng gutom, naisip niya.Magpapaalam na sana siya rito nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang si Mhariel uli ang tumatawag. Inis na kinansel niya ang tawag pero parang ayaw nitong tumigil."Who's that? A jealo

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 7

    Lumapit ito at kinuha ang kamay niya habang nakatayo sa harap niya."Please undress me." Nakakakilabot ang boses nito habang sinasabi iyon.Dama niya ang pagtindig ng mga balahibo sa katawan at dumako na rin ang mga mata niya sa bumubukol na parte sa gitna ng mga hita ng lalaki. Wala sa sariling hinawakan niya iyon at dinama na para bang may sariling isip ang kamay niya." Ahhh, shittt..." Mahinang ungol nito habang napapatingala pa.Nagkalakas loob naman siya dahil sa reaksiyon nito. Dalawang kamay na niya ang dumadama sa bahaging iyon. Parang nanginginig pa ang mga kamay niya nang tanggalin ang pagkakabutones ng slacks na suot nito.Napatingin siya rito nang ibababa na niya ang zipper. Nagkatitigan sila at kitang-kita ang pag-aalab sa mga mata nila. Nang tuluyang bumagsak ang pantalon nito sa sahig ay bigla siya nitong pinahiga sa kama habang nakadagan sa kanya."I want to take our time, babe, but let's try it some other time because right now, I just want to devour your body," mar

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 8

    Mabilis na bumaba siya ng taxi nang makabayad na. Malalaki ang mga hakbang niya papasok sa condo building. Pagkalabas ng elevator ay halos takbuhin niya ang condo unit ni Sheena. Bigla rin namang natigilan nang may mga lalaking papalabas ng unit nito at bitbit ang iba't-ibang gamit ni Sheena palabas ng condo.Napatingin siya sa matandang lalaki na nag-uutos sa mga may karga ng mga appliances ng babae. Naalala niya ang mukha nito. Ito ang mayamang boyfriend ni Sheena. Ipinakita kasi nito ang mga pictures sa kanya.Naglakas-loob na siyang lumapit dito."S-si Sheena ho?"Napatingin agad ito sa kanya."Maniningil ka rin ba ng utang sa babaeng iyon? Huwag ka nang umasa dahil lumayas na ang walanghiyang babaeng iyon!" Ibinaling na uli nito ang tingin sa mga kargador pagkasabi no'n."K-kaibigan ho ako ni Sheena."Dati. Kaibigan dati. Gusto niya sanang idugtong.Marahas na huminga ang matanda saka hinarap uli siya."Gaya nang sabi ko, lumayas na ang haliparot na iyon. Aba! Nag-iwan pa ng mala

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 9

    Inubos niya ang lakas para maitulak ang lalaki. Nagpatulak naman ito sa kanya bago pa lumalim ang paraan ng pagkakahalik nito sa mga labi niya."How dare you!" Isang malakas na sampal ang isinagot niya sa kapangahasan nito.Hindi man lang ito natinag sa sampal niyang iyon. Imbes ay parang nanunukso pa ang titig na ibinigay nito sa kanya."You sang a different tune that night. Have you forgotten already how compatible we were in bed?"Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito kahit nagsimula na ring uminit ang mukha niya."That was a mistake!"He chuckled na para bang nakakatawa ang sinabi niya. Hindi na siya nagsalita pang muli at mabilis na binuksan niya ang pinto ng kotse nito para makalabas. Mabuti na lang at hinayaan na siya ng lalaki.Nagmamadaling bumalik siya sa bahay ng Tita niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ni Carrie sa biglang paghila sa kanya ng fiance nito. Mabuti na rin at nasa loob ang lahat ng mga bisita at walang ibang tao sa labas nang basta na lang siyang hilain

    Huling Na-update : 2022-05-26

Pinakabagong kabanata

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 104 OUR KIND OF HAPPINESS

    Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 103 HOME SWEET HOME

    Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 102 THE SHOCKING TRUTH

    "Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 101 A BABY

    Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 100 MINDA'S POV

    Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 99 LATONIA'S POV

    Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 98 PATRICK'S POV

    Napapayuko siya sa babaeng abalang-abala sa pagpapaligaya sa galit na galit niyang alaga.Umaalalay ang dalawang kamay niya habang nagtaas-baba ang ulo nito dahil sa paglabas-pasok ng subo nito sa kahabaan niya."Ahhh! Suck it! Hmmmph! Ahhrghh!" Mariin ang pagkakakagat niya ng labi dahil sa mainit na bunganga nito na sumusubo sa tigas na tigas niyang sandata.Tumutulong din sa pagdiin-diin ang mga kamay niya sa ulo nito. Naroong sinasabunutan din niya ito kapag pakiramdam niya ay halos isubo na nito ang kabuuan ng ari niya Biglang umalis ito sa pagkakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Nanunuksong nilalamas nito ang malulusog nitong dibdib na walang suot na bra.Sexy masyado ang suot nito. Halatang walang bra ito nang dumating kanina dahil bumabakat ang tigas na tigas nitong nipples.Iyon ang nagugustuhan niya rito dati pa. Lagi siyang tinitigasan kapag nakakasama niya ito. Sadya yatang pinapakitaan siya ng motibo ng babae dahil alam nitong patay na patay siya rito.Hindi niya akalain

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 97 A DREAM AND A MEMORY

    Ang lakas ng iyak ng sanggol. Ang tunog ng iyak nito ang nagpagising ng diwa niya. Pinipilit niyang ibuka ang mabibigat na mga talukap."The baby's alive!" Sigaw ng isang babae.Sa narinig ay nagkaro'n siya ng lakas na imulat ang mga mata kahit kalahati man lang. Kahit hindi man naibuka nang todo ang mga mata ay nakita niya naman ang isang babae na nakaputi na may hawak ng sanggol na umiiyak.Napangiti siya. Ang baby ko.... Naisip niya.Sinubukan niyang itaas ang isang kamay pero masyadong mabigat din pala iyon para igalaw.Dumako ang mga mata niya sa munting binti ng sanggol. Bago siya mawalan uli ng malay ay nakita niya kahit malabo, ang imahe ng kulay brown na nasa may talampakan ng baby.Napangiti siyang muli nang bumalik sa pagkakapikit. Biglang napadilat ang mga mata niya. Agad na bumalikwas siya ng bangon kahit nakayakap pa rin sa kanya si Sean.Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng asawa. Hubad na hubad pa rin ito pero dumiretso siya sa may talampakan nito.Iyon nga! Nakita

  • THE REBOUND BRIDEĀ Ā Ā KABANATA 96 THE WITNESS

    Sinundo siya ni Patrick sa harap ng isang convenience store. Ang sabi nito ay makikipagkita ang babaeng nanganak din sa St. Therese Clinic nang araw na dinala siya roon.Habang nakaupo sa kotse ng lalaki ay conscious na conscious naman siya habang inaayos ang panyo sa leeg niya.Gusto niyang mainis kay Sean pero napapangiti naman siya kapag naaalala ang sinabi nito.You're still mine...Parang kanina pa iyon paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya. Isang himala rin na kahit iniwan niya itong kasama ni Latonia ay wala man lang siyang nadamang pangamba.Siguradong-sigurado siya na hindi nito papatulan ang mga panunukso ng ex nito.Bunga lang ba talaga ng pagbubuntis niya ang mga kung ano-anong pagdududa meron siya sa asawa dati? Siguro rin ay dahil sa insecurities niya sa katawan niya no'ng mga panahong iyon kaya pakiramdam niya ay posibleng titingin sa iba si Sean.Dinagdagan pa ng panunulsol ng isang dummy account. Pagkapanganak niya ay nag-deactivate na siya ng account. Ayaw na n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status