SAMUELLE LUNA
Halos naghalo na ang sipon at luha ko sa sobrang galit sa bwesit na Rhenz na iyon.
Kakaumpisa ko lang sa trabaho, tinanggal na agad ako.
"Ano ba ang ginawa mo?" tanong naman ni Louise sa akin.
"Wala nga! Bwesit na engkanto na iyon!"
Panay naman ang tawa ni Louise.
"Mabait si Sir Rhenz ah," aniya ni Louise.
"Mabait? Mabait ba iyong sinabihan kang "Your fired!", ang gago niya!"
"Kakausapin ko si Sir Rhenz, okay? Kapag hindi ka niya tanggapin ulit sa-."
"Huwag na! Maghahanap na lang ako ng ibang part time job!"
"Sammy naman eh. Mahirap kaya maghanap ng part time job."
"Walang mahirap sa taong masipag, Louise!" Singhal ko naman.
Hindi ko sinabi kay Louise kung ano ang huling pag-uusap namin ni Rhenz.
Ang gago talaga! Patanong-tanong pa kung nagtitinda pa ako ng bra at panty!
"Tapos doon mo ako patrabahuhin sa kompanya ng h*******k na iyon!" inis na saad ko naman sa kaibigan ko.
"Malay ko ba na dati na kayong magkakilala," nakasimangot na sagot naman niya.
"Humanda talaga siya!" galit na saad ko.
"Samuelle! Samuelle!" nagsisigaw na saad ni mamang.
"Mang?!" napatayo naman ako at sinalubong si mamang.
"Jusko, anak! Ipapademolish na daw ito ang apartment natin!"
"Ano ho?! Bakit? Alam ba ito ni Aling Tinay?!" natatarantang tanong ko naman.
"P-Pumayag siya na ipa-demolish ito," umiiyak na saad ni Nanay.
Niyakap naman ako ni Louise.
"Doon muna kayo sa bahay, besti."
Napahilamos naman ako sa mukha.
Isa pa itong landlady! Ni hindi man lang kami hinintay maghanap ng malilipatan o sinabi man lang niya sa amin.
"Kausapin ko muna si Aling Tinay, mang. Bakit padalos-dalos naman siya. Nagbabayad naman tayo ng tama ah!"
Hirap talaga kapag mahirap ka. Ang tingin sa'yo parang basura.
Lumabas muna ako at pinuntahan si Aling Tinay.
"Aling Tinay?"
"Oh, Samuelle."
"Bakit naman po ganoon. Sana sinabi niyo muna na ipa-demolish niyo ang apartment namin," masama ang loob na saad ko rito.
"Minamadali kasi ng bagong may-ari. Pasensiya na kayo, Samuelle. Kailangan ko rin ng pera."
"Mali pa rin po kayo. Sana sinabi niyo muna sa amin!" saad ko at tumalikod na.
Pagdating ko sa bahay, pinagayak ko ang lahat ang mga gamit namin kay mamang at Kay Louise.
"Saan ka pupunta?" tanong ni mamang.
"Maghahanap lang po ako ng bagong apartment natin," sagot ko naman at umalis na.
Halos nanghihina ako sa presyo buwan-buwan ng mga apartment.
"Ito Five thousand five hundred. Dalawa ang kuwarto, hindi lang kalakihan. May banyo, at kusina. Ang tubig naman, one thousand ang buwan. Ang kuryente niyo, depende sa appliances na ginagamit niyo. Total, may sariling kuntador naman ito," saad ng landlady.
Medyo may kamahalan pero mas maganda ito sa aalisan naming apartment.
"Kunin ko na ho. Mamaya, lilipat na kami," saad ko naman.
"Sige, puwede ka na mag-advance payment."
Agad ko naman ito binigyan ng sampung libo.
"Next month ho, magbabayad ulit ako."
Tumango naman ang landlady.
Lumuwag naman ang pakiramdam ko. Atleast, hindi kami matutulog ni mamang sa kalsada.
Umuwi din agad ako at tumulong sa pag-impake. Nag-arkila muna ako ng sasakyan para ikarga ang aming appliances.
"Keri lang pala, bestie. Hindi naman pala malayo ang titirhan niyo sa bahay namin," saad ni Louise.
Okay lang din ang bagong tirahan namin at malapit lang sa terminal ng mga traysikel.
"Uwi na ako bestie. Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Oo nga pala bestie, may pera naman ako, kung need mo, sabihin mo lang sa akin."
"Salamat, bestie."
Balik ulit sa dati ang buhay namin ni mamang. Nagtitinda ulit ito ng kakanin at ako naman, tuwing day off ko, tumutulong na lang ako sa paglalako.
"Mang, pasensiya ka na. Dapat nabigyan na kita ng magandang buhay. Pero ang malas ko talaga," mangiyak-ngiyak na saad ko naman.
"Ano ka ba. Masaya na ako na magkasama tayo at nakaraos sa araw-araw. Basta huwag lang tayo magkasakit, okay na sa akin."
Niyakap ko naman ito. "Salamat, mang."
Minsan, kapag marami ang nagawang kakanin ni mamang, dinadala ko sa hospital at binibinta sa kapwa nurse ko.
"Bakit palagi kaya pumupunta si Sir Rhenz dito?" aniya ng kasamahan kong nurse.
"Huwag ka na magtaka, 'di ba kaibigan niya si Doc.Garret at Doc.Ginto," saad naman ng isa.
"Hay, napakaguwapo talaga nila. Halos lahat silang magbarkada mga professional. Mga Doctor, businessman at lawyer."
Napataas naman ang kilay ko.
"Si Sir Rhenz, celebrity siya at syempre kilalang negosyante," aniya ng isa pang nurse na kapalitan ko kay Doc.Garret.
Hindi na ako nagsasalita dahil wala naman akong alam sa buhay ng impaktong iyon.
'Girls, puntahan ko muna si Doc.Garret. Ihatid ko lang itong record ng pasyente niya kahapon," saad ko naman sa kanila.
"Sige, Sammy."
Pagdating ko sa clinic ni Doc, naabutan ko ang mga kaibigan niya at syempre nandiyan din ang bwesit na Rhenz.
"Good afternoon, Doc. Ito na iyong hinihingi mo na record ng pasyente mo sa room 45," mahinang saad ko naman.
"Salamat, Sammy," nakangiting saad ni Doc.
"Hi, Sammy," nakangiting bati naman ni Doc.Ginto.
"Hello po, Doc."
Halos kilala naman ako ng mga kaibigan nila Doc Ginto at Doc.Garret dahil lagi ko sila nakikita na kasama ni Jenny, ang kasintahan ni Doc.Garret.
"Rhenz, may bagong labas na balita sa dyaryo, at ikaw na naman ang topic," aniya si Sir Bry.
Crush ko talaga si Sir Bry. Ang guwapo niya sobra. Tapos blue eyes pa. Basta ang guwapo niya at medyo bad boy ang dating.
"Nevermind, bro. Magsasawa rin ang mga iyon" sagot naman ng impakto.
Pasimple naman akong tumingin rito at binawi rin agad dahil nakatingin din pala ito sa akin.
"Doc.Garret, sa labas muna ako. Tawagin niyo na lang ako kapag may i-utos kayo," saad ko naman.
Habang abala naman ako sa computer ko, hindi ko napansin nasa harapan ko na pala si Rhenz.
"Seems you like my friend," aniya na titig ito sa akin.
Binaba ko naman ng konti ang aking salamin.
"So?" mataray na sagot ko naman.
Nakangisi naman ito.
"Huwag mo ako subukan, Samuelle Luna."
Ngali-ngaling batuhin ng ballpen ang mayabang na ito.
"Umalis ka sa harapan ko! Galit ako sa'yo!"
Hindi naman ito umimik.
Inirapan ko naman ito na nakatitig pa rin ito sa akin.
"Puwede ba Mr.Bright, umalis ka sa harapan ko. Nakakaistorbo kanm na," mahinang saad ko naman dahil ayoko rin gumawa ng eksena.
"Come with me," aniya.
Napatitig naman ako. Ngayon ko lang napansin ang kulay abo niyang mga mata.
"Anong come with me?!"
"In tagalog, sumama ka sa akin," aniya.
Galit ko naman itong tiningnan.
"Alam ko! Ang ibig kong sabihin, bakit ako sasama sa'yo!" Singhal ko rito.
Nagulat pa ako dahil hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila patayo.
"Sasama ka sa akin? O gagawa tayo ng eksena dito at pati ikaw maibalita sa tv at dyaryo,"nakangising saad ni Rhenz.
"A-Ayoko nga sumama sa'yo!"
"Isa," aniya na nagbibilang na ito.
"Tumigil ka! Hindi ka ba tinuturuan ng nanay mo ng paggalang sa mas nakakatanda sa'yo!" Sigaw ko rito.
May mga tao na rin na nakatingin sa amin.
Mahina naman itong napatawa.
"Kahit matanda ka pa, I already marked you. The first we met, and kissed you. Namarkahan na kita, Samuelle. Kaya, you're my property."
"Ano ba, Rhenz!" Basta lang niya ako hinila palabas at pilit pinapasakay sa loob ng sasakyan. Nakakunot naman ang noo niya sa akin. "Pinagtitinginan na tayo. Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" nairitang saad niya. Nginisahan ko naman ito. Pasimple akong tumingin sa paligid. May kumukuha sa amin ng litrato. "Maawa po kayo! Ayoko po sumama sa inyo!" saad ko naman at kuwaring natatakot. Tingnan ko lang kung hindi masisira ang career niya. "Are you kidding me?!" gigil ba saad niya. "Huwag po! Tulong! Tulungan niyo po ako!" nagsisigaw na saad ko at nagpupumiglas. "Damn, Samuelle!" Napatingin ako sa guwardiya na humagangos palapit sa amin. "May problema ba, Nurse Samuelle?" tanong ng guwardiya. Of course, kilala ako dito sa hospital. Akala ng h*******k na ito kakampihan siya ng guwardiya. "Guard, tumawag kayo Ng pulis! Ang manyakis na ito pilit ako pinapasakay sa sasakyan niya!" Nanlalaki naman ang mga mata ng guwardiya. "Eh..Nurse Samuelle….b-baka gusto ka lang kausapin ni Sir
SAMUELLE FIVE million.Hindi ko na kailangan mag-isip ng matagal. After six months, malaya naman ako. Basta ang five million na iyon, gagamitin ko sa pagbili ng bahay at lupa. At Ang sobra, ilalagay ko sa bangko "ANO?!"Gulat na sigaw sa akin ni Louise.Ayoko na mag-inarte pa. Limang milyon, Louise. Mababayaran ko na pati ang lahat ng mga utang ko."Ay, Gaga ka talaga! Naniniwala ka naman kay Sir Rhenz na hindi niya tapyasin ang tinggil mo!" irap na saad ng kaibigan ko."Ang bastos mo talaga, Luisita!" inis na hinampas ko ito sa braso."Hindi ka na bata, Sammy. Ang mga lalaki, may pangangailangan din. Kapag inabutan ng libog si Sir Rhenz, kawawa ang hopia mo!""Nag-usap na kami. No body contact. Magpakasal lang kami, hanggang six months lang kami magsasama. Magpapakasal lang kami dahil iyon ang last will testament ng mommy niya para makuha ang kanyang mana.""Ay, basta ako, hindi talaga ako maniniwala na hindi ka niya gagalawin! Si Sir Rhenz pa!"Napairap naman ako.Subukan lang ng
SAMUELLE"SANA NGA tama ang desisyon mo, Samuelle," aniya ni mamang.Nakabili na ako ng bahay at lupa sa isang subdivision at nakalipat na rin kami ni mamang."Mang, matanda na ako. Anim na buwan lang at babalik na ulit ako sa dating buhay ko.""Dignidad mo ang nakataya dito. Hindi ka namin pinagtapos-.""Ayoko na pagtalunan natin ito, mang," saad ko naman."Sana nga anak ayos ka lang pagkatapos ng kontrata mo diyan kay Mr Bright," aniya ni mamang at tumalikod na ito.Napahilamos naman ako sa aking mukha.Magulo at maingay ngayon sa social media at telebisyon, dahil sa pagbunyag ni Rhenz sa kasal namin. Kahit sa hospital, may nakaabang na reporter sa akin.Nailipat na rin ang ibang gamit ko sa bahay ni Rhenz.Kumuha na rin ako ng makakasama ni mamang habang wala ako. Pero nangako naman ako kay mamang na bibisitahin ko ito palagi."Mrs.Bright!"Napatingin naman ako sa mga reporter na nakapalibot sa akin."Anong masasabi mo na kalat ngayon ang sex video ng asawa mo na si Rhenz at ang mo
SAMUELLEAraw-araw, mukha ni Rhenz ang laging laman sa news. May nagrereklamo na inagaw daw ni Rhenz ang asawa niya."Good morning po," bati ko sa mga katulong. Mag-isang linggo na ako rito sa mansion ni Rhenz. Alam ng mga katulong na hindi kami magkasama sa iisang silid ng kanilang amo."Good morning, Ma'am Sammy.""Si Sir Rhenz niyo?" Tanong ko naman.Bago ako papasok sa trabaho, kumakain muna ako ng almusal."Bababa na po, Ma'am."Hinintay ko muna si Rhenz kumain."Good morning."Napatingin naman ako sa napakaguwapong impakto nasa harapan ko. Nakasuot ito ng office attire."Aling Vicky, black coffee please," aniya na hindi man lang tumitingin sa akin.Tumikhim naman ako."Kahapon may lalaking lumapit SA akin, inagaw mo raw ang asawa niya," diin na saad ko rito.Napatingin naman ito sa akin."Ginagawan lang ako ng issues," aniya."Issues? May mga videos nga di ba!""I don't wanna fight, Samuelle. Sa harap tayo ng pagkain. At isa pa, you're just a paid wife!" Napatahimik naman ako b
RHENZ"ALAM mo bakulaw, sagad na sagad na talaga ako sa'yo!" Bulyaw sa akin ni Jenny."Kasalanan mo kaya! Kung hindi ka ba naman pakialamera!" Naiiritang sagot ko.Naglalakad kami pauwi at nasiraan kami ng sasakyan. Nakipagkita kasi kaming dalawa sa ka-transaction namin sa negosyo. Dapat si Dos ang kasama ko, kaso nasa bakasyon ito kasama ang mag-ina niya. So, si Jenny Rivas ang pumunta para samahan ako." Gago ang kabit na ito! Sobrang yaman mo, hindi makabili ng sasakyan!""Damn! Ang ingay mo. Baka Mamaya may mga NPA dito at babarilin tayo!"Mabuti kung nasa highway na kami, nasa liblib pa kami ng lugar."S-Shit, aso ba yan?!" Tanong ko kay Jenny at agad ako pumunta sa likuran niya."Saglit, itatanong ko," aniya na nakangisi. " Aw, aw!" Aniya na tumahol pa ito.Jesus! Baliw talaga ang babaeng ito!" Aw, aw, aw!!!" Sagot naman ng aso."Aso nga!" Natatawang saad sa akin ni Jenny."Shit! Baliw!" Inis na inirapan ko ito.Lahat na kabaliwan nasa kanya na yata. Puro bilib talaga ako kay G
RHENZ"MRS.KO, galit ka?"Naniningkit naman ang mga mata ni Sammy na nakatingin sa akin."Nakakahiya ang ginawa mo SA hospital!" Aniya."Bakit kinakahiya mo na ako, Samuelle? So, kapag si Bry, ipagyabang mo na crush mo ang gagong iyon!"" My God, Rhenz. Huwag kang isip bata!"Kararating lang namin sa bahay. Nawala na rin sa isip ko na may meeting pa ako. Panay naman ang tawag ng sekretarya ko."Aalis muna ako saglit. Pero dito ako kakain ng hapunan," saad ko kay Samuelle.Nakakunot naman ang noo niya."Sa opisina ako pupunta," agad na turan ko. Baka iniisip niya sa babae ko na naman ako pupunta."Wala naman ako pakialam kung doon ka pupunta sa mga babae mo!" "Wala na akong babae. Haist, bakit ba ganyan ang iniisip niyo sa akin?" Naiiritang sabi ko." Nagtaka ka pa!" Mataray na sagot niya at tinalikuran ako.Suplada!Tinawagan ko na lang si Louise ang aking secretary na hindi na muna ako maka-attend ng meeting."Oh, akala ko ba aalis ka," bungad na sabi sa akin ni Samuelle.Naabutan k
RHENZ"LOUISE?!""SIRRR….!" Tarantang tumakbo naman ito palapit sa akin."May board meeting ako mamayang hapon, right?! Bakit hindi pa nakahanda ang mga reports paper?!""Ehhh..s-sir, andami niyo kaya inutos sa akin. Hindi ko alam kung ano uunahin ko," aniya na nakangibit ito.Napakamot naman ako sa aking ulo."Dapat inuna mo ang mas importante! Louise naman!"" 'Di ba sir, sabi ko sa'yo, kumuha ka pa ng isang assistant. Or puwede si Sammy, para magkasama kami dito," aniya na nakangiti."Ayaw niya. Kaya mo naman iyan! Tinaasan ko naman ang sahod mo!"Nakasimangot naman ito."Hello world!" Boses ni Samara ang umalingawngaw sa opisina ko.Napatingin naman kami sa pinto.Sina Samara, Jenny at Ziena ang dumating."Hi, kuya kong pogi!""Sige na Louise, ayusin mo na ang pinapaayos ko sa'yo."Pagkaalis ni Louise, agad naman ako humarap sa tatlong babae."Ano kailangan niyo? You can see, I'm so busy!" "Busy? Eh nakipaglandian ka nga diyan sa secretary mo," aniya ni Ziena sa akin.Inirapan ko
RHENZ"HINDI ko talaga maintindihan ang ugali ng mga babae," reklamo ko at kaharap ang mga kaibigan ko sina Dos, Javi at Damon. Nandito kami sa bar na pag-aari ng magkakapatid na Geller. Actually, sina Tobby at Tucker na ang namamahala ng bar ito."Bro, kapag mahal mo, maintindihan mo rin iyon," natatawang sagot ni Damon.I know Damon is happy with his wife. At nakikita ko sobrang hands on niya sa lahat, at lalo sa mga anak niya. Ganoon rin si Dos. Pero si Javi, wala pa ring plano na lumagay sa tahimik. I don't know the real score between him and D. Pero si D kasi, parang nakakatakot maging asawa ito. D is a police officer, kasama din nito sila Jenny, Bea at Z."Ginusto mo naman, 'di ba? So, tiisin mo," aniya naman ni Javi.Napabuga naman ako ng hanging. Kahapon kasi nag-away kami ni Sammy. Sinabihan pa ako na hindi ako magaling sa kama. Which is, disappointed din ako. Mabilis lang ako labasan noong nakatalik ko siya."Akala ko ba, bro. Good for six months lang ang marriage niyo. 'Di
RHENZKABUWANAN na ni Sammy kaya hindi na muna umaalis ng bahay. Iyong mga negosyo ko, pansamantala si Dos na muna ito ang nag-asikaso, o minsan si Damon."Misis, sabi ko huwag ka na magdilig ng mga bulaklak. I-utos mo na lang sa mga katulong," saad ko kay Sammy dahil nakita ko na naman ito na nagdidilig ng kan'yang halaman."Wala pa nga dalawang kilo ang binubuhat ko, Rhenz!" Aniya na nagagalit na naman ito.Lahat na pang-unawa at pasensya sa pagbubuntis ni Sammy, nalagpasan ko na. Lagi na lang nagagalit kahit wala naman akong ginagawa. Sabi ng mga kaibigan ko, gan'yan talaga kapag buntis. Napagdaanan na raw nila sa mga asawa nila."Baka sa isang araw lalabas na si baby," malambing na saad ko at niyakap ito sa likuran.Humarap naman ito sa akin. Napakaganda lalo ni Sammy. She looks so innocent. "Natatakot ako. Nurse ako, pero iba na kasi kapag Ikaw na iyong manganak. Sabi kasi ni Kath, sobrang sakit daw," aniya na nakanguso.Napangiti naman ako. "Pero nakita mo kung gaano karami mg
RHENZNANATILI ang tingin ko kay Sammy habang nagpapaaraw ito sa tabing-dagat. Habang ako naman nakatayo sa tapat ng bintana. Simula na nakilala ko ang aking asawa, ramdam ko na agad na siya na talaga ang babaeng hinahanap ko. Napangiti naman ako na maalala ko sa unang tagpo namin na hindi man lang niya ako nakilala. Seriously, kasagsagan na kasikatan ko pa at marami akong endorsement sa telebisyon. Pero si Sammy lang talaga ang bukod tangi at kakaibang babae na nakilala ko. This time, hinding-hindi ko sasayangin ang binigay sa akin ng nasa taas na nagpabago sa buhay ko.Aminado naman talaga ako na kabi-kabila ang naging babae noon. Pero nagbago ako simula na inalok ko ng kasal si Samuelle. Kahit ang mga kaibigan ko, nagulat pa ang nga ito. Alam nila sobrang allergic ako sa salitang kasal. Yes, I admit it. Wala talaga akong balak mag-settle down after namin maghiwalay ni Deborah. Pero, may isang tao talaga ang darating para baguhin ang buhay mo.Napabuntonghininga naman ako. Ito ang
HATTIE LOUISE"PAUTANG NGA HO," malapad ang ngiting sabi ko kay Aling Koring."Kailan ang bayad? Alam mo naman pinapaikot ko lang itong kapital ng paninda ko."Napanguso naman ako. "Aling Koring naman eh. Sa isang linggo ang bayad."Napailing na lang ang matanda. "Ano ang uutangin mo? Bakit tuwing pupunta ka dito, hindi man lang ako nakaranas na bumibili ka. Puro ka utang. Kung hindi ka lang magaling magbayad, hindi kita pautangin!"Ngumiti naman ako. "Salamat ho. Limang kilong bigas at tatlong sardinas lang ho uutangin ko."Pagkabigay ni Aling Koring, umalis na agad ako. Doon na ako dumaan sa likod. Nandito ako ngayon sa Tondo. May pupuntahan lang akong tao rito."Magandang hapon mga lasinggero!" Bungad na bati ko sa mga lalaking nag-iinuman."Louise, shot tayo!"Napangiti naman ako at nilapag sa lamesa nila ang dala-dala ko."Pulutan niyo," Saad ko naman.Napangibit naman silang lahat na nakatingin sa supot."Akala namin masarap na. Bigas at sardinas na naman." Humalakhak naman ak
RHENZ"LOUISE."Nakataas naman ang kilay ng dalaga pagkakita sa akin. Sinamantala ko itong kausapin habang tulog pa si Sammy."Bumalik ka muna sa Manila. Tagpuin mo muna si Mr. Collins," aniya ko rito."Panira ka talaga sa bakasyon ko. Gusto ko na magresign!" Nagmamaktol na sagot niya sa akin."Masarap nga ng buhay mo sa akin. Isa ka rin na budol. May bayad ang bawat utos ko sa'yo.""Alangan. Ang hirap kaya maging sekretarya!""Haist. Sige na kasi. Alam kong magaling ka pagdating sa business proposal.""Traidurin ka lang ni Mr. Collins. Nakikita ko naman na sumasakay lang din siya sa laro mo, Atticus."Napangisi naman ako. "Alam ko. Pero gusto ko muna makipaglaro sa kan'ya.""Eh 'di ikaw na ang humarap! Kung kailan gusto ko na mag-asawa, panira ka na naman!""Sa palagay mo ba, magugustuhan ka ni Francis?" Nakangising tanong ko naman."I think so. Simple lang ako. Isang probinsyana. Virgin at mabait.""Saka mo na landiin si Geller kapag pumayag ako. Unahin mo muna ang mga inuutos ko."
SAMMUELLEPANG-APAT na araw na namin dito sa isla. Yes, okay na ulit kami ni Rhenz. Kahit may alam na ako sa pagkatao niya, siya pa rin ang Rhenz na unang nakilala ko.Hindi rin naman maiwasan na may nangyari agad sa amin. Inaamin ko, marupok ako. Isang halik lang ng damuhong iyon sa akin, bumigay naman ako.Dumipa muna ako at pumikit. Mag-isa lang ako naglalakad sa tabing dagat. Maaga pa lang bumangon na ako. Tulog na iniwan ko ang asawa ko at naisipan kong mag-ehersisyo."Sammy?!"Lumingon naman ako. Nangingibabaw na naman ang boses ni Louise."Good morning," nakangiting bati ko rito."Sus, 'wag ako, Samuelle! Nadiligan ka lang kagabi kaya gan'yan ang ngiti mo!"Hindi ko na lang pinansin ang mga pangtutukso ni Louise."So, pinatawad mo na agad ang boss ko? Hmmmp! Marupok na nilalang ka!""H-Hindi naman. Enough na ang reasons niya para tanggapin ko ulit siya.""Bahala ka. Kapag maulit na naman na paiyakin ka, 'wag ka lumapit sa akin. Sasabunutan talaga kita!"Napanguso naman ako. "Ma
SAMUELLE"SOBRANG ganda pala dito!" natutuwang sambit ni Louise na pagkarating namin noong nakaraang araw, lumusong na agad ito sa dagat.Huminga naman ako ng malalim at nilanghap ang preskong hangin.Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito katahimik at presko ang paligid. Sayang at hindi sumama si mamang."Sana nandito ang forever more ko! Kahit mangingisda lang siya, okay lang sa akin. Kaysa naman mayaman nga, babaero naman," aniya na nakangisi pa ito sa akin."Paano kung mahirap pero manloloko rin pala," Taas-kilay na sagot ko naman."Lulunurin ko talaga siya. Ipakain ko sa pating ang hotsilog niya!"Napangiti naman ako. Hindi talaga nauubusan ng topic ang kaibigan kong ito.Kahit ilang buwan siguro ako dito, hindi ako makaramdam ng inip. Kanina umalis saglit si Bry at pupunta raw ito sa bayan. May bibilhin lang na gagamitin sa pagluluto."Hi, girls. May ipakilala pala ako sa inyo," biglang sulpot ni Bry at may kasamang lalaki na mahaba ang buhok, sobrang tangkad din nito. Halatang ma
RHENZ"SHE'S BACK."Huminga naman ako ng malalim na napatingin kay Dos."Yeah. Actually, she already sent me a message before.""Oh. So, how about your….your wife?" "What do you mean? Nothing changed. I love Samuelle."Mahina naman napatawa ang kaibigan ko. "Of course, she's your wife.""I don't love her anymore. Bubuo na kami ng pamilya ni Samuelle. She's pregnant already."Napatango naman si Dos. Hindi naman ako na triggered sa gagong Bry na iyon. Alam ko naman na hindi niya ako ahasin. At kapag ginawa niya iyan, ako mismo lalapit kay President Gabriel Lee sa ginawa ni Coloner sa bunsong anak nito. Lalo't kung malaman ng magkapatid na Gold at Geo, mapapatay nila si Coloner."Naikuwento nga sa akin ni Lobo ang nangyari sa birthday niya. Pumunta pala siya."Tumango na lang ako. Noong gabing iyon, hindi talaga kami magkasama ni Deb. Umalis ako dahil may nangyaring anomalya sa transaction namin.Alam nila Javi at Lobo iyon. Kaso ang mga gago, hindi sinabi kay Samuelle kaya kung ano na
SAMUELLE"ANAK?"KANINA ko pa naririnig na Panay ang tawag at katok ni mamang sa pinto. Nawawalan na akong gana sa lahat. Kahit sa pagkain, parang hindi na ako nakaramdam ng gutom. Kahit gumalaw, kinatamaran ko na rin."Samuelle? Nandito si Louise," aniya ni mamang.Napabuntonghininga naman ako. Nanghihinang bumangon ako at nagpalit ng damit. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang nakapamewang si Louise."So emotera ka na ngayon?" Ismid na sabi niya sa akin.Hindi naman ako umimik. Hinila Ako ng kaibigan ko sa sala. Pinaupo niya ako, saglit itong pumunta sa kusina at pagbalik may bitbit itong umuusok na lugaw."Hay naku, Sammy gurl. Isipin mo si Baby Sperm diyan sa matris mo! Hindi iyong babaerong boss ko! Oh, kumain ka!"Napatingin naman ako sa lugaw. Napansin ko kaagad ang isang buong itlog. Bigla naman ako nakaramdam ng gutom. Agad ko Naman ito nilantakan ng kain."Ayan! Kumain ka. Huwag mo pahirapan ang sarili mo, Sammy."Hindi pa rin talaga ako makapag-isip ng maayos
SAMUELLEPAGMULAT ko, bumungad agad sa akin ang puting paligid."How are you feeling?" Seryosong tanong ng asawa ko. Kakapasok lang niya sa silid. Nasa likuran naman niya ang bruhang kaibigan ko na abot tenga ang ngisi."O-Okay naman. Nasaan pala tayo?" Alanganing tanong ko naman."Sa heaven, Sammy. Mamaya ihahatid tayo ni San Pedro sa lupa," sabat naman ni Louise na tinaasan pa ako ng kilay."Iwan mo muna kami, Louise. At pakiayos na rin ang bill ni Samuelle. Bilhin mo na rin ang reseta ng doktor," utos naman ni Rhenz rito."Okay, Sir," sagot ng kaibigan ko at lumapit ito sa akin. "Happy sperm day," aniya na nakangisi lumabas.Anong espiritu na naman kaya nakasapi sa bruhildang ito. "Nahimatay ka dahil sobrang anemic mo na. At sabi ng doctor, you need more irons and vitamins para SA baby," aniya naman ni Rhenz."BABY?!" gulat na reaksyon ko naman.Nakakunot naman ang noon ng asawa ko."Ah...I m-mean..okay lang ba ang baby natin?!" Natatarantang tanong ko naman."Yeah, okay lang. You