Share

Chapter 8

Author: Hisangel
last update Last Updated: 2021-07-08 17:13:33

Mabilis akong naglakad para makita ang listahan kung sino ang nakapasok sa musical play na gaganapin sa fiesta ng bayan sa susunod na buwan.

Nakita kong nag-uumpukan ang mga tao para makita ang pangalan nila sa listahan.

"Tim!" malakas na sigaw ni Juancio kaya naman kaagad ko siyang nilapitan.

Malawak ang ngiti nito at inalog-alog ang aking balikat kaya kunot -noo ko siyang tiningnan.

"Congrats pare!" Sabay yakap sa akin.

Natulala ako at hindi nagawang gumanti sa yakap ng kaibigan dahil nahulaan ko kaagad ang anunsyo niya.

"Seryso! Nakapasok ka!" sabi niya at inalog ulit ang balikat ko.

"Totoo?" tanong ko, naninigurado.

"Oo! Tara tingnan mo!"

Hinatak niya ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Kahit yata hindi nag-audition ay nakihalo rito.

  1. Toccata, Timoteo

Gusto kong tumalon dahil nakita ko sa listahan ang pangalan ko.

Sa wakas! Pangarap ko 'to!

"Sabi diyan sa ilalim ng listahan, kailangan niyo raw magpakita sa director mamaya para mapag-usapan na."

Nakangiti akong tumango kay Juancio habang ang kalooban ay labis-labis na ang saya at pagkasabik. Iniisip na marahil ay dito na mag-uumpisa ang mga pangarap ko na noon ay sa imahinasyon ko lamang nakikita.

Gano’n nga ang nangyari, nakipagkita kaming mga nakasali sa listahan sa director ng musical play. Sa isang malawak na silid niya kami kinausap at pinagsama-sama.

"Actually, masyadong mahirap itong gagawin natin dahil isang buwan lang ang practice na gagawin. Kahit hindi kayo ang bida, malaki ang ambag niyo sa entablado kaya asahan ninyong kung hindi man kayo gagabihin ng uwi, baka hindi kayo makauwi. Magpaalam na sana kayo sa magulang ninyo."

Agad na nagsitanguan ang mga kalahok at nakapasok sa audition. At dahil sabik akong sabihin sa kanila na napasali ako sa mga magpe-perform kanila Lyra at mama ay mabilis akong naglakad pauwi pagkatapos ng meeting. Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang mag-isip para sa kalagayan ng aking kababata. Maiiwan ko siya at hindi masasamahan sa bahay ng isang buwan. Mawawalan din ako ng oras sa kanila ni mama.

Hapunan na nang magdesisyon akong sabihin sa kanila ang aking balita.

"Mama? Lyra?" tawag ko sa kanila habang kumakain kami sa hapag.

Mabilis nila akong tiningnan.

"Ano kasi uh-" Kumamot pa ako sa ulo.

"Ano 'yun anak?" tanong ni Mama.

"Nag-audition po kasi ako para sa musical play na gaganapin sa fiesta at-"

"Natanggap ka?" masayang tanong ni Lyra at hindi na pinatapos ang sasabihin ko.

Tumango ako at mabilis na pumalakpak ang dalawang babae sa harapan ko.

"Ang galing mo Tim!" sabi ni Lyra.  "Aabangan ko yan ah!" Halata sa boses niya ang excitement.

"Kailan pa ito anak? Ikaw ah hindi mo sinabi na nag-audition ka," nakangiting sabi ni Mama.

"Noong nakaraang araw lang, Ma. Hindi ko muna sinabi kasi gusto ko kayo masorpresa," sagot ko.

"Yehey! Masaya ako para sa'yo!" masaya pa rin na sabi ni Lyra. "Proud kami sa'yo!"

Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa mga katagang 'yun. Sa kakarampot na mga salita ay nagagawa niyang palakasin ang aking loob.

"Pero kasi…magiging abala ako sa practice. Baka raw hindi kami makauwi o gabi na kami makauwi," malungkot kong sabi. "Next month na kasi 'yun."

"Eh ano naman? Ayos lang 'yun basta safe ka roon," sabat ni Lyra.

"Kaso lang mawawalan ako ng oras sa inyo," sabi ko pa

Natawa si Mama at inabot ang pisnge ko.

"Sus Timoteo!" pang-aasar ni Mama. "Mamimiss mo lang si Lyra eh. Nako nako!"

Nakita ko ang pamumula ng pisnge ni Lyra habang ako ay nakaramdam ng hiya.

"Mama naman! Syempre pati ikaw!"

Tumawa lalo si Mama.

"Asus. Huwag nga ako, anak! Huwag ka mag-alala ako ang bahala kay Lyra rito. Hindi na muna ako tutuloy sa bayan para tumulong. Dito lang ako para bantayan si Lyra," suggest ni Mama pero umiling si Lyra.

"Hindi na po,” tugon niya. "Kaya ko na po mag-isa dito. Pangako wala po akong ibang gagawin," nakangiti nitong sabi.

Nagkatinginan kami ni Mama dahil hindi alam ang itutugon.

“Huwag po kayo mag-alala kaya ko po talaga,” pangungumbinse pa niya.

Nakita ko ang pagtango ni Mama habang nakatingin ito sa akin.

"Sigurado ka ba hija?" tanong niya.

"Lyra?" tawag ko habang nag-aalala.

"Huwag po kayo mag-alala, kaya ko po talaga."

Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na lang ang gusto niya.

Mabilis kaming natapos sa hapunan kaya dumiretso ako sa labas ng aming bahay para magpatugtog ng gitara. Maya-maya lang ay naramdaman ko na kaagad ang pag-upo ni Lyra sa tabi ko.

"Nakakatuwa Tim! Matutupad mo na ang pangarap mo," banggit niya at kitang-kita talaga ang saya sa mukha niya.

"Oo nga eh. Pero hindi naman ako ang bida," sagot ko.

"Ano naman? Para sa akin ikaw pa rin ang mangingibabaw doon. Ikaw lang ang papanuorin ko!"  mayabang niyang sabi.

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Kaya habang tumatawa, buong puso kong tinitigan ang mukha ng babaeng nasa harapan ko.

"Tingin mo kakayanin ko?" tanong ko sa'kanya.

Ngumiti siya at hinawakan ang pisnge ko kaya nagulat ako nang bahagya.

"Oo naman!" sagot niya. "Ikaw si Timoteo Toccata!"

Naging mapungay ang mata ko at mas lumala pa ito nang ilagay niya ang kanyang ulo sa aking balikat na hindi naman niya madalas gawin.

"Sobrang proud ako sa'yo, alam mo ba 'yun?" mahinhin niyang sabi. "Masaya ako dahil natutupad mo na ang pangarap mo."

Napangiti ako at dinama ang gabing iyon.

"Enjoy mo lang ‘yang success mo ha," paalala niya sa akin. "Nabuhay ka para maging successful."

Hinawakan ko ang ulo niya at marahang hinaplos ang buhok niya.

"Masaya na ako dahil meron akong ikaw, Lyra!” bulong ko.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag-angat niya ng tingin sa akin kaya isang sincere na ngiti ang binigay ko sa'kanya.

Nanatili kaming tahimik habang mabagal kong ini-strum ang aking gitara.

Ang pakiramdam na kahit walang salita ang lumalabas sa bibig niyo, pero ang puso niyo ay parang sabay na nag-uusap kasabay ng pagkislap ng mga bituin sa kalangitan. Hindi ito matutumbasan ng kahit pa anong pangyayari sa buhay ko dahil payapa at sobrang saya talaga.

Ang makasama siya ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

"Mag-iingat ka ha, huwag mo papabayaan ang sarili mo kapag nagpa-practice,” paalala niya sa akin.

Tumango ako.

"Mamimiss mo ba ako?" tanong ko at natawa.

"Oo naman!" sagot niya pero agad yumuko dahil siguro ay napahiya kaya mas lalo akong natawa.

"Gagalingan ko para sa'yo!" sabi ko para makabawi.

Tiningnan niya ulit ako pero hindi pa rin naalis ang pagkapula ng mukha niya.

"Lahat ng ginagawa ko, ginagalingan ko para sa'yo," bulong ko habang mapupungay ang matang tinitingnan siya. "Para sa inyo ni Mama." At hinawakan ko ang mata niyang hindi na nakamumulat pa. "Para sa dalawang babaeng inspirasyon at lakas ko."

Dahan-dahan kong hinalikan ang mata niyang may deperensiya na. Sa ganitong paraan, maipaparamdam ko na mahal ko siya at kahit sino at ano pang kapansanan ay handa ko siyang tanggapin.

Mahal ko kahit ang imperfections na meron siya.

Kinantahan ko siya at buong pusong pinaramdam kung gaano ko kagustong makasama siya. Hinding-hindi mapapagod na gawin ang lahat para sa'kanya.

Siya ang lakas ko. Ang inspirasyon ko.

Siya si Lyra, ang aking awit. Ang aking mahal.

Related chapters

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 9

    Kapag ipinikit ko ang aking mata na isa na lamang ang nakakakita, pakiramdam ko nabubuo ang pangarap ko. 'Yung pakiramdam na dadalhin ka ng iyong imahinasyon sa mundo na ang lahat ng pangarap ay natutupad. Ang mundong 'yun ay puno ng kasiyahan at pag-asa. Walang kalungkutan! Walang karamdaman at kapansanan! Walang pagdurusa at kapighatian! Walang nawawala o namamatay! Pero ang mundong 'yun ay hindi napupuntahan ng ating pisikal na katawan. Tanging ang malawak na isipan lamang natin ang kayang makarating doon kapag ginamit natin ang ating imahinasyon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala masarap managinip habang gising ay dah

    Last Updated : 2021-07-26
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 1

    “Timoteo!” tawag sa akin ni Direk David. Siya ang director sa aming musical theatre play.Puspusan ang practice dahil mga kilala at mayayamang tao ang manunuod. Isa ito sa pinakahinihintay naming break sa mundo ng teatro dahil sa isang sikat na broadway ito gaganapin.“Direk?” mahinang sagot ko habang nakatayo sa gitna ng stage kasama ang ka-loveteam ko sa play.Umiling si Direk bago ako titigan.“Just focus on your role, can you?” medyo iritado na niyang sabi. Tumingin ako sa mga kasamang pagod na pagod dahil ilang beses nang inulit ang scene na ito. Binigyan ko sila ng isang apologetic smile at tumango lamang ang mga ito.“Baka nakakalimutan mong ikaw si Timoteo Toccata!” Gumuhit pa ito ng hugis bahaghari sa ere. “You're one of the most popular theater actor nationwide!” dagdag pa nito. “Huwag mo akong ipahiya!"”Tumango ako at umayos nang pagkakatayo.&nb

    Last Updated : 2021-05-08
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 2

    “Hulaan mo kung sino ako?” natatawang sabi ko kay Lyra pagkatapos takpan ang kanyang mata na kanina lang ay nakapikit habang bahagyang nakangiti. Bagay na minsan na lang makita sa kanya.“Tigilan mo na yan Tim,” mahinhin niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko para alisin sa kanyang mata. Kakauwi ko lang galing sa paaralan at mahigit dalawang oras ang nilakad ko kaya naman pagod na pagod ako ngayon. Pero tiniis ko para lang mapasaya si Lyra. Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa labas ng aming bakod at nakaharap sa bundok na katapat ng aming bahay.“Ano ang iniisip mo? Bakit naka-pikit ka pa?” tanong ko at tinabihan siya.Huminga siya nang malalim bago ako malungkot na nginitian. “Nangangarap lang,” mahinang sagot niya at inalalayan akong tanggalin ang backpack na dala ko para ilapag ito sa natitirang espasyo ng upuang gawa sa kahoy.“Ano naman ang pangarap na naiisip mo?” tanong ko.

    Last Updated : 2021-05-09
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 3

    Mabilis akong naglalakad para makauwi kaagad sa aming bahay. Masyadong malayo ang paaralan naming at kinakailangan na hindi ako gabihin."Timoteo!" tawag sa akin ni Juancio kaya naman nilingon ko siya dahil pagod na pagod ito habang sinusundan ako."Oh bakit?" tanong ko."Naks pre! Ang gwapo ah!" compliment niya sa akin at pinasadahan ang buong katawan ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa ginawa niya kaya naman pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili.Kahit mahirap lang kami ay malinis at plantsado naman ang uniporme ko. Nakasuot ako ng black shoes dahil scholar ako ni Mayor hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral at binibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Maayos din ang pagkakasuklay ng medyo may kahabaan kong buhok."Anong meron?" tanong ko dahil wala namang napansing bago sa katawan.Ngiting aso ito habang pinagsusuntok ako at inaasar. "Crush ka raw ng mayaman

    Last Updated : 2021-05-10
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 4

    Sabado ngayon at hapong-hapo ako dahil sa pag-aararo. Kasalukuyan kaming nasa bukid nila Mama at Lyra. Kailangan naming ayusin ang lupa dahil pagtataniman namin ito ng mani.Mula rito sa kinakatayuan ko, tanaw ko sila Mama at Lyra. Nag-uusap sila at nakaupo sa lilim ng puno para magpahinga habang nakatingin sa akin at paminsan-minsa'y tumatawa nang malakas si Mama samantalang si Lyra ay nangingiti.Tinuloy ko ang ginagawa at ibinigay na lang ang buong atensyon sa ginagawa."Pst! Tim!" tawag sa akin ni Ruby. Ka-edad namin siya ni Lyra at malapit lang ang bahay nila sa amin. Hahatiran niya siguro ang Tatay niya ng pagkain. Tinigil ko ang ginagawa at sinulyapan siya.Nakasuot ito ng maikling bestidang itim at puputok na ang labi sa sobrang pula. Kahit hirap na hirap, pinilit niyang makalapit sa akin dahil nasa kalagitnaan na ako ng pag-aararo sa lupa. "Oh Bakit?" tanong ko.Tuwang-tuwa itong nag-abot ng tubig sa akin kaya kumunot a

    Last Updated : 2021-05-10
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 5

    "Sino ba 'yun, Tim?" tanong ni Rose habang kapit na kapit ang kamay kay Rex.Inangat ko ang tingin sa kanila. Hindi talaga ako sanay sa presensiya nila dahil hindi ko naman sila close."Si Lyra… kababata ko," malamig na sagot ko habang abala sila sa pagtingin sa parke.Ang gusto ko lang ay makauwi na dahil ayaw ko naman talagang gumala ngayon."Bakit kailangan ka pang kasama umuwi?" Sa pagkakarinig ko, medyo pabebe ang tono ni Lea.Huminga ako nang malalim para magpasensiya. Pero sa kabilang banda, hinahabaan ko ang pasensiya dahil ayaw ko naming maging bastos sa kanila."Obvious naman sa inyong hindi na nakakakita ang isa niyang mata," mahinahon kong sagot."Yeah! Ano bang nangyari sa'kanya?" tanong ni Aya."Nasunugan sila dati. Galing siya sa pag-iigib nang maabutang nasusunog na ang kanilang bahay. Sinubukan niyang iligtas ang magulang niya kaya napuruhan ang mata ni Lyra," sagot ko.Tumango-tango si Lea

    Last Updated : 2021-07-02
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 6

    "Mr. Toccata?" tawag sa'kin ni Sir Alonzo isang araw habang naglalakad ako patungo sa room. Teacher ko siya sa Literature noong nakaraang taon.Naging paborito niya akong estudyante nang magkaroon kami ng play sa classroom. Ako ang gumanap na bida at sabi niya nagustuhan niya raw ang pagganap ko."Yes sir? Good afternoon po," sabi ko.Huminto ako para hintayin siya. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin nang matapatan niya ako."Kanina pa kita hinahanap," umpisa niya."Ah bakit po?" tanong ko."Fiesta kasi rito sa bayan natin sa susunod na buwan at ang paaralan natin ang naatasan na magperform. Nais nilang magkaroon ng musical theatre play."Lumawak ang ngiti ko kahit pa nagugulat. Excited sa mga susunod niyang sasabihin."Gusto mo bang sumali? Nagkulang kasi ng actor," tanong nito."Talaga po?!" tanong ko at naninigurado.Tumango siya at binigyan ako ng ngiting sigurado. "Pero kailangan mo mag-audition.Sa

    Last Updated : 2021-07-03
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 7

    "Maraming Salamat Mr. Timoteo Toccata!" nakangiting sabi ng isa sa mga pipili para gumanap sa musical play. Nakangiti akong tumango at umalis sa silid kung saan naganap ang auditon. "Kumusta?" tanong ni Sir Alonzo sa akin. "Ayos lang naman po. Sana matanggap ako!" punong-puno ng pag-asa ang aking tono. Binigyan niya ako ng thumbs up at matamis na nginitian. "Sigurado akong makukuha ka." "Salamat po Sir, sana nga po." Nagpaalam din kaagad ako kay Sir para puntahan si Juancio sa canteen. Kaya nga lang, nakita ko kaagad ang katabi niyang si Lea. Iiwas na sana ako at nagdesisyong solo na lang na kakain kaso lang ay tinawag na niya

    Last Updated : 2021-07-04

Latest chapter

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 9

    Kapag ipinikit ko ang aking mata na isa na lamang ang nakakakita, pakiramdam ko nabubuo ang pangarap ko. 'Yung pakiramdam na dadalhin ka ng iyong imahinasyon sa mundo na ang lahat ng pangarap ay natutupad. Ang mundong 'yun ay puno ng kasiyahan at pag-asa. Walang kalungkutan! Walang karamdaman at kapansanan! Walang pagdurusa at kapighatian! Walang nawawala o namamatay! Pero ang mundong 'yun ay hindi napupuntahan ng ating pisikal na katawan. Tanging ang malawak na isipan lamang natin ang kayang makarating doon kapag ginamit natin ang ating imahinasyon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala masarap managinip habang gising ay dah

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 8

    Mabilis akong naglakad para makita ang listahan kung sino ang nakapasok sa musical play na gaganapin sa fiesta ng bayan sa susunod na buwan. Nakita kong nag-uumpukan ang mga tao para makita ang pangalan nila sa listahan. "Tim!" malakas na sigaw ni Juancio kaya naman kaagad ko siyang nilapitan. Malawak ang ngiti nito at inalog-alog ang aking balikat kaya kunot -noo ko siyang tiningnan. "Congrats pare!" Sabay yakap sa akin. Natulala ako at hindi nagawang gumanti sa yakap ng kaibigan dahil nahulaan ko kaagad ang anunsyo niya. "Seryso! Nakapasok ka!" sabi niya at inalog ulit ang balikat ko. "Totoo?" tanong ko, naninigurado. "Oo! Tara tingnan mo!" Hinatak niya ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Kahit yata hindi nag-audition ay nakihalo rito. Toccata,Timoteo Gusto kong tumalon dahil nakita ko sa listahan ang pangalan ko. Sa wakas! Pangarap ko 'to!

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 7

    "Maraming Salamat Mr. Timoteo Toccata!" nakangiting sabi ng isa sa mga pipili para gumanap sa musical play. Nakangiti akong tumango at umalis sa silid kung saan naganap ang auditon. "Kumusta?" tanong ni Sir Alonzo sa akin. "Ayos lang naman po. Sana matanggap ako!" punong-puno ng pag-asa ang aking tono. Binigyan niya ako ng thumbs up at matamis na nginitian. "Sigurado akong makukuha ka." "Salamat po Sir, sana nga po." Nagpaalam din kaagad ako kay Sir para puntahan si Juancio sa canteen. Kaya nga lang, nakita ko kaagad ang katabi niyang si Lea. Iiwas na sana ako at nagdesisyong solo na lang na kakain kaso lang ay tinawag na niya

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 6

    "Mr. Toccata?" tawag sa'kin ni Sir Alonzo isang araw habang naglalakad ako patungo sa room. Teacher ko siya sa Literature noong nakaraang taon.Naging paborito niya akong estudyante nang magkaroon kami ng play sa classroom. Ako ang gumanap na bida at sabi niya nagustuhan niya raw ang pagganap ko."Yes sir? Good afternoon po," sabi ko.Huminto ako para hintayin siya. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin nang matapatan niya ako."Kanina pa kita hinahanap," umpisa niya."Ah bakit po?" tanong ko."Fiesta kasi rito sa bayan natin sa susunod na buwan at ang paaralan natin ang naatasan na magperform. Nais nilang magkaroon ng musical theatre play."Lumawak ang ngiti ko kahit pa nagugulat. Excited sa mga susunod niyang sasabihin."Gusto mo bang sumali? Nagkulang kasi ng actor," tanong nito."Talaga po?!" tanong ko at naninigurado.Tumango siya at binigyan ako ng ngiting sigurado. "Pero kailangan mo mag-audition.Sa

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 5

    "Sino ba 'yun, Tim?" tanong ni Rose habang kapit na kapit ang kamay kay Rex.Inangat ko ang tingin sa kanila. Hindi talaga ako sanay sa presensiya nila dahil hindi ko naman sila close."Si Lyra… kababata ko," malamig na sagot ko habang abala sila sa pagtingin sa parke.Ang gusto ko lang ay makauwi na dahil ayaw ko naman talagang gumala ngayon."Bakit kailangan ka pang kasama umuwi?" Sa pagkakarinig ko, medyo pabebe ang tono ni Lea.Huminga ako nang malalim para magpasensiya. Pero sa kabilang banda, hinahabaan ko ang pasensiya dahil ayaw ko naming maging bastos sa kanila."Obvious naman sa inyong hindi na nakakakita ang isa niyang mata," mahinahon kong sagot."Yeah! Ano bang nangyari sa'kanya?" tanong ni Aya."Nasunugan sila dati. Galing siya sa pag-iigib nang maabutang nasusunog na ang kanilang bahay. Sinubukan niyang iligtas ang magulang niya kaya napuruhan ang mata ni Lyra," sagot ko.Tumango-tango si Lea

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 4

    Sabado ngayon at hapong-hapo ako dahil sa pag-aararo. Kasalukuyan kaming nasa bukid nila Mama at Lyra. Kailangan naming ayusin ang lupa dahil pagtataniman namin ito ng mani.Mula rito sa kinakatayuan ko, tanaw ko sila Mama at Lyra. Nag-uusap sila at nakaupo sa lilim ng puno para magpahinga habang nakatingin sa akin at paminsan-minsa'y tumatawa nang malakas si Mama samantalang si Lyra ay nangingiti.Tinuloy ko ang ginagawa at ibinigay na lang ang buong atensyon sa ginagawa."Pst! Tim!" tawag sa akin ni Ruby. Ka-edad namin siya ni Lyra at malapit lang ang bahay nila sa amin. Hahatiran niya siguro ang Tatay niya ng pagkain. Tinigil ko ang ginagawa at sinulyapan siya.Nakasuot ito ng maikling bestidang itim at puputok na ang labi sa sobrang pula. Kahit hirap na hirap, pinilit niyang makalapit sa akin dahil nasa kalagitnaan na ako ng pag-aararo sa lupa. "Oh Bakit?" tanong ko.Tuwang-tuwa itong nag-abot ng tubig sa akin kaya kumunot a

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 3

    Mabilis akong naglalakad para makauwi kaagad sa aming bahay. Masyadong malayo ang paaralan naming at kinakailangan na hindi ako gabihin."Timoteo!" tawag sa akin ni Juancio kaya naman nilingon ko siya dahil pagod na pagod ito habang sinusundan ako."Oh bakit?" tanong ko."Naks pre! Ang gwapo ah!" compliment niya sa akin at pinasadahan ang buong katawan ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa ginawa niya kaya naman pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili.Kahit mahirap lang kami ay malinis at plantsado naman ang uniporme ko. Nakasuot ako ng black shoes dahil scholar ako ni Mayor hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral at binibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Maayos din ang pagkakasuklay ng medyo may kahabaan kong buhok."Anong meron?" tanong ko dahil wala namang napansing bago sa katawan.Ngiting aso ito habang pinagsusuntok ako at inaasar. "Crush ka raw ng mayaman

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 2

    “Hulaan mo kung sino ako?” natatawang sabi ko kay Lyra pagkatapos takpan ang kanyang mata na kanina lang ay nakapikit habang bahagyang nakangiti. Bagay na minsan na lang makita sa kanya.“Tigilan mo na yan Tim,” mahinhin niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko para alisin sa kanyang mata. Kakauwi ko lang galing sa paaralan at mahigit dalawang oras ang nilakad ko kaya naman pagod na pagod ako ngayon. Pero tiniis ko para lang mapasaya si Lyra. Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa labas ng aming bakod at nakaharap sa bundok na katapat ng aming bahay.“Ano ang iniisip mo? Bakit naka-pikit ka pa?” tanong ko at tinabihan siya.Huminga siya nang malalim bago ako malungkot na nginitian. “Nangangarap lang,” mahinang sagot niya at inalalayan akong tanggalin ang backpack na dala ko para ilapag ito sa natitirang espasyo ng upuang gawa sa kahoy.“Ano naman ang pangarap na naiisip mo?” tanong ko.

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 1

    “Timoteo!” tawag sa akin ni Direk David. Siya ang director sa aming musical theatre play.Puspusan ang practice dahil mga kilala at mayayamang tao ang manunuod. Isa ito sa pinakahinihintay naming break sa mundo ng teatro dahil sa isang sikat na broadway ito gaganapin.“Direk?” mahinang sagot ko habang nakatayo sa gitna ng stage kasama ang ka-loveteam ko sa play.Umiling si Direk bago ako titigan.“Just focus on your role, can you?” medyo iritado na niyang sabi. Tumingin ako sa mga kasamang pagod na pagod dahil ilang beses nang inulit ang scene na ito. Binigyan ko sila ng isang apologetic smile at tumango lamang ang mga ito.“Baka nakakalimutan mong ikaw si Timoteo Toccata!” Gumuhit pa ito ng hugis bahaghari sa ere. “You're one of the most popular theater actor nationwide!” dagdag pa nito. “Huwag mo akong ipahiya!"”Tumango ako at umayos nang pagkakatayo.&nb

DMCA.com Protection Status