"Sino ba 'yun, Tim?" tanong ni Rose habang kapit na kapit ang kamay kay Rex.
Inangat ko ang tingin sa kanila. Hindi talaga ako sanay sa presensiya nila dahil hindi ko naman sila close.
"Si Lyra… kababata ko," malamig na sagot ko habang abala sila sa pagtingin sa parke.
Ang gusto ko lang ay makauwi na dahil ayaw ko naman talagang gumala ngayon.
"Bakit kailangan ka pang kasama umuwi?" Sa pagkakarinig ko, medyo pabebe ang tono ni Lea.
Huminga ako nang malalim para magpasensiya. Pero sa kabilang banda, hinahabaan ko ang pasensiya dahil ayaw ko naming maging bastos sa kanila.
"Obvious naman sa inyong hindi na nakakakita ang isa niyang mata," mahinahon kong sagot.
"Yeah! Ano bang nangyari sa'kanya?" tanong ni Aya.
"Nasunugan sila dati. Galing siya sa pag-iigib nang maabutang nasusunog na ang kanilang bahay. Sinubukan niyang iligtas ang magulang niya kaya napuruhan ang mata ni Lyra," sagot ko.
Tumango-tango si Lea at mas isiniksik pa ang sarili sa akin.
Umurong ako para iparamdam na ayaw ko sa ginagawa niya.
"So wala na siyang parents?" tanong ulit ni Aya kaya tumango na lang ako.
"Ang lungkot no’n. Wala siyang kasama sa buhay," singit ni Ronald.
Umiling ako kaya nagtatakang mukha ang ipinakita nila sa akin..
"Kasama niya ako," madiin ang pagkakasabi ko. "Kasama niya ako palagi." dagdag ko pa.
"No," sagot ni Lea. "Ang gustong sabihin ni Ronald mag-isa lang siya sa bahay nila."
Sa loob-loob ko ay natatawa dahil ako ang hindi nila maintindihan.
"Magakasama kami sa bahay," sagot ko.
Nakita ko ang paglaki ng mata ni Lea kaya mas lalo akong natawa sa isip.
"Totoo ba?" gulat na tanong ni Rex.
"Oo. Si Mama na nag-alaga sa'kanya simula noon."
Tumango na lang sila at hindi nagsalita. Nakita kong naging malungkot ang mukha ni Lea.
"Uuwi na ako baka kailangan niya kasi ng tulong," sabi ko at nagtangkang tumayo.
Napatigil ako nang hawakan ni Lea ang braso ko.
"Huwag muna. Maaga pa naman," pagmamakaawa nito.
Kanina lang nahihiya ka pa sa'kin ah tapos ngayon ang lakas nan g loob mong kapitan ako?
"Ano ka ba naman Tim! Isang mata lang naman ang hindi nakakakita sa kanya," singit ni Aya.
"Kahit pa," sagot ko
Binitawan ako ni Lea at malungkot na tumango dahil talo na siya.
"Sige sa susunod ulit ah! Salamat pala sa nakapikit mong kababata at pinayagan niyang sumama ka!" sarkastikong sabi ni Rose.
Tahimik na natawa ang mga kasama niya.Tumikhim pa ang iba para itago ang kanila.
Agad akong nakaramdam ng inis. Isa sa pinaka-ayoko ay ang pagtawanan si Lyra. Pero dahil ayaw kong magkaroon ng gulo, kakausapin ko sila sa maayos na paraan.
"Huwag niyo na akong kakausapin at yayayain kung insulto lang naman ang maririnig ko mula sa inyo," mahinahon kong sabi. "Hindi deserve ni Lyra ang mga ganyang pamimintas. Hindi niyo siya kilala."
Naglakad ako palayo at iniwan silang natahimik. Halatang napahiya sa inasal nila kani-kanina lang.
Bakit ba ganyan ang ugali nila? Galing pa naman silang simbahan.
Mabilis akong umuwi at naabutan si Lyra na nakaupo sa labas ng bakuran.
Napangiti ako dahil hawak-hawak pa rin niya ang singsing sa kanyang dibdib habang nakatingin sa malayo.
Pero agad kumunot ang noo ko nang mapansin ang tuhod niyang may sugat dahil naka-dress lang siya. Mabilis akong lumapit at lumuhod sa harapan niya para titigan ang kanyang sugat.
Nakita ko ang gulat sa mukha nito pero huminga na lang siya nang malalim.
"Saan galing 'to?" tanong ko at labis ang pag-aalala.
"Diyan lang," malamig na sagot niya.
"Anong diyan lang?" tanong ko at medyo naiirita na.
Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad akong pumasok sa bakuran para kumuha ng mga dahon ng bayabas. Hinugasan ko ito at kinagat-kagat para ipahid sa sugat niya. Pagkatapos ay mabilis akong bumalik sa'kanya at inilagay 'yun sa tuhod niya.
Nakita ko ang pag-angat ng katawan niya pero hindi pa rin ito nagsalita.
"Sabi ko na nga ba eh!" bulong ko sa sarili at nagsisisi na sinunod ko ang gusto niya.
Umupo ako sa tabi niya at maiigi siyang tinitigan.
"Bakit ka nadapa?" tanong ko
Ngumuso siya bago sumagot.
"Hindi ko nakita na may dadaan na bike sa kaliwang bahagi ng dinaraanan ko kaya hindi ako nakaiwas kaya ayun nabangga ako...tapos nasugatan ako," paliwanag niya.
Huminga ako nang malalim. "Ano pa ang masakit sa'yo?" tanong ko.
Dahan-dahan niyang itinuro ang kaliwang parte ng dibdib niya kaya kumunot ang noo ko.
"Ano? pati dibdib mo nasugatan? Anong klaseng pagkakadapa ba?" nag-aalala kong tanong.
Mahina siyang tumawa sa naging reaksyon ko kaya mas lalong napakunot ang noo ko.
"Parang pagong," bulong niya.
"Ano?" tanong ko.
Umiling siya at ngumiti. "Bakit ang bilis naman ng lakad mo?" tanong niya.
"Ayaw ko sila kasama," malamig kong sagot.
"Bakit?" tanong niya
"Wala basta ayaw ko lang," muli kong sagot at inalala ang naging reaksyon nila kanina sa kalagayan ni Lyra.
Natahimik siya at pinagmasdan na lang ang bundok sa tapat namin. Inilagay ko ang ulo sa kaniyang balikat bago magsalita ulit.
"Sa susunod huwag mo akong ipamigay sa iba," makahulugan kong sabi.
Tiningnan ako nito. "Anong pinamimigay?" tanong niya.
"Tsss. Pumayag ka na sumama ako sa'kanila," bintang ko sa'kanya.
"Eh ano naman? Wala namang masama doon!"
Tsk. Mukhang labag nga sa loob mo kanina ang pasamahin ako eh.
"Kahit pa!" singhal ko "Ayaw ko na pinaminigay mo ako."
Mahina siyang tumawa at hinawakan ang buhok ko kaya naman mabilis na napawi ang tampo.
Sumapit ang hapon at hindi pa rin nakakauwi si Mama. Masyado yatang napasarap ang kwentuhan sa mga kaibigan. Kanina lang ay nagpaalam din si Lyra na matutulog dahil inantok ito matapos naming magbasa ng mga libro. Dahil wala akong makausap ay nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman nagdesisyon na lang akong magsaing.
Matiyaga kong binabantayan ang sinaing nang marinig ko ang boses ni Lyra.
"Mama! Papa!" sigaw niya.
Dali-dali akong pumasok sa kanyang silid at nakita ko siyang nanaginip.
"Kunin niyo na ako Ma, Pa!" sigaw pa nito. "Sama na ako diyan!" pagmamakaawa nito habang natutulog. Ang tono ng boses niya ay nasasabik siyang makasama ang kanyang magulang na matagal nang namatay.
Mabilis akong umupo sa kaniyang higaan at ginising siya.
"Lyra! Lyra!" tawag ko sa kanya.
Tuwing nangyayari ito sa'kanya sobra akong nasasaktan lalo pa at lumuluha siya. Alam kong sobrang lungkot pa rin niya dahil sa nangyari. Hindi ko kayang makita siyang ganito pero kailangan kong tatagan ang loob para matulungan siya.
Gusto ko siyang tulungan siyang makabangon at tuluyan siyang magising at maka-move on.
"Lyra." Hinawakan ko ang ulo niya at doon siya nagising.
"Tim?" mahinang tawag niya sa akin. "Si Mama at Papa," naiiyak niyang sabi.
"Shhhhhh!" sabi ko at inalalayan siya makaupo.
Niyakap niya ako at pinaghalong takot, lungkot at sakit ang makikita sa'kanyang mukha.
"Hindi ko sila nailigtas, Tim!" hagulgol niya sa dibdib ko. "Wala akong nagawa!"
Hinaplos ko ang buhok niya para iparamdam na may karamay siya.
"Nandito lang ako Lyra," sabi ko
"Nakita ko sila Tim. Feeling ko makakasama ko na sila!" bulong niya.
Umiling ako dahil natatakot sa nais niyang ipabatid.
"Hindi… hindi!" tanging nasagot ko. "Please, Lyra. Nandito ako huh?" naiiyak kong sabi.
Niyakap ko siya nang mahigpit.
"Huwag Lyra huh!" pagmamakaawa ko. "Please.Huwag ah!" dagdag ko pa. Para akong bata na nagmamaktol dahil ayaw sundin ang gusto niya.
Naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap niya sa akin. Natahimik ako at tanging paghikbi lang niya ang nagging tugon.
Tumagal nang ilang minute ang pagkakayakap naming sa isa’t isa hanggang sa basagin niyang muli ang katahimikan.
"Sorry," bulong nito. "Sorry, Tim."
Tumango na lang ako at maiging tinitigan ang singsing na suot ko. Yakap ko pa rin siya at nasa likod niya ang mga kamay ko.
Hindi ko kayang mawala siya! Nagmamakaawa po ako!
Buong gabi ko siyang binantayan hanggang sa makatulog siya ulit pagkatapos maghapunan. Hindi na ito nagsalita pang muli kahit kausapin siya ni Mama. Tanging tango at iling lang ang sukli nito sa mga tanong naming sa’kanya.
Payapa na siyang natutulog habang hinahaplos ko ang mga buhok niya. Hindi ko kayang pumunta sa aking silid para matulog dahil gusto ko lang ay bantayan siya.
Natatakot ako!
"Anak?" Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa likod ko. "Tulog na siya, hayaan mo na siyang magpahinga."
Maigi kong tinitigan si Lyra at ang maamo niyang mukha. Hindi ko akalain na ang mala-diwata niyang mukha ay nababalot ng masasamang ala-ala.
"Natatakot ako Mama," mahinang bulong ko.
Nakita ko ang malungkot na mukha ni Mama nang haplusin niya rin ang buhok ko.
"P-paano kung ulitin niya ulit ang ginawa niya noon?" tanong ko at naiiyak na muli. "Kapag sinasabi niya ang katagang baka sumama na siya sa mga magulang niya’… natatakot ako, " dagdag ko pa.
"Shhhhh alam kong hindi niya na ulit uulitin ang bagay na 'yun," bulong ni Mama sa'kin.
"Dapat lang Mama," naluluha kong sabi. "Hindi ko po kaya."
Nabuo ang takot ko nang makita ko siya pagkatapos mamatay ng magulang niyang nagkukulong sa kwarto. Ilang Linggo niya kaming hindi kinausap kahit pa nasa iisang bahay na lang kami. Isang araw nang buksan ko ang kanyang silid ay nakita ko siyang may hawak na lubid at nais niyang kitilin ang kanyang buhay. Simula noon, hindi namin pinabayaan ni Mama na mapag-isa siya at pinaramdam namin kung gaano namin siya kamahal.
Ilang taon naman na ang lumipas at unti-onting umayos ang kalagayan niya.Nagagawa na niyang ngumiti paminsan-misan at tumawa. Kaya labis na lang ang takot ko ngayon na baka maulit ang nangyari noon.
Hindi ko talaga kaya! Natatakot akong mangyari ang bagay na 'yun.
Hindi siya ang babaeng hahangarin kong makasama sa maliit na panahon.Dahil ang gusto ko, habang nabubuhay ako ay makikita ko ang mukha niya. Gusto ko siya makasama sa lahat ng bagay. At kapag nangyari 'yun, wala na akong hihilingin pa.
Matupad man ang mga pangarap ko, kung wala naman siya ay balewala rin ang lahat. Dahil sila ni Mama ang dahilan kung bakit nangangarap ako.
Lumipas ang isang Linggo pero nakita ko naman ang pagsusumikap ni Lyra na maging masaya. Wala siyang ibang ginawa kundi kausapin ako para libangin ang sarili niya. Alam ko kung gaano siya kalakas kaya naman makakayanan niya ito.
Kahit anong laban, alam kong kaya niyang ipanalo.
Para matulungan siya, tuwing gabi ay palagi ko siyang hinaharana dahil 'yun ang kasiyahan niya. Hindi ko pa rin nakikita na suot niya ang singsing pero madalas kapag uuwi ako galing school naabutan ko siya sa labas ng bakuran. Madalas niyang tinitingnan ang bundok habang hawak ang stainless na singsing na nakasabit sa kaniyang leeg.
Isang araw, niyaya ko siyang manghuli ng isda sa ilog. Mabilis siyang pumayag at masaya naming tinungo ang lugar na 'yun.
"Aking Sinta, hindi ako mahihiyang ipabatid ang tunay kong nararamdaman para sayo. Hindi ako magsisising ipaglaban ka kahit kanino!"
Umarte-arte kunwari ako at inisip na ang malaking bato sa ilog ang aking entablado, at siya naman ang audience ko.
Narinig ko ang pagpalakpak niya habang nakaupo siya sa ibang bato.
"Isa kang magaling na aktor, Timoteo!" Umarte rin siya na parang hindi kami close at isa lamang siya sa nanunuod ng teatro na pinagbibidihan ko.
Mabilis akong lumapit sa'kanya at umupo sa tabi niya.
"Ano? Magaling na ba akong aktor?" tanong ko.
Mabilis siyang tumango.
"Bagay na bagay ka sa teatro Tim!" pagpapalakas niya sa aking loob.
"Hays! Excited na akong makag-pagtanghal sa entablado!" Sumilay ang ngiti ko at tumingin sa langit para mag-imagine.
"Kapag sumali ka sa musical theater play, kahit hindi ikaw ang bida manunuod ako.Sa unang pagsampa mo sa entablado nandoon ako."
Nabuo ang labis na saya sa aking loob kaya naman mas lalong lumawak ang aking ngiti.
"Pangako?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "Pangako!" mayabang niyang sabi at parang sigurado talaga siya sa sinabi.
Nginitian ko siya pabalik para ipaalam kung gaano ako kasaya. Kung gaano ko nararamdaman ang tuwa kahit pa sa simpleng pangako at mga salita niya lang.
Walang ibang babae ang nagpaparamdam sa akin ng bagay na 'yun, tanging siya lang.
Ang natatanging si Lyra lang.
___________________________
🦋
"Mr. Toccata?" tawag sa'kin ni Sir Alonzo isang araw habang naglalakad ako patungo sa room. Teacher ko siya sa Literature noong nakaraang taon.Naging paborito niya akong estudyante nang magkaroon kami ng play sa classroom. Ako ang gumanap na bida at sabi niya nagustuhan niya raw ang pagganap ko."Yes sir? Good afternoon po," sabi ko.Huminto ako para hintayin siya. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin nang matapatan niya ako."Kanina pa kita hinahanap," umpisa niya."Ah bakit po?" tanong ko."Fiesta kasi rito sa bayan natin sa susunod na buwan at ang paaralan natin ang naatasan na magperform. Nais nilang magkaroon ng musical theatre play."Lumawak ang ngiti ko kahit pa nagugulat. Excited sa mga susunod niyang sasabihin."Gusto mo bang sumali? Nagkulang kasi ng actor," tanong nito."Talaga po?!" tanong ko at naninigurado.Tumango siya at binigyan ako ng ngiting sigurado. "Pero kailangan mo mag-audition.Sa
"Maraming Salamat Mr. Timoteo Toccata!" nakangiting sabi ng isa sa mga pipili para gumanap sa musical play. Nakangiti akong tumango at umalis sa silid kung saan naganap ang auditon. "Kumusta?" tanong ni Sir Alonzo sa akin. "Ayos lang naman po. Sana matanggap ako!" punong-puno ng pag-asa ang aking tono. Binigyan niya ako ng thumbs up at matamis na nginitian. "Sigurado akong makukuha ka." "Salamat po Sir, sana nga po." Nagpaalam din kaagad ako kay Sir para puntahan si Juancio sa canteen. Kaya nga lang, nakita ko kaagad ang katabi niyang si Lea. Iiwas na sana ako at nagdesisyong solo na lang na kakain kaso lang ay tinawag na niya
Mabilis akong naglakad para makita ang listahan kung sino ang nakapasok sa musical play na gaganapin sa fiesta ng bayan sa susunod na buwan. Nakita kong nag-uumpukan ang mga tao para makita ang pangalan nila sa listahan. "Tim!" malakas na sigaw ni Juancio kaya naman kaagad ko siyang nilapitan. Malawak ang ngiti nito at inalog-alog ang aking balikat kaya kunot -noo ko siyang tiningnan. "Congrats pare!" Sabay yakap sa akin. Natulala ako at hindi nagawang gumanti sa yakap ng kaibigan dahil nahulaan ko kaagad ang anunsyo niya. "Seryso! Nakapasok ka!" sabi niya at inalog ulit ang balikat ko. "Totoo?" tanong ko, naninigurado. "Oo! Tara tingnan mo!" Hinatak niya ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Kahit yata hindi nag-audition ay nakihalo rito. Toccata,Timoteo Gusto kong tumalon dahil nakita ko sa listahan ang pangalan ko. Sa wakas! Pangarap ko 'to!
Kapag ipinikit ko ang aking mata na isa na lamang ang nakakakita, pakiramdam ko nabubuo ang pangarap ko. 'Yung pakiramdam na dadalhin ka ng iyong imahinasyon sa mundo na ang lahat ng pangarap ay natutupad. Ang mundong 'yun ay puno ng kasiyahan at pag-asa. Walang kalungkutan! Walang karamdaman at kapansanan! Walang pagdurusa at kapighatian! Walang nawawala o namamatay! Pero ang mundong 'yun ay hindi napupuntahan ng ating pisikal na katawan. Tanging ang malawak na isipan lamang natin ang kayang makarating doon kapag ginamit natin ang ating imahinasyon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala masarap managinip habang gising ay dah
“Timoteo!” tawag sa akin ni Direk David. Siya ang director sa aming musical theatre play.Puspusan ang practice dahil mga kilala at mayayamang tao ang manunuod. Isa ito sa pinakahinihintay naming break sa mundo ng teatro dahil sa isang sikat na broadway ito gaganapin.“Direk?” mahinang sagot ko habang nakatayo sa gitna ng stage kasama ang ka-loveteam ko sa play.Umiling si Direk bago ako titigan.“Just focus on your role, can you?” medyo iritado na niyang sabi. Tumingin ako sa mga kasamang pagod na pagod dahil ilang beses nang inulit ang scene na ito. Binigyan ko sila ng isang apologetic smile at tumango lamang ang mga ito.“Baka nakakalimutan mong ikaw si Timoteo Toccata!” Gumuhit pa ito ng hugis bahaghari sa ere. “You're one of the most popular theater actor nationwide!” dagdag pa nito. “Huwag mo akong ipahiya!"”Tumango ako at umayos nang pagkakatayo.&nb
“Hulaan mo kung sino ako?” natatawang sabi ko kay Lyra pagkatapos takpan ang kanyang mata na kanina lang ay nakapikit habang bahagyang nakangiti. Bagay na minsan na lang makita sa kanya.“Tigilan mo na yan Tim,” mahinhin niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko para alisin sa kanyang mata. Kakauwi ko lang galing sa paaralan at mahigit dalawang oras ang nilakad ko kaya naman pagod na pagod ako ngayon. Pero tiniis ko para lang mapasaya si Lyra. Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa labas ng aming bakod at nakaharap sa bundok na katapat ng aming bahay.“Ano ang iniisip mo? Bakit naka-pikit ka pa?” tanong ko at tinabihan siya.Huminga siya nang malalim bago ako malungkot na nginitian. “Nangangarap lang,” mahinang sagot niya at inalalayan akong tanggalin ang backpack na dala ko para ilapag ito sa natitirang espasyo ng upuang gawa sa kahoy.“Ano naman ang pangarap na naiisip mo?” tanong ko.
Mabilis akong naglalakad para makauwi kaagad sa aming bahay. Masyadong malayo ang paaralan naming at kinakailangan na hindi ako gabihin."Timoteo!" tawag sa akin ni Juancio kaya naman nilingon ko siya dahil pagod na pagod ito habang sinusundan ako."Oh bakit?" tanong ko."Naks pre! Ang gwapo ah!" compliment niya sa akin at pinasadahan ang buong katawan ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa ginawa niya kaya naman pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili.Kahit mahirap lang kami ay malinis at plantsado naman ang uniporme ko. Nakasuot ako ng black shoes dahil scholar ako ni Mayor hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral at binibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Maayos din ang pagkakasuklay ng medyo may kahabaan kong buhok."Anong meron?" tanong ko dahil wala namang napansing bago sa katawan.Ngiting aso ito habang pinagsusuntok ako at inaasar. "Crush ka raw ng mayaman
Sabado ngayon at hapong-hapo ako dahil sa pag-aararo. Kasalukuyan kaming nasa bukid nila Mama at Lyra. Kailangan naming ayusin ang lupa dahil pagtataniman namin ito ng mani.Mula rito sa kinakatayuan ko, tanaw ko sila Mama at Lyra. Nag-uusap sila at nakaupo sa lilim ng puno para magpahinga habang nakatingin sa akin at paminsan-minsa'y tumatawa nang malakas si Mama samantalang si Lyra ay nangingiti.Tinuloy ko ang ginagawa at ibinigay na lang ang buong atensyon sa ginagawa."Pst! Tim!" tawag sa akin ni Ruby. Ka-edad namin siya ni Lyra at malapit lang ang bahay nila sa amin. Hahatiran niya siguro ang Tatay niya ng pagkain. Tinigil ko ang ginagawa at sinulyapan siya.Nakasuot ito ng maikling bestidang itim at puputok na ang labi sa sobrang pula. Kahit hirap na hirap, pinilit niyang makalapit sa akin dahil nasa kalagitnaan na ako ng pag-aararo sa lupa. "Oh Bakit?" tanong ko.Tuwang-tuwa itong nag-abot ng tubig sa akin kaya kumunot a

"Sino ba 'yun, Tim?" tanong ni Rose habang kapit na kapit ang kamay kay Rex.Inangat ko ang tingin sa kanila. Hindi talaga ako sanay sa presensiya nila dahil hindi ko naman sila close."Si Lyra… kababata ko," malamig na sagot ko habang abala sila sa pagtingin sa parke.Ang gusto ko lang ay makauwi na dahil ayaw ko naman talagang gumala ngayon."Bakit kailangan ka pang kasama umuwi?" Sa pagkakarinig ko, medyo pabebe ang tono ni Lea.Huminga ako nang malalim para magpasensiya. Pero sa kabilang banda, hinahabaan ko ang pasensiya dahil ayaw ko naming maging bastos sa kanila."Obvious naman sa inyong hindi na nakakakita ang isa niyang mata," mahinahon kong sagot."Yeah! Ano bang nangyari sa'kanya?" tanong ni Aya."Nasunugan sila dati. Galing siya sa pag-iigib nang maabutang nasusunog na ang kanilang bahay. Sinubukan niyang iligtas ang magulang niya kaya napuruhan ang mata ni Lyra," sagot ko.Tumango-tango si Lea