Share

Chapter 4

Author: Hisangel
last update Last Updated: 2021-05-10 21:12:20

Sabado ngayon at hapong-hapo ako dahil sa pag-aararo. Kasalukuyan kaming nasa bukid nila Mama at Lyra. Kailangan naming ayusin ang lupa dahil pagtataniman namin ito ng mani.

Mula rito sa kinakatayuan ko, tanaw ko sila Mama at Lyra. Nag-uusap sila at nakaupo sa lilim ng puno para magpahinga habang nakatingin sa akin at paminsan-minsa'y tumatawa nang malakas si Mama samantalang si Lyra ay nangingiti.

Tinuloy ko ang ginagawa at ibinigay na lang ang buong atensyon sa ginagawa.

"Pst! Tim!" tawag sa akin ni Ruby. Ka-edad namin siya ni Lyra at malapit lang ang bahay nila sa amin. Hahatiran niya siguro ang Tatay niya ng pagkain. Tinigil ko ang ginagawa at sinulyapan siya.

Nakasuot ito ng maikling bestidang itim at puputok na ang labi sa sobrang pula. Kahit hirap na hirap, pinilit niyang makalapit sa akin dahil nasa kalagitnaan na ako ng pag-aararo sa lupa.

"Oh Bakit?" tanong ko.

Tuwang-tuwa itong nag-abot ng tubig sa akin kaya kumunot ang noo ko.

 "Dinalhan kita ng tubig. Alam ko naman na kailangan mo yan," malambing na sabi niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo at binaling ang tingin kay Mama at Lyra na ngayo'y parehas nang magka-salubong ang kilay.

"Ah eh-" tanging nasagot ko.

 "Bakit? Malamig yan!" Pilit niyang inaabot ang isang boteng tubig sa akin.

Tinanggap ko na lang ito bilang pag-respeto . "Salamat ah!" sabi ko. "Hindi ka na sana nag-abala dahil may tubig naman ako doon na dala ni Lyra," dagdag ko pa at ngumuso sa pwesto nila.

Huminga siya nang malalim at pasikretong umirap sa hangin.

"Eh! Basta… tanggapin mo na lang." Mabilis niyang sabi at tuluyan nang pumunta sa kanyang tatay na abala rin sa pag-aararo.

Sinulyapan ko si Lyra na ngayo'y nagbabasa na lang ng libro ko at hindi na nag-abalang kausapin si Mama.

 Sa sobrang init, nagdesisyon na lang akong hubarin ang aking t-shirt at inilagay ito sa  balikat para magsimula muli. Nakita ko ang pagtigil ni Lyra sa ginagawa at tiningnan ako habang nakataas ang isang kilay.

Kumaway ako at bahagyang pinagmalaki ang katawan kong batak sa trabaho sa bukid. Umiling na lamang siya at nagbasa muli.

Lumipas pa ang thirty mintues at nagdesisyon akong itigil na ang ginagawa. Lumapit ako sa kanilang pawis na pawis at hindi pa rin sinusuot ang t-shirt.

"Ay nako!" inis na sigaw ni Mama sa akin. "Magsuot ka nga ng damit, nakakahiya kay Lyra!" singhal niya sa akin.

 Nagkibit balikat lang ako at tinitigan ang babaeng hindi pa rin inaalis ang tingin sa binabasa. Parang balewala sa kanya ang presensiya ko.

"Hoy Timoteo!" saway ni Mama sa akin. "Ang sabi ko magsuot ka ng damit dahil nakakahiya kay Lyra!" Sinabi niya 'yun sa mas malakas na paraan.

Nakita ko ang pagtigil ni Lyra sa binabasa at tiningnan ako bago si Mama.

"Ayos lang po Ninang," sagot niya. Natawa ako sa sinabi niya kaya naman gulat ang naging ekspresyon ng aking Ina.

 "Ano Lyra? Ayos lang na nakahubad si Tim?" tanong ni Mama.

Natigil si Lyra at kumunot ang noo. Marahil ngayon lang napagtanto ang naging sagot kanina.

 "Uh-" tanging nasagot niya. Palihim ko siyang tinawanan dahil namumula na siya.

"Maganda yata ang katawan ko Mama para itago no?" pang-aasar ko pa kaya tiningnan ako nang masama ni Lyra.

"Hay nakong bata ka!" Napakamot sa ulo si Mama.

"Hindi na ako bata ma!" naiinis kong singhal.

Umirap na lang si Mama bago tumayo.

 "Oh siya, dito muna kayo may pupuntahan lang ako. Hintayin niyo ako at sabay-sabay tayong uuwi, may kakausapin lang."

Mabilis akong tumango at umupo sa tabi ni Lyra.

"Ano ‘yan?" tanong ko.

Hindi niya ako tinititigan at seryoso lang itong nagbabasa ng libro.

 "Lyra?" tawag ko pero hindi siya sumasagot. "La?Uy!" tawag ko ulit at sinara ang librong hawak niya.

Mahinhin siyang huminga at ibinaling ang atensyon sa akin.

 "Problema mo?" tanong niya at pinasadahan ang katawan kong walang suot na t-shirt. "M-magsuot ka ng damit," utos niya habang nauutal.

 Pinagsalubong ko ang aking dalawang kilay bago sumagot.

 "Bakit naman?" tanong ko. "Kala ko ba ayos lang?" pang-aasar ko.

"B-basta magsuot ka," nahihimigan ang hiya.

 Sinunod ko ang gusto niya. "Nasaan 'yung tubig? Iinom ako," sabi ko.

"Bakit mo pa hinahanap ang dinala kong tubig kung may hawak ka ng malamig." Mas malamig pa ang tono niya sa tubig na hawak ko.

Tinitigan ko siyang seryoso na ulit nagbabasa.

"Eh mas gusto ko yan!" sabi ko pa.

 "Huwag ako!" madiin niyang sabi kaya natawa ako.

"Akin na Lyra!" natatawa kong sabi. Umiling ito at walang kahirap-hirap na kinuha ang tubig sa kabilang gilid. "Arte-arte malamig pa talaga ang gusto," bulong niya pero naririnig ko.

Tahimik akong tumawa at para hindi mahalata tumikhim na lang ako.

 "Ano ba ang binabasa mo?" tanong ko at sinilip ang libro. Pinakita niya rin naman ito at nakita ang ibang scene sa Romeo and Juliet na sinulat ni William Shakespeare.

"Nasaan kaya ang buong kwento nito?" tanong niya sa akin.

"Bakit mo naitanong?" tanong ko.

"Gusto ko basahin nang buo," sabi niya.

Umiling ako kaya naman tiningnan niya ako.

"Bakit?" muli siyang nagsalita.

Ngumuso ako dahil naalala ko ang wakas ng kwentong yan.

 "Masyadong malungkot ang wakas," mahinang sagot ko.

"Dahil namatay sila parehas?" tanong ni Lyra at tumango ako. Nakita ko ang pagsara niya ng libro at tumingin sa malayo. "Mas masakit siguro kapag 'yung isa lang ang namatay tapos may maiiwan. Lalo pa kung 'yung taong mabubuhay ang pinaka-nagmahal," bulong niya.

Ang mukha niya ay parang mangyayari nga sa realidad ang lahat.

"Ibigsabihin mas okay ang naging wakas ng Romeo and Juliet para sa'yo?" tanong ko.

Iling ang nagging sagot niya.

"Hindi naman sa gano’n. Lahat naman ng kwento na ang wakas ay may namatay talagang magbibigay ng sakit sa'yo. Tsaka, sinulat lang naman siguro ang kwentong ito para iparating sa atin kung ano ang kayang gawin ng pag-ibig," sagot niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Naisip ko lang paano kaya kung ako si Juliet?" Muli itong nagsalita habang nag-iisip.

"E'di magiging Romeo ako para sa'yo!" suggestion ko at malawak siyang nginitian.

Ngumuso siya nang titigan ako at dahan-dahang umiling. "Kung sakaling ako si Juliet, huwag mong tatangkain maging si Romeo, " utos nito at ang diin nito sa pagsasalita ay mahahalata mo na may nais siyang iparating.

 Nagtaas ako ng isang kilay. "Bakit naman?" tanong ko. "Ayaw mo ba ako ang maging ka-partner mo?"

Tipid siyang ngumiti.

"Unahin mong mahalin ang sarili mo bago ako. Dahil ang tamang pag-ibig, tama rin ang pipiliing desisyon. At ang tamang desisyon ay ipagpatuloy ang buhay kahit pa masakit ang mawalan ng minamahal," paliwanang niya.

Nakita ko ang malungkot niyang mukha habang sinasabi ang bagay na 'yun. Sa isip-isip ko, bakit niya ba sinasabi ang bagay na ito? Bakit nagdudulot ng kaba sa akin ang mga pinagsasabi niya? Bakit pakiramdam ko, malalim ang ibigsabihin ng mga salitang nanggaling sa bibig niya?

 Kinabukasan ay sama-sama kaming nagsimba nina Mama at Lyra sa bayan. Nakasanayan na namin itong gawin kaya naman kahit maaga, masaya kaming maglalakad patungo sa simbahan. Ilang oras din bago ito matapos kaya naman malapit na ang tanghalian nang makalabas kami sa simabahan.

 Nasa gitna namin si Lyra kapag naglalakad dahil sa kaba na baka mapahamak siya lalo pa at isang mata na lang niya ang nakakakita.

 "Tim!" May tumawag sa akin mula sa likod.

Nakita ko ang mga schoolmates ko. Sa pagkakaalam ko katabing room namin sila.

Palabas pa lang sila ng simbahan at lima silang lahat. Dalawang lalaki at tatlong babae.

Huminto pa kami para hintayin ang mga ito.

 "Tamang-tama nandito ka!" natutuwang sabi ni Rex.

Binati ko naman silang lahat. Sa kabilang banda,nakita ko naman ang pagka-ilang sa mukha ni Lyra nang titigan siya ng mga ito.

 "Uh-si Lyra nga pala-" Hindi na nila pinatapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Ronald.

"Sama ka sa amin! Kawawa naman kasi si Lea oh!" Sabay turo kay Lea na panandaliang nilagay ang mga buhok sa kanyang tenga.

"Wala siyang partner. Awkward lang kapag namasyal kami!" dagdag pa nito.

Nakita ko ang pagtikhim ni Mama kaya naman tiningnan ko siya pero kay Lyra na ito nakatingin.

"Uh-guys kasi-" sabi ko.

"Ano ba kayo guys! Huwag niyo na siyang pilitin. Uuwi na lang ako at hindi na sasama sa inyo," malungkot na sabi ni Lea.

Nakapalda ito at halatang yayamanin dahil sa magara niyang sapatos at damit. Maikli ngunit makikintab ang buhok nito dahil bali-balita sa paaralan na madalas ito magpa-salon.

"Ah gano’n ba? Sayang naman kasi kung hindi ka makakasama." Halatang nagpaparinig si Aya.

"Sama ka na kasi pare!" pagpupumilit ni Rex.

 "Sayang kasi kung hindi siya makakasama," si Aya.

"Pwede naman siguro kayong mamasyal mga hija at hijo kahit walang ka-partner no?" Mahihimigan ang pagka-sarkastiko ni Mama pero pinipilit niyang ngumiti.

"Kailangan kasi namin umuwi kaagad. Hindi pwede magtagal si Lyra sa ma-taong lugar dahil naiilang siya. Isa pa, may dadaanan mamaya si Mama kaya walang aalalay sa kanya hanggang sa bahay," pagdadahilan ko sa kanila dahil 'yun naman ang totoo. Isa pa, hindi ko naman sila close. Kaya nakakagulat na lalapit sila sa akin tapos yayayain ako gumala.

"Ikaw naman ang sasama at hindi siya." Tiningnan pa ni Rose si Lyra mula ulo hanggang paa habang magka-krus ang mga braso sa dibdib.

 "Hey! Ano ba kayo? Okay lang talaga," singit ni Lea.

"Sige na uuwi na lang ako at malungkot na magbabasa mag-isa sa bahay." Gusto yata akong makonsensiya nito.

"Nako!" si Ronald. "Pumayag ka na!" pagpupumilit pa nito, parang hindi nakikita na kasama ko ang Nanay ko.

 Halata ang pagtitimpi ni Mama at nakita kong nakasiksik na lang si Lyra sa'kanya. Talagang nahihiya pa rin siya sa mga tao dahil sa sinapit ng kanyang mata.

"Sige na,mag-enjoy na lang kayo doon. Pasensiya ka na Lea," pagpapaumanhin ko.

 Tiningnan ko siya at nakita ang pamumula ng kanyang pisnge. Kasabay no’n ang pagsilay ng mga ngiti niya na para bang namamangha siya sa nangyayari.

"H-hindi ka ba talaga pwede?" nahihiya pa niyang tanong. Lumakas yata ang loob nang pansinin ko siya. Tsk.

 "Hindi eh. Isa p-" Hindi na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Lyra.

"Tim sumama ka na lang sa kanila. Pagbigyan mo na," sabi nito kaya naman nagulat ako. Tinitigan ko siya at nakita ang hindi maipaliwanag na mukha nito.

 "Oh! Pumayag na!" natutuwang sabi ni Rex at hinatak na ako.

"Anak!" tawag ni Mama.

 "Ma?" naguguluhan kong sabi.

"Hayaan niyo na po siya, Ninang. Kung ako po ang inaalala ninyo, sigurado naman po ako na kaya kong umuwi mag-isa," sagot nito at hinawakan na ang kamay ni Mama para talikuran kami.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Lea pero labis naman ang lungkot ko nang talikuran ako ni Lyra. Parang ang bilis lang sa kanya na pumayag. Bakit ba ako nalulungkot? Eh hindi pa naman niya suot ang singsing, simbolo na hindi pa siya handang samahan ako para hintayin ang tamang pagkakataon. Kinapa ko ang stainless na singsing sa daliri ko at matiyaga silang pinagmasdan na lumalayo. Nakita kong gumalaw ang ulo ni Lyra at tiningnan ako nito.

Tipid siyang ngumiti bago maglakad muli.

"Tara na!" excited na sabi ni Lea at hinawakan ang braso ko.

"Sabi ko na nga ba, makakasama ka!" Tinanggal ko nang marahan ang pagkakakapit niya at muling sinulyapan si Lyra.

Napangiti na lang ako nang makita ang kanyang kamay na nakaposisyon sa kanyang dibdib.

Kahit nakatalikod siya, alam kong hawak niya ang singsing na nakalagay sa kanyang kwintas. Hawak niya ang simbolo na hihintayin ko siya.

 "Tim tara na!" pagyaya ulit ni Lea sa'kin pero hindi ako nagpatinag sa pagtitig kay Lyra hanggang sa maging tuldok na lang siya sa paningin ko.

Related chapters

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 5

    "Sino ba 'yun, Tim?" tanong ni Rose habang kapit na kapit ang kamay kay Rex.Inangat ko ang tingin sa kanila. Hindi talaga ako sanay sa presensiya nila dahil hindi ko naman sila close."Si Lyra… kababata ko," malamig na sagot ko habang abala sila sa pagtingin sa parke.Ang gusto ko lang ay makauwi na dahil ayaw ko naman talagang gumala ngayon."Bakit kailangan ka pang kasama umuwi?" Sa pagkakarinig ko, medyo pabebe ang tono ni Lea.Huminga ako nang malalim para magpasensiya. Pero sa kabilang banda, hinahabaan ko ang pasensiya dahil ayaw ko naming maging bastos sa kanila."Obvious naman sa inyong hindi na nakakakita ang isa niyang mata," mahinahon kong sagot."Yeah! Ano bang nangyari sa'kanya?" tanong ni Aya."Nasunugan sila dati. Galing siya sa pag-iigib nang maabutang nasusunog na ang kanilang bahay. Sinubukan niyang iligtas ang magulang niya kaya napuruhan ang mata ni Lyra," sagot ko.Tumango-tango si Lea

    Last Updated : 2021-07-02
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 6

    "Mr. Toccata?" tawag sa'kin ni Sir Alonzo isang araw habang naglalakad ako patungo sa room. Teacher ko siya sa Literature noong nakaraang taon.Naging paborito niya akong estudyante nang magkaroon kami ng play sa classroom. Ako ang gumanap na bida at sabi niya nagustuhan niya raw ang pagganap ko."Yes sir? Good afternoon po," sabi ko.Huminto ako para hintayin siya. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin nang matapatan niya ako."Kanina pa kita hinahanap," umpisa niya."Ah bakit po?" tanong ko."Fiesta kasi rito sa bayan natin sa susunod na buwan at ang paaralan natin ang naatasan na magperform. Nais nilang magkaroon ng musical theatre play."Lumawak ang ngiti ko kahit pa nagugulat. Excited sa mga susunod niyang sasabihin."Gusto mo bang sumali? Nagkulang kasi ng actor," tanong nito."Talaga po?!" tanong ko at naninigurado.Tumango siya at binigyan ako ng ngiting sigurado. "Pero kailangan mo mag-audition.Sa

    Last Updated : 2021-07-03
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 7

    "Maraming Salamat Mr. Timoteo Toccata!" nakangiting sabi ng isa sa mga pipili para gumanap sa musical play. Nakangiti akong tumango at umalis sa silid kung saan naganap ang auditon. "Kumusta?" tanong ni Sir Alonzo sa akin. "Ayos lang naman po. Sana matanggap ako!" punong-puno ng pag-asa ang aking tono. Binigyan niya ako ng thumbs up at matamis na nginitian. "Sigurado akong makukuha ka." "Salamat po Sir, sana nga po." Nagpaalam din kaagad ako kay Sir para puntahan si Juancio sa canteen. Kaya nga lang, nakita ko kaagad ang katabi niyang si Lea. Iiwas na sana ako at nagdesisyong solo na lang na kakain kaso lang ay tinawag na niya

    Last Updated : 2021-07-04
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 8

    Mabilis akong naglakad para makita ang listahan kung sino ang nakapasok sa musical play na gaganapin sa fiesta ng bayan sa susunod na buwan. Nakita kong nag-uumpukan ang mga tao para makita ang pangalan nila sa listahan. "Tim!" malakas na sigaw ni Juancio kaya naman kaagad ko siyang nilapitan. Malawak ang ngiti nito at inalog-alog ang aking balikat kaya kunot -noo ko siyang tiningnan. "Congrats pare!" Sabay yakap sa akin. Natulala ako at hindi nagawang gumanti sa yakap ng kaibigan dahil nahulaan ko kaagad ang anunsyo niya. "Seryso! Nakapasok ka!" sabi niya at inalog ulit ang balikat ko. "Totoo?" tanong ko, naninigurado. "Oo! Tara tingnan mo!" Hinatak niya ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Kahit yata hindi nag-audition ay nakihalo rito. Toccata,Timoteo Gusto kong tumalon dahil nakita ko sa listahan ang pangalan ko. Sa wakas! Pangarap ko 'to!

    Last Updated : 2021-07-08
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 9

    Kapag ipinikit ko ang aking mata na isa na lamang ang nakakakita, pakiramdam ko nabubuo ang pangarap ko. 'Yung pakiramdam na dadalhin ka ng iyong imahinasyon sa mundo na ang lahat ng pangarap ay natutupad. Ang mundong 'yun ay puno ng kasiyahan at pag-asa. Walang kalungkutan! Walang karamdaman at kapansanan! Walang pagdurusa at kapighatian! Walang nawawala o namamatay! Pero ang mundong 'yun ay hindi napupuntahan ng ating pisikal na katawan. Tanging ang malawak na isipan lamang natin ang kayang makarating doon kapag ginamit natin ang ating imahinasyon. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala masarap managinip habang gising ay dah

    Last Updated : 2021-07-26
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 1

    “Timoteo!” tawag sa akin ni Direk David. Siya ang director sa aming musical theatre play.Puspusan ang practice dahil mga kilala at mayayamang tao ang manunuod. Isa ito sa pinakahinihintay naming break sa mundo ng teatro dahil sa isang sikat na broadway ito gaganapin.“Direk?” mahinang sagot ko habang nakatayo sa gitna ng stage kasama ang ka-loveteam ko sa play.Umiling si Direk bago ako titigan.“Just focus on your role, can you?” medyo iritado na niyang sabi. Tumingin ako sa mga kasamang pagod na pagod dahil ilang beses nang inulit ang scene na ito. Binigyan ko sila ng isang apologetic smile at tumango lamang ang mga ito.“Baka nakakalimutan mong ikaw si Timoteo Toccata!” Gumuhit pa ito ng hugis bahaghari sa ere. “You're one of the most popular theater actor nationwide!” dagdag pa nito. “Huwag mo akong ipahiya!"”Tumango ako at umayos nang pagkakatayo.&nb

    Last Updated : 2021-05-08
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 2

    “Hulaan mo kung sino ako?” natatawang sabi ko kay Lyra pagkatapos takpan ang kanyang mata na kanina lang ay nakapikit habang bahagyang nakangiti. Bagay na minsan na lang makita sa kanya.“Tigilan mo na yan Tim,” mahinhin niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko para alisin sa kanyang mata. Kakauwi ko lang galing sa paaralan at mahigit dalawang oras ang nilakad ko kaya naman pagod na pagod ako ngayon. Pero tiniis ko para lang mapasaya si Lyra. Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa labas ng aming bakod at nakaharap sa bundok na katapat ng aming bahay.“Ano ang iniisip mo? Bakit naka-pikit ka pa?” tanong ko at tinabihan siya.Huminga siya nang malalim bago ako malungkot na nginitian. “Nangangarap lang,” mahinang sagot niya at inalalayan akong tanggalin ang backpack na dala ko para ilapag ito sa natitirang espasyo ng upuang gawa sa kahoy.“Ano naman ang pangarap na naiisip mo?” tanong ko.

    Last Updated : 2021-05-09
  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 3

    Mabilis akong naglalakad para makauwi kaagad sa aming bahay. Masyadong malayo ang paaralan naming at kinakailangan na hindi ako gabihin."Timoteo!" tawag sa akin ni Juancio kaya naman nilingon ko siya dahil pagod na pagod ito habang sinusundan ako."Oh bakit?" tanong ko."Naks pre! Ang gwapo ah!" compliment niya sa akin at pinasadahan ang buong katawan ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa ginawa niya kaya naman pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili.Kahit mahirap lang kami ay malinis at plantsado naman ang uniporme ko. Nakasuot ako ng black shoes dahil scholar ako ni Mayor hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral at binibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Maayos din ang pagkakasuklay ng medyo may kahabaan kong buhok."Anong meron?" tanong ko dahil wala namang napansing bago sa katawan.Ngiting aso ito habang pinagsusuntok ako at inaasar. "Crush ka raw ng mayaman

    Last Updated : 2021-05-10

Latest chapter

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 4

    Sabado ngayon at hapong-hapo ako dahil sa pag-aararo. Kasalukuyan kaming nasa bukid nila Mama at Lyra. Kailangan naming ayusin ang lupa dahil pagtataniman namin ito ng mani.Mula rito sa kinakatayuan ko, tanaw ko sila Mama at Lyra. Nag-uusap sila at nakaupo sa lilim ng puno para magpahinga habang nakatingin sa akin at paminsan-minsa'y tumatawa nang malakas si Mama samantalang si Lyra ay nangingiti.Tinuloy ko ang ginagawa at ibinigay na lang ang buong atensyon sa ginagawa."Pst! Tim!" tawag sa akin ni Ruby. Ka-edad namin siya ni Lyra at malapit lang ang bahay nila sa amin. Hahatiran niya siguro ang Tatay niya ng pagkain. Tinigil ko ang ginagawa at sinulyapan siya.Nakasuot ito ng maikling bestidang itim at puputok na ang labi sa sobrang pula. Kahit hirap na hirap, pinilit niyang makalapit sa akin dahil nasa kalagitnaan na ako ng pag-aararo sa lupa. "Oh Bakit?" tanong ko.Tuwang-tuwa itong nag-abot ng tubig sa akin kaya kumunot a

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 3

    Mabilis akong naglalakad para makauwi kaagad sa aming bahay. Masyadong malayo ang paaralan naming at kinakailangan na hindi ako gabihin."Timoteo!" tawag sa akin ni Juancio kaya naman nilingon ko siya dahil pagod na pagod ito habang sinusundan ako."Oh bakit?" tanong ko."Naks pre! Ang gwapo ah!" compliment niya sa akin at pinasadahan ang buong katawan ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay dahil sa ginawa niya kaya naman pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili.Kahit mahirap lang kami ay malinis at plantsado naman ang uniporme ko. Nakasuot ako ng black shoes dahil scholar ako ni Mayor hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral at binibigay niya lahat ng pangangailangan ko. Maayos din ang pagkakasuklay ng medyo may kahabaan kong buhok."Anong meron?" tanong ko dahil wala namang napansing bago sa katawan.Ngiting aso ito habang pinagsusuntok ako at inaasar. "Crush ka raw ng mayaman

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 2

    “Hulaan mo kung sino ako?” natatawang sabi ko kay Lyra pagkatapos takpan ang kanyang mata na kanina lang ay nakapikit habang bahagyang nakangiti. Bagay na minsan na lang makita sa kanya.“Tigilan mo na yan Tim,” mahinhin niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko para alisin sa kanyang mata. Kakauwi ko lang galing sa paaralan at mahigit dalawang oras ang nilakad ko kaya naman pagod na pagod ako ngayon. Pero tiniis ko para lang mapasaya si Lyra. Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa labas ng aming bakod at nakaharap sa bundok na katapat ng aming bahay.“Ano ang iniisip mo? Bakit naka-pikit ka pa?” tanong ko at tinabihan siya.Huminga siya nang malalim bago ako malungkot na nginitian. “Nangangarap lang,” mahinang sagot niya at inalalayan akong tanggalin ang backpack na dala ko para ilapag ito sa natitirang espasyo ng upuang gawa sa kahoy.“Ano naman ang pangarap na naiisip mo?” tanong ko.

  • THE PAINFUL SERENADE   Chapter 1

    “Timoteo!” tawag sa akin ni Direk David. Siya ang director sa aming musical theatre play.Puspusan ang practice dahil mga kilala at mayayamang tao ang manunuod. Isa ito sa pinakahinihintay naming break sa mundo ng teatro dahil sa isang sikat na broadway ito gaganapin.“Direk?” mahinang sagot ko habang nakatayo sa gitna ng stage kasama ang ka-loveteam ko sa play.Umiling si Direk bago ako titigan.“Just focus on your role, can you?” medyo iritado na niyang sabi. Tumingin ako sa mga kasamang pagod na pagod dahil ilang beses nang inulit ang scene na ito. Binigyan ko sila ng isang apologetic smile at tumango lamang ang mga ito.“Baka nakakalimutan mong ikaw si Timoteo Toccata!” Gumuhit pa ito ng hugis bahaghari sa ere. “You're one of the most popular theater actor nationwide!” dagdag pa nito. “Huwag mo akong ipahiya!"”Tumango ako at umayos nang pagkakatayo.&nb

DMCA.com Protection Status