Bago pumasok si Thessa ng pinto, tumingin ito kay Trixie na nanatili paring nakatayo doon.“Miss Trixie, ito ay usapin sa pagitan naming mga magulang at nang aming mga Anak. Kahit gaano pa kalayo ang narating ninyong dalawa ni Carlo, hindi nararapat na makialam ka sa bagay na ito, tama ba?” wika ni Thessa sa kanya.Si Trixie ay tumingin kay Carlo ng may awa, at may nagtatampo na expresyon sa kanyang mga mata.Nang marinig ang dalawang huling salita ni Thessa, hindi namamalayang kumunot ang noo ni Carlo, at tumingin sa kanya ng may kahulugan. At sa pagkakataong iyon ay hindi na muli nagsalita pa si Thessa.“Ito ay usapin ng aming pamilya,” tugon ni Carlo kay Trixie ng may paggalang. “Trixie, bumalik kana sa kwarto mo at mauna ka nang magpahinga.Pero ayaw palampasin ni Trixie ang pagkakataong iyon, akma niyang hinawakan ang braso ni Carlo, ngunit naunahan agad siya ng Lalaki at ipinasok na si kenzo sa loob ng kwarto.Isinara ang pinto sa harap niya, halos makalimutan nito ang kanyang m
Natigilan si Thessa sa daloy ng kanyang pag-iisip.“Tungkol sa pangangalaga ng bata, ano ba ang pinagsasabi niya?” Bulong sa sarili.Nag-aalangan siyang magsalita nang marinig na naman niya ang malamig na boses ni Carlo, para bang nakagawa siya ng isang bagay na hindi siya mapapatawad.“Thessa, gusto mo bang tawagin ng mga anak ko ang ibang Tatay?”Bago paman ito sumagot ay agad siyang binigyan ng konklusyon, “Huwag munang pag isipan pa!”Thessa: “???” Nagtatakang tumingin kay Carlo.“Hindi ko naman gustong tawagin nila ang ibang tao na tatay, kahit na hiwalay na tayong dalawa ikaw parin ang ama nila, at hindi na yun magbabago pa.” sagot ni Thessa mula sa kanya.Si Carlo ay napahanga sa kanyang mga salita, medyo sensyonal ang pagbigkas ng mga salita nito sa kanya at natigilan ng ilang sandali.Si Carlo ay nag-aalangang tanungin siya: “Kung sasabihin kung gusto mo ang kustodiya ng mga bata, kailangan mo na munang makikipaghiwalay sa kasalukuyan mong asawa?” Nang marinig niya ang tanon
Mahal na mahal ni Thessa ang kanyang mga anak higit pa sa lahat.Tumayo si Carlo at nag-iwan ng isang salita, “Anumang gusto mo.” Pumunta si Carlo sa kwarto at binuhat si Kenzo at Kerby isa-isa sa kanyang mga kamay. Habang papasok na ito, biglang naramdaman niyang may yumakap sa mga binti niya. Ibinaba ni Carlo ang kanyang mga mata, at nagtagpo ito sa mapupulang mata ng batang si Bella.Ang munting batang babae ay mahigpit na yumakap sa mga binti niya, at ang ginto’y parang butil ang bumagsak sa pagitan ng dalawa, at ang lahat ay nagkukus sa kanyang pantalon.“Huwag mong asarin ang kapatid mo.” wika ni Carlo.Inilahad ni Bella ang kanyang mga kamay para hawakan ang kamay ni Kerby, “Kuya,,,” Lumakas nang husto ang di-maipaliwanag na emosyon sa puso ni Carlo nang makita niya ang luha ng munting bata.Si Bella ay tunay na anak ni Thessa, at walang duda dito.Ibinaba ni Carlo ang dalawang bata, lumuhod at pinunasan niya ang mga luha gamit ang kanyang daliri, “Huwag kang mag-alala, hind
Gayunpaman, ang puso ni Carlo ay agad na naantig ng kanyang mga Anak.Matapos dalhin ni Carlo ang kanyang dalawang anak pabalik sa silid upang magpahinga, si Thessa naman ay agad na tinawagan si William at humingi ng tulong upang maghanap ng isang abogado para sa gaganapin na kaso nila ni Carlo.Habang sa kabilang silid naman, si Sofia ay patuloy na nagmamasid sa kanila.Si Thessa ay nakatira lamang malapit sa kwarto ni Carlo, kaya hindi na ito makapaghintay na tanungin kung ano ang resulta ng pinag usapan nang dalawa, ngunit tinanggihan niya muna itong kausapin dahilan sa ang mga bata ay natutulog na.Nang magising ang tatlong bata mula sa kanilang tulog, dinala sila ni Sofia pababa para maglaro, at pagkalabas niya ay nakasalubong niya si Carlo sa kabilang kalsada.Ang dalawang bata na si Kerby at Kenzo ay nakapag palit narin ng kanilang mga damit.Habang si Bella naman, pagkagising ay puno ito ng enerhiya, at tumakbo patungo sa kapatid niyang si Kerby.Masyadong malakas ang momentum
“Ilang taon kana ba, para humawak ng mabigat na bagay?” Malumanay na tanong ni Carlo sa munting bata na Babae.Naramdaman ni Bella na may humawak sa kanyang kahigpitan ng damit, at sa sumunod na sandali, ay biglang umalis ang kanyang mga paa sa lupa.Paano siya lumipad na parang galing sa hangin? Nagtataka sa sarili.Nagulat na lamang si Bella, sinipa ang kanyang maikling mga binti, at tumingin pataas nang may hindi maipaliwanag.“Ahh, ang masamang tiyuhin ko pala ang sumalo saakin”Nang makita ni Carlo na malapit nang mahulog si Bella, ay hindi parin nito binitawan ang malaking unan na nasa kanyang mga kamay. Ang matigas na tingin ni Carlo ay eksaktong kapareho ng kay Thessa, at nagalit siya.“Masyado pa siyang bata, at hinahayaan mo lang siyang humawak ng mga bagay, paano kung mahulog siya?” Matigas na boses ni Carlo.Kakatapos lang non ni Thessa magtayo ng isang tolda kasama ang kapatid na si Sofia, at nang lumingon siya, narinig niya ang isang matigas na boses ni Carlo.Nakita niy
Matagumpay nilang naitayo ang kanilang tolda.Nagsimula nang ilipat ng tatlong bata ang kanilang mga laruan sa loob ng tolda, na parang mga munting sisiw.Si Kerby at Kenzo ay nagpapasa-pasahan ng mga laruan sa labas, samantalang si Bella ay masayang nag aayos ng mga laruan sa loob ng tolda, suot pa nito ang kanyang nakakatuwang makulay na medyas.Nang matapos na sila, ang tatlong bata ay namula ang mga pisngi sa sobrang pagod at init. Kaya't si Thessa ay nagmamadaling kumuha ng tubig para sa kanila, si Trixie naman ay mukhang malungkot at nagtatampo habang hawak ang saranggola. Kumaway siya kay Kenzo at sinabi, “Kenzo, ayaw mo bang magpalipad ng saranggola? Ibinaba na ng tita ang saranggola.” nahihiyang tanong sa bata.Si Kerby ay nagtanggal na ng kanyang suot na sapatos at agad na pumasok sa loob ng tolda, sina Bella naman ay lumingon para tignan ang kanyang kapatid.Si Kenzo, na magtatanggal palang sana ng kanyang sapatos ay biglang napahinto at tinignan ang saranggola sa mga kamay
Makalipas ang ilang minuto ng paglalaro, ang dalawang bata ay napagod.Nang hindi na gaano kainit ang araw sa labas, naisipan ni Thessa na ilabas ang dalawang bata mula sa tolda, nang makalabas ang dalawa, nakita ni Kerby ang mga kaklase niya mula sa kindergarten, agad na humingi ito ng pahintulot sa kanyang ina, at nang pinayagan siya ay dinala niya rin si Bella upang maglaro kasama sila. Ngunit bago sila umalis at maglaro, hinikayat rin nila ang kapatid na si Kenzo.Sandaling sinulyapan ni Thessa ang direksyon nila, at pagkatapos ay mabilis ring umiwas ang kanyang tingin at walang pakialam na nagsabi, “Sana ikasal na ang dalawang ‘yan.” Matigas na boses ni Thessa.Mas maganda kung magkasama na ang dalawa, at magkaroon ng maraming anak. Huwag lang itong makipag-agawan sa Kanya para sa kustodiya ng dalawang bata.Habang si Sofia ay nakaramdam ng pag-aalala: “Thessa, gusto mo ba talagang agawin ang dalawang bata sa kanya? Sa loob ng maraming taon ang pamilyang Davilla ay laging nangung
“Nay!”Si Kerby ay hinahabol ang kanyang kapatid na babae patungo sa kanyang Ina, at si Kenzo ay tumakbo rin palapit. Ang tatlong bata ay uhaw na uhaw na kaya’t pinainom ito ng tubig ni thessa.Nagtataka naman ang ibang pamilya at nakatingin sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala sa malakas na boses na narinig niyang tawag ni Kerby.“Siya ba yung dating asawa ni Mr. Carlo at lihim na ikinasal?” “Siguro ayaw niyang ipakilala ang asawa niya dahil ayaw niyang makita ng iba ang kagandahan niya?” Nagbubulungan ang lahat ng nakakita sa kanila at parang biglang nag kaunawaan.Kung may ganito silang kagandahan sa kanilang pamilya, segurado hindi niya hahayaang makita siya ng ibang lalaki. Nanlamig ang mukha ni Trixie, at ang tingin niya kay Thessa ay parang isang matalim na kutsilyo, handang sumugod ano mang oras. Ramdam niya ang unti-unting lason ng patalim ang tumutusok sa kanyang dibdib sa harapan. Sa harap ng iba, agad siyang nagbigay ng maskara ng kabutihan at kagandahan, pero sa loo
Hinawakan ni Thessa ang maputlang mukha ng mga bata at tiningnan ang pulso nito. Pagkatapos ng ilang pagsusuri, napansin niyang merong kakaiba, biglang nag iba ang kanyang ekspresyon, “Hindi ito ordinaryong pagkalason sa pagkain!” pagtatakang bulong sa sarili.Habang nakatingin si Thessa kay Carlo. Halata ang pag-aalala ng lalaki sa mga anak niya. Nag-aalangan siyang sabihin dito ang mga nalaman niya tungkol sa babaeng kinakasama niya, “Hayaan nalang,” sabi pa nito sa sarili. Naisip ni Thessa na siya na lamang ang bahalang magpa imbestiga.“Pero paano kung may kinalaman nga si Trixie dito?” naisip niya. Baka paborito ng lalaking ito ang kasintahan niya.Nagpadala siya ng mensahe kay Benjamin, hiniling niya rito na kunin ang kuha sa bidyo ng camera sa paaralan sa mga nakaraang linggo, at ipagbigay alam agad sa kanya kung ito ba ay may nakitang kahina-hinala.Dagdag pa niya, na hilingin sa isang tauhan ang patuloy na pagsubaybay kay Trixie at sa pamilya nito, at sabihin sa kanya ng dir
Simula nang malaman ni Thessa na may ginagawang hakbang si Trixie laban sa kanya, nagpasya siyang magpadala ng mga tao para imbestigahan ang dalaga at ang pamilyang nasa likod nito. At sa proseso, natuklasan nito ang mga bagay na hindi kailanman inaasahan.Tungkol naman J’s Laboratory na binanggit ni Trixie….Pinatawag ni Thessa ang kanyang mga tauhan para asikasuhin ang lahat, habang nakasandal ito sa upuan ng kanyang sasakyan at nakapikit ang mga mata.Naisip ni Thessa na kahit papaano ay nakaya niyang makahanap ng mga impormasyon, at bakit si Carlo ay hindi? Tanong pa nito sa sarili.O kaya naman, matapos malaman ay iisipin niya paring hindi ganoong klasing tao si Trixie. Gayunpaman, si Thessa ay nakauwi na at tulog ng nadatnan ang anak niyang si Bella.Nang matapos itong mag ayos, ay humiga na rin siya sa tabi ng kanyang anak, at unti-unting kumalma ang kanyang puso.Kanibukasan, isang nakakagulat na balita ang kanyang natanggap.Dahil sa pagkalason ng pagkain, ang dalawang bata
Hindi niya maintindihan kung bakit sila magkasama ni Riverra, tulad ng hindi niya maintindihan kung bakit iniwan ni Thessa ang asawa’t anak niya at nag pupumilit na makipaghiwalay.Ang pagdududa ni Carlo ay parang matalim na kutsilyo, na tumutusok sa kanyang puso.Habang nakatitig si Thessa sa kanyang perpekto at gwapong mukha, ang mapait na ngiti nito ay hindi umabot sa kalaliman ng kanyang mga mata.Tinatanong niya ang kanyang sarili, bakit nga ba niya inihagis ang sarili sa lalaking ito? Dahil ba sa mukha nitong napakaganda na kaya nitong mapamahal sa isang tingin lang?Paulit-ulit niyang pinag-isipan sa kanyang puso, ngunit sa huli ay wala siyang maisagot.Tatlong minutong natahimik ang dalawa.Tumingala si Thessa sa kanya at ngumisi, “Ano naman ngayon? Trabaho ko ito, may kinalaman ba ito kay Mr. Carlo?” Sagot niya sa lalaki.Hindi makapaniwala si Carlo sa kanyang narinig.Tinitigan niya ang magandang babae sa harap niya at taimtim na tinanong, “Trixie, alam mo ba ang sinasabi mo
Hindi na nga ikinagulat pa ni Thessa ang isasagot ng lalaki sa kanya, dahil ganoon din ito nung una.“Paano nga kung siya?” mapang-asar niyang sinabi.Si Carlo ay natahimik ng matagal bago ito nakapagsalita, “Ngunit wala siyang dahilan para gawin ito.” sagot niya pa kay Thessa.Ang mga salita ng lalaki ay parang isang baldeng tubig na malamig at puno ng yelo, na siyang pumapatay sa apoy na puso ni Thessa, mabuti nalang at ito'y nakapaghanda.Tumango siya sa lalaki at marahan niyang sinabi, “Naniniwala ka nga sa kanya.”Akmang magsasalita na sana siya, ngunit hindi ito binigyan ng pagkakataon na magsalita ni Thessa, at tinalikuran siya papasok ng bahay.“Isasama ko ang mga bata sa White house ngayong linggo, at hindi muna Kailangan pumunta pa.” tugon ni Thessa sa kanya.Sa bakuran, nanatili si Carlo, ang mga mata'y nakatuon kay Thessa sa loob ng bahay, kitang-kita niya ito sa malinaw na salamin ng sala, masayang naglalaro sa kanyang tatlong anak, ang lambing sa mukha ni Thessa ay talag
Isinalaysay ng kasambahay kay Thessa ang tungkol sa dalawang anak na naninirahan sa kanyang silid-tulugan. Hindi lang iyon, binanggit din nito si Carlo na palaging sumasama sa kanilang hapunan, at bago umalis ay sinisigurado ang maayos na pagtulog ng mga anak, parang isang karaniwang pangyayari na lamang sa kanila ang ganoong set-up.Pagsapit ng gabi, ng makauwi si Thessa ay oras na ng hapunan, ang buong bahay ay tila nag hihintay sa kanyang pagdating.Nang marinig ang ingay ng pinto, agad na lumingon sina Kenzo at Kerby na abala sa paglalaro ng blocks sa sala. Madalas na mangyari iyon sa mga nakaraang araw, ngunit isang pangkaraniwang eksena na.Sa pagkakataong iyon, nakita na nga ng dalawang bata ang matagal na nilang inaasam-asam.Sabay na tinawag nina Kenzo at Kerby ang kanilang Ina, “Nanay!” Napahinto ng ilang sandali si Thessa habang nagpapalit ng sapatos, tumingin ito sa dalawang bata na may mga matang nanlalabo, ginalaw niya ang kanyang mukha palayo para punasan ang mga luha,
Habang naiisip ni Thessa ang pulang marka sa leeg ng lalaki, biglang sumama ang kanyang mukha na dati’y banayad. Ang pagka suklam na namuo sa pagitan ng kanyang mga kilay, ay kumalat sa kanyang buong katawan at parang nadumihan na sa kanyang tingin ang suot nitong damit.Inalagaan ni Thessa ang kanyang anak na babae buong magdamag, at kinalangan pa ang ibat-ibang gamutan para bumaba ang lagnat nito.Sa sobra nga nitong pag-aalala sa anak, halos hindi na namalayan ni Thessa na lowbat na pala ang cellphone niya, nang muli nga niyang mabuksan ito ay saka lang niya nakita ang mga litratong ipinadala ng kasambahay.Nakita rin niya ang mensahe na ipinadala ng kanyang anak na lalaki na si Kerby, akmang sasagot na sana siya ng biglang boses ng lalaking sekretarya ang nagmamadaling sabi, “Propesor Thessa, gising na po si Bella “ At nagmamadaling bumalik si Thessa sa silid ng laboratoryo.Habang naglalakad ay nagpapadala ito ng isang mensahe, “Ang bata ay nasa pamilyang santiago na, at dahil
Pagkatapos putulin ni Thessa ang tawag, hindi na ito nagpakita pa sa pamilyang Davilla.Ipinagkatiwala niya sa kanyang abogado ang tungkol sa diborsyo, lalo na ang usapin ng kustodiya ng mga anak. Nagkaroon sila ng matagalang pagtatalo, hindi gusto nito na makuha ang kalahati sa yaman na ibibigay ng pamilyang Davilla, at dalhin ang dalawang anak, ngunit hindi siya pinayagan ni Carlo.Sa huli ay sumuko rin siya.Kinuha niya ang pera na ibigay sa kanya ng pamilyang Davilla.Ngunit nalaman ng sekretaryang si Dylan na iniwan niya lahat iyon para sa dalawang anak. Kapag ito ay nagbibinata na, maaari nilang kunin lahat ng pera at mga ari-arian.Sa limang taon kasal nilang pagsasama, walang siyang ibang dinala para sa kanyang sarili.Huling beses na nagkita sina Carlo at Thessa, ay nang kunin nila ang papeles ng diborsyo sa Civil Registry Office. Nang makita niya ito ay sobrang payat na at namumutla, parang kakagaling lang sa malubhang sakit.Gayunpaman, pagkatapos makuha ang papeles ng dibo
Sa sandaling narinig niya na walang laman ang sasakyan, at walang kahit na sinong tao ang nasa loob ng sasakyan.Ang mga nerbyos ni Carlo ay biglang lumuwag at muli itong nawalan ng malay.Dylan: “Boss, Carlo!!!” sigaw ng sekretarya.Bandang hatinggabi na naman nang magising muli si Carlo.Ang mga damit nito ay basang-basa ng pawis, itinapon niya ang kumot at tumayo, agad na pumasok ang bodyguard matapos marinig ang ingay galing sa loob, ngunit pinakawala niya ito, pagkatapos maligo ay maayos itong nagpalit ng damit.Naka upo si Carlo sa isang sofa sa kwarto ng ospital na para bang walang malay.Madilim ang kanyang silid, tanging ang liwanag ng buwan lamang sa may bintana ang siyang nagbibigay ilaw, isinandal niya ang ulo sa may sofa, habang nanlalabo ang mga mata, at tahimik na nakatingala.Pagsapit ng umaga, agad siyang pinuntahan ng kanyang sekretarya na si Dylan, nadatnan siya nitong nakatulog sa may sofa, at walang kumot na dala.Ginising niya ito at sinabi, “Boss Carlo, tinignan
Biglang naningkit ang maitim na mga mata ni Carlo,”Hinto!” mariin niyang utos sa driver. Nais rin sana ng dalawang bata na bumaba ng sasakyan pero pinigilan sila ng kanilang Ama, “Dito lang kayo sa sasakyan, si Tatay na ang pupunta.” kalmado niyang sinabi habang hinahaplos ag ulo ng mga bata. “Magpakabait kayo.” Bilin pa nito sa dalawang bata.Ilang saglit ay mabilis na naglakad si Carlo papunta sa lugar ng aksidente. Maraming tao ang nagkukumpulan at nag bubulungan.“Grabi naman ito!” “Nabangga ng truck yung kotse! Imposible na may nakaligtas doon, kawawa naman! Ang ganda-ganda pa naman ng sasakyan, tapos ma mababangga na lamang bigla.” Ilang boses ang maririnig sa mga taong naroon.“Kawawa naman ang pamilya ng may-ari ng kotse na iyan.” Naisip ni Carlo ang mukha ni Thessa kanina, at ang maliit na batang si Bella na nakayakap sa mga bisig niya, biglang nanikip ang dibdib niya.Napangiwi si Carlo, napaatras ito ng dalawang hakbang at mabilis siyang inalalayan ng mga bodyguard sa li