CHAPTER 38THE MAN WHO BREAKS MY HEARTDinouble check ko ang bag ko kung pinasok ko ba ang listahan ng mga bibilhin ko para pasalubong ko sa mga mahal ko sa buhay lalo na ang mga kambal. Sobrang namimiss ko na sila kaya hindi na ako makapaghintay na makatapak ulit ng Maynila pagkatapos naming maglunch.Maaga akong nagising para nakapaghanda at nung kumatok ako sa kwarto ni Ryker ay walang sumasagot, malamang tulog pa iyon dahil sa pagod kahapon. Ganun din siguro ang dalawang magkasintahan sa kabilang kwarto.Ngayon ako mamimili dahil wala akong nakitang pwede mai regalo sa mga anak ko kahapon. Meron naman pero nga souvenir lamang kung saan kami nakarating nitong mga nakaraang araw, like t-shirts at mga bracelet. Hindi naman mahilig ang mga bata sa bracelet dahil meron na sila. Tenext ko muna si Ryker para alam niya na aalis na muna ako. Handa na ang mga gamit ko para mamaya. Wala na akong problema. Kaya bago mag lunch nakarating na ako sa hotel na ito. Sana marami na ang bukas na ti
CHAPTER 39THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Are you sure na dito kita ibababa? Baka, ano pa ang mangyari sayo dito, Miss Corpez." Tukoy ng boss ko sa building niya na kung saan ako bababa. Nakarating na kami ng Maynila galing sa Cebu at hapon pa naman kaya dito na ako nagpahatid sa kanya. Susunduin ako ni Caloy gamit ang jeep ng kanyang tatay. "Yeah, may magsusundo sa akin sir kaya huwag po kayong mag-alala, makakarating pa ako ng bahay na buhay." Sabi ko na lang at ng matahimik na siya. Kanina niya pa laging tinatanong."Kung sinabi mo lang ang address mo, di sana nandoon ka na." Mahinang bulong niya pero narinig ko naman. Hindi kasi pwede na ihatid niya ako sa bahay o di kaya kahit sa may kanto man lang namin at baka magkita sila ng mga bata. Wala siyang pakialam, parang wala lang sa kanya yung nangyari dati sa amin.Gusto ko siyang sukmatan, gusto ko siyang kamuhian pero isa lang ang pumipigil sa akin at ito ang mga bata. Ayokong makagawa ng desisyon na nakakasira sa pamilya ko lalo
CHAPTER 40THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Anong nangyari sa inyo at parang nakakita kayo ng multo o diwata?" Tanong ko kina Annalisa, Lanie at Lorna, pagkarating ko ng office, nasa lobby sila nakatambay at ganyan ang mukha na bungad nila sa akin. "Ay iba din, pumunta ka lang ng Cebu, pero ang fresh mo paring tingnan, Aubree. Kahit medyo naging tan ang skin mo. Wait, akala ko ba business trip ang pinuntahan niyo roon pero bakit parang naligo siguro kayo sa dagat." Puna ni Lorna sa akin, fair complexion kasi ako kaya dahil sa activities namin sa Cebu at nagkaganito ang balat ko. Inangat ko naman ang braso ko at nakita nga na namumula ito.Kinuha ko ang log book bago sila sinagot. "Yung mga huling araw kasi ay hindi sumipot ang kaibigan ni Ry… I mean ni sir Sullivaño kaya ayon isinama nila ako kasama ang kaibigan niya na pumunta sa kilalang tourist spot sa Cebu. Sayang naman kung tanggihan ko pa na minsan lang naman akong makapunta doon at baka wala ng next time, isa pa libre. " Paliwa
CHAPTER 41THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Wait, Ms. Corpez-""Ano ba!?" Hinablot ko ang braso ko sa pagkahawak niya. Natigilan ang ilang mga ka officemate ko kasama na sina Lanie, Annalisa and Lorna dahil sa inasal ko sa boss namin na nasa harapan ko. Nakakunot ang noo niya na nakatitig sa akin at mamaya pa ay dinala niya ang kanyang mga daliri sa ulo niya para suklayin ang buhok pero nauwi lamang ito sa sabunot."Kilala mo ba ako? Like, matagal mo na ba akong kilala? It looks like… you know everything about me, doesn't it? I tried to remember everything pero walang lumalabas sa utak ko." Nagtiim bagang ako dahil sa tanong n'ya."Ganun ba, Mr. Sullivaño? Wala kang naalala?" Umiling siya sa tanong ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Anytime, parang may gustong lumabas na alaala na naman tungkol sa kahapon ko. "Then, mas mabuting kahit kailan, wala ka na lang maalala. Dahil alam mo kung bakit? Dahil kahit kailan hindi kita mapapatawad kahit lumuhod ka pa sa harapan ko." Wika ko at n
CHAPTER 42THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Anak, may problema ba?""Papa," umusog ako sa pag-upo para makaupo si papa sa mahabang upuan namin na kahoy sa labas ng bahay namin na mini garden."Wala naman po." Sabi ko na lang."Anak kita, nararamdaman kita kahit hindi ko alam kung ano ang nasa isipan mo pero alam ko na may bumabagabag ngayon sa iyong isip. Pwede mo naman akong kausapin, makikinig ako." Aniya habang hinahaplos ang balikat ko. "Papa… " nilagay ko ang ulo ko sa balikat ni papa. Nasa loob si mama at nagluluto ng lunch. Hindi muna ako pumasok ngayon sa opisina dahil kahit ngayong araw lang muna ay ayokong makita si Ryker."Papa– ""Hmm.. ""Kung sakali po halimbawa…kapag dumating ang panahon o araw na gustong makilala ng mga anak ko ang kanilang tunay na ama ay hindi ko po alam papa kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako." Pag-amin ko."Natatakot ka saan?""Na baka kukunin niya sa akin ang mga bata papa, natatakot ako na kukunin niya sakin ang karapatan ko sa mga anak ko." Sa
CHAPTER 43THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Bye bye mama. Take care po. We love you." Wika ni Freya sa akin. Walang pasok sa school nila kaya nandito sila sa bahay ngayon."Bye baby, see you later okay. Behave kayo ni kuya sa bahay at huwag mag pasaway kay mama and papa and of course-""Don't talk to strangers.""Tama, call Lola mama o di kaya si lolo papa. Huwag sasama sa hindi mo kakilala ha." Paalala ko sa mga bata. Ganito ang lagi kong habilin kapag wala ako sa tabi nila. Mahirap na kasi sa panahon ngayon hindi mo na alam kung sino ang mabuti, at sino ang gagawa pa lang ng masama kahit kilala mo pa."Yes mama, thank you po." Aniya at humalik ulit siya sa pisngi ko at ako naman ay pinugpug ko siya ng maraming halik sa kanyang mukha kaya bumungisngis ito ng tawa si baby Freya ko dahil sa nakikiliti."Puntahan natin si kambal para makapag paalam na ako at baka ma late ako sa office." Sabi ko at sabay kaming pumanhik sa kwarto na magkahawak ang kamay ng anak ko. Iniwan ko muna sa sala ang
CHAPTER 44THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Hi–" halos pabulong niya na bungad sa amin. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa bata. Walang reaksyon ang anak ko, magkahawak kami ng kamay, nagtataka siguro na may kausap ako. "Si–sir Ryker," halos walang lumalabas na tunog sa bibig ko. Ramdam ko ang kaba sa dibdib dahil sa hindi inaasahan na pagkikita ng mag-aama. He looked down again to see Freya habang kunot-noo. Hawak niya pa rin sa kanyang kanang kamay ang teddy bear at may isa pang naka paper bag.Inangat niya ang tingin sa akin. "A-anak mo?" Dahan-dahan akong tumango at ganun din ang ginawa niya na parang naiintindihan niya ang sinabi ko. "You have a child." Ulit niya pero hindi patanong.Ngayon ko na ba sasabihin? Ngayon ko na ba siya ipakilala sa tunay niyang ama. For five years turning 6 years ay sapat na ba ang taon na makilala niya ang kanyang ama na ngayon ay nasa harapan ko na?"How old is she?" Halos hindi ko na malunok ang sarili kong laway dahil sa sobrang nanginginig
CHAPTER 45THE MAN WHO BREAKS MY HEARTUmaga palang parang ayoko pang pumasok sa office. Tinatamad ako pero kailangan magtrabaho lalo at malapit na ang sahoran. Kailangan mag sipag para makuha ang sahod.Dali-dali akong pumasok sa lobby at nagmamadaling pumunta sa reception table para maglog-in ng pangalan. Late na akong pumasok eh mag-alas dyes na ng umaga. Tamad kasi akong bumangon, tulala lang habang nakatingin sa kisame namin. Maraming iniisip hanggang naisipan na lang na pumasok dahil wala naman akong rason para mag leave at wala naman akong sakit. "Nandiyan na ba si boss?" Tanong ko sa receptionist."Oo kanina pang alas-otso, Miss." Aniya."Ganun ba? Hinahanap kaya ako? Sige, salamat." Wala na akong ginawa kundi lakad-takbo patungo sa elevator at ng makarating sa harap ay pinindot ko ang up button. Pagbukas ay bigla akong nagulat na makita ko si Ryker sa loob ng lift habang nakatayo at nakapamulsa. Magkasalubong ang kilay kanina pero nung nakita ako bigla na lang naging maamoy
SPECIAL CHAPTER PART 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Don't worry kahit may lumalapit sa amin na afam hindi namin hinayaan na makalapit sa amin dahil sa tindi ba naman ng mga bodyguard niyo." napapailing ko na sabi. Kung alerto ang mga bodyguard namin sa lakad papuntang Disneyland, what more pa kaya kung ang mga asawa namin ang kasama at nagbabantay, baka may pasa na ang mga afam kung namimilit na magpakilala sa amin. “Good and I miss you so much. You owe me something for being away from me for three days.” Kinurot ko ulit ang matangos niya na ilong, “I know and I'm ready," sabi ko sabay kindat kaya mas lalo niya pa akong idiniin sa katawan niya habang hinahaplos ang bewang ko.He smirked at me. “Gusto mo umpisahan natin ngayon para maka round ten tayo-" kinurot ko ang tagiliran niya kaya napadaing siya. “What? Kaya ko ba? Inaantok kaya ako at isa pa may mga bata.” Sabi ko kahit alam ko na may sagot na siya sa tanong ko. “Baka nakalimutan mo na pinaayos ko na ang kubo kung saan ta
SPECIAL CHAPTER Part 01THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNilagay ko ang bulaklak at kandila sa tabi ng lapida niya, hinaplos ko ang pangalan na nakaukit doon at binasa ng paulit-ulit at pagkatapos ay nagdadasal na muna ako para sa kanyang kaluluwa.“Hi! Ilang taon na ba ang lumipas, matagal na pala ano? Kumusta ka na? Ayos ka lang ba diyan? Alam mo bang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nariyan ka na. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita ulit sa puntod mo. Busy kasi sa trabaho ko at sa mga bata. Alam mo ba, bumisita ako sa paaralan natin dati? Ganun pa rin, siguro ang nagbago lang ay may bagong estudyante at mga guro, may binago lang sa kulay ng classroom pero ganun pa rin kung ano noon na nag-aaral pa lang tayo. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana ngumingiti ka pa rin, tulad noon. Kung paano kita nakilala dati ay sana ganun ka pa rin. Walang pagbabago, I miss you. Kung darating man ang panahon na isa na akong katulad mo ay sana magkita tayo muli, hindi man na
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 05THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Ryker!"Bakit ang sakit? Bakit kapag binabanggit niya ang pangalan ko ay unti-unti akong nasasaktan? Dahil ba tama ako, na matagal ko na siyang kilala at hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikilala? Ganito ba talaga ang pagmamahal? “Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabi na hindi ka pala nakakaalala? Bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban noon? Masaya na sana tayo ngayon. Ang bilis mong sinukuan kung anong meron tayo. Dahil kung ako ‘yon? Kayang-kaya kitang ipaglaban kahit pilitin mo akong mahalin ang iba.”Habang sinasabi ng kaharap ko kung sino ako sa buhay niya ay biglang sumaya ang puso ko dahil tama ang nasa panaginip ko na may tao na akong minahal dati pa. Pero ayokong pilitin ang sarili ko na makaalala sa buong pagkatao ko dahil kuntento na ako sa sinabi palang ni Aubree ay siguradong-sigurado na ako sa kanya na may nakaraan kami. Na mahal niya ako at mahal ko siya, isang bagay na lang ang hinihilin
Ryker Matt Sullivaño POV 04THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakatulala lang ako habang pinagmasdan ang sekretarya ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit niya para nakafocus lang ako sa kanya. Kung bumaling siya sa akin ay umiiwas naman ako. Isa lang ang hindi ko maintindihan, everytime na nakikita ko siya, may nakikita akong galit sa kanyang mga mata at pagkadismaya sa hindi ko malaman na dahilan at kung pipilitin ko ay saka naman sumasakit ang ulo ko at kapag pinilit kong makaalala ay matatagpuan na lang akong wala ng malay.Kapag nakikita ko syang nagsusungit sa akin parang matagal niya na akong kilala at matagal ko rin siyang kilala pero kahit anong pilit ko ay nauwi lagi sa sakit ng ulo.Gayunpaman, simula na nagpakita siya sa akin ay ginawa ko pa lalo ang lahat para mapalapit sa kanya kahit pakiramdam ko, kung nakakamatay lang ang titig niya ay matagal na akong humimlay.Siguro, ang isa sa masayang araw na nangyari sa akin ay nagkaroon kami ng business trip sa Cebu, dahi
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 03THE MAN WHO BREAKS MY HEART Nangako ako na pagkatapos ng graduation ay papakasalan ko si Aubree pero hindi ko alam kung paano gagawin lalo at may kaibigan akong naghihintay sa kanya. Pauwi ako, bigla na lang akong bumagsak sa semento dahil sa biglaang pag suntok ni Sebastian.“Gago ka, sinasabi ko na nga ba na may namamagitan sa inyong dalawa." Nanggagalaiti niyang duro sa akin. Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ang bibig kong duguan at nakangising tumingin sa kanya.“Gusto ko siya, simula pa lang pare, I'm sorry."“Sorry! Sorry lang? Tangina naman pre, marami naman diyang iba, bakit siya pa? I told you that I liked her. I fucking told you na sasabihin ko sa kanya after ng graduation natin, pare, pero anong ginawa mo? Tangina.”"Hindi ko rin alam, patawad. Isa lang ang alam ko, minahal ko siya pare, minahal ko siya simula pa lang. Kung hindi mo man masabi ang nararamdaman mo then patas lang tayo, siguro tadhana lang din ang naghanap ng paraan,” Napa
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Sino ‘yon pare?" Tanong ko ulit dahil gusto kong manigurado. Sana hindi totoo-“Si Aubree Lynn, and I think she likes me too, narinig ko kasi ‘yon sa isa sa kaklase niya. Of course, ayokong minamadali dahil lang sa nalaman ko na gusto niya ako ay agad ko rin siyang liligawan, maybe after ng graduation natin sa college, what do you think, pare?’’ hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa dami-daming estudyante, bakit siya pa? Bakit ang crush ko pa. The moment na sinabi niya na gusto niya si Aubree, I realized something, minahal ko na pala ang isang Aubree Lynn, matagal na pero dinadaan ko lang sa pikunan at asaran para mainis s'ya sa akin. Pero tangina, kaibigan ko ito eh, paano ko ba sasabihin na kung pwede iba na lang.Hanggang dala-dala ko ang bagay na yan sa pag-uwi at pagtulog, mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita sila na magkasama at masaya. Sila na kaya? Fuck! Late na ba ako?Dahil sa inamin ng kaibigan ko, parang m
EPILOGUE RYKER MATT SULLIVAÑO POV 01(Mature Content)“Tama na yan pare, napuruhan na yata." Awat ni Sebastian sa akin.“Gago tol, hindi pwede, sila ang nanguna eh. Isa na lang, titigil na ako. Gago pare, nagtawag pa nga yung isang panot ng kasamahan." I smirked kasi nakakatanga nga naman. Kung sino na siga ang una na nag-aamok ng away tapos ngayon ayaw makipag laban ng patas. Nagtawag pa nga ng isa pang kasamahan. “Okay, pagkatapos nito uuwi na tayo at baka mapagalitan ako ni mama." Saad ng kaibigan ko since high school. Kami na lang talaga na dalawa ang magbarkada ang naiwan ngayon. Meron pa kaming mga kasamahan pero nakauwi na si Alberto at si Albert, hindi namin inaasahan na haharanangan pa kami ng mga gago na’to.Tatlo lang sila at nakipagsuntukan na ang dalawa at akala ko yung isang panot ay na takot kaya tumakbo na lang, iyon pala naghanap ng recruit. Iba rin. Mga ka schoolmate namin ito noong highschool na hanggang ngayon may atraso pa rin sa amin, sila ang may atraso, sil
CHAPTER 65THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNapabalikwas ako ng gising dahil sa masamang panaginip. Agad akong tumayo at kumuha ng tubig at pinakalma muna ang sarili ko bago uminom. Sinilip ko ang mag-ama at mabuti naman sila kaya naginhawaan ako.Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yon? Bakit sobrang sakit? Madaling araw pa lang. Natutulog pa ngayon sina mama at Freya sa sofa at mabuti na lang na malapad ang hinihigaan nila kaya nagkasya sila. Sinabi ko kay may mama na umuwi na lang muna pero ayaw niya talaga, buong maghapon rin na narito ang mag-asawang Sullivaño pero dahil sensitive ang ina ni Ryker kaya sa hotel ulit sila nagstay, ayaw naman sumama ni Freya sa kanila dahil nahihiya raw at gusto niya na kapag magising ang kapatid niya ay siya agad ang nakikita nito. Hindi na rin siya pumasok sa school hangga't wala ang kanyang kambal at mabuti na lang pumayag ang guro nila. Pagkatapos kong kinalma ang sarili ko tiningnan ko muna si Maynard na hanggang ngayon ay hindi pa rin na
CHAPTER 64THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Hoy pare, akala ko ba engagement party ang pupuntahan namin? Bakit ka nariyan? Pambihira oh, gising.” Boses ni Edziel ang nagpagising sa diwa ko. “Gising na oh, may pa lechon ka pang pinaluto sa akin, lima yun pare wala pang bayad. Malapit lapit one million yon.” Si Douglas."Ha? Ganun ang presyo ng lechon mo? Hindi na ako bibili oy-” si Carlos. "Gagi, pampagising lang, malay mo biglang umupo para magbayad.”"Ahh…" Sabay-sabay na tango ng mga sampung mga kalalakihan. Mga baliw talaga. “Hello, Aubree sorry dumaan kami dahil narinig namin ang balita. Kagabi pa sana kaso sabi ng bantay sa labas na huwag muna dahil kailangan ng pahinga.” Sambit naman ni Lance kaya tumango ako.Nakatulog pala ako habang nakaupo sa maliit na plastic chair habang magkahawak ang kamay namin ni Ryker. Sinilip ko ang anak ko sa kabilang bed na kung saan naroon si mama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin silang dalawa ni Ryker at hindi man lang nagising simula pa kahapo