CHAPTER 45THE MAN WHO BREAKS MY HEARTUmaga palang parang ayoko pang pumasok sa office. Tinatamad ako pero kailangan magtrabaho lalo at malapit na ang sahoran. Kailangan mag sipag para makuha ang sahod.Dali-dali akong pumasok sa lobby at nagmamadaling pumunta sa reception table para maglog-in ng pangalan. Late na akong pumasok eh mag-alas dyes na ng umaga. Tamad kasi akong bumangon, tulala lang habang nakatingin sa kisame namin. Maraming iniisip hanggang naisipan na lang na pumasok dahil wala naman akong rason para mag leave at wala naman akong sakit. "Nandiyan na ba si boss?" Tanong ko sa receptionist."Oo kanina pang alas-otso, Miss." Aniya."Ganun ba? Hinahanap kaya ako? Sige, salamat." Wala na akong ginawa kundi lakad-takbo patungo sa elevator at ng makarating sa harap ay pinindot ko ang up button. Pagbukas ay bigla akong nagulat na makita ko si Ryker sa loob ng lift habang nakatayo at nakapamulsa. Magkasalubong ang kilay kanina pero nung nakita ako bigla na lang naging maamoy
CHAPTER 46THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Ganun ba? Ikaw? Ano ang gusto mo?" Tanong ni mama sa akin.Napabuntong-hininga ako at inilagay ko ang siko sa ibabaw ng lamesa namin habang naghihintay na maluto ang sinigang na niluluto ni mama. Linggo ngayon at kakarating lang namin galing sa simbahan kasama ang mga bata na ngayon nasa kwarto at nagbibihis ng pambahay. Hindi na muna kami namasyal dahil gusto ng mga bata na dito na lang mag stay sa bahay kaya naisipan namin na mag bangus sinigang sa miso ngayong tanghalian."Isasama ko talaga si Freya mama?" Sabi ko. Magbibirthday raw ang anak sa isa sa kaibigan ni Ryker kaya para makadalo siya sa party ay may dala dapat siya na bata. Really? Eh huwag na lang siyang pumunta dahil wala naman siyang bata na madadala. Pero hindi raw tatanggapin ng pamilya na nag bibirthday ang gift niya kung hindi pumunta roon na walang kasama. "Iba din pala ang trip ng mga magulang na yan ha. Kung bukal sa'yo na dalhin ang isa sa anak mo then ikaw ang masusun
CHAP 47THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Baby, help me Ryker! Pinagtulungan nila ako." Sus, kung hindi ba naman nauna hindi ka pinagtulungan. Mag-isa ka lang, marami akong amazona kahit hindi ko sasabihin sa kanila na tulungan ako ay kusa akong tutulungan ng mga yan."Hala sir, siya po ang nangunguna sir, pinagtanggol lang namin si Aubree namin," saad ni Lorna sa lalaking kakarating lang habang nakapamewang na nakatingin sa amin, at nang nagtama ang mga mata naming dalawa. I saw how worried he is habang papalapit siya sa akin. Sa sobrang gulat ko, napasinghap ako na agad niya akong binuhat kaya hindi na ako nakapag reklamo. Para akong lutang sa mga oras na ito. "Omg, Ryker, how about me?" Lumingon si Ryker kay Miss Higad I mean Grachia? Garcia? Diraschia? Ewan hindi ko pa inalam ang totoong pangalan niya simula noong dumating siya. Matalim na nakatingin si Ryker sa kanya."Simula pa lang, alam ko ang pinaplano mo, go home hanggat kaya ko pang magtimpi." Aniya at agad siyang pumasok sa
CHAPTER 48 THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Hindi ka ba talaga sasama, anak?" Tanong ko kay Maynard na ngayon ay nagbabasa ng libro. Encyclopedia ang hilig niyang basahin. Halos naubos niya ng basahin ang buong volume na binili ko para sa kanila.Simula pagkabata hindi ko na sila sinasanay sa gadget at nakakatuwa lang na hindi naman sila na impluwensya sa ibang kabataan na mahilig na sa teknolohiya. Bumaling siya sa akin at ngumiti, "No na mama, enjoy lang po kayo ni Freya sa birthday party, dito lang po ako sa bahay at babantayan ko po sina Lola mama at lolo papa habang nagbabasa po ako." aniya kaya napangiti ako.Sinuklay ko ang buhok niya na uppercut gamit ang mga daliri ko. Tapos na akong magbihis at simpleng white blouse at black pants ang suot ko and white sneakers at nag-alok si mama na siya na raw ang magbibihis kay baby Freya kaya hinintay ko na lang sila rito sa sala. Hindi naman ako nagmamadali at mamaya pa naman na hapon magsisimula ang birthday celebration sa isang exclusiv
CHAPTER 49THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Are you alright?" Nakangiting tanong niya sa akin, matalim ko siyang binalingan at kinurot ang tagiliran niya."Ouch, it really hurts, binibini." Sambit niya kaya napalo ko na naman siya sa kanyang braso. Ewan ko ba at kung bakit sinasaktan ko siya, marahil nandito pa sa akin yung takot dahil sa pagsakay namin ng helicopter at ito ang way para naman maibsan ko ang kaba ko. "Kasalanan mo ang lahat at bakit hindi mo sinabi na iyon ang sasakyan natin? Okay pa sa akin ang eroplano pero helicopter, papatayin mo yata ako eh.""Hindi naman, akala ko kasi you're brave like your daughter. But then, I knew it now, kaya next time… sasakay ulit tayo ng helicopter pauwi ng Maynila–" pang-aasar niya. "Hoy! Tumigil ka na, sinasabi ko sa'yo. Mauna ka, magbabus na lang kami o di kaya magpapasundo ako kay Caloy. Kahit malayo alam kong pupuntahan niya kami rito para sunduin. Huwag lang sa helicopter mo. Mamamatay ako sa takot." Sabi ko sa kanya. Nakita kong umig
CHAPTER 50THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Happy birthday!"Sabay-sabay naming kinantahan ng happy birthday ang anak nina Douglas Martinez. Masaya ang bawat lahat, masaya rin lalo ang mga bata, may pa games pa at lahat aktibo, aside sa mga maliliit na mga bata ay hindi rin magpapahuli ang mga nakakatanda walang iba kundi kalalakihan, sumasali rin sila sa laro ng mga pambata.Imbes na mga anak namin ang mag-enjoy sa kakalaro, kasama na tuloy sila sa tumatawa dahil sa ginagawa ng kanilang mga daddy. Halos nadadapa na sila sa kakatakbo para lang mauna sila sa mga games na sinasabi ng MC. Longest lines, bring me, musical chair, relay race at iba pa. Lahat ng games gusto at ayaw magpatalo. "Kung hindi party ng mga bata, for sure may kasama na yang hubad hangga't wala ng maiwan ni isang saplot sa katawan para lang umabot sa pinakamahabang linya, tingnan niyo kahit hibla ng buhok ni Zyro kumuha sila para lang ma isama sa sukat, mabuti na lang at mahaba ang buhok niya." Natatawa na sabi n
CHAPTER 51THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Freya! Anak ko! Ang anak ko!" sigaw ko habang patakbo na pumunta sa anak ko na nag-aagaw buhay. Agad akong lumuhod at kinuha siya kay Mercy. "Freya! Anak! Anak! Please. Look at me baby! Look at me! Help! Medic!" Nanginginig na sigaw ko.May bumara sa lalamunan niya at hindi pa rin ito natatanggal kahit sinusubukan nila ang heimlich maneuver kanina."Ang anak ko!""Namumutla na siya. Oh my God." Narinig kong may nag-alala. Hindi ko na ma tingnan kung sino-sino sila para damayan ako."Freya anak, please… please… nandito si mama, anak, nandito si mama. Open your eyes, baby. Please, mahal ka ni mama, mahal na mahal ka ni mama, huwag naman ganito anak." Tawag ko sa pangalan niya habang humahagulgol ng iyak sa kanya. Ginawa ko parin ang kaya ko ang tapik-tapikin siya sa likuran n'ya. "Please! Please, my baby!" Nanghihina ko na tawag kung kanino."My baby… ." Nanginginig ako sa takot. Masaya pa kami kanina, nag-eenjoy pa siya tapos ngayon… ganito ang
CHAPTER 52THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Napapansin namin na kanina ka pa tulala, why? Dahil ba ilang araw na hindi nagpapakita ang boss natin? Siya ba ang rason kung bakit kahit pagsubo ng pagkain ay wala kang gana?" Sumimangot ako dahil sa sinabi ni Lanie. Bakit nasali ang hindi na dapat pag-usapan, mas lalong pumait ang kinakain ko. "Hindi ah, meron ako kaya ganito ako ngayon." Paliwanag ko."Wee it's a weee, maniwala ang bubuyog. Parang may iba talaga eh. Sa tingin niyo mga day? Hmm, may naisip ako, lasingin natin si Aubree sa Saturday para umamin, sa tingin niyo mga day?" Kunwari bulong ni Annaliza sa mga kaibigan ko pero narinig ko naman. Tss."Kayo talaga, kung ano-ano ang iniisip. Meron lang ako at… at namimiss ko ang mga bata kaya iyon ang paniwalaan niyo." Rason ko pa, gosh wala na akong maisip na ibang sasabihin sa mga kaibigan ko na kasama ko ngayon sa isang fast food habang kumakain ng lunch. Hindi ko inaasahan ang mga katanungan nila. Ganito na ba ako ka tamlay ngayon?