CHAPTER 39THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Are you sure na dito kita ibababa? Baka, ano pa ang mangyari sayo dito, Miss Corpez." Tukoy ng boss ko sa building niya na kung saan ako bababa. Nakarating na kami ng Maynila galing sa Cebu at hapon pa naman kaya dito na ako nagpahatid sa kanya. Susunduin ako ni Caloy gamit ang jeep ng kanyang tatay. "Yeah, may magsusundo sa akin sir kaya huwag po kayong mag-alala, makakarating pa ako ng bahay na buhay." Sabi ko na lang at ng matahimik na siya. Kanina niya pa laging tinatanong."Kung sinabi mo lang ang address mo, di sana nandoon ka na." Mahinang bulong niya pero narinig ko naman. Hindi kasi pwede na ihatid niya ako sa bahay o di kaya kahit sa may kanto man lang namin at baka magkita sila ng mga bata. Wala siyang pakialam, parang wala lang sa kanya yung nangyari dati sa amin.Gusto ko siyang sukmatan, gusto ko siyang kamuhian pero isa lang ang pumipigil sa akin at ito ang mga bata. Ayokong makagawa ng desisyon na nakakasira sa pamilya ko lalo
CHAPTER 40THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Anong nangyari sa inyo at parang nakakita kayo ng multo o diwata?" Tanong ko kina Annalisa, Lanie at Lorna, pagkarating ko ng office, nasa lobby sila nakatambay at ganyan ang mukha na bungad nila sa akin. "Ay iba din, pumunta ka lang ng Cebu, pero ang fresh mo paring tingnan, Aubree. Kahit medyo naging tan ang skin mo. Wait, akala ko ba business trip ang pinuntahan niyo roon pero bakit parang naligo siguro kayo sa dagat." Puna ni Lorna sa akin, fair complexion kasi ako kaya dahil sa activities namin sa Cebu at nagkaganito ang balat ko. Inangat ko naman ang braso ko at nakita nga na namumula ito.Kinuha ko ang log book bago sila sinagot. "Yung mga huling araw kasi ay hindi sumipot ang kaibigan ni Ry… I mean ni sir Sullivaño kaya ayon isinama nila ako kasama ang kaibigan niya na pumunta sa kilalang tourist spot sa Cebu. Sayang naman kung tanggihan ko pa na minsan lang naman akong makapunta doon at baka wala ng next time, isa pa libre. " Paliwa
CHAPTER 41THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Wait, Ms. Corpez-""Ano ba!?" Hinablot ko ang braso ko sa pagkahawak niya. Natigilan ang ilang mga ka officemate ko kasama na sina Lanie, Annalisa and Lorna dahil sa inasal ko sa boss namin na nasa harapan ko. Nakakunot ang noo niya na nakatitig sa akin at mamaya pa ay dinala niya ang kanyang mga daliri sa ulo niya para suklayin ang buhok pero nauwi lamang ito sa sabunot."Kilala mo ba ako? Like, matagal mo na ba akong kilala? It looks like… you know everything about me, doesn't it? I tried to remember everything pero walang lumalabas sa utak ko." Nagtiim bagang ako dahil sa tanong n'ya."Ganun ba, Mr. Sullivaño? Wala kang naalala?" Umiling siya sa tanong ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Anytime, parang may gustong lumabas na alaala na naman tungkol sa kahapon ko. "Then, mas mabuting kahit kailan, wala ka na lang maalala. Dahil alam mo kung bakit? Dahil kahit kailan hindi kita mapapatawad kahit lumuhod ka pa sa harapan ko." Wika ko at n
CHAPTER 42THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Anak, may problema ba?""Papa," umusog ako sa pag-upo para makaupo si papa sa mahabang upuan namin na kahoy sa labas ng bahay namin na mini garden."Wala naman po." Sabi ko na lang."Anak kita, nararamdaman kita kahit hindi ko alam kung ano ang nasa isipan mo pero alam ko na may bumabagabag ngayon sa iyong isip. Pwede mo naman akong kausapin, makikinig ako." Aniya habang hinahaplos ang balikat ko. "Papa… " nilagay ko ang ulo ko sa balikat ni papa. Nasa loob si mama at nagluluto ng lunch. Hindi muna ako pumasok ngayon sa opisina dahil kahit ngayong araw lang muna ay ayokong makita si Ryker."Papa– ""Hmm.. ""Kung sakali po halimbawa…kapag dumating ang panahon o araw na gustong makilala ng mga anak ko ang kanilang tunay na ama ay hindi ko po alam papa kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako." Pag-amin ko."Natatakot ka saan?""Na baka kukunin niya sa akin ang mga bata papa, natatakot ako na kukunin niya sakin ang karapatan ko sa mga anak ko." Sa
CHAPTER 43THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Bye bye mama. Take care po. We love you." Wika ni Freya sa akin. Walang pasok sa school nila kaya nandito sila sa bahay ngayon."Bye baby, see you later okay. Behave kayo ni kuya sa bahay at huwag mag pasaway kay mama and papa and of course-""Don't talk to strangers.""Tama, call Lola mama o di kaya si lolo papa. Huwag sasama sa hindi mo kakilala ha." Paalala ko sa mga bata. Ganito ang lagi kong habilin kapag wala ako sa tabi nila. Mahirap na kasi sa panahon ngayon hindi mo na alam kung sino ang mabuti, at sino ang gagawa pa lang ng masama kahit kilala mo pa."Yes mama, thank you po." Aniya at humalik ulit siya sa pisngi ko at ako naman ay pinugpug ko siya ng maraming halik sa kanyang mukha kaya bumungisngis ito ng tawa si baby Freya ko dahil sa nakikiliti."Puntahan natin si kambal para makapag paalam na ako at baka ma late ako sa office." Sabi ko at sabay kaming pumanhik sa kwarto na magkahawak ang kamay ng anak ko. Iniwan ko muna sa sala ang
CHAPTER 44THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Hi–" halos pabulong niya na bungad sa amin. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa bata. Walang reaksyon ang anak ko, magkahawak kami ng kamay, nagtataka siguro na may kausap ako. "Si–sir Ryker," halos walang lumalabas na tunog sa bibig ko. Ramdam ko ang kaba sa dibdib dahil sa hindi inaasahan na pagkikita ng mag-aama. He looked down again to see Freya habang kunot-noo. Hawak niya pa rin sa kanyang kanang kamay ang teddy bear at may isa pang naka paper bag.Inangat niya ang tingin sa akin. "A-anak mo?" Dahan-dahan akong tumango at ganun din ang ginawa niya na parang naiintindihan niya ang sinabi ko. "You have a child." Ulit niya pero hindi patanong.Ngayon ko na ba sasabihin? Ngayon ko na ba siya ipakilala sa tunay niyang ama. For five years turning 6 years ay sapat na ba ang taon na makilala niya ang kanyang ama na ngayon ay nasa harapan ko na?"How old is she?" Halos hindi ko na malunok ang sarili kong laway dahil sa sobrang nanginginig
CHAPTER 45THE MAN WHO BREAKS MY HEARTUmaga palang parang ayoko pang pumasok sa office. Tinatamad ako pero kailangan magtrabaho lalo at malapit na ang sahoran. Kailangan mag sipag para makuha ang sahod.Dali-dali akong pumasok sa lobby at nagmamadaling pumunta sa reception table para maglog-in ng pangalan. Late na akong pumasok eh mag-alas dyes na ng umaga. Tamad kasi akong bumangon, tulala lang habang nakatingin sa kisame namin. Maraming iniisip hanggang naisipan na lang na pumasok dahil wala naman akong rason para mag leave at wala naman akong sakit. "Nandiyan na ba si boss?" Tanong ko sa receptionist."Oo kanina pang alas-otso, Miss." Aniya."Ganun ba? Hinahanap kaya ako? Sige, salamat." Wala na akong ginawa kundi lakad-takbo patungo sa elevator at ng makarating sa harap ay pinindot ko ang up button. Pagbukas ay bigla akong nagulat na makita ko si Ryker sa loob ng lift habang nakatayo at nakapamulsa. Magkasalubong ang kilay kanina pero nung nakita ako bigla na lang naging maamoy
CHAPTER 46THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Ganun ba? Ikaw? Ano ang gusto mo?" Tanong ni mama sa akin.Napabuntong-hininga ako at inilagay ko ang siko sa ibabaw ng lamesa namin habang naghihintay na maluto ang sinigang na niluluto ni mama. Linggo ngayon at kakarating lang namin galing sa simbahan kasama ang mga bata na ngayon nasa kwarto at nagbibihis ng pambahay. Hindi na muna kami namasyal dahil gusto ng mga bata na dito na lang mag stay sa bahay kaya naisipan namin na mag bangus sinigang sa miso ngayong tanghalian."Isasama ko talaga si Freya mama?" Sabi ko. Magbibirthday raw ang anak sa isa sa kaibigan ni Ryker kaya para makadalo siya sa party ay may dala dapat siya na bata. Really? Eh huwag na lang siyang pumunta dahil wala naman siyang bata na madadala. Pero hindi raw tatanggapin ng pamilya na nag bibirthday ang gift niya kung hindi pumunta roon na walang kasama. "Iba din pala ang trip ng mga magulang na yan ha. Kung bukal sa'yo na dalhin ang isa sa anak mo then ikaw ang masusun