"So, Mr. Costello. Your daughter and wife left you—ano na ang mangyayari sa'yo ngayon? Ang 50 million na binayad sa amin ng asawa mo ay kulang pa. Hindi ba niya alam na may utang ka pang 30 million?""Hindi ko sinabi sa kanya. She has nothing now. Kinuha ko na ang lahat sa kanya. And I regret it. Dahil sa kasakiman ko, nawala na sa akin ang lahat," umiiyak na sabi ni Mr. Costello."Your tears won’t change anything. Gusto ko lang ang anak mo na si Elvis. Kung gusto mo na maging ligtas ka araw-araw, at bumalik sa’yo ang kumpanya mo at ang asawa mo, ibigay mo sa akin si Elvis. Naintindihan mo?""Franco, pwede bang huwag na lang ang anak ko? Please, hindi ko kaya."“So, ano na lang ba ang ibabayad mo sa utang mo? Ang ulo ng asawa mo o ang anak mo?""Franco, huwag naman ganyan. Malaki ang kasalanan ko sa asawa ko, pero please, huwag mong idamay ang anak ko. Naghahanap naman na ako ng paraan para makabayad ng utang."“Hmm… Mr. Costello, maliit na ang 30 million. Sa tingin ko, mababayaran mo
Bumuntong-hininga si Rowan bago muling nilingon si Elvis, na ngayon ay mulat na mulat ang mga mata at nakatingin sa kanya. Hindi mabasa ni Rowan ang mga titig nito, tila may malalim na kahulugan. Bigla na lang hinawakan ni Elvis ang kanyang dibdib at nilaro-laro ito, dahilan para mapaungol siya sa sariling ginagawa. Agad namang lumapit si Rowan upang pigilan ito. “Mi amor, what are you doing? May sakit ka. Kailangan mo ng pahinga," mahina ngunit madiin na sabi ni Rowan, pilit na pinapakalma ang sarili. "I am horny..." usal ni Elvis at mapang-akit na tinitigan siya nito. Pabulong naman na napamura si Rowan. “No! Stop it, okay? Pupunasan na kita, okay? Just stay still.” Humiga na lang si Elvis at hinayaan si Rowan. Matapos punasan ang itaas na bahagi, nagdalawang isip si Rowan kung pupunasan din ang ibang bahagi nito. “Wipe me there, too. It's so hot na kasi,” ani Elvis, at siya na mismo ang naghubad ng suot nitong pajama. “Babe, touch me there, too. Okay?” “I will, mi a
Dahil sa nangyari kagabi, tuluyang bumaba ang temperatura ni Elvis. Wala naman silang ibang ginawa ni Rowan, dahil ayaw din naman ni Rowan na mawalan siya ng kontrol sa babae kaya binibigay na lang niya ang bagay na gusto nito. They just touched each other, nothing more. Masigla na ulit si Elvis, kahit may kaunting lagnat pa. At dahil ayaw ni Elvira na mabinat si Elvis, hindi siya pumayag na gumala ito kasama ang mga kaibigang sina Lindsay at Kennedy. Tumawag kasi si Kennedy kaninang umaga tungkol sa isang family outing, kaya palihim na sinabihan ni Rowan si Elvira na huwag siyang payagang umalis ng bahay, baka sumama pa sa outing. Labis naman ang tampo ni Elvis sa ginawa ni Elvira. “Busangot na naman ang mukha mo? Hindi ka pa nga puwedeng umalis dahil kakagaling mo lang sa sakit. Hindi ka pa nga totally okay, tapos sasama ka pa sa outing?” sermon ni Elvira kay Elvis na hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagtatampo. “Pwede naman kasi akong sumama, Mommy eh. Hindi naman ako
WARNING ⚠️ Napatahimik si Elvis habang nakatingin sa dalawang tao na nasa kama. Nakahiga si Rowan, at ang babaeng kasama niya ay nakaupo sa gilid. Nakapikit si Rowan at marahan siyang hinaplos ng babae sa mukha. “Malapit na tayong ikasal, kaya please, ingatan mo ang sarili mo, okay?” sabi ng babae. Sino siya? Anong ikasal? tanong ni Elvis sa isip niya. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Nanlambot ang kanyang tuhod at nanginginig ang buong katawan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Masakit at nakakapanghina ang kanyang natuklasan. Bago pa man siya tuluyang manghina, tumakbo na siya palabas ng mansyon. Sa bilis ng kanyang pagtakbo, hindi na siya namalayan ng guard na lumabas na siya. Napaluhod siya nang tuluyan na siyang makalabas ng gate. Napahagulgol siya, at sumisikip ng sobra ang kanyang dibdib. “Did he cheat on me? Niloloko ba ako ni Rowan?” tanong niya sa sarili, katanungang hindi niya alam ang sagot. Napaupo siya sa damuhan at hindi n
Nang mabalitaan ni Rowan ang nangyaring pagkidnap kay Elvis, galit niyang tinawagan ang kanyang mga tauhan upang maghanda. Nakuha na niya ang lahat ng impormasyon mula kay Lindsay, na nasa lugar na at nagtatago upang hindi makita ng kalaban. Isang malutong na mura ang kumawala sa bibig ni Rowan, lalo na nang makita niya ang presensya ng doktora. “Rowan, baby, please… just let me see your wound, okay? After this, I'll go,” the doctor insisted. “WHEN I SAID NO, IT’S A NO, DOCTOR,” malamig na sabi ni Rowan sa doktora, dahilan upang mapayuko ang babae. “Manong Vicente, bakit niyo hinayaan na umalis si Elvis?” seryosong tanong niya sa matandang guwardiya. “Naku, sir… Hindi ko nga nakita na lumabas ng gate si Ma’am Elvis. Doon ko lang nalaman nang tumakbo si Jude sa akin at sinabi niyang si Miss Elvis tumakbo palabas ng mansyon. Tiningnan ko naman ang CCTV, at totoo ngang si Ma’am Elvis ‘yon,” paliwanag ng matanda. “Bakit hindi niyo siya sinundan sa labas? Nakita niyo naman pala,”
Malutong na napamura si Franco nang marinig niya mula sa kanyang tauhan na narito ang kapatid. Tama nga ang nasa isip niya; ang kapatid pala talaga ang ibig sabihin ni Elvis. Ngunit palaisipan pa rin sa kanya kung bakit magkakilala sina Elvis at Rowan. Hindi rin nabanggit ng mag-asawang Costello na may fiancé o nobyo na pala ang anak. Matapos niyang buhatin at dalhin si Elvis sa isang kwarto, agad siyang lumabas at marahang kinuwestiyon si Simon. “Anong alam mo, ha? Fiance pala ng anak mo ang kapatid ko, pero hindi mo sinabi sa akin. Ano bang balak mo, sirain ako, ha?" galit at igting ang panga na salita ni Franco. “W-wala akong alam, Franco. At hindi ko pa nakikita o nakilala ang Rowan na sinasabi niyo,” tugon ni Simon, umiiyak na sa sobrang takot. “Hindi mo alam, ha? Hindi mo ba kilala kung sino ang Rowan na ‘yan? Siya lang naman ang pinaka-nakakatakot na tao na nakilala ko, pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Magkakamatayan muna kami,” naninigkit ang mga matang sabi nito.
NAGSISIGAW at nagwawala si Franco pagkaalis nina Rowan. Sa sobrang galit, hinugot niya ang baril at pinaputukan ang ilan sa kanyang mga tauhan, na agad naman na binawian ng buhay. Dahil sa takot, mabilis na umalis sa harapan niya ang kanyang mga tauhan. Malakas na sumigaw si Franco, saka itinutok ang baril sa kawalan at sunod-sunod na nagpaputok sa ere. "Lahat na lang! Lahat na lang kinukuha mo, hayop ka! Isusunod na talaga kita sa mga plano ko. Hahayaan kita sa ngayon, pero ako pa rin ang mananalo sa huli. Aghhhh!" huling sigaw niya, sabay nagpaputok ng isang beses. Habang pauwi sila, takot na takot si Elvis nang magising ito. Sa sobrang takot, bigla niyang nasuntok sa mukha si Rowan at nasipa ang tagiliran nito, marahil inakala niyang kalaban ito. Hinihingal si Elvis, at mabigat ang bawat hininga niya. Napangiwi naman si Rowan nang tamaan ang kanyang sugat sa tagiliran. Natulala si Elvis nang makilala ang kanyang kasama. Hindi siya umimik, marahil dahil sa trauma kaya’t hindi ag
ELVIS POVSimula nang mangyari ang insidente, 24/7 na akong may bantay. Minsan, nakakahiya nang lumabas ng hotel dahil palaging may nakasunod sa akin. Kapag nasa school naman, hindi rin nawawala sina Kennedy at Lindsay. Kahit ilang beses ko nang sinabi kay Rowan na hindi na kailangan, ayaw pa rin niyang makinig. Pati si Mommy, ayaw na rin akong palabasin ng kwarto. Alam ko naman na gusto lang nila akong protektahan, pero nakakainis kasi na parang ang dami kong bantay.“Ano na naman ang iniisip mo?” tanong ni Mommy habang umupo sa tabi ko. Kanina pa kasi ako nakadungaw sa bintana, pero wala naman akong ibang nakikita sa labas kundi mga buildings.“Mom, maghanap na po tayo ng bagong matitirhan. Wala akong makita na mga puno, e. Pati hangin, polluted na—hindi na masarap langhapin.”“Makakahanap din tayo ng bahay, Nak. Pero sa ngayon, magtiis muna tayo dito sa hotel. Hindi pa kasi tayo sigurado kung sino talaga ang kalaban natin,” sagot ni Mommy. can see how tireless she is, lalo na noon
PAGLABAS ni Rowan mula sa shower ay wala na si Elvis sa kama, usually kasi kada gising niya ay diretso na agad siya sa comfort room upang maglinis ng katawan o di kaya maghilamos. Kunot-noo na lamang si Rowan at iniisip na lang na baka may pagbabago na naman sa asawa. Nang makapagpalit na ng damit ay agad na rin siyang lumabas. Maganda ang gising niya ngayon, well, palagi namang maganda at masaya ang gising niya araw-araw, pero iba ngayon. Maaga siyang ginising ni Russ upang ipaabot ang balita na hindi na siya umalis dahil si Russ na ang bahala na mag-lead sa Team. Mahusay sa pakikipag-laban, at barilan si Russ. Maasahan siya sa lahat ng bagay, maliit man o malaki. Kaya nga nagtagal ang pagkakaibigan ni Russ at Rowan, dahil magkapareho sila ng mga bagay na gusto. Mabuting tao si Russ at hindi mapagsamantala. Marami na rin ‘ang naipundar sa pagtatrabaho niya kay Rowan. Nakapag-patayo na rin ng sariling kumpanya, ngunit hindi siya ang nagpalakad nito, kundi ang kanyang sekretarya.
THIRD PERSON POV NASA balkonahe na nang kanilang kwarto ang mag-asawang Elvis at Rowan. Hindi pa magawang makatulog kahit medyo nakakapagod ang araw nila. Gusto rin sulitin ni Elvis ng oras na kasama ang kanyang asawa, lalo pa’t dalawang linggo silang hindi magkikita. Malungkot para kay Elvis na hindi kasama ang asawa, dahil alam niyang hahanap-hanapin niya ‘to. Lalo na ngayon na buntis siya. Nakasandal ngayon si Elvis sa asawa habang nakatingin sa magandang tanawin. Na kahit gabi na ay kitang-kita pa rin mula sa gawi nila ang buong Maynila. Hawak ng kabilang kamay ni Rowan ang isang baso ng wine, habang gatas naman ang hawak ni Elvis. Bawal pa kasi siyang uminom dahil nagdadalang tao siya. Gabi-gabi na rin siyang umiinom ng gatas bago matulog, dahil hindi ‘ito kinalimutan ni Rowan kapag sasapit na ang gabi. At umuwi talaga si Rowan ng maaga upang alagaan ang kanyang may bahay. Apat na buwan ng nakasanayan na ni Rowan ang mag-timpla ng gatas kaya nalulungkot si Elvis habang nak
ELVIS SINUSUNDAN ako ni Rowan hanggang sa parking lot. Hindi ko siya pinansin at naiinis ako sa mukha niya. Kagabi ang sweet-sweet namin tapos ngayon bigla na lang kaming ganito. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya dun kay Hillary, edi dun siya. Kairita! “Ayaw mo ba talagang makinig sa akin? Ha? Kung gusto mong mawala ang sama ng loob mo sa akin, dapat makinig ka. Hindi ko alam kung saan mo pinulot ang mga sinasabi mo, wala naman katotohanan ang lahat. Kung dahil ito sa narinig mo kanina ay aaminin kong mali ako sa part yun, pero tinanong kita kung naririnig mo ba lahat ng pinag-usapan namin. Tapos hindi ka sumagot and then nagagalit ka na lang.” Mahabang salita ni Rowan. Mukhang galit na talaga siya. Seryoso siya at nakakatakot. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata dahil natatakot ako sa kanya. Hindi ko pa naman kasi siya nakitang ganito kagalit kaya naninibago ako. Pero tama nga naman ang sinabi niyang hindi ko narinig lahat ng pinag-usapan nila ni Russ kasi umali
ELVIS CIENNA C. WALTER POV NAPAPATITIG ako sa kanyang mga mata. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya. Ayaw kong mag-react at mag-overthink dahil ang sakit-sakit sa dibdib, at ang sikip-sikip, mas lalo lang akong masasaktan. Hindi ko naman inaasahan na hahantong sa ganito e, dahil ang buong akala ko ay ako lang ang mahal niya. Hindi ko alam kung ano nga ba ang totoo, pakiramdam ko tuloy ay ibang tao ako sa kanya. Na baka napilitan lang siya, dahil ako ang narito kasama siya. Na Hindi pa pala niya nakalimutan ang ex-wife niya. Mahal na mahal ko ang taong ‘to. Paano kung na pa-praning lang ako? Na dahil sa pagbubuntis ko kaya ganito na lang akong mag-react? Siguro kailangan kong marinig ang sasabihin niya, pero may doubt akong nararamdaman. I want to believe his every words to say, pero bakit ang sakit ng dibdib ko? “Tell me the truth, love. Para hindi na ako magalit at mag-isip ng masama tungkol sayo. Alam mo ba kung gaano kasikip at kasakit para sa akin na marinig yun mula sayo? An
ELVIS CIENNA C. WALTER POVNAKAUWI na kami sa mansyon, pero hindi ko pa kinausap si Rowan. Alam kong nagtataka siya sa akin, pero kasalanan niya naman. . Vivid pa rin sa utak ko ang pinag-usapan nila ni Russ kaninang madaling araw. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kirot sa dibdib ko. Kinakausap naman ako ni Rowan na para bang normal lang, parang walang tinatago. Ang galing niyang magpakitang-tao. He acted cute, concern, like he care, like he loves me. But deep inside ay ibang babae pala ang iniisip. He even say those words on me na huwag agad maniwala sa sasabihin ng iba, pero siya pala itong may lihim. Una na akong umakyat sa hagdanan pagkapasok namin sa living room na. Lahat sila ay hindi ko kinibuan, pakiramdam ko kasi ay pinagkaisahan nila ako. Alam kung nagtataka sila sa aksyon ko, dahil kanina pa kasi nila ako sinubukan kausapin, pero ko sila sinasagot. At lalong iniiwasan ko sila. Patuloy lang ako sa pag-akyat ng hagdanan na walang lingunan na nangyayari.Agad akong
ELVIS CIENNA COSTELLO WALTER POV As our eyes met, I saw a spark in his eyes. His eyes smiled, and it’[s such a relief na ako lang ang nakakakita nun. My hand moved on its own and gently caressed his face. Rowan closed his eyes as he felt my warm hand on his face. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. He made me cupped his face, and then kissed the back of my palms. I sweetly smile and lean closer to him and kiss. “I love you," I whisper. “Now, let’s go back to sleep na." I said, at inayos na ang higaan namin, but suddenly he grabbed my hands and held it tightly.“We are not going to sleep, Mi amor," he whispers and nibble my ears. At dahil may kiliti ako sa tainga ay natawa ako.“Hey, alam mo naman na may kiliti ako dyan e, sinasadya pa talaga," reklamo ko at tiningnan siya sa mata. But he seems serious kaya nawala ang ngiti sa labi ko.“Why are you looking at me like that?" I said, confused. He let go of my hands and suddenly
ELVIS CIENNA COSTELLO WALTER POV NASA loob na kami ng tent, at dahil medyo maginaw ay mas lalo akong umusad sa tabi ni Rowan at niyakap siya ng mahigpit. Kanina pa siya nakatulog at ako naman ay naglalakbay ang diwa at hindi makatulog. Hindi talaga ako makatulog at hindi mapakali, panay ikot dito, ikot sa kabila. Malaki naman ang tent namin ni Rowan, parang bahay lang din. May lutuan, mga gamit, mesa, as.in complete lahat ang gamit na kailangan. Na para bang hindi na kami uuwi. Umupo na ako dahil kahit anong pilit kong matulog ay mas lalo lang akong hindi makatulog. Iwan ko rin kung bakit hindi ako mapakali. At hindi rin mawala sa utak ko ang pinag-usapan ng magkakapatid kanina. Alam kong hindi dapat mag-isip ng kung ano dahil kasal na kami ni Rowan. Pero nakaka-selos rin pala na kahit anong tagal na ay hindi agad makakalimutin ng mga taong matagal rin nilang nakasama. At naging bahagi rin ng buhay nila. May kirot sa puso ko ng marinig ‘yon. Akala siguro nila ay hindi ko narini
THIRD PERSON POV MASAYANG nagtawanan sina Kennedy at Lindsay habang nagkwentuhan. Ang mga magkapatid naman at busy sa pag-iihaw habang nag-iinuman. Gabi na rin kasi kaya kanya-kanya na ang lahat sa gagawin. Ngunit nasa loob lang ng tent ang mag-asawa, sinusulit ang bawat oras na magkasama. Nakahiga ngayon ang mag-asawa habang nakapatong ang ulo ni Elvis sa braso ni Rowan. Magkaharap ang mga 'to at tila pinakiramdaman ang bawat hininga. Nakatitig lang si Elvis sa asawa habang nilalaro ang balbas nito na nagbibigay puntos sa kagwapuhan nito. Si Rowan naman ay nilalaro ang buhok ni Elvis, pinaikot-ikot sa daliri nito. Hindi sila nagsasalita at tanging ang hininga lang ng bawat isa ang maririnig, habang abala ang lahat sa labas. "Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Rowan at marahan na hinaplos ang pisngi ng asawa. "Hindi pa naman. Inubos ko lahat ng pagkain na binigay mo sa akin kanina. Busog na busog kami nina baby," tugon niya habang hinahaplos ang braso nitong may tattoo.
THIRD PERSON POV DUMATING na sila sa lugar kung saan may lawa at unang napansin ni Elvis ay ang mga puno ng prutas at mga maliliit na bahay-kubo sa ilalim ng mga puno. Para siyang nasa loob ng isang libro, fantasy book na minsan ay nabasa rin niya kapag bored siya. Mahilig rin naman siyang magbasa ng libro, iyon na nga ang kanyang pangpalipas oras minsan. O kung bago matulog ay nagbabasa pa siya. Maglakad na sila papasok sa loob ng gubat, hindi mama talaga siya gubat na may mga makapal na mga damo o halaman. Malinis sa loob ng gubat na ‘to dahil inaalagaan at hindi ginalaw ng mga tauhan, pinamanatiling nasa ayos ang lahat. Walang pinuputol na kahoy, o ano man. Gumawa lang ng bahay-kubo na kung sakaling gustong mag-enjoy ng mga tauhan ni Rowan ay may masisilungan sila, lalo na sa mga may pamilya. Ngunit limitado lamang ang pwedeng pumasok sa loob ng lawa, para hindi maingay at magulo ang mga naninirahan sa mga puno. “Malayo pa ba ang lalakarin natin?" tanong ni Elvis habang naka