Pagsikat ng araw, naghanda na si Rowan upang umalis. Hinintay na lang niya ang paggising ni Elvis. Simula nang bumalik siya sa kwarto ni Elvis, hindi na siya natulog at nagbantay na lang kung kailan magigising si Elvis. Tinawagan na rin niya si Russ upang ihanda ang 50 milyon na ibabayad sa pamilya Smith. Babayaran na muna niya ang utang ng mga Costello bago niya isipin ang ibang bagay. Sa ngayon, trabaho muna ang iisipin niya para mahuli na si Mr. Vasquez, ang ulo ng ilegal na droga na naiulat na nagpapalaganap sa Palawan. “Hmm… B-babe?” unang bungad ni Elvis pagkadilat ng kanyang mga mata, kasabay ng matamis na ngiti. “Good morning, mi amor,” wika naman ni Rowan, sabay halik sa pisngi ng kanyang iniibig at niyakap ito nang mahigpit. “Aalis ka na ba?” bulong ni Elvis habang nakasubsob sa leeg nito. “Oo. Hinintay talaga kitang magising bago ako umalis.” “Sweet naman. Pero nami-miss na agad kita, babe. Mag-iingat ka doon, ha.” “Para sa'yo, mi amor. I love you,” bulong niya at hin
Habang naghihintay ng tawag ni Rowan, sumulpot ang dalawang kaibigan ni Elvis na sina Lindsay at Kennedy na magkahawak-kamay. Kunot-noo namang tiningnan sila ni Elvis. Nakangiti si Lindsay, habang nakabusangot naman ang mukha ni Kennedy, na mukhang napipilitan lang. “Anong meron sa inyo? Hindi ko alam na kayo na pala, ah. Pa-sekreto pa kayo,” ani Elvis, sabay irap sa dalawa. “Wala kaming relasyon! Itong babaeng ito lang ang asungot sa buhay mo, eh. Naku!” naiiritang sabi ni Kennedy. “Asus, kunwari ka pa. Alam kong gusto mo rin ako, no. Ang ganda ko kaya at ang sexy pa,” sabi ni Lindsay, sabay sexy pose. “Kahit na ikaw na lang matitirang tao sa mundo, hindi pa rin kita papatulan. Sexy my ass, you’re not pretty,” sabi ni Kennedy. “Sakit naman magsalita. Ikaw nga diyan, hindi ka rin naman gwapo, no. Pero nagustuhan kita agad, mapili ka kasi. Arte mo!” bulyaw ni Lindsay. "Umalis ka nga,” sabi ni Kennedy, sabay tulak kay Lindsay at umupo sa tabi ni Elvis. "Lagi mo na lang sinis
Dumaan ang ilang oras na paghihintay ni Elvis, at wala pa ring tawag mula kay Rowan. Nakauwi na rin siya sa kanilang bahay matapos siyang ihatid ni Lindsay. She’s flooding him with texts, but no reply. She tried to call him, pero walang signal ang phone nito. “Did he turn off his cellphone?” wika niya sa sarili. “Maybe I will just wait for him to call. Baka dumeretso na siya sa mission niya. I just hope he is safe.” Habang inaayos ang sarili at nagha-handa upang bumaba, narinig niya ang malakas na boses ng kanyang Daddy. It’s been a while since she last saw her Daddy. Dahil sa tuwa, agad na tumakbo si Elvis pababa. Gusto na niyang makayakap ang kanyang Ama na matagal na niyang hindi nakasama. Hindi naman talaga sila close ng Ama, pero dahil ama niya ito ay nami-miss niya pa rin ang presensya nito. "What do you think you're doing, huh? It was Elvis that they needed, not the 50 million," bulyaw ni Simon Costello sa daddy ni Elvis. "No! Babayaran natin ang utang natin, okay? Maghint
Bumalik sa kanyang kwarto si Elvis na luhaan. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaluhod siya. Tahimik siyang umiiyak habang tikom ang kanyang bibig. Gusto niyang sumigaw at magwala, pero wala siyang lakas na gawin ang mga iyon. Umiiyak siya nang umiiyak. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang pamamanhid sa kanyang puso. Ngunit sa isang segundo lang ay bumalik ang sakit at muling naramdaman ang sakit sa kanyang puso. Hindi alam ni Elvis kung ano ang dapat niyang maramdaman matapos malaman ang katotohanang nagmula mismo sa bibig ng taong itinuring niyang ama. Kaya pala hindi maganda ang trato ng ama sa kanya noon pa man ay dahil hindi naman pala siya tunay na anak nito. Ganun din ang trato ng kanyang mga kapatid. Ibang-iba sila sa kanya, ngunit hindi niya iyon napansin dahil kay Elvira, na tumatayong ina niya. Kahit na madalas masama ang pakikitungo nito sa kanya, naging mabuti rin naman si Elvira sa kanya. At ngayon na maayos na sila ng kanyang ina, saka niya natuklasan ang kat
Habang nagyayakapan ang mag-ina, bigla na lang bumukas ang pintuan at galit na pumasok si Simon sa loob. Agad niyang hinawakan ang mga braso ni Elvis at kinaladkad ito palabas ng kwarto."Simon, ano ba ang ginagawa mo?" galit na sigaw ni Elvira habang nakasunod sa asawa."Tumahimik ka, Elvira. Kung ayaw mo, ihulog kita sa hagdan," galit na pananakot ni Simon sabay duro sa kanya."Bitawan mo si Elvis kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa!" seryosong wika ni Elvira. Napahinto naman si Simon at lumingon sa kanya."Bakit? Ano ba ang kaya mong gawin?" panunuksong sabi ni Simon, sabay ngisi sa kanya."Bibitawan mo o ako mismo ang maghuhulog sa'yo sa hagdan," matapang na hamon ni Elvira kay Simon.Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Simon nang makita ang nakakatakot na aura ni Elvira. Dahan-dahang lumapit si Elvira patungo kay Simon, hindi inaalis ang titig sa lalaki. Unang beses na nakita ni Simon ang ganitong galit na ekspresyon ng kanyang asawa, kaya’t nakaramdam siya ng kaba. Palagi ka
ROXAS, PALAWANNakahanda na ang grupo sa kani-kanilang posisyon—mga armas, mask, at iba pang gamit para sa laban. Si Rowan ang namuno dahil siya ang lider ng grupo. Tinatawag silang TEAM ALPHA, isang grupong kilala sa husay at tapang sa pakikipaglaban at sa paghuli ng mga kriminal. At ngayon, nandito na naman sila sa kanilang misyon: mahuli ang ulo ng sindikato at dr*g dealer na si Mr. Velasquez, na matagal na nilang minamanmanan. Siya’y taong mailap at mahirap mahuli, ngunit ngayon ay sigurado ang grupo na matatapos na nila ang misyon.Ang Municipality of Palawan, o partikular na Roxas, Palawan, ang lugar na napili ng mga sindikato upang isagawa ang kanilang masasamang gawain. Maraming isla sa lugar at hindi gaanong matao, kaya madali nilang naisagawa ang kanilang mga ilegal na aktibidad ngunit hindi na hahayaan ng Team Alpha na magtagumpay ang kasamaan at masira ang lugar.“Team Alpha, maging alisto kayo sa paligid niyo. Gawin ang dapat gawin, huwag mag-dalawang isip na sugurin at
Nag-check-in sa hotel ang mag-inang Elvis at Elvira. Dahil gabi na nang umalis sila sa mansyon, napilitan ang dalawa na sa hotel na lang pansamantalang tumuloy. Dahil mahaba-habang biyahe pa kapag pupunta sila sa bahay bakasyonan ni Elvira. Mabuti na lang at Sabado ngayon, at mamayang hapon pa ang isang klase ni Elvis. Back subject niya ito kaya kailangan niyang pumasok upang makapagtapos siya. Ilang buwan na lang at magtatapos na rin siya ng kolehiyo, sa kursong Business Management. Gusto rin kasi niyang pasukin ang mundo ng negosyo.Nahihirapan namang huminga si Elvis dahil sa sipon. Masakit din ang ulo at katawan niya—mukhang nagkasakit siya matapos maulanan kagabi kasama ang kanyang mommy. Bukod pa rito, umiyak pa siya dahil sa sama ng loob kay Rowan. Wala kasi itong mensahe sa kanya, kahit pa gusto niyang magsumbong tungkol sa ginawa ng daddy niya at sabihing umalis na sila ng bahay.Sobrang miss na rin niya si Rowan, kahit isang araw pa lang silang hindi nagkikita o magkasama.I
"So, Mr. Costello. Your daughter and wife left you—ano na ang mangyayari sa'yo ngayon? Ang 50 million na binayad sa amin ng asawa mo ay kulang pa. Hindi ba niya alam na may utang ka pang 30 million?""Hindi ko sinabi sa kanya. She has nothing now. Kinuha ko na ang lahat sa kanya. And I regret it. Dahil sa kasakiman ko, nawala na sa akin ang lahat," umiiyak na sabi ni Mr. Costello."Your tears won’t change anything. Gusto ko lang ang anak mo na si Elvis. Kung gusto mo na maging ligtas ka araw-araw, at bumalik sa’yo ang kumpanya mo at ang asawa mo, ibigay mo sa akin si Elvis. Naintindihan mo?""Franco, pwede bang huwag na lang ang anak ko? Please, hindi ko kaya."“So, ano na lang ba ang ibabayad mo sa utang mo? Ang ulo ng asawa mo o ang anak mo?""Franco, huwag naman ganyan. Malaki ang kasalanan ko sa asawa ko, pero please, huwag mong idamay ang anak ko. Naghahanap naman na ako ng paraan para makabayad ng utang."“Hmm… Mr. Costello, maliit na ang 30 million. Sa tingin ko, mababayaran mo
⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️ WALANG pag-dalawang isip na pinutok ni Hillary ang baril sa isa niyang tauhan. Galit na galit ito dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakuhang matinong balita kung nasaan si Rowan. Baliw na baliw na ito kakaisip kung nasaan na ba ang kanyang dating asawa. Nagsisigaw, nagwawala, pinapaputok ang baril sa itaas, at sa kung saan. Walang pakialam kung may natamaan man o wala. "Mga inutil!! Walang mga silbi!" galit niyang sigaw sa mga tauhan na nakahandusay na sa sahig na wala ng mga buhay. "Ang simple lang ng inuutos ko, hindi niyo pa magawa?? Anong silbi niyo? Kaya nararapat lang na mawala kayo mga walang silbi!!!" "Ma'am, lahat po ng sinasabi niyo sa amin ay sinunod po namin. Kaso wala po talagang Sir Rowan sa lugar na pinuntahan namin. Lahat sila ay sinasabi na hindi umuuwi ang amo nila sa bahay." Paliwanag ng isang tauhan, ngunit hindi pa rin iyon pinalagpas ni Hillary at pinaputukan ang kabilang paa nito."Walang silbi! Magmanman kayo sa mansyon niya.
HINDI agad mag-proseso sa utak ni Elvis ang narinig mula sa kanyang Mommy. She was stun, confused, but suddenly remember what his Tito Romano said, earlier. He even intentionally mentioned — DADDY, ay dahil may pinapahiwatig pala ito sa kanya. May pag-aalala naman sa mukha ni Elvira. Wala pa naman talagang balak na amini n ng magkapatid ang tungkol sa bagay na ito hanggang sa matapos ang kasal. Pero parang panahon na rin para malaman ni Elvis ng katotohanan. Mas maganda nga na ito ang maghatid sa kanya sa altar sa araw ng kasal niya. Ngunit may pag-aalala para kay Elvira. 'Tito Romanoff is my real father?' Sa isipan ni Elvis. "Anak, alam kong nagtataka ka kung bakit magkasama kami ng Daddy mo. But, believe me hindi ko rin alam na siya ang ama mo. I just found out, two days ago." Agad na paliwanag ni Elvira. 'So, what about my dad? Alam ba nito na may anak siya?" sa isipan ulit ni Elvis. "Then, kilala ni Dad si Mommy?" tumango si Elvira. "Uhm. Nalaman lang ng daddy mo na ma
Nang magising na lahat ng tao sa bahay ay naghanda na rin si Elvis upang lumabas. Kanina pa kasi talaga n'yang gustong lumabas kaso pinipigilan siya ni Rowan dahil medyo maginaw pa sa labas. She's also excited to see her mom to the other side of the room, dahil dalawang araw din niya itong hindi nakita at nakasama. Aside from telling her mom about her wedding, she also gets excited to know more about her Tito Romanoff, who she just met earlier. And on her way to Elvira's room ay nakasalubong niya ang isang lalaki na kamukha ng Tito Romanoff niya. And she assumed na si Romanoff ito kaya walang pag-dalawang isip na binati niya ito. Malaki ang ngiti sa kanyang mukha at sobrang saya niya talaga na nakita niya ulit ang Tito niya. Sobrang gaan talaga ng loob niya rito. Ngunit biglang nawala ang ngiti sa labi niya ng may lumabas na lalaki sa isang kwarto at kamukha ito ng lalaking nasa harapan niya. "Elvis, Iha?" sambit ni Romanoff at nilapitan si Elvis. Palipat-lipat ang tingin ni Elvis
PAGBALIK ni Elvis sa kanyang kwarto ay dahan-dahan siyang umupo sa kama habang dinadama pa rin ang sayang kanyang nadarama. Hindi niya man alam kung ano ang dahilan ng saya sa kanyang puso, marahil dahil iyon sa lalaking nakausap niya na nag-ngangalang Romanoff. Na kapatid pala ng kanyang Mommy Elvira. Kaya siguro magaan ang loob niya ay dahil kapatid pala ito ng kanyang Ina. Na unang beses pa lang niyang makilala, dahil hindi naman niya nakilala ang pamilya ng mommy Elvira niya. Simula pa noon. Gustuhin man n magtanong ni Elvis kaso hindi niya magawa dahil palaging busy sa trabaho ang mga magulang at hindi pa siya kinakausap ng mga ito. "Bakit ang saya ng puso ko? I know that it's confusing sa akin kanina ang mga sinasabi niya, pero bakit iba ang dala nito sa puso ko?" Puno ng katanungan ang isipan niya habang marahan na hinaplos ang dibdib niya, pinakiramdaman ang tibok nito. "Masaya lang talaga siguro ako kaya magaan ang loob ko kay Tito Romanoff. Kakausapin ko talaga si Mommy
PUNO ng pagtataka ang makikita sa mukha ni Elvis. Hindi niya kilala ang taong nasa harapan niya, but somehow she felt something inside her that she wants to know him. Her heart thumped so fast, like it was going to burst out of her chest. Even mentioning a name that she hasn't heard all her life. “Po? Ahm…,” she was hesitant to mention the name, so she just cleared her throat before she spoke again. "Who's Viviana? I haven't heard that name po kasi,” ani Elvis and fakely smile. “Someone's important to me. To is?” He said , feels nervous. "Sadly you haven't had the chance to see her. But, she's the most amazing and understanding person I have ever met." Walang ideya si Elvis sa kung ano at sino ang sinasabi ni Romanoff ngunit nanatili lang siya upang makinig rito. ‘Ang agang-aga, nakakarinig ako ng drama. Well, it's not a drama, but a confession to the person. This is actually confusing, at ano ba ang ibig-sabihin sa mga sinasabi niya?’ sa isipan ni Elvis na puno ng pagtataka.
NASA kalagitnaan pa ng mahambing na tulog si Elvis ng bigla na lang bumaligtad ang kanyang sikmura at napatakbo sa cr. Naduduwal ito. Napansin naman agad ni Rowan ang mabilis na pagtakbo ni Elvis patungong cr,kaya sumunod siya agad rito. Nadatnan niya si Elvis na naduduwal pa rin kaya nag-aalala siya at hinagod-hagod ang likuran nito. Iniwan na muna niya saglit si Elvis upang kumuha ng maligamgam na tubig. “Masama ba pakiramdam mo, Mi amor?" Nag-aalala na tanong ni Rowan na nakatayo sa likuran ni Elvis at patuloy na sa paghagod ng likod nito. “Bigla na lang kasing bumaliktad ang sikmura ko e. Akala ko panaginip ko lang ‘yun, totoo pala," tugon ni Elvis at nagmomog na. “Here. Water. Maligamgam na tubig yan,” ani Rowan. Tinanggap naman agad ni Elvis ang baso ng maligamgam na tubig at ininom. “Do you wanna see a doctor?" “No, Babe. I'm okay. Maayos naman na pakiramdam ko at wala naman talaga akong naisuka. Sadyang bumaliktad lang talaga simula ko." “Sigurado ka? Baka dahil
Rowan's forehead creased upon hearing it. Pero hindi na siya nagtanong pa baka mali lang siya ng iniisip. He clears his throat bago magsalita. Inubos na muna niya ang isang baso ng wine, saka nagsalita. “By the way, where's Tita Elvira? Why is she not here if magkasama naman kayo?" tanong ni Rowan. Sabay naman na nagtinginan ang kambal. Peki naman na napaubo si Romano at inubos ang isang baso ng wine. “She's with your secretary, Russ," tugon ni Romanoff, sabay inom ng wine. “And we have no idea kung nasaan na ang dalawa," he added. “Seriously?" Hindi makapaniwala na salita ni Rowan. “Kanina pa kayo dito?" “30 minutes, already…" tugon ni Romano. “What is this guy doing?" anas ni Rowan at parang Ina na concern sa anak. Kinuha ni Rowan ang kanyang selpon at tinawagan si Russ. Mabilis naman itong sumagot. Bumungad naman kay Rowan ang maingay na simoy ng hangin at ang bawat paghampas ng tubig dagat sa dalampasigan. “Where did you take, Tita? She's supposed to be resting
MATAPOS paliguan, damitan, at ayusan ni Rowan si Elvis ay iniwan na muna niya itong natutulog na sa kama. Masyado kasi silang mapusok at aktibo sa ganoon na aktibidad kaya napagod na at nakatulog. Ilang oras din kaya silang nandun sa tabing-dagat, malalim na rin ang gabi ng sila’y nakauwi. Tulog mantika na kasi si Elvis kaya hindi na ito ginising pa ni Rowan, dahil alam niyang magigising ito kapag nakaramdam na ng gutom mamayang madaling araw. Paglabas ni Rowan ay bumungad sa kanya ang dalawang matangkad na lalaki. Maputi ang mga ‘to at pamilyar din ang hitsura ngunit hindi niya maalala kung nakilala na ba niya ang mga ‘to, dahip unang beses pa lang naman niyang na-meet ang dalawa. May kaedaran na rin ang mga ito, ngunit hindi halata sa kanilang postura. Dahil napakagandang lalaki nga naman nila kahit nasa 40s na. Matangkad, matipuno, maputi, at may kulay asul ang mga mata. Gulat man ay hindi ito ipinakita ni Rowan at walang pag-dalawang isip na kinonpronta ang dalawa. ‘Sino b
Dalawang araw na silang nasa Batanes, at mukhang nakalimutan na nila ang buhay sa Manila. They're just enjoying the time, especially for Elvis na unang beses niya lang sa Batanes. Until now, hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nasa Batanes siya. They went to beach together, enjoying the sun, the fresh air. Elvis even tried Kayak kahit takot siya sa tubig. No specific reason why but she's afraid of water. Hindi rin siya marunong lumangoy. Rowan was with her, guiding her para hindi siya matakot. He helped her overcome her fears kahit mangiyak-ngiyak na siya kanina dahil hindi niya mabalance ang pag sagwan. Takot na baka mahulog siya at malunod. But, Rowas reassuring her safety. Kinuha siya ni Rowan mula sa Kayak at yumakap sa kanya. He teach her how to hold her breath, and paddle her foot. He even tried to teach her how to swim, and slowly get it and hindi na natakot. “You learn fast, mi amor," anas ni Rowan ng nasa may batuhan na sila. Nasa kabilang parte sila Lindsay, Kenn