BUNNY POV
"OH MY GOD! In just five days, umabot na ng ten million views ang movie! Grabe much!" Tumitiling balita ni Alona sa kaniya.
Kasalukuyan nasa condo siya nagpapahinga dahil sa halos dalawang linggo kabi-kabilang guesting sa mga tv shows at radio station para mag-promote ng bagong pelikula niya.
Umikot ang mga mata niya sabay napailing dahil sa kaingayan ng kaniyang baklang manager na si Alona. Naging kaibigan niya ito dahil kapitbahay niya ito noon nangupahan siya malapit sa kung saan nakakulong ang kaniyang Mommy.
Mas madali kasi niya madalaw ang Mommy niya kaya doon siya naghanap ng town house na mauupahan.
"Ang ingay mo baks." Sita niya sa kaibigan.
Naup
DIEGOISANG malalim na buntong hininga ang ginawa niya habang binibilang ang isang linggong sahod niya sa pag-sideline sa pagiging Construction worker. One thousands two hundreds ang sinahod niya. Ang hirap talaga kumita ng pera, lalo na sa katulad niyang highschool graduate."Diego!"Dagli siyang napalingon sa tumawag sa kanya. Si Kiko, kasamahan niya rin sa trabaho at matalik niyang kaibigan."Bakit?"Mabilis na umakbay ito sa kanya at ngumisi. Kitang-kita ang tagpi-tagpi nito mga ngipin. Payat ito, moreno, manipis ang buhok at malaki ang mga mata. Para itong pinagbiyak na buko ng artistang si Rene Requiesta."Empi tayo?" ngiting aso alok nito.Naiiling siya. Pagod sila galing trabaho. Wala naman siguro masama na uminom. Umakbay din siya kay Kiko."Demonyo ka talaga. Dinedemonyo mo ako lagi." Sikmat niya saka kinutusan ito nang mahina sa ulo. "Alam mo naman kailangan ko magdelihensya sa Nanay kong bungangera," natatawang sabi niya."Naku! 'Yon perang binibigay mo kay Aling Tinay, pi
BUNNY"ARE YOU out of your mind?" nagulantang siya sa sinabi ni Asher sa kanya.Inaya siya ni Asher na mag-dinner date sa isang mamahaling restaurant. Kasalukuyang naka-vacation leave siya kaya umuwi siya muna ng Sydney, Australia. She's half Australian and half Filipino. Lumaki man siya sa Australia ay matatas siya magsalita ng tagalog.Tumaas ang kilay ni Asher habang nakatingin sa kanya."What's wrong with that? We've been friends since we were kids. Can you please help me, FRIEND?" may diin talaga ang huling salitang binanggit nito.Napabuga siya ng hangin sabay punas ng tissue sa bibig. Matamam tinignan din niya ang kaibigan. Asher is her childhood bestfriend. Matalik na magkaibigan ang mga Mommy's nila at classmate sila ng binata mula Grade school to Senior Highschool. Nagkahiwalay lang sila ng mag-college sila dahil nag-aral siya ng modeling sa London habang si Asher ay nag-aral ng Law sa America.Ngayon, isa na siyang ganap na modelo. Isang kilalang modelo na siya. Nagkalat na
DIEGOANG MALAKAS na pagsigaw ng Nanay niya ang nagpagising sa diwa niyang inaantok pa."Hoy, Diego! Nasaan na ang pera ko? Akin na at nang makabili na ko ng alak." Malakas na bulyaw ng Nanay Tinay niya.Bumalikwas siya ng bangon at pakamot-kamot sa ulo habang kinukuha ang isang libo pera nasa bulsa ng bag niya. Inabot niya kaagad iyon sa Nanay niya na nakatayo sa hamba ng pinto ng kuwarto niya. Marahas naman nito kinuha ang pera."Ikaw, Diego. Maghanap ka naman ng ibang trabaho na malaki ang kitaan. Dapat pumasok ka na lang sa may Adonis. Malaki ang bigayan doon para naman may pakinabang ka sa'kin. Hindi 'yon kakarampot na pera lang ang binibigay mo!" Paasik na sabi ng Nanay niya.Napabuga lang siya ng hangin at muling nahiga. Patuloy pa rin ito sa pagtalak sa kanya ng kung ano-ano. Sinasabi na naman nito na malaki ang utang na loob niya rito kaya kailangan niya ito bayaran dahil binuhay pa siya nito."Sana nga nilunok niyo na lang ako," pabulong na sambit niya habang nakatakip ng un
DIEGONAKAMASID lang siya sa repleksiyon niya sa salamin. Suot niya ang isang puting long sleeve, itim na chaleco vest, itim na bow tie at itim na pantalon."Ayon oh! Ang pogi mo na baka bestfriend ko 'yan!" ngiting-ngiti wika ni Kiko sa kaniya.Pa-simpleng sinabunutan niya ito. Kasalukuyan kasi nasa loob sila ng Adonis Club at waiter sila ngayon ni Kiko. Kung hindi lang siya napilit hindi talaga siya papasok sa ganitong lugar.Puro matatandang babae, matatandang lalaki na hula niya ay mga bakla. May iilan din naman na bakla pero subalit disente tignan kumbaga pormang lalaki pa rin. Napabuntong hininga siya. Trabaho lang ito walang malisya."Mukha kang manager, Diego. Bagay na bagay pala saiyo ang ganyan porma."Tumaas ang sulok ng labi niya."Ako lang 'to! Relax lang."Sabay pa silang natawa ni Kiko at nagsimula nang magtrabaho. Sa umpisa medyo nalilito pa siya pero habang tumatagal nasasanay na rin siya. Parami nang parami ang mga customer habang lumalalim ang gabi. Napatingin siya
DIEGOTULALA pa rin siya habang nakatunghay sa katawan ni Asher na nakahandusay sa lupa. Nanlamig ang buong katawan niya. Bakit gano'n? Bakit kailangan ganito ang mangyari? Gusto niya umiyak at sumigaw nang malakas ngunit hindi niya magawa.Mayamaya pa ay dumami na ang tao sa paligid kasunod ang pagdating ng mga pulis at ilan pang crime staffs. Bago siya lumayo dinampot niya ang isang itim key chain na nalaglag at bulsa ni Asher.Tahimik lang siya nakamasid hanggang sa lagyan na ng mga dilaw na lubid ang paligid kung nasaan si Asher.Sino ang papatay sa kapatid niya? Bakit kailangan ngayon pa? kung kailan kakakilala lang nila. Napahilamos siya ng mukha. Ilan saglit pa ay dinala na ang katawan ni Asher. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kaya nagpasya na muna siya maglakad lakad sa kung saan.Hanggang sa mapatingin siya sa susi hawak niya. Naalala rin niya ang wallet ni Asher na napunta sa kaniya saka lang niya napagtanto na kay Asher pala ang wallet niya. Kaagad siya tumungo sa pinaka
BUNNYKANINA pa panay sulyap niya sa hawak na cellphone. Nagtataka na siya dahil hindi pa rin sini-seen ni Asher ang lahat ng chat niya rito. Alam niyang nasa Pilipinas ito upang asikasuhin ang huling kliyente nito at ang ibang negosyo sa Pilipinas.Ang sabi ni Asher ay babalik din agad ito pero wala pa rin update sa kaniya ang asawa. Nawala ang pag iisip niya nang dumating ang Mommy ni Asher na si Mrs. Angela Sandoval at ang tiyuhin nito na si Uncle Rey."How are you, Bunny? Kumusta ang honeymoon tour niyo ni Asher? Magkaka-apo na ba ako?" nangingislap ang mga matang tanong ni Mommy Angela sa kaniya.Kiming ngumiti siya. It's been two months after their married, okay naman ang pagsasama nila ni Asher so far. Nothing new. Nag-enjoy naman sila sa honeymoon tour nila but the 'Baby' thing is not gonna happen. Dahil wala naman nangyari sa kanila ni Asher, magkasama man sila sa iisang hotel room walang sèx na magaganap sa pagitan nila.Huminga muna siya nang malalim bago sumagot."The hone
DIEGO POV MABILIS niya binaba ang cellphone ni Asher na nasa compartment ng kotse nito. Nag-ring kasi iyon, wala naman talaga siya balak sagutin ang tawag ngunit inisip niya baka importante kaya nang sagutin niya nabigla siya dahil boses ng isang babae ang sumagot. Sa kaba niya ay hello lang ang nasabi niya at pinatay na agad ang tawag. Binalik niya sa compartment ang cellphone. Hinayaan na lang niya tumunog nang tumunog iyon. Kung sino man iyon nasisiguro niya hindi iyon ang Mommy ni Asher...Mommy nila. Napabuntong hininga siya. Pinaandar na lang niya ang kotse. May usapan kasi sila ni Kiko na magkikita sa may Intramuros. Mayroon kasi silang paborito karinderya na kinakainan palagi roon. Gusto niya ipaalam kay Kiko ang nangyari. Pagdating sa mismong karinderya, napansin niya na agad si Kiko na naka-istambay sa gilid. Pinarada niya sa 'di kalayuan ang kotse. Pagbaba ng kotse hindi na siya nag atubiling lapitan si Kiko. Bumaha ang gulat sa mukha nito pagkakita sa kaniya. Lalong lum
DIEGO POVNANG magising siya pakiwari'y binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Napakasama pala ang hang over ng mamahaling alak na iyon. Ramdam pa rin niya ang pag ikot ng sikmura niya kaya mabilis siya bumangon at nagtungo sa banyo.Paluhod na yumuko siya sa inidoro at doon sumuka siya nang sumuka. Lahat na yata ng laman ng tiyan niya ay isinuka na niya. Hinang-hina na siya."You're so wasted, Asher."Napaigtad siya sa gulat nang may magsalitang boses babae. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang babae nakahiga sa bathtub at halatang naliligo ito.Tang'na! Nasaan ba ako? Bakit may babae rito sa condo ng kapatid niya?Narinig pa niya na bumuntong hininga ang babae habang siya pilit niya inaalisa ang itsura ng magandang babae sa harapan niya."Nakakadiri ka. Ngayon lang kita nakita nagsuka ng ganyan at hanggang ngayon amoy na amoy ko pa rin ang suka mo!"puno ng iritasyon sabi ng babae.Lasing pa ba siya? hallucination ba ito? pamilyar kasi ang babae sa kaniya. Hawig nito an
BUNNY POV"OH MY GOD! In just five days, umabot na ng ten million views ang movie! Grabe much!" Tumitiling balita ni Alona sa kaniya.Kasalukuyan nasa condo siya nagpapahinga dahil sa halos dalawang linggo kabi-kabilang guesting sa mga tv shows at radio station para mag-promote ng bagong pelikula niya.Umikot ang mga mata niya sabay napailing dahil sa kaingayan ng kaniyang baklang manager na si Alona. Naging kaibigan niya ito dahil kapitbahay niya ito noon nangupahan siya malapit sa kung saan nakakulong ang kaniyang Mommy.Mas madali kasi niya madalaw ang Mommy niya kaya doon siya naghanap ng town house na mauupahan."Ang ingay mo baks." Sita niya sa kaibigan.Naup
DIEGO POVAFTER FIVE YEARS....NAPASULYAP siya sa pinto ng kaniyang executive office. Napangiti siya nang makita si Michelle kasama ang makulit at apat na taon niyang anak na si Amber.Mabilis na tumakbo si Amber palapit sa kaniya, tumayo naman siya agad at maliksing binuhat ito. Ngiting-ngiti siya dahil panay tawa si Amber habang buhat niya."I miss you, Dada." Malakas na sabi ni Amber, hinalikan naman niya ito sa pisngi."Na-miss din kita." Sagot niya sabay lingon kay Michelle.Galing ang dalawa sa Canada, halos ilan buwan din nandoon ang mag ina. Ngumiti siya kay Michelle."Kumusta? Anong balita sa'yo?" nakangiting tanong niya kay Michelle.Sa loob ng limang taon naging malapit na magkaibigan silang dalawa kahit sa mata ng ibang tao ay mag asawa sila. Malaki ang naitulong ni Michelle sa pagbabago ng buhay niya lalo sa pag hahawak ng kumpanya.Naka-graduate siya sa kolehiyo sa America, hindi madali subalit ginawa niya ang lahat upang maipakita sa pamilya niya at sa lahat na karapat
BUNNY POVHUMINGA siya nang malalim habang nakatayo sa harapan ng gate ng mga Sandoval kasabay ang marahan na paghimas niya sa impis niya tiyan.Kailangan niya masabi kay Diego ang kalagayan niya. Wala siya pakialam kung kasal man ito ang mahalaga malaman nito ang totoo at kahit papaano masuportahan man siya ng binata."Yes, ma'am?" magalang na tanong ng security guard sa kaniya matapos siya mag-doorbell."Uhm, I'm here for Mr. Diego Sandoval, is he here? I badly need to talk to him. Please, tell him, I'm here. I'm Bunny Smith." Aniya sa guard.Tumingin ang guard sa kaniya at marahan tumango."Okay. Please wait."Kiming ngumiti siya. Tahimik siyang na nanalangin na sana'y naroon si Diego. Ilan minuto pa siya nag antay subalit hindi pa rin bumabalik ang guard.Hanggang ang minuto ay naging isang oras, hanggang naging dalawang oras. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom dahil sa tagal. Ewan ba niya, wala kasi siya gana kumain ngayon.Marahil sa dami nang iniisip niya kaya hirap siya kumai
DIEGO POV"WHAT? Marry who? Wala na po ba ibang paraan, Mommy? Lola?"Mabigat sa loob niya iwan si Bunny sa hospital subalit dahil sa mga nangyari kinailangan niya sumama sa kaniyang Mommy Angela at Lola, pabalik ng Australia.Nangako siya na babalik agad sa Pilipinas para kay Bunny ngunit nagkaroon ng aberya sa kumpanya na pinanghahawakan ni Asher. Nalaman na ng lahat ang pagkamatay ni Asher, kaya isa-isang nag pull out ang mga board member o share stockholder ng kumpanya.Malaking problema iyon para sa pamilya nila, hindi lang sa malaking pera ang mawawala sa pamilya nila kun'di maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho."Listen, Anak. This is business. Nang malaman nila wala na ang kapatid mo, at ikaw ang papalit, nagkaroon sila ng pagdududa sa kakayahan mo. I know, naguguluhan ka pa at marami ka pang pag aaralan tungkol sa kumpanya natin, kaya
BUNNY POVNAGMULAT siya ng mga mata, buong akala niya ay nasa isang hospital na naman siya subalit nang mapagmasdan ang buong paligid niya, nasa isang eleganteng silid pala siya.Napabalikwas siya nang bangon sabay napaigik at hawak sa ulo dahil sa matinding pagkirot niyon.Migraine ba ang pagsakit ng ulo niya?Muli siya napahiga at napatulala sa magandang kisame.Nasaan na nga ba siya?Ilan sandali pa ay may pumasok sa silid.Mabilis siyang napaupo at napatingin sa bagong dating. Isang matangkad na lalaki, itim ang balat nito, hula niya ay black american ito o african american. Nakasuot ito ng ligh brown na formal suit at brown na leather shoes, at blue na necktie.Sa tangkad nito, pwede pagkamalan itong NBA player. Makapal ang mga kilay nito, makapal din ang labi at kapansin-pansin ang kulay abo nitong mga mata."Mabuti naman gising ka na." Wika nito pagkalapit sa kaniya.Nagulat siya dahil matinis at diretso ang pagtatagalog nito. Pinoy ba 'to?"Ahm, yeah. Paano pala ako napunta ri
BUNNY POVLIFE sentence ang hataw ng korte sa kaso ng kaniya Mommy Bea kaya masakit para sa kaniya ang sinapit nito. Alam niyang maraming pagkakasala ito subalit nanaig pa rin sa kaniya ang pagmamahal ng isang anak sa Ina. Pagkalabas sa hospital, pinuntahan niya ito sa kulungan.Hindi maganda ang estado nito. Tulala at hindi makausap nang maayos. Tinawagan na rin niya ang Daddy niya na nasa Australia at nalaman niya nag-suicide ito. Halos manlumo siya sa balita, pakiramdam niya bumagsak ang mundo niya. Hindi niya alam kung bakit nararanasan niya ang ganito pasakit."M-Mommy..." mahinang usal niya sa Ina habang kaharap ito.Oras ng pagdalaw iyon kaya nagkaroon siya ng pagkatataon makausap at makasama ito.Bumaling ito sa kaniya at ngumiti."B-Bunny?""Yes, Mommy. It's me.""Ayoko rito walang aircon, mainit. At saka walang bed at mabaho silang lahat," parang batang nagsusumbong ito sa kaniya at palinga-linga sa paligid."Dala mo ba 'yon mga dress ko? pati mga shoes ko? Kailan ba tayo uu
DIEGO POVNASA loob sila ng sasakyan kasama si Twix. Nalaman agad nito ang location kung nasaan sila Bunny at Mommy Angela dahil sa pag-track sa cellphone ni Bunny. Luminga linga siya sa paligid, isang luma at abandonadong pabrika iyon.Huminga siya nang malalim."yyy kating-kati na siya bumaba ng kotse para tumakbo sa loob at iligtas si Bunny at ang Mommy niya."Oh, he's here," kapagkuwa'y sabi ni Twix.Isang big bike ang pumarada 'di kalayuan sa kanila. Naka-leather jacket ang lalaki at naka all black ang pormahan nito. Nang alisin nito ang helmet saka niya napagtanto na kapatid ito ni Twix."That's Marshall..." mahinang sambit ni Twix.
BUNNY POVNARINIG niya ang malakas na pagbalya ng pinto. Hindi siya makalingon dahil namanhid na ang buong mukha niya."W-What the hell is this!?"Gusto niyang umiiyak ng todo nang marinig ang boses ng Mommy Bea niya.Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa mukha niya."Oh, Jesus Christ! What have you done to Bunny?!! Wala sa usapan natin ang saktan si Bunny!!" Hiyaw ni Mommy niya kay Uncle Rey.Isang nakakademonyong tawa ang narinig niya mula kay Uncle Rey."So, Nanay ka ni Bunny ngayon? Iyon ang drama mo?" Nang uuyam na salita ni Uncle Rey. "Bakit? Don't tell me kakalabanin mo rin ako?"Nakita niya ang marahan na paglapit nito kay Mommy Bea."Ang usapan natin gagamitin natin si Bunny para makuha ang pera ng mga Sandoval, hindi para babuyin at saktan mo ng ganito!" Nanggagalaiting gan
DIEGO POVPAGKAGISING niya si Bunny kaagad ang hinanap niya. Wala na kasi ang dalaga sa tabi niya nang magising siya. Pagkababa, naabutan pa niya si Lola Anastacia na kumakain mag-isa sa may garden area.Naupo siya at nagsalin ng fresh milk sa baso."Apo, hindi 'yan low fat milk," tila nag aalalang sabi ni Lola nang inumin niya ang fresh milk.Low fat? May gano'n ba?"Okay lang, La. Basta gatas ayos lang sa'kin," nakangiting tugon niya."Napansin niyo po ba si Bunny?" dugtong na tanong niya saka sumubo ng garlic bread.Titig na titig pa rin sa kan'ya si Lola Anastacia. May nasabi ba siya mali?"L-Lola?" pukaw niya rito.Kumurap kurap naman ito at ngumiti na rin sa kan'ya."Si Bunny? Ahm, wala sila. Umalis sila ng Mommy mo, nag-shopping. Hindi ba nagsabi sa'yo ang asawa mo?"