DIEGO
NAKAMASID lang siya sa repleksiyon niya sa salamin. Suot niya ang isang puting long sleeve, itim na chaleco vest, itim na bow tie at itim na pantalon.
"Ayon oh! Ang pogi mo na baka bestfriend ko 'yan!" ngiting-ngiti wika ni Kiko sa kaniya.
Pa-simpleng sinabunutan niya ito. Kasalukuyan kasi nasa loob sila ng Adonis Club at waiter sila ngayon ni Kiko. Kung hindi lang siya napilit hindi talaga siya papasok sa ganitong lugar.
Puro matatandang babae, matatandang lalaki na hula niya ay mga bakla. May iilan din naman na bakla pero subalit disente tignan kumbaga pormang lalaki pa rin. Napabuntong hininga siya. Trabaho lang ito walang malisya.
"Mukha kang manager, Diego. Bagay na bagay pala saiyo ang ganyan porma."
Tumaas ang sulok ng labi niya.
"Ako lang 'to! Relax lang."
Sabay pa silang natawa ni Kiko at nagsimula nang magtrabaho. Sa umpisa medyo nalilito pa siya pero habang tumatagal nasasanay na rin siya. Parami nang parami ang mga customer habang lumalalim ang gabi. Napatingin siya sa mumurahin relong suot niya. Ala-una na pala nang umaga hanggang alas-sais pa siya sa club.
Tahimik lang siya nagse-served ng alak sa isang grupo ng mga may edad na kababaihan na makakapal ang make up sa mukha.
"I didn't know there's a handsome waiter here," wika ng isang Ginang na may hawig sa artistang si Gina Pareño.
Kiming ngumiti siya at nang akma siya mag-e-excuse bigla siya hinawakan ng Ginang sa braso upang pigilan.
"Wait lang, maupo ka muna. Gusto ka namin makilala," malisyosang bigkas ng Ginang.
Ayaw naman niya maging bastos subalit umiling siya.
"Pasensya na po, Maam. Bawal po kasi kami maupo sa table."
Sabay-sabay naman napasimangot ang grupo ng mga kababaihan.
"Ano ba ang name mo? Malaki ako magbigay ng tip," wika naman ng isang may edad na babae na halatang senior citizen na.
"Diego po," magalang na tugon niya.
Parang kinilig naman ang may edad na babae pagkarinig sa pangalan niya.
"Ang sarap naman ng name mo. Halatang daks."
Nagtawanan naman ang ibang kasama nito. Wala siya sa mood makipagharutan sa mga ito, trabaho ang pinunta niya rito hindi maghanap ng sugar mommy. Nag-excuse siya muli hindi na niya hinantay ang ibang sasabihin ng mga ito. Nagmadali na siya lumayo.
Pabalik na siya sa barman upang kumuha uli ng panibagong order ng bigla siya mabangga ng isang customer na lasing na. Natapon ang alak sa damit niya.
"Oops...I'm sorry, Dear." Hingi ng paumahin ng customer.
Siguro galing ito sa CR dahil halata sa itsura nito na lasing na ito. Tumango na lamang siya. Sinundan na lang niya nang tingin ang customer na pasuray-suray na ang lakad. Napapailing na lang siya. Nagpaalam siya saglit sa barman na pupunta lang ng banyo.
Mabuti na lang at walang tao sa loob ng banyo. Pagkapasok sa cubicle hinubad niya agad ang vest niya. Pinagpag lang niya iyon at pinunasan ng tissue ang nabasang parte ng long sleeve niya. Habang nagpupunas ng damit naulinigan niya may pumasok sa loob ng banyo.
Tila nagmumura ito sa inis, narinig pa niya ang marahan pagtampal nito sa marmol na lababo. Hindi na lamang niya pinansin. Pagkabukas niya ng pinto ng cubicle hindi sadyang napatingin siya sa salamin dahilan upang magkatitigan sila ng taong nakaharap din sa salamin.
Kumunot ang noo nito habang siya natigilan siya. Tama ba ang nakikita niya? kamukhang-kamukha niya ang lalaking nasa harapan ng salamin.
May kaputian lang ito habang siya ay moreno dahil bilad sa arawan ang balat niya sa kakatrabaho. Wala masyadong pinagkaiba ang itsura nila. Napaigtad siya nang humarap ito sa kaniya at napatili habang nanlalaki ang mga mata.
"Holy sh*t! OMG! I can't believe this-- are you real?"
Namamangha wika nito sabay hawak sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya maging ang mukha niya. Hindi siya makahuma kaya hinayaan lang niya ito sa ginagawa.
"Oh God! Totoo ka! Buhay ka? God! You're alive. I'm so happy!"
Nang bigla siya nito yakapin doon siya medyo nailang. Hindi niya ma-gets ang sinasabi nito. Paano bang nangyari magkamukha sila? Isa lang ibig sabihin no'n, magkapatid sila pero paano nangyari 'yon? Naguguluhan talaga siya.
"Ahm...hindi kita maunawaan," maiksing sabi niya.
Nahimasmasan yata ang lalaking nasa harap niya bahagya ito lumayo sa kaniya subalit hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa mga labi nito.
"I'm Asher. Asher Sandoval and you are my long lost twin brother."
Nalukot ang noo niya sa sinabi nito. Asher Sandoval? Long lost twin brother? Seryoso?
"I know medyo naguguluhan o nalilito ka but believe me...ang tagal kang hinanap ni Mommy. Buong akala nga namin patay ka na but here you are-- you are alive." Amazed na amazed na bigkas ni Asher.
"P-Paano nangyari 'yon? May mga magulang ako at--"
"You know what, mas okay siguro pag usapan natin 'to sa ibang lugar. I can explain it to you. Lahat ng mga questions mo I can answer all of it. By the way, anong gamit mong name?"
Kahit tuliro pa siya nakuha naman niya sumagot.
"Diego. Diego Reyes ang pangalan ko."
"I see. Our mother named you Austin but mas bagay sa'yo ang Diego. Sounds manly," maarteng bigkas nito saka ngumiti.
Saka lang niya napagtanto na nasa loob pala siya ng Adonis Club at ang ibig sabihin lang no'n ay binababae si Asher.
Hinawakan siya agad ni Asher sa braso at hinila palabas.
"Wait-- baka makagalitan ako hindi pa ako puwede mag-out hanggang 6 nang umaga pa ako."
Maarteng tumawa si Asher.
"It's fine. Kilala ko ang may ari nito Club. At saka-- ngayon nakita na kita sa tingin mo ba hahayaan kita magtrabaho pa bilang waiter. You are brother and you are a Sandoval."
Wala siya ibang masabi. Tikom lang ang bibig niya habang sinusundan niya lang si Asher na naglalakad palabas ng Club. Pagkalabas ng Club, tumawid sila upang pumasok sa isang fast food chain sa 'di kalayuan sa Club.
Dahil madaling araw na wala na masyadong customer sa fast food chain na iyon. Naupo sila ni Asher sa dulo bahagi, umorder muna ito ng breakfast meal na may kape.
Nang makaupo na uli ito sa tapat niya. Isa-isa nito sinalaysay ang lahat sa kaniya. Kung paano siya nawala sa hospital kung saan nanganak ang Mommy nila. Ang hinala ay may nagnakaw sa kaniya subalit lumipas ang ilan buwan na paghahanap sa kaniya ay bigong makita siya.
Namatay na rin ang kanilang Daddy dahil sa car accident kaya masakit man sa kanilang Mommy na iwanan ang Pilipinas ay nag-migrate ang mga ito sa Australia upang maka-move on. Inisip na lang ng Mommy nila na wala na siya dahil may balita rin noon na may dinudukot na mga sanggol at binebenta ang mga organ para sa mga medical activities sa ibang bansa.
"So, Kumusta ka? Kumusta ang naging buhay mo, Diego?" kapagkuwa'y tanong ni Asher.
Huminga siya nang malalim. Walang wala ang buhay niya sa buhay ngayon ni Asher. Nalaman niya kasi abogado na ito at marami ito negosyo rito sa Pilipinas. Kumbaga milyonaryo na ito habang siya isang kahig isang tuka.
Napapailing siya at malungkot na yumuko. Ano bang ipagmamalaki niya sa kapatid? Ni hindi nga nakapag kolehiyo. Naramdaman na lang niya ang paghawak ni Asher sa isang kamay niya.
"It's okay, Diego. Kapatid mo ako. Magkambal tayo. You can tell me everything, I won't judge you."
Hindi niya naiwasan ang mapangiti sa sinabi nito. Magkapatid. Magkambal. For the first time sa buhay niya, naramdaman niya hindi siya nag iisa.
"Lumaki ako sa hirap. Hindi ako nakapag aral ng kolehiyo. Kung ano-ano trabaho ang pinapasok ko para lang magkapera. Wala ako masyado magandang karanasan sa buhay na maikukuwento sa'yo, Asher."
Malungkot na pag-amin niya. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya kay Asher, mula sa pagkamatay ng kaniya kinilalang Ama at ang pagtrato sa kaniya ng kinilala niya Nanay. Ngayon lang niya napagtanto kung bakit gano'n ang trato ng Nanay niya sa kaniya. Hindi pala siya tunay na anak nito. Nakakalungkot lang kasi minahal niya ito na parang tunay niya Nanay.
"Huwag kang mag-alala, Diego. I'm here now. Tutulungan kita. Hinding-hindi ako papayag na hindi kita matulungan. Kung ano ang sa'kin ay sa'yo na rin."
Nag init ang sulok ng mga mata nila ni Asher ngunit sabay din sila nagkatawanan. Inamin din sa kaniya ni Asher ang gender preference nito. Wala naman sa kaniya kung pusong babae ito. Hindi naman halata sa itsura nito masyado kasing pormal ang datingan nito.
Marami pa silang pinag-usapan ni Asher, mga plano nito sa kaniya at kung ano-ano pa hanggang sa sumikat na ang liwanag sa labas. Nag paalam muna siya saglit kay Asher na kukunin ang iba niya gamit sa bahay nila. Nagsabi kasi ito na sa condo unit na lang nito siya tumira dahil bihira naman matirhan iyon. May usapan na lang sila na magkikita muli kaya nang palabas na sila ng fast food chain. Kinuha ni Asher ang wallet at ilan ID's niya habang pinahawak naman nito sa kaniya ang makapal na wallet nito na punong-puno ng credit card.
"Ano pala ang birthday mo?" tanong ni Asher habang naglalakad na sila sa labas ng fast food chain.
"May 15."
Pagak na natawa ito.
"Buti na lang at hindi binago ang birthday mo. May 15 talaga ang birthday natin."
Napangiti na rin siya at least may isang bagay pala sa kaniya ang totoo...ang kaarawan niya.
"Sige, Asher. Magkita na lang tayo mama--"
Naudlot na ang iba pa niya sasabihin ng may malakas na putok ang umalingawngaw kasabay ang pagtumba ni Asher sa harapan niya. Napasulyap siya sa dalawang taong nakasakay sa motorsiklo. Walang plate number at naka-full face helmet pa. Tang'na!
"Asher!!" sigaw niya sa pangalan ng kapatid habang duguan na humandusay ito sa lupa.
DIEGOTULALA pa rin siya habang nakatunghay sa katawan ni Asher na nakahandusay sa lupa. Nanlamig ang buong katawan niya. Bakit gano'n? Bakit kailangan ganito ang mangyari? Gusto niya umiyak at sumigaw nang malakas ngunit hindi niya magawa.Mayamaya pa ay dumami na ang tao sa paligid kasunod ang pagdating ng mga pulis at ilan pang crime staffs. Bago siya lumayo dinampot niya ang isang itim key chain na nalaglag at bulsa ni Asher.Tahimik lang siya nakamasid hanggang sa lagyan na ng mga dilaw na lubid ang paligid kung nasaan si Asher.Sino ang papatay sa kapatid niya? Bakit kailangan ngayon pa? kung kailan kakakilala lang nila. Napahilamos siya ng mukha. Ilan saglit pa ay dinala na ang katawan ni Asher. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kaya nagpasya na muna siya maglakad lakad sa kung saan.Hanggang sa mapatingin siya sa susi hawak niya. Naalala rin niya ang wallet ni Asher na napunta sa kaniya saka lang niya napagtanto na kay Asher pala ang wallet niya. Kaagad siya tumungo sa pinaka
BUNNYKANINA pa panay sulyap niya sa hawak na cellphone. Nagtataka na siya dahil hindi pa rin sini-seen ni Asher ang lahat ng chat niya rito. Alam niyang nasa Pilipinas ito upang asikasuhin ang huling kliyente nito at ang ibang negosyo sa Pilipinas.Ang sabi ni Asher ay babalik din agad ito pero wala pa rin update sa kaniya ang asawa. Nawala ang pag iisip niya nang dumating ang Mommy ni Asher na si Mrs. Angela Sandoval at ang tiyuhin nito na si Uncle Rey."How are you, Bunny? Kumusta ang honeymoon tour niyo ni Asher? Magkaka-apo na ba ako?" nangingislap ang mga matang tanong ni Mommy Angela sa kaniya.Kiming ngumiti siya. It's been two months after their married, okay naman ang pagsasama nila ni Asher so far. Nothing new. Nag-enjoy naman sila sa honeymoon tour nila but the 'Baby' thing is not gonna happen. Dahil wala naman nangyari sa kanila ni Asher, magkasama man sila sa iisang hotel room walang sèx na magaganap sa pagitan nila.Huminga muna siya nang malalim bago sumagot."The hone
DIEGO POV MABILIS niya binaba ang cellphone ni Asher na nasa compartment ng kotse nito. Nag-ring kasi iyon, wala naman talaga siya balak sagutin ang tawag ngunit inisip niya baka importante kaya nang sagutin niya nabigla siya dahil boses ng isang babae ang sumagot. Sa kaba niya ay hello lang ang nasabi niya at pinatay na agad ang tawag. Binalik niya sa compartment ang cellphone. Hinayaan na lang niya tumunog nang tumunog iyon. Kung sino man iyon nasisiguro niya hindi iyon ang Mommy ni Asher...Mommy nila. Napabuntong hininga siya. Pinaandar na lang niya ang kotse. May usapan kasi sila ni Kiko na magkikita sa may Intramuros. Mayroon kasi silang paborito karinderya na kinakainan palagi roon. Gusto niya ipaalam kay Kiko ang nangyari. Pagdating sa mismong karinderya, napansin niya na agad si Kiko na naka-istambay sa gilid. Pinarada niya sa 'di kalayuan ang kotse. Pagbaba ng kotse hindi na siya nag atubiling lapitan si Kiko. Bumaha ang gulat sa mukha nito pagkakita sa kaniya. Lalong lum
DIEGO POVNANG magising siya pakiwari'y binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Napakasama pala ang hang over ng mamahaling alak na iyon. Ramdam pa rin niya ang pag ikot ng sikmura niya kaya mabilis siya bumangon at nagtungo sa banyo.Paluhod na yumuko siya sa inidoro at doon sumuka siya nang sumuka. Lahat na yata ng laman ng tiyan niya ay isinuka na niya. Hinang-hina na siya."You're so wasted, Asher."Napaigtad siya sa gulat nang may magsalitang boses babae. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang babae nakahiga sa bathtub at halatang naliligo ito.Tang'na! Nasaan ba ako? Bakit may babae rito sa condo ng kapatid niya?Narinig pa niya na bumuntong hininga ang babae habang siya pilit niya inaalisa ang itsura ng magandang babae sa harapan niya."Nakakadiri ka. Ngayon lang kita nakita nagsuka ng ganyan at hanggang ngayon amoy na amoy ko pa rin ang suka mo!"puno ng iritasyon sabi ng babae.Lasing pa ba siya? hallucination ba ito? pamilyar kasi ang babae sa kaniya. Hawig nito an
BUNNYMATIIM niyang pinagmamasdan si Asher habang kausap nito ang driver kuno nito na Kiko ang pangalan. Para kasing may iba na hindi niya maipaliwanag. She has a strange feeling about Asher, it's like he's not the Asher she knows.Pero imposible iyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.Papunta sila ngayon sa Hypermarket upang mamili. Sumulyap naman sa kaniya si Kiko mula sa rearview mirror ng kotse. Nasa backseat kasi siya at nasa passenger seat naman si Asher.Isang malawak na ngiti ang ginawa ni Kiko."Napakaganda niyo po talaga sa personal, Ma'am Bunny," pagpuri nito sa kaniya. Kiming ngumiti lang siya.Naninibago pa rin kasi siya. Hindi siya sanay na may driver si Asher. Tinanong naman niya kanina si Asher kung bakit ito kumuha ng driver at ang sinagot lang nito ay nakiusap ang kakilala nito na ipasok ang lalaki bilang driver para magkaroon ng trabaho. Tulong kumbaga.May duda man siya naramdaman hindi na lang niya pinansin. Pansamantala lang naman sila rito s
DIEGONAGULAT talaga siya nang malaman na asawa ni Asher si Bunny. Paano nangyari 'yon? Isa lang ang pumasok sa konklusyon niya. Marahil, may kasunduan ang dalawa kumbaga marriage for convenience kung tawagin. Napailing siya. Napapasubo na siya masyado.Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng babae sa mundo, si Bunny Smith pa ang naging kaibigan at asawa ng kambal niya. Mas mahihirapan siya sa gagawin niya pagpapanggap. Napatitig siya kay Bunny na kalmadong kumakain.Alam niyang nagdududa na ito kaya naman kailangan na niya mag-ingat at galingan ang pag-akto bilang Asher. Napatingin siya kay Kiko na sarap na sarap sa kinakain. Kung mayroon man siya isang taong pinagkakatiwalaan ay si Kiko na 'yon. Kailangan niya rin pagsabihan ito na mag-ingat sa bibitawan na salita at baka mabuko sila nang maaga ni Bunny.Pagkabalik nila sa condo unit, nagpaalam muna si Kiko na uuwi at makikibalita tungkol sa kung ano na balita sa kaso ng kambal niya. Napasulyap siya kay Bunny na matiim na nakatingin
DIEGONAKADUNGAW siya sa burol na nasa harap ng tahanan nila. Nasa isang poste lang siya nakatayo at nagmamasid sa mga nagsusugal sa paligid. Ganito pala ang magiging itsura ng burol niya kung sakali siya ang namatay.Parang pinagkakakitaan pa ng Nanay niya ang burol ng kapatid niya. Nakaramdam siya nang matinding awa para sa kakambal."Patawad, Asher. Pangako, bibigyan kita nang maayos na burol. Ibabalik kita kung saan ka nababagay talaga." Usal niya sa sarili.Ilan sandali pa ay lumapit na rin si Kiko sa kaniya. Mabuti na lang walang nakapansin sa kaniya. "Isang linggo pa ang burol ng kapatid mo, Diego. Sa public cemetery ilalagak ang kapatid mo iyon lang ang kinaya." Paunang sabi ni Kiko.Tumango siya."Ayos lang. Ililipat na lang natin si Asher sa susunod."Ang balak niya ay kunin uli ang katawan ng kakambal at ipa-cremate ito saka dalhin sa condo. Mas mapapanatag siya pag ganoon. Sumang-ayon naman si Kiko."Ano pala plano mo oras na mabuko ka ni Bunny?" kapagkuwa'y tanong ni Kik
BUNNYMALALAKAS na tugtugin ang bumabalot sa buong loob ng Black Club. Hindi ito basta ordinaryong pub na kahit sino ay makakapasok. Kailangan ay exclusive member ka ng Club. Pinaikot niya ang buong tingin sa paligid ng Club. May mga nakikita siyang mga sophisticated at sexy babae sa loob at mga good looking na kalalakihan.Napangiti siya. Ito ang habol ni Asher kaya nagtayo ng Club. Ang makakita ng mga magagandang lalaki. Speaking of Asher, napasulyap siya sa taas kung nasaan ang VIP room.Naroon sa loob ang asawa niya kasama ang mga kaibigan nito sa negosyo. Pinakilala siya ni Asher sa mga ito subalit parang naiilang ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung naiilang ba ito ipakilala siya o naiilang ito sa mga kaibigan niya? Kaya naman nag-excuse siya at kumuha ng ladies drink sa bartender. Tahimik lang siya nakaupo habang ninanamnam ang musika at nagmamasid sa mga tao. Ilan sandali pa ay may umupo sa katabing stool niya."Drinking alone?"Dagli siya napalingon sa gilid niya. Isang
BUNNY POV"OH MY GOD! In just five days, umabot na ng ten million views ang movie! Grabe much!" Tumitiling balita ni Alona sa kaniya.Kasalukuyan nasa condo siya nagpapahinga dahil sa halos dalawang linggo kabi-kabilang guesting sa mga tv shows at radio station para mag-promote ng bagong pelikula niya.Umikot ang mga mata niya sabay napailing dahil sa kaingayan ng kaniyang baklang manager na si Alona. Naging kaibigan niya ito dahil kapitbahay niya ito noon nangupahan siya malapit sa kung saan nakakulong ang kaniyang Mommy.Mas madali kasi niya madalaw ang Mommy niya kaya doon siya naghanap ng town house na mauupahan."Ang ingay mo baks." Sita niya sa kaibigan.Naup
DIEGO POVAFTER FIVE YEARS....NAPASULYAP siya sa pinto ng kaniyang executive office. Napangiti siya nang makita si Michelle kasama ang makulit at apat na taon niyang anak na si Amber.Mabilis na tumakbo si Amber palapit sa kaniya, tumayo naman siya agad at maliksing binuhat ito. Ngiting-ngiti siya dahil panay tawa si Amber habang buhat niya."I miss you, Dada." Malakas na sabi ni Amber, hinalikan naman niya ito sa pisngi."Na-miss din kita." Sagot niya sabay lingon kay Michelle.Galing ang dalawa sa Canada, halos ilan buwan din nandoon ang mag ina. Ngumiti siya kay Michelle."Kumusta? Anong balita sa'yo?" nakangiting tanong niya kay Michelle.Sa loob ng limang taon naging malapit na magkaibigan silang dalawa kahit sa mata ng ibang tao ay mag asawa sila. Malaki ang naitulong ni Michelle sa pagbabago ng buhay niya lalo sa pag hahawak ng kumpanya.Naka-graduate siya sa kolehiyo sa America, hindi madali subalit ginawa niya ang lahat upang maipakita sa pamilya niya at sa lahat na karapat
BUNNY POVHUMINGA siya nang malalim habang nakatayo sa harapan ng gate ng mga Sandoval kasabay ang marahan na paghimas niya sa impis niya tiyan.Kailangan niya masabi kay Diego ang kalagayan niya. Wala siya pakialam kung kasal man ito ang mahalaga malaman nito ang totoo at kahit papaano masuportahan man siya ng binata."Yes, ma'am?" magalang na tanong ng security guard sa kaniya matapos siya mag-doorbell."Uhm, I'm here for Mr. Diego Sandoval, is he here? I badly need to talk to him. Please, tell him, I'm here. I'm Bunny Smith." Aniya sa guard.Tumingin ang guard sa kaniya at marahan tumango."Okay. Please wait."Kiming ngumiti siya. Tahimik siyang na nanalangin na sana'y naroon si Diego. Ilan minuto pa siya nag antay subalit hindi pa rin bumabalik ang guard.Hanggang ang minuto ay naging isang oras, hanggang naging dalawang oras. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom dahil sa tagal. Ewan ba niya, wala kasi siya gana kumain ngayon.Marahil sa dami nang iniisip niya kaya hirap siya kumai
DIEGO POV"WHAT? Marry who? Wala na po ba ibang paraan, Mommy? Lola?"Mabigat sa loob niya iwan si Bunny sa hospital subalit dahil sa mga nangyari kinailangan niya sumama sa kaniyang Mommy Angela at Lola, pabalik ng Australia.Nangako siya na babalik agad sa Pilipinas para kay Bunny ngunit nagkaroon ng aberya sa kumpanya na pinanghahawakan ni Asher. Nalaman na ng lahat ang pagkamatay ni Asher, kaya isa-isang nag pull out ang mga board member o share stockholder ng kumpanya.Malaking problema iyon para sa pamilya nila, hindi lang sa malaking pera ang mawawala sa pamilya nila kun'di maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho."Listen, Anak. This is business. Nang malaman nila wala na ang kapatid mo, at ikaw ang papalit, nagkaroon sila ng pagdududa sa kakayahan mo. I know, naguguluhan ka pa at marami ka pang pag aaralan tungkol sa kumpanya natin, kaya
BUNNY POVNAGMULAT siya ng mga mata, buong akala niya ay nasa isang hospital na naman siya subalit nang mapagmasdan ang buong paligid niya, nasa isang eleganteng silid pala siya.Napabalikwas siya nang bangon sabay napaigik at hawak sa ulo dahil sa matinding pagkirot niyon.Migraine ba ang pagsakit ng ulo niya?Muli siya napahiga at napatulala sa magandang kisame.Nasaan na nga ba siya?Ilan sandali pa ay may pumasok sa silid.Mabilis siyang napaupo at napatingin sa bagong dating. Isang matangkad na lalaki, itim ang balat nito, hula niya ay black american ito o african american. Nakasuot ito ng ligh brown na formal suit at brown na leather shoes, at blue na necktie.Sa tangkad nito, pwede pagkamalan itong NBA player. Makapal ang mga kilay nito, makapal din ang labi at kapansin-pansin ang kulay abo nitong mga mata."Mabuti naman gising ka na." Wika nito pagkalapit sa kaniya.Nagulat siya dahil matinis at diretso ang pagtatagalog nito. Pinoy ba 'to?"Ahm, yeah. Paano pala ako napunta ri
BUNNY POVLIFE sentence ang hataw ng korte sa kaso ng kaniya Mommy Bea kaya masakit para sa kaniya ang sinapit nito. Alam niyang maraming pagkakasala ito subalit nanaig pa rin sa kaniya ang pagmamahal ng isang anak sa Ina. Pagkalabas sa hospital, pinuntahan niya ito sa kulungan.Hindi maganda ang estado nito. Tulala at hindi makausap nang maayos. Tinawagan na rin niya ang Daddy niya na nasa Australia at nalaman niya nag-suicide ito. Halos manlumo siya sa balita, pakiramdam niya bumagsak ang mundo niya. Hindi niya alam kung bakit nararanasan niya ang ganito pasakit."M-Mommy..." mahinang usal niya sa Ina habang kaharap ito.Oras ng pagdalaw iyon kaya nagkaroon siya ng pagkatataon makausap at makasama ito.Bumaling ito sa kaniya at ngumiti."B-Bunny?""Yes, Mommy. It's me.""Ayoko rito walang aircon, mainit. At saka walang bed at mabaho silang lahat," parang batang nagsusumbong ito sa kaniya at palinga-linga sa paligid."Dala mo ba 'yon mga dress ko? pati mga shoes ko? Kailan ba tayo uu
DIEGO POVNASA loob sila ng sasakyan kasama si Twix. Nalaman agad nito ang location kung nasaan sila Bunny at Mommy Angela dahil sa pag-track sa cellphone ni Bunny. Luminga linga siya sa paligid, isang luma at abandonadong pabrika iyon.Huminga siya nang malalim."yyy kating-kati na siya bumaba ng kotse para tumakbo sa loob at iligtas si Bunny at ang Mommy niya."Oh, he's here," kapagkuwa'y sabi ni Twix.Isang big bike ang pumarada 'di kalayuan sa kanila. Naka-leather jacket ang lalaki at naka all black ang pormahan nito. Nang alisin nito ang helmet saka niya napagtanto na kapatid ito ni Twix."That's Marshall..." mahinang sambit ni Twix.
BUNNY POVNARINIG niya ang malakas na pagbalya ng pinto. Hindi siya makalingon dahil namanhid na ang buong mukha niya."W-What the hell is this!?"Gusto niyang umiiyak ng todo nang marinig ang boses ng Mommy Bea niya.Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa mukha niya."Oh, Jesus Christ! What have you done to Bunny?!! Wala sa usapan natin ang saktan si Bunny!!" Hiyaw ni Mommy niya kay Uncle Rey.Isang nakakademonyong tawa ang narinig niya mula kay Uncle Rey."So, Nanay ka ni Bunny ngayon? Iyon ang drama mo?" Nang uuyam na salita ni Uncle Rey. "Bakit? Don't tell me kakalabanin mo rin ako?"Nakita niya ang marahan na paglapit nito kay Mommy Bea."Ang usapan natin gagamitin natin si Bunny para makuha ang pera ng mga Sandoval, hindi para babuyin at saktan mo ng ganito!" Nanggagalaiting gan
DIEGO POVPAGKAGISING niya si Bunny kaagad ang hinanap niya. Wala na kasi ang dalaga sa tabi niya nang magising siya. Pagkababa, naabutan pa niya si Lola Anastacia na kumakain mag-isa sa may garden area.Naupo siya at nagsalin ng fresh milk sa baso."Apo, hindi 'yan low fat milk," tila nag aalalang sabi ni Lola nang inumin niya ang fresh milk.Low fat? May gano'n ba?"Okay lang, La. Basta gatas ayos lang sa'kin," nakangiting tugon niya."Napansin niyo po ba si Bunny?" dugtong na tanong niya saka sumubo ng garlic bread.Titig na titig pa rin sa kan'ya si Lola Anastacia. May nasabi ba siya mali?"L-Lola?" pukaw niya rito.Kumurap kurap naman ito at ngumiti na rin sa kan'ya."Si Bunny? Ahm, wala sila. Umalis sila ng Mommy mo, nag-shopping. Hindi ba nagsabi sa'yo ang asawa mo?"