Thank you readers! ꔛ-`♥´-
DIEGO POVNANG magising siya pakiwari'y binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Napakasama pala ang hang over ng mamahaling alak na iyon. Ramdam pa rin niya ang pag ikot ng sikmura niya kaya mabilis siya bumangon at nagtungo sa banyo.Paluhod na yumuko siya sa inidoro at doon sumuka siya nang sumuka. Lahat na yata ng laman ng tiyan niya ay isinuka na niya. Hinang-hina na siya."You're so wasted, Asher."Napaigtad siya sa gulat nang may magsalitang boses babae. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang babae nakahiga sa bathtub at halatang naliligo ito.Tang'na! Nasaan ba ako? Bakit may babae rito sa condo ng kapatid niya?Narinig pa niya na bumuntong hininga ang babae habang siya pilit niya inaalisa ang itsura ng magandang babae sa harapan niya."Nakakadiri ka. Ngayon lang kita nakita nagsuka ng ganyan at hanggang ngayon amoy na amoy ko pa rin ang suka mo!"puno ng iritasyon sabi ng babae.Lasing pa ba siya? hallucination ba ito? pamilyar kasi ang babae sa kaniya. Hawig nito an
BUNNYMATIIM niyang pinagmamasdan si Asher habang kausap nito ang driver kuno nito na Kiko ang pangalan. Para kasing may iba na hindi niya maipaliwanag. She has a strange feeling about Asher, it's like he's not the Asher she knows.Pero imposible iyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.Papunta sila ngayon sa Hypermarket upang mamili. Sumulyap naman sa kaniya si Kiko mula sa rearview mirror ng kotse. Nasa backseat kasi siya at nasa passenger seat naman si Asher.Isang malawak na ngiti ang ginawa ni Kiko."Napakaganda niyo po talaga sa personal, Ma'am Bunny," pagpuri nito sa kaniya. Kiming ngumiti lang siya.Naninibago pa rin kasi siya. Hindi siya sanay na may driver si Asher. Tinanong naman niya kanina si Asher kung bakit ito kumuha ng driver at ang sinagot lang nito ay nakiusap ang kakilala nito na ipasok ang lalaki bilang driver para magkaroon ng trabaho. Tulong kumbaga.May duda man siya naramdaman hindi na lang niya pinansin. Pansamantala lang naman sila rito s
DIEGONAGULAT talaga siya nang malaman na asawa ni Asher si Bunny. Paano nangyari 'yon? Isa lang ang pumasok sa konklusyon niya. Marahil, may kasunduan ang dalawa kumbaga marriage for convenience kung tawagin. Napailing siya. Napapasubo na siya masyado.Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng babae sa mundo, si Bunny Smith pa ang naging kaibigan at asawa ng kambal niya. Mas mahihirapan siya sa gagawin niya pagpapanggap. Napatitig siya kay Bunny na kalmadong kumakain.Alam niyang nagdududa na ito kaya naman kailangan na niya mag-ingat at galingan ang pag-akto bilang Asher. Napatingin siya kay Kiko na sarap na sarap sa kinakain. Kung mayroon man siya isang taong pinagkakatiwalaan ay si Kiko na 'yon. Kailangan niya rin pagsabihan ito na mag-ingat sa bibitawan na salita at baka mabuko sila nang maaga ni Bunny.Pagkabalik nila sa condo unit, nagpaalam muna si Kiko na uuwi at makikibalita tungkol sa kung ano na balita sa kaso ng kambal niya. Napasulyap siya kay Bunny na matiim na nakatingin
DIEGONAKADUNGAW siya sa burol na nasa harap ng tahanan nila. Nasa isang poste lang siya nakatayo at nagmamasid sa mga nagsusugal sa paligid. Ganito pala ang magiging itsura ng burol niya kung sakali siya ang namatay.Parang pinagkakakitaan pa ng Nanay niya ang burol ng kapatid niya. Nakaramdam siya nang matinding awa para sa kakambal."Patawad, Asher. Pangako, bibigyan kita nang maayos na burol. Ibabalik kita kung saan ka nababagay talaga." Usal niya sa sarili.Ilan sandali pa ay lumapit na rin si Kiko sa kaniya. Mabuti na lang walang nakapansin sa kaniya. "Isang linggo pa ang burol ng kapatid mo, Diego. Sa public cemetery ilalagak ang kapatid mo iyon lang ang kinaya." Paunang sabi ni Kiko.Tumango siya."Ayos lang. Ililipat na lang natin si Asher sa susunod."Ang balak niya ay kunin uli ang katawan ng kakambal at ipa-cremate ito saka dalhin sa condo. Mas mapapanatag siya pag ganoon. Sumang-ayon naman si Kiko."Ano pala plano mo oras na mabuko ka ni Bunny?" kapagkuwa'y tanong ni Kik
BUNNYMALALAKAS na tugtugin ang bumabalot sa buong loob ng Black Club. Hindi ito basta ordinaryong pub na kahit sino ay makakapasok. Kailangan ay exclusive member ka ng Club. Pinaikot niya ang buong tingin sa paligid ng Club. May mga nakikita siyang mga sophisticated at sexy babae sa loob at mga good looking na kalalakihan.Napangiti siya. Ito ang habol ni Asher kaya nagtayo ng Club. Ang makakita ng mga magagandang lalaki. Speaking of Asher, napasulyap siya sa taas kung nasaan ang VIP room.Naroon sa loob ang asawa niya kasama ang mga kaibigan nito sa negosyo. Pinakilala siya ni Asher sa mga ito subalit parang naiilang ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung naiilang ba ito ipakilala siya o naiilang ito sa mga kaibigan niya? Kaya naman nag-excuse siya at kumuha ng ladies drink sa bartender. Tahimik lang siya nakaupo habang ninanamnam ang musika at nagmamasid sa mga tao. Ilan sandali pa ay may umupo sa katabing stool niya."Drinking alone?"Dagli siya napalingon sa gilid niya. Isang
BUNNYITO mga nakalipas na araw napapadalas talaga ang paghawak niya sa sarili gabi-gabi. Paano ba naman, panay-panay din ang pagbu-burles ni Asher sa loob ng condo? Pag nasa kusina ito walang suot na pang-itaas lagi o kaya nakasuot lang ito ng sando na kita ang matitigas nito biceps.Napapalunok na lang siya ng laway pag gano'n ang nasisilayan niya. Wala naman siya hilig hawakan ang sarili subalit hindi niya maiwasan isipin ang tawag ng damdamin."May pupuntahan lang ako ngayon." Pukaw ni Asher sa atensiyon niya."Ha?" napaawang ang labi niya.Bagong paligo na kasi si Asher. Naka-maong jeans, black tshirt, leather jacket at timberland shoes ito. Napaka-rugged looking nito ngayon. Ba't parang ang sarap lamukusin ang mga labi nito? Ba't parang sarap magpabuhat kay Asher?OMG! Bunny wake up! That's Asher. Hinding-hindi magpapa-kalalaki 'yan!"Sabi ko aalis ako ngayon. Okay ka lang dito? Saglit lang naman ako. May gusto ka kainin mamaya para bibili ako?"Oo...Ikaw. Tila nais niyang sabi
DIEGOTAHIMIK lang siyang nakamasid sa malayo habang pinapanuod ang paglilibing kay Asher. Kapansin-pansin ang Nanay niya na umiinom pa ng softdrink sa gilid tila inip na inip na matapos ang libing.Kakaunti lang ang nagpunta, sabagay wala rin naman siya masyadong kaibigan. Naroon din si Kiko at tahimik lang na nakayuko. Huminga siya nang malalim at taimtim na nag-alay ng dasal para sa kapatid.Nakakalungkot lang talaga na sobrang iksing oras lang ang binigay sa kanila ng Diyos upang magkakilala. Matapos ang libing, sadyang nagpaiwan si Kiko. Hinantay niya muna makaalis ang lahat ng tao bago marahan lumapit sa libingan.Naglagay siya ng bulaklak at hinawakan ang lapida."Aalisin kita rito, Asher. Pangako 'yan. Aayosin ko ito lahat." Pabulong na wika niya.Naramdaman niya ang pagtapik ni Kiko sa balikat niya. Nilingon naman niya ito."Nakausap ko na 'yon sepulturero, Diego. Mamaya huhukayin ang kapatid mo para ma-cremate na."Tumango-tango siya. Mas maige na 'yon para mailagak niya si
BUNNYAWARE naman siya na kahit bakla si Asher ay may pagkakataon tumatayo pa rin ang sentro ng pagkalalakì nito subalit hindi ganito kahaba at katigas na parang sa normal straight guy.Napasulyap siya sa mukha ni Asher na pulang-pula at hindi makatingin ng diretso sa kaniya."I think...we should stop this nonsense and--""Ssh stop, talking." Pigil niya sa iba pang sinasabi ni Asher.Marahan niya tinulak pahiga si Asher pero imbes sa kama bumagsak sa sahig ito napahiga. Narinig pa niya ang matinis na tili ni Asher habang paurong nang paurong palayo sa kaniya.Ngumisi siya. She don't know why but she's enjoying this scene. Lumuhod din siya at dahan-dahang gumagapang palapit kay Asher.I will not let you go!"B-Bunny...you look like a b*tch maniàc. I don't like how you stared at me," nakangiwing reklamo ng binata."Say...don't eat me, please.""Huh?""Say it!""Ahm, don't...eat...me?" Alanganin man sinunod pa rin ni Asher ang sinabi niya."Please.""Hmm, please?" maarteng wika nito.Tha
BUNNY POV"OH MY GOD! In just five days, umabot na ng ten million views ang movie! Grabe much!" Tumitiling balita ni Alona sa kaniya.Kasalukuyan nasa condo siya nagpapahinga dahil sa halos dalawang linggo kabi-kabilang guesting sa mga tv shows at radio station para mag-promote ng bagong pelikula niya.Umikot ang mga mata niya sabay napailing dahil sa kaingayan ng kaniyang baklang manager na si Alona. Naging kaibigan niya ito dahil kapitbahay niya ito noon nangupahan siya malapit sa kung saan nakakulong ang kaniyang Mommy.Mas madali kasi niya madalaw ang Mommy niya kaya doon siya naghanap ng town house na mauupahan."Ang ingay mo baks." Sita niya sa kaibigan.Naup
DIEGO POVAFTER FIVE YEARS....NAPASULYAP siya sa pinto ng kaniyang executive office. Napangiti siya nang makita si Michelle kasama ang makulit at apat na taon niyang anak na si Amber.Mabilis na tumakbo si Amber palapit sa kaniya, tumayo naman siya agad at maliksing binuhat ito. Ngiting-ngiti siya dahil panay tawa si Amber habang buhat niya."I miss you, Dada." Malakas na sabi ni Amber, hinalikan naman niya ito sa pisngi."Na-miss din kita." Sagot niya sabay lingon kay Michelle.Galing ang dalawa sa Canada, halos ilan buwan din nandoon ang mag ina. Ngumiti siya kay Michelle."Kumusta? Anong balita sa'yo?" nakangiting tanong niya kay Michelle.Sa loob ng limang taon naging malapit na magkaibigan silang dalawa kahit sa mata ng ibang tao ay mag asawa sila. Malaki ang naitulong ni Michelle sa pagbabago ng buhay niya lalo sa pag hahawak ng kumpanya.Naka-graduate siya sa kolehiyo sa America, hindi madali subalit ginawa niya ang lahat upang maipakita sa pamilya niya at sa lahat na karapat
BUNNY POVHUMINGA siya nang malalim habang nakatayo sa harapan ng gate ng mga Sandoval kasabay ang marahan na paghimas niya sa impis niya tiyan.Kailangan niya masabi kay Diego ang kalagayan niya. Wala siya pakialam kung kasal man ito ang mahalaga malaman nito ang totoo at kahit papaano masuportahan man siya ng binata."Yes, ma'am?" magalang na tanong ng security guard sa kaniya matapos siya mag-doorbell."Uhm, I'm here for Mr. Diego Sandoval, is he here? I badly need to talk to him. Please, tell him, I'm here. I'm Bunny Smith." Aniya sa guard.Tumingin ang guard sa kaniya at marahan tumango."Okay. Please wait."Kiming ngumiti siya. Tahimik siyang na nanalangin na sana'y naroon si Diego. Ilan minuto pa siya nag antay subalit hindi pa rin bumabalik ang guard.Hanggang ang minuto ay naging isang oras, hanggang naging dalawang oras. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom dahil sa tagal. Ewan ba niya, wala kasi siya gana kumain ngayon.Marahil sa dami nang iniisip niya kaya hirap siya kumai
DIEGO POV"WHAT? Marry who? Wala na po ba ibang paraan, Mommy? Lola?"Mabigat sa loob niya iwan si Bunny sa hospital subalit dahil sa mga nangyari kinailangan niya sumama sa kaniyang Mommy Angela at Lola, pabalik ng Australia.Nangako siya na babalik agad sa Pilipinas para kay Bunny ngunit nagkaroon ng aberya sa kumpanya na pinanghahawakan ni Asher. Nalaman na ng lahat ang pagkamatay ni Asher, kaya isa-isang nag pull out ang mga board member o share stockholder ng kumpanya.Malaking problema iyon para sa pamilya nila, hindi lang sa malaking pera ang mawawala sa pamilya nila kun'di maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho."Listen, Anak. This is business. Nang malaman nila wala na ang kapatid mo, at ikaw ang papalit, nagkaroon sila ng pagdududa sa kakayahan mo. I know, naguguluhan ka pa at marami ka pang pag aaralan tungkol sa kumpanya natin, kaya
BUNNY POVNAGMULAT siya ng mga mata, buong akala niya ay nasa isang hospital na naman siya subalit nang mapagmasdan ang buong paligid niya, nasa isang eleganteng silid pala siya.Napabalikwas siya nang bangon sabay napaigik at hawak sa ulo dahil sa matinding pagkirot niyon.Migraine ba ang pagsakit ng ulo niya?Muli siya napahiga at napatulala sa magandang kisame.Nasaan na nga ba siya?Ilan sandali pa ay may pumasok sa silid.Mabilis siyang napaupo at napatingin sa bagong dating. Isang matangkad na lalaki, itim ang balat nito, hula niya ay black american ito o african american. Nakasuot ito ng ligh brown na formal suit at brown na leather shoes, at blue na necktie.Sa tangkad nito, pwede pagkamalan itong NBA player. Makapal ang mga kilay nito, makapal din ang labi at kapansin-pansin ang kulay abo nitong mga mata."Mabuti naman gising ka na." Wika nito pagkalapit sa kaniya.Nagulat siya dahil matinis at diretso ang pagtatagalog nito. Pinoy ba 'to?"Ahm, yeah. Paano pala ako napunta ri
BUNNY POVLIFE sentence ang hataw ng korte sa kaso ng kaniya Mommy Bea kaya masakit para sa kaniya ang sinapit nito. Alam niyang maraming pagkakasala ito subalit nanaig pa rin sa kaniya ang pagmamahal ng isang anak sa Ina. Pagkalabas sa hospital, pinuntahan niya ito sa kulungan.Hindi maganda ang estado nito. Tulala at hindi makausap nang maayos. Tinawagan na rin niya ang Daddy niya na nasa Australia at nalaman niya nag-suicide ito. Halos manlumo siya sa balita, pakiramdam niya bumagsak ang mundo niya. Hindi niya alam kung bakit nararanasan niya ang ganito pasakit."M-Mommy..." mahinang usal niya sa Ina habang kaharap ito.Oras ng pagdalaw iyon kaya nagkaroon siya ng pagkatataon makausap at makasama ito.Bumaling ito sa kaniya at ngumiti."B-Bunny?""Yes, Mommy. It's me.""Ayoko rito walang aircon, mainit. At saka walang bed at mabaho silang lahat," parang batang nagsusumbong ito sa kaniya at palinga-linga sa paligid."Dala mo ba 'yon mga dress ko? pati mga shoes ko? Kailan ba tayo uu
DIEGO POVNASA loob sila ng sasakyan kasama si Twix. Nalaman agad nito ang location kung nasaan sila Bunny at Mommy Angela dahil sa pag-track sa cellphone ni Bunny. Luminga linga siya sa paligid, isang luma at abandonadong pabrika iyon.Huminga siya nang malalim."yyy kating-kati na siya bumaba ng kotse para tumakbo sa loob at iligtas si Bunny at ang Mommy niya."Oh, he's here," kapagkuwa'y sabi ni Twix.Isang big bike ang pumarada 'di kalayuan sa kanila. Naka-leather jacket ang lalaki at naka all black ang pormahan nito. Nang alisin nito ang helmet saka niya napagtanto na kapatid ito ni Twix."That's Marshall..." mahinang sambit ni Twix.
BUNNY POVNARINIG niya ang malakas na pagbalya ng pinto. Hindi siya makalingon dahil namanhid na ang buong mukha niya."W-What the hell is this!?"Gusto niyang umiiyak ng todo nang marinig ang boses ng Mommy Bea niya.Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa mukha niya."Oh, Jesus Christ! What have you done to Bunny?!! Wala sa usapan natin ang saktan si Bunny!!" Hiyaw ni Mommy niya kay Uncle Rey.Isang nakakademonyong tawa ang narinig niya mula kay Uncle Rey."So, Nanay ka ni Bunny ngayon? Iyon ang drama mo?" Nang uuyam na salita ni Uncle Rey. "Bakit? Don't tell me kakalabanin mo rin ako?"Nakita niya ang marahan na paglapit nito kay Mommy Bea."Ang usapan natin gagamitin natin si Bunny para makuha ang pera ng mga Sandoval, hindi para babuyin at saktan mo ng ganito!" Nanggagalaiting gan
DIEGO POVPAGKAGISING niya si Bunny kaagad ang hinanap niya. Wala na kasi ang dalaga sa tabi niya nang magising siya. Pagkababa, naabutan pa niya si Lola Anastacia na kumakain mag-isa sa may garden area.Naupo siya at nagsalin ng fresh milk sa baso."Apo, hindi 'yan low fat milk," tila nag aalalang sabi ni Lola nang inumin niya ang fresh milk.Low fat? May gano'n ba?"Okay lang, La. Basta gatas ayos lang sa'kin," nakangiting tugon niya."Napansin niyo po ba si Bunny?" dugtong na tanong niya saka sumubo ng garlic bread.Titig na titig pa rin sa kan'ya si Lola Anastacia. May nasabi ba siya mali?"L-Lola?" pukaw niya rito.Kumurap kurap naman ito at ngumiti na rin sa kan'ya."Si Bunny? Ahm, wala sila. Umalis sila ng Mommy mo, nag-shopping. Hindi ba nagsabi sa'yo ang asawa mo?"