Title: The innocent girl
Genre: Comedy, Romance
Author: Lady_v
" Halos hindi makatulog si Dorothy dahil nanibago pa ito sa bahay at hindi rin siya sanay ng walang katabi sa pagtulog. Kahit pilit man ipikit ni Dorothy ang kanyang mga mata ay hindi pa rin ito makakatulog. Ang ginawa niya bumangon siya at sumilip sa window glass ng kanyang kwarto. Lumabas siya sa kanilang balkunahi at kinuha ang upoan para doon pumowesto sa gilid. At para makatingala ng maayos sa malawak na kalangitan. Hindi rin nagtagal tumayo naman siya para lumabas nang bahay. Samantalang nagtaka naman si Darwin dahil sa kanyang nakita sa camera noong balisa ang heredera. Hindi ito makatulog minamasdan niya lang ang dalaga mula sa kanyang higaan habang natoon ang mata sa computer.
Kanina pa siya ganyan, bakit kaya? Pagkakaalam ko maaga siyang pumasok sa kwarto niya para magpahinga. Pero ayan siya siguro ay nanibago lang siya sa bahay. Kawawa naman siya ano kaya ang pwede kong gawin? Sana may maitutulong ako. Mukhang hindi ata siya makatulog siguro ay namimis niya pa ang lola niya.
Sana masaya kana ngayon lola, pero ako ito nalulungkot. Bulong ko sa isipan ko habang tumingala sa langit.
Ano naman ang iniisip nang babaeng to? Saan kaya siya pupunta?
" Kinakausap nalang ni Darwin ang sarili dahil sa kanyang nakita sa computer. Oo may nakalagay sa kwarto ni Dorothy na CCTV utos iyon ni Lance Sr. Kahit saang sulok nang bahay ay may camera para makita at malaman niya kong may gagawin si Dorothy nang hindi maganda. Dahil yon din ang utos nang kanyang amo na si lance Sr para narin sa kaligtasan ng heredera. Nang makita niyang lumabas si Dorothy agad siyang tumayo sa kanyang higaan para sumonod sa dalaga. Pero pagdating niya sa labas nakita na niya ang dalaga. Nakatingala sa langit at hindi matukoy kong umiiyak ba ito oh hindi. Dahil madilim na ang paligid at dahil tahimik na ang gabi. Doon nalaman ni Darwin umiiyak pala ito dahil namimis ang kanyang lola.
Bakit naisipan pa niyang lumabas sa hating gabi? Tayka umiiyak ba siya?
Diko kayang maging masaya lola kahit anong pilit kong mag pakatatag? Kahit idaan ko man sa tawa sa biro oh sa pang-aasar wala parin. Oo ngingiti ako pero hindi sapat para makalimoatan ka lola. Ang hirap pala akala ko madali lang tanggapin? Akala ko pariho lang sa mga magulang ko pero mali ako lola subrang sakit. Ngayon nag-iisa nalang ako dahil wala kana ang kaisa-isang pamilya ko iniwan mo na ako tulad nila mama at papa. Napaka-daya mo lola naalala ko pa ang mga sinabi mo sa'kin noon kailan man hindi mo ako iiwan. Pero bakit wala kana sa tabi ko? Bakit iniwan mona ako?
Umiiyak nga siya, kong may magagawa lang ako Dorothy sana natulongan na kita. Pero wala e hindi rin pwede dahil trabaho ko rin ang ilihim ang tunay mong pagkatao. Pasensya kana kong puro kasinungalingan ang nakikita mo sa buong buhay mo. Alam ko darating din yong time na malaman mo ang totoo. Kong darating man yon? Hiling ko sana maiintindihan mo ang mga ginagawa namin para sa'yo.
Ang sakit lola ikaw nalang ang pamilya ko pero iniwan mo rin ako huhuhuhu. Ang daya mo naman e akala ko ba dimo ako iiwan? Yon ang pangako mo sa akin at sa magulang ko pero ngayon iniwan niyo nalang ako bigla. Lola isang buwan na mula nang nawala ka pero ang sakit parin dito lola huhuhuhu ang sakit. Tulongan mo po akong kayanin ang lahat ng ito lola bigyan niyo po ako ng lakas para ipagpatuloy ang buhay ko.
Akala ko hindi siya matatablan nang lungkot? Akala ko talaga lahat nang nangyari sa buhay niya ay kaya niya. Mali pala dahil dinadaan nalang niya sa tawa para kahit papano hindi niya maalala ang sakit.
Lola alam mo ba may trabaho na ako ngayon isang kasambahay. Pero tulad ng inaasahan hindi ako marunong mag luto kahit maglinis nang bahay. Nakakatawa diba lola? Ikaw kasi hindi mo ako tinuroan ayan tuloy nganga si Dorothy ngayon. Pero nagpapasalamat parin ako sa'yo lola kasi kahit mahirap lang tayo. Tinitiis mo lahat ng pagod inako mo lahat ang trabaho para hindi lang ako mahihirapan. Alam niyo po kanina lola pinaluto ako nang amo ko tapos ang ginawa ko nag order nalang ako sa Jollybee para may ipakita ako sa kanya. Pero buking parin kasi may naiwan pang ebidensya hahaha. Nakakatawa talaga diba lola? Gagawa ng kalukohan itong apo niyo tapos hindi pala nagawa ng maayos ayon tuloy buking. Pero hindi ako pinagalitan lola mabait at maunawain ang amo ko. Kahit binata siya at may pagka-suplado mabait naman po siya. Lola ang gwapo niya kaya nga umandar na naman pagka-manyak ko. Sorry lola joke lang yon kilala niyo naman ako diba? Diman ako marunong magluto? At least mabait at masunurin naman akong apo kahit abnormal. Namimis ko na ang mga tawa mo lola Melissa lalo na kong pinapagalitan mo ako. Yong tatakutin mo akong kurotin ang singit ko? Subrang namis ko yon.
" Nagtaka nalang si Darwin dahil kanina umiiyak si Dorothy tapos ngayon tumatawa naman siya. Akala tuloy niya ay baliw na ito. Hindi naman kasi niya maririnig ang sinasabi ng dalaga kaya tanging reaksyon lang ang makikita niya. Malayo kasi ito sa kinaruruonan niya kaya hindi niya talaga maririnig. Ilang sandali pa mapapansin naman niya si Dorothy tatayo ito. Ang ginawa niya dali-dali din siyang tumayo at mabilis nakaalis sa kinakukuruonan niya kanina. Nang bigla niyang nabangga ang misa at natamaan ang sandata niya hindi niya mapipigilan ang sakit napasigaw ito ng malakas. Kinabigla naman iyon ni Dorothy kaya agad siyang tumakbo papunta sa loob ng bahay.
Sino yan? Bakit ka nakapasok sa loob? Anong ginagawa mo dito?
Arayyy arayy ang sakit, bakit sa dinami daming matamaan bakit ikaw pa?
Sabihin mo sino ka? Magnanakaw ka noh?
Si Darwin ito buksan mo nga yong ilaw para makita mo. Kasalanan mo ito bakit ka kasi lumalabas sa hating gabi para kang aswang.
Sir ikaw pala yan? Anong nangyari sa'yo? Bakit mo binangga ang misa?
Malamang hindi ko nakita dahil madilim diba?
Ay kawawa naman si JunJun wala na baog na yan. Sigurado ako wala na basag na yan sir hahahahaha. Napalakas ang tawa ko dahil sa reaksyon niya nasasaktan talaga siya. Ano ba kasi ang ginawa mo d'yan sir? Bakit mo binuggo sa misa yan alam mo namang matigas yong misa.
Arayy ang sakit oohhhh.
Masakit sir? Masakit?
Kong ikaw kaya ang nasa kalagayan ko ha? Hindi ka kaya mamimilipit sa sakit?
Bakit naman ako masaktan sir? Eh nangangagat din naman itong akin. Kaya wag niya talagang subukan banggain ang alaga ko kundi kakagatin din siya nito.
Puro ka kalukuhan Dorothy kong hindi naman dahil sa'yo hindi mangyayari to. Ano ba kasi ang ginawa mo don sa labas? Alam mo namang gabi na tapos lumalabas ka pa?
Bakit hindi na ba pwedeng lumabas sir? Gusto ko lang naman tumingin sa kalangitan. Dahil namimis ko na ang lola ko hanggang ngayon kasi masakit parin.
Totoo ba yang iyak mo? Baka niluluko mo lang ako dito?
Sir naman seryoso ako. Ito na nga luha ko nakita mo yan dina maputol-putol tapos kayo pagbintangan niyo pa akong manluluko.
Ok tumayo ako nang maayos at umopo sa tabi niya at pinaghila ko din siya nang upoan. Oh ito halika umopo ka tutuboan ka diyan ng ugat sa binti sa kakatayo mo.
Salamat sir mabait din pala kayo, pero sir hindi mo ba ako eh co-comfort?
Bakit naman? Girlfriend ba kita? Para e-comfort kita tuwing malungkot ka?
Aray ang sakit naman non sir sagad dito sa puso ko yong sakit. Hindi proket dimo ako girlfriend dimo ako e co-comfort? Alam mo sir ikaw wala kang puso nakita mo na ngang umiiyak yong tao tapos wala kang gagawin kahit pag co-comfort lang?
Ayaw ko nga, isa pa boss mo ako dito Dorothy hindi mo boyfriend kaya wag kang umasang eh comfort kita..
" Mas umalingaw-lingaw pa ang boses ni Dorothy sa pag-iyak dahil nilakasan pa niya ito. At doon na alarma si Darwin nag-alala siya baka maka-estorbo sila sa mga kapitbahay.
Hoy grabe ka kong makaiyak. Para ka namang bata niyan Dorothy pwede naman dahan-dahanin mo lang ang pag iyak mo.
Mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko alam ko bibigay din siya. Tama nga ako dahil na taranta siya sa ginawa ko at mabilis lumapit sa'kin para yakapin ako. Hinimas-himas din niya ang likod ko at ako naman ito kinilig dahil sa pag-yakap niya sa'kin.
Oh ito na, tumahimik ka na nga para ka namang bata. Ayan tingnan mo nag halo na ang luha at sipon mo yak.
Huhuhuhu bakit ganyan kayo sir? Nakakasakit kayo nang damdamin alam niyo ba yon sir? Ang supla-suplado mo.
Hindi kasi ganon yon! Ikaw jasi puro ka kalukuhan,
" Hindi pa talaga tumigil si Dorothy sa pag-iyak niya kaya niyakap siya ulit ni Darwin nang mahinahon. Pinasandal din ni Darwin ang ulo ni Dorothy sa balikat niya at hinimas-himas ang ulo nito na parang bata.
Sorry kong ganito ako sa'yo, sige lang ilabas mo lang yan. Ganyan talaga ang buhay minsan iiwan tayo minsan naman tayo ang nang iwan sa kanila. Isipin mo nalang maging masaya na ang lola mo don sa langit. Kasi doon wala na siyang maramdamang sakit.
" Ilang sandali pa ang lumipas unti-unti nang tumahimik si Dorothy. Pero nong wala na siyang makuhang pangpunas sa luha at sipon niya naisipan niyang doon nalang sa damit ni Darwin. Hindi iyon nakita ni Darwin dahil nakatago ito hanggang sa dilanaw na nang antok si Dorothy. Pero hindi parin siya umaalis sa balikat ni Darwin kaya doon na ito nakatulog. Nabigla nalang si Darwin nang mahulog ang ulo ni Dorothy sa balikat niya.
Ay nakatulog na pala ito? Hoy gising Dorothy don ka sa kwarto mo matulog. Paano ba to wag mong Sabihin kargahin kita? Pambihira naman talaga oh kahit nga girlfriend ko diko pa nakarga ikaw pa kaya. Nako grabe naman ang parusa ni sir Lance Sr sa akin bakit ito pa pinabantay sa akin? Parang bata nakakainis naman oh. Bigla pa siyang gumalaw at nikayakap na naman ako.
Wag kang gumalaw natutulog ako.
Doon ka sa kwarto mo matulog hoy. Wala tulog na naman siya ulit wala akong choice kundi kargahin nalang siya. Tayka lang nariring ang cellphone ko sasagotin ko lang Dorothy ha.
Hello Donna!
Darwin asan ka ngayon? Bakit wala ka sa bahay niyo? Doon ako galing walang tao.
Donna may trabaho ako ngayon pasensya kana kong di ako nag paalam sa'yo. Pumonta naman ako sa'yo nong nakaraang araw pero wala ka sabi ng mommy mo busy ka daw kaya umalis nalang ako.
Ok lang Darwin naiintindihan ko alam ko namang busy karin sa trabaho mo.
Salamat sa pag-intindi mo Donna hayaan mo pag ok na ang misyon ko uuwi na ako diyan at itutuloy natin ang planong pagpakasal.
Excited na ako Darwin mag hihintay ako sa'yo alam mo naman kong gaano kita kamahal diba?
Oo naman sige babye na I love you Donna!
I love you too Darwin alam mo yan sige mag-iingat ka palagi sa trabaho.
Oo para sa'yo Donna mahal na mahal kita sige bye ikaw din diyan mag-iingat ka.
" Binaba na niya ang tawag nang girlfriend sa hindi nakakakilala kay Donna. Isa rin siyang apo ni Lance Sr dahil ang lolo ni Donna at lolo ni Dorothy ay magkapatid at mag kasintahan si Donna at Darwin sa panahon na yon..
Halikana nga bubuhatin nalang kita. Alam mo nong una kitang nakita para kang walang problema. Pero ngayon umiiyak ka dahil nasasaktan ka. Minsan hindi kita maiintindihan tatawa tapos iiyak na naman abnormal ka talaga. Kakaiba ka talaga sa pinsan mo yon mahinhin at babae kong mag salita lalo na sa kilos niya. Ikaw naman kabaliktaran ang ugali at abnormal pa. Binuhat ko na siya para ihatid sa kanyang kwarto. Habang karga-karga ko siya naamoy ko ang kanyang pabango at nakita ko ang mukha niyang seryoso. Maganda ka naman sexy kaso nga lang ang ugali mo hindi sumang-ayon sa kagandahan mo. Andito na kami sa kwarto niya pinahiga ko na siya sa kama at umalis din ako agad. Matutulog na sana ako nang nakaramdam ako ng basa sa damit ko. Yak sipon niya walang hiya ka talagang babae ka parang bata dito pa talaga sa damit ko. Naligo nalang ako ulit at nagbihis ilang sandali pa humiga na ako at tiningnan ko mona siya sa computer kong talagang tulog na siya pagkatapos natulog narin ako.
To be continued.
Title: the innocent girl Genre: comedy, romance Author: Lady_v Chapter 4 Sa kalagitnaan nang tulog ko bigla akong nagising sa ingay nang cellphone ko, sino ba kasi ito? Hating gabi na doon pa tatawag sa 'kin? Kahit hindi ko pa nakita ang pangalan niy sinagot ko nalang agad. Hello Darwin, si Lance ito kumosta? Nahanap mo na ba ang apo ko? Bakit hindi ka tumawag sa'kin kahapon? Sir kayo pala? Magandang gabi nga po pala napabangon ako bigla, yes sir andito na siya pasensya na po kong hindi ako nakatawag agad para ipaalam sa inyo nakita ko na ang apo niyo. Kong ganon salamat basta yong usapan natin Darwin. Ingatan mo ang apo ko wag mong hayang may mangyaring masama sa kanya. Darwin gusto kung marinig ang sagot mo para kampanti naman ako. Opo sir pangako, pero bakit po kayo ganyan? May problema ba? Dar
Title: the innocent girl Genre: comedy, romance Author: Lady_v ( Darwin pov) Ilang araw ang lumipas pagkatapos naming bumisita sa mansyon ni sir Lance ay napag disesyonan kung turoan siya kong paano magluto ng tama. Hindi pa sa ngayon pero bibigyan ko talaga siya ng oras. Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko mahirap na baka maaga akong mamatay nito. Akalain niyo ba naman kapag hindi ko gagawin yon? Ako ang laging kawawa sa tuwing aalis papuntang trabaho. Iba-iba ang putahe niya sa pagluluto may hilaw, sunog, minsan nga matabang, kulang sa asin minsan naman kulang sa vitsin. Kapag sasabihin niyang kakain na kami? Nako yong tiyan ko laging busog nalang takot sa pagkaing inihain niya. Ang kalahati ng pagkain luto sa kabila naman sunog kong hindi naman bigas pa yong kakainin namin. Minsan naisip ko tuloy pag-uwian na namin sa trabaho lalo pa't hindi ko siya kasama? Naisipan kong wag na mo nang umowi sa bahay
Title: the innocent girl Genre: comedy, romance Author: Lady_v Aray kong makatulak naman eh para ka namang ano d'yan? Ikaw naman ang nagsabing ikama mo ako tapos ngayon kong makatulak ka para diring-diri ka sa akin? Alam mo namang gustong gusto ko yon tapos hanggang salita lang pala? Hindi naman sa gano'n. Ang akin lang hindi ka masasaktan sa huli alam ko nasasaktan na kita Dorothy pero kailangan kong gawin yon dahil babae ka. Ayaw kong makakasakit nang babae lalo na sa'yo. Kasi malaki ang respito ko sa mga babaeng tulad mo kaya sana lumugar ka naman sa kalandian mo. Sa susunod wag kang bibitaw ng salita kong hanggang don lang ang kaya mo. Mabuti at may respito pa ako sa'yo Dorothy. Kong wala lang? Siguro noon ko pa ginawa ang gusto mo. Ok, taas na ang kamay ko sa'yo ikaw na yong panalo sige maiwan na nga lang kita. Baka mahawa ka pa sa
Title: The innocent girl Genre: Comedy, Romance Author: Lady-v Darwin pov. 'Di ko alam kong sa susunod na gagawin mo yon Dorothy. 'Di ko na talaga masasabing mapipigilan ko pa ang sarili ko. Aminin ko sa tuwing may ginagawa kang kalokohan sa akin may parte sa puso ko na gusto ko rin ang ginawa mo. Kahit pinagtatabuyan kita oh inaayawan? 'Di mo lang alam iba ang sabi nang puso ko sa lumabas sa bibig ko. Ang sabi nang puso ko sige pa Dorothy suyoin mo pa ako pilitin kung kinakailangan dahil bibigay din ako sa'yo, Parang timang lang 'di ba? Kong alam mo lang pigil na pigil ako sa sarili ko para hindi lang ako magkasala sa'yo. Kahit gustong gusto na kitang patulan kaso hindi pwede kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo. Aminin ko mahal na kita kahit may pagka-abnoy ka pero ayaw kong saktan ang puso mo dahil lang sa may sa may gusto ka sa akin. Gusto ko pag papatulan na kita yong wala na sanang masaktan
Title: The innocent girl Genre: Comedy, Romance Author: Lady-v " Makalipas ang ilang araw tahimik pa ang buhay nila Dorothy at Darwin sa Cebu. Ttulad ng inaasahan ni Darwin hindi pa gaanong magagawa ni Dorothy ang kanyang trabaho bilang kasambahay. Sa himbing ng kanyang tulog hindi niya akalaing magising siya sa amoy ng niluto ni Dorothy. Amoy sunog ito kaya kumalipas nang takbo si Darwin sa kusina para alamin kong may nasusunog? Hindi nga siya nang kamali dahil talagang sunog na ang kanin na niluto ni Dorothy. Madali niyang pinatay ang apoy at kinuha ang kalderong pinaglutoan nito. Galit na hinanap si Dorothy aa kwarto at sala nila. Dorothyyyyy!! Sigaw ni Darwin sa katulong niyang panay pang iyak niya. Tila may namatay sa loob ng bahay nila dahil sa lakas ng agulhol niya. Sir bakit po? Bakit po kayo sumigaw? May gera ba? Anong gera ka d'yan? Ikaw kaya gerahi
Title: The innocent girl Genre: Comedy, Romance Author: Lady-v Chapter 9 " Di agad umuwi si Darwin sa bahay nila baka kasi ano ang magawa niya sa kanyang katulong na si dorothy. Nagpapalipas pa siya ng sama ng loob dahil sa nangyari. Minahal niya ng husto si Donna 5 years silang mag kasintahan at malapit ng ikasal kaso lang nasaksihan niya kung paano siya pinagtataksilan ng kanyang fiance. Pero sa kabila ng pagluluksa ni Darwin sa namatay niyang puso para kay Donna. Ang hindi alam ni Darwin nakapasok pala si Dorothy sa kwarto niya at nakaharap siya ngayon sa computer kung saan makikita ang mga videos na nakukuha sa cctv. Hindi alam ni Dorothy kong totoo ba ang nakita niya ngayon. Bakit may camera oh cctv sa kanyang kwarto? At hindi lang sa kanyang kwarto kundi sa bawat sulok din ng malaking bahay na iyon. Bakit? Anong purpose ng mga camera na ito? Bakit nilagyan ni sir Darwin ang kwarto ko? An
Title: the innocent girl Genre: comedy, romance Author: Lady-v " Hindi parin natapos ang kanilang pagtatalo gusto talaga ni Dorothy ang umalis nalang. Ginamit na niya ang buong lakas niya para makatakas sa bisig ni Darwin. Sa galit ni Darwin hindi na siya nag iisip kong nasasaktan na ba niya ang heredera oh wala. Akala ko ba gusto mong angkinin ako? Hindi ba noon gustong-gusto mong maikama ko? Pwes ngayon ito na ako sa harap mo. Tumigil kana pwede ba? Hindi kana nakakatuwa Darwin. Bakit? Sa palagay mo ba nag bibiro ako? Hinawakan ko ang magkabilaang kamay niya at pinahiga sa kama. Sa pagkakataon nato kayang-kaya ko na siyang gahasain. Nong akma ko siyang halikan sa dibdib pagkatapos ko sa kanyang leeg. Napatingin ako bigla sa mukha niya hindi na pala biro ang iyak niya. Dahil sa nakikita ko subra siyang nasaktan sa pinag-gagawa ko napahinto ako bigla at tumingin muli sa
Title: the innocent girl Genre: comedy, romance Author: Lady-v " Hindi gaanong nahirapan si Darwin sa pagtuklas ni Dorothy sa katutuhanan. Pero alam niya kasabay ng pagkabuko niya ni Dorothy sa lihim nila. Alam din nilang malapit na sa kanila ang kalabang naghahanap kay Dorothy. Samantalang dumako naman tayo sa dalawang nagtaksil kay Darwin. Ano gagawin natin Mahal? Wag kang mag alala magiging ok din tayo. Siguro ay tama lang na malaman n'ya ang totoo sa atin para hindi na tayo nagtatago pa. Kilala ko si Darwin James hindi siya yong tipo ng lalaking tatahimik nalang kapag may bumabangga sa kanya. Kong ganon wag kang matakot dahil hindi ako takot sa kanya. Hindi siya dapat katakutan mahal dahil pulis lang siya. Para sabihin ko sa'yo wala pang kumalaban sa'kin ng hindi ko matatalo. Ayaw kong mangayari yon sa pagitan niyon
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-v" Hindi makapaniwala si Merry sa nalaman. Tungkol sa pinag-tapat ni Dorothy sa kanya. Na si Donna ang kumontra sa kanya. Simula noon nawala na ang gana niyang mabuhay sa loob ng kulongan. Lagi siyang nakaupo minsan naman nakahiga gusto niya laging mag-isa. Pero lagi siyang nagsasalita tila kinakausap ang sarili. Nakakalungkot man isipin lalo na't laging cheni-check ni Darwin ang kanyang tita Merry. Nakikita niya kong paano nag bago ang babae. Mula sa awra, pangangatawan, lalo na sa kanyang ganda. Nawalan ng pag-asang mabuhay si Merry dahil sa kanyang anak. Kunsinsya naman ang naramdaman ng anak doon sa kanyang ina. Agad niyang pinuntahan si Darwin upang alamin kong ano na ang lagay ng kanyang ina sa loob ng silda.Magandang gabi Darwin.Oh" Donna, andito kana pala. Halika pasok kukuha muna ako ng maiinom mo ha.O
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-v PHONE RINGING..Hello mahal kumosta kayo? Nasaan na kayo ngayon? Ilang araw ko na kayong hindi makontak anong nangyari?Sinandya ko talagang e off ang telepono ko mahal. Pasensya kana kong hindi ko nasabi sa'yo. Nag-alala ka tuloy sa amin.Ok na ako mahal, narinig ko lang ang boses mo. Ok na ako! Alam kong ok ka ngayon. Dahil alam kong ayaw mong pag-alalahin ako. Kasi ayaw kong ma-stressed ka. Oo nga pala may maganda akong balita mahal. Kunting panahon nalang makukuha na natin ang hustisya para kay Lolo.Mabuti naman kong gano'n mahal. Magandang balita yan para sa
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-v" Kinagabihan agad nag-usap ang magkaibigang Maris at Dorothy. Doon pinagtapat ni Maris ang nalaman niya tungkol kay Robert. Pagbalik ni Maris/Belle kanina sa hardin pinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap."Kumosta ang pagpapanggap mo gorang? May nalaman ka naba tungkol sa kanya?Walang problema gorang paniwalang-paniwala siya sa lahat ng pinapakita ko sa kanya. Nakuha ko ang kiliti niya at alam ko rin hindi mag tagal bibigay din siya sa karishma ko.Mabuti naman kung ganon gorang magandang balita yan. Sa ngayon ba may nalaman kana tungkol sa buhay niya?Wala pa siyang sinabi. Pero wag kang mag-alala pupunta din kami diyan kaibiganin ko siya. Tapos sigurado ako pagkakatiwalaan na niya ako.Sana sa lalong madaling panahon gorang. Dapat magawa mo na ang misyon mo sa kanya. Gust
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-vSarge pwede ba akong magtanong sa'yo? Panimula ni Gilbert ng tanong kay Darwin dahil tahimik lang sila sa loob ng kotse.Ahm, ano yon?Ano po ang ikinamatay ni Lolo Lance?Isang taon na siyang umiinom ng maintenance niya para high blood at mataas din ang sugar niya. Inaalagaan namin siya ni Dorothy. Hindi na nga kami kumoha ng doctor oh nurse para sa kanya. Dahil kaya namin siyang alagaan. Mag leave ng 1 week si Dorothy para bantayan si Lolo. Minsan naman ako rin at kung hindi kaya ang oras dun lang kami sa bahay para hindi kami mawawala sa tabi niya.Nahihirapan po kayo ni senyorita kong gano'n? Hindi madali na may trabaho ka tapos may babantayan kang pasyente.Oo hindi madali na hinahati yung oras mo at attention mo pero iyon ang gusto ni lola land aya
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-v" Noong lamay pa ni senyorito Lance ay nagbitaw na nangsalita si Dorothy at Darwin. Kapag matapos at maihatid na nila sa huling hantungan ang kanilang lolo. Ay kikilos na sila agad. Gusto nilang malaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa lolo nila. Si Dorothy ang naghanap ng ebidensya sa loob ng mansyon. Si Darwin naman ay nag imbestiga sa matandang babaeng nagwala sa lamay ni Lance Sr. Isang araw may nalaman si Darwin tungkol sa babaeng nagwala noon. Agad siyang umowi sa kanila upang ipaalam sa asawa ang tungkol nalaman niya."Senyorita may kailangan kayong malaman tungkol sa babaeng nagwala sa lamay ni lolo.Ano ang tungkol sa kanya Darwin? Sabihin mo sa'kin bakit siya naroon sa lamay ng lolo ko.Ito tingnan niyo ang papelis niya. Si lolo at ang babaeng yun ay may relasyon noon at hindi lang yun may na
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-v Pasensya na po kayo manang Fe kung marami na po akong nasabi sa inyo. Hindi ko po akalain ganun kalalim ang ugnayan niyo ni Lolo.Wala na yun sa'kin Donna nakaraan na yun. Andito pa ang sakit sa puso ko pero pinilit kong burahin yun. Dahil wala na siya nakaganti na ako. Pero nakakalungkot lang dahil pinagpalit kayo lolo sa yaman niya. Nakita ko sa inyo manang Fe totoo ang pagmamahal mo sa kanya. Mali lang ni Lolo binalewala niya ang taong nagmamahal sa kanya ng totoo.Sa tingin ko hindi naman niya pinag-sisihan ang pang-iwan niya sa amin. Hindi niya kasi kam
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-vMommy saan ba talaga tayo pupunta? Bakit tayo umalis sa mansyon?Wala ng maraming tanong Donna kailangan na nating makaalis agad sa mansyon. Alam ko may alam na ang senyorita at si Darwin tungkol sa nangyari.Nangyari saan mommy? Ano ba ang pinag-sasabi mo mommy? Hindi kita maintindihan pwede bang sabihin mo naman sa'kin wag yong agad-agad tayong aalis.Gusto mo bang bumalik sa kulongan?Hindi, malamang ayaw ko na mommy. Sino ba namang gustong makulong?Yon naman pala e. Sige na sumakay kana para makaalis na tayo dito.Saan tayo pupunta? Siguro naman ay hindi tayo palaboy-laboy sa kalsada.Gaga kailan ba ako kumikilos ng walang bala. Isa pa may bahay na naghihintay sa atin sa Sampalok. Pwede ba Donna wag muna akong kulitin ngayon baka may makarinig sa atin. Nasa bus na tayo kaya tumahimik kana.Ikaw ang bahala mommy, hindi ko
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-vPagkatapos naming nailibing si lolo bumalik na sa dati ang buhay naming mag-asawa. Busy sa trabaho lalo na ngayong kame nalang dalawa ang nagmumuno sa kompanya.Oo kami na ni Darwin kahit nong buhay pa ang lolo ko. Sinabihan na siya nitong samahan ako sa kompanya kapag wala na siya.Dahil siguro sa katandaan kaya niya nasabi ang mga bagay na yon. Pitong taon na ang lumipas nong kinasal at bumoo kami ng pamilya ni Darwin. Kasama si lolo at ang kaibigan kong si Maris. Hindi ko pa alam kong nalaman na ba ni Maris ang nangyari sa lolo ko. Malayo sila sa amin at hindi agad matawagan ang telepono nila dahil pahirapan sa signal.Marami pa kaming haharaping problema ng asawa ko. Sunod-sunod ang ganap sa buhay namin ngayon. Kailangan pa naming alamin kong sino ang naglason sa lolo ko. Lalo na ang babaeng nag e
Title: The innocent girlGenre: Comedy, RomanceAuthor: Lady-vUnang araw palang ng lamay dinagsa ng tao ang aming mansyon. Punong-puno ito nga mga taong nagmamalasakit sa lolo ko. Lahat nag-aabot ng pakikiramay sa'kin.Yong ibang malapit sa amin ay hindi makapaniwala sa nangyari. 67 na ang lolo ko para sa kanila ay bata pa ito. Hindi ko man alam ang tunay na nangyari sa kanya. Pero pinapangako ko babalikan ko kong saan nagsimula kong bakit humantong sa ganito.Nasa gitna lang kami sa tabi ng kabaong lolo katabi ng mga anak ko at si Darwin.Mahal wag kang papatalo sa lungkot. Hindi ka nag-iisa andito kami mga anak mo. Pag-aamo sa'kin ni Darwin para lang hindi ako masyadong malungkot.Ok lang ako mahal. Kakayanin ko para sa mga bata. Mahirap sa'kin ang nawalan ulit ng pamilya. Pero nangyari na e dahil sa kapabayaan ko.Wag mong sabihin yan mahal. Hindi mo kasalanan at wala kang pagkukulang sa kanya. Sadiyang kagust