Share

CHAPTER 2

last update Last Updated: 2022-12-16 18:02:36

NAPAHAWAK AKO SA MASAKIT KONG ULO. Kinusot ko ang mata ko at napaupo bago iginala ang aking paningin. Hindi ko yata kwarto ito? Kaninong kwarto ba 'to? Napatingin ako sa gilid ko kong saan mahimbing na natutulog si Monti.

"Nasa condo ba n'ya ako?” Bulong ko sa sarili ko bago inalog ang ulo ko para alalahanin 'yung mga ginawa ko kagabi.

May ilang eksenang bumalik, pero ang tanda ko lang ay 'yung sumakay ako sa kotse n'ya at tawa nang tawa. Nakakahiya 'yung ginawa ko kainis! May pasok pa pala ako, at s'ya rin late na s'ya.

Kaya ayaw kong umiinom kasi nawawala ako sa aking sarili.

"Governor Monti gising na,” kinalabit ko s'ya. "May appointment pa po kayo ngayon. Matatambakan na naman kayo nang trabaho.” Dagdag ko pa habang kinakalabit s'ya.

"Leave me alone broken hearted woman! Masyado kang wild kagabi pinagod mo ako." Aniya bago ibinaon ang mukha sa unan at hindi talaga bumangon.

Ha? Talaga ba? Ako ba ang wild o s'ya lang talaga?

We both know na mas mahilig s'ya kaya wag niyang ipinapasa sa akin ang gawin n'ya.

"Kaya pala mahapdi petchay ko na parang ayaw pa akong makalakad?” Sarkastikang saad ko.

"Ikaw may gusto niyan Jewel. Sabi mo sige pa, idiin mo, ibaon mo pa at bilisan mo. Kung utusan mo 'ko para akong alila, and now your saying—"

Hindi ko na s'ya pinatapos pa.

"Uuwi na ako!” Inis na sigaw ko dahil sa kahihiyan, bago siya tinalikuran at akmang lalabas na pero nag salita na naman ang demonyito.

"Hindi porque niloko ka at broken ka ay exempted kana, before you leave cook breakfast.” Utos n'ya.

Napataas ang kilay ko bago sumagot. "All around ba trabaho ko sayo Monti? Hindi ko na trabaho iyan. Kumuha ka ng katulong mo at wag ako ang istorbohin mo. May mga kaylangan rin naman akong gawin, at hindi pwedeng pati personal na bagay i-aasa mo sa akin.”

"I'll pay you,” tumayo s'ya. "Gutom na ako and besides napaligaya naman kita kagabi, right? Pay back time, pagod ako sa kakautos mong bilisan ko.”

Bakit kasi sinunod?! Lasing nga ako eh!

"Kainis talaga!” Napasabunot ako sa buhok ko bago padabog na pumunta sa kitchen. "Anong gusto mong breakfast? Itlog, bacon or hatdog?” I asked.

Ayaw kong tapunan ng tingin ang mapang-asar niyang pagmumukha. Napabuntong na lamang ako habang hinahanda ang mga iluluto ko.

"Basta masarap,” he answered.

Habang nagluluto hindi ko mapigilang isipin 'yung pangloloko ni Anton sa akin. Gusto ko paring umiyak sa tuwing maiisip kong sinayang n'ya lang 'yung two years na pinag samahan naming dalawa. Masaya naman kami ah? Oras lang talaga 'yung kulang sa amin, at hindi rin naman oras ang mag a-adjust sa aming dalawa.

Kapag naman kasi wala akong trabaho at ginagawa s'ya naman itong walang time. Saan ba ako lu-lugar? Bakit ba kasi ang daming utang na naiwan sa akin? Samantalang si Kuya na abroad hindi man lang ako matulungan sa bayarin namin. Panay lang s'ya flex nang buhay niya sa amerika, at ako hirap na hirap kakabayad dito sa pinas.

Ulila na kami sa magulang ni Kuya. Dalawa lang rin kaming anak, at si Mama ang dahilan kaya kami na baon sa utang. Tinamaan kasi ng cancer si mama. Dahil sa paninigarilyo niya at madalas na pag i-inom. Huli na kasi e, may sakit na siya nang maisipan niyang huminto. Mahal ang gamot at treatment n'ya. Kaylangan nang malaking halaga.

Kaya nga biglaan akong pumirma sa alok ni Monti e, dahil sa pangangaylangan ko that time. Pinilit ko namang humanap nang iba, pero si Monti lang kasi 'yung may pinakamataas na pasahod.

Pinangako ni Anton na hindi n'ya ako iiwan. Maging sa magulang ko ipinangako nya, pero bakit iniwan parin n'ya ako? Pinahid ko ang luha ko at inalis muna sa isip ang alalahanin. Susubukan ko nalang na pumunta sakaniya, baka sakaling hindi n'ya sinasadyang hiwalayan ako.

Umaasa parin ako na magiging maayos pa kami ni Anton. Sabay pa naming sasalubungin ang third anniversary namin ng may pagmamahal at masaya sa piling ng isat-isa. Kasalanan ko naman 'to kung tutuusin. Kaya nga heto ako nilulunok lahat ng pride ko pag dating kay Anton. Kahit wala akong matira sa sarili ko makabawi lang kay Anton kasi sobrang laki ng kasalanan ko sakaniya.

"Luto na." Matamlay na wika ko. Ihinain ko na ito at sinandukan narin s'ya nang kanin. "Aalis na ako kumain kana.” Paalam ko.

"Kumain kana muna.”

At dahil gutom na ako ay hindi na ako umarte pa sa alok ni Monti.

"Masarap itong itlog na luto mo, pero mas masarap parin itlog ko.” Nasamid ako bigla sa sinabi n'ya. "What?” Nakataas ang kilay na tanong niya.

"W-Wala.”

"Parang wala ako sa mood pumasok today.”

Sinamaan ko s'ya nang tingin bago sumagot. "May appointment ka nga po! Ano na namang sasabihin at ipapalusot ko?! Pahihirapan mo na naman ako? Masakit pa puso ko have mercy on me! Kahit ngayong araw lang wag ka munang pasaway na bwiset—” Hindi ko naituloy.

"Fine, just stop talking. Masakit sa tenga iyang boses mo, parang laging nasa palengke.” Tinuloy n'ya ang pagkain niya at hindi na ako binigyan pansin.

Itinikom ko narin naman ang bibig ko dahil sabi n'ya masakit sa tenga. S'ya nga masakit sa mata sinabi ko ba? Nakakairita ugali, pananalita at trato n'ya sakin umangal ba ako? Hindi n'ya makita sarili n'ya puro nalang ako.

"Good morning Mark,” bati ko.

"Dito ka natulog?” Gulat na tanong nito bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Anong meron Jewel?” Dagdag na tanong pa n'ya.

"Lasing ako kagabi di'ba? Daan naman tayo sa bahay bago dumiretsong opisina. Sa isang kotse na s'ya sumakay, tapos bilin n'ya ako nalang daw ihatid mo.”

Nauna na kasi si Monti. Ayaw ko rin naman siyang sabayan sa pag pasok, baka masilip ng mga mosang na reporters ma-diyaryo pa beauty ko. Kung machichismis na lang rin ako wag nalang sa Governor, mas gusto ko kay Chris Evans.

Napatango naman ito sa sinabi ko. "Grabe ka pala malasing noh? Ang tapang mo manalita kay boss tapos supalpal s'ya sayo. Kaya hinahayaan ka nalang.”

"Talaga? Sobrang nakakahiya ba?” Nakangiwing tanong ko kay Mark.

"Hindi ko alam e, pero para sa akin cool ka parin at tsaka pabayaan mo na pala 'yung ex mong manloloko. Kakarmahin rin iyon at mababaog dahil sa sumpa mo haha. Mabuti nalang talaga hindi ako manloloko kundi nadamay pa ako sa sumpa mo.” Natatawang sabi pa nito bago sumakay sa kotse.

"Ano bang sinabi ko?” Gagad na tanong ko.

"Sabi mo mabaog sana lahat nang manloloko.” Humalakhak si Mark bago pinaandar ang sasakyan.

Hindi na talaga ako iinom!

Napahilot ako sa sentido ko ng bumaba sa kotse. Nakaramdam ako na masusuka kaya kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay. Binilin ko kay Mark na hintayin ako dahil saglit lang naman akong maligo.

After maligo agad akong nag bihis at inayos ang aking sarili.

"Nainip kaba? Pasensya na Mark abala pa tuloy ako.” Wika ko kay Mark na agad namang napatayo. "Late na tayo, tara.”

Papasok palang ako ng office ni Monti ng masalubong ko si Mayor Galvez. "Good morning po Mayor,” bati ko bago papasok na sana ng pigilan n'ya ako.

"Clyde nalang hindi naman nalalayo edad natin.”

"Pero nasa trabaho po tayo Mayor.” Ngumiti ako sakaniya bago huminga nang malalim. "Tatawagin lang kita sa name mo kapag nasa labas tayo o tayong dalawa lang.” Dagdag ko ng makitang nalungkot ang itsura niya.

"Are you free tonight? I heard there's a dog who broke your heart, is it true?”

"Yes po, pero sa akin nalang po iyon. That's too personal.” Pinihit ko na ang doorknob at papasok na nang mag salita na naman siya.

"Dinner with me tonight as a friend.”

"Kapag po tapos na working hours ko." Sagot ko habang nakangiti.

"Thanks."

Tumango nalang ako bago tuluyang pumasok. Nadatnan ko si Monti na busy sa monitor niya at hindi man lang ako napansing dumating na. "Nasa labas si Mayor Clyde bakit hindi mo pinapasok?” Tanong ko.

Agad siyang tumigil sa ginagawa at sinulyapan ako. "Clyde? Sinabi na n'ya sayo pangalan niya?" Pagak na tumawa si Monti. "Ang bilis mo yata mag move on Jewel?”

"Mukha bang joke 'tong nararamdaman ko? Alam mo kung pwede nga lang umiyak ako ng umiyak eh. Naisip ko lang na paano ko patitigilin mundo ko para sakaniya at iiyakan s'ya, kung 'yung obligasyon ko una-unahan?” Patanong na sabi ko sakaniya.

"Stop the drama, go back to your work. I hate dramatic scene, wiped your tears.”

Pinahid ko ang luha ko na tumulo na pala at ibinaling nalang sa trabaho ang isip ko. Habang binabasa ang mga papers na nasa table ko ay hindi ko maiwasang mapahilot sa sentido. Masakit parin ang ulo ko dahil sa hangover, pero baka mamaya mawala narin ito.

"Aano ka Governor?” Tanong ko nang bigla itong tumayo.

"Monti nalang itawag mo sakin mas sanay ako. Lalabas lang ako para bumili dito kana lang.” Lalabas na sana s'ya nang pigilan ko s'ya.

"Ako na bibili o kaya ipauutos ko nalang maupo kana.”

"No thanks, but I can manage.” Lumabas na s'ya kaya hinayaan ko nalang. Mahirap bawalan ang taong pasaway kaya hindi ko na s'ya pipigilan pa. Habang wala pa naman s'ya ay ipinikit ko muna ang mata ko dahil kanina pa talaga ako dinadalaw nang antok.

"Jewe—Fuck, tulog pala.”

Minulat ko ang mata ko ng marinig ang mahinang boses ni Monti. Kaylan pa s'ya nahiya kapag ganito ako? Parang kaylan lang sinigawan n'ya ako kasi nakatulog ako sa trabaho. Binigyan n'ya ako ng punishment at ginalaw ng wanto sawa para daw hindi na ako umulit.

Kaylan pa nakonsensya ang demonyito?

"Pasensya na nakatulog—” Hindi na n'ya ako pinatapos at may nilapag sa table ko.

"Drink this,” tinuro niya ang ilinapag niyang calamansi juice. "Baka pwede na iyan makabawas sa hangover? I don't know, just try it.” Nakapamulsang sabi niya bago bumalik sa swiveling chair niya.

Lumabas siya para lang ibili ako? Weh? Napatingin ako sa binili niya at sinuri ito. "Baka may lason 'to ah?” Bulong ko habang sinusuri parin ang juice.

"If you don't like it just throw it out.” Walang emosyong sabi pa nito nang mapansing may alinlangan ako sa binigay niya. "Hindi ako bumili niyan Jewel kundi si Mark, request nya iyan. Pansin n'ya daw kasi na masakit ulo mo so, thank him for buying that cheap drink.” Dagdag na paliwanag pa nito kaya nawala ang alinlangan ko.

Kay Mark naman pala galing e, bait talaga ng bestfriend ko. Boy bestfriend ko si Mark since day one. S'ya lang kasi laging kumakausap at sumasama sa akin, tapos minsan sya 'yung sumasalo ng galit ni Monti kapag may nagagawa akong ayaw nito.

May tumawag sa office telephone kaya agad ko itong sinagot. "Hi, good morning sir/ma'am this is the Governor office how can I help you?”

Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang linya bago sumagot. "It's me,” anito bago ulit mahinang tumawa.

"Mayor Clyde gusto nyo po bang makausap si Governor Monti?” Agad na tanong ko bago sumulyap kay Monti na nakatingin narin pala sa akin.

"No, tumawag ako dahil sayo haha. May hangover ka di'ba? You should rest ako na bahala kay Monti, and may binili nga pala ako para sayo just wait, bye.” Binaba na n'ya ang tawag kaya nalilitong tumingin ako kay Monti na wala paring sinasabi.

"Sabi n'ya may binili daw—” Agad n'ya akong pinutol sa sinasabi ko.

"Next time sabihin mo wag gagamitin office telephone. Dagdag gastos pa dahil sa harot lang naman, may phone ka naman.” Banas na sabi ni Monti.

Bakit galit? Kasalanan ko ba na tumawag si Clyde? Malay ko ba na ta-tawag si Clyde para lang sabihing may binili s'ya, at chichikahin lang ako. Ang hirap kasi sa bwiset na 'to sa akin lahat ang sisi eh.

Ikinalma ko ang sarili ko dahil baka mapatulan ko lang s'ya. Kanina lang ang bait tapos biglang naging asal demonyo na naman. Hindi ko na talaga maintindihan si Monti nakakagago na s'ya literal.

"Bakit natahimik ka?"

Walang emosyong binalingan ko si Monti. "Ano bang gusto mo daldalin kita?" Sarkastikang tanong ko.

"Bakit ba ang sungit mo?"

Bwiset talaga oh! Bandang huli ako pa pala? Ako pa talaga? S'ya nga itong natitimang nalang bigla at nagagalit ng walang malalim na dahilan.

"Bago ako tanungin mo Monti subukan mong humarap sa salamin at simulang tanungin 'yang sarili mo." Napairap nalang ako at sinubukang mag focus na sa trabaho.

"Sabagay pag broken talaga ganiyan." Kibit balikat na sabi pa n'ya na ikinakulo nang dugo ko.

Ngunit hindi ko na lamang siya pinansin dahil maasar lang ako lalo.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
wag muna isip o patulan si monti hahaha sasakit lang lalo ulo mo hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE GOVERNOR   CHAPTER 3

    NAPAHAWAK AKO SA MASAKIT KUNG ULO. Kinusot ko ang mata ko at napaupo bago iginala ang paningin. Hindi ko yata kwarto ito? Kaninong kwarto ba 'to? Napatingin ako sa gilid ko kung saan mahimbing na natutulog si Monti. "Nasa condo ba nya ako?” Bulong ko sa sarili ko bago inalog ang ulo ko para alalahanin 'yung ginawa ko kagabi. May ilang eksenang bumalik pero ang tanda ko lang ay 'yung sumakay ako sa kotse nya at tawa ng tawa? Nakakahiya 'yung ginawa ko kainis. May pasok pa pala ako, at sya rin late na sya. "Governor Monti gising na,” kinalabit ko sya. "May appointment pa po kayo ngayon diba? Matatambakan na naman kayo ng trabaho.” Dagdag ko pa habang kinakalabit sya."Leave me alone broken hearted woman. Masyado kang w*ld kagabi pinagod mo ako,” wika nya.Ha? Talaga ba? Ako ba 'yung w*ld o sya lang talaga? "Kaya pala mahapdi petchay ko na parang ayaw pa akong makalakad,” sarkastikang saad ko."Ikaw may gusto nyan Jewel. Sabi mo sige pa, id*in mo, ib*on mo pa at b*lisan mo. And now y

    Last Updated : 2022-12-20
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 4

    WALANG MAGAWA SA OFFICE. Boring talaga kasama ang boss ko. Kapag kasi focus s'ya sa work hindi talaga s'ya makakausap, at walang pwedeng umistorbo sakaniya.May kumatok kaya agad akong tumayo para buksan ito nang pinto. "Delivery ma'am, from Lover boy."Napakunot nuo ko. "Lover boy?" Bahagya akong natawa pero agad rin namang tinanggap. "Thank you," pasasalamat ko after pumirma. Nakapaper bag naman kaya madali lang buksan at malaman ang laman. Hindi pa naman ako gutom pinadalhan pa ako.Kinuha ko ang phone ko bago nag tipa para i-message si Clyde. Alam kong s'ya ang may pakana nito. At talagang lover boy pa huh? Iisipin pa ni Monti ay galing ito sa lalaki ko. Over thinker pa naman s'ya."Happy?" Sarkastikong tanong ni Monti habang masamang nakatitig sa akin. "Bakit masama? Ikaw naman may sabi di'ba? Kapag hindi ka interested hinahayaan mo, and now what? Dinidiktahan mo puso ko? Remember what you said last night? Sharing is caring. Saksing bahay si Mayor Galvez diyan." Sinalubong ko

    Last Updated : 2022-12-20
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 5

    "Pop corn you want?" Alok ko muli kay Clyde na seryosong inaabangan ang nakakagulat na part nang horror movie na pinanunuod namin. Napasulyap ako kay Monti na pawis na pawis habang seryoso rin na nakatutok, tapos si Clyde na halos wala na yatang balak kumurap.Napailing na lamang ako bago lihim na napangisi sa itsura nilang dalawa na mas mukha pang natatakot kaysa sa akin. Well, hindi naman kasi ako matatakutin kahit sobrang nakakagulat pa 'yan. Akala ko nga mala K-drama scene namin dito, pero sa lagay nilang dalawa sila pa 'yung mas malakas na sisigaw kaysa sa akin na babae. "I'm asking if you want—" Natigilan ako nang agawin ni Monti sa akin 'yung popcorn na inaalok ko kay Clyde. "I'm your boss hindi ba dapat ako ang inaalok mo? Singit lang naman ang isang 'yan. Hindi naman dapat nakikigulo rito 'yang attention seeker na 'yan e, kainis." Dinakot n'ya 'yung popcorn at isinubo sa bibig n'ya, bago masamang tumingin kay Clyde na busy parin ang atensyon sa hinihintay niyang scene. "E

    Last Updated : 2022-12-20
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 6

    "Bakit ka nga umiiyak?" Pangungulit ni Monti na ayaw akong tantanan. "Napuwing lang." Simpleng sagot ko bago tinuyo ang pisnge ko na basa na nang luhang ayaw mag pa pigil sa kakadaloy. "Marami kasing alikabok rito sa—" Hindi na n'ya ako pinag patuloy sa sinasabi ko."Sabihin mo nalang kung ayaw mong pumunta sa condo at mag stay. Hindi 'yung iiyak ka pa. Mark i-daan mo na nga itong broken hearted woman na ito sa bahay n'ya." Banas na utos niya kay Mark na agad namang sumunod. Bumalik si Mark at nilagyan nang bilis ang pagmamaneho. Nasa gate palang ako nang gate ay sinalubong na ako ng umiiyak na si Peachie. May awang lang kasi ang pinto nang bahay ko. Sinasadya ko 'yon dahil may CCTV naman sa bahay, at wala pa namang case nang pagnanakaw. Mababait naman ang tao sa lugar namin kaya kampante ako kahit makalabas si Peachie. "Cheap dog." Sambit n'ya bago nakipagtitigan kay Peachie. Tumahol ito sakanya at galit na pasugod na mabilis ko namang binawalan. "I hate you too!" Inis na sabi pa

    Last Updated : 2022-12-21
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 7

    Hindi ko alam kong iiyak ba ako o anong magiging reaction ko. Wala ako sa sarili para makapag isip nang maayos ngayon. Hindi ko inaasahan na sa pakikipag kaybigan ko sa isang Mayor madadawit ako sa ganitong issue. Madumi ang politika at iniisip kong baka kalaban ni Clyde ang gumagawa nito para mabutasan s'yaHindi ko mapipigilan ang media sa ngayon kaya wala talaga akong matatakbuhan kundi si Monti lang. May impluwensya s'ya at kayang alisin ang issue, pero nahihiya ako nang sobra. Sinabi na n'ya ito malamang masusumbatan na ako."Fuck!" Napatayo si Monti bago nag palakad-lakad sa harapan ko. "Fuck! This can't be! Masyadong mabilis. Bakit parang pakiramdam ko sinadya ang issue na ito? Bakit biglang kang—" Natigilan s'ya at agad na hinablot ang phone niya sa table. "I knew it! That bitch is so fucking idiot! Akala ba talaga n'ya hindi ko malalaman na pakana nya 'to?" Nakamasid lang ako kay Monti na kinakausap ang sarili n'ya. Ayaw kong makisawsaw dahil baka mabaling pa sa akin. Aminad

    Last Updated : 2022-12-21
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 8

    Mabilis lang ang takbo nang oras lalo't may mood si Monti na mapag-asar, pero minsan naman seryoso lang. Mahirap siya unawain kaya nabibilib ako sa sarili ko kasi natitiyagaan ko ang isang bipolar.Maaga kaming tumungo ni Monti sa stylist n'ya para pumili nang maisusuot na damit para sa party. Kaylangan ba talaga pumunta ako? Nakakabwiset ang babaeng iyon. Ipinahiya n'ya ako tapos ngayon pinapapunta n'ya kami na parang wala lang? Isa pang baliw 'yon. Mahihirapan nga yata talaga ako nang husto nito. "Welcome sir." Bati ng baklang designer. "Para po ba saan ang occasion sir?" Tanong pa nito habang malagkit na nakiting kay Monti."Welcoming party, and pati pala itong kasama ko. Gusto ko 'yung babagay sakaniya at mapapansin ang ganda n'ya." Hindi na ako nakapag react ng hilain ako bigla ni bakla. Tama ba ako ang rinig? Sinabihan n'ya akong maganda. Inuuto ba ako ni Monti? Gusto yata ni Monti maka-score mamaya kaya nambobola. "Ang swerte mo talaga! Isa kang maswerteng nilalang girl! Sa

    Last Updated : 2022-12-21
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 9

    Pinilit kong kumawala sa halik ni Monti. "Pwede mo namang gawin sa akin 'yan anytime Monti, pero kahit ngayong gabi lang sana. Pakiusap kahit ngayon lang hayaan mo muna akong mapahinga? Kasi sobrang sakit pa nito," tinuro ko 'yung puso ko."That's part of loving someone. Kaya nga ako never akong papasok sa relasyong wala akong kasiguraduhan." Napairap s'ya at ibinulsa ang kamay. "Nakakaawa ka," ngumisi s'ya sa akin. "You really love that stupid guy? Ikaw lang ang nasaktan habang s'ya masayang nakikipag—-"Hindi ko kayang marinig pa kaya pinutol ko na sinasabi n'ya. "Bakit kaylangan mo pang ipamukha na tanga ako? Oo Monti tanga nga ako eh! Tanga na nga ako! At least ako tanga ako sa taong mahal ko e, ikaw? Tanga ka lang pero walang dahilan." Kapag talaga napipikon ka tumatapang ka pala talaga. Sino namang hindi mapipikon sa mga pananalita n'ya? "At isa pa," ngumisi ako sakaniya. "Bakit parang nag mamalinis ka? Eh katulad kalang naman n'ya di'ba? Babaero, heart breaker at destroyer."

    Last Updated : 2022-12-21
  • THE GOVERNOR   CHAPTER 10

    "I saw you kissing in front of your fucking house Jewelry!" Napaawang ang labi ko habang gulat na nakatitig kay Monti. Nagagalit s'ya dahil lang doon? "So what?" Inis na tanong ko nang makabawi sa pagkagulat. Walang masama dahil wala naman akong boyfriend, wala na kami ni Anton. Bakit parang boyfriend ko s'ya kung umasta s'ya?"So what?" Pagak s'yang tumawa. "You cheated on—" Hindi s'ya natuloy sa dapat niyang sasabihin. "Fuck! I thought you still love Anton?" Napahilamos s'ya sa mukha niya. Namumula s'ya at talaga namang gusto yata niya akong saktan ngayon. Dahil lang sa nag halikan kami ni Clyde? "Anong problema mo? Sobrang big deal yata ng kissing scene namin ni Clyde sayo Governor?" Pagak akong tumawa. "Naje-jelly ka Gov?" Pang-aasar na tanong ko. "Jelly for what? Jewel, you know me." Lumapit s'ya sa akin at ginalaw ang hibla nang buhok ko. "Kiss me," utos n'ya bago nilapit ang labi niya. "The way you kiss that fucktard." Madiing wika niya bago kinulong ang mukha ko sa pala

    Last Updated : 2022-12-21

Latest chapter

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 27

    ILANG ARAW NA PERO WALA PA DIN SI Lucifer. Nawawalan na ng gana si Milli kung pupunta pa ba si Lucifer upang tuparin ang ipinangako nito. "Iba talaga nagagawa ng pagmamahal." Napabuntong hininga siya. "Oo nga e, Chichi." Sagot niya bago bigla niyang napag tanto na si Chichi nga iyon. "Kaylan ka pa umuwi?" Natutuwang tanong niya. Ang akala niya ay kapatid lang niya ito. "Ngayon lang hehehe, may kasama pala ako." Itinuro ni Chichi si Stella at Lucifer gamit ang bibig nito. "Excited na ako bess, advance congrats na din pala." Kinikilig na sabi pa nito na ikinailing na lamang niya. "Mommy!" Nakasibi si Stella. Sinalubong n'ya ito ng yakap. "Stella miss na miss na kita." Hinagkan n'ya ito sa forehead. "Milli." Napasulyap siya kay Lucifer. "I-Ikaw pala." Nautal pa siya. "Maupo kayo padating na si tatay at nanay galing bukid." Paliwanag niya. Ngunit patalikod pa lamang sana siya upang ipag handa ang mag ama ng hawakan ni Lucifer ang braso niya at hilahin siya pabalik bago siya nito

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 26

    Hindi nag papigil si Milli at tinuloy ang kaniyang pag uwi. Hindi dahil said mapride s'ya, kundi dahil sa nais niyang malaman kung hanggang saan ba s'ya kayang ipag laban ni Lucifer. Susundan nga ba s'ya nito? Baka naman kasi parang kabute lang ang pag-ibig ni Lucifer kaya naman nais n'ya itong subukin. Malayo ang byahe pauwi sakanilang probinsya. Hindi siya nag pahatid kay Manong B kahit pa nag pupumilit. Habang si Manang naman ay sinubukan siyang pigilan, maging si Chichi. Nais nga sana nitong sumama pauwi ngunit hindi siya pumayag. Maayos siyang nag paalam ay kay Stella. Iyak ito ng iyak ngunit kahit masakit sakaniyang kalooban ay tiniis niya ang lungkot at sakit. Hindi niya nais na mag talo pa lalo si Lucifer at ang ina nito. Maayos siyang nag paalam sa mga magulang ni Lucifer kahit pa hindi naging maganda ang trato sakaniya. ------FLASH BACK----Madaling araw siyang gumising upang hindi na siya abutan ni Lucifer. Lasing na lasing kasi ito dahil sa naging desisyon n'ya. Habang

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 25

    Masarap ang tulog ni Milli at ang panaginip niya ay maganda. Kagabi, sobrang saya n'ya dahil sa pag amin ni Lucifer. Ngunit kalakip ng saya ay may kabang nakaamba siyang inaalala. Paano nalang pala kung hindi siya nais ng mga magulang ni Lucifer?Ano bang maipagmamalaki niya?Wala naman siyang perang malaki, bahay na maganda o kotse na magara. Hindi rin siya nakatapos ng pag a-aral, tanging elementary lamang ang kaniyang tinapos. Hindi siya magtataka kung mamaliitin siya ng pamilya ni Lucifer. Bumangon na siya at tinupi ang kaniyang higaan. Isang malawak na ngiti ang inilagay niya sakaniyang labi bago lumabas. "Magandang umaga!" Masiglang bati niya ngunit nawala ang ngiti niya ng makitang hindi mag kandugaga ang lahat, maging si Manong B ay nagmamadali. Hindi na nga s'ya nito nagawang mabati, si Manang Dorry at Chichi naman ay nakakapanibagong hindi nag chi-chismisan. "Ano hong mayroon?" Hindi niya mapigilang istorbohin si Manang. "Bakit umagang-umaga ay nagmamadali kayo Manang?"

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 24

    SAMANTALANG SI LUCIFER NAMAN AY HINILA SI MAIREL palayo sa classroom, bago pa ito tuluyang mag eskandalo ay inilabas na niya ang desperadang dalaga. "Masakit daliri ko!" "For sure may mga sinabi kang masasakit kaya ka nasaktan ni Milli." "Oh my God! I can't believe na kinakampihan mo pa talaga ang hampas lupa na 'yon." Pagak na tumawa si Mariel. "Kapag nalaman ito nila tita—" Natigilan si Mariel. "Well, umm.. Alam na pala nila na isang hamak na katulong lamang ang lumalandi sayo.""Hindi mo hawak ang puso't isip ko Mariel. You can't control me, sa ginagawa mo mas lalo mo lang pinapahiya ang iyong sarili. May clinic ang school na 'to ipagamot mo nalang mag isa 'yang bali mong dalire." Tinalikuran na n'ya ito at agad na sumunod kila Milli. "Let's go Manong B." Malamig niyang utos bago napasulyap kay Milli na walang imik. "Sinaktan kava n'ya?" Hindi n'ya maiwasang kausapin si Milli. "Ako nanakit sakaniya Lucifer, pasensya na. Ayos na ba s'ya?" May pag-aalala sa tanong nito. "Malayo

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 23

    KUMIKIROT ANG PUSO NI MILLI habang pinapanuod si Mariel na game na game. Habang si Stella ay walang kasiyahan na nakikita at si Lucifer ay yamot din ang mukha. Ayaw nalang din kasi niyang mag eskandalo, at isa pa nobya ito ni Lucifer hindi siya maaring mag inarte. Nakasupport na lamang siya kay Stella at kahit paano ay chine-cheer up ito at pinapangiti. "Smile ka Stella!" Sigaw niya. Ngunit ayaw talaga nito. Nakailang games na, at sa last game ay bigla na lamang siyang itinuro ni Stella. Kaya naman lumapit ang guro nito sakaniya at may sinabi. "Ma'am request po kasi ni Stella na ikaw naman ang partner ng Dad niya." Nakangiti ito. Kita niya ang sibangot at galit na mukha ni Mariel. Padabog itong naupo at inirapan siya. Upang pag bigyan naman si Stella ay hindi na lamang niya ito pinansin. "Ang last game po para sa mga parents ay paper dance." Napapalakpak si Stella. "Kaya naman matira, matibay po ang labanan, at dito natin malalaman kung kaya nga ba kayong buhatin ng inyong mga pa

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 22

    "Tanghali na!" Napasigaw si Milli ng maalimpungatan. "Stella gising." Inalog n'ya ito upang gisingin na din. "Inaantok pa po—" Hindi n'ya ito pinatapos. "Family day ngayon." Tila ba hyper na hyper siya ngayong araw, o masyado lang talagang excited para kay Stella. "Hindi kaba excited?" "Oo nga po pala!" Agad itong bumangon. "Yehey! Family day na makakasama ko na po kayo ni Daddy." Natutuwang sabi nito kaya naman napangiti din s'ya. "Ihahanda ko lang ang damit mo tapos maligo kana." Bilin niya bago kinuha ang ginayak niyang damit nung nakaraang araw pa para kay Stella. Nag paalam na s'ya dito na gigisingin na din si Lucifer. Kaya naman agad siyang lumabas ng kwarto at kinatok si Lucifer. Tatawagin sana n'ya itong sir ngunit na aalala niya ang bilin nito na sa pangalan na lamang tawagin. "Lucifer gising kana ba?" Kumatok siya. Ngunit walang sumagot kaya pinihit n'ya ng dahan-dahan ang doorknob at sinilip si Lucifer. Nakita n'ya itong wala na sa kama kaya naman napakunot ang kaniy

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 21

    "Good eve—" Hindi na nakapag patuloy si Milli ng makita niyang nakapamewang si Lucifer at mukhang kanina pa s'ya hinihintay. "Pasensya na ginawa na ako." Napayuko siya dahil nakakapaso ang tingin nito. "Kamusta naman kayo? Maayos ba trato ng family ni Zacharias sayo?" Tanong ni Lucifer na agad niyang ikinatango. "Ayos naman, mabait din sila. Akala ko nga ay kapag nalaman nilang katulong lang ako ay magagalit sila."Napatango si Lucifer bago tumalikod. "Pahinga kana, maaga pa tayo bukas sa school.""Salamat po sir." "Just call me Lucifer." "Ok Lucifer."Patungo na sana siya sa maids room ng muling mag salita si Lucifer. "Sandali lang Milli.""Po?""Kayo na ba ni Zacharias?" Napakunot ang kaniyang nuo. Wala naman kasing ganun na nangyari sa pagitan nila ni Zacharias. Walang panliligaw, basta umamin lang ito sakaniya na agad naman niyang sinagot ng tapat dahil hindi s'ya 'yung tipo ng tao na nag papaasa. "Pero bakit mo naitanong?" Imbis na sumagot ay nag tanong din siya. "Neverm

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 20

    Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Nakuyom ni Lucifer ang kaniyang kamao.Eh bakit din ba kasi hindi pa s'ya umamin? Kaya naliligawan pa si Milli dahil wala naman silang relasyon, at wala itong alam sa nararamdaman niya.Napabuntong hininga siya bago tinanaw si Milli na palabas na ng bahay. Habang si Zacharias ay nag hihintay sa labas at pinag bukas pa ito ng pinto ng kotse.Mariin siyang napapikit. Bumaba siya at nadatnan si Chichi na kilig na kilig habang kumakaway sa kaybigan na nakasakay na sa kotse ni Zacharias. Nag tama muna ang paningin nila ni Milli bago ito tuluyang nawala sa paningin niya. "Ang swerte ng kaybigan ko sir." Kinikilig parin si Chichi. "Gusto mo sir ay tayo nalang kung wala talaga kayong karate ngayon? Maari naman ho ninyo akong pag tiyagaan muna.""No thanks Chichi." Malamig na sagot niya bago ito siningkitan ng tingin. "Ano bang gusto ni Milli sa isang lalaki?" Bigla niyang tanong. "Totoo nga ang balita na yayaman na si—" Natigilan ito bago sumeryoso. "Dahil

  • THE GOVERNOR   IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 19

    SINABI NI MILLI SAKANIYANG SARILI na kapag hindi ito na alala ni Lucifer ay wala na siyang babanggitin pa tungkol sa halik na nangyari. Ngunit si Lucifer pa pala mismo ang mag papaalala sakaniya ng nangyari. Pangyayaring pakiramdam n'ya hindi naman dapat talaga nila gawin. May nobya na si Lucifer habang s'ya ay isang hamak na katulong lamang, at ang tanging dapat na gawin at inaatupag niya ay ang pag-aalaga kay Stella at hindi an pang ha-harot kay Lucifer. "Huy!" Kinalampag ni Chichi ang lamesa kung saan ay kanina pang tulala si Milli kakaisip."Nakakagulat ka naman Chichi." Napahawak sa dibdib si Milli. "Akala ko'y kung sino na." Dagdag pa niya."At bakit parang kabadong-kabado ka?" "Wala, at sino naman nag saving kabado ako? Parang kang ano Chichi. Issue ka na naman, itigil mo 'yan." Saway n'ya sa kaybigan bago napabuntong hininga. "Kung sana ay mayaman lang tayo Chichi noh? Tiyak kahit sino ang mahalin natin ay maari kasi hindi tayo mamaliitin." "Problema mo? Parang ang drama m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status